Ikaw?
Gaano mo kamahal
Ang ating bansa?
Kaya mo bang mamatay
Para rito?
O isa ka rin sa mga duwag
Kagaya ko?
1898
"Gaano mo ba kamahal ang ating bansa, Conrado, at nagagawa mong hindi ako sundin?" Nanglilisik ang mga mata ng aking ama habang hawak-hawak n'ya sa kwelyo ang aming Kuya, ang panganay at nagiisang lalaki sa magkakapatid.
Tila ba nanlamig ang mga kamay ko habang nagtatago sa gilid ng pinto, sa kwarto ni Ama. Hating-gabi na at aksidente kong narinig ang pinaguusapan nilang dalawa.
"Mahal ko ang ating bansa... Kung kaya't nag-aral ako ng abogasya para ipaglaban ang mga naaapi, a-ama..."
Lalong hinigpitan ni ama ang kuwelyo ni kuya. "Anong magagawa ng pagtatanggol mo kung mamamatay rin naman tayong lahat?!" Nanggagalaiting sigaw ni Ama. Lalo akong nagtago ng maigi upang hindi maputol ang kanilang pinaguusapan.
Ano ba ang tinutukoy ni ama na hindi s'ya sinusunod ni kuya? Hindi ko maintindihan... Wala akong maintindihan!
"N-ngunit patawarin n'yo ako... D-dahil hindi ganoon kalaki ang pagmamahal ko sa ating bansa para magpakamatay nang dahil sa mga Amerikano..." sagot ni Kuya Conrado dahilan para lalong magalit at sapakin s'ya ni Ama ng napakalakas.
Napatakip ako sa aking bibig.
"Hindi nagpakamatay ang mga bayani natin para sa mga duwag na kagaya mo," huling sabi ni Ama at umalis na.
×××
2020, Disyembre 21
"Narito ka na pala..." Agad akong napatayo sa sopa nang makita si Nathan na kakapasok lamang ng bahay.
Kanina pa ako nagbabalak na magluto ngunit hindi ko alam kung paano. Wala silang kahoy man lang upang makapagpaliyab ako kahit papaano. Lalo lang akong nagtaka kung ano pang silbi ng mga nakasabit na kaserola malapit sa hapagkainan.
"Have you eaten?" Inalis ni Nathan ang suot n'yang itim na amerikana. Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa at narinig ko ang nasa isip n'ya, 'bakit hindi pa s'ya nagpapalit?'.
"D-dahil hindi ko na alam ang ipapalit ko," sagot ko na ikinagulat ni Nathan.
Lumapit s'ya sa'kin na nakasalubong ang kilay. "Anong sinasabi mo? Bakit mo alam kung anong iniisip ko?"
"H-ha? Ano... Ahh--" Bilisan mo ang pagpapalusot, Catalina! "D-dahil tinignan mo ako! Oo, tama! Tinignan mo ako mula ulo hanggang paa."
Napangisi s'ya at nagtungo sa kusina. Malaki ang pinagkaiba ng bahay niya sa hacienda namin, mas sopistikada ito ngunit simple. Hindi masakit sa mata, walang masyadong disenyo ngunit malalaman mong mayaman ang nakatira.
"I said, have you eaten? Mukhang maputla ka na. Didn't you went to a fast food? Or ordered something?" Naglakad uli s'ya palapit sa'kin, naka-tupi na ang kaniyang puting polo, dahilan para lalo akong makaramdam ng iba. Magluluto ba s'ya? Para sa'kin? "Hey, Sierra, wala ka bang dila?"
'This is odd. Dati naman hindi n'ya ako tinititigan ng ganito, did she just have... An interest with me?'
A-ano?! Napaiwas ako ng tingin, alam n'ya palang tinititigan ko s'ya?
"M-magluto ka na, gutom na ako," sabi ko na lang at umupo sa sopa.
×××
Hindi na pala kailangan ng kahoy upang magpaliyab, sa panahong palang ito ay uso na ang isang pihit, isang lagay, at wala pang kalhating minuto, may pagkain ka na.
Sinundan ko si Nathan umakyat ng hagdan papuntang kwarto, kung saan nangyari ang nakahihiyang pangyayari kanina, sanay ba talaga s'yang walang saplot pang-itaas tuwing matutulog?
