Maagang gumising si Frostia ngayong araw ng linggo. Nagbihis siya ng komportableng damit na isa sa mga paborito niya, nabili niya ito galing sa kaniyang ipon sa pagtatrabaho sa resto. Hindi na siya nag-abalang maligo at kumain. Alam niyang sisigawan na naman siya ng kaniyang mga magulang.
Marahan niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto at humakbang papalabas. Nakahiga naman sa kanilang maliit na sala ang kaniyang ama, nakanganga ito ng bahagya at medyo nakatirik ang mata. Buong pag-iingat niyang hindi ito magising sa pagkakatulog.
Nakahinga siya nang maluwag pagkatapak niya sa labas ng kanilang bahay. Lumapit siya sa kanilang tarangkahan at kinalagan ang lubid na pansara nila rito.
May usapan silang ngayon ni Claire Mendez, ang Bestfriend niya. Magkikita sila ngayon sa harapan ng simbahan sa isang kainan.
Isa sa dahilan niya ang paggising nang umaga ay ang usapan nila dahil may kalayuan rin sa kanilang bahay ang kanilang tagpuan ngayon. Maglalakad lang siya dahil wala siyang dalang pera miski piso dahil kinuha iyon lahat ng kaniyang ina.
May iilang namamasahero na ngayong umaga at may naglalakad rin sa labas. Naghahanda ang mga tindahan sa pagbukas at pag-aayos ng kanilang paninda. Nag-uumpisa namang dinisplay ng mga karinderya ang kanilang nilutong putahe.
Nadaanan na naman ni Frostia ang hintuan ng bus at pasaherong van. Nagmamadaling binababa ng mga driver ang kahon-kahong prutasan at paninda ng mga pasaherong tindera nila.
Kumakalam ang sikmura ni Frostia nang makita ang panaderya at mga naka-display na tinapay roon. Naaamoy niya ang mga ito, gusto niyang kumain ng bagong luto na tinapay pero wala siyang pera. Napalunok na lang ito ng sariling laway at pilit hindi pinapansin ang mga panindang pagkain, mas lalo siyang magugutom kung titignan niya ang mga ito.
Napalingon siya sa kaniyang likuran nang may bumusina sa kaniya. Isang pampasaherong single motor ang bumusina. Hininaan ng driver ang pag-andar nito at nagtanong ito sa kaniya kung sasakay ba siya.
“Hindi po,” sagot niya sabay iling.
Humarurot ang motor palayo sa kaniya. Napangiwi siya sa nakakasakit sa tengang boses ng makina nito na lumalabas sa tambutso.
“Tanga ba ’yon? Kitang naglalakad lang ako, tsk!” inis niyang wika habang naglalakad.
Tanaw na niya simbahan sa malayo. Malaki ang simbahan at nagsisimula nang tumunog ang kampana.
“Oh!” napabulalas niya nang mapagtantong linggo pala ngayon.
Habang papalapit nang papalapit siya sa nasabing simbahan, lumalakas nang lumalakas ang tunog ng kampana sa kaniyang pandinig.
Natanaw niya ang kaniyang matalik na kaibigan na kumakaway at nakatingin sa kaniyang direksiyon. Agaran naman siyang nagmadaling naglakad papunta rito.
“Ang tagal mo naman!” pangusong wika nito sa kaniya. “Naglakad ka lang?”
Tumango siya rito at napasinghap naman ang kaniyang kaharap at umismid agad.
“Weee?”
Hindi ito naniniwala sa kaniya dahil talaga namang malayo ang lugar na ito sa kanila.
“O, eto.” Inalok siya nito ng malinis na panyo. Agad naman niya itong kinuha at pinunasan ang tagaktak na pawis mula sa kaniyang maputi at mamumulang pisngi.
“Tara!”
Hinawakan siya ni Claire sa kaniyang pulupulsuhan at hinila nang bahagya upang tumawid sa kalsada upang pumunta sa simbahan upang magsimba.
May iilang pumaparadang mga traysikel sa harapan ng simbahan upang ihatid ang kanilang pasahero.
Hindi pa man sila nakakalahati sa pagtawid ng kalsada ay biglang tumunog ang sikmura ni Frostia na sakto lang na marinig ito ni Claire. Napahinto ang kaniyang matalik na kaibigan sa paghila niya at tinignan siya nito nang nagtatanong na mga mata?
“Hindi ka pa kumakain?” tanong nito sa kaniya sabay pangungunot ng noo.
