ISANG linggo na naman ang lumipas at ngayon ay araw ng byernes. Walang araw na hindi siya dumadaan sa bahay ng kaniyang tiya Rosa para ipagtutor ang kaniyang pinsan. Pagkatapos niyang makuha ang kaniyang sahod ay bagsak-balikat siyang naglakad palabas ng pintuan ng bahay ng tiyahin. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang mga mata at malalim ang kaniyang pag-iisip.
‘Ayoko nang magtutor pa! Inuuto lang ako ng mga kuripot na ’yon. Kainis!’
Nagsisisi siyang tinuruan niya pa nang maayos ang pinsan. Sana hindi na lang siya umasang tutupad ito sa napagkasunduan nila noong una. Gano’n pa rin, isang daan at limampong peso pa rin ang nakuha niyang sahod mula sa pagtuturo ng apat na araw. Noong miyerkules niya pa natapos sa pagtutor Ang pinsan at inextend ng kaniyang tiyahin ang bayaran ng kaniyang magiging sahod. Naghintay siya ng dalawang araw sa karampot na bayad lang. Hindi nga makatarungan ang lahat.
“Tia? Ikaw ba ’yan?” Napalingon si Frostia nang may biglang nagsalita sa kaniyang likuran. “Ikaw nga! ’Di kita nakita kaninang hapon. Nagcutting-class ka? Nakakagulat naman! Suot mo pa ang uniform mo, oh.”
Medyo nahiya si Frostia sa narinig mula sa kaniyang kaklase na ngayon ay nasa harapan na niya ngayon. Kakauwi rin ng mga estudyante ngayon galing sa eskwelahan at ganoon din siya subalit siya ay naghalf-day lang upang umattend ng meeting ng kaniyang dalawang nakababatang kapatid. Suot-suot niya pa rin ang uniporme at maaakalang galing ito sa eskwela.
“Nakakagulat ba?” Nahihiya siyang tumawa nang mahina. “Hindi naman ako gaanong ka-mabait na mag-aaral. Kaya ko rin namang magcutting paminsan-minsan… tulad mo.”
Sinabi niya lang ’yon upang magpalusot. Ramdam niya kasing sarkastiko ang pananalita ng kaharap. Ayaw niyang magpaapi nang parati. Down na down pa naman siya ngayon at wala sa mood. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan niyang magpakumbaba parati.
“Ahm… sige, uwi na ako. Ingat ka, Tia!” Halata sa boses nito ang pagkapahiya at agad na nagmamadaling umalis palayo.
Napabuntong ng hininga si Frostia at tyaka tumingin sa kalangitan. Kitang-kita ang namumuong itim na ulap sa langit. Agad siyang pumara ng traysikel upang makauwi na sa kanila.
“Bwesit na Rosa ’yon! Akala mo kung sino!” galit na galit na singhal ni Karen nang malaman na naman ang pang-uuto ng tiya ni Rosa.
“Hayaan mo na Karen. Tutal kamag-anak natin sila kaya tulong na lang ’yon ni Frostia sa kanila.”
“Kamag-anak mo! Wala akong miski koneksiyon sa kanila, Manuel!” nanginginig sa galit si Karen nang marinig ang sinabi ng asawa na tila ba’y kinokonsidera lang nito ang pang-uuto sa kaniyang anak. “Kung ang mga anak niya ay matatanggap ko pa! Asawa siya ng nakakatandang kapatid mo at isa pa naging kasintahan mo noon ang nakakatandang kapatid ni Rosa at muntik na kayong maikasal. Kaya ka ganyan, ano? Kinakampihan mo sila kaysa sa amin! Sa sarili mong anak!”
“Hindi naman sa gano’n ’yon Karen. Ang akin lang ay h’wag ka nang makialam muna. Mas lalong gugulo at baka hahantong ito sa pag-aawayan ng pamilya natin at ng sa kanila.”
