Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2023-09-07 10:30:27

Amanda Colen

MABILIS ANG pagpapatakbo ko sa second hand na kotseng ibinigay sa'kin ni Saferino noong isang araw upang magsilbing service ko kapag dumating ang pagkakataon tulad nito. Nakatanggap ako ng text mula kay Benj na nakarating na ng bansa si Amari at dumiretso ito sa Desire. Isang high-end bar dito sa Pilipinas. Wala akong pakialam kahit saang bar siya mapadpad at magpakalasing pero ayon kay Benj ay nasa iisang lugar ito kung nasaan si Tarinio at kinukulit niya ang binata.

Baka sa kalasingan niya kung ano pa ang masabi kay Tarinio. Mababalewala ang lahat ng pinaghirapan namin sa pagiging pabaya niya. Palibhasa nagpapakasarap lang siya sa buhay at naghihintay sa yaman ng Trei Impire. Napatiim bagang ako sa isiping 'yon, hindi ko pa rin mapigilan ang inis na namumuo sa kalooban ko. Ayokong mag-cross ang mga landas namin pero ngayon wala akong choice kundi ang pigilan siya sa katigasan ng ulo niya.

Mabilis akong nakahanap ng parking lot at agad na naglakad papasok. Mabuti nalang ay hindi ako pinigilan ng mga bouncer sa labas. Simpleng very peri t-shirt at white skirt ang suot ko. Nang makapasok agad kong inilibot ang tingin sa buong lugar, malapit nang lumalim ang gabe kaya maingay na ang lugar at nagkakasiyahan na ang mga costumers.

Dumako ang tingin ko sa counter. Naningkit ang mga mata ko nang makita si Amari na nakalingkis sa bewang ni Tarinio habang nakayukyok ito sa counter. Nakita ako ni Benj kaya lumapit ito sa'kin.

"Bakit ngayon ka lang nagtext?" tanong ko nang makarating siya sa harap ko.

"Hindi ko alam na malakas na siyang uminom ngayon, ilang beses ko siyang inayang umuwi pero ayaw makinig. Kaya nag-text na ako dahil alam kong malakas ang loob mong pagsabihan siya," paliwanag niya.

Napatingin ako sa ballcap na suot niya. Kinuha ko iyon at nilagay sa ulo ko. Pasimple kong tinakpan ang mukha ko. Medyo may kadiliman ang counter dahil tanging aninag ng dancing light lang ang tumatama doon. Naglakad ako palapit sa counter. Nakapikit si Amari kaya hindi niya agad ako nakita. Umiwas ako nang magkasalubong ang tingin namin ni Anaxy. Ang pinsan ni Tarinio, naghahalo ito ng drinks sa likod ng counter.

Hinawakan ko si Amari sa braso dahil para mapadilat ito. Naningkit ang mata nito na tila kinikilala ang mukha ko, nang maging malinaw sa kanya ang presensya ko ay agad niyang winaksi ang kamay ko. Napairap ako.

"Let me go," asik niya.

Hindi pa man ako nakakapagsalita nang may biglang yumapos sa bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, hindi ko inaasahan ang gesture na 'yon mula kay Tarinio. Napatingin sa'kin si Amari, namumungay ang mata nito sa sobrang kalasingan. Agad kong sinenyasan si Benj na kuni si Amari.

"Ma," bulong ni Tarinio. Sumubsob siya sa ilalim ng dibdib ko at yumakap ng mahigpit sa bewang ko. Ilang ulit akong napamura sa isipan ko. Napailang lamang si Anaxy nang makita ang ginawa ng pinsan niya.

"Isakay mo si Amari sa sasakyan mo, pwersahin mo kung kinakailangan para madala sa katigasan ng ulo niya," bilin ko kay Benj. Dumako ang tingin nito kay Tarinio na mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa'kin. Inilingan ko siya. "Susunod ako, ako na ang bahala dito."

"Sigurado ka?" May pag-aalala sa boses nito.

