แชร์

Chapter 4

ผู้เขียน: Hope Castillana
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-09-02 10:00:06

Tarinio

NAGPATULOY AKO sa pagse-serve sa mga bisita. Ngunit alerto ang buo kong pagkatao sa bawat galaw ng mga ito. Hindi ko inaalis ang tingin kay Senior Armando. Ilang minuto na akong pabalik balik sa pagse-serve ngunit wala akong nakikitang babaeng pwedeng maging anak niya na lumapit sa kanya.

"Waiter," tawag sa'kin ng isang matandang babae. Binigyan ko ito ng red wine lalo at malapit lamang ito sa kinatatayuan ni Senior Armando at ang mga businessmen na kausap nito.

Pasimple akong tumayo doon kahit na naibigay ko na ang wine ng matandang babae.

"Kailan mo balak ipakilala sa'min ang nag-iisa mong tagapagmana? Kailangan na namin siyang kaibiganin ngayon palang bago ka magretero," pabirong sabi ni Governor Elmano, I know him dahil isa rin siya sa mga tiwalang gobernador na maganda ang imahe sa publiko.

"I don't want to take the risk. Magulo ang mundo na'tin kaya gusto kong mamuhay siya sa ibang bansa na tahimik," sagot ng Senior. Kumunot ang noo ko. Wala dito sa Pilipinas ang anak niya? Tila pati mga business partners niya walang alam kung sino ang anak niya. Masyado nitong pinoprotektahan ang imahe ng anak upang maging malaya sa paggalaw sa mga illegal businesses nila. Mautak.

"Waiter," may tumawag sa'kin sa kabilang mesa kaya naagaw ang atensyon ni Senior Armando, hindi ko inaasahan na magkakasalubong ang tingin namin. Nawala ang ngiti niya at basi sa reaksyon niya, kilala niya ako. Pasimple akong yumuko bago nagpatuloy sa ginagawa. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko.

"I know you," mahina ngunit may diing sabi niya. Alam kong hindi siya gagawa ng gulo dahil makikita ng mga bisita nila ang tunay niyang kulay.

Ngumiti ako. Inabutan siya ng wine, huling goblet na naiwan sa tray na hawak ko. "Nice to meet you, Senior." Sinalubong ang mga tingin niya. Bumalik na ang ngiti niya ngunit hindi ako malilinlang, alam kong gusto na niya akong patayin sa kaloob looban niya.

"Tarinio Castillion." Pinagmasdan niya ang suot ko. "It's my pleasure to be served by you."

"Maliit na bagay, Senior. Napakabait niyo pala, halatang ayaw pahalatang tiwali sa lipunan.l" Tumawa ako. Halata sa ekspresyon niya ang galit sa'kin. "Maiwan ko na kayo, kukuha lang ako ng panibagong wine." Nakita ko ang senyales niya sa mga tauhang nakatayo sa sulok ng venue. Malalaki ang hakbang na naglakad ako palabas ng garden, sa gilid ng mga mata ko nakita kong pasimpleng nagtatakbuhan ang mga tauhan niya.

Nang makalabas ako sa harden itinapon ko sa kung saan ang hawak na tray at tumakbo patungo sa pinagtaguan ng bag ko kung nasaan ang mga gamit ko. Dinig ko na ang takbuhan nila, malaya silang makakagalaw dito sa labas dahil walang mga bisitang makakakita.

"Halughugin niyo ang buong village," boses iyon ng nakaengkwentro ko iskinita. Kahit sumigaw ito ay mas malakas pa rin ang tugtog na nagmumula sa parte. Tumakbo ako patungo sa pader na inakyatan ko ngunit hindi ko pa man tuluyang nahahagis ang lubid patungo sa likod ng pader ay nakita na nila ako.

Tumakbo ako sa kabilang banda. Napamura ako nang mapansing nakasunod sa'kin ang spotlight na nasa itaas ng kampo nila dahilan para mabilis nila akong masundan. Mas binilisan ko ang takbo dahil sa nagliliparang mga dagger at patalim patungo sa'kin.

"Tamang takbo lang, Tari," yamot kong sabi sa sarili ko.

Inilabas ko ang dagger na dala ko upang maging handa sa paglapit nila. Tinahak ko ang daan pabalik sa harden. Ayokong madamay ang mga tao dito pero wala akong ligtas kung hindi ako magiging mautak, kung magkakagulo sila madali akong makakahanap ng butas na makatakas.

"Wag niyong hahayaang makapasok sa party."