“Ewan ko sa’yo Manuel! Kita mo namang inuuto lang tayo nila. Nagugustuhan mo ba ang panglalamang nila sa’tin? Hah!”
“Shh… Huminahon ka na diyan. Halika ka rito, ikikiss kita para naman mawala ’yang sama ng loob mo.”
“Ay! H’wag mo ’kong lalandiin Manuel! Wala akong gana ngayon. Diyan ka na nga!” padabog na pumunta sa kusina si Karen upang maghanda ng kanilang hapunan at naiwan namang nakaupo sa sofa ang asawa nito na may pilyong ngiti.
Tahimik lang na naghuhugas ng pinggan si Frostia. Rinig na rinig niya ang sigawan ng kaniyang mga magulang kanina. Ramdam niya ang presensiya ng kaniyang ina sa likuran niya. Puro walang imik ang dalawa. Ayaw niyang magsalita kahit isang salita man lang, nag-aalalang matrigger na naman ang kaniyang ina at magbubunganga na naman ito.
Habang nakatingin sa bubong. Nakahiga nang tuwid habang nakabalot ng kumot ang katawan. Nakikinig sa mga ingay ng ulan at pagtulo ng tubig-ulan papunta sa isang lata na nasa ibabang bahagi ng kaniyang kama. Iniisip ni Frostia ang kaniyang magiging buhay sa darating na panahon. Gusto niyang makapagtapos at makahanap ng prominente at magandang trabaho. Gusto niyang bigyan ng magandang bahay, masasarap na pagkain, magagandang kasuotan, at walang problema sa pang-araw-araw na kakailanganin. Gusto niya ng magandang buhay para sa kanilang lahat. Nais niyang makaalis sa kahirapan at gano’n din ang kaniyang mga magulang kaya nagpupursige siya at ang kaniyang mga magulang kahit na maliit ang sahod na natatanggap nila sa araw-araw.
Naantala ang pagde-day dream ni Frostia nang may kumatok sa kaniyang pintuan. Nanginginig siyang tumayo at binuksan iyon. Nanunuot ang lamig sa kaniyang suot na jacket papunta sa kaniyang balat.
“Tia, nandiyan sa labas si tiya Rosa. Hinahanap ka.” Napakunot ang noo ni Tia sa narinig mula sa kaniyang hipag.
‘Ano na namang kailangan ni tiya sa’kin? Masiyado ng gabi ngayon at maulan pa.’
”Lalabas na po ako. Salamat ate.” Kinompose niya ang sarili bago lumabas ng kaniyang kwarto. Ayaw niyang ipahalata na ayaw niyang makita ang ginang. “Tiya, magandang gabi po. Ano pong kailangan n’yo sa’kin?”
“Frostia iha! Kumusta? Pasensiya ka na kung nadisturbo kita sa iyong pagtulog. Gising pa ang mga magulang mo?”
“Tulog na po sila. Bakit po?” Sa totoo, ayaw niyang gisingin ang kaniyang mga magulang sa pag-iisip na baka makita ng kaniyang ina ang tiyahin baka magkaroon pa ng away.
“Ahh… Ano Tia, baka pwede ka bukas? Nakuha ko na kasi ang modules ni Johann. Dalawang linggohang module nito at may kasama pang exams.” Nakangiting wika ni Rosa at nakita ang pagbabago ng mukha ni Frostia sa narinig. “’Wag kang mag-alala Tia. Babayaran ka rin naman pagkatapos. Libre pa rin naman ang—”
“Sorry tiya Rosa ayoko na po.” Tumaas ang kilay ni Rosa pagkarinig sa pagtanggi ni Frostia sa inaalok niya. “Ayoko nang magtutor kay Johann, tiya. Busy rin kasi ako at masiyadong hectic ang sched ko.”
