History
Does not repeat itself
It is men who never learned
From the past
Who repeat history
2020, Disyembre 21
"Alam mo ba kung ano ang pinakanakakatakot na mangyayari sa'yo?"
Tandang-tanda ko pa noong magkasama kami ni Ina na tanawin ang bayan sa munting burol. Tandang-tanda ko rin ang kaniyang sagot.
"Ang mawala."
Hindi ako nalagutan ng hininga, hindi rin ako nagkasakit at namatay... Nawawala ako.
Z
Nawawala na ako sa panahong kinagisnan ko.
Mabilis akong napalingon nang biglang lumitaw si Tiya Alondra sa hangin. Gulat man, pilit kong nikalasan ang loob upang magsalita. "B-bakit ako naandito?!" Inilibot ko ang aking paningin; simple ngunit eleganteng bahay, isang lalaking mahimbing na natutulog at iba na ang kaniyang katauhan.
Hindi na ba ako si Catalina?
"Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sayong idinala kita rito upang magsanay para sa nalalapit mong pag-aasawa." Ngumisi s'ya at mariing tumingin.
"Kalokohan! Bakit nasa ibang katawan ako? A-at sino s'ya?! Sino 'to?!"
"Maiintindihan mo rin ang lahat habang ginagawa mo ang iyong misyon."
"M-misyon?" Halos pabulong kong sabi.
Ngumiti s'ya sa akin. "Misyon mo ay alagaan ang iyong asawa." Tumalikod na s'ya at bago pa tuluyang maglaho, narinig ko ulit s'yang nagsalita, "S'ya nga pala, kung may kakaiba kang nararanasan, pansamantala lamang iyan para lalo kang masanay sa bago mong buhay."
Napaatras na lamang ako sa takot at kaba. Anong nararanasang kakaiba? Hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat...
Makakaalis pa rin ba ako rito?
Nilibot ko ang buong silid. Nakita ko ang isang larawan na nakasabit sa dingding, hindi ito katulad ng dati na malabo -- makulay na ito. Larawan ng dalawang magkasintahan...
"Nathan Hernandez and Sierra Hernandez Nuptial"
Sierra... Ang pangalan ng kung nasaan mang katawan ako ngayon?
Napansin kong hindi s'ya nakangiti. Walang bakas ng kagalakan o kung ano man. Si Nathan naman, o ang lalaking natutulog ngayon sa kama ay ngiting-ngiti sa larawan.
Tinignan ko ang katawan ko. Aaminin kong mas malaki ang dibdib ko kaysa kay Sierra. Magkasing haba lamang kami ng buhok ngunit mas makinis at maputi s'ya kaysa sa akin.
Lumapit ako sa posibleng lalagyanan ng mga damit ni Sierra. Maraming magagandang damit ngunit hinahanap ko ang Trahe De Mestiza o Terno rito, ngunit wala ni isa.
Kinuha ko ang hanggang tuhod na damit ngunit walang manggas, kulay-rosas ito. Kumuha na rin ako ng isang itim na belo. May nakita akong damit pang ibaba sa gilid ng kabinet, sa bulsa nito ay maraming pipisuhin kaya't kinuha ko. Marami-rami rin akong mabibili sa baryang ito!
"Sierra?"
Agad akong napalingon sa lalaking kabahangon lang.
"Ay Diyos ko, susmaryosep!" Halos madali ko na ang kabinet dahil sa gulat. "B-bakit wala kang damit?!" Tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa; matangkad, maputi at makisig s'yang binata.
'Huh? May short naman ako, ah. Tsaka kailan pa s'ya natutong tumawag sa Diyos?'
"A-anong sabi mo?" tanong ko pa habang hawak ang aking dibdib.
Kumunot ang kaniyang noo at pumaewang. "H-huh? Hindi naman ako nagsasalita ah. Teka nga, bakit ganyan ang suot mo? Sisimba ka ba?"
"Pwede bang magsuot ka muna ng damit? Nagt-trabaho ka ba sa palengke para maghubad ka? Diyos ko!" Napa-tanda ng Krus na lamang ako at umiwas ng tingin.
