NAKANGISING BUMABA si Tarinio sa motorbike na dala. Taas noong pumasok sa building kung saan ang pad ng kanyang pinsang si Anaxy. Kumindat siya sa receptionist na humagikhik nang makita siya. Pabiro siyang sumaludo dito bago tuluyang sumakay sa elevator.
Pasipol sipol siya habang hinihintay ang pagdating sa tamang palapag. Ngayon ang kaarawan ng pinsan, nagyaya ito ng inuman para magdiwang. Medyo hindi naman siya busy kaya nagpasya siyang pumunta, isa pa hindi niya rin naman ito matitiis."Mga tarantado kong pinsan," nakangisi niyang sigaw nang tuluyang makapasok sa pad.Nandoon na ang lahat, busy sa pag-inom. Napatingin siya sa wrist watch, napailing nang makitang late siya ng dalawang oras kaya halos lasing na ang mga ito."Tari, akala ko hindi ka na dadating. You're busy fucking your slut?" natatawang salubong ni Cerio."Nasaan ang birthday boy?" Pabiro niyang sinuntok ang balikat nito at hindi na pinansin ang pagiging madumi ng mga salitang lumalabas sa bibig."Here." Bumaling siya sa kusina, nandoon ito. Nakaapron habang naglalabas ng panibagong pulutan. "Late ka na naman, lahat ba ng secret agent hindi punctual?"Patalon siyang umupo sa stool, malapit sa kitchen counter. L-shape 'yon, may wine rack sa kabilang parte. Tumayo siya, pinasadahan ng kamay ang napakaraming wine na nakalagay sa halos singlawak ng pader ng pad."Go, boys. Ubusin ang wine ni Anax," sigaw niya.Anaxy chuckled. Inilabas nito ang nabake na cake. His cousin, Anaxy Castillion is an ideal man. Kahit siya ay hanga dito, magaling itong magluto at matagumpay sa piniling propesyon. Lahat sila matagumpay pero iba para sa kanya si Anax.Malinis ito, tila babae ang pagiging OC nito. Kahit na nagwalwal na ang mga pinsan nila nasa tama pa rin ang pagkakatayo ng mga bote sa ibabaw ng mesa. "Baka tumba na kayong lahat pero 'yong wine rack ko di pa nakalahati."Bumalik siya sa pagkakaupo sa stool. Maglalagay na ito ng decoration sa cake. "Kumusta ang pagiging wine connoisseur?"Nagkibit balikat ito. "Gan'on pa rin, maganda pa rin ang panlasa. Ikaw, tapos na ba ang kaso mo?"Napabuntong hininga siya. "Hanggat hindi ako nagreretiro hindi matatapos ang mga kaso ko.""Atleast learn to take a break, you are not getting any younger. You should start dating."Natawa siya sa suhestyon nito. Dating is the least plan he have in his life. It's might clichè but he don't like the idea of dating. "Alam mo namang sa trabaho ko ubos na agad ang oras ko, kulang pa nga e. Paano ako magkakaroon ng panahon para sa dates?"Sumandal siya sa counter, humarap sa iba pang mga pinsan na nagkakatuwaan. May sariling mundo, nawiwili sa pagyayabangan tungkol sa babae. Usapang hindi niya hilig salihan."Time management."Umiling siya. "Walang imamanage kasi wala akong time.""Tatanda kang binata."Napakangisi siyang nilingon ito, sa likod ng kanyang balikat. "Tatanda kang virgin." Napahalakhak siya nang matigilan ito. "Kung makapagadvice ka sa'kin tungkol sa dating akala mo may girlfriend ka. Take my advice, enjoy pussies first before tying the knot.""Idiot," inis na sagot nito."Virgin," gante niya. Naiiling itong bumalik sa ginagawa. Kinuha niya ang goblet na inabot ni Volt. Inisang inom niya ang red wine na laman n'on.Imbes na sumali sa katuwaan ng kanyang mga pinsan nagtungo siya sa bintana. Sinalubong siya ng malamig na hangin. Tanaw niya halos buong syudad, tila mga bituin sa pagkutitap ang iba't ibang kulay ng ilaw ng mga establishments.Nakakarelax ang tanawin pero magulo pa rin ang isipan niya. He's thirty five now and Anaxy is right, he's not getting