Bakit ang mga namamatay lamang
Ang nagiging bayani,
Bakit hindi pati ang mga taong
Nabubuhay sa pagdurusa,
Dahil sa gobyernong
Magnanakaw sa bayang sinilangan.
1912
"I-isagani..."
Naistatwa ako sa tapat niya pagkabukas ko ng pintuan. Bakit s'ya naririto? Paano n'ya nalaman ang dormitoryo ko? S-sinundan n'ya ba ako?
Napatingin s'ya sa loob ng aming dormitoryo, at napatitig sa isang malaking larawan kung saan naroroon kami ni Ate Clarita, ako at si Crustacia. Nilipat n'ya ang baling sa'kin saka nagsalita.
"Kung gayon ay ikaw pala ang isa sa kapatid ni Clarita, dapat ay maging mabait ako sa iyo," ngiting sabi ni Isagani.
Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kaniyang makisig na mukha. Wala man lamang bakas ng sugat ito, mapula rin ang kaniyang labi... Ngayon ko lamang s'ya nakita ng malapitan.
"B-bakit ka nga pala napunta rito...?" tanong ko sa kaniya.
"Nagtataka lamang ako kung bakit panay ang sunod mo sa tuwing maglilibot ako, iyon pala ay binabantayan mo ang aking mga kilos upang makilala mo kung maginoo ba ang manliligaw ni Clarita."
Kung gayon ay iyon ang kaniyang inaakala... Dahil nanliligaw na pala siya kay Ate Clarita. Hindi n'ya alam kung gaano nabubuo ang aking araw sa tuwing masusulyapan ko s'ya sa malayo. At kahit makagat pa ng mga langgam sa puno ng mangga ay tinitiis ko upang malaman kung paano niya pinalilipas ang isang buong araw.
"T-tama... Ganoon nga."
Naglakad-lakad kami patungo sa isa sa malalawak na hardin ng Unibersidad.
"Nabanggit sa akin ni Clarita na sa isang linggo na ang ika-labing limang anibersaryo ng kamatayan ng inyong panganay na kapatid, marahil ay uuwi kayo sa Maynila?"
Ngumiti ako. "Tama, uuwi kaming magkapatid. Hindi maaaring palagpasin ang kamatayan ng Kuya Conrado, s'ya ang isa sa mga itinuturing na bayani sa panahon ng digmaan."
Pareho naming dinarama ang malamig na hangin na malumanay dumaraan sa aming mga balat. Malapit na ang maghapon at natatanaw na namin ang paglubog ng araw.
"Naging mabuti naman hindi ba," ani Isagani.
Tinignan ko ang paligid at siniguro munang si Isagani lamang ang makaririnig sa akin. "A-ang alin? Ang pagsakop sa atin ng mga Amerikano?"
Bahagya s'yang natawa. "Oo, kahit papaano ay may naging ambag pa rin sila sa pamumuhay natin, hindi ba?"
Bumuntong hininga ako. "O baka tinadhana na nga talagang traydurin si Heneral Antonio Luna na wala lamang ginawa kundi mahalin ang ating bayan. Tinadhana na siguro ang mamatay s'ya at puriin bilang bayani, dahil ang impluwensiya ng mga Amerikano ang isa sa makabubuo ng pagkatao ng mga Pilipino sa susunod na henerasyon."
Napatigil sa paglalakad si Isagani at tumingin sa akin, ganoon rin ang aking ginawa.
Bahagya akong natawa. "Alam ko, hindi mo maintindihan ang aking gustong ipakahulugan."
Ngumiti s'ya pabalik. "Hindi ko naiintindihan ngunit naniniwala ako sa sinabi mo." Napatingin s'ya sa aking suot. "Maganda ang ternong iyan, maganda rin siguro kay Clarita ang ganiyang klaseng tela."
Biglang nanlaki ang aking mga mata, may klase pa nga pala ako! Diyos ko! Bakit nagawa ko pa ang maglakad kasama s'ya sa hardin na ito?
"Isagani... K-kailangan ko na nga palang umalis dahil nagsisimula na ang aking klase, paa--"
"Ano ang ibig sabihin nito?!"