'She's weird.'
"A-anong wird?!"
'Huh? Pano n'ya nalaman kung anong iniisip ko?'
A-ano? Iniisip n'ya?
'Weirdo talaga.' Tapos ay dumiretso s'ya sa isa pang silid sa loob ng kwarto.
Lalo akong napasinghap nang mapagtanto ko na naririnig ko ang iniisip n'ya kahit hindi naman bumubuka ang kanyang bibig! O Diyos ko! Tulungan mo ko!
Ito na ba iyong tinutukoy ni Tiya Alondra? Ano ba talaga s'ya? Anong klaseng tao o engkanto siya?
"A-ano ang iyong ginagawa?" Pagtukoy ko nang pumunta s'ya sa isa pang silid.
"Maliligo na 'ko, maaga ako ngayon. Gutom ka na ba?" Dumungaw s'ya sa pintuan. "Ipagluluto muna kita."
"H-ha?" Kailan pa natutong magluto ang mga kalalakihan? At kailan pa naging sunod-sunuran ang lalaki sa kababaihan?! "H-hindi na kailangan! Sa katunayan... lalabas ako ngayon para mamili sa palengke, nais ko kasing pumasyal ngayon."
'At bakit naging manang ang style ng babaeng 'to? Hinding hindi nga s'ya nakatapak sa palengke kahit kailan, tss.'
Napaiwas ako ng tingin. Bakit ba naririnig ko ang iniisip n'ya? O baka guni guni ko lang 'yon?
"Okay... May pera ka ba?" Nakadungaw pa rin s'ya sa pintuan habang salubong ang kilay.
"Oo, may pera ako," ani ko at ngumiti. Marami akong mabibili sa perang ito, hindi ko naman akalain na mayaman pala ang mag-asawang ito.
'Hindi ba dapat ginagamit n'ya yung credit card?' rinig kong tanong n'ya sa sarili.
Credit card?
Napatigil ako saglit nang hawakan ako sa kamay ni Nathan. Nagutla ako doon kung kaya't inalis at lumayo ako kaagad. Hindi naman porque mag-asawa na kami ay hahawakan n'ya na lang ako basta-basta!
"S-sorry..." Bahagyang kinagat n'ya ang kanyang labi. "T-take care of yourself, iyon lang ang gusto kong sabihin." Tuluyan na n'yang isinara ang pinto ng palikuran.
Buti na lang ay nakapag-aral ako at alam ko ang ibig n'yang sabihin. Ngunit...
Sinasakop pa rin ba kami ng mga Amerikano ngayon? Bakit puro Ingles ang sinasalita n'ya? O minsan hinahalo n'ya iyon sa Tagalog... Ano bang mayroon sa panahong ito?
Pagkalabas ko ng aming bahay, nanibago ako sa aking nakita. Imbes na mababagal na kalesa ang dumaraan, bus, kotse, at iba pang pampublikong sasakyan ang aking nadatnan. Magaganda na rin ang disenyo ng mga bahay malapit sa amin.
Napatingin ako sa hindi kalayuan, naroon lang pala ang palengke! Maraming tao at iba't ibang tindahan ang nakapuwesto roon.
Hinintay kong mawala ang mga sasakyang nadaan bago tumawid sa kalsada. Uminit na ang Pilipinas, tiniis ko ang maglakad at pagpawisan upang marating ang palengke.
Magagaslaw na kababaihan.
Magkadikit na magkakasintahan.
Hagikgik ng mga dumaraan.
Hindi ko mapigilan madismaya sa galaw ng mga kababaihan ngayon. Mga wala sa tamang postura at maikling pananamit ang nagpapasakit ng ulo ko.
Mayroon pang mga tinderang pasimpleng sumusulyap sa'kin at pinipigil ang matawa.
Ano bang mayroon? Pinagtatawanan ba nila ako?
"Miss, hindi ka ba naiinitan? Aba kahit pasko mainit pa rin sa Pinas!" ani ng tindera habang nagtatadtad ng baboy. Inalis ko ang aking belo na nakapandong sa aking ulo.