any younger. Hindi niya akalain na darating ang pagkakataon sa buhay niya na poproblemahan niya kung paano magsettle down.Where would he find a material wife? He's not even a material husband. Sa pagkahumaling sa trabaho hindi niya namalayan ang paglipas ng panahon, tumatanda na pala siya. Nakuntento na lamang siya sa paniniwalang sa klase ng kanyang trabaho walang babaeng makakaintindi sa kanya. Walang babaeng gugustuhing magkaroon ng boyfriend na walang oras sa kanya.Nakakasawa din pala ang maging binata, sa isipan niya.Ngayong may mga pamilya na ang pito niyang mga pinsan sa iisang uncle niya nararamdaman na niya ang pressure.Sino namang babae ang gugustuhing maging asawa ako?Kumuha siya ng isang bote ng wine. Binuksan at doon mismo uminom. May trabaho na namang maghihintay sa kanya bukas. Lalo siyang mawawalan ng oras para sa sarili.Nang hindi mawala sa sistema niya ang gumugulo sa isip nagpaalam siya kay Anaxy na pansamantalang lalabas. Nakarating siya sa rooftop, kinuha niya ang cellphone. Mabilis na nadial ang numero ng kanilang head team."Castillion," bungad nito."I want to file for a leave, sir." Buo na ang desisyon niya, hindi niya tatanggapin ang sunod na kasong ibibigay sa kanya. Kailangan na niyang maghanap ng babaeng mapapangasawa, hindi niya 'yon magagawa kung puro trabaho ang aatupagin niya.Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya. "Are you sure?" may pagkabigla sa boses nito.Hindi niya masisisi ang kanyang head dahil simula n'ong pumasok siya bilang isang agent ni minsan hindi siya humingi ng bakasyon. Kahit mga holidays hindi siya nagpapahinga. Puro trabaho."Yes, sir. Pinag-isipan ko na ito ng napakaraming beses.""Pero ang susunod na kaso ay para talaga sa'yo. Walang ibang sasalo dahil ikaw lang ang qualified na humawak n'on. Ilang taon itong pinaghandaan ng nasa taas, hindi ka pwedeng magleave."Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. "But I need the approval for my leave, sir.""I can give you my approval but sorry, I can't let you for now. Pagkatapos ng kasong ito kahit isang taong leave pagbibigyan kita. Just this one, Castillion."Pinigilan niya ang emosyon. Gusto niyang magreklamo, disappointed siya dahil ngayon lang siya humiling ngunit hindi siya pinagbigyan. Ilang ulit siyang nagbilang sa kanyang isipan, kinakalma ang sarili. Bago muling sumagot."I understand, sir. I will accept the case, then." Mahalaga sa kanya ang pakay kaya gusto niyang magleave pero mas mahalaga din ang kanyang trabaho.Parte na iyon ng buhay niya. Siguro'y maipagpapaliban niya pa ang paghahanap ng pwedeng maging asawa. Wala sa plano niya ang mag-asawa simula pa noon pero habang patanda ng patanda nag-iiba ang takbo ng kanyang desisyon."Thank you, Castillion." Ibinaba niya ang tawag, hindi na sumagot ka. Ibinalik niya sa bulsa ang cellphone.Naglakad siya papunta sa dulong parte ng rooftop. Umakyat siya sa mababang pader at umupo doon. Tanaw niya ang taas ng building na kinaroroonan niya. Normal lang sa kanya ang heights kaya't balewala lang iyon sa kanya. Komportable siya, alam niya kung paano kontrolin ang katawan.Tahimik siyang nakaupo doon. Sinusulit ang malamig at preskong hangin.Napamura siya nang may biglang humawak sa kamay niya ng mahigpit. Sa gulat, halos tumilapon ang katawan niya at mahulog. Mabuti na lamang at mabilis ang kanyang reflexes. Nakahawak siya sa pader."Wag kang magpapakamatay, walang pangalawang buhay sa palengke. Kapag sinayang mo ang buhay mo ngayon hindi mo alam kung tatanggapin ka sa langit. At kapag sa impyerno ka mapunta magdudusa ka pa rin," parang rapper ang babaeng nagsalita. Nilingon niya ito. Ang dalawa nitong kamay nakahawak sa kanyang braso, nakatingala ito at mariing nakapikit."Kung nagdudusa ka ngayon dito sa lupa 'wag kang mag-alala may katapusan din 'yan. Wag kang magpapakamatay," sigaw nito. Hindi pagkandaugaga sa paghila sa kanya.Nakatingin lamang siya dito, inaarok kung may tama ba ito sa ulo o lasing. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagsasalita ng kung anu ano. Napakabilis. Hindi niya maintindihan."Kapag hindi ka bumitaw ikaw ang ihuhulog ko para malaman mo kung saan ka tatanggapin. Kung sa langit o empyerno." Nanlaki ang mga mata nito nang dumilat.May kadiliman sa lugar kaya't hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito lalo at nakasuot ito ng hood na may tenga ng rabbit. Bahagyang tumatakip sa mukha.Napaatras ito nang tumalon siya malapit sa kinatatayuan nito. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang sweatpants, humarap sa babae."Hi-Hindi ka magpapakamatay?"Halos mapaikot niya ang mga mata. "May nagpapakamatay bang nagpapahangin muna?"Wala siyang natanggap na sagot mula rito. Napansin niyang titig na titig ito sa kanya. Napangiwi siya nang maglabas ito ng flashlight at itinutok sa mukha niya. Napamura siya. Mabilis na napapikit, tinakpan ang lens ng ilaw nito."Ay, maryosep, sana pala itinulak pa kita kanina. Kung alam ko lang na ikaw 'yan nabawasan na sana ang salot sa mundo. Hindi ka pa nahuhulog alam ko na kung saan ka mapupunta, sa impyerno agad agad walang evaluation kay San Pedro," mahabang sabi nito.Kumunot ang kanyang noo. Inagaw ang maliit na flashlight na hawak nito, sa mukha naman nito niya itinutok. Tinanggal niya ang hood sa ulo nito. Mas lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makilala ang babae."Anong ginagawa mo dito?""Paki mo? Nanay ba kita na dapat sagutin ko lahat ng tanong mo. Kung anong ginagawa ko dito? Kung bakit ako nandito? Kung sino ang pinuntahan ko?"Kulang nalang takpan niya ang kanyang tenga sa pagkarindi sa boses nito. Tinalo pa nito ang manok, buti pa ang manok panay ang putak at tilaok sa tuwing umaga lang. Kung sa gabi minsan lang pero ang babaeng kaharap niya, simula n'ong nakatagpo niya ito ng landas doon niya nalaman na pwede palang magkatawang tao ag pwet ng manok."Isa lang ang tanong ko.""Wala kang karapatang magtanong dahil hindi kita boyfriend." Inis nitong ibinalik ang pagkakasuot ng hood."Hindi kita type," aniya.Umawang ang bibig nito, hindi makapaniwala. Itinuro siya bago itinuro ang sarili nito, pabalik balik ang pagturo nito. Bago pa man ito makapagsalita tinalikuran na niya."Hoy," sigaw nito. Nagtuloy tuloy siya sa paglalakad.Hindi niya pa rin alam kung bakit nandoon ang babae. May kalayuan ang building na 'yon sa apartment nito. Hindi niya akalaing makikita niya pa ulit ito.Amanda. Iyon ang pangalan ng babae. Anak ito ng landlord ng dati niyang kliyente. Ang asawa ng kanyang pinsan na si Seventh.Nang bantayan niya ang asawa ng pinsan noon doon siya napadpad sa lumang apartment nito. Sa tuwing mag-iiwan siya ng pera ito ang pinapabantay niya. Lagi siyang may lagay dito para payagan siyang makapasok. Bayad na rin sa pananahimik nito.Natural na sa babae ang pagiging taklisa. Hindi niya agad nakilala ang boses nito kanina dahil mga taon na rin ang lumipas simula n'ong matapos niya ang kasong 'yon."Wala talagang modo ang lalaking 'to kahit kailan." Tumakbo ito, sumunod sa kanya.Hindi siya kumibo habang panay ang pamimintas nito sa ugali niya. Tumigil siya. Sa bilis