Napalingon ako sa isang matandang lalaking nagsalita. May tungkod s'ya... Nakasuot ng Amerikano... At mariin na nakatingin sa amin.
S-s'ya ang ama ni Isagani!
×××
"Lagi mong tatandaan, Catalina, sasakay ka ng taxi papunta sa bahay ninyo. Naiintindihan mo?"
"Opo, Tiya," sagot ko habang nasa biyahe kami sakay ng taxi. Para rin itong kotse, ngunit kailangan raw ay magbabayad ka ng pera.
"May credit card ka sa bag mo, kunin mo at ibigay mo sa driver, nasasabayan mo ko?"
"Opo."
Parang ibang tao magsalita si Tiya Alondra, ngunit hindi nawawala ang pagiging strikta. Tinuturuan n'ya akong sumakay ng taxi pauwi sa bahay namin. Binuksan ko ang bag ko at ibinigay iyon kay Tiya, hindi ko naman alam ang itsura ng credit card na sinasabi niya.
"Ito ang credit card mo," aniya at binigay sakin ang manipis na kard, may pangalan iyon ni Sierra at kulay asul. "Lagi kang magpapasama kay Nathan tuwing magwi-withdraw ka, doon makukuha mo ang pera na nandiyan sa credit card."
"Eh--" Tinignan ko ang credit card na hawak ko. "Paano magkakapera rito, Tiya? Ang nipis naman po nito."
Sinamaan ako ng tingin ni Tiya. "Wala ka talagang alam." Napanguso na lamang ako at dumungaw sa bintana.
Pagkauwi, bago ako tuluyang iwan ni Tiya Alondra, tinawag n'ya ako. "Bakit po, Tiya?"
"Siguro naman nararamdaman mo na unti-unti nang nawawala ang kakayahan mong malaman ang nasa isip ng mga tao."
Napatigil ako saglit at inalala ang mga pangyayari noong nakaraan. Tama! Hindi ko na nga ganoon naririnig ang nasa isip ni Nathan at kahit ng mga katrabaho kong guro. Minsan ko lang sila naririnig kapag importante iyon.
Ngumisi si Tiya Alondra. "Natutuwa ako dahil ang ibig sabihin nito, ay nagagawa mo nang mabuhay ng normal sa panahong ito."
"K-kailan ba ako makababalik?" nasasabik kong tanong.
Tumingin s'ya sa akin ng mariin. "Nunca ahora, señorita." (never now, miss.) Saka siya tuluyang nawala na parang bula sa hangin.
×××
Kinabukasan...
Paggising ko, hindi ko nakita si Nathan sa tabi ko. Kahit kagabi, sinabi n'ya ay nasira ang kaniyang sasakyan, baka naman may ginawa pa si Tiya Alondra sa tadhana ni Nathan? Dali dali akong lumabas ng kwarto at kaagad siyang hinanap.
Nagpalinga linga ako sa loob ng bahay hanggang sa mapabuntong hininga na lang ako nang makita si Nathan na natutulog sa sopa. Suot pa rin niya ang Amerikana niya. Tinapik tapik ko s'ya at ginising.
"Nathan? Huy, Nathan, gumising ka."
Unti-unti naman s'yang nagising at nagulat nang tumambad ako sa harap niya.
"B-bakit dito ka natulog?"
Napaupo si Nathan sa sopa. Gulo gulo pa ang buhok n'ya at namumungay pa ang mga mata. "I just organized the documents on my laptop, nakatulog na lang ako rito dahil hindi ko na kayang umakyat."
Tumango ako. "Anong oras ka nakauwi?"
"Around 8 pm."
"Ah, ganoon ba..." Biglang kumulo ang tiyan ko dahilan para mawala ang antok ni Nathan.
"Hindi ka pa kumakain simula kagabi?"
Naiilang akong ngumiti. "A-ahh -- ehh--"
"You'll just press 1-3226 on your phone then you'll tell them the order, hindi mo pa nagawa?" Bumuntong hininga s'ya at tinignan ako ng mariin. "Hindi ba sumasakit ang tiyan mo? Nalipasan ka ng gutom, ang tamlay mo. Hwag mong pababayaan ang sarili mo, lalo na kapag wala ako, alright?"