Binuksan n'ya ang isang malaking rektanggulong bagay, at lumiwanag iyon, lumabas ang mga tao na nagsasalita. May tagalog, ingles, kadalasan pinaghalo. May kinuha s'yang maliit na bagay para ilipat ang palabas, sa isang pelikulang mukhang Amerikano ang bida.
Nakaupo kami sa magkabilang dulo ng kama.
"H-hindi ka ba magpapalit? Hindi naman 'yan ang sinusuot mo tuwing m-matutulog ka..." Hindi s'ya makatingin sa akin kaya nanood na lamang s'ya sa palabas.
"Ganoon ba? Kung gano'n, maliligo na ako mamaya," sagot ko. May mahahanap pa ba akong katulad ng ganitong suot ko? O bumili na lamang kaya ako bukas?
"S'ya nga pala, nakita ko si Papa, kinakamusta ka n'ya. I s-said you're fine... Hinihintay ka rin n'ya kung kailan ka uuwi--"
Itinaas ko ang kaliwa kong kilay nang matigil s'ya sa pagsasalita. Bakit s'ya tumigil? At parang hindi s'ya kumportable sa pinaguusapan namin? Sino si Papa?
"Oh, sorry... I-it's okay, alam kong hindi mo pa kayang pag-usapan ang tungkol sa daddy mo." Bumalik na s'ya sa panonood at hindi na muli nagsalita pa.
May hindi rin pagkakaintindihan si Sierra at ng kaniyang ama?
Hindi ko maiwasang isipin na magkapareho lamang kami ng kalagayan. Hindi rin maayos ang pakikitungo namin ni ama sa isa't isa, lalo na nang mamatay si Kuya Conrado...
Paano kung ang katauhan talaga ni Sierra ang s'yang pangalawa kong buhay?
"Sierra, maybe you want to rest now, matulog ka na," sabi sa akin ni Nathan. 'Will she sleep here? I knew she hate this...'
"Mamaya na ako mahihiga, lalagyan ko ng hati itong kama pagkatapos kong maligo," sagot ko at ngumiti.
'What the? Hati daw? The heck is that? Pfft.'
Hindi ko maintindihan ang sinabi n'ya kung kaya't nagtungo na ako sa banyo.
×××
2020, Disyembre 22 --> Manila Bay
Umupo ako sa harapan ng ngayo'y tinatawag nilang Manila Bay. Noong bata pa ako, madalas kaming nagpupunta sa daungang ito tuwing bibisitahin ang aming mga pinsan.
Madumi. Maraming tao. Ngunit malamig.
Maraming disenyong pamasko ang nagkalat sa gilid ng siyudad at matataas na gusali, may nakatayo ring belen sa hindi kalayuan. Ramdam na ramdam ko ang pasko sa mga tao.
Napalingon ako sa lalaking batang paslit na katabi ko ngayon. Nagtapon s'ya ng isang maliit na plastik sa tubig at parang walang pakialam sa kaniyang nagawa. "Bata... Hindi ko na iuuutos na pulutin ang itinapon mo ngunit huwag mo nang ulitin pa, naiintindihan mo?"
Lumingon sa akin ang bata. "Bakit ko hindi uulitin, eh wala akong nakitang basurahan e!" Ipinagkrus n'ya ang kaniyang braso. Marumi s'ya at pawis na pawis. "Tiga-saan ka, ate? Dito ka rin ba magpa-pasko? Mas ok dun sa Luneta, maraming paywoks do'n."
"Paywoks?" Pag-ulit ko sa sinabi n'ya.
"Oo, yung may shing~ shing~ boom!" aniya. "Hindi mo alam 'yun, ate?"
"S-syempre, alam ko ang b-bagay na iyon," pagsisinungaling ko upang hindi ako mahalata.
Bumuntong-hininga ang batang paslit at niyakap ang kaniyang mga binti. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapansin kong pareho sila ng kilos ng aking Tito Rodi -- ang bunsong kapatid ng aking ama.
Nilibot ko ang aking paningin at dinama ang paghampas ng hangin. "Maniniwala ka ba kung... Nakakulong ako ngayon sa hinaharap?"
Bata naman s'ya, alam kong makakapaglabas ako ng aking nararamdaman.
"Po?" Napatingin s'ya sa akin at mukhang nagugulumihanan. "Sabi ni nanay, okay na ho yung mastuck sa future kaysa sa past."
Kumunot ang aking noo. Ano ba ang tinutukoy n'ya?