nitong maglakad bumunggo ito sa dibdib niya. Natigilan ang babae. Nakatitig lang siya dito."Umalis ka nga sa dinadaanan ko." Itinulak siya nito. Hindi natinag ang katawan niya. Bumwelo ito. Nang itutulak na siya nang malakas agad siyang pumasok sa katapat na pinto.Ang pinto ng pad ni Anaxy ang tinigilan niya. Napangisi siya nang marinig ang pagbagsak nito."Napakasama mo talagang lalaki ka," tili nito.Pigil ang tawa niya. Pasipol sipol siyang umupo sa couch. Kaharap na niya ang lahat ng kanyang mga pinsan. Hindi niya mapigilang mapangiti habang inaalala ang taklisang babae. Asar talo pa rin ito hanggang ngayon.Madalas itong mainis sa kanya. N'ong humingi ito noon ng bayad para sa pagpapapasok sa kanya sa apartment binigyan niya ito ng bente pesos. Doon niya unang nakitang nainis ito sa kanya. Nawiwili siyang inisin ito dahil bukod sa nakapadaldal mabilis mamula ang tungki ng ilong.Sandali niyang nakalimutan ang problema niya sa trabaho. Sumandal siya, humalukipkip. Kunwari ay nakikinig sa usapan ng kanyang mga pinsan. Sumalo na rin siya sa pag-inom ng mga ito."Syempre hindi matatapos ang gabing ito na walang surpresa para sa celebrant," humiyaw si Zin.Pareho parehong malalaki ang ngisi ng mga ito. Kahit hindi siya nasabihan may ideya na siya sa surpresang sinasabi ng mga ito."Ilabas ang lechon," sigaw ni Cerio. Nagtawanan sila."Lagyan niyo na ng blindfold," utos ni Nixy. Hinubad nito ang necktie, 'yon ang ginamit na blindfold para sa celebrant. Walang nagawa si Anaxy kundi sumunod. Naghiyawan sila, dumoble ang ingay nang magpatugtog si Fiel."Gentlemen, the surprise," anunsyo ni Cerio.Mas lalong humiyaw ang mga ito nang pumasok ang tatlong babaeng nakasuot ng pulang robe at may itim na maskara. Magkatabi silang nakatayo ni Volt, parehong napapailing sa kalokohan ng mga pinsan."Parang kape 'to, Anax. Three in one," hirit ni Nixy.Nagsimulang sumuyaw ang mga babae. Tuwang tuwa ang mga pilyo. Tumingin sa kanya ang babaeng nasa gitna, hindi niya iyon pinansin. Nagtungo ito sa celebrant, sumunod ang dalawa nitong kasama. Akmang sasayawan siya ng isa ngunit umiling siya."Nope, I'm not the celebrant."Naging mainit ang pagsayaw ng mga ito, magagaling gumiling. Kahit siya ay nag-eenjoy din sa pakulong 'yon. Pero nawala ang ngiti niyang nang tanggalin ng mga ito ang mga mask.Hindi niya alam kung anong masamang ispiritu ang sumapi sa kanya. Ngunit para siyang siniliban nang makita si Amanda ang isa sa mga ito. Nakakandong ito ngayon kay Anaxy. Ito ang babaeng unang tumingin sa kanya kanina.AmandaINIRAPAN KO TARINIO na halos puti nalang ang matira sa mata ko sa sobrang inis. Anino niya palang sagad hanggang buto na ang inis ko sa kanya. Napakayabang at parang pag-aari ang lahat. Walang talab sa'kin ang gwapo niyang mukha dahil bagsak siya sa ethics. Pinagbuti ko ang pagsayaw. Dinig ko ay magpipinsan sila. Hindi na ako nagtaka kung walang tulak kabigin sa hitsura nilang lahat, para silang mga adones na iniluwa ng salitang perfection. Si Tarinio lang ang sablay.Hinawakan ko ang leeg ng birthday celebrant na ang pagkakarinig ko ay Anaxy ang pangalan. Sa unang tingin para itong lalaking hindi makabasag pinggan, gentle ang feature niya hindi tulad ng ibang mga nandito na nagsisigawan at halatang malilibot. I know, halos lahat sa mga lalaki malibog.Hinawakan ni Anaxy ang balikat ko, wala siyang reaksyon sa napakabongga kong sayaw. Inilapit ang dibdib ko sa mukha niya, akmang huhubarin ko na ang sosyal na robe na pinagamit sa'min ng manager namin pero pinigilan niya ako."P
TarinioDINUMPOT ko ang blue folder na inilagay ng head agent ko sa harap ko. Nasa opisina ako ngayon para sa panibagong kasong hahawakan ko. Binuklat ko iyon at binasa lahat ng impormasyon. Isang litrato ng matanda ang nakalagay doon at ang mga businesses nito. "Kung makikita ko puro legal na business niya ang nakarehistro, of course. Sa second page ang mga illegal deals and transactions nila.""Armado Trei. Multi billionaire, hindi basta basta ang taong 'to," sagot ko.Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Kaya sa'yo ko ito ibibigay, lahat ng intel na'tin sa iba't ibang bansa hindi umobra. Hindi sila makakuha ng kongretong ebidensya. Lahat ng kasong hinawakan mo lahat successful at I will consider this case done.""Sisimulan ko agad ito.""Isa pa, 'wag kang magfocus sa kanya dahil front page lang siya ng kanilang business, ang totoong humahawak sa lahat ng illegal business nila ay ang anak nitong babae."Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Bakit walang picture dito? How do I know her
AmandaNAPAINGOS ako at pinanood ang pag-alis niya. Tumawag ako ng waiter, bigla akong nagutom. Kailangan kong makaisip ng paraan para mapalapit sa kanya. Sa ngayon itong credit card lang ang rason ko para sumulpot bigla sa harapan niya, kapag naisauli ko na ito tapos na. At hindi iyon maaari. Kailangan kong umisip ng paraan para araw araw ko siyang makasama at mabantayan. Nakakapagod sumunod sa kanya araw araw. Kapag naubusan ako ng rason mahahalata niya ako. Nagmasid ako sa paligid, nagbabakasakaling may makuha akong idea. Napakagwapo niya naman kong palagi akong mag-eeffort na itrack kung nasaan siya. I'm too gorgeous to follow him around, and he don't deserve my attention. Pero ngayon wala akong choice. Sinisira niya ang nananahimik kong buhay. Pagkatapos kumain lumabas agad ako. Wala akong ibang dala kundi credit card niya. Patawid na ako ng kalsada nang may lalaking patawid din. May babaeng nakabuntot sa kanya."Kahit hindi mo ako pansinin basta hayaan mo lang akong makita ka
TarinioNAGPATULOY AKO sa pagse-serve sa mga bisita. Ngunit alerto ang buo kong pagkatao sa bawat galaw ng mga ito. Hindi ko inaalis ang tingin kay Senior Armando. Ilang minuto na akong pabalik balik sa pagse-serve ngunit wala akong nakikitang babaeng pwedeng maging anak niya na lumapit sa kanya. "Waiter," tawag sa'kin ng isang matandang babae. Binigyan ko ito ng red wine lalo at malapit lamang ito sa kinatatayuan ni Senior Armando at ang mga businessmen na kausap nito. Pasimple akong tumayo doon kahit na naibigay ko na ang wine ng matandang babae. "Kailan mo balak ipakilala sa'min ang nag-iisa mong tagapagmana? Kailangan na namin siyang kaibiganin ngayon palang bago ka magretero," pabirong sabi ni Governor Elmano, I know him dahil isa rin siya sa mga tiwalang gobernador na maganda ang imahe sa publiko. "I don't want to take the risk. Magulo ang mundo na'tin kaya gusto kong mamuhay siya sa ibang bansa na tahimik," sagot ng Senior. Kumunot
Amanda ColenNAGISING AKO dahil sa paghaplos sa aking dibdib. Napaungol ako sa nakakahalinang pakiramdam na dulot nito. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at humikab. Tumatama na sa'king mukha ang sikat ng araw mula sa bintana. May pumipisil at humahaplos pa rin sa dibdib ko. Ilang sandali bago nag-sink-in sa utak ko kung sino ang katabi ko. Agad akong napabaling sa kaliwa at nanlaki ang mga mata nang makita ang natutulog na si Tarinio. Gigil ko siyang sinampal. "Napakamanyakis mo kahit tulog ka." Sa init ay kinurot ko ang sugat niya. Napadaing siya sa sakit. Nagdilat ng mga mata at nabalot ng pagtataka ang mukha."What are you doing here?" kunot noong tanong niya."Apartment ko 'to, ikaw ang dapat kong tanungin. What are you doing here? Bakit dito ka napadpad ng diyes oras ng gabi?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nakatitig lamang siya sa'kin ng ilang segundo bago umayos ang reaksyon ng mukha."Naalala ko na." Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto bago dumako sa sugat niya. "Bakit ak