“Huh? Makakaya mo naman siguro ’yan. Ikaw pa! Exam na kasi ni Johann, baka hindi siya makakapasa kung hindi mo siya itutor. Ikaw rin, sisisihin ka ng pinsan mo,” pangongonsensiya nito sa kaniya. “Mas busy naman ako kaysa sa’yo. Busy rin si Ella dahil nga nagtatrabaho na iyon sa opisina. Nag-aaral ka pa naman at walang trabaho. Tulungan mo naman si Johann. Masasaktan ’yon. Binabayaran ka rin naman nami—”
“Pasensiya na tiya. Hindi dapat ako ang sisisihin n’yo kapag hindi makakapasa ’yang anak mo. Sino bang taong gustuhing magpatuloy sa pagtuturo sa anak mo? Mahirap na nga turuan, maliit pa ang sahod. Kalahati nga lang ang binibigay n’yo sa napagkasunduan nating presyo tapos heto pa kayo at aapuraduhin ako?” inis na wika ni Frostia sa ginang na ngayon ay nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang sasabihin iyon ni Frostia sa kaniya, “at isa pa po, kahit na nag-aaral ako ay may ginagawa pa rin po ako rito sa bahay. MAS importante ang pag-aaral ko. Binabayaran mo nga po ako pero nagsinungaling ka tiya. Kung noong una pa lang na sinabi n’yong ganiyan lang ang isasahod n’yo ay… hindi na ako nag-abalang puntahan ang bahay n’yo araw-araw. Sayang pa naman ang pamasahe ko, oras, at pagod. Kung wala ka nang sasabihin pa, pupwede po umalis na kayo. Sinasayang n’yo lang ang oras ko, e.”
“Wala kang utang na loob Tia! Papaano mong nasabi ’yan sa nakakatanda sa’yo? Sa akin. Ganiyan ka ba pinalaki ng magulang mo hah!? Pagkatapos kit—”
“Walang kinalaman ang mga magulang ko rito, naging ganito po ako dahil din sa pagtrato n’yo sa’kin. May kaunting respeto pa rin naman po ako sa inyo na dapat nga hindi ko na po ibibigay sa iyo tiya.”
“Naririnig mo ba pinagsasabi mo? Anong gusto mong gawin ko? Magpasalamat sa respetong binibigay mo? Hah! Kapal naman ng mukha mo! Ang dali lang naman ng itututor mo kaya tama lang ang binabayaran namin!”
“Madali naman pala. Kayo na lang magturo. Ang dali lang kasi. Kunti lang siya kaya kayo na bahala roon.” Nawala ang mahiyaing ugali ni Frostia kaya nagagawa niyang lumaban nang salitaan sa kaniyang tiya Rosa.
“Walang hiya ka!” Agad na dumapo ang magaspang na palad ng kaniyang tiya sa pisngi niya na ikinalingon niya sa kabilang direksiyon. “Bwiset kang bata ka! Sumasagot ka na ngayon. Akala mo kung sino. Mukha kang pera!”
“Mukha kang libre! Natural lang na bayaran n’yo ko nang tama dahil napagkasunduan na natin ’yon no’ng una. Wala kang isang salita! Mukha ka ring pera po.”
“Ikaw! Bwesit ka!” Pinagsasampal at sinasabunutan ni Rosa ang pamangkin dahil sa galit at inis. Hindi niya matanggap na siya naman ang may kasalanan kung bakit naging ganito dahil talaga namang isa siyang mapagmataas at matapobreng babae na galing din naman sa hirap.
“Hayop ka!” Napamura nang Malakas ang ina ni Frostia nang makita ang isang kaganapan na sinasaktan ang kaniyang anak na nasa loob pa ng kanilang pamamahay.
Agad na kumuha ni Karen ang kaniyang walis tingting at mabilis na hinampas ang ginang kaya napahinto ito at nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay. Hinabol pa ito ni Karen kahit na umuulan pa papunta sa kanilang tarangkahan at hinagis ang dalang walis nang makitang agad itong nagmamadaling makasakay sa kanilang traysikel.