"Ano bang ibig mong--"
"Sabi ni nanay sa ate ko mas okay na yung umuusad kaysa hindi maka move-on sa nakaraan. May mga bagay daw talagang nagbabago... Tulad ng pagmamahal nung bad na lalaking yun... Iniwan nya si ate. Pangit n'ya, lul," aniya.
Hindi ko man maintindihan ang sinasabi n'ya, alam kong malayo ang pinupunto nya sa sinasabi ko... Dahil sa mundong ito ako lang ang nakakaalam kung tiga saan ako... Kung paano ako napunta rito.
Pero hindi ko na alam kung paano pa bumalik.
"Sige, ate. 'Di ko gets sinasabi n'yo e, mukha namang hindi kayo baliw, at nakagawa ng taym maching. Una na 'ko, ate. Ingat ah!" Tumayo na s'ya at tumakbo palayo. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil magkasing kulit rin sila ni Tito Rodi.
Nilibot kong muli ang aking paningin sa mga nagtataasang gusali. Hindi man ako pamilyar sa lahat, hindi ko na gagawin ang tumakas pa, dahil sa una pa lamang si Tiya Alondra na ang nakakaalam ng lahat. Bumuntong hininga ako, Pilipinas pa rin ba ito?
"Oo, ito pa rin ang Pilipinas."
Dahan-dahan kong nilingon ang pamilyar na boses na nagsalita mula sa aking likuran. Nakatayo s'ya, suot ang kaniyang itim na Trahe de Mestiza at madilim na aura. Nakatingin lamang s'ya sa maulap na kalangitan.
"Sa panahong ito, umusbong ang teknolohiya at komunikasyon sa pagitan ng mga tao. Mas dumami ang tao, lumakas ang ekonomiya ngunit lumalaglag na ang agrikultura."
Pamilyar sa akin ang kaniyang tinuran, para bang narinig ko na iyon sa kung saan.
"Tiya Alondra..."
"Ngunit ang nakakatawa, ay hindi na nakakasabay ang ating bansa sa iba pang maunlad na bansa. Hindi ba't nakakahiya?" Ngumisi s'ya at sa wakas, tumingin na rin s'ya sa akin.
B-bakit hindi ko marinig ang iniisip n'ya?
Hindi ko inaasahan na matawa s'ya nang makita ang aking suot.
"Binibini, sa panahong ito hindi na uso ang makakapal at mahahabang damit sa mga kababaihan, hindi mo ba naririnig ang mga iniisip ng ibang tao?"
Iniwas ko ang aking tingin dahil sa kahihiyan. "N-naririnig ko lang sila tuwing tinitignan nila ako."
Inikot n'ya ang kaniyang mata at pinaypay ang dalang abaniko. "Weirdo."
"T-tiya? Pati ikaw ay nagsasalita na rin ng ganoon? B-bakit naiintindihan n'yo sila?"
Tiga rito ba s'ya sa panahong ito?
"Haay, Catalina. Marami nang nagbago sa gawi at pananalita ng mga Pilipino. Kaya nga binigyan kita ng kakayahang marinig ang iniisip nila upang bumagay ka sa pamumuhay nila, hindi mo ba naiintindihan?"
"Ngunit... Iminulat mo lamang ang aking mga mata sa kung gaano mapanghusga ang mga tao sa panahong ito, hindi n'yo ba napapansin?" Nagsimula na akong mainis nang naalala ko ang mga iba't ibang uri ng taong nakilala ko.
"Hija, ayusin mo na ang iyong pananamit. Hindi na isyu ang paglalantad ng iyong kutis, ngunit mag-iingat ka sa mga lalaki sa paligid. Itigil mo na ang pagsasalita ng purong Tagalog dahil may halo ng Ingles ang mga iyon. At ang pinakahuli..." Lumapit s'ya sa akin at tinignan ako ng mariin. "Pinakahuli ay huwag kang umastang boba."
B-boba?
"Huwag mong ipakitang wala kang alam sa mundong ito kung hindi ay tatawanan ka nila." Ngumisi s'ya at ipinaypay ang kaniyang abaniko.
"S-sino ka ba talaga? Imposibleng nanggaling ka rin sa panahong ipinanganak ako... Ano ba ang iyong plano? Tiyak na nag-aalala na sa akin ang mga magulang ko!"