'Siguro nauulol na ang dalagang ito. Kay gandang bata pa man din!'
Narinig ko ang iniisip n'ya ngunit hindi ko maintindihan kaya hindi ko na lamang pinansin.
Sa totoo lang ay sanay na ako sa amoy ng palengke, kasa-kasama ako ng aming kasambahay tuwing Linggo mamili sa aming bayan. Ngunit tama nga sila, hindi na ganoon kalimlim ang temperatura sa Pilipinas.
Nag-iba rin ang pananalita at gawi ng tao.
"Ano, Miss, bibili ka ba?"
"Sige po, Manang. Isang kilong tilapya," ngiting sagot ko.
"Babe! Anong gusto mong ulam natin mamaya? Baboy o Isda?" tanong ng katabi kong lalaki na mukhang wala pa sa wastong edad para mag-asawa. May katabi s'yang babae na hawak ang kanyang braso.
"Uhm, sige, babe! Kahit ano na lang, ang importante kasama kita, hihi!" ani ng babae dahilan para kurutin ng lalaki ang pisngi n'ya na kinabigla ko.
Hindi ba masakit iyon? Subukan ko rin kayang kurutin ang pisngi ko?
Napansin kong napatingin sa akin ang babae ng masama ngunit hindi iyon nagtagal. Narinig ko ang naisip n'ya.
'Yari ka sa'kin mamaya, babe. Ikaw ang kakainin ko, rawr!'
Napalunok ako nang marinig 'yon. Nababaliw na ba ako? Kasalanan ni Tiya Alondra kung bakit ako nagkakaganito!
"Ito, miss. 200 pesos." Inabot sakin ng tindera ang plastik ng tilapya.
"T-two hundred?" Nakita kong napatingin sa'kin ang katabi kong magkasintahan. "Ngunit dalawampung piso lang ang aking dala, hindi na ba sapat ito?"
Akala ko sa halagang piso ay makakabili na ako ng higit sa isang kilong isda. Bakit parang lumaki ang halaga nito?
Tinaasan ako ng kilay ng tindera dahilan para simulan akong kabahan. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Miss. Anong mabibili mo sa bente pesos, aber?! Ang bobo mo naman kaganda-ganda mong babae! Napaglipasan ka ba ng panahon?"
Lahat ng malapit samin, maging ang iba pang tindera ay napako ang tingin sa'min.
"Ale, 200 lang pala eh, pagpasensyahan n'yo na kaibigan ko, kuripot talaga 'yan pagdating sa pera. Sorry, ale, ito 500 oh," boses 'yon ng lalaking kakadating lang at lumapit sa'kin.
Galit na inabot sa akin ng tindera ang isda at tinanggap ang pera ng lalaking hindi ko naman kilala. Nakasuot s'ya ng hawig sa Americano na madalas suutin nila Isagani noong nag-aaral pa lamang kami.
Naalala ko na naman ang hindi makakalimutang ala-ala ko kasama s'ya...
"Sierra, are you fine? Ano, nababaliw ka na ba?" Mahinang sabi sa'kin ng kaibigan ko 'raw'. Matangkad rin s'ya at moreno. Mukhang mayaman kaya't nabayaran n'ya pa ng halos triple ng binibili ko.
"I-i'm fine, thank you," sagot ko. Natuto akong mag Ingles noong mag-aral ako sa Unibersidad ng Pilipinas.
Inakbayan n'ya ako at dinala malayo roon sa nagtitinda ng isda.
"S-sandali!" Inalis ko ang kamay n'ya sa balikat ko. "Sino ka para hawakan ako?"
'Ang weird naman nito.' Rinig kong sabi n'ya sa isip.
"Bakit? Kaibigan kita. Ikaw, sino ka? Si Maria Clara? Si Nathan si Crisostomo? Pfft!" Aniya habang pinagmamasdan ang aking damit.
Napakunot ang aking noo. "Paano mo nakilala ang mga karakter sa kwento ni Rizal?"
"Huh? Malamang pumasok ako ng high-school. Ano bang pinupunto mo? You're weird. You're whole existence today is weird."
