Teenage Mom Avenge

Teenage Mom Avenge

last updateLast Updated : 2021-07-30
By:   Tearsofpaige  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
8Chapters
1.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Frostia Sebastien, isang desi-nuebe anyos na lumaki sa hirap kasama ang kaniyang magulong pamilya. Dahil sa hirap ng buhay at sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ay naghanap siya ng trabaho bilang isang kasambahay. Napakalupit ng kaniyang tadhana at napunta siya sa mansiyon ng Rosales Residence at doon nagsimula ang kalbaryo ng kaniyang buhay. Naging lihim mab ang pangmomolestiya at panghahalay ng kaniyang among prinsipal ay nalaman pa rin ito ng karamihan lalo ba ang malupit na madam. Paano siya makakalayo sa mga mapanghusgang tao na walang alam kung ano ang malagim na sinapit niya mula sa Rosales Residence? Ipagpapatuloy pa rin ba niya ang kaniyang pagbubuntis kahit na alam niyang bunga ito ng panghahalay ng inaakalang mabutihing prinsipal? Paano siya makakatakas sa malupit niyang tadhana kung kinakailangan niya rin namang lumaban at maghiganti kahit sa maling paraan? “Kung ikakakulong ko ang pumatay ay ikakatuwa ko pa kaysa umiyak... nang sa kaisipang makukulong ako ay sisiguraduhin ko na... tapos na ang aking paghihiganti!” —Frostia Sebastien

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Malakas na sigaw na may halong mura na nagmumula sa isang Ginang na siyang nagpatigil sa lahat ng kustomer sa kani-kanilang ginagawa, kasabay ng isang malutong na sampal at masakit sa tengang pagka-usog ng upuan.Napalingon ang lahat sa iisang direksiyon lamang. Halo-halong ekspresiyon ang makikita sa mga mukha ng kustomer subalit iisa lang ang unang lumabas sa kanilang bibig kundi, “Ano’ng nangyayari?”Nagmamadaling lumabas ng kusina ang mga nagtatrabaho sa isang di-gaanong kalakihang resto ngunit dinadagsa ng mga nakararami dahil sa masasarap na mga putahi nito, ang Kessiels Restaurant. Malinis at maganda ang pagkadesinyo ng nasabing karihan.“Ano’ng nangyayari dito?” Napalingon ang nakatayong Ginang sa isang lalaking bagong dating.Makikita rito ang awtoridad at sinamahan pa ng magara at eleganteng terno at makintab na itim na suot nitong sapatos. May ka-e...

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
RIAN
Recommended...️
2022-07-23 00:00:39
0
8 Chapters
Chapter 1
Malakas na sigaw na may halong mura na nagmumula sa isang Ginang na siyang nagpatigil sa lahat ng kustomer sa kani-kanilang ginagawa, kasabay ng isang malutong na sampal at masakit sa tengang pagka-usog ng upuan.  Napalingon ang lahat sa iisang direksiyon lamang. Halo-halong ekspresiyon ang makikita sa mga mukha ng kustomer subalit iisa lang ang unang lumabas sa kanilang bibig kundi, “Ano’ng nangyayari?” Nagmamadaling lumabas ng kusina ang mga nagtatrabaho sa isang di-gaanong kalakihang resto ngunit dinadagsa ng mga nakararami dahil sa masasarap na mga putahi nito, ang Kessiels Restaurant. Malinis at maganda ang pagkadesinyo ng nasabing karihan. “Ano’ng nangyayari dito?” Napalingon ang nakatayong Ginang sa isang lalaking bagong dating. Makikita rito ang awtoridad at sinamahan pa ng magara at eleganteng terno at makintab na itim na suot nitong sapatos. May ka-e
last updateLast Updated : 2021-06-16
Read more
Chapter 2