“Bwesit! Babalik ka pa rito tatadtarin na kitang hayop ka! Sana mamatay ka na lang sa daan!” malakas ang sigaw ni Karen. Halos sasabog siya sa galit ngayon at bumalik sa loob ng kanilang bahay.
“Kita muna Manuel! Bwesit na Rosa ’yon! Walang kahihiyan sa sarili na saktan ang anak natin dito pa sa pamamahay natin! Hayop ’yon! Siya pa may ganang manakit!” Walang-tigil sa pagbubunganga ang ina ni Frostia. Halatang galit na galit ito na halos pinapatay sa isip ang ginang.
“Tia! Punta ka sa bahay mamaya. Birthday ng kapatid ko.”
“Naku Claire ’di ako sure na makapunta. Wala akong pamasahe, ang layo pa naman ng inyo. Pasensiya ka n—”
Agad na hinampas ni Claire ang kaibigan sa balikat. “Punta ka o pupunta ka? Pili lang sa dalawa.”
“Wala akong pipilii—”
“Tia naman! Papayag si tita I’m sure. Magpabring home ka na lang para naman okay na okay sa pamilya mo. Susunduin kita mamaya.”
“Hatid mo rin ako pauwi?”
“Hays! Sige na nga! Basta ikaw na bahala sa ibi-bring home ko, a!”
“Oo na! Sige bye! Una na ako. Dapat maganda ako mamaya. Ikaw rin! May dadating na mga pogi mamaya say ni pinsan Grace.” Natawa na lang si Myari sa sinabi ng kaniyang kaibigan na si Claire.
Napapaisip siya kung bakit pa siya magpapaganda mamaya kung kain lang naman ang pupuntahan niya roon? Hindi nga talaga siya mananalo sa kaniyang kaibigan kapag nakapagdesisyon na iyon mag-isa. Ang poproblemahin niya na lang ay kung paano niya mapapayag ang kaniyang ina lalo na’t alam no’n na magagabihin siya nang masyado mamaya.
Tahimik na naglalakad si Frostia habang nakahawak Ang dalawa niyang kamay sa makabilaang hawakan ng kaniyang bag na nakasabit sa kaniyang mga balikat. Kakagaling niya lang sa eskwela at uwian na ngayon. Napagpasiyahan niyang maglakad pauwi upang makatipid ng kaniyang baon. Namimiss niyang magtrabaho pagkatapos ng kaniyang klase. Nakagawian na niyang dumiretso sa resto kung saan siya nagtatrabaho noon pagkatapos ng eskwela. Naninibago siya ngayon.
Diretso ang tingin sa kaniyang dinadaanan. May iilang mga nakakasabay niya sa paglalakad at mayroon ding nauuna sa kaniya. Maingay ang kaniyang paligid dahil na rin sa iba’t-ibang sasakyang dumadaan at mga tindahang nagpapatugtog ng mga radyo’t musika. Nadadaanan niya rin ang palengke na kung saan nagsisigawan at nag-aagawan ang mga tindera ng mga kustomer. Agad siyang lumiko sa ibang daanan nang makita ang kumpol na mga lalaki sa isang direksiyon kung saan dapat siyang dumaan papunta sa kanilang bahay. Kapwa nagsisiyahan ang mga ito habang walang suot na damit pang-itaas. Walang magawa si Frostia na umiwas na lang kaysa dumaan pa at baka ano pang mangyari sa kaniya. Mas tatagal nga lang ang kaniyang paglalakad pauwi sa kanila.
Hindi naman masiyadong mainit ang panahon ngunit sapat lang na pawisan siya dahil naglalakad lang ito. Huminto siya saglit sa harapan ng isang panaderya at bumili ng isang supot ng ensaymada na may anim na piraso sa loob ng supot. Bitbit niya ito at pinagpatuloy ang kaniyang paglalakad at napadaan sa isang malaking bahay: Mansiyon.