Amanda ColenMABILIS ANG pagpapatakbo ko sa second hand na kotseng ibinigay sa'kin ni Saferino noong isang araw upang magsilbing service ko kapag dumating ang pagkakataon tulad nito. Nakatanggap ako ng text mula kay Benj na nakarating na ng bansa si Amari at dumiretso ito sa Desire. Isang high-end bar dito sa Pilipinas. Wala akong pakialam kahit saang bar siya mapadpad at magpakalasing pero ayon kay Benj ay nasa iisang lugar ito kung nasaan si Tarinio at kinukulit niya ang binata. Baka sa kalasingan niya kung ano pa ang masabi kay Tarinio. Mababalewala ang lahat ng pinaghirapan namin sa pagiging pabaya niya. Palibhasa nagpapakasarap lang siya sa buhay at naghihintay sa yaman ng Trei Impire. Napatiim bagang ako sa isiping 'yon, hindi ko pa rin mapigilan ang inis na namumuo sa kalooban ko. Ayokong mag-cross ang mga landas namin pero ngayon wala akong choice kundi ang pigilan siya sa katigasan ng ulo niya. Mabilis akong nakahanap ng parking lot at agad na n
Amanda ColenHINDI ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Sino ba naming baliw ang bibili ng tatlong aso kahit hindi marunong mag-alaga? Ipinababa ko kay manong driver ang tatlong aso, isang Pomeranian, isang Maltese, at isang Shih Tzu na binili ko sa pet house. Tiningala ko ang building kung nasaan ang condo ni Tarinio. Hindi ko alam kung nakauwi na siya galing sa bar, pero ibibigay ko sa kanya ang mga aso na ‘to. Naghintay ako sa lobby matapos kong sabihin sa receptionist na nandito ulit ako para kay Tarinio. Ang alam nila ay girlfriend niya ako kaya halos wala nang itinanong sa’kin pagpasok ko. “Excuse me, Ma’am. Tumawag po ulit si Sir Tarinio at gusto niyang umakyat nalang daw ho kayo.” Naagaw ang atensyon ko dahil lumapit sa’kin ang receptionist. Napatingin naman ako sa tatlong aso na nasa kanya kanyang kulungan. “Paano sila?” tanong ko.“Pwede pong ipadala nalang sa guard kasunod niyo.” “Anong floor ang condo niya?”“To
Amanda Colen“DAD, did you know, Tarinio Castillion?” Natigilan ako sa paghakbang dahil sa narinig kong tanong ni Amari. Nasa apartment kami ni Manang Ister nang makatanggap ako ng tawag kay Daddy, gusto niyang umuwi ako ngayon. Naging madali naman ang pagbibigay ko ng alibi kay Tarinio, sinabi kong gusto ko munang makasama si Manang Ister ngayong gabi dahil mamimiss ko ito kapag doon na ako tumira sa condo niya. Pumayag agad siya.Huminga ako ng malalim bago tuloy-tuloy na pumasok. Binati ako ng mga katulong kaya napalingon si Amari at Daddy, sa gawi ko. Agad na sumama ang tingin sa’kin ni Amari habang nakayakap ito sa matanda.“I’m here, Dad."“Why are you here?” mataray na tanong ni Amari. Malamig na tingin lang ang ipinukol ko sa kanya at hindi nagsalita.“She’s asking you, Amanda,” sabit ni Daddy. Tumango ako at tumingin kay Amari. “Pinatawag ako ni Daddy, for business.”“He’s not your dad,” pasaring niya pero hind