Maagang gumising si Frostia ngayong araw ng linggo. Nagbihis siya ng komportableng damit na isa sa mga paborito niya, nabili niya ito galing sa kaniyang ipon sa pagtatrabaho sa resto. Hindi na siya nag-abalang maligo at kumain. Alam niyang sisigawan na naman siya ng kaniyang mga magulang.  Marahan niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto at humakbang papalabas. Nakahiga naman sa kanilang maliit na sala ang kaniyang ama, nakanganga ito ng bahagya at medyo nakatirik ang mata. Buong pag-iingat niyang hindi ito magising sa pagkakatulog. Nakahinga siya nang maluwag pagkatapak niya sa labas ng kanilang bahay. Lumapit siya sa kanilang tarangkahan at kinalagan ang lubid na pansara nila rito. May usapan silang ngayon ni Claire Mendez, ang Bestfriend niya. Magkikita sila ngayon sa harapan ng simbahan sa isang kainan. Isa sa dahilan niya ang paggising nang umaga ay ang usapan nila dahil may kalayuan ri
last updateLast Updated : 2021-06-16
Read more
Chapter 3
Suot-suot ang malinis at puting pinaglumaang unipormeng blusa at palda. Nakatingin sa harapan ng bilogang salamin na may kunting lamat. Inaayos ang pagkatali ng buhok nito. Nag-apply ng pulbo sa mukha at kunting pabango sa likuran ng tenga at pulupulsuhan nito. Pagkatapos ng kaniyang pag-aayos sa sarili ay isinukbit niya ang kaniyang kabalyas at tyaka lumabas sa sariling kwarto.  Tumutunog ang takong ng suot niyang sapatos pang-eskwela sa tuwing inaapakan ang sahig ng kanilang bahay. “Hali ka rito, Eman,” tawag niya sa kaniyang bunsong kapatid na lalaki. Inayos niya nang mabuti ang suot nitong polo at gano’n din ang kaniyang ginawa sa kakambal nito. Nilagay niya sa mga kabalyas nila ang kanilang baon na biskwit at ang plastik na boteng may laman na tubig. Sabay silang tatlong lumabas sa kanilang bahay. Pagkatapos maisara ang kanilang tarangkahan agad niyang hinawakan ang kamay
last updateLast Updated : 2021-06-16
Read more
Chapter 4
Bandang alas-tres ng hapon, katatapos lang ng seksiyon ni Frostia sa pagdiriwang ng kanilang pagkapanalo. Kaniya-kaniyang paalam ang bawat estudyante sa isa’t-isa sa harapan ng resto kung saan sila nagdiriwang. Kaniya-kaniyang uwian ang mga ito. “Hatid na kita sa inyo, Tia,” nakangiting wika ng matalik na kaibigan ni Frostia sa kaniya. “Sige, salamat.” Ngumiti siya rito. Nagpapasalamat siya ngayong araw na ito dahil maganda ang kahihinatnan at pangyayari. “Tara!” Tumango siya bilang pagtugon at sabay silang tumalikod at naglakad papunta sa iisang direksiyon. “Tia, sandali!” Napahinto sila sa kanilang paglalakad nang tawagin siya ng kanilang adviser na siyang nangunguna sa kanilang pagdidiriwang kanina. “Po?” tugon niya rito pagkaharap sa kaniyang adviser at lumapit pa sila nang kunti. Nasa bandang likuran niya ang
last updateLast Updated : 2021-07-06
Read more
Chapter 5
ISANG linggo na naman ang lumipas at ngayon ay araw ng byernes. Walang araw na hindi siya dumadaan sa bahay ng kaniyang tiya Rosa para ipagtutor ang kaniyang pinsan. Pagkatapos niyang makuha ang kaniyang sahod ay bagsak-balikat siyang naglakad palabas ng pintuan ng bahay ng tiyahin. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang mga mata at malalim ang kaniyang pag-iisip. ‘Ayoko nang magtutor pa! Inuuto lang ako ng mga kuripot na ’yon. Kainis!’ Nagsisisi siyang tinuruan niya pa nang maayos ang pinsan. Sana hindi na lang  siya umasang tutupad ito sa napagkasunduan nila noong una. Gano’n pa rin, isang daan at limampong peso pa rin ang nakuha niyang sahod mula sa pagtuturo ng apat na araw. Noong miyerkules niya pa natapos sa pagtutor Ang pinsan at inextend ng kaniyang tiyahin ang bayaran ng kaniyang magiging sahod. Naghintay siya ng dalawang araw sa karampot na bayad lang. Hindi nga makatarungan ang lahat.