Sa ’di inaasahan ay napatingin si Frostia sa loob ng gate at nakita ang pag-sisigawan ng dalawang mag-asawa. Pukos na pukos Ang mga ito sa pag-aawayan nila at hindi napansin si Frostia na nasa labas ng kanilang gate na nakikiusisa. Dahil kuryusidad nalaman niya na ang pagmamay-ari ng malaking mansiyon na nasa tapat niya ay sa kanilang school principal na si Mr. Jundrex Rosales.
Malaki ang gate at makikita sa labas ang malaking ground ng loob na tinaniman ng bermuda grass. May malaking swimming pool sa gilid ng mansiyon at mayroon ding malaking garahe ng mga sasakyan. May apat na kotse, isang traysikel, at dalawang motor ang nakaparke roon. Maraming mga bulaklak sa loob at magaganda kung tignan. Halatang mamahalin ang mga ito. Nagsisigaw naman ang dalawang maliit na tuta habang nag-sisigawan ang mag-asawa.
“Sino ’yang Abby na ’yan, Jundrex! Hah!? Babae mo! Bwesit ka!” sigaw ni Geraldine sa kaniyang mister na ngayon ay sinasalo lang ang bawat hampas at suntok niya rito.
“Studyante ko lang si Abby, mahal. H’wag ka nang magselos diyan. Ikaw lang ang mahal ko kaya nga ikaw ang pinili kong pakasalan ’di ba? Tahan na. Tigil-tigilan mo na ’yang pagseselos mo. Malalaki na nga ang mga anak natin ngayon ka pa magseselos.”
“Parati ako nagseselos! Sino bang asawa na hindi magseselos kapag nakikita at nalalaman n’yang marami ang umali-aligid na mga babae sa asawa nila?! Sino? Wala! ”
“Mahal, natural na may aali-aligid sa’kin na mga babae dahil estudyante ko sila noon at isa pa, isa akong prinsipal. Hindi ko maiiwasan ang ganiyang mga bagay. H’wag n natin ’tong palakihin pa, okay? ” Yumuko na lang si Geraldine at mahinang humikbi. Alam niyang may punto ang kaniyang asawa ngunit hindi pa rin niya maiwasang magselos at magdamdam. Mahal na mahal niya ito.
Hindi alam ni Frostia kung ano ang dapat niyang ireak sa nasaksihang away-asawa. Agad nanlaki ang mata niya at yumuko nang lumingon sa kaniyang direksiyon ang prinsipal [Mr. Jundrex Rosales]. ’Yon ang school prinsipal ng kaniyang pinapasukang eskwelahan. Nahihiya siya sa ginawang pakikinig sa awayan ng mga ito. Nagpeace sign siya at dali-daling umalis nang makalayo ay agad siyang tumakbo nang mabilis. Kinakabahan siya na baka magalit sa kaniya ang mga ito. Kilala niya ang asawa ng kanilang school prinsipal. Siya si Mrs. Geraldine Rosales, isang magandang guro na nagtuturo sa isang pribadong eskwelahang pangkolehiyo na papasukan niya sa susunod na pasukan.
Pagdating sa kaniyang bahay ay agad siyang nagluto ng panghapunan at naglinis ng kalat. Kailangan niyang magawa ang lahat habang hindi pa nakakauwi ang kaniyang ina nang sa gayon ay papayagan siyang pumunta mamayang gabi sa bahay ng kaibigan.
“’Nay! Mano po! ” Agad niyang kinuha ang kanang kamay nito at nagmano. “Pupunta ako mamaya sa bahay ni Claire. Birthday kasi ng kapatid nito. ”
Tumaas ang kilay ni Karen. Alam niyang magagabihin ang anak. “Magdala ka a! ’Dj muna ako kakain mamaya. Agahan mo nang kunti ang pag-uwi para gaganahan ako sa pagkain. ”
“Talaga?! Sige-sige ’nay!” Masaya siyang nagmamadaling pumunta sa kaniyang kwarto upang magbihis.
