Share

Kabanata 7

Author: Zanicolette
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Sa bawat luha,

May ngumingiti.

At sa bawat sakit,

May nabubuhay.

1912

"Hwag mo na nga ako sundan! Nasaan na ba ang kahihiyan mo, Ginoo?" Inis na sabi ni Ate Clarita.

Naka-tanaw lamang ako kila Isagani sa hindi kalayuan na ngayon ay lumapit sa kaniya upang sabay silang mag merienda sa ilalim ng puno. Ito ang madalas puntahan ng mga estudyante sa Unibersidad.

"Ngunit bakit? Heto na nga at sinasamahan kita, malungkot ang kumain mag-isa." Ngumiti si Isagani kay Ate Clarita at nagumpisang kumain.

Si Ate Clarita naman ay nanatiling mailap sa kaniya sa hindi malamang dahilan. Ganito talaga ang ugali ng aking kapatid, malayo sa kalalakihan at masungit. Ngunit ang nakapagtataka ay parang noon lamang, malapit na s'ya kay Ginoong Isagani, ngayon naman ay parang gusto na n'ya itong isumpa.

"Pagkatapos ng nangyari kahapon? Ginoo, hindi magandang biro ang iyong ginawa! Alam mo namang--"

"Alam kong magkaibigan lang tayo, Binibini. Isa lamang aksidente ang nangyari kahapon, kung kaya't huwag sumama ang iyong loob. Malinis at puro pa rin ang respeto ko para sa iyo," sagot ni Isagani.

Napaiwas ng tingin si Ate Clarita, napansin ko ring namula ang kaniyang pisngi ngunit nanatili s'yang masungit. Hindi ko maintindihan kung bakit pilit ko pa rin silang sinusundan kahit araw-araw, parang sinasaksak ang puso ko.

Ngunit ayos lang, dahil sa paraang ito, makikita ko si Isagani kahit lamang palihim.

Ilang minuto pa ang lumipas, kinailangan ko nang bumalik sa aming dormitoryo upang magpalit ng damit na Terno. Ipinadala ito sa akin ni Ina bilang regalo dahil maganda daw ang aking mga grado.

Pagkatapos magpalit at mag-ayos ng buhok, hindi na ako nagsayang pa ng oras. Ngunit nang mabuksan ko ang pinto ng aking silid, napatalon ako sa gulat nang makita sa harapan ko si Isagani.

"Bakit napapadalas na ang pagsunod mo sa akin, Binibining Catalina?"

Napatingala ako sa makisig, at malinis na mukha ni Isagani. Hindi nga maitatangging matangkad siya lalo na ngayong malapit na ako sa kaniya. Maayos ang kaniyang buhok, mapula ang kaniyang labi, malinis rin ang kaniyang pananamit. Bagay na bagay sa kaniya ang asul na Amerikana!

"Kinakausap kita, Binibini."

Bumalik ako sa hwisyo nang muli s'yang magsalita. Tumingin ako sa mga mata n'ya na kulay itim. Sa mga oras na ito pakiramdam ko ay kami lamang dalawa ang nasa paligid.

"I-isagani..."

×××

Pumasok ang isang matangkad at maputing nakasuot ng pang-heneral, pasalampak n'yang isinara ang pintuan at nanggagalaiting nilapitan ang isang babae.

Babaeng... Kamukha ko. A-ako ang babaeng iyon! Ngunit, bakit parang nanonood ako mula sa ibang katawan?

Hinigit n'ya ang buhok ng babaeng kawangis ko, dahilan para mapasigaw ito sa sakit. "WHY THE HELL YOU TOUCHED MY THINGS?! WE ALREADY TALKED ABOUT THIS, CATALINA! YOU'RE WORTHLESS WIFE!" sigaw ng Amerikano n'yang asawa.

Bigla akong nakaramdam ng awa. H-hindi kaya... Si Heneral Rafael ang lalaking ito? S'ya ang nakatakdang magiging asawa ko. B-bakit...

Lalong hinigpitan ni Heneral Rafael ang hawak sa buhok ng babae. Hindi ko matanggap na makita ang paghihirap ng sarili ko habang ako ay walang magawa sa isang tabi!