"P-pasensya na." Napatungo ako. Hindi ko kasi alam... Sanay na naman ako magutom tuwing pinagsasaraduhan ko ng pinto ang aking ama.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papuntang kusina. Pinaupo niya ako sa hapagkainan, "Just wait. I'll cook pancakes."
"S-salamat!"
×××
6:00 PM
"Handa ka na ba?" tanong ni Nathan.
Napatango na lamang ako at ipinuyod ang aking buhok. Nakatitig ako sa salamin habang inaayos ang sarili. Napangiti ako nang maisip na ilagay ang isang bulaklaking sipit sa aking buhok.
Pagkatapos ko pumasok sa eskuwelahan na puro pulong lang ang aking pinuntahan, sinabihan ako ni Nathan na suutin ang dala niyang damit. Ang tawag nila rito ay 'long gown', kulay lila ito at kumikinang. May pupuntahan raw kaming 'event' ng kaniyang kaklase noon. Nagbukas raw ito ng kumpanya.
Tumayo ako at tumambad sa akin si Nathan. Nakasuot siya ng tuxedo, maayos rin ang kaniyang buhok at kitang kita kung gaano s'ya kaputi't katangkad. Bigla kong naalala si Isagani noong nakita ko siya noon sa aming dormitoryo.
"You're stunning."
Ngumiti kami sa isa't isa. "Ikaw rin, napaka-guwapo mo ngayon."
Bahagyang natawa si Nathan. Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ako sa baewang, hinapit niya iyon dahilan para mapalapit ang aming mukha sa isa't isa. Amoy ko ang malakas at matapang niyang pabango, amoy ko rin pati ang kaniyang mabangong hininga. Para akong naaadik sa amoy na ito.
Dahan dahan inilapit ni Nathan ang mukha niya, hanggang sa magkatagpo ang aming mga labi... Binuka niya ang kaniyang labi dahilan para mahalikan niya ako ng malalim. Humalik ako pabalik at marahan siyang niyakap.
Pagkatapos ng maikling pagdampi ng aming mga labi, nauna na akong lumayo sa kaniya. "T-tara na, baka mahuli pa tayo."
Napangisi si Nathan na ipinagtaka ko. Hawak-kamay kaming lumabas ng bahay at inalalayan ako papasok ng kotse.
Pagdating namin sa isang bunggalo, maraming tao hawak hawak ang kanilang mga kopa, at nagkakasiyahan silang lahat suot ang mga sosyal na damit. Hawak kamay kaming pumasok ni Nathan sa loob at naupo sa isang mesa na pabilog kung saan may nakaupo ring bisita.
"Oh, Hi! How are you Mr. And Mrs. Hernandez? It's been a long time!" Sabi ng isang babae na mukhang sampung taon ang tanda sa amin. Nagsisimula na kumain ang mga kasama namin sa mesa at nag-iinuman na.
"We're fine. Where's Marco?"
"Nasaan na ba ang batang iyon?" Nilibot ng babae ang kaniyang paningin. "He's busy, alam mo naman, siya ang star ng gabing ito. Matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng kumpanya, thanks God, he's so blessed."
Si Marco? S-s'ya ang pinuntahan namin sa gabing ito?!
"I understand." Nilipat niya ang tingin sa lalaking medyo bata pa, para lamang itong labing-pitong gulang, at may suot siyang salamin. "Marcus, how's your study?"
Napatigil sa pagnguya si Marcus. "Okay lang po, Kuya Nathan."
"Anong course mo ngayon?"
"Political Science po," sagot ng bata.
Napataas ng kilay si Nathan. Bago sa akin ang reaksyon at pagkilos niya sa oras na ito, para siyang istrikto at mayamang lalaki na pinamumunuan ang lamesang ito. "Bakit hindi ka gumaya sa Kuya Marco mo? Business Ad... It fits you." Tumingin sa akin si Nathan. "Right, baby?"
Tumingin sa akin ang lahat na nakaupo sa pwesto namin. Naghihintay sila sa aking isasagot. "A-ah, oo. Ngunit bagay rin naman sa kaniya ang kaniyang napiling kurso, ayaw ninyo no'n? Makakatulong siya sa gobyerno sa ibang paraan," ngiting sagot ko.