Mag-iisang oras siyang naghihintay sa pagsundo ng kaniyang kaibigan sa kaniya at nagpapasalamat na dumating ito at agad siyang sumakay sa loob ng kotse na ito. Napatingin siya sa kaibigan na nakasuot ng casual dress na kulay green. Lagpas tuhod at kumikinang ito. May suot ding 3 inches heels at nakafull make-up pa ito samantalang siya ay nakasuot lang ng simpleng blouse na puti at jeans. Nakatirintas ang buhok niya at walang miski make-up na nilagay sa kaniyang mukha. Maganda naman talaga si Myari at miski ang nakamake-up na kaibigan ay hindi man lang nakalahati sa gandang tinataglay niya.
“Ba’t ganiyan lang sinuot mo? May casual ako roon sa bahay baka gusto mong suotin?”
“Huh? ’Wag na Claire. Okay na ako sa ganito, ” nakangiting wika ni Frostia sa kaibigan.
“Ikaw bahala. ’Di naman ’yan bago sa’yo ’di ba? Bakit ayaw mong magsuot ng sexy na damit? Hindi naman siya masyadong revealing.”
“Ayoko lang na magsuot ng mga ganiyan baka masanay ako, ” natatawang wika ni Frostia na ikinailing ni Claire.
“Sa dami-dami nang nasalihan mong pageant dapat sanay ka na.”
Ngumiti lang si Frostia rito. Kahit na ilang beses na siyang nakasali sa pageant, mapa-school man at pambato ng kanilang lugar ay hindi pa rin siya sanay sa pagsusuot ng mga revealing na kasuotan. Sa totoo, hindi naman niya gustong sumali sa mga ganiyan ngunit kailangan niya dahil sa pamimilit ng mga ito. Ilang beses na rin siyang inooferan ng mga model agencies subalit palaging tumatanggi siya dahil sa kaisipang mas maganda ang kaniyang kinabukasan kapag nakapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral.
“Bakit ba nagpapakamanang ka Tia? Alam mo bang sayang ang ganda mo? We only live once at dapat nating i-enjoy ang buhay natin bilang teenagers.”
“Nai-enjoy ko naman ang buhay ko. ’Pag nakapagtapos na ako ay mas madali na ang lahat dahil may pera akong gagamitin para sa enjoy-enjoy na ’yan. Mas mahalaga ang kinabukasan ko.”
Napabuntong-hininga na lang si Claire sa narinig mula sa kaibigan niya na sobrang dedicated sa pag-aaral. Hindi rin niya ito masisisi dahil saksi rin siya sa paghihirap nito.
Pinapanood ni Frostia ang labas ng bintana ng kotse habang nagse-selfie lang ang huli. Kinakabahan siya nang hindi niya alam kung bakit. Nakakaramdam din siya ng excitement dahil minsanan lang siyang makapunta ng selebrasiyon. Alam niyang magiging engrande ang dadaluhan niya dahil kilala niya ang pamilya ng kaibigan. Mayaman ito.