Itinuro ang mga nobelang isinulat ni Rizal?
"Nakikita mo ba 'yon?" tanong ng lalaking kasama ko at itinuro sa hindi kalayuan ang larawan ni Jose Rizal. May nakasulat sa tabi nitong, "Ika-124 na pagkamatay ng ating bayaning si Jose Rizal."
Isang taon pa lamang ako noong barilin si Rizal sa Bagumbayan. Kinse anyos naman ako noong itayo ang monumento ni Rizal.
"Sa katapusan ng December 'yan, pero nagkalat na sa poste ang picture ni Rizal. Lalo na doon sa kapitolyo sa probinsya namin," aniya.
Ngumiti na lamang ako bilang tugon. Masaya ako... Dahil kahit papaano hindi nila nakalimutan ang isa sa mga nagtanggol sa Pilipinas.
Marahil masaya na akong mamamatay dahil...
H'wag n'yong hayaan
Na pagdating ng panahon,
Sisihin kayo ng susunod na henerasyon,
Dahil wala kayong ginawa.
Ang kasabihang iyan ay naisakatuparan namin, naisakatuparan ko, ako na nalipasan na ng panahon.
"Sierra?"
"N-nathan..."
Kakalabas lang n'ya sa kan'yang kotse suot ang Tuxedo na madalas suotin ng mga Amerikano noong panahon ko. Lalo kong nasinagan kung gaano s'ya kaputi dahil sa sinag ng araw. Tama lang ang kaniyang pangangatawan at katangkaran.
Masasabi ko ring magkasing-tanda lamang kami kung susumahin.
'So she really did...' sabi ni Nathan sa isip-isip n'ya.
"Mabuti naman nasamahan ka ni Daryl dito, hindi ko kasi alam kung anong pumasok sa isip mo at--"
"Ano ka ba, pare. Okay na yun, Christmas vacation naman!" Inakbayan na naman ako ng lalaking nagngangalang Daryl na kinainis ko.
Ngumiti si Nathan. Bakit parang lalo s'yang nagiging guwapo sa paningin ko?
"It's good to know you guys are fine... Paano, Sierra... Magkita na lang tayo mamaya, may aasikasuhin pa akong meetings."
"O-oo, s-sandali lang!" pagpigil ko nang akma na s'yang babalik sa kotse. Napatingin muna s'ya sa hawak kong balot ng isda bago tumingin sa akin. "May kasama pa ba tayo sa b-bahay... Bukod sa atin?"
Napatawa si Daryl dahil sa sinabi ko.
'I thought she changed... Tamad pa rin talaga at iaasa pa sa iba ang pagluluto. God... Why I still love this woman against her weirdness today?'
A-ano? Mahal n'ya ako?
"Why would you get a yaya, Sierra? Hindi yung si Nathan ang nagiging yaya kaysa sa pagiging asawa."
Ganoon tratuhin ni Sierra si Nathan?
Pilit na ngumiti si Nathan. "It is fine... I'll go ahead. Daryl, ihatid mo na s'ya sa bahay." Tumalikod na s'ya at sumakay sa kotse.
Bakit sa dinami dami ng taong puwede kong maging katawan...
Bakit si Sierra pa na magaspang ang katauhan?
Bigla kong naalala ang naikwento sa amin ng isa kong Propesor noon. Ang 'pagkabuhay muli' kung saan ang mga namatay noon, ay mabubuhay ulit pagkatapos ng ilang daang taon ngunit magkaiba ng katauhan.
Paano kung... narito ako sa panahong nabuhay na akong muli?