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more
Chapter 6
PAGKA-APAK pa lang ng gate ni Frostia ay agad na napanganga siya sa dami ng tao. Puro nakasuot ang mga ito ng pormal na kasuotan at halatang mga mayayaman na tao sa lipunan.  Ganito na ba kayaman kaibigan ko upang dalohan ng iba’t-ibang tao na may posisyon sa lipunan? Nasisilaw si Frostia sa maliwanag na looban ng mansiyon ng kaibigan. Engrandeng-engrande ang loob. May chandeliers na nakasabit sa bubong, may grand staircase na pinapalamutian ng mga bulaklak at mga desinyo, may mga lamesa’t upuan na may preskong bulaklak na nakadisplay sa gitna, at may cater pa. “I told you! Kapwa nakapormal ang lahat. Ipagpapatuloy mo pa ba ang ganiyan ngayon? Sayang naman kung uuwi ka at ayokong mangyari ’yon. ’Di ako papayag.” Halata sa boses ng kaibigan ni Frostia ang desidedo’t pagkapanalo. Napalingon si Frostia sa main gate na pinasukan nila kanina. May mga nakatayo sa magkabilang gilid
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more
Chapter 7
MASAYANG umuwi ng bahay si Frostia upang ibalita ang pagiging top niya sa lahat ng exams at levels. Dumaan pa siya sa isang panaderya upang bumili ng isang cake para icelebrate ang kaniyang pagiging top kahit sa kaunting selebrasiyon man lang. Gusto n’ya rin pagandahin ang mood ng kaniyang mga magulang upang payagan siyang sumama sa darating na field trip nila.  Pagkatapos mabayaran ang isang cake na hugis bilog at tsokolate ang flavored nito ay agad niyang binitbit ang box ng cake at nagpara ng masasakyang traysikel. Hindi niya maiwasang mapangiti habang paandar ang sinasakyan niyang traysikel papunta sa bahay nila. May mga nakakasabay rin siya sa sinasakyan ngayon. Napuno siya ng good vibes ngayong hapon at hyper siyang nagpaalam sa driver at sa ibang pasahero pagkababa niya rito. Pagkasara niya pa lang sa kanilang tarangkahan ay agad siyang nakita ng kaniyang dalawang nakakabatang kapatid at agad siyang sin
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more
Chapter 8
MAKIKITA sa mga mata ng mga estudyante ang excitement sa kanilang magiging field trip. Sa wakas ay mawawala na ang kanilang stress dulot ng kanilang ikatlong pagsusulit.  Lahat ng limang sections ng mga Grade 10 students ay nagkakatipon-tipon sa kani-kanilang pwesto habang hinihintay ang bus na sasakyan nila. Isa naroon ang hindi makapaghintay ay si Frostia. Palakas nang palakas ang kaniyang nararamdamang kaba ngunit sa magandang pakiramdam. Nasa loob silang lahat sa kantina, ilan sa mga estudyante ay nasa counter at bumibili ng chichirya upang baonin. Panay tawag naman ang iilang mga kaklase’t kamag-aral niya sa kani-kanilang mga magulang upang ipaalam ang kanilang kalagayan habang naghihintay pa sa bus. ’Di magkamayaw ang ingay sa loob ng kantina lalo na’t mayroong mga kasama silang mahihilig mag-ingay at loko-loko. “Buti na lang sumama ka talaga Frostia! Halos lahat kami ay inaakalang hind
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more
DMCA.com Protection Status