"WHERE'S THE FOOD, LADY?! THE GENERAL SAID YOU CAN COOK AS HELL! WHAT HAPPENED TO YOU?!" Nakabibinging sigaw ni Heneral sa kaniyang asawa. Walang ano-ano'y itinulak n'ya ang babae sa isang sulok at lumabas ng bahay. Doon, napasuklay na lamang sa buhok ang babaeng kawangis ko, humahagulgol s'ya at nakakuyom ang isang kamao.

"Kasalanan mo 'to, Catalina. Magbabayad ka!" Matigas at mariin n'yang sabi sa sarili.

"H-hey! Sierra, okay ka lang? W-wake up!"

Nagising ako sa boses ni Nathan. Pinunasan n'ya ang luha na tumutulo na pala ng hindi ko namamalayan.

"Binangungot ka ba?" Nagaalalang tanong n'ya.

Umiling ako.

Panaginip lang pala...

Ngunit bakit parang may ibang tao sa katawan ko? Bakit... Bakit parang totoo ang mga pangyayari? Paano kung si Sierra ang naroroon? Napanaginipan ko s'ya! Napanaginipan ko ang buhay n'ya sa panahon ko!

"H-hey, Sierra, are you okay?"

Napatingin ako kay Nathan na ngayon ay katabi ko sa kama. Napansin kong pareho kaming naka-kumot at wala kaming saplot. Hinila ko ang kumot at lalong tinakpan ang aking katawan.

"B-bakit wala tayong mga damit?! I-ikaw! Bakit ganito?!" Naghi-histerikal kong tanong.

Hindi n'ya napigilang matawa kung kaya't napakunot ang aking noo. Bakit s'ya tumatawa? Umupo ako ngunit napangiwi nang makaramdam ng sakit sa... Sa bandang ibaba. Hanggang sa maisip ko na ang nangyari.

"Susmaryosep!" Napatakip ako sa aking bibig at saka nagtanda ng krus. Dahan-dahan akong tumingin kay Nathan na ngayon ay naka-upo na rin at hanggang tenga ang ngiti. "A-anong ngini-ngiti mo riyan?!"

Lumapit s'ya sa'kin at hinawakan ako sa bewang. May binulong s'ya sa akin na talagang kinatindig ng aking mga balahibo.

"We made it, baby."

Hinampas ko s'ya at nilayo sa akin. "A-ano bang-- a-aray!" Sumakit na naman ang parteng ibaba ng aking katawan at napangiwi sa sakit.

Muling lumapit sa akin si Nathan at mukhang nagaalala. "S-sumakit? I'm sorry... I put it slowly, but--"

"G-ginawa na ba talaga natin ang bagay na iyon?!" Dire-diretso kong sabi.

Hindi ko akalain na nagpadala ako sa bugso ng damdamin kagabi! B-bakit, Catalina?! Hindi maaari dahil hindi mo naman mahal ang isang taong nasa iibang panahon!

"That's your wish, and I gave it." Ngumisi si Nathan.

Napaiwas na lamang ako ng tingin. Tama... Noong isang araw ay hiniling ko sa kaniya na gusto ko ng magdalang tao. Ngunit hindi ko akalain na ganito naman kasakit ang proseso niyon! Hindi na birhen si Sierra! Diyos ko... Patawarin mo po ako...

"And it's fine. Alam kong naiilang ka pa rin sa'kin, but atlest..." Lumapit s'ya sa aking tenga, "I know you liked it because of your moans." Dahilan para lumuwa ang aking mga mata.

Unti-unti kong naalala ang mga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung mahihiya, at maiilang ako sa harapan n'ya ngayon dahil... Dahil gumawa kami ng bagay na dapat ay sa malalapit na mag-asawa lang! Bumalik sa akin ang mga pangyayari kagabi at gusto ko na iyong burahin!

"K-kailangan ko nang mag-ayos, may pasok pa ako," ani ko at kinuha ang buong kumot upang itago ang aking hubad na katawan. Napalingon ako kay Nathan at binalik rin ang tingin sa dinadaanan nang makita ko ang hubad niyang katawan.