"Huwag ka nang magalala pa, dahil si Sierra na ang napunta sa iyong panahon." Ngumisi s'ya at mas lalo akong nilapitan. "Marahil kailangan mo s'yang pasalamatan pagdating ng panahon na magkita kayo, dahil s'ya ang dadalo sa altar upang makipagisang-dibdib kay Heneral Rafael."
I-ibig sabihin ba nito, hindi si Sierra ang ikalawa kong buhay...?
"A-ano?! Tiya -- bakit mo ginagawa sa amin ito? Bakit mo pinagpalit ang aming kaluluwa?! Ibalik mo na kami!"
Inilayo na n'ya ang kaniyang mukha sa akin at dinama ang humahampas na hangin. Para bang pinapakalma n'ya ang kaniyang sarili.
"Sinabi ko na sa iyo, Catalina. Makakabalik ka lamang kapag nagawa mo na ang iyong misyon na alagaan si Nathan, hanggang sa makabalik na ang kaniyang asawa." Tinignan n'ya ako at ngumisi. "Naiintindihan mo?"
"N-ngunit-- sandali!"
Huli na ako... Dahil tuluyan na s'yang nawala na parang bula.
"B-bakit..." Bigla akong nanghina. Matatagalan pa ba ako sa panahong ito? "Bakit ako pa..."
Bakit ako ang pinili n'ya?
Maria ClaraDid not faint,Simply because the FilipinosDon't know how to faint1911Binibini, Ginoo,Natatandaan mo pa ba noong una mo s'yang nakita?Ako, oo. Tandang-tanda ko pa ang unang araw nang makita ko ang lalaking pinapangarap ko hanggang ngayon. Linggo noon at balak kong balikan si Ate na akala ko ay nagdadasal lamang sa simbahan."Ano ba ang dahilan ng iyong pagkapoot... Binibini?"Napatigil ako sa paglapit kay Ate Clarita. Umiiyak s'ya habang nakaupo sa isa sa mga mahahabang upuan ng simbahan. Hindi gaano lumapit ang lalaking ang ngalan pala ay si Isigani, dahil mahigpit na ipinagbabawal ang ganoon kung hindi naman mag-nobyo."P-puwede ba, G-ginoo! Huwag mo a-akong kausapin, gusto kong mapagisa!" ani Ate Clarita sa gitna ng pag-iyak.Tinitigan ko ng mabuti si Isagani, puno ng awa ang nakikita ko sa mga mata n'ya. Lingid
Minsan,Nakikita ng pusoAng hindi nakikita ng mata.1911"Ngunit bakit biglaan naman ang iyong pagdedesisyon?" tanong ni Ina."Matagal ko na po itong pinag-iisipan," pagsisinungaling ko. "Ama, ina... Desidido na po akong mag-aral sa Los Banos.""Catalina, alam mo namang hindi ko na kaya pang mawalay kayo ni Crustacia sa aming paningin hindi ba?" ani Ama."N-ngunit... Bakit si Ate Clarita ay hinayaan po ninyong mag-aral roon?""Iyon ay dahil kaya nang mag-isa ng iyong kapatid, nasa ugali na rin n'ya ang pagiging matapang na babae at hindi basta-basta magpapatalo kung kaya't pumayag na kami ng iyong Ama."Napabuntong hininga na lamang ang aking Ama. "Kung gayon ay papayagan kita, basta't uutusan ko ang iyong kapatid na bantayan ka roon sa Los Banos. Tuwing huling linggo naman ng bawat buwan ay uuwi kayo, naiintindihan mo ba, Catalina?"