Tumango ako. "Oo, iuwi mo na ang amo mo. Nakakaperwisyo sa nobyo ng iba." Nilakasan ko ang boses ko upang marinig ni Anaxy at hindi maghina kung ano ang kaugnayan ko kay Amari at Benj. Sa lakas ng tugtog sigurado akong hindi nito narinig ang mga bilin ko kay Benj. Nakasunod ang tingin ko sa kanila nang maglakad palabas, nagpumiglas si Amari at pinagsasampal si Benj pero hindi ito natinag.

"Ma," ungol ni Tarinio. Kunot noo ko siyang binalingan ng dahil sininghot singhot niya ang parte sa ilalim ng dibdib ko.

"Can you accompany him? Marami pang tao kaya hindi pa ako pwedeng umalis." Napatingin ako kay Anaxy. Nakadungaw ito mula sa counter.

"Wala siyang ibang kasama?"

May itinuro ito sa dance floor, sumunod ang tingin ko doon at nakita ang isang gwapong lalaking may yakap na dalawang babae at may kaharutan pang iba.

"Si Cerio kaso ayon sa nakikita mo may sarili siyang mundo."

"Bakit sa'kin mo ipagkakatiwala 'to? Paano kung itulak ko 'to sa mabagok ang ulo?" pabirong tanong ko. Hindi ko gusto ang makahulugan niyang ngiti.

Nagkibit balikat siya. "I know you won't do that."

"Sanay ka bang sa kahit sinong babae lang siya pinapasama?" Hindi ko mapigilang mairita lalo at parang batang isiniksik ni Tarinio ang mukha niya sa dibdib ko. Kulang nalang ay sumuso siya sa'kin na parang sanggol.

"I thought he's your boyfriend." Nag-iwas ako ng tingin at hindi na sumagot sa kanya. Narinig niya nga ang sinabi ko kanina.

Maingat kong inalalayan ang tagiliran ni Tarinio kung saan ang sugat nito. Hindi siya bumibitaw siya.

"By the way, kung ihahatid ko siya sa condo niya paano ako makakapasok?" Isang hakbang na rin ito upang mas mapalapit ako sa kanya at mas madali kong malaman ang plano niya sa kasong hawak niya.

"May kwarto sa taas, pwedeng doon mo nalang siya dalhin para hindi hassle. Iisang kwarto lang 'yon kaya hindi ka malilito. Nasa corner diretso mula dito ang hagda patungo doon." Sandali itong pumasok sa kinaroroonan kanina at nang bumalik ay inilipag nito ang isang susi. "Here."

Kinuha ko siya at inalalayan si Tarinio. Napairap nalang ako dahil ayaw niyang tumayo at nakalingkis lang sa'kin. "Tumayo ka na," sabi ko.

Pupungay pungay na nagdilat siya nang mata at tumingin sa'kin. Nagkasalubong ang tingin namin, mas lalo siyang dumilat at ngumiti.

"Ma," sabi niya.

"Kanina ka pa 'ma' ng 'ma'."

Kinurot niya ang ilong ko at tumawa. "You are  more beautiful in my dream."

Napairap ako. "Mga lalaki talaga, kapag lasing lang nagiging sweet."

Hindi pa nakontento, kinurot niya ang magkabila kong pisngi. "Can you be my wife? Can you give me a baby? I mean, babies. I want a dozen of them."

Nasamid ako at biglang naubo dahil sa sinabi niya. Kahit halos hindi na tuwid ang mga salita niya ay dinig na dinig ng dalawa kong tenga. Napatikhim ako. "Lahat ba ng babaeng makakaharap mo kapag lasing ka inaaya mong maging asawa at gusto mong anakan?" sarkastikong tanong ko.

Paulit ulit siyang umiling. Dahil sa bilis ng pag-iling ng ulo niya ay bahagyang nagulo ang kanyang buhok at tumabing iyon sa kanyang noo. Maliwanag na ang paligid dahil muling sinindihan ang normal na liwanag ng mga ilaw. Tumingala siya sa'kin na namumungay pa rin ang mga mata, namumula ang mga pisngi. Mas lalong naging klaro sa paningin ko ang nakakatulala niyang kagwapohan. Kung ibang babae siguro ay pinagpantasyahan na ang hitsura niya ngayon.

"No. No. No. Only to Amanda." Tumawa siya na parang baliw. "Amanda," he shouted.