"Feel free to see it, Sierra!" biro ni Nathan bago ako makalabas ng aming silid. Hindi ko na s'ya nilingon pa kahit gustong-gusto ko s'yang samaan ng tingin.

Hindi pa rin ako makapaniwalang naranasan ko na ang bagay na iyon gamit ang ibang katawan.

×××

"Take care," paalam sa akin ni Nathan bago ako makapasok ng eskuwelahan. Ngumiti na lamang ako bilang sagot at inintay na maka-alis ang kotse n'ya.

Pagpasok ko ng William High School, at pagdating ko sa pasilyo ng aming gusali, sinalubong ako ng isang guro.

"May naghihintay sa'yo sa office." Tapos ay umalis na rin s'ya.

Dulot ng kuryosidad, dali-dali akong naglakad paitaas patungong opisina. Walang ibang guro, ngunit nakita kong nakaupo ang isang pamilyar na lalaki sa tabi ng aking lamesa. Sa gulat ay muntik ko nang mabitawan ang aking bag.

Umukit sa kaniya ang ngiti, at mabilis akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako nakapalag at nanatiling nakatulala sa kawalan. Diyos ko, bakit s'ya na andito? At bakit... Sa mismong opisina ko pa?!

"God, I missed you so much, babe..." aniya na sukdulan kong ikinakaba. Marinig ko lang ang boses niyang may halong pagtataksil ay nadudurog na ang puso ko. Paano ito nagawa ni Sierra kay Nathan?

Umalis s'ya sa pagkakayakap sa akin. Mukha pa rin s'yang masaya, samantalang ako itong parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Sierra? Are you okay? A-are you still mad--"

"Bakit... Bakit pinuntahan mo pa ako rito?" tanong ko.

Biglang nagbago ang kaniyang reaksyon. "Sierra..."

"Marco, hindi dapat natin ginagawa ang bagay na ito, mali, maling-mali ito," sabi ko habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.

"D-don't tell me..." Nagupmisang manubig ang kaniyang mga mata. "...you already fallen from him, don't you?" Tumulo ang kaniyang luha.

Hindi dapat iniiyakan ng binatang ito ang isang babaeng katulad ni Sierra. Bakit nagawa pa niyang maghanap ng iba kung narito na si Nathan para sa kaniya?

"I-i guess... Our seven years of relationship has ended now. What would I expect?" Sarkastiko s'yang tumawa. "That's the destiny, your father even locked you before to your room for a week because you disrespect him." Pinunasan n'ya ang kaniyang mga luha.

Biglang nanlambot ang aking puso. Bigla kong naisip ang mga panahong magkarelasyon kami ni Isagani habang si Ate Catalina ay umiiyak lamang sa isang gilid... Dahil hindi na naipaglaban pa ni Isagani ang pagmamahalan nilang dalawa.

Ganoon rin kay Marco at Sierra, hindi nila nagawang magsama habang buhay ngunit nagawa nilang magmahalan palihim. Ngunit patawarin ninyo ako, Marco at Sierra, dahil hindi ko kayang masaktan si Nathan.

Dahil... Pareho kami ng naging sitwasyon noon. Pareho kaming patagong pinagtaksilan. Pareho kaming nasasaktan din patago.

"Patawarin mo ako, Marco... Nais kong maging tapat sa aking asawa, nais kong magbagong buhay kasama s'ya. A-alam ko kung gaano kita nasasaktan ngayon ngunit--"

"Enough." Pinunasan ni Marco ang mga luhang tuloy tuloy sa pagagos sa kaniyang pisngi. Pinilig niyang ngumiti sa akin, "I know. We can't continue something that is really forbidden."

Ngumiti ako ng kaunti sa kaniya. "Makakahanap ka pa ng babaeng mas maayos at hindi komplikado ang sitwasyon. Naniniwala ako sa'yo."

Tumango si Marco. "C-can I... Atleast, hug you for the last time?"

"Oo."

Niyakap n'ya ako ng sobrang higpit, doon rin s'ya impit na humagulgol. Ngayon lamang ako nakakita ng binatang halos bumaha ang luha dahil sa pakikipaghiwalay ng babae sa kaniya. Mahal na mahal niya si Sierra... Kung sana nga ay sila na lamang ang nagkatuluyan.