Napansin kong napatingin ang isang babae na kasing edad ko lang rin, makapal ang kaniyang kolorete sa mukha, mukhang pinaghandaan niya ang gabing ito dahil maganda siya ngayon. 'What the hell? Is Sierra not using any heavy make-up? This is freaking new...'
Hindi ko naiintindihan ang kahulugan ng sinasabi niya. Maayos naman ang aking mukha bago kami umalis ng bahay. Ginamit ko naman ang kolorete ni Sierra para sa labi, pati na ang pulbos para sa mukha.
"By the way, kumusta na ang kumpanya ninyong mag-asawa? Is it still going well?" tanong ng isang lalaki. Parang pamilyar s'ya sa'kin, parang nakita ko na siya. Tumingin sa akin ang lalaki, "Hoy, Sierra, bakit hindi ka nagsasalita?"
T-tama! Siya iyong nagligtas sa akin mula sa galit ng tindera sa palengke! Siya yung kaibigan ko!
"M-masaya akong makita kang muli," ani ko. Hindi ko alam ang pangalan niya hanggang ngayon.
"Ayos lang ang company. Though we need to change the designs of our product to become attractive especially to our young costumers, alam mo naman, Daryl hindi ba? Mahirap ang may makaagaw," mariing sagot ni Nathan na bahagyang ikinagulat ng lahat sa amin.
Parang may malalim s'yang pinakakahulugan sa salitang "makaagaw"...
"Ciao, signor Hernandez!" (Hi there, Mr. Hernandez!)
Napalingon ang halos lahat sa babaeng palapit sa amin. Mukha siyang tiga-ibang bansa, maalon-alon ang kaniyang buhok, at kitang-kita ang kurba ng kaniyang katawan sa maikli niyang damit na nanginginang. Makapal ang kaniyang kolorete sa labi, mata at kilay. Lahat ay napatigil dahil sa kagandahan niya.
Tumayo siya at hinalikan ang babae sa pisngi. "Ciao come sei stato? è passato molto tempo." (Hello, how have you been? It's been a long time.)
Nagulat kaming lahat, marahil ay sa kadahilanang ngayon lamang namin nalaman na magaling magsalita si Nathan ng ibang lenggwahe. Maging ako ay hindi alam kung ano ang kaniyang sinasabi.
"Sto bene, mi sei mancato così tanto, amore mio," anang babae. (I'm fine, i missed you so much, my love.)
Hinawakan ni Nathan ang babae sa maliit nitong bewang. Napatingin sa akin ang lahat ng kasama namin sa lamesa. Ako naman ay napaiwas ng tingin sa kanila. Bakit ganiyan sila makatingin? Wala naman akong ginagawang masama ah.
"Uhh-- il mio amore? possiamo parlare un po '?" sabi pa ng babae. (My love? Can we talk for a while?)
Napatingin ako sa babae na nabasa ko ang isip kanina, nakita kong namimilit ang kaniyang mga mata at nakakuyom na ang kaniyang kamao. 'Go, Sierra. Don't you know what the hell is goin' on?! F it. He's your husband!'
Nagulat na lamang ako sa tono ng kaniyang pag-iisip. Para bang pinipigilan niya ang magmura dahil sa sobrang pagkapikon.
"Certo, andiamo," sagot ni Nathan at naglakad sila paalis ng babae. (Sure, let's go.)
Napatingin ako kay Daryl. Nakakrus ang kaniyang mga braso at mukhang gulantang. Napatingin rin s'ya pabalik sa akin, 'Why didn't he introduced that slut to us? Sierra is here!'
"Maybe you should go, follow them, Sierra," sabi sa akin ng babaeng kanina ko pa naririnig ang iniisip. Bakit parang... Kakampi ko siya? Nararamdaman ko na magkaibigan sila ni Sierra noon pa.
"S-sige, pasensya na. Ipagpatuloy ninyo na ang pagkain. Babalik ako rito mamaya," pagpapaalam ko sa kanila.