Nahihiya siyang tumango at hinila niya nang bahagya ito upang ipagpatuloy ang pagtawid sa kalsada baka masagasaan pa sila kapag tumigil pa sila nang mas matagal.
“Kumain ka muna,” hila ni Claire pabalik sa kaniyang matalik na kaibigan at bumalik sa kanilang pwesto kanina.
“Ay, h’wag na Claire. Wala akong dalang pera.”
Ngayon niyang napagtanto kung bakit naglalakad lang ito papunta rito. Ang alam niya ay halos magdadalawang-oras ang lakaran mula sa bahay nito papunta rito.
“Ano ka ba! Treat ko.”
Walang nagawa si Frostia nang hilahin na siya nito papasok sa kakabukas lang na kainan o karinderya.
Pina-upo siya nito sa isa sa mga bakanteng lamesa at umalis ang kaniyang matalik na kaibigan upang umorder ng putaheng nakadisplay.
Ilang minuto lang ay bumalik ang dalaga at umupo sa kaniyang harapan.
“Kakahiya naman nito, Claire.”
“H’wag ka na ngang mahiya!” masungit na wika ni Claire kay Frostia.
Maya-maya ay nilapag na ng nakasuot ng ordinaryong damit na serbidora ang inorder niya para kay Frostia.
“Kumain ka na.”
“Baka mahuli tayo sa pagsisimba, Claire? Ang panget din tingnan kung papasok tayo baka makadistor—”
“May second mass naman, e. H’wag mo ng isipin ’yan. Kumain ka na.”
Taganas na ngumiti sa kaniya ang kaibigan at gano’n din siya rito. Inumpisahan nitong isubo ang hawak na kutsara na may lamang kanin at ulam. Dalawang putahe ang nakahanda sa lamesang yari sa kahoy na tinakpan ng malinis na mantel upang presentable itong tignan, isang serving ng adobong manok at isang serving din ng kare-kare, dalawang tasa ng kanin at tyaka isang 12 ounce na Pepsi.
Nakaramdam ng awa si Claire sa kalagayan ng kaniyang kaibigan. Ramdam niya na malungkot ito at mayroong pasang problema.
Siya ay anak ng isang guro at maybahay naman ang kaniyang ina. Masasabing may kaya rin siya ’di katulad ng babaeng pinapanood niyang kumakain ngayon. Minsan nakakaramdam siya ng inggit mula rito at normal lang iyon sa isang tao.
Mas matalino at maganda si Frostia kaysa sa kaniya. Maputi ang kaniyang matalik na kaibigan at karikitan ang kutis, mahabang itim na buhok hanggang beywang, mamumulang pisngi at natural na pula ng labi, matangos na ilong at may kalakihan ang mata na nababagay sa kakaibang angking ganda nito. Mapagkakamalang mayaman ang dalaga ngunit kabaliktaran sa totoong sitwasiyon nito.
Si Claire naman ay maputi rin ngunit ’di gaya kay Frostia, matangos rin ang ilong nito at makinis ang kutis, lagpas balikat ang rebonded na buhok at malaki ang bilogang mata nito. Mas matangkad siya kaysa kay Frostia subalit ang mapipintas sa kaniya ay ang ’di pantay na mga ngipin at mababang IQ nito.
Kapwa sila ay nag-aaral sa isang ’di-gaanong sikat na eskwelahan ngunit pribado at may kalakihan din ang tuition fee rito, nagkakahalagang limang libong peso kada taon. Nakakuha ng half scholarship si Frostia habang ang huli ay hindi. Kapwa magkaklase ang dalawa at nasa panghuling taon na sila sa hayskol.
Natapos na si Frostia sa kaniyang pagkain at nagpasalamat siya sa kaniyang kaibigan. Sabay silang lumabas sa karenderyang pinagkainan niya.
Hindi pa natatapos ang unang misa kaya napagpasiyahan muna nilang sulitin ang natitirang oras bago magsimula ang ikalawang misa.
Pumunta sila sa parke at malapit lang ito sa simbahan. Magkatabing umupo sa isang sementadong upuan at may malaking halaman na nakatanim sa likuran nila.
“Hindi na ako makakapaghihintay na matapos ang school year natin, Tia!” magilas na sambit ni Claire sa kaniya.
Ngumit siya rito, “Ako rin.”
“Eh? Parang ’di ka naman ata masaya?” mapanuring tanong nito sa kaniya.