Ngunit may mga bagay talagang hindi maaaring pagsamahin.

Niyakap ko s'ya pabalik at tinapik ang kaniyang likod upang patahanin. "Magiging ayos ka rin, Marco."

×××

"Ano, gusto mo bang sumama sa Palawan this vacation? Baka lang naman gusto mo," yaya sa akin ng isa pang guro. Naririto kami sa opisina at nag-aayos ng mga gamit upang makauwi na ng bahay.

Hindi pa ako nakakasagot ay tumunog ang aking selpon. Maikli lang ang tunog kung kaya't nagtaka ako dahil iba ito sa tunog tuwing may natawag.

Nathan

Shit. I need to commute, my car stopped at the middle of the freaking road. I'm sorry... I can't fetch you. See you this night;)

Isang sulat! Nasira ang sasakyan niya? M-maglalakad na naman ako magisa?

Itinago ko ang aking selpon at hinarap ang kausap kong katrabaho. "Ah, eh -- hindi pa ako sigurado. Baka kasi may balak si Nathan na--"

Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Really huh? Baka naman iba na 'yan~ parang dati mailap ka sa kaniya pero ngayon, iniisip mo na s'ya!"

Napangiti ako. "G-ganoon naman talaga kapag may a-asawa, hindi ba?" Naiilang kong sagot.

"Hmm, sabagay."

Pagkatapos ng usapan namin ng katrabaho ko, umalis na agad ako at dali-daling naglakad upang hindi abutin ng gabi.

"Pinahinto ko talaga ang sasakyan ng iyong asawa, Binibini. Nang sa gayon ay makausap kitang muli."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko na naman si Tiya Alondra mula sa aking likuran. Sa wakas! Nagpakita na uli s'ya sa akin!"

"Tiya!" Paglingon ko ay wala s'ya roon. Kaya't humarap akong muli, doon nakita ko si Tiya Alondra. Puti na ang kaniyang Trahe De Mestiza, gayon din ang kaniyang abaniko at belo. "P-paano naman po kayo napunta agad sa aking harapan?" May kapangyarihan ba siya?

Ngumiti si Tiya Alondra. "Kumusta na?"

"A-ayos lang naman po ako."

Tumingin ako sa aming paligid, may mga taong napapatingin kay Tiya Alondra. At naririnig ko ang naiisip nila.

"Ang sexy naman nung babae!"

"Hala pre oh, sexy na, maganda pa!"

"T-tiya--"

"Huwag mo nang pansinin pa ang iniisip nila.  Sa paraan kong ito pakiramdam ko ay bumabalik ako sa pagkabata."

"N-ngunit sandali... Sa paningin nila kayo po ay bata pa?"

Tumawa na lamang si Tiya Alondra. "Hindi mo pa lubos kilala ang kakayahan ko, Catalina. Narito ako upang sagutin ang katanungan sa isip mo pagkagising ninyo ni Nathan mula sa pagtatalik."

Napatakip ako sa aking bibig at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "B-bakit ninyo alam?! Sinusundan ninyo pa ang aking bawat kilos at galaw?!"

Tinaasan na lamang ako ng kilay ni Tiya Alondra bilang sagot. Kapagkuway nagsalita ulit matapos ang ilang segundo. "Totoo ang lahat ng iyon. Ang paghihirap ni Sierra na dapat ay nararanasan mo ngayon, ay totoo. Noong una pa lamang ay alam ko na ang magiging kapalaran mo, ngunit ngayon ay binago ko ito."

"P-po?"

"Ngunit hindi para sa kapakanan mo. Kung hindi para sa kaniya." Ngumisi si Tiya Alondra at nanlisik ang kaniyang mata. "Gusto kong maghirap s'ya upang matutunan ang isang bagay."

"N-ngunit... Bakit kailangan ko pa itong mapanaginipan?" tanong ko.

"Dahil lahat ng kaniyang ginagawa sa katauhan mo, ay parte ng iyong kaluluwa at nakaraan."