Gumante ako ng pagpakawala ng dagger at napangisi nang tumama iyon sa tauhan nilang malapit na sa'kin. Natigilan ako nang maramdaman ang paghapdi ng tagiliran ko. Iba't ibang mura ang lumabas sa bibig ko nang mapansing may nakabaong patalim doon. Sa bilis ng takbo ko kanina hindi ko namalayang may tumama sa'kin.

Nakapasok ako sa harden bago pa sila makalapit sa'kin. Agad akong napansin ng mga bisita lalo't balot na ng dugo ang tagiliran ko na mas lalong nalantad sa puting long sleeves polo na suot ko.

"Magsialisan na kayo," sigaw ko. Agad na nakagulo ang lahat. Nagkasalubong ang tingin namin ni Senior Armando, nakangisi akong itinaas ang middle finger ko. Nagtulakan ang lahat dahil sa sobrang pagpa-panic. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon upang humalo sa kanila.

Yumuko ako at siniguradong hindi nila mapapansin ang presensya ko. Sa parking lot ang pagtakbo ng lahat, sumabay ako sa kanila. Gumapang ako sa ilalim ng kotseng pinakamalapit sa tinakbuhan ko. Mas diniinan ko ang sugat ko upang pakalmahin ang pagdudugo. Kahit na hindi komportable at mainit ang ilalim ng kotse, humanap ako ng kakapitan nang magsimula itong umandar at sumabay sa paggalaw nito. Tiniis ko ang likabok at pagtama ng katawan ko sa kongkretong kalsada patungo sa labas ng village ng mga Trei.

*****

Amanda

TINANGGAL KO ang facial mask sa mukha ko nang lumipas ang twenty minutes. Kanina pa ako inaantok kaso hinihintay ko ito. "Magkakapimples ka na naman sa kakapuyat mo," sabi ko sa sarili ko. Inayos ko ang maliit kong kamang kutso. "Hay, sa wakas makakahiga na." Napahikab ako. Nakakapagod ang araw na 'to. Lahat naman ng araw sa buhay ko nakakapagod.

Pinatay ko na ang ilaw, humiga na at handa nang matulog ngunit napairap ako nang magsimulang mag-ingay ang aso ni Nanay Ister. Tinakpan ko ang magkabila kong tenga upang pilitin ang sariling matulog ngunit palakas ng palakas ang pagtahol niya at hindi paawat.

"Greeny, magpatulog ka," sigaw ko. Umalulong lamang ito at nagtatahol na naman. Inis akong bumangon at binuksan ulit ang ilaw. "Kung hindi ka lang alaga ni Nanay, matagal na kitang pinaampon." Padabog kong binuksan ang pinto at handa nang sigawan si Greeny pero napatili ako nang biglang may natumbang katawan sa'kin.

"Fuck," hindi ko napigilang mura. Dahil sa reflexes na rin, nasalo ko siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino iyon. Tarinio.

Hindi ko alam pero binundol ako ng kaba dahil sa hitsura niya. Namumutla at nakapikit ang mga mata. Dumako ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa tagiliran. Napamura ulit ako dahil puno iyon ng dugo. Kahit na nabibigatan sinikap kong dalhin siya sa loob.

"Anong nangyari sa'yo?" Wala akong natanggap na sagot. Ibinagsak ko siya sa higaan ko. Maduming madumi ang suot niya at puno ng alikabok. Hindi magkandauga ugang hinagilap ko ang first aid kit.

Narinig ko ang ungol at d***g niya. Kumalat na ang dugo sa buo niyang damit. "Tanga, bakit nanginginig ka," asik ko sa sarili ko.

Linapitan ko ulit siya at binuksan ang mga butones ng long sleeve polo niya na naging kulay pula na. Inilabas ko ang betadine at bulak. Tuluyan kong hinubad ang pang-itaas niya upang hindi ma-infection ang sugat niya sa dumi nito. Maraming tanong sa isip ko ngayon pero nangingibabaw pa rin ang hindi ko maipaliwanag na pag-aalala. Wala siyang malay at tila mauubusan na ng dugo sa pamumutla.

Natigilan ako nang matutukan ang malalim niyang sugat. Hindi iyon tama ng baril kundi ng patalim. Saan siya nagpunta at nagkaganito siya? Napabuntong hininga ako, wala siyang ibang hawak na kaso ngayon. Malaki ang posibilidad na nagkaroon na naman sila ng engkwentro nila Saferino.