Tumango sila at ngumiti. "Go, Sierra!" rinig kong sigaw sa akin ng isa ngunit hindi ko na nakita kung sino dahil naglakad na ako paalis.
Nagpaikot-ikot ako sa bunggalo, marami na akong muntik na mabanggang mga bisita, at muntik na rin mabuhusan ng alak. Hindi ko alam kung saan hahanapin si Nathan, hindi ko naman kabisado ang lugar na ito!
Hanggang sa mapatigil ako sa harapan ng pinto ng banyo. Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang malamig na busol ng pinto. Pagbukas ko, walang tao. Ngunit maraming maliliit na banyo ang kabuuan nito, na tinatawag nilang 'cubicle".
Isa-isa kong binuksan ang mga pintong iyon. Hanggang sa mapunta ako sa pinaka-dulo...
Halos pagbagsakan ako ng langit at lupa nang makita ko si Nathan at ang babaeng iyon na magkadikit ang mga katawan habang mapusok na naghahalikan.
Kung naniniwala kayongAng intensyon ng mga AmerikanoAy ang tulungan tayo,Pwes!Para kayong mga birhenNa naniniwala sa pagibigNg isang puta!- Antonio Luna, 1898 1912"Natutuwa akong malaman na ang dahilan ng aking anak sa paglipat ng Los Banos ay upang makita ang kaniyang matagal ng napupusuan. Catalina, hindi ka nagkamali sa pagpili,” nagagalak na sabi ni ama na nasa gitna ng aming hapagkainan.Kasalukuyan kaming naririto sa aming hacienda sa Maynila nang ibatid ni Don Emilio, ang ama ni Isagani, na nahuli kaming magkasama sa hardin ng Unibersidad. Ang aking mga magulang naman na si Dona Perpetua at Heneral Rogelio ay naniwala sa balitang iyon. Agad nila kamin
Ang sikreto ay parang sakit sa kaluluwa,Kinakain nila ang mabuti,At pinananatili ang kasamaan sa likod nito.1912TILA NATAWA ang lahat nang marinig ng mga magulang namin ang sinabi ni Isagani.“Pagpasensyahan niyo na ang anak namin, alam nating wala pa sila sa hustong edad para magpakasal sa isa’t isa. Marahil kailangan natin na iplano ang kasal sa katapusan ng taong ito,” ani Don Emilio at palihim na sinamaan ng tingin si Isagani.Napatango ang aking mga magulang. Samantalang si Isagani ay pinipigil ang nangangalit na mga ngipin, alam kong sa mga panahong ito ay gusto na niya kaming isumpa.“Sakto dahil labing walong taong gulang na si Isagani sa susunod na buwan, talagang itinadhana si Isagani para kay Catalina,” anang Dona Isabel, kita sa kaniyang mukha ang kagalakan.
Kung walang kurap,Walang mahirap.1912"A-ate," tanging naiwika ko. Inalalayan ako ni Isagani makatayo. Lumayo agad siya nang makita si Ate Clarita na may nagdududang tingin. "Paumanhin kung ganito ang naabutan mo, Binibining Clarita. Muntik nang madulas si Catalina kung kaya't agad ko siyang sinalo," ani Isagani. Hindi niya matignan ng diretso sa mata ang aking kapatid. Umarko ang kilay ni Ate Clarita. Nilipat niya ang tingin sa akin, kung kaya napalunok ako. "Hindi ba dapat nasa dormitoryo ka na?"