Ikaw?Gaano mo kamahalAng ating bansa?Kaya mo bang mamatayPara rito?O isa ka rin sa mga duwagKagaya ko?1898"Gaano mo ba kamahal ang ating bansa, Conrado, at nagagawa mong hindi ako sundin?" Nanglilisik ang mga mata ng aking ama habang hawak-hawak n'ya sa kwelyo ang aming Kuya, ang panganay at nagiisang lalaki sa magkakapatid.Tila ba nanlamig ang mga kamay ko habang nagtatago sa gilid ng pinto, sa kwarto ni Ama. Hating-gabi na at aksidente kong narinig ang pinaguusapan nilang dalawa."Mahal ko ang ating bansa... Kung kaya't nag-aral ako ng abogasya para ipaglaban ang mga naaapi, a-ama..."Lalong hinigpitan ni ama ang kuwelyo ni kuya. "Anong magagawa ng pagtatanggol mo kung mamamatay rin naman tayong lahat?!" Nanggagalaiting sigaw ni Ama. Lalo akong nagtago ng maigi upang hindi maputol ang kanilang pinaguusapan.Ano ba ang tinutuk
Maria ClaraDid not faint,Simply because the FilipinosDon't know how to faint1911Binibini, Ginoo,Natatandaan mo pa ba noong una mo s'yang nakita?Ako, oo. Tandang-tanda ko pa ang unang araw nang makita ko ang lalaking pinapangarap ko hanggang ngayon. Linggo noon at balak kong balikan si Ate na akala ko ay nagdadasal lamang sa simbahan."Ano ba ang dahilan ng iyong pagkapoot... Binibini?"Napatigil ako sa paglapit kay Ate Clarita. Umiiyak s'ya habang nakaupo sa isa sa mga mahahabang upuan ng simbahan. Hindi gaano lumapit ang lalaking ang ngalan pala ay si Isigani, dahil mahigpit na ipinagbabawal ang ganoon kung hindi naman mag-nobyo."P-puwede ba, G-ginoo! Huwag mo a-akong kausapin, gusto kong mapagisa!" ani Ate Clarita sa gitna ng pag-iyak.Tinitigan ko ng mabuti si Isagani, puno ng awa ang nakikita ko sa mga mata n'ya. Lingid
Minsan,Nakikita ng pusoAng hindi nakikita ng mata.1911"Ngunit bakit biglaan naman ang iyong pagdedesisyon?" tanong ni Ina."Matagal ko na po itong pinag-iisipan," pagsisinungaling ko. "Ama, ina... Desidido na po akong mag-aral sa Los Banos.""Catalina, alam mo namang hindi ko na kaya pang mawalay kayo ni Crustacia sa aming paningin hindi ba?" ani Ama."N-ngunit... Bakit si Ate Clarita ay hinayaan po ninyong mag-aral roon?""Iyon ay dahil kaya nang mag-isa ng iyong kapatid, nasa ugali na rin n'ya ang pagiging matapang na babae at hindi basta-basta magpapatalo kung kaya't pumayag na kami ng iyong Ama."Napabuntong hininga na lamang ang aking Ama. "Kung gayon ay papayagan kita, basta't uutusan ko ang iyong kapatid na bantayan ka roon sa Los Banos. Tuwing huling linggo naman ng bawat buwan ay uuwi kayo, naiintindihan mo ba, Catalina?"