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. "Napakaingay mo."

Para akong napasong mabilis na inilayo ang palad ko sa bibig nila dahil dinilaan niya iyon. Ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng dila niya at paghagod sa palad ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko at tila may namuong kiliti sa puson ko.

Muntik akong mawala sa balanse dahil sa biglaan niyang pagkabig sa'kin at pagyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang mga kamay niyang gigil na pumisil sa pwet ko, sa sobrang gulat ay nasabunutan ko siya.

"Tarinio," gigil kong saway sa kanya. "Tara na nga, titignan ko kung dumugo ang sugat mo." Sinubukan ko siyang patayuin, mabuti nalang ay hindi na siya nagmatigas pa. Umakbay siya sa'kin. Humawak ako sa bewang niya upang alalayan siya sa paglalakad. Pagewang gewang kami dahil sa sobrang bigat niya. Napakarami niyang sinasabi na kung anu-ano na hindi ko na inintindi pa. Hindi ko alam kong bakit inilagay ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

Bawat paghakbang paakyat ay inalalayan ko ang mga paa niya. Hinihingal na ako sa sobrang pagod dahil napakabigat niya. Imagine, halos nasa 6'1 ang height niya at ako ay 5'6 lang. Halos daganan na niya ako.

"I want babies," paulit ulit niyang bulong.

Nang makarating sa nag-iisang pinto sa taas agad ko iyong binuksan. Napatila ako nang bigla niya akong hilahin papasok at sinandal sa tabi ng pinto. Ilang ulit niya ba akong gugulatin sa gabing ito. Natulala lamang ako sa kanya habang siya ay titig na titig sa mga mata ko. Mariin kong kinagat ang labi nang idiin niya ang katawan sa katawan ko. Para akong naparalisa, hindi ako nakagalaw at naghihintay lamang sa susunod niyang gagawin.

Iwasan mo ang kalandian, Amanda. Hindi ka ipinanganak na marupok. Ikalma mo ang egg cells mo.

Napasinghap ako nang dumapo ang mga kamay niya sa magkabila kong dibdib. Hindi ko 'to inaasahan, promise.

"I want these babies," sabi niya.

Ikinuyom ko ang mga kamao ko upang pigilan ang pagtili dahil para akong pinapaso sa pagpisil pisil niya sa dibdib ko. "Nakakarami ka na ng hawak, sisingilin kiya bukas na bukas," sabi ko. Sinubukan kong alisin ang kamay niya doon ngunit parang mas lalo siyang nanggigil dahil mas lalo niyang pinisil na parang nagmamasa ng tinapay.

"These are my babies," angal niya na parang bata.

Tuluyan akong napatili nang ang pagkababae ko naman ang pisilin niya, naka-skirt lang ako at sa laki ng kamay niya ay damang dama ko 'yon. Hindi ko napigilan ang sarili ko, nasuntok ko siya ng malakas sa mata. Dahil sa sobrang kalasingan ay bumulagta siya sa sahig. Mabilis ko rin siyang dinaluhan nang maalala kong may sugat siya sa tagiliran.

"Hindi ko alam kong dapat kita buhayin o patayin nala," inis kong bulong. Mas lalo akong nahirapang iangat siya at pahigain sa kama dahil wala na siyang malay. Hingal na hingal ako, hindi ko alam kung anong emosyon ang nangingibabaw sa'kin ngayon.

"WHAT CAN I do for you, Ma'am?" salubong sa'kin nang saleslady nang pumasok ako sa isang store. Nandito ako ngayon sa mall upang bumili ng ilang mga damit. Gusto ko ring libangin ang sarili ko dahil sa inis kay Tarinio. Nang maihiga ko siya kagabi ay agad din akong umalis, baka masakal ko siya habang tulog siya at walang kamalay malay sa paligid.

"Saan ang section na para sa mga babae?"

"This way po," itinuro niya ang daan kaya sumunod ako.

Nang makarating doon nagsimula akong pumili ng mga damit. May nakita akong gold glittery stilleto. Kinuha ko 'yon at tinignan ang size kung kakasya sa'kin.

"It won't suit you. Masyadong maganda para sa isang tulad mo."

Napatingin ako sa kaliwang parte ng women's section. Si Amari. Amari Carolina Trei. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtingin tingin ng pwedeng mabili. Mukhang wala siyang hang-over dahil bihis na bihis at parang laging lalakad sa runway ng fashion show. Hindi ko alam kung bakit pinagtatagpo kami ng tadhana kahit na wala ako sa village.

"Mas maganda pa rin naman ang taste ko kaysa sa'yo," simpleng sagot ko.

"Why are here?" Tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha niya.

"Bakit? Pag-aari mo?"

Ngumiti siya, ngiting peke. "Lahat naman ng pag-aari ko kahit hindi pwede sa'yo inaangkin mo."

Nagkibit balikat ako at tinalikuran siya. Pero sadyang gulo talaga lagi ang hanap niya dahil bigla niyang hinila ang buhok ko. Hindi ko naiwasan 'yon dahil nakatalikod ako sa gawi niya.

"Kinakausap pa kita, 'wag mo akong tatalikuran," inis niyang sabi.

Mariin akong pumikit upang pakalmahin ang sarili. Ilang beses din akong huminga ng malalim para hindi makagawa ng masama. "'Wag mong guluhin, bagong rebond 'to," seryoso kong sagot.

Pilit kong inalis ang mahahaba niyang daliri sa buhok ko, mabuti at nagtagumpay ako. "Hindi na tayo bata para sa ganitong bangayan."

"Right, why I am wasting my time to you anyway."

"Stop being a brat." Hindi siya nakahabol nang agad ko siyang talikuran. Imbes na magpatuloy sa pamimili ay umalis nalang ako ng mall. Hindi ko gustong nasa iisa kaming lugar. Parang hirap ako laging huminga kapag nagkakasalubong kami.

Naglakad lakad ako upang mahanap ng coffee shop. Naningkit ang mga mata ko nang mapadaan sa isang pet house. May mga nakadisplay na mga iba't ibang hayop. Nakangiti akong pumasok doon. Tumingin ako sa mga aso. Bigla kong naalala ang mukha ni Tarinio. Napangiwi ako at umiling. No. No. No.

Related chapters

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 7

    Amanda ColenHINDI ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Sino ba naming baliw ang bibili ng tatlong aso kahit hindi marunong mag-alaga? Ipinababa ko kay manong driver ang tatlong aso, isang Pomeranian, isang Maltese, at isang Shih Tzu na binili ko sa pet house. Tiningala ko ang building kung nasaan ang condo ni Tarinio. Hindi ko alam kung nakauwi na siya galing sa bar, pero ibibigay ko sa kanya ang mga aso na ‘to. Naghintay ako sa lobby matapos kong sabihin sa receptionist na nandito ulit ako para kay Tarinio. Ang alam nila ay girlfriend niya ako kaya halos wala nang itinanong sa’kin pagpasok ko. “Excuse me, Ma’am. Tumawag po ulit si Sir Tarinio at gusto niyang umakyat nalang daw ho kayo.” Naagaw ang atensyon ko dahil lumapit sa’kin ang receptionist. Napatingin naman ako sa tatlong aso na nasa kanya kanyang kulungan. “Paano sila?” tanong ko.“Pwede pong ipadala nalang sa guard kasunod niyo.” “Anong floor ang condo niya?”“To

    Last Updated : 2023-09-08
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 8

    Amanda Colen“DAD, did you know, Tarinio Castillion?” Natigilan ako sa paghakbang dahil sa narinig kong tanong ni Amari. Nasa apartment kami ni Manang Ister nang makatanggap ako ng tawag kay Daddy, gusto niyang umuwi ako ngayon. Naging madali naman ang pagbibigay ko ng alibi kay Tarinio, sinabi kong gusto ko munang makasama si Manang Ister ngayong gabi dahil mamimiss ko ito kapag doon na ako tumira sa condo niya. Pumayag agad siya.Huminga ako ng malalim bago tuloy-tuloy na pumasok. Binati ako ng mga katulong kaya napalingon si Amari at Daddy, sa gawi ko. Agad na sumama ang tingin sa’kin ni Amari habang nakayakap ito sa matanda.“I’m here, Dad."“Why are you here?” mataray na tanong ni Amari. Malamig na tingin lang ang ipinukol ko sa kanya at hindi nagsalita.“She’s asking you, Amanda,” sabit ni Daddy. Tumango ako at tumingin kay Amari. “Pinatawag ako ni Daddy, for business.”“He’s not your dad,” pasaring niya pero hind

    Last Updated : 2023-09-09
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 9

    Tarinio Castillion“MAY improvement na ba sa pinapa-hack kong bank site ng Trei Empire?” tanong ko kay Adahiyo Sacarias, isa sa mga hacker ng team ko. Nandito ako ngayon sa opisina ko kung saan ginagawa ang hacking system. Pag-aari ko iton. Nandito lahat ng computers and equipment na ginagamit sa pagha-hack ng mga sites.Inalis niya ang headphone at isinabit iyon sa leeg. “Wala pa rin, napakahigpit ng site nila. Hindi ko mahanap ang pasikot-sikot ng kanilang system.”Hinubad ko ang ko at isinampay sa likod ng upuan kong nasa harap ng computer. “Try harder,” I told him. Tumingin siya sa iba pang kasama namin at ngumisi. “Ano nga ulit pinag-uusapan natin no’ng wala siya, boss, kanina? Gusto nating humingi ng day-off para makapambabae naman tayo?” Naghiyawan sila. Ang sarili kong departamento na itinayo ko kay may limang hacker maliban sa’kin, ako ang head nito at pag-aari ko rin ang lahat ng meron sa opisina namin. Dating mga ag

    Last Updated : 2023-09-10
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 10

    Ronz Benjamin Mattini“WHAT the fuck is wrong with you? Leave me alone.” She was frowning and irritation is vividly showing in her face but I ignored her rants.“You are not allowed to go out alone,” sabi ko. Pinandilatan niya ako at inis na naglakad papasok sa malaking bahay. Sumunod ako. The whole village is owned by Don Armando, and the small houses are for the bodygruard and Don Armando’s men.Tulad namin ni Saferino kay may kanya-kanyang bahay lahat ng mga tuhan sa buong village. At itong nag-iisang mansion ay kung saan namamalagi ang pamilya Trei.Inutusan ako ni Amanda na bantayan si Amari, and here I am now dealing with her spoiled brat attitude. Luckily, God blessed me an immeasurable patience. Kung si Saferino ang pinagbantay sa kanya ay siguradong iginapos na siya upang hindi makawala. She’s lucky because I am gentler than him. “You ugly fucking shit,” she shouted. “I know,” I answered uninterested. “I will call dad, and magsusumbong ako na you are forcing me to stay hom

    Last Updated : 2023-09-13
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 11

    Amanda ColenMABIGAT ang loob na inilapag ko ang cellphone sa tabi ng unan ko at pabagsak na bumalik sa pagkakahiga. Kagigising ko lang. Pangalawang araw na ngayon ni Benj sa pagbabatay kay Amari. Hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi niya. “Love has no place in our world.”“But love consider no place…”Ni minsan hindi ito pumasok sa isip ko, ngayon lang. Dahil namulat ako sa hindi naniniwala sa pag-ibig dahil iyon ang paulit-ulit na sinasabi sa’kin ni daddy mula no’ng mag-umpisa akong manirahan sa poder niya. Si Don Armando Trei ay iniwan ng asawa niya dahil sumama iyon sa mayamang lalaki. Ayon sa kwento niya aya mahirap lamang siya noon kaya kahit si Amari ay nasa panig ng kanyang dating asawa. Iyon ang nag-udyok sa kanya na pasukin ang lahat ng trabahong possible, kahit hindi niya kaya, upang makaipon, yumaman, at makapagtayo ng emperyo. Nang yumaman siya ay nagawa niyang manalo sa costudy ni Amari kaya napunta ito sa

    Last Updated : 2023-09-14
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 12