Ang isang magandang panaginip,walang karugtong,walang katapusan.Kaya dapat,hindi dinudugtungan,para habambuhay na langna maging isang napakagandang panaginip.1912Isang taon na. Isang taon ko na s'yang sinusundan patago sa Unibersidad. At ngayon, naririto ako sa likuran ng malaking puno habang sinusulyapan ang paguusap ni Isagani at ng mga kaibigan n'ya."Balita ko ay kalahating taon ka nang ninanakawan ng tingin ni Paulina, hindi ka ba nagkakaroon man lamang ng interes sa kaniya?" tanong ng lalaki kay Isagani. Nakaupo sila sa damuhan at nagpapahangin."Tama si Alejandro, maganda s'ya at mabait. Huwag ka nang magpaka-torpe pa dahil tiyak na maraming nagbabalak na mangligaw kay Paulina," tatawa-tawang sabi naman ng isa.Tumawa si Isagani. "Alam n'yo namang may naitatago akong pagibig sa isang Fernandez."Nanlaki ang mga mata ng kaniyang kaib
Sa bawat luha,May ngumingiti.At sa bawat sakit,May nabubuhay.1912"Hwag mo na nga ako sundan! Nasaan na ba ang kahihiyan mo, Ginoo?" Inis na sabi ni Ate Clarita.Naka-tanaw lamang ako kila Isagani sa hindi kalayuan na ngayon ay lumapit sa kaniya upang sabay silang mag merienda sa ilalim ng puno. Ito ang madalas puntahan ng mga estudyante sa Unibersidad."Ngunit bakit? Heto na nga at sinasamahan kita, malungkot ang kumain mag-isa." Ngumiti si Isagani kay Ate Clarita at nagumpisang kumain.Si Ate Clarita naman ay nanatiling mailap sa kaniya sa hindi malamang dahilan. Ganito talaga ang ugali ng aking kapatid, malayo sa kalalakihan at masungit. Ngunit ang nakapagtataka ay parang noon lamang, malapit na s'ya kay Ginoong Isagani, ngayon naman ay parang gusto na n'ya itong isumpa."Pagkatapos ng nangyari kahapon? Ginoo, hindi magandang biro ang iyong ginawa! Alam mo n
Bakit ang mga namamatay lamangAng nagiging bayani,Bakit hindi pati ang mga taongNabubuhay sa pagdurusa,Dahil sa gobyernongMagnanakaw sa bayang sinilangan.1912"I-isagani..."Naistatwa ako sa tapat niya pagkabukas ko ng pintuan. Bakit s'ya naririto? Paano n'ya nalaman ang dormitoryo ko? S-sinundan n'ya ba ako?Napatingin s'ya sa loob ng aming dormitoryo, at napatitig sa isang malaking larawan kung saan naroroon kami ni Ate Clarita, ako at si Crustacia. Nilipat n'ya ang baling sa'kin saka nagsalita."Kung gayon ay ikaw pala ang isa sa kapatid ni Clarita, dapat ay maging mabait ako sa iyo," ngiting sabi ni Isagani.Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kaniyang makisig na mukha. Wala man lamang bakas ng sugat ito, mapula rin ang kaniyang labi... Ngayon ko lamang s'ya nakita ng malapitan."B-bakit ka nga pala napunta rito...?" tanong k
Kung naniniwala kayongAng intensyon ng mga AmerikanoAy ang tulungan tayo,Pwes!Para kayong mga birhenNa naniniwala sa pagibigNg isang puta!- Antonio Luna, 1898 1912"Natutuwa akong malaman na ang dahilan ng aking anak sa paglipat ng Los Banos ay upang makita ang kaniyang matagal ng napupusuan. Catalina, hindi ka nagkamali sa pagpili,” nagagalak na sabi ni ama na nasa gitna ng aming hapagkainan.Kasalukuyan kaming naririto sa aming hacienda sa Maynila nang ibatid ni Don Emilio, ang ama ni Isagani, na nahuli kaming magkasama sa hardin ng Unibersidad. Ang aking mga magulang naman na si Dona Perpetua at Heneral Rogelio ay naniwala sa balitang iyon. Agad nila kamin
Ang sikreto ay parang sakit sa kaluluwa,Kinakain nila ang mabuti,At pinananatili ang kasamaan sa likod nito.1912TILA NATAWA ang lahat nang marinig ng mga magulang namin ang sinabi ni Isagani.“Pagpasensyahan niyo na ang anak namin, alam nating wala pa sila sa hustong edad para magpakasal sa isa’t isa. Marahil kailangan natin na iplano ang kasal sa katapusan ng taong ito,” ani Don Emilio at palihim na sinamaan ng tingin si Isagani.Napatango ang aking mga magulang. Samantalang si Isagani ay pinipigil ang nangangalit na mga ngipin, alam kong sa mga panahong ito ay gusto na niya kaming isumpa.“Sakto dahil labing walong taong gulang na si Isagani sa susunod na buwan, talagang itinadhana si Isagani para kay Catalina,” anang Dona Isabel, kita sa kaniyang mukha ang kagalakan.