Ang isang magandang panaginip,walang karugtong,walang katapusan.Kaya dapat,hindi dinudugtungan,para habambuhay na langna maging isang napakagandang panaginip.1912Isang taon na. Isang taon ko na s'yang sinusundan patago sa Unibersidad. At ngayon, naririto ako sa likuran ng malaking puno habang sinusulyapan ang paguusap ni Isagani at ng mga kaibigan n'ya."Balita ko ay kalahating taon ka nang ninanakawan ng tingin ni Paulina, hindi ka ba nagkakaroon man lamang ng interes sa kaniya?" tanong ng lalaki kay Isagani. Nakaupo sila sa damuhan at nagpapahangin."Tama si Alejandro, maganda s'ya at mabait. Huwag ka nang magpaka-torpe pa dahil tiyak na maraming nagbabalak na mangligaw kay Paulina," tatawa-tawang sabi naman ng isa.Tumawa si Isagani. "Alam n'yo namang may naitatago akong pagibig sa isang Fernandez."Nanlaki ang mga mata ng kaniyang kaib
Sa bawat luha,May ngumingiti.At sa bawat sakit,May nabubuhay.1912"Hwag mo na nga ako sundan! Nasaan na ba ang kahihiyan mo, Ginoo?" Inis na sabi ni Ate Clarita.Naka-tanaw lamang ako kila Isagani sa hindi kalayuan na ngayon ay lumapit sa kaniya upang sabay silang mag merienda sa ilalim ng puno. Ito ang madalas puntahan ng mga estudyante sa Unibersidad."Ngunit bakit? Heto na nga at sinasamahan kita, malungkot ang kumain mag-isa." Ngumiti si Isagani kay Ate Clarita at nagumpisang kumain.Si Ate Clarita naman ay nanatiling mailap sa kaniya sa hindi malamang dahilan. Ganito talaga ang ugali ng aking kapatid, malayo sa kalalakihan at masungit. Ngunit ang nakapagtataka ay parang noon lamang, malapit na s'ya kay Ginoong Isagani, ngayon naman ay parang gusto na n'ya itong isumpa."Pagkatapos ng nangyari kahapon? Ginoo, hindi magandang biro ang iyong ginawa! Alam mo n
Bakit ang mga namamatay lamangAng nagiging bayani,Bakit hindi pati ang mga taongNabubuhay sa pagdurusa,Dahil sa gobyernongMagnanakaw sa bayang sinilangan.1912"I-isagani..."Naistatwa ako sa tapat niya pagkabukas ko ng pintuan. Bakit s'ya naririto? Paano n'ya nalaman ang dormitoryo ko? S-sinundan n'ya ba ako?Napatingin s'ya sa loob ng aming dormitoryo, at napatitig sa isang malaking larawan kung saan naroroon kami ni Ate Clarita, ako at si Crustacia. Nilipat n'ya ang baling sa'kin saka nagsalita."Kung gayon ay ikaw pala ang isa sa kapatid ni Clarita, dapat ay maging mabait ako sa iyo," ngiting sabi ni Isagani.Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kaniyang makisig na mukha. Wala man lamang bakas ng sugat ito, mapula rin ang kaniyang labi... Ngayon ko lamang s'ya nakita ng malapitan."B-bakit ka nga pala napunta rito...?" tanong k
Kung naniniwala kayongAng intensyon ng mga AmerikanoAy ang tulungan tayo,Pwes!Para kayong mga birhenNa naniniwala sa pagibigNg isang puta!- Antonio Luna, 1898 1912"Natutuwa akong malaman na ang dahilan ng aking anak sa paglipat ng Los Banos ay upang makita ang kaniyang matagal ng napupusuan. Catalina, hindi ka nagkamali sa pagpili,” nagagalak na sabi ni ama na nasa gitna ng aming hapagkainan.Kasalukuyan kaming naririto sa aming hacienda sa Maynila nang ibatid ni Don Emilio, ang ama ni Isagani, na nahuli kaming magkasama sa hardin ng Unibersidad. Ang aking mga magulang naman na si Dona Perpetua at Heneral Rogelio ay naniwala sa balitang iyon. Agad nila kamin
Ang sikreto ay parang sakit sa kaluluwa,Kinakain nila ang mabuti,At pinananatili ang kasamaan sa likod nito.1912TILA NATAWA ang lahat nang marinig ng mga magulang namin ang sinabi ni Isagani.“Pagpasensyahan niyo na ang anak namin, alam nating wala pa sila sa hustong edad para magpakasal sa isa’t isa. Marahil kailangan natin na iplano ang kasal sa katapusan ng taong ito,” ani Don Emilio at palihim na sinamaan ng tingin si Isagani.Napatango ang aking mga magulang. Samantalang si Isagani ay pinipigil ang nangangalit na mga ngipin, alam kong sa mga panahong ito ay gusto na niya kaming isumpa.“Sakto dahil labing walong taong gulang na si Isagani sa susunod na buwan, talagang itinadhana si Isagani para kay Catalina,” anang Dona Isabel, kita sa kaniyang mukha ang kagalakan.