TarinioI TREMBLED as soon as I witnessed Amanda being shot in the left flank. Nablangko ang isip ko habang pinamamasdan ang nakatutok na baril sa kanya. I wanted to pull the trigger and shoot Armando in the head, but I didn't want to risk her life. I know that the moment I pull the trigger, he will kill her. Provoking him is not a good idea. I need to think; I need to save her. I don't want to lose my woman."Isang kalabit ko lang dito mas mauuna siyang mamatay sa'kin.""Pakawalan mo siya, Armando." I can't hear my own voice with so much dread. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko. Hawak niya ang buhay ng babaeng mahal ko. "Pakakawalan ko siya, pero sa isang kondisyon." He smirked wickedly. "Itutok mo ang baril mo sa ulo mo at kalabitin ko.""I will...just let her go."I can't think of any way to save her but to follow his command and wait for the perfect timing to shoot him in the head. I will go along with h
AmandaWE CONTINUE walking at the tunnel nang mawala ang mga yapak. Nakaalerto pa rin ang mga baril namin ni Benj. Malalaki ang mga hakbang namin para marating ang dulo. Wala kaming ibang naririnig kundi ang mga hakbang namin, siguradong wala dito sa tunnel na 'to ang pinagtataguan ni Armando. Kung saan man kami dadalhin sa dulo kami magkikita. "Kailangan nating matapos 'to bago gumabi," I said still walking towards the end of the passage. "No matter what happen don't rush your actions, Ama. Be careful. Mawawala lahat ng pinaghirapan mo kung hindi ka makakauwi ng buhay," he replied worriedly. I smiled. "I didn't have the control for everything, what might happen is destined to happen.""Kahit na, pwedeng maiwasan ang masamang pwedeng mangyari kung mag-iingat," he insisted."Fine. Fine. I'll be careful," I said to end his worries. He's my best friend since childhood and somehow his care gives me strength. Marami na kaming pinag
AnaxI INDULGE myself in reviewing the evidences sent by Nio. I'm in the kitchen counter facing my laptop but I can hear their voices from the living room. Fifth and Cerio are the loudest, as always. Naglalabasan na naman sila ng mga kayabangan nila. "Akala ko ba sumugod tayo dito dahil may action? Bakit parang reunion naman pala ito ng mga gwapo tapos nandito pa akong pinuno niyo," Singko proudly said. "Maghintay nalang tayo dito, ayaw ni Nio na makisawsaw tayo. Tatawag 'yon kapag hindi na niya kaya," Second said. "Dapat tumulong tayo, halos lahat tayo natulungan ni Nio noong mga panahong tayo ang naghahabol kay kupido," angal ni Singko. "Kaming hindi pa hinabol ni Kupido ay dito lang hihiga," yamot na sagot ni Cerio. "Kukutungan kita. Tagahasik tayo ng kagwapohan hindi ng katamaran. Kapag ikaw naulol sa babae 'wag kang iiyak iyak sa'min, tatadyakan talaga kita," natatawang sagot ni Singko. I don't know why they c
Amanda01: 29 NANG makatanggap ako ng tawag mula kay Benj. Tahimik akong bumangon, maingat ako sa bawat galaw para iwasang magising si Tarinio. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Nasa bahay niya kami ngayon, this is a two storey modern minimalist house na malapit lang sa Quezon City. Nasa katapat na kwarto naman ang mga magulang ko. It's been a week simula noong makalipat kami. It's fulfilling for me that I can provide all they need. Patingkayad akong lumabas and silently closed the door. Sinagot ko ang tawag ni Benj habang naglalakad pababa. "Alam ko na ang location ni Armando, unfortunately, he's not with Amari.""It's fine, ika nga mas magandang buwalin ang ugat para mapatay ang puno. Armando is the root of this evilness and that bitch is acting like she's the head of the empire. Ang emperyo nilang pabagsak na.""Naihanda ko na ang mga gamit mo, I tried to convince some of our trusted personnel but most of them refused."
