Bandang alas-tres ng hapon, katatapos lang ng seksiyon ni Frostia sa pagdiriwang ng kanilang pagkapanalo. Kaniya-kaniyang paalam ang bawat estudyante sa isa’t-isa sa harapan ng resto kung saan sila nagdiriwang. Kaniya-kaniyang uwian ang mga ito. “Hatid na kita sa inyo, Tia,” nakangiting wika ng matalik na kaibigan ni Frostia sa kaniya. “Sige, salamat.” Ngumiti siya rito. Nagpapasalamat siya ngayong araw na ito dahil maganda ang kahihinatnan at pangyayari. “Tara!” Tumango siya bilang pagtugon at sabay silang tumalikod at naglakad papunta sa iisang direksiyon. “Tia, sandali!” Napahinto sila sa kanilang paglalakad nang tawagin siya ng kanilang adviser na siyang nangunguna sa kanilang pagdidiriwang kanina. “Po?” tugon niya rito pagkaharap sa kaniyang adviser at lumapit pa sila nang kunti. Nasa bandang likuran niya ang
Last Updated : 2021-07-06 Read more