Napailing ako. Ipinagpatuloy ang paglilinis sa sugat niya. Panay ang d***g niya sa tuwing dumadampi ang gamot sa sugat niya ngunit hindi ko 'yong pinansin. Nang matapos kong linisin iyon, kumuha ako ng maligamgan na tubig sa planggana at face towel. Dahan dahan kong pinunasan ang maalikabok at madumi niyang katawan. Hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya. Kahit anong tanggi, gwapo talaga siya. Ang mukha niya ay hindi 'yong basta basta mo lang makakasalubong araw araw. Siya 'yong tipong titilian ng mga kababaihan, nasa lahi na rin nila 'yon dahil kilala talaga ng pamilya nila hindi lang sa pagiging mayaman kundi pagkakaroon ng magandang lahi.

Napakurap kurap ako nang mapagtantong nakatitig na ako ng matagal sa kanya. Itinuon ko ulit ang atensyon sa paglilinis sa kanya. Tapos ko na ring lagyan ng benda ang sugat niya, mabuti nalang may alam ako sa bagay na 'to dahil parte ito ng buhay ko. Madalas ako ang naglilinis ng sarili kong sugat sa tuwing may engkwentro at nasusugatan ako.

Nang masigurong malinis na ang itaas na parte ng kanyang katawan ay sunod kong hinubad ang slacks na suot niya. Medyo nahirapan ako sa pag-angat dahil sumasabit iton sa umbok ng kanyang pagkalalaki. Maryosep, napakalaking tunay. Natulala ako sa laki ng umbok niya, parang tutuyuan ako ng lalamunan. Napatikhim ako. Sanay akong makakita ng umbok ng hinaharap dahil karamihan sa mga tauhan namin ay mga lalaki ngunit ngayon lang ako tila na-magnet sa ganito.

Agad kong inilayo ang sarili ko sa kanyang nang matapos akong linisan siya. Mabilis kong tinakpan ng kumot ang ibabang parte, laking pasalamat ko dahil may boxer siyang suot.

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng bag ko at sandaling lumabas. Tinawagan ko ang number ni Saferino, agad naman itong sumagot.

"Ama, nagkaroon ng engkwentro dito kanina. Naglakas loob na pumasok si Agent Tarinio sa village," humihingal na bungad nito. Naririnig ko pa ang ingay at galit na boses ni daddy.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko kung nasaan si Tarinio. Napailing ako. "Napakalakas ng loob niya para isangkalan ang sarili sa kasong 'to."

"Kaya mas lalo dapat tayong mag-ingat, lalo ka na."

Nakagat ko ang labi ko dahil naisatinig ko pala ang dapat ay bulong lang. "Oo, mag-iingat ako. Kumusta si Daddy?"

"Nagkausap sila ni Agent Tarinio kanina, hindi siya umalma dahil marami ang mga bisita pero si Agent Tarinio ginulo ang party upang makatakas," sagot niya.

Napabuntong hininga ako. "Mas higpitan niyo ang pagbabantay sa buong village para hindi na maulit ang mangyari."

"Copy, Ama. Mabuti at hindi pa nakakarating si Señorita Amari nang mangyari ang gulo dito."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. May kirot na namuo sa dibdib ko.

Ngayon na pala ang pagbabalik niya. Tumikhim ako. Ayokong pag-usapan pero wala rin akong magagawa dahil parte siya ng buhay ko. "Babalik na pala siya. Matagal ba siya dito sa Pinas?"

"Ang sabi ni Senior Armando ay nabobored na daw si Señorita Amari sa Israel kaya medyo magtatagal siya rito."

Ibinalik ko ang tingin sa madilim na kalangitan, maraming mga bituin at maliwanag ang buwan. Sumandal ako sa concrete wall sa aisle ng apartment. Malalim na ang gabi at ingay ng mga kulisap na lamang ang naririnig. Mabuti at tumahimik na si Greeny at hindi nagising si Nanay Ister.

"Wag mong sasabihin sa kanya kung nasaan ako. Ayokong magkasalubong ang landas namin."

"Copy, Ama. Babalitaan kita kapag nakarating na siya. Sinusundo siya ngayon ni Benj sa airport." Ibinaba ko na ang tawag. Ngayon ang pagdating niya upang walang ibang makaalam sa pag-apak niya dito sa bansa. Ilang sandali pa ang iginugol ko sa labas upang magpahangin bago bumalik sa loob.

"Mom." Lumapit ako kay Tarinio nang mapansing bumubulong siya at tila kinukombulusyon. "Mom," he whispered.

Niyugyog ko siya para gumising pero hindi siya natinag. Inayos ko ang pagkakakumot sa kanya nang mapansing giniginaw siya. Nararamdaman na niya ang epekto ng sugat niya, mabuti na lamang at naagapan dahil kung hindi agad siya nakarating dito ay maaari niyang ikamatay. Sa malakas na agos ng kanyang dugo kanina halatang malalim ang pagbaon ng patalim sa tagiliran niya.

"Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip mo at sumugod ka sa teritoryo ng kalaban. Masyado kang mayabang e," litanya ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig.

Paulit ulit niyang tinatawag ang kanyang ina. Napakalaking bulas tapos Mama's boy. Umakyat ako sa higaan at tumabi ng higa sa kanya.

"I'm here. I'm here," sagot ko. Niyakap ko siya upang ibsan ang panginginig niya. Natahimik lamang akong pinapakalma ang ginaw niya.

Hind ko mapigilang matawa sa sarili ko. We're enemies but I'm taking care of him right now.

Masama akong tao pero hindi ko kayang pumatay ng taong walang kalaban laban. Kung malalaman ni daddy ang ginawa ko ngayon ay siguradong tuluyan na niya akong itatakwil.

You are stupid, Amanda.

บทที่เกี่ยวข้อง

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 5

    Amanda ColenNAGISING AKO dahil sa paghaplos sa aking dibdib. Napaungol ako sa nakakahalinang pakiramdam na dulot nito. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at humikab. Tumatama na sa'king mukha ang sikat ng araw mula sa bintana. May pumipisil at humahaplos pa rin sa dibdib ko. Ilang sandali bago nag-sink-in sa utak ko kung sino ang katabi ko. Agad akong napabaling sa kaliwa at nanlaki ang mga mata nang makita ang natutulog na si Tarinio. Gigil ko siyang sinampal. "Napakamanyakis mo kahit tulog ka." Sa init ay kinurot ko ang sugat niya. Napadaing siya sa sakit. Nagdilat ng mga mata at nabalot ng pagtataka ang mukha."What are you doing here?" kunot noong tanong niya."Apartment ko 'to, ikaw ang dapat kong tanungin. What are you doing here? Bakit dito ka napadpad ng diyes oras ng gabi?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nakatitig lamang siya sa'kin ng ilang segundo bago umayos ang reaksyon ng mukha."Naalala ko na." Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto bago dumako sa sugat niya. "Bakit ak

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-09-06
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 6

    Amanda ColenMABILIS ANG pagpapatakbo ko sa second hand na kotseng ibinigay sa'kin ni Saferino noong isang araw upang magsilbing service ko kapag dumating ang pagkakataon tulad nito. Nakatanggap ako ng text mula kay Benj na nakarating na ng bansa si Amari at dumiretso ito sa Desire. Isang high-end bar dito sa Pilipinas. Wala akong pakialam kahit saang bar siya mapadpad at magpakalasing pero ayon kay Benj ay nasa iisang lugar ito kung nasaan si Tarinio at kinukulit niya ang binata. Baka sa kalasingan niya kung ano pa ang masabi kay Tarinio. Mababalewala ang lahat ng pinaghirapan namin sa pagiging pabaya niya. Palibhasa nagpapakasarap lang siya sa buhay at naghihintay sa yaman ng Trei Impire. Napatiim bagang ako sa isiping 'yon, hindi ko pa rin mapigilan ang inis na namumuo sa kalooban ko. Ayokong mag-cross ang mga landas namin pero ngayon wala akong choice kundi ang pigilan siya sa katigasan ng ulo niya. Mabilis akong nakahanap ng parking lot at agad na n

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-09-07
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 7

    Amanda ColenHINDI ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Sino ba naming baliw ang bibili ng tatlong aso kahit hindi marunong mag-alaga? Ipinababa ko kay manong driver ang tatlong aso, isang Pomeranian, isang Maltese, at isang Shih Tzu na binili ko sa pet house. Tiningala ko ang building kung nasaan ang condo ni Tarinio. Hindi ko alam kung nakauwi na siya galing sa bar, pero ibibigay ko sa kanya ang mga aso na ‘to. Naghintay ako sa lobby matapos kong sabihin sa receptionist na nandito ulit ako para kay Tarinio. Ang alam nila ay girlfriend niya ako kaya halos wala nang itinanong sa’kin pagpasok ko. “Excuse me, Ma’am. Tumawag po ulit si Sir Tarinio at gusto niyang umakyat nalang daw ho kayo.” Naagaw ang atensyon ko dahil lumapit sa’kin ang receptionist. Napatingin naman ako sa tatlong aso na nasa kanya kanyang kulungan. “Paano sila?” tanong ko.“Pwede pong ipadala nalang sa guard kasunod niyo.” “Anong floor ang condo niya?”“To

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-09-08
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 8

    Amanda Colen“DAD, did you know, Tarinio Castillion?” Natigilan ako sa paghakbang dahil sa narinig kong tanong ni Amari. Nasa apartment kami ni Manang Ister nang makatanggap ako ