Chapter: Chapter 24: MisunderstoodANG malakas na pagsabog ay nagresulta ng malakas na pagyanig ng lupa. Isang makapal na usok ang lumukob sa kinatatayuan ni Demon subalit siya’y nanatili pa ring nakadilat ang mga mata na tila ay hindi nasasaktan.Agad na kumunot ang noo ni Demon nang muli ay nakatakas si Kiefer subalit nakakasiguro siyang malalim ang mga sugat na natamo nito mula sa kanilang labanan. Siya naman ay walang makikitang ni miski maliit na galos.Siya ay tumalikod na at iniwan ang lugar na iyon. Diretso ang kaniyang paglalakad ng walang emosiyon ang kaniyang mukha. Unti-unti ring nawawala ang madilim na awra na nakapalibot sa kaniya.“M-Mister?” Isang mahinang tinig ang nagpalingon kay Demon at nakita ang babae kanina. “Kanina pa kita hinahanap—”Hindi niya pa rin ito pinansin at dumiretso siya sa kaniyang paglalakad papunta sa naturang nature spot. Narinig ni Demon ang sigaw ng babae subalit hindi siya nag-abalang huminto.Inis man ang nararamdaman ni Jenny subalit nawawala iyon kapag napapatingin siya sa
Last Updated: 2022-08-11
Chapter: Chapter 23: The explosionNAPAKAPRESKO ng simoy ng hangin lalo na’t napapalibutan ang sementadong daanan ng mga naglalakihan at nagtataasang mga puno. Bagama’t masarap ito sa pakiramdam, nagbabadya naman ang malakas na ulan. Namumuo ang maiitim na ulap sa kalangitan at paunti-unti nitong kinakain ang kabuoan ng magandang liwanag ng araw. Ang mga pasahero sa nasabing bus ay naglalakad na papunta sa sinabing nature spot. Sa kabila ng mahanging atmospera, makikitaan pa rin sa kanila ang pawis dala sa pagod. Napaghahalataang mga mayayaman sa lipunan. “Halika rito, baby. Kakargahin kita,” tawag ni Allyce sa kaniyang anak.Umiling lang ito at ngumiti. “Kapag pagod ka na, sabihan mo si mommy, a.” “Opo!” masaya nitong tugon at patalon-talon sa paglalakad. Hahabulin na sana ito ni Allyce nang pigilan siya ni Demon. Napatingin agad si Allyce sa pagkahawak nito sa kaniya. “Hayaan mo muna ang anak natin, mahal.” Nakangiti ito habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Umirap lang si Allyce rito at akmang susundan ang anak
Last Updated: 2022-08-08
Chapter: Chapter 22: Moments in the busSOBRA at hindi mapapatawan ang ingay ni Darkien dahil sa sayang nararamdaman niya sa mga oras ngayon. Siya ang mas pinakamaingay sa lahat ng mga batang naroon sa bus. Nasa byahe na sila ngayon. Magkatabing nakaupo ang tatlo at nasa gitna nina Allyce at Demon ang kanilang anak na kanina pa sobrang hyper.“Baby, umupo ka nang maayos. Huwag kang tatayo, okay? Madidisgrasiya ka niyan.” Kahit anong pilit na pinagsabihan ni Allyce ang kaniyang anak ay hindi ito nakikinig. Panay pa rin itong tumatalon-talon sa umupan. Napalingon si Allyce sa mga taong kasama nila at lahat sila ay nakatingin lang sa kanila na may iba’t ibang ekspresiyon sa kanilang mukha. “Darkien! Tumigil ka na at umupo nang mabuti. Huwag kang mag-ingay, magagalit ang mga tao sa’yo.”“May daddy ako! May daddy ako! Superhero ang daddy ko!” Hindi pinansin ni Darkien ang kaniyang mommy at patuloy pa rin sa pag-chant ng mga katagang iyon habang tumatalon-talon. Kinakaway-kaway rin nito ang kaniyang mga kamay.“Darkien! Tumigil k
Last Updated: 2022-08-05
Chapter: Chapter 21: Saving his son“Mommy! Mommy!” Masiglang tumatalong-talon ang batang si Darkien. Excited na ito sa magiging field trip nila ngayong araw. Lalo sa lahat, excited siyang makasama ang kaniyang mommy at Daddy Demon. Mararanasan na niya ang pagkakaroon ng buong pamilya. Mayroong mommy at daddy.“Oh, baby? Ang aga mong gumising, a?” wala sa sariling tanong ni Allyce sa anak habang nakapikit ang isa niyang mata.“Gising na, mommy. Field trip natin ngayon, hindi ba?” Tila ay kinikilig ang batang si Darkien bago ito tumakbo palabas.“Mag-ingat ka sa pagtakbo, baby!” sigaw ni Allyce upang paalalahanan ito.Walang magawa si Allyce kundi ay bumangon na sa kaniyang hinihigaan. Inuunat-unat niya ang kaniyang katawan at pagkatapos ay tumingin sa orasan. Bandang alas-sais pa ng umaga ngayon at ang oras ng byahe ay magsisimula ng alas-syete’y medya.“Kumain ka nang mabuti. Ito pa kainin mo ito.” Nilagyan ni Allyce ng gulay nilang ulam ang pinggan ng kaniyang anak. Inuna niyang inasikasuho ito bago pa ang kaniyang sa
Last Updated: 2022-08-05
Chapter: Chapter 20: Off the prideSA mainit na araw ng Miyerkules, isang kaguluhan ang nagpapainit lalo sa mga iilang batang nanonood sa awayan ng limang kamag-aral sa gilid ng parking lot ng pinapasukang eskwelahan ng mga ito. Ang kaawa-awang batang si Darkien ay walang awang pinagtutulungan ng apat na kamag-aral. Ang mga ito ay kapwa’y kaniyang mga bully na laking mayayaman at spoiled.Kahit na anong gawing panlalaban ng batang si Darkien ay hindi pa rin niya kayang patumbahin ang apat na mas malaki pa sa kaniya.“Hindi ka nababagay rito!” sigaw ng matabang bata at dinaganan si Darkien.“Lampa! Lampa! Lampa!” sigawan ng tatlong kasamahan nito.Ang matatabang kamao ng nakadagan kay Darkien ay tumatama sa kaniyang namumulang pisngi. Imbis na humiyaw sa sakit ay pilit siyang bumabangon at makaalis sa pagkadagan nito sa kaniya. Nang makahanap ng tyempo ay siya naman ang nasa ibabaw nito at hindi rin mabilang na beses ang pinatama niyang suntok sa matatabang pisngi ng bully.Malakas na umiyak ang matabang bata at nanghing
Last Updated: 2022-06-15
Chapter: Chapter 19: Invitation? “Maraming salamat,“ Allyce said in a low tone nang pagkalabas nilang dalawa ni Demon. Nasa unahan niya ito. “Para saan? Sa pag-anyaya mo sa akin ngayong gabi?” nakangiting tanong ni Demon pagkaharap niya rito. Pinagmamasdan niya ang kumikinang na pisngi ng asawa. Natatapatan ito ng sinag ng buwan. He couldn’t stop himself na mapamangha sa natural na ganda ng kaniyang asawa. “H-Hindi 'yon!” Allyce defended herself. Napansin niyang nawala ang ngiti ng kaharap at nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nakatitig pa rin ito sa kaniya. Agad na ibinaling ni Allyce ang kaniyang paningin sa ibang bagay. Nakatuon ang kaniyang paningin sa isang madilim na parte ng kalye na may kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Ramdam niya ang lamig ng hangin at ang kaniyang buhok ay sumasayaw sa ritmo nito. Tumikhim si Demon upang mapalipat sa kaniya ang atensiyon ng asawa. “May sasabihin ka?” Pilit na inaaninagan ni Allyce ang mukha nito sa dilim. Hindi naaabutan ng sinag ng buwan ang mukha nito at da
Last Updated: 2022-05-18
Chapter: Chapter 8MAKIKITA sa mga mata ng mga estudyante ang excitement sa kanilang magiging field trip. Sa wakas ay mawawala na ang kanilang stress dulot ng kanilang ikatlong pagsusulit.Lahat ng limang sections ng mga Grade 10 students ay nagkakatipon-tipon sa kani-kanilang pwesto habang hinihintay ang bus na sasakyan nila. Isa naroon ang hindi makapaghintay ay si Frostia. Palakas nang palakas ang kaniyang nararamdamang kaba ngunit sa magandang pakiramdam. Nasa loob silang lahat sa kantina, ilan sa mga estudyante ay nasa counter at bumibili ng chichirya upang baonin.Panay tawag naman ang iilang mga kaklase’t kamag-aral niya sa kani-kanilang mga magulang upang ipaalam ang kanilang kalagayan habang naghihintay pa sa bus. ’Di magkamayaw ang ingay sa loob ng kantina lalo na’t mayroong mga kasama silang mahihilig mag-ingay at loko-loko.“Buti na lang sumama ka talaga Frostia! Halos lahat kami ay inaakalang hind
Last Updated: 2021-07-30
Chapter: Chapter 7MASAYANG umuwi ng bahay si Frostia upang ibalita ang pagiging top niya sa lahat ng exams at levels. Dumaan pa siya sa isang panaderya upang bumili ng isang cake para icelebrate ang kaniyang pagiging top kahit sa kaunting selebrasiyon man lang. Gusto n’ya rin pagandahin ang mood ng kaniyang mga magulang upang payagan siyang sumama sa darating na field trip nila.Pagkatapos mabayaran ang isang cake na hugis bilog at tsokolate ang flavored nito ay agad niyang binitbit ang box ng cake at nagpara ng masasakyang traysikel.Hindi niya maiwasang mapangiti habang paandar ang sinasakyan niyang traysikel papunta sa bahay nila. May mga nakakasabay rin siya sa sinasakyan ngayon. Napuno siya ng good vibes ngayong hapon at hyper siyang nagpaalam sa driver at sa ibang pasahero pagkababa niya rito.Pagkasara niya pa lang sa kanilang tarangkahan ay agad siyang nakita ng kaniyang dalawang nakakabatang kapatid at agad siyang sin
Last Updated: 2021-07-30
Chapter: Chapter 6PAGKA-APAK pa lang ng gate ni Frostia ay agad na napanganga siya sa dami ng tao. Puro nakasuot ang mga ito ng pormal na kasuotan at halatang mga mayayaman na tao sa lipunan.Ganito na ba kayaman kaibigan ko upang dalohan ng iba’t-ibang tao na may posisyon sa lipunan? Nasisilaw si Frostia sa maliwanag na looban ng mansiyon ng kaibigan. Engrandeng-engrande ang loob. May chandeliers na nakasabit sa bubong, may grand staircase na pinapalamutian ng mga bulaklak at mga desinyo, may mga lamesa’t upuan na may preskong bulaklak na nakadisplay sa gitna, at may cater pa.“I told you! Kapwa nakapormal ang lahat. Ipagpapatuloy mo pa ba ang ganiyan ngayon? Sayang naman kung uuwi ka at ayokong mangyari ’yon. ’Di ako papayag.” Halata sa boses ng kaibigan ni Frostia ang desidedo’t pagkapanalo.Napalingon si Frostia sa main gate na pinasukan nila kanina. May mga nakatayo sa magkabilang gilid
Last Updated: 2021-07-30
Chapter: Chapter 5ISANG linggo na naman ang lumipas at ngayon ay araw ng byernes. Walang araw na hindi siya dumadaan sa bahay ng kaniyang tiya Rosa para ipagtutor ang kaniyang pinsan. Pagkatapos niyang makuha ang kaniyang sahod ay bagsak-balikat siyang naglakad palabas ng pintuan ng bahay ng tiyahin. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang mga mata at malalim ang kaniyang pag-iisip.‘Ayoko nang magtutor pa! Inuuto lang ako ng mga kuripot na ’yon. Kainis!’Nagsisisi siyang tinuruan niya pa nang maayos ang pinsan. Sana hindi na lang siya umasang tutupad ito sa napagkasunduan nila noong una. Gano’n pa rin, isang daan at limampong peso pa rin ang nakuha niyang sahod mula sa pagtuturo ng apat na araw. Noong miyerkules niya pa natapos sa pagtutor Ang pinsan at inextend ng kaniyang tiyahin ang bayaran ng kaniyang magiging sahod. Naghintay siya ng dalawang araw sa karampot na bayad lang. Hindi nga makatarungan ang lahat.
Last Updated: 2021-07-21
Chapter: Chapter 4Bandang alas-tres ng hapon, katatapos lang ng seksiyon ni Frostia sa pagdiriwang ng kanilang pagkapanalo. Kaniya-kaniyang paalam ang bawat estudyante sa isa’t-isa sa harapan ng resto kung saan sila nagdiriwang. Kaniya-kaniyang uwian ang mga ito.“Hatid na kita sa inyo, Tia,” nakangiting wika ng matalik na kaibigan ni Frostia sa kaniya.“Sige, salamat.” Ngumiti siya rito. Nagpapasalamat siya ngayong araw na ito dahil maganda ang kahihinatnan at pangyayari.“Tara!” Tumango siya bilang pagtugon at sabay silang tumalikod at naglakad papunta sa iisang direksiyon.“Tia, sandali!” Napahinto sila sa kanilang paglalakad nang tawagin siya ng kanilang adviser na siyang nangunguna sa kanilang pagdidiriwang kanina.“Po?” tugon niya rito pagkaharap sa kaniyang adviser at lumapit pa sila nang kunti. Nasa bandang likuran niya ang
Last Updated: 2021-07-06
Chapter: Chapter 3Suot-suot ang malinis at puting pinaglumaang unipormeng blusa at palda. Nakatingin sa harapan ng bilogang salamin na may kunting lamat. Inaayos ang pagkatali ng buhok nito. Nag-apply ng pulbo sa mukha at kunting pabango sa likuran ng tenga at pulupulsuhan nito. Pagkatapos ng kaniyang pag-aayos sa sarili ay isinukbit niya ang kaniyang kabalyas at tyaka lumabas sa sariling kwarto.Tumutunog ang takong ng suot niyang sapatos pang-eskwela sa tuwing inaapakan ang sahig ng kanilang bahay.“Hali ka rito, Eman,” tawag niya sa kaniyang bunsong kapatid na lalaki.Inayos niya nang mabuti ang suot nitong polo at gano’n din ang kaniyang ginawa sa kakambal nito. Nilagay niya sa mga kabalyas nila ang kanilang baon na biskwit at ang plastik na boteng may laman na tubig.Sabay silang tatlong lumabas sa kanilang bahay. Pagkatapos maisara ang kanilang tarangkahan agad niyang hinawakan ang kamay
Last Updated: 2021-06-16