Ating balikan ang unang kabanata,Ang simulang walang katapusan.Tunghayan ang huling kabanata.Huling prosa sa kawakasan.1913NILIBOT ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay."Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa ng paandarin ang kalesa."Sa daungan po papuntang Maynila." Inayos ko ang laylayan ng aking Trahe De Mestiza nang makasakay na sa loob.Kinuha ko ang isang kulay-kape na libro mula sa'king maleta. Napulot ko lang ito sa lamesa ng aming silid-aralan at nalimutan ko nang ibalik pa. Sinimulan kong tignan ang unang pahina ngunit blangko iyon, kaya dumiretso na ako sa ikalawa.&
Ang katapusanAy laging may simulaNgunit may mga simulangHindi na nakikita ang katapusan.1913."Hindi mo pa ba alam ang balita?""Anong balita?""Pumanaw na si Clarita, iyong magaling makipag-argumento sa propesor?""S-sandali! Wala na siya? Paano?""Ang sabi sabi, pinatay s'ya ni Ginoong Isagani ngunit bago iyon, ginahasa n'ya muna si Clarita.""Isagani? Hindi ba't si Catalina ang nobya n'ya? Nakatakda na ang kasal nila sa susunod na buwan 'di ba?"Tumigil ako sa pagkain sa kapiterya ng aming Unibersidad. Palagi na lamang bang ganito? Mababaliw na ako sa mga bulong nila. Animo'y bubuyog na nagpapasakit ng tenga ko!Pilit kong pinakalma ang sarili."Aalis na ako."Sapat na ang aking boses upang patahimikin ang lahat. Hindi sila makapaniwa
Balikan natin kung saanNagsimula ang lahatUpang sa gayo'yMagawa na nating bumalikSa pinagmulan.1913.Inangat ko ang tingin sa kaniya.Tahimik s'yang pumasok sa kwarto kung saan pwedeng magusap ang bisita at mga nakakulong.Mahigpit kaming binantayan ng mga sundalo at binigyang magusap ng kaunting minuto.Balisang umupo si Isagani sa'king harapan.Huminga muna ako nang malalim bago s'ya kausapin. "Kumusta ka? Maayos ba ang lagay mo rito?"Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin s'ya sumasagot.Ikinuyom ko ang nanginginig kong mga kamay. "M-magsalita ka naman," pinipigilan kong umiyak habang tinititigan s'ya.Nakatungo lamang s'ya at balisa."Nag-aalala na ako sa'yo... Alam mo bang tumakas ako sa'min kahit labag sa kagustuhan ni ama?"
Ang pagibig ay hindi kailanmanMagiging marahas,Ito ay mapagubayaAt nagpapahalaga.1913.Naalimpungutan ako at napakamot sa mata.Tinanaw ko ang bintana at kumurap ng ilang beses.Nakarinig ako ng bulungan sa labas ng aking kwarto. Marahil iyon ay ang aming mga katulong.Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na sigaw kung kaya't napaupo ako sa kama."Kay Imelda ba ang boses na 'yon?" Tanong ko sa'king sarili.Nagsigawan na rin ang iba pang katulong, dahilan para lumabas ako ng kwarto at puntahan sila."A-anong nangyayari?"Nilapitan ko sila na nasa may pintuan ng aming hacienda."S-s-si binibining Clarita..." Ani Imelda habang nakatingin sa labas ng aming pintuan.Tinignan ko ang nasa harapan namin.