    Tarinio Castillion“USO naman kasi ang maupo at kumalma,” pang-aasar sa’kin ni Cerio. I glared at him; I don’t want to see his face because it causes so much irritation. Kanina pa ako nakatingin sa cellphone ko at pabalik balik sa paglalakad dahil hindi sumasagot si Amanda. I tried to called her countless time but her phone is off. “Baka nga kasi walang signal sa probinsya, gano’n naman madalas ang mga liblib na probinsya walang signal,” sabi niya pa. Nandito kami ngayon sa pad ni Anaxy. Hindi ko kayang mamalagi sa condo ko dahil biglang hindi ko gusto ang katahimikan doon. Ilanga raw palang kaming nagkasama sa iisang bubong but her absence makes me crazy. Iniwan ko ang mga anak namin sa receptionist ng condominium para may mag-alaga sa kanila habang wala pa ang mommy nila. Am I crazy? Why the fuck I treat them as my real kids?“Shut the fuck up, Cerio. You are not helping,” saway ko. Pinulot ko ang isa sa pares ng tsinelas ko at ibina

    Last Updated : 2023-09-15
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 13

    Amanda Colen"SHIT! This is bad," gigil na sambit ko nang makitang unti-unti nitong nasasarado ang mga site ng kanilang system. "I am not yet done deleting your files." Mas bumilis ang kamay ko nang makita ang file na hinanap ko ngunit nang bubuksan ko na iyon ay agad na nag-close ang software nila. Alam kong alam na nila ngayon na nakapasok ako.Tarinio. Siya agad ang naisip ko nang mapansin ang mabilis na pagkawala ng malware na ginamit ko para makapasok sa system nila. Bago pa niya makita ang location ng laptop na gamit ko ay agad ko iyong na-shutdown at ihinagis ang laptop sa bathtub. Napasabunot ako dahil hindi ko nabura ang files na kinuha nila kanina sa system ng Trei Bank. Nakuha nila ang pangalan ng nagpapatakbo no'n na walang iba kundi ang authentic record ko. Sinasabi ng kutob ko na si Tarinio ang nag-hack ng bank records namin dahil ni piso walang nagalaw sa fund ng bangko kaya ibig sabihin ay hindi ito interesado sa pera kundi sa mismong file

    Last Updated : 2023-09-16
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 14

    Amanda ColenMAS napaaga ang flight ko kaysa sa original na plano, mas nauna ako kay daddy pabalik nang Pilipinas dahil mas dapat akong ayusin. Nang sumikat araw sa Italya ay siya namang pag-alis ko Nakatanggap ako ng report mula kay Benj na na-track down na ng bago naming technical team kung saan nanggaling ang malware na nakapasok sa system namin. At hindi na ako nagulat nang sabihin niyang nasa isang computer shop iyon. Mas lalo kong nakompirma ang hinila ko nang ibigay niya ang address, at kapareho iyon sa address ng computer shop na pinasukan ni Tarinio no'ng una ko siyang sundan.Sinabi ko kay daddy na may trabaho akong dapat ayusin at mabuti nalang ay pinakawalan niya ako. Nang makarating ako sa Philippines airport ay sinalubong ako ni Saferino sa labas dala ang kanyang sasakyan. Agad kong ihinagis ang maleta at bag ko sa backseat at sumakay sa passenger seat."Handa na ba ang lahat?" tanong ko sa kanya. Nang makapasok ako sa sasakyan

    Last Updated : 2023-09-17

Latest chapter

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 36

    TarinioI TREMBLED as soon as I witnessed Amanda being shot in the left flank. Nablangko ang isip ko habang pinamamasdan ang nakatutok na baril sa kanya. I wanted to pull the trigger and shoot Armando in the head, but I didn't want to risk her life. I know that the moment I pull the trigger, he will kill her. Provoking him is not a good idea. I need to think; I need to save her. I don't want to lose my woman."Isang kalabit ko lang dito mas mauuna siyang mamatay sa'kin.""Pakawalan mo siya, Armando." I can't hear my own voice with so much dread. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko. Hawak niya ang buhay ng babaeng mahal ko. "Pakakawalan ko siya, pero sa isang kondisyon." He smirked wickedly. "Itutok mo ang baril mo sa ulo mo at kalabitin ko.""I will...just let her go."I can't think of any way to save her but to follow his command and wait for the perfect timing to shoot him in the head. I will go along with h