"Kung gayon... Ang lahat ng ginagawa ko sa panahong ito ay magiging parte ng nakaraan ni Sierra sa oras na makabalik s'ya rito?"

Ngumiti si Tiya Alondra, isang peligrosong ngiti.

"Ang bawat desisyon mo, ang bawat galaw mo, ay may malaking epekto sa araw na makabalik s'ya sa katawang iyan. Kung kaya't Catalina, ayusin mo ang lahat, kung ayaw mong magsisi sa huli."

Kaugnay na kabanata

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 8

    Bakit ang mga namamatay lamangAng nagiging bayani,Bakit hindi pati ang mga taongNabubuhay sa pagdurusa,Dahil sa gobyernongMagnanakaw sa bayang sinilangan.1912"I-isagani..."Naistatwa ako sa tapat niya pagkabukas ko ng pintuan. Bakit s'ya naririto? Paano n'ya nalaman ang dormitoryo ko? S-sinundan n'ya ba ako?Napatingin s'ya sa loob ng aming dormitoryo, at napatitig sa isang malaking larawan kung saan naroroon kami ni Ate Clarita, ako at si Crustacia. Nilipat n'ya ang baling sa'kin saka nagsalita."Kung gayon ay ikaw pala ang isa sa kapatid ni Clarita, dapat ay maging mabait ako sa iyo," ngiting sabi ni Isagani.Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kaniyang makisig na mukha. Wala man lamang bakas ng sugat ito, mapula rin ang kaniyang labi... Ngayon ko lamang s'ya nakita ng malapitan."B-bakit ka nga pala napunta rito...?" tanong k

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 9

    Kung naniniwala kayongAng intensyon ng mga AmerikanoAy ang tulungan tayo,Pwes!Para kayong mga birhenNa naniniwala sa pagibigNg isang puta!- Antonio Luna, 1898 1912"Natutuwa akong malaman na ang dahilan ng aking anak sa paglipat ng Los Banos ay upang makita ang kaniyang matagal ng napupusuan. Catalina, hindi ka nagkamali sa pagpili,” nagagalak na sabi ni ama na nasa gitna ng aming hapagkainan.Kasalukuyan kaming naririto sa aming hacienda sa Maynila nang ibatid ni Don Emilio, ang ama ni Isagani, na nahuli kaming magkasama sa hardin ng Unibersidad. Ang aking mga magulang naman na si Dona Perpetua at Heneral Rogelio ay naniwala sa balitang iyon. Agad nila kamin

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 10

    Ang sikreto ay parang sakit sa kaluluwa,Kinakain nila ang mabuti,At pinananatili ang kasamaan sa likod nito.1912TILA NATAWA ang lahat nang marinig ng mga magulang namin ang sinabi ni Isagani.“Pagpasensyahan niyo na ang anak namin, alam nating wala pa sila sa hustong edad para magpakasal sa isa’t isa. Marahil kailangan natin na iplano ang kasal sa katapusan ng taong ito,” ani Don Emilio at palihim na sinamaan ng tingin si Isagani.Napatango ang aking mga magulang. Samantalang si Isagani ay pinipigil ang nangangalit na mga ngipin, alam kong sa mga panahong ito ay gusto na niya kaming isumpa.“Sakto dahil labing walong taong gulang na si Isagani sa susunod na buwan, talagang itinadhana si Isagani para kay Catalina,” anang Dona Isabel, kita sa kaniyang mukha ang kagalakan.

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 11

    Kung walang kurap,Walang mahirap.1912"A-ate," tanging naiwika ko. Inalalayan ako ni Isagani makatayo. Lumayo agad siya nang makita si Ate Clarita na may nagdududang tingin. "Paumanhin kung ganito ang naabutan mo, Binibining Clarita. Muntik nang madulas si Catalina kung kaya't agad ko siyang sinalo," ani Isagani. Hindi niya matignan ng diretso sa mata ang aking kapatid. Umarko ang kilay ni Ate Clarita. Nilipat niya ang tingin sa akin, kung kaya napalunok ako. "Hindi ba dapat nasa dormitoryo ka na?"