Kung walang kurap,Walang mahirap.1912"A-ate," tanging naiwika ko. Inalalayan ako ni Isagani makatayo. Lumayo agad siya nang makita si Ate Clarita na may nagdududang tingin. "Paumanhin kung ganito ang naabutan mo, Binibining Clarita. Muntik nang madulas si Catalina kung kaya't agad ko siyang sinalo," ani Isagani. Hindi niya matignan ng diretso sa mata ang aking kapatid. Umarko ang kilay ni Ate Clarita. Nilipat niya ang tingin sa akin, kung kaya napalunok ako. "Hindi ba dapat nasa dormitoryo ka na?"
Ating balikan ang unang kabanata,Ang simulang walang katapusan.Tunghayan ang huling kabanata.Huling prosa sa kawakasan.1913NILIBOT ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay."Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa ng paandarin ang kalesa."Sa daungan po papuntang Maynila." Inayos ko ang laylayan ng aking Trahe De Mestiza nang makasakay na sa loob.Kinuha ko ang isang kulay-kape na libro mula sa'king maleta. Napulot ko lang ito sa lamesa ng aming silid-aralan at nalimutan ko nang ibalik pa. Sinimulan kong tignan ang unang pahina ngunit blangko iyon, kaya dumiretso na ako sa ikalawa.&
Ang katapusanAy laging may simulaNgunit may mga simulangHindi na nakikita ang katapusan.1913."Hindi mo pa ba alam ang balita?""Anong balita?""Pumanaw na si Clarita, iyong magaling makipag-argumento sa propesor?""S-sandali! Wala na siya? Paano?""Ang sabi sabi, pinatay s'ya ni Ginoong Isagani ngunit bago iyon, ginahasa n'ya muna si Clarita.""Isagani? Hindi ba't si Catalina ang nobya n'ya? Nakatakda na ang kasal nila sa susunod na buwan 'di ba?"Tumigil ako sa pagkain sa kapiterya ng aming Unibersidad. Palagi na lamang bang ganito? Mababaliw na ako sa mga bulong nila. Animo'y bubuyog na nagpapasakit ng tenga ko!Pilit kong pinakalma ang sarili."Aalis na ako."Sapat na ang aking boses upang patahimikin ang lahat. Hindi sila makapaniwa
Balikan natin kung saanNagsimula ang lahatUpang sa gayo'yMagawa na nating bumalikSa pinagmulan.1913.Inangat ko ang tingin sa kaniya.Tahimik s'yang pumasok sa kwarto kung saan pwedeng magusap ang bisita at mga nakakulong.Mahigpit kaming binantayan ng mga sundalo at binigyang magusap ng kaunting minuto.Balisang umupo si Isagani sa'king harapan.Huminga muna ako nang malalim bago s'ya kausapin. "Kumusta ka? Maayos ba ang lagay mo rito?"Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin s'ya sumasagot.Ikinuyom ko ang nanginginig kong mga kamay. "M-magsalita ka naman," pinipigilan kong umiyak habang tinititigan s'ya.Nakatungo lamang s'ya at balisa."Nag-aalala na ako sa'yo... Alam mo bang tumakas ako sa'min kahit labag sa kagustuhan ni ama?"
Ang pagibig ay hindi kailanmanMagiging marahas,Ito ay mapagubayaAt nagpapahalaga.1913.Naalimpungutan ako at napakamot sa mata.Tinanaw ko ang bintana at kumurap ng ilang beses.Nakarinig ako ng bulungan sa labas ng aking kwarto. Marahil iyon ay ang aming mga katulong.Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na sigaw kung kaya't napaupo ako sa kama."Kay Imelda ba ang boses na 'yon?" Tanong ko sa'king sarili.Nagsigawan na rin ang iba pang katulong, dahilan para lumabas ako ng kwarto at puntahan sila."A-anong nangyayari?"Nilapitan ko sila na nasa may pintuan ng aming hacienda."S-s-si binibining Clarita..." Ani Imelda habang nakatingin sa labas ng aming pintuan.Tinignan ko ang nasa harapan namin.