“Masaya ako,” pekeng tawang sambit niya ngunit ’di ito sapat upang maniwala ang kaniyang katabi.
“H’wag ka ngang magkunwari, Tia,” seryosong ani nito sa kaniya.
Napayuko siya at pinipigilang hindi maiyak, hindi nga niya matatakasan ang pagiging mausisa ng kaniyang matalik na kaibigan.
“Hindi ata ako makakapag-kolehiyo, Claire.”
“Huh? Bakit naman? Matalino ka at—”
“Walang saysay ang aking katalinuhan kung wala namang susuporta sa’king pagko-kolehiyo,” malungkot niyang pahayag.
“Matalino ka tyaka… maganda. Mag-aapply ka ng scholarship sa college at may part time job ka naman ’di ba? Pagkatapos ng graduation natin may apat na buwan ka pa para mag-ipo—”
“‘Yon nga ang problema ko, Claire…” Humugot siya ng malalim na hininga, “nasisante na ako kahapon l-lang.”
Pumiyok ang boses niya sa huling binanggit na salita at pilit na hindi maiyak. Naalala na naman niya ang nangyari kahapon pati ang pag-aaway na nadatnan niya sa kanilang bahay at ang masakit na salitang binitawan ng kaniyang ina.
Hindi alam ni Claire kung papaano niya paginghawain ang matalik na kaibigan. Agad niya na lang itong niyakap ng mahigpit sabay tapik nang marahan sa balikat nito.
Agad namang bumuhos ang masaganang luha ni Frostia pagkayakap ng kaniyang kaibigan sa kaniya. Ang kaninang pinipigilang emosiyon ay naipalabas niya rito. Nakikinig lang ang kaniyang matalik na kaibigan at sapat na iyon para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
Matapos ang isang oras at kalahating pag-iiyakan ng dalawa ay nahimasmasan na ang mga ito. Tila mga baliw na tumatawa habang nilalait ang bawat isa dahil sa mga mukha nila ngayon. Napapailing naman ang mga nakakakita sa kanila mula kanina magpahanggang ngayong oras.
Sabay silang pumunta sa isang malapit na tindahan at bumili ng soft drinks at siyempre si Claire ang nagbayad.
“Sasamahan kitang maghanap ng trabaho mamaya pagkatapos ng ating pagsimba.”
“Maraming salamat talaga, Claire!” masayang pasasalamat niya sa kaibigan. “Andami mo ng naitulong sa’kin.”
“Wala ’yon tyaka magkaibigan naman tayo. Ikaw nga mas marami pa ang naitulong mo sa’kin.”
Halos lahat ng academic year simula nang naging magkaibigan sila ay si Frostia ang tumutulong at gumagawa ng kaniyang proyekto ng walang hinihinging kapalit. Sa kaniya nangongopya ang dalaga mapa-quiz, assignment man o quarterly examination. Naging magkaibigan sila nang maging magkaklase sila sa 9th grade. May pag-aawayan man at hindi pagkaka-intindihan ay hindi ito naging dahilan upang magkalamat ang kanilang pagkakaibigan.
“Magsisimula na ang second mass, Tia bilis!” sigaw ni Claire sa kaniya at tumakbo.
Nagmamadali silang tumakbo papuntang simbahan. Nauuna sa kaniya si Claire dahil isa itong runner at volleyball player sa kanilang eskwelahan, kahit mababa ang IQ nito ay isa pa rin itong sportsman ’di katulad niya na magaling lang sa oral at akademik.
Napahinto siya sa tapat ng simbahan at tinukod ng kaniyang mga kamay ang tuhod nito dahil sa pagod.
Pumasok siya sa loob ng simbahan at hinanap ng kaniyang mata ang kaibigan.
“Ba’t nahuli ka?” agad na tanong nito sa kaniya pagka-upo niya sa tabi nito.
“Hinanap lang kita,” tanging sagot niya.
Habang nakikinig siya ay napalingon siya sa kaniyang katabi na panay pasimpleng tumitingin sa mga kasamahan nilang nagsisimba dito sa loob. Siniko niya ito nang palihim at dinilatan ng mata. Nagkibit-balikat lang si Claire at nagkukunwaring walang ginawang mali.
Natapos ang misa at sabay-sabay silang lumabas sa pintuan.
“Kyahh! Nakita mo ’yon? Nakita mo ’yon?” Halos patalong impit na sigaw ni Claire pagkalabas ng simbahan.