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 12

    Ang kalahating kasinungalinganAt kalahating katotohananAy buo pa ring kasalanan.1919"Hayaan mo muna akong maipakita kay Clarita kung gaano ko siya kamahal. P-pakiusap, kahit isang buwan lamang. Pagkatapos niyon ay sasabihin ko na sa kaniya ang lahat," ani Isagani nang makausap ko siya noong isang araw.Isang linggo na ang nakakalipas...Bumuntong-hininga ako at sinara ang libro. Saktong tinawag ako ni ate Clarita na kanina pa naghihintay sa bintana ng kwarto namin."Sigurado kang matagal bago bumalik si ina at ama, Catalina, ha?" hindi mapakaling tanong ni ate."Opo, sigurado ako."Lumaki ang mata ni ate Clarita nang makarinig na may taong paparating sa ibaba. "Naandito na si Isagani!" Natutuwa siyang dumungaw sa aming bintana.Ngayong gabi, haharanahin ni Isagani ang aking kapatid. Planado na namin ito habang wala

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 13

    Hindi ako natulogSa takot na magising akoUpang hanapin ang lahat ng itoSa isang panaginip1919"Totoo ba ito? Kung gayon ay nahuhulog na si Isagani kay Catalina!" masayang sabi ni ina.Tumawa si Dona Isabel, "Ako'y natutuwa para sa ating mga anak. Hindi na ako makapag-intay na ikasal sila."Nasa hapagkainan kaming lahat. Katabi ko si ate Clarita ngunit hindi ko maipihit ang tingin ko sa kaniya. Hatinggabi na at binalita ni Don Emilio ang nangyaring panghaharana raw ni Isagani sa akin."Ikakasal na pala sila," malamig na singit ni ate. Ibinaba niya ang kutsara at tumingin kay ama.Inangat ni Don Emilio ang tingin kay ate. Nangangambang baka anumang oras ay sabihin niya ang sikretong relasyon nila Isagani."Hindi ba nabanggit sa iyo ni Catalina? Sa tinagal ninyong magkasama sa dormitoryo ay

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 14

    Hindi tayo hinihintay ng pagtanda,Tayo ang naghihintay sa kanila.1913Isang taon na."Hindi pa po ba nagpapadala ng liham si ate Clarita?" tanong ko kay Ina. Naka upo kami sa may bintana habang nagbuburda. Makulimlim ang kalangitan.Napatigil siya sa pagtatahi. Bumuntong hininga at tumingin sa akin. "Hindi ko mawari kung anong nangyayari. Tatlong buwan na tayong walang balita sa kaniya."Hulyo pa ang kaniyang huling liham. Kaarawan iyon ni ama. Nagbigay siya ng munting regalo pati na kay Crustacia. Labis ang pagtataka ni Ina nang kami lamang ang walang regalo noon."Kailan po kaya makakauwi si ate?"Ngumiti si Ina. "Marahil ikaw ay hindi na mapakali na ikasal kay Isagani," panunukso pa niya.Lumuwa ang aking mata at mabilis na umiling. "H-hindi po iyon ang aking ibi

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 15

    Mapanganib ang mga tao, Hindi natin alam kung ano ang iniisip nila, Dahil madalas… Kung sino pa ang akala nating kakampi, Sila ang sisira sa tiwalang binigay natin. 1913“Bakit ka naparito?”“Burda mo iyan?”Halos sabay naming tanong nang makaalis si ama.Bumuntong hininga ako. “Oo, burda ko ito.” Pagtukoy ko sa aking hawak na tela. Dinisenyuhan ko ito ng iba’t ibang uri ng halaman. Tulad ng rosas, sampaguita at santan. Madalas ko silang makita sa Los Banos.Tumango-tango si Isagani. “Maganda. Napunta ako rito dahil pinilit ako ng aking ama na bisitahin ka.”Pinilit…“Alam mo ba kung kalian ang uwi ni Clari