Mas masahol pa sa hayopAng magkunsintiSa maling asalNa ginawa ng isang tao1913Kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa buong hapagkainan."U-umalis na nga po pala si Adam noong isang araw... May ensayo po sila sa Amerika," pagpapa-alam ni Ate Clarita sa aming lahat."Kung gayon bakit hindi man lang s'ya nagpaalam sa'kin?" sagot ni ama.Napatigil sa pagkain si ate. Ang katabi ko, si Isagani, ay napatingin sa kan'ya."Labis po s'yang nagmamadali dahil huli na raw po s'ya sa daungan, ama," aniya at nagpatuloy sa pagkain.Ibinaling ni ama ang atensyon kay Isagani. Mukhang wala s'ya sa tamang timpla dahil sa inilahad ni ate."Hijo, bakit hindi kita mahagilap noong isang linggo?"Tama si ama. Ni anino n'ya ay hindi ko nahagilap sa buong linggo kong pamamalagi sa
Kailangan bang gawin moAng lahat upang matanggap kaSa lipunangpuno ng mapanghusga?1913.Isang linggo ang lumipas.Nobyo.Paulit-ulit kong inisip ang huling sinabi ni Ate Clarita.May nobyo na s'ya?"Ina, Ama, manliligaw ko po... Si Adam," pagpapakilala ni Ate sa mga magulang namin.Nagsama-sama kami ngayon sa sala dahil sa 'di inaasahang bisita.Katabi n'ya ang maputi at matangkad na lalaki. Amerikano nga s'ya. Hindi nakapagdududa."Hi, Madamme and Mister Fernandez. Nice to meet you all," wika ng kanyang nobyo. Ngumiti naman si Ina at Ama."Manliligaw? N-ngunit akala ko'y--"Pinanlakihan ako ng mata ni Ate. Senyales na hwag ko munang ibunyag na mag nobyo na sila."A-ang ibig kong sabihin... Bakit ngayon mo lamang s'ya pi
Ibabalik kita sa nakaraan,Nang bumalik sa'yo ang lahat,Kung saan ka nagmula,Hanggang sa kung ano ka ngayon.1913"A-ate..."Para bang nagunaw ang mundo ko nang makita si Ate Clarita. Parang kanina ay kausap ko si Isagani tungkol sa kaniyang pagbalik... P-pero ngayon ay nandiyan na siya."Mukhang ako na lamang ang hinihintay ninyo sa inyong kasal. Masaya ako dahil halatang mahal na mahal niyo ang isa't isa," sabi ni Ate Clarita nang makalapit sa amin."C-clarita." Napatayo si Isagani mula sa kaniyang pagkakaluhod."Naririto ka na pala," hindi ko makapaniwalang sabi. "B-bakit hindi mo kami pinadalhan ng sulat nang sa gayo'y nasundo ka namin sa daungan," dagdag ko.Tumingin sa akin si Ate... Na parang wala na sa kaniya ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon."Wala na akong oras para sulat
Huwag kang matakotNa harapin ang buhaySapagkat ang nakakatakotAy ang hindi mo na magawaAng dapat mong gawinBago ka pa mamatay1913"Puwede ba kitang... M-makausap?"Napalingon sa akin si Isagani. Pinuntahan ko siya rito sa kanilang silid-aralan. May nais akong sabihin.Pumayag naman s'ya. Naglakad kami patungo sa hardin rito sa Unibersidad -- kung saan kami nahuli ni Don Emilio.Tumigil sa paglalakad si Isagani. "Ano'ng sasabihin mo?""A-ah, uh..." Nauubusan ako ng salita sa harapan niya. "D-dalawang taon na." Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig.Bumuntong hininga si Isagani. Pinagkrus niya ang kaniyang braso at mariing tumingin sa akin.Kinagat ko ang aking labi. "Hanggang kailan ba tayong ganito, Isagani?" Diretso kong tingin sa kaniya."
Sa sampung taong makikilala mo,Iyong lima, nakakain na.Iyong dalawa, nakabili na.Iyong tatlo, mangungutang pa lang.1913, September."Isagani, mamasyal muna kayo ni Catalina. Basta't bago mag alas-dyis, naririto na kayo, ha?""Po?"Bumuntong hininga si Dona Isabel. "Ano ba anak, ngayon lang uli kayo lalabas ni Catalina," aniya habang nagluluto ng handa."M-masusunod po, Ina."Hinila ako ni Isagani palabas ng kanilang bahay. Plano ng mga magulang namin na magsimba mamaya. Pasasalamat sa patron ng aming bayan."Gusto kong pumasyal sa parke. Mauuna na ako. Magkita na lamang tayo sa unang kanto pagkatunog ng kampana ng simbahan," wika ko."Huwag."Bahagya akong nagulat. "B-bakit?"Huminga ng malalim si Isagani, saka tinignan ako sa mga mata. "Nais