“Huh? Ang ano?” nagtataka niyang tanong dito.
“Anong ano? Sino!” Humagikgik ito ng mahina at hinampas siya sa balikat. “Ang pogi no’ng nakasuot ng white polo!”
Sinalaysay ng kaniyang kaibigan ang mga nakita nito kanina habang nasa loob ng simbahan sabay describe nito sa suot, hairstyle hanggang kung saan ito naka-upo. Nanatili lang siyang nakikinig ngunit wala siyang interes sa mga pinagsasabi nito. Siya ’yong tipong minsanan lang kiligin, hindi tumitingin sa mga tao lalo na’t lalaki maliban na kung kailangan. Pukos ang kaniyang atensiyon sa kaniyang pag-aaral.
Pumunta sila sa mga karinderya, panaderya, fast-food chain at iba pa na pu-pwede niyang apply-an pero wala siyang nahanap o mas tatawaging hindi siya qualified sa lahat ng pinasukan niya. Hindi niya makukuha ang mga bakanteng trabaho dahil lang sa kaniyang edad. Bata pa lang ito at nasa edad na disi-siyete. Kailangan nasa edad na desi-otso pataas upang matanggap sa trabaho, ’yon ang requirements nila.
Nakapasok siya sa trabaho noon bilang serbidora ng Kessiels Restaurant dahil pamangkin siya ng dating nakadestinong tagapangasiwa ng nasabing resto.
Lupaypay silang umupo sa isang bench sa labas ng 7/11.
“Pa’no na ‘yan, Tia?” malungkot na tanong ni Claire sa kaniya.
Hindi siya tumugon rito at nanatili lang siyang walang imik. Malungkot siya subalit ayaw nang gumana ang kaniyang isip. Naba-blangko ang kaniyang utak sa mga sunod-sunod na kamalasang nangyayari sa kaniya.
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Tanging tunog ng mga iba’t-ibang sasakyan, mga pag-uusap ng mga taong nakapaligid sa kanilang kinaroroonan ang nagsisilbing ingay sa pagitan ng dalawa. Kapwa nakatulala sa kawalan.
“Anong nangyayari sa inyo?”
Sabay silang nagulat sa biglaang may nagtanong sa kanilang dalawa.
“S-sir?” gulat na sambit ni Claire at nanatili lang na walang imik si Frostia.
“Para kayong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga itsura n’yo ngayon, mas lalo ka na, Tia,” natatawang wika ng lalaking nakatayo malapit kay Frostia.
“Kasi po—”
“Claire!” sabat niya sa kaibigan.
Napanguso si Claire sa pagpapatigil ni Frostia sa kaniya. Nangunot ang noo ng lalaki. Siya si Mr. Jundrex Rosales, ang prinsipal ng kanilang pinapasukang eskwelahan.
“Kumain na ba kayo?” tanong nito sa dalawang estudyante.
“Hindi pa po, e.”
“Aba, tanghali na! Kumain na kayo.” paalala niya sa mga ito.
“Libre mo kami, s—”
“Claire…” Nakita niya ang pagsiko ni Frostia sa kaibigan nito, “sige po sir, kakain po kami mamaya. Ingat po kayo.”
Tinignan niya nang maigi ang dalagang nakasuot ng puting blusa at jeans, nakangiti ito ngunit malungkot ang mga mata.
“Sabay na kayo sa’kin. Magmiminindal ako ngayon,” aya niya sa mga ito.
“Ay! H’wag na po kayong mag-abala—”
“Sige sir! Bet ko ’yan basta libre mo, a?” lakas-loob na sigaw ni Claire.
“Kung gayon, tara.” Tumingin ito sa kaniyang mamahaling wrist watch na galing sa ibang bansa. “Past 12 na, doon tayo kumain sa Hesin.”
“Yes!” masayang bulalas ni Claire na ikina-ikot ng mata ni Frostia.
“Mahiya ka naman!” inis niyang bulong sa kaibigan.
Tumawa lang ang kaniyang kaibigan nang mahina at hinila siya. Sumunod lang sila sa naglalakad sa unahan, ang kanilang prinsipal. Nagmukha silang buntot na sumusunod dito.
Isa rin ang Hesin Resto sa mga kilalang restaurant dito sa kanilang lugar. Panay daldal ang ginawa ng kaniyang matalik na kaibigan hanggang mapunta sila sa harapan ng resto kung saan sila kakain ngayong tanghalian.