Pinakabagong kabanata

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 24: Huling Kabanata

    Ating balikan ang unang kabanata,Ang simulang walang katapusan.Tunghayan ang huling kabanata.Huling prosa sa kawakasan.1913NILIBOT ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay."Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa ng paandarin ang kalesa."Sa daungan po papuntang Maynila." Inayos ko ang laylayan ng aking Trahe De Mestiza nang makasakay na sa loob.Kinuha ko ang isang kulay-kape na libro mula sa'king maleta. Napulot ko lang ito sa lamesa ng aming silid-aralan at nalimutan ko nang ibalik pa. Sinimulan kong tignan ang unang pahina ngunit blangko iyon, kaya dumiretso na ako sa ikalawa.&

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 23

    Ang katapusanAy laging may simulaNgunit may mga simulangHindi na nakikita ang katapusan.1913."Hindi mo pa ba alam ang balita?""Anong balita?""Pumanaw na si Clarita, iyong magaling makipag-argumento sa propesor?""S-sandali! Wala na siya? Paano?""Ang sabi sabi, pinatay s'ya ni Ginoong Isagani ngunit bago iyon, ginahasa n'ya muna si Clarita.""Isagani? Hindi ba't si Catalina ang nobya n'ya? Nakatakda na ang kasal nila sa susunod na buwan 'di ba?"Tumigil ako sa pagkain sa kapiterya ng aming Unibersidad. Palagi na lamang bang ganito? Mababaliw na ako sa mga bulong nila. Animo'y bubuyog na nagpapasakit ng tenga ko!Pilit kong pinakalma ang sarili."Aalis na ako."Sapat na ang aking boses upang patahimikin ang lahat. Hindi sila makapaniwa

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 22

    Balikan natin kung saanNagsimula ang lahatUpang sa gayo'yMagawa na nating bumalikSa pinagmulan.1913.Inangat ko ang tingin sa kaniya.Tahimik s'yang pumasok sa kwarto kung saan pwedeng magusap ang bisita at mga nakakulong.Mahigpit kaming binantayan ng mga sundalo at binigyang magusap ng kaunting minuto.Balisang umupo si Isagani sa'king harapan.Huminga muna ako nang malalim bago s'ya kausapin. "Kumusta ka? Maayos ba ang lagay mo rito?"Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin s'ya sumasagot.Ikinuyom ko ang nanginginig kong mga kamay. "M-magsalita ka naman," pinipigilan kong umiyak habang tinititigan s'ya.Nakatungo lamang s'ya at balisa."Nag-aalala na ako sa'yo... Alam mo bang tumakas ako sa'min kahit labag sa kagustuhan ni ama?"

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 21

    Ang pagibig ay hindi kailanmanMagiging marahas,Ito ay mapagubayaAt nagpapahalaga.1913.Naalimpungutan ako at napakamot sa mata.Tinanaw ko ang bintana at kumurap ng ilang beses.Nakarinig ako ng bulungan sa labas ng aking kwarto. Marahil iyon ay ang aming mga katulong.Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na sigaw kung kaya't napaupo ako sa kama."Kay Imelda ba ang boses na 'yon?" Tanong ko sa'king sarili.Nagsigawan na rin ang iba pang katulong, dahilan para lumabas ako ng kwarto at puntahan sila."A-anong nangyayari?"Nilapitan ko sila na nasa may pintuan ng aming hacienda."S-s-si binibining Clarita..." Ani Imelda habang nakatingin sa labas ng aming pintuan.Tinignan ko ang nasa harapan namin.

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 20

    Mas masahol pa sa hayopAng magkunsintiSa maling asalNa ginawa ng isang tao1913Kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa buong hapagkainan."U-umalis na nga po pala si Adam noong isang araw... May ensayo po sila sa Amerika," pagpapa-alam ni Ate Clarita sa aming lahat."Kung gayon bakit hindi man lang s'ya nagpaalam sa'kin?" sagot ni ama.Napatigil sa pagkain si ate. Ang katabi ko, si Isagani, ay napatingin sa kan'ya."Labis po s'yang nagmamadali dahil huli na raw po s'ya sa daungan, ama," aniya at nagpatuloy sa pagkain.Ibinaling ni ama ang atensyon kay Isagani. Mukhang wala s'ya sa tamang timpla dahil sa inilahad ni ate."Hijo, bakit hindi kita mahagilap noong isang linggo?"Tama si ama. Ni anino n'ya ay hindi ko nahagilap sa buong linggo kong pamamalagi sa