Ang kalahating kasinungalinganAt kalahating katotohananAy buo pa ring kasalanan.1919"Hayaan mo muna akong maipakita kay Clarita kung gaano ko siya kamahal. P-pakiusap, kahit isang buwan lamang. Pagkatapos niyon ay sasabihin ko na sa kaniya ang lahat," ani Isagani nang makausap ko siya noong isang araw.Isang linggo na ang nakakalipas...Bumuntong-hininga ako at sinara ang libro. Saktong tinawag ako ni ate Clarita na kanina pa naghihintay sa bintana ng kwarto namin."Sigurado kang matagal bago bumalik si ina at ama, Catalina, ha?" hindi mapakaling tanong ni ate."Opo, sigurado ako."Lumaki ang mata ni ate Clarita nang makarinig na may taong paparating sa ibaba. "Naandito na si Isagani!" Natutuwa siyang dumungaw sa aming bintana.Ngayong gabi, haharanahin ni Isagani ang aking kapatid. Planado na namin ito habang wala
Hindi ako natulogSa takot na magising akoUpang hanapin ang lahat ng itoSa isang panaginip1919"Totoo ba ito? Kung gayon ay nahuhulog na si Isagani kay Catalina!" masayang sabi ni ina.Tumawa si Dona Isabel, "Ako'y natutuwa para sa ating mga anak. Hindi na ako makapag-intay na ikasal sila."Nasa hapagkainan kaming lahat. Katabi ko si ate Clarita ngunit hindi ko maipihit ang tingin ko sa kaniya. Hatinggabi na at binalita ni Don Emilio ang nangyaring panghaharana raw ni Isagani sa akin."Ikakasal na pala sila," malamig na singit ni ate. Ibinaba niya ang kutsara at tumingin kay ama.Inangat ni Don Emilio ang tingin kay ate. Nangangambang baka anumang oras ay sabihin niya ang sikretong relasyon nila Isagani."Hindi ba nabanggit sa iyo ni Catalina? Sa tinagal ninyong magkasama sa dormitoryo ay
Hindi tayo hinihintay ng pagtanda,Tayo ang naghihintay sa kanila.1913Isang taon na."Hindi pa po ba nagpapadala ng liham si ate Clarita?" tanong ko kay Ina. Naka upo kami sa may bintana habang nagbuburda. Makulimlim ang kalangitan.Napatigil siya sa pagtatahi. Bumuntong hininga at tumingin sa akin. "Hindi ko mawari kung anong nangyayari. Tatlong buwan na tayong walang balita sa kaniya."Hulyo pa ang kaniyang huling liham. Kaarawan iyon ni ama. Nagbigay siya ng munting regalo pati na kay Crustacia. Labis ang pagtataka ni Ina nang kami lamang ang walang regalo noon."Kailan po kaya makakauwi si ate?"Ngumiti si Ina. "Marahil ikaw ay hindi na mapakali na ikasal kay Isagani," panunukso pa niya.Lumuwa ang aking mata at mabilis na umiling. "H-hindi po iyon ang aking ibi
Mapanganib ang mga tao, Hindi natin alam kung ano ang iniisip nila, Dahil madalas… Kung sino pa ang akala nating kakampi, Sila ang sisira sa tiwalang binigay natin. 1913“Bakit ka naparito?”“Burda mo iyan?”Halos sabay naming tanong nang makaalis si ama.Bumuntong hininga ako. “Oo, burda ko ito.” Pagtukoy ko sa aking hawak na tela. Dinisenyuhan ko ito ng iba’t ibang uri ng halaman. Tulad ng rosas, sampaguita at santan. Madalas ko silang makita sa Los Banos.Tumango-tango si Isagani. “Maganda. Napunta ako rito dahil pinilit ako ng aking ama na bisitahin ka.”Pinilit…“Alam mo ba kung kalian ang uwi ni Clari