Suot-suot ang malinis at puting pinaglumaang unipormeng blusa at palda. Nakatingin sa harapan ng bilogang salamin na may kunting lamat. Inaayos ang pagkatali ng buhok nito. Nag-apply ng pulbo sa mukha at kunting pabango sa likuran ng tenga at pulupulsuhan nito. Pagkatapos ng kaniyang pag-aayos sa sarili ay isinukbit niya ang kaniyang kabalyas at tyaka lumabas sa sariling kwarto.Tumutunog ang takong ng suot niyang sapatos pang-eskwela sa tuwing inaapakan ang sahig ng kanilang bahay.“Hali ka rito, Eman,” tawag niya sa kaniyang bunsong kapatid na lalaki.Inayos niya nang mabuti ang suot nitong polo at gano’n din ang kaniyang ginawa sa kakambal nito. Nilagay niya sa mga kabalyas nila ang kanilang baon na biskwit at ang plastik na boteng may laman na tubig.Sabay silang tatlong lumabas sa kanilang bahay. Pagkatapos maisara ang kanilang tarangkahan agad niyang hinawakan ang kamay
Bandang alas-tres ng hapon, katatapos lang ng seksiyon ni Frostia sa pagdiriwang ng kanilang pagkapanalo. Kaniya-kaniyang paalam ang bawat estudyante sa isa’t-isa sa harapan ng resto kung saan sila nagdiriwang. Kaniya-kaniyang uwian ang mga ito.“Hatid na kita sa inyo, Tia,” nakangiting wika ng matalik na kaibigan ni Frostia sa kaniya.“Sige, salamat.” Ngumiti siya rito. Nagpapasalamat siya ngayong araw na ito dahil maganda ang kahihinatnan at pangyayari.“Tara!” Tumango siya bilang pagtugon at sabay silang tumalikod at naglakad papunta sa iisang direksiyon.“Tia, sandali!” Napahinto sila sa kanilang paglalakad nang tawagin siya ng kanilang adviser na siyang nangunguna sa kanilang pagdidiriwang kanina.“Po?” tugon niya rito pagkaharap sa kaniyang adviser at lumapit pa sila nang kunti. Nasa bandang likuran niya ang
ISANG linggo na naman ang lumipas at ngayon ay araw ng byernes. Walang araw na hindi siya dumadaan sa bahay ng kaniyang tiya Rosa para ipagtutor ang kaniyang pinsan. Pagkatapos niyang makuha ang kaniyang sahod ay bagsak-balikat siyang naglakad palabas ng pintuan ng bahay ng tiyahin. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang mga mata at malalim ang kaniyang pag-iisip.‘Ayoko nang magtutor pa! Inuuto lang ako ng mga kuripot na ’yon. Kainis!’Nagsisisi siyang tinuruan niya pa nang maayos ang pinsan. Sana hindi na lang siya umasang tutupad ito sa napagkasunduan nila noong una. Gano’n pa rin, isang daan at limampong peso pa rin ang nakuha niyang sahod mula sa pagtuturo ng apat na araw. Noong miyerkules niya pa natapos sa pagtutor Ang pinsan at inextend ng kaniyang tiyahin ang bayaran ng kaniyang magiging sahod. Naghintay siya ng dalawang araw sa karampot na bayad lang. Hindi nga makatarungan ang lahat.