Mas masahol pa sa hayopAng magkunsintiSa maling asalNa ginawa ng isang tao1913Kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa buong hapagkainan."U-umalis na nga po pala si Adam noong isang araw... May ensayo po sila sa Amerika," pagpapa-alam ni Ate Clarita sa aming lahat."Kung gayon bakit hindi man lang s'ya nagpaalam sa'kin?" sagot ni ama.Napatigil sa pagkain si ate. Ang katabi ko, si Isagani, ay napatingin sa kan'ya."Labis po s'yang nagmamadali dahil huli na raw po s'ya sa daungan, ama," aniya at nagpatuloy sa pagkain.Ibinaling ni ama ang atensyon kay Isagani. Mukhang wala s'ya sa tamang timpla dahil sa inilahad ni ate."Hijo, bakit hindi kita mahagilap noong isang linggo?"Tama si ama. Ni anino n'ya ay hindi ko nahagilap sa buong linggo kong pamamalagi sa
Kailangan bang gawin moAng lahat upang matanggap kaSa lipunangpuno ng mapanghusga?1913.Isang linggo ang lumipas.Nobyo.Paulit-ulit kong inisip ang huling sinabi ni Ate Clarita.May nobyo na s'ya?"Ina, Ama, manliligaw ko po... Si Adam," pagpapakilala ni Ate sa mga magulang namin.Nagsama-sama kami ngayon sa sala dahil sa 'di inaasahang bisita.Katabi n'ya ang maputi at matangkad na lalaki. Amerikano nga s'ya. Hindi nakapagdududa."Hi, Madamme and Mister Fernandez. Nice to meet you all," wika ng kanyang nobyo. Ngumiti naman si Ina at Ama."Manliligaw? N-ngunit akala ko'y--"Pinanlakihan ako ng mata ni Ate. Senyales na hwag ko munang ibunyag na mag nobyo na sila."A-ang ibig kong sabihin... Bakit ngayon mo lamang s'ya pi
Ibabalik kita sa nakaraan,Nang bumalik sa'yo ang lahat,Kung saan ka nagmula,Hanggang sa kung ano ka ngayon.1913"A-ate..."Para bang nagunaw ang mundo ko nang makita si Ate Clarita. Parang kanina ay kausap ko si Isagani tungkol sa kaniyang pagbalik... P-pero ngayon ay nandiyan na siya."Mukhang ako na lamang ang hinihintay ninyo sa inyong kasal. Masaya ako dahil halatang mahal na mahal niyo ang isa't isa," sabi ni Ate Clarita nang makalapit sa amin."C-clarita." Napatayo si Isagani mula sa kaniyang pagkakaluhod."Naririto ka na pala," hindi ko makapaniwalang sabi. "B-bakit hindi mo kami pinadalhan ng sulat nang sa gayo'y nasundo ka namin sa daungan," dagdag ko.Tumingin sa akin si Ate... Na parang wala na sa kaniya ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon."Wala na akong oras para sulat
Huwag kang matakotNa harapin ang buhaySapagkat ang nakakatakotAy ang hindi mo na magawaAng dapat mong gawinBago ka pa mamatay1913"Puwede ba kitang... M-makausap?"Napalingon sa akin si Isagani. Pinuntahan ko siya rito sa kanilang silid-aralan. May nais akong sabihin.Pumayag naman s'ya. Naglakad kami patungo sa hardin rito sa Unibersidad -- kung saan kami nahuli ni Don Emilio.Tumigil sa paglalakad si Isagani. "Ano'ng sasabihin mo?""A-ah, uh..." Nauubusan ako ng salita sa harapan niya. "D-dalawang taon na." Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig.Bumuntong hininga si Isagani. Pinagkrus niya ang kaniyang braso at mariing tumingin sa akin.Kinagat ko ang aking labi. "Hanggang kailan ba tayong ganito, Isagani?" Diretso kong tingin sa kaniya."
Sa sampung taong makikilala mo,Iyong lima, nakakain na.Iyong dalawa, nakabili na.Iyong tatlo, mangungutang pa lang.1913, September."Isagani, mamasyal muna kayo ni Catalina. Basta't bago mag alas-dyis, naririto na kayo, ha?""Po?"Bumuntong hininga si Dona Isabel. "Ano ba anak, ngayon lang uli kayo lalabas ni Catalina," aniya habang nagluluto ng handa."M-masusunod po, Ina."Hinila ako ni Isagani palabas ng kanilang bahay. Plano ng mga magulang namin na magsimba mamaya. Pasasalamat sa patron ng aming bayan."Gusto kong pumasyal sa parke. Mauuna na ako. Magkita na lamang tayo sa unang kanto pagkatunog ng kampana ng simbahan," wika ko."Huwag."Bahagya akong nagulat. "B-bakit?"Huminga ng malalim si Isagani, saka tinignan ako sa mga mata. "Nais