Sa sampung taong makikilala mo,Iyong lima, nakakain na.Iyong dalawa, nakabili na.Iyong tatlo, mangungutang pa lang.1913, September."Isagani, mamasyal muna kayo ni Catalina. Basta't bago mag alas-dyis, naririto na kayo, ha?""Po?"Bumuntong hininga si Dona Isabel. "Ano ba anak, ngayon lang uli kayo lalabas ni Catalina," aniya habang nagluluto ng handa."M-masusunod po, Ina."Hinila ako ni Isagani palabas ng kanilang bahay. Plano ng mga magulang namin na magsimba mamaya. Pasasalamat sa patron ng aming bayan."Gusto kong pumasyal sa parke. Mauuna na ako. Magkita na lamang tayo sa unang kanto pagkatunog ng kampana ng simbahan," wika ko."Huwag."Bahagya akong nagulat. "B-bakit?"Huminga ng malalim si Isagani, saka tinignan ako sa mga mata. "Nais
Ating balikan ang unang kabanata,Ang simulang walang katapusan.Tunghayan ang huling kabanata.Huling prosa sa kawakasan.1913NILIBOT ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay."Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa ng paandarin ang kalesa."Sa daungan po papuntang Maynila." Inayos ko ang laylayan ng aking Trahe De Mestiza nang makasakay na sa loob.Kinuha ko ang isang kulay-kape na libro mula sa'king maleta. Napulot ko lang ito sa lamesa ng aming silid-aralan at nalimutan ko nang ibalik pa. Sinimulan kong tignan ang unang pahina ngunit blangko iyon, kaya dumiretso na ako sa ikalawa.&
Ang katapusanAy laging may simulaNgunit may mga simulangHindi na nakikita ang katapusan.1913."Hindi mo pa ba alam ang balita?""Anong balita?""Pumanaw na si Clarita, iyong magaling makipag-argumento sa propesor?""S-sandali! Wala na siya? Paano?""Ang sabi sabi, pinatay s'ya ni Ginoong Isagani ngunit bago iyon, ginahasa n'ya muna si Clarita.""Isagani? Hindi ba't si Catalina ang nobya n'ya? Nakatakda na ang kasal nila sa susunod na buwan 'di ba?"Tumigil ako sa pagkain sa kapiterya ng aming Unibersidad. Palagi na lamang bang ganito? Mababaliw na ako sa mga bulong nila. Animo'y bubuyog na nagpapasakit ng tenga ko!Pilit kong pinakalma ang sarili."Aalis na ako."Sapat na ang aking boses upang patahimikin ang lahat. Hindi sila makapaniwa
Balikan natin kung saanNagsimula ang lahatUpang sa gayo'yMagawa na nating bumalikSa pinagmulan.1913.Inangat ko ang tingin sa kaniya.Tahimik s'yang pumasok sa kwarto kung saan pwedeng magusap ang bisita at mga nakakulong.Mahigpit kaming binantayan ng mga sundalo at binigyang magusap ng kaunting minuto.Balisang umupo si Isagani sa'king harapan.Huminga muna ako nang malalim bago s'ya kausapin. "Kumusta ka? Maayos ba ang lagay mo rito?"Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin s'ya sumasagot.Ikinuyom ko ang nanginginig kong mga kamay. "M-magsalita ka naman," pinipigilan kong umiyak habang tinititigan s'ya.Nakatungo lamang s'ya at balisa."Nag-aalala na ako sa'yo... Alam mo bang tumakas ako sa'min kahit labag sa kagustuhan ni ama?"
Ang pagibig ay hindi kailanmanMagiging marahas,Ito ay mapagubayaAt nagpapahalaga.1913.Naalimpungutan ako at napakamot sa mata.Tinanaw ko ang bintana at kumurap ng ilang beses.Nakarinig ako ng bulungan sa labas ng aking kwarto. Marahil iyon ay ang aming mga katulong.Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na sigaw kung kaya't napaupo ako sa kama."Kay Imelda ba ang boses na 'yon?" Tanong ko sa'king sarili.Nagsigawan na rin ang iba pang katulong, dahilan para lumabas ako ng kwarto at puntahan sila."A-anong nangyayari?"Nilapitan ko sila na nasa may pintuan ng aming hacienda."S-s-si binibining Clarita..." Ani Imelda habang nakatingin sa labas ng aming pintuan.Tinignan ko ang nasa harapan namin.