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 35

    AmandaWE CONTINUE walking at the tunnel nang mawala ang mga yapak. Nakaalerto pa rin ang mga baril namin ni Benj. Malalaki ang mga hakbang namin para marating ang dulo. Wala kaming ibang naririnig kundi ang mga hakbang namin, siguradong wala dito sa tunnel na 'to ang pinagtataguan ni Armando. Kung saan man kami dadalhin sa dulo kami magkikita. "Kailangan nating matapos 'to bago gumabi," I said still walking towards the end of the passage. "No matter what happen don't rush your actions, Ama. Be careful. Mawawala lahat ng pinaghirapan mo kung hindi ka makakauwi ng buhay," he replied worriedly. I smiled. "I didn't have the control for everything, what might happen is destined to happen.""Kahit na, pwedeng maiwasan ang masamang pwedeng mangyari kung mag-iingat," he insisted."Fine. Fine. I'll be careful," I said to end his worries. He's my best friend since childhood and somehow his care gives me strength. Marami na kaming pinag

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 34

    AnaxI INDULGE myself in reviewing the evidences sent by Nio. I'm in the kitchen counter facing my laptop but I can hear their voices from the living room. Fifth and Cerio are the loudest, as always. Naglalabasan na naman sila ng mga kayabangan nila. "Akala ko ba sumugod tayo dito dahil may action? Bakit parang reunion naman pala ito ng mga gwapo tapos nandito pa akong pinuno niyo," Singko proudly said. "Maghintay nalang tayo dito, ayaw ni Nio na makisawsaw tayo. Tatawag 'yon kapag hindi na niya kaya," Second said. "Dapat tumulong tayo, halos lahat tayo natulungan ni Nio noong mga panahong tayo ang naghahabol kay kupido," angal ni Singko. "Kaming hindi pa hinabol ni Kupido ay dito lang hihiga," yamot na sagot ni Cerio. "Kukutungan kita. Tagahasik tayo ng kagwapohan hindi ng katamaran. Kapag ikaw naulol sa babae 'wag kang iiyak iyak sa'min, tatadyakan talaga kita," natatawang sagot ni Singko. I don't know why they c

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 33

    Amanda01: 29 NANG makatanggap ako ng tawag mula kay Benj. Tahimik akong bumangon, maingat ako sa bawat galaw para iwasang magising si Tarinio. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Nasa bahay niya kami ngayon, this is a two storey modern minimalist house na malapit lang sa Quezon City. Nasa katapat na kwarto naman ang mga magulang ko. It's been a week simula noong makalipat kami. It's fulfilling for me that I can provide all they need. Patingkayad akong lumabas and silently closed the door. Sinagot ko ang tawag ni Benj habang naglalakad pababa. "Alam ko na ang location ni Armando, unfortunately, he's not with Amari.""It's fine, ika nga mas magandang buwalin ang ugat para mapatay ang puno. Armando is the root of this evilness and that bitch is acting like she's the head of the empire. Ang emperyo nilang pabagsak na.""Naihanda ko na ang mga gamit mo, I tried to convince some of our trusted personnel but most of them refused."

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 32

    AmandaWE waited for two days before Tarinio finally accompanied us to Amalio's house. I tried to called them papa and mama but I'm not comfortable yet. Siguro dahil nasanay akong walang totoong mga magulang kaya iba ang pakiramdam kapag sinasabi ko ang mga salitang iyon. Naiintindihan naman ako ni Leli. As Tarinio, I should take it slowly and I shouldn't push my self. One step at a time. Mahigpit na nakahawak sa kamay ko si Leli habang pareho kaming nasa backseat ng kotse ni Tarinio. Ngayon din ang araw ng paglabas ko sa hospital at doon tutuloy sa bahay niya kasama ang mga magulang ko. Kukunin namin si Amalio upang isama at masiguro ang kaligtasan niya. "Hi-Hindi ko akalain na darating ang araw na muli ka naming makakasama," naiiyak na bulong ni Leli. Hinaplos ko ang kamay niya. "Stop crying, I won't go anywhere."Kinuha ko ang tissue sa mga gamit ko at inabot sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha niya. Nakatitig siya sa kamay kong n