PAGKA-APAK pa lang ng gate ni Frostia ay agad na napanganga siya sa dami ng tao. Puro nakasuot ang mga ito ng pormal na kasuotan at halatang mga mayayaman na tao sa lipunan.Ganito na ba kayaman kaibigan ko upang dalohan ng iba’t-ibang tao na may posisyon sa lipunan? Nasisilaw si Frostia sa maliwanag na looban ng mansiyon ng kaibigan. Engrandeng-engrande ang loob. May chandeliers na nakasabit sa bubong, may grand staircase na pinapalamutian ng mga bulaklak at mga desinyo, may mga lamesa’t upuan na may preskong bulaklak na nakadisplay sa gitna, at may cater pa.“I told you! Kapwa nakapormal ang lahat. Ipagpapatuloy mo pa ba ang ganiyan ngayon? Sayang naman kung uuwi ka at ayokong mangyari ’yon. ’Di ako papayag.” Halata sa boses ng kaibigan ni Frostia ang desidedo’t pagkapanalo.Napalingon si Frostia sa main gate na pinasukan nila kanina. May mga nakatayo sa magkabilang gilid
MASAYANG umuwi ng bahay si Frostia upang ibalita ang pagiging top niya sa lahat ng exams at levels. Dumaan pa siya sa isang panaderya upang bumili ng isang cake para icelebrate ang kaniyang pagiging top kahit sa kaunting selebrasiyon man lang. Gusto n’ya rin pagandahin ang mood ng kaniyang mga magulang upang payagan siyang sumama sa darating na field trip nila.Pagkatapos mabayaran ang isang cake na hugis bilog at tsokolate ang flavored nito ay agad niyang binitbit ang box ng cake at nagpara ng masasakyang traysikel.Hindi niya maiwasang mapangiti habang paandar ang sinasakyan niyang traysikel papunta sa bahay nila. May mga nakakasabay rin siya sa sinasakyan ngayon. Napuno siya ng good vibes ngayong hapon at hyper siyang nagpaalam sa driver at sa ibang pasahero pagkababa niya rito.Pagkasara niya pa lang sa kanilang tarangkahan ay agad siyang nakita ng kaniyang dalawang nakakabatang kapatid at agad siyang sin
MAKIKITA sa mga mata ng mga estudyante ang excitement sa kanilang magiging field trip. Sa wakas ay mawawala na ang kanilang stress dulot ng kanilang ikatlong pagsusulit.Lahat ng limang sections ng mga Grade 10 students ay nagkakatipon-tipon sa kani-kanilang pwesto habang hinihintay ang bus na sasakyan nila. Isa naroon ang hindi makapaghintay ay si Frostia. Palakas nang palakas ang kaniyang nararamdamang kaba ngunit sa magandang pakiramdam. Nasa loob silang lahat sa kantina, ilan sa mga estudyante ay nasa counter at bumibili ng chichirya upang baonin.Panay tawag naman ang iilang mga kaklase’t kamag-aral niya sa kani-kanilang mga magulang upang ipaalam ang kanilang kalagayan habang naghihintay pa sa bus. ’Di magkamayaw ang ingay sa loob ng kantina lalo na’t mayroong mga kasama silang mahihilig mag-ingay at loko-loko.“Buti na lang sumama ka talaga Frostia! Halos lahat kami ay inaakalang hind
Malakas na sigaw na may halong mura na nagmumula sa isang Ginang na siyang nagpatigil sa lahat ng kustomer sa kani-kanilang ginagawa, kasabay ng isang malutong na sampal at masakit sa tengang pagka-usog ng upuan.Napalingon ang lahat sa iisang direksiyon lamang. Halo-halong ekspresiyon ang makikita sa mga mukha ng kustomer subalit iisa lang ang unang lumabas sa kanilang bibig kundi, “Ano’ng nangyayari?”Nagmamadaling lumabas ng kusina ang mga nagtatrabaho sa isang di-gaanong kalakihang resto ngunit dinadagsa ng mga nakararami dahil sa masasarap na mga putahi nito, ang Kessiels Restaurant. Malinis at maganda ang pagkadesinyo ng nasabing karihan.“Ano’ng nangyayari dito?” Napalingon ang nakatayong Ginang sa isang lalaking bagong dating.Makikita rito ang awtoridad at sinamahan pa ng magara at eleganteng terno at makintab na itim na suot nitong sapatos. May ka-e

Maagang gumising si Frostia ngayong araw ng linggo. Nagbihis siya ng komportableng damit na isa sa mga paborito niya, nabili niya ito galing sa kaniyang ipon sa pagtatrabaho sa resto. Hindi na siya nag-abalang maligo at kumain. Alam niyang sisigawan na naman siya ng kaniyang mga magulang.Marahan niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto at humakbang papalabas. Nakahiga naman sa kanilang maliit na sala ang kaniyang ama, nakanganga ito ng bahagya at medyo nakatirik ang mata. Buong pag-iingat niyang hindi ito magising sa pagkakatulog.Nakahinga siya nang maluwag pagkatapak niya sa labas ng kanilang bahay. Lumapit siya sa kanilang tarangkahan at kinalagan ang lubid na pansara nila rito.May usapan silang ngayon ni Claire Mendez, ang Bestfriend niya. Magkikita sila ngayon sa harapan ng simbahan sa isang kainan.Isa sa dahilan niya ang paggising nang umaga ay ang usapan nila dahil may kalayuan ri