PAGKA-APAK pa lang ng gate ni Frostia ay agad na napanganga siya sa dami ng tao. Puro nakasuot ang mga ito ng pormal na kasuotan at halatang mga mayayaman na tao sa lipunan.Ganito na ba kayaman kaibigan ko upang dalohan ng iba’t-ibang tao na may posisyon sa lipunan? Nasisilaw si Frostia sa maliwanag na looban ng mansiyon ng kaibigan. Engrandeng-engrande ang loob. May chandeliers na nakasabit sa bubong, may grand staircase na pinapalamutian ng mga bulaklak at mga desinyo, may mga lamesa’t upuan na may preskong bulaklak na nakadisplay sa gitna, at may cater pa.“I told you! Kapwa nakapormal ang lahat. Ipagpapatuloy mo pa ba ang ganiyan ngayon? Sayang naman kung uuwi ka at ayokong mangyari ’yon. ’Di ako papayag.” Halata sa boses ng kaibigan ni Frostia ang desidedo’t pagkapanalo.Napalingon si Frostia sa main gate na pinasukan nila kanina. May mga nakatayo sa magkabilang gilid
MASAYANG umuwi ng bahay si Frostia upang ibalita ang pagiging top niya sa lahat ng exams at levels. Dumaan pa siya sa isang panaderya upang bumili ng isang cake para icelebrate ang kaniyang pagiging top kahit sa kaunting selebrasiyon man lang. Gusto n’ya rin pagandahin ang mood ng kaniyang mga magulang upang payagan siyang sumama sa darating na field trip nila.Pagkatapos mabayaran ang isang cake na hugis bilog at tsokolate ang flavored nito ay agad niyang binitbit ang box ng cake at nagpara ng masasakyang traysikel.Hindi niya maiwasang mapangiti habang paandar ang sinasakyan niyang traysikel papunta sa bahay nila. May mga nakakasabay rin siya sa sinasakyan ngayon. Napuno siya ng good vibes ngayong hapon at hyper siyang nagpaalam sa driver at sa ibang pasahero pagkababa niya rito.Pagkasara niya pa lang sa kanilang tarangkahan ay agad siyang nakita ng kaniyang dalawang nakakabatang kapatid at agad siyang sin
MAKIKITA sa mga mata ng mga estudyante ang excitement sa kanilang magiging field trip. Sa wakas ay mawawala na ang kanilang stress dulot ng kanilang ikatlong pagsusulit.Lahat ng limang sections ng mga Grade 10 students ay nagkakatipon-tipon sa kani-kanilang pwesto habang hinihintay ang bus na sasakyan nila. Isa naroon ang hindi makapaghintay ay si Frostia. Palakas nang palakas ang kaniyang nararamdamang kaba ngunit sa magandang pakiramdam. Nasa loob silang lahat sa kantina, ilan sa mga estudyante ay nasa counter at bumibili ng chichirya upang baonin.Panay tawag naman ang iilang mga kaklase’t kamag-aral niya sa kani-kanilang mga magulang upang ipaalam ang kanilang kalagayan habang naghihintay pa sa bus. ’Di magkamayaw ang ingay sa loob ng kantina lalo na’t mayroong mga kasama silang mahihilig mag-ingay at loko-loko.“Buti na lang sumama ka talaga Frostia! Halos lahat kami ay inaakalang hind
Malakas na sigaw na may halong mura na nagmumula sa isang Ginang na siyang nagpatigil sa lahat ng kustomer sa kani-kanilang ginagawa, kasabay ng isang malutong na sampal at masakit sa tengang pagka-usog ng upuan.Napalingon ang lahat sa iisang direksiyon lamang. Halo-halong ekspresiyon ang makikita sa mga mukha ng kustomer subalit iisa lang ang unang lumabas sa kanilang bibig kundi, “Ano’ng nangyayari?”Nagmamadaling lumabas ng kusina ang mga nagtatrabaho sa isang di-gaanong kalakihang resto ngunit dinadagsa ng mga nakararami dahil sa masasarap na mga putahi nito, ang Kessiels Restaurant. Malinis at maganda ang pagkadesinyo ng nasabing karihan.“Ano’ng nangyayari dito?” Napalingon ang nakatayong Ginang sa isang lalaking bagong dating.Makikita rito ang awtoridad at sinamahan pa ng magara at eleganteng terno at makintab na itim na suot nitong sapatos. May ka-e
Maagang gumising si Frostia ngayong araw ng linggo. Nagbihis siya ng komportableng damit na isa sa mga paborito niya, nabili niya ito galing sa kaniyang ipon sa pagtatrabaho sa resto. Hindi na siya nag-abalang maligo at kumain. Alam niyang sisigawan na naman siya ng kaniyang mga magulang.Marahan niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto at humakbang papalabas. Nakahiga naman sa kanilang maliit na sala ang kaniyang ama, nakanganga ito ng bahagya at medyo nakatirik ang mata. Buong pag-iingat niyang hindi ito magising sa pagkakatulog.Nakahinga siya nang maluwag pagkatapak niya sa labas ng kanilang bahay. Lumapit siya sa kanilang tarangkahan at kinalagan ang lubid na pansara nila rito.May usapan silang ngayon ni Claire Mendez, ang Bestfriend niya. Magkikita sila ngayon sa harapan ng simbahan sa isang kainan.Isa sa dahilan niya ang paggising nang umaga ay ang usapan nila dahil may kalayuan ri
Suot-suot ang malinis at puting pinaglumaang unipormeng blusa at palda. Nakatingin sa harapan ng bilogang salamin na may kunting lamat. Inaayos ang pagkatali ng buhok nito. Nag-apply ng pulbo sa mukha at kunting pabango sa likuran ng tenga at pulupulsuhan nito. Pagkatapos ng kaniyang pag-aayos sa sarili ay isinukbit niya ang kaniyang kabalyas at tyaka lumabas sa sariling kwarto.Tumutunog ang takong ng suot niyang sapatos pang-eskwela sa tuwing inaapakan ang sahig ng kanilang bahay.“Hali ka rito, Eman,” tawag niya sa kaniyang bunsong kapatid na lalaki.Inayos niya nang mabuti ang suot nitong polo at gano’n din ang kaniyang ginawa sa kakambal nito. Nilagay niya sa mga kabalyas nila ang kanilang baon na biskwit at ang plastik na boteng may laman na tubig.Sabay silang tatlong lumabas sa kanilang bahay. Pagkatapos maisara ang kanilang tarangkahan agad niyang hinawakan ang kamay
Bandang alas-tres ng hapon, katatapos lang ng seksiyon ni Frostia sa pagdiriwang ng kanilang pagkapanalo. Kaniya-kaniyang paalam ang bawat estudyante sa isa’t-isa sa harapan ng resto kung saan sila nagdiriwang. Kaniya-kaniyang uwian ang mga ito.“Hatid na kita sa inyo, Tia,” nakangiting wika ng matalik na kaibigan ni Frostia sa kaniya.“Sige, salamat.” Ngumiti siya rito. Nagpapasalamat siya ngayong araw na ito dahil maganda ang kahihinatnan at pangyayari.“Tara!” Tumango siya bilang pagtugon at sabay silang tumalikod at naglakad papunta sa iisang direksiyon.“Tia, sandali!” Napahinto sila sa kanilang paglalakad nang tawagin siya ng kanilang adviser na siyang nangunguna sa kanilang pagdidiriwang kanina.“Po?” tugon niya rito pagkaharap sa kaniyang adviser at lumapit pa sila nang kunti. Nasa bandang likuran niya ang

ISANG linggo na naman ang lumipas at ngayon ay araw ng byernes. Walang araw na hindi siya dumadaan sa bahay ng kaniyang tiya Rosa para ipagtutor ang kaniyang pinsan. Pagkatapos niyang makuha ang kaniyang sahod ay bagsak-balikat siyang naglakad palabas ng pintuan ng bahay ng tiyahin. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang mga mata at malalim ang kaniyang pag-iisip.‘Ayoko nang magtutor pa! Inuuto lang ako ng mga kuripot na ’yon. Kainis!’Nagsisisi siyang tinuruan niya pa nang maayos ang pinsan. Sana hindi na lang siya umasang tutupad ito sa napagkasunduan nila noong una. Gano’n pa rin, isang daan at limampong peso pa rin ang nakuha niyang sahod mula sa pagtuturo ng apat na araw. Noong miyerkules niya pa natapos sa pagtutor Ang pinsan at inextend ng kaniyang tiyahin ang bayaran ng kaniyang magiging sahod. Naghintay siya ng dalawang araw sa karampot na bayad lang. Hindi nga makatarungan ang lahat.