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 31

    Amanda"MASAKTAN siya kapag nalaman niya, 'to. Baka mas lalo lang siyang mapahamak, sapat na sa'kin na nakikita siya araw-araw." Nagising ang diwa ko dahil sa mga pamilyar na boses na nag-uusap. Pero hindi agad dumilat dahil gusto kong marinig ang usapan nila. There's something urging me to listen to their conversation. Hindi ko na ramdam ang kirot ng sugat ko. Wala akong ideya kung ilang oras akong nakatulog matapos kong mawalan ng malay. "She has the right to know the truth," madiing sabi ni Tarinio. She? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Ayon sa boses ng babae, siya 'yong babaeng hinabol ko bago sumakit ang sugat ko. Hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko. 'Yong pagkikita namin malapit sa Starbucks noon ay alam kong coincidence pero ang makita ulit siyang nakasilip sa kwarto ko, that's suspicious. I know that there's something with her actions and emotional gestures when she looked at me. "A-Alam ko, pero kung ikakapahamak niya a

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 30

    Ronz BenjaminDESPITE EVERYTHING he did I can't help but to feel sorry for him. Until now I can't still believe that he would go this far for his feelings for Amari. It never crossed my mind even once that he can hurt Amanda for any reason.Ama is the purest woman I have ever know in my life. Yes, she's capable of killing people but only those who are abusive and criminal. She never did once hurt or kill innocent people. She will never hurt her friends no matter what happen. She's willing to sacrifice her life for our safety. Kahit na trinaidor siya ni Saferino nagawa niya pa ring pigilan si Agent Tarinio na 'wag itong patayin. Sa kabila ng panganganib ng buhay niya naisip niya pang iligtas si Saferino. Napahilamos ako sa sobrang frustrations. Hindi ko alam kung dapat kong barilin sa ulo si Saferino para mabasag ang bungo niya dahil aa desisyong ginawa niya o palagpasin ang kalokohan niya. "Palawalan mo ako!" he shouted. Mas lalo akong nagngingit sa galit. Malalaki ang hakbang na ni

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 29

    TarinioMAHIGPIT ANG hawak ko sa rifle habang nasa biyahe kami. Tahimik ako habang si Cerio ang nagmamaneho, katabi niya sa passenger's seat si Anaxy. Ako ang nasa backseat katabi ang mga gamit na dala namin. Hindi mawala sa isip ko ang hitsura ni Amanda nang bumagsak siya sa braso ko nang tamaan siya ni Saferino. Namumutla at halos mawalan ng hininga. Kapag naaalala ko mas lalong lumalalim ang galit ko kay Armando at sa anak niya.Napatingin ako sa t-shirt na suot ko na may mantsa ng dugo niya. Nawala na sa isip ko ang magbihis, ang alam ko lang kailangang magbayad ng mga taong nanakit sa kanya. I stayed by her side until the doctor declared that she's out of danger. Niyaya ko agad si Cerio at Anaxy para pumunta kay Armando. Gusto kong iparating sa kanila kung ano ang kapalit ng ginawa nila sa babaeng mahal ko. "Kumalma ka muna, Tari," payo ni Anax. Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan niya at nakatanaw sa daan.

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 28

    AmariI GRITTED my teeth in anger. How dare him cheated on me! Itinapon ko ang mga pictures ni Amanda at Tarinio na ibinigay sa'kin, nagkalat iyon sa sahig. Kuha iyon ngayon lang at naghahalikan sila. Tarinio promised me that he will never see her again. He's my fucking fiance. Nangako siya na tutupad siya sa arrange marriage na ito. Kahit kailan hindi ko ipapaubaya kay Amanda ang mga bagay na para sa'kin. Simula pagkabata ay kinukuha niya ang lahat ng akin, mula sa pagiging anak ng tunay kong ama hanggang sa kayamanan na para sa akin. Kinamumuhian ko siya! Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Tarinio sa kanya, I am more beautiful than her. I am sexy, educated, and intelligent than her. Wala siyang ibang alam kundi ang mang-agaw ng hindi sa kanya. "I told you, ija, hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon," dad said. We are in our living room and he's looking at me, worried. "But I love him," I replied, almost shouting. "Kahit anong gawin niya

DMCA.com Protection Status