Mas masahol pa sa hayopAng magkunsintiSa maling asalNa ginawa ng isang tao1913Kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa buong hapagkainan."U-umalis na nga po pala si Adam noong isang araw... May ensayo po sila sa Amerika," pagpapa-alam ni Ate Clarita sa aming lahat."Kung gayon bakit hindi man lang s'ya nagpaalam sa'kin?" sagot ni ama.Napatigil sa pagkain si ate. Ang katabi ko, si Isagani, ay napatingin sa kan'ya."Labis po s'yang nagmamadali dahil huli na raw po s'ya sa daungan, ama," aniya at nagpatuloy sa pagkain.Ibinaling ni ama ang atensyon kay Isagani. Mukhang wala s'ya sa tamang timpla dahil sa inilahad ni ate."Hijo, bakit hindi kita mahagilap noong isang linggo?"Tama si ama. Ni anino n'ya ay hindi ko nahagilap sa buong linggo kong pamamalagi sa
Kailangan bang gawin moAng lahat upang matanggap kaSa lipunangpuno ng mapanghusga?1913.Isang linggo ang lumipas.Nobyo.Paulit-ulit kong inisip ang huling sinabi ni Ate Clarita.May nobyo na s'ya?"Ina, Ama, manliligaw ko po... Si Adam," pagpapakilala ni Ate sa mga magulang namin.Nagsama-sama kami ngayon sa sala dahil sa 'di inaasahang bisita.Katabi n'ya ang maputi at matangkad na lalaki. Amerikano nga s'ya. Hindi nakapagdududa."Hi, Madamme and Mister Fernandez. Nice to meet you all," wika ng kanyang nobyo. Ngumiti naman si Ina at Ama."Manliligaw? N-ngunit akala ko'y--"Pinanlakihan ako ng mata ni Ate. Senyales na hwag ko munang ibunyag na mag nobyo na sila."A-ang ibig kong sabihin... Bakit ngayon mo lamang s'ya pi
Ibabalik kita sa nakaraan,Nang bumalik sa'yo ang lahat,Kung saan ka nagmula,Hanggang sa kung ano ka ngayon.1913"A-ate..."Para bang nagunaw ang mundo ko nang makita si Ate Clarita. Parang kanina ay kausap ko si Isagani tungkol sa kaniyang pagbalik... P-pero ngayon ay nandiyan na siya."Mukhang ako na lamang ang hinihintay ninyo sa inyong kasal. Masaya ako dahil halatang mahal na mahal niyo ang isa't isa," sabi ni Ate Clarita nang makalapit sa amin."C-clarita." Napatayo si Isagani mula sa kaniyang pagkakaluhod."Naririto ka na pala," hindi ko makapaniwalang sabi. "B-bakit hindi mo kami pinadalhan ng sulat nang sa gayo'y nasundo ka namin sa daungan," dagdag ko.Tumingin sa akin si Ate... Na parang wala na sa kaniya ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon."Wala na akong oras para sulat
Huwag kang matakotNa harapin ang buhaySapagkat ang nakakatakotAy ang hindi mo na magawaAng dapat mong gawinBago ka pa mamatay1913"Puwede ba kitang... M-makausap?"Napalingon sa akin si Isagani. Pinuntahan ko siya rito sa kanilang silid-aralan. May nais akong sabihin.Pumayag naman s'ya. Naglakad kami patungo sa hardin rito sa Unibersidad -- kung saan kami nahuli ni Don Emilio.Tumigil sa paglalakad si Isagani. "Ano'ng sasabihin mo?""A-ah, uh..." Nauubusan ako ng salita sa harapan niya. "D-dalawang taon na." Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig.Bumuntong hininga si Isagani. Pinagkrus niya ang kaniyang braso at mariing tumingin sa akin.Kinagat ko ang aking labi. "Hanggang kailan ba tayong ganito, Isagani?" Diretso kong tingin sa kaniya."
Sa sampung taong makikilala mo,Iyong lima, nakakain na.Iyong dalawa, nakabili na.Iyong tatlo, mangungutang pa lang.1913, September."Isagani, mamasyal muna kayo ni Catalina. Basta't bago mag alas-dyis, naririto na kayo, ha?""Po?"Bumuntong hininga si Dona Isabel. "Ano ba anak, ngayon lang uli kayo lalabas ni Catalina," aniya habang nagluluto ng handa."M-masusunod po, Ina."Hinila ako ni Isagani palabas ng kanilang bahay. Plano ng mga magulang namin na magsimba mamaya. Pasasalamat sa patron ng aming bayan."Gusto kong pumasyal sa parke. Mauuna na ako. Magkita na lamang tayo sa unang kanto pagkatunog ng kampana ng simbahan," wika ko."Huwag."Bahagya akong nagulat. "B-bakit?"Huminga ng malalim si Isagani, saka tinignan ako sa mga mata. "Nais