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 19

    Kailangan bang gawin moAng lahat upang matanggap kaSa lipunangpuno ng mapanghusga?1913.Isang linggo ang lumipas.Nobyo.Paulit-ulit kong inisip ang huling sinabi ni Ate Clarita.May nobyo na s'ya?"Ina, Ama, manliligaw ko po... Si Adam," pagpapakilala ni Ate sa mga magulang namin.Nagsama-sama kami ngayon sa sala dahil sa 'di inaasahang bisita.Katabi n'ya ang maputi at matangkad na lalaki. Amerikano nga s'ya. Hindi nakapagdududa."Hi, Madamme and Mister Fernandez. Nice to meet you all," wika ng kanyang nobyo. Ngumiti naman si Ina at Ama."Manliligaw? N-ngunit akala ko'y--"Pinanlakihan ako ng mata ni Ate. Senyales na hwag ko munang ibunyag na mag nobyo na sila."A-ang ibig kong sabihin... Bakit ngayon mo lamang s'ya pi

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 18

    Ibabalik kita sa nakaraan,Nang bumalik sa'yo ang lahat,Kung saan ka nagmula,Hanggang sa kung ano ka ngayon.1913"A-ate..."Para bang nagunaw ang mundo ko nang makita si Ate Clarita. Parang kanina ay kausap ko si Isagani tungkol sa kaniyang pagbalik... P-pero ngayon ay nandiyan na siya."Mukhang ako na lamang ang hinihintay ninyo sa inyong kasal. Masaya ako dahil halatang mahal na mahal niyo ang isa't isa," sabi ni Ate Clarita nang makalapit sa amin."C-clarita." Napatayo si Isagani mula sa kaniyang pagkakaluhod."Naririto ka na pala," hindi ko makapaniwalang sabi. "B-bakit hindi mo kami pinadalhan ng sulat nang sa gayo'y nasundo ka namin sa daungan," dagdag ko.Tumingin sa akin si Ate... Na parang wala na sa kaniya ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon."Wala na akong oras para sulat

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 17

    Huwag kang matakotNa harapin ang buhaySapagkat ang nakakatakotAy ang hindi mo na magawaAng dapat mong gawinBago ka pa mamatay1913"Puwede ba kitang... M-makausap?"Napalingon sa akin si Isagani. Pinuntahan ko siya rito sa kanilang silid-aralan. May nais akong sabihin.Pumayag naman s'ya. Naglakad kami patungo sa hardin rito sa Unibersidad -- kung saan kami nahuli ni Don Emilio.Tumigil sa paglalakad si Isagani. "Ano'ng sasabihin mo?""A-ah, uh..." Nauubusan ako ng salita sa harapan niya. "D-dalawang taon na." Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig.Bumuntong hininga si Isagani. Pinagkrus niya ang kaniyang braso at mariing tumingin sa akin.Kinagat ko ang aking labi. "Hanggang kailan ba tayong ganito, Isagani?" Diretso kong tingin sa kaniya."

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 16

    Sa sampung taong makikilala mo,Iyong lima, nakakain na.Iyong dalawa, nakabili na.Iyong tatlo, mangungutang pa lang.1913, September."Isagani, mamasyal muna kayo ni Catalina. Basta't bago mag alas-dyis, naririto na kayo, ha?""Po?"Bumuntong hininga si Dona Isabel. "Ano ba anak, ngayon lang uli kayo lalabas ni Catalina," aniya habang nagluluto ng handa."M-masusunod po, Ina."Hinila ako ni Isagani palabas ng kanilang bahay. Plano ng mga magulang namin na magsimba mamaya. Pasasalamat sa patron ng aming bayan."Gusto kong pumasyal sa parke. Mauuna na ako. Magkita na lamang tayo sa unang kanto pagkatunog ng kampana ng simbahan," wika ko."Huwag."Bahagya akong nagulat. "B-bakit?"Huminga ng malalim si Isagani, saka tinignan ako sa mga mata. "Nais

DMCA.com Protection Status