AmandaWE waited for two days before Tarinio finally accompanied us to Amalio's house. I tried to called them papa and mama but I'm not comfortable yet. Siguro dahil nasanay akong walang totoong mga magulang kaya iba ang pakiramdam kapag sinasabi ko ang mga salitang iyon. Naiintindihan naman ako ni Leli. As Tarinio, I should take it slowly and I shouldn't push my self. One step at a time. Mahigpit na nakahawak sa kamay ko si Leli habang pareho kaming nasa backseat ng kotse ni Tarinio. Ngayon din ang araw ng paglabas ko sa hospital at doon tutuloy sa bahay niya kasama ang mga magulang ko. Kukunin namin si Amalio upang isama at masiguro ang kaligtasan niya. "Hi-Hindi ko akalain na darating ang araw na muli ka naming makakasama," naiiyak na bulong ni Leli. Hinaplos ko ang kamay niya. "Stop crying, I won't go anywhere."Kinuha ko ang tissue sa mga gamit ko at inabot sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha niya. Nakatitig siya sa kamay kong n
Amanda"MASAKTAN siya kapag nalaman niya, 'to. Baka mas lalo lang siyang mapahamak, sapat na sa'kin na nakikita siya araw-araw." Nagising ang diwa ko dahil sa mga pamilyar na boses na nag-uusap. Pero hindi agad dumilat dahil gusto kong marinig ang usapan nila. There's something urging me to listen to their conversation. Hindi ko na ramdam ang kirot ng sugat ko. Wala akong ideya kung ilang oras akong nakatulog matapos kong mawalan ng malay. "She has the right to know the truth," madiing sabi ni Tarinio. She? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Ayon sa boses ng babae, siya 'yong babaeng hinabol ko bago sumakit ang sugat ko. Hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko. 'Yong pagkikita namin malapit sa Starbucks noon ay alam kong coincidence pero ang makita ulit siyang nakasilip sa kwarto ko, that's suspicious. I know that there's something with her actions and emotional gestures when she looked at me. "A-Alam ko, pero kung ikakapahamak niya a
Ronz BenjaminDESPITE EVERYTHING he did I can't help but to feel sorry for him. Until now I can't still believe that he would go this far for his feelings for Amari. It never crossed my mind even once that he can hurt Amanda for any reason.Ama is the purest woman I have ever know in my life. Yes, she's capable of killing people but only those who are abusive and criminal. She never did once hurt or kill innocent people. She will never hurt her friends no matter what happen. She's willing to sacrifice her life for our safety. Kahit na trinaidor siya ni Saferino nagawa niya pa ring pigilan si Agent Tarinio na 'wag itong patayin. Sa kabila ng panganganib ng buhay niya naisip niya pang iligtas si Saferino. Napahilamos ako sa sobrang frustrations. Hindi ko alam kung dapat kong barilin sa ulo si Saferino para mabasag ang bungo niya dahil aa desisyong ginawa niya o palagpasin ang kalokohan niya. "Palawalan mo ako!" he shouted. Mas lalo akong nagngingit sa galit. Malalaki ang hakbang na ni
TarinioMAHIGPIT ANG hawak ko sa rifle habang nasa biyahe kami. Tahimik ako habang si Cerio ang nagmamaneho, katabi niya sa passenger's seat si Anaxy. Ako ang nasa backseat katabi ang mga gamit na dala namin. Hindi mawala sa isip ko ang hitsura ni Amanda nang bumagsak siya sa braso ko nang tamaan siya ni Saferino. Namumutla at halos mawalan ng hininga. Kapag naaalala ko mas lalong lumalalim ang galit ko kay Armando at sa anak niya.Napatingin ako sa t-shirt na suot ko na may mantsa ng dugo niya. Nawala na sa isip ko ang magbihis, ang alam ko lang kailangang magbayad ng mga taong nanakit sa kanya. I stayed by her side until the doctor declared that she's out of danger. Niyaya ko agad si Cerio at Anaxy para pumunta kay Armando. Gusto kong iparating sa kanila kung ano ang kapalit ng ginawa nila sa babaeng mahal ko. "Kumalma ka muna, Tari," payo ni Anax. Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan niya at nakatanaw sa daan.
AmariI GRITTED my teeth in anger. How dare him cheated on me! Itinapon ko ang mga pictures ni Amanda at Tarinio na ibinigay sa'kin, nagkalat iyon sa sahig. Kuha iyon ngayon lang at naghahalikan sila. Tarinio promised me that he will never see her again. He's my fucking fiance. Nangako siya na tutupad siya sa arrange marriage na ito. Kahit kailan hindi ko ipapaubaya kay Amanda ang mga bagay na para sa'kin. Simula pagkabata ay kinukuha niya ang lahat ng akin, mula sa pagiging anak ng tunay kong ama hanggang sa kayamanan na para sa akin. Kinamumuhian ko siya! Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Tarinio sa kanya, I am more beautiful than her. I am sexy, educated, and intelligent than her. Wala siyang ibang alam kundi ang mang-agaw ng hindi sa kanya. "I told you, ija, hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon," dad said. We are in our living room and he's looking at me, worried. "But I love him," I replied, almost shouting. "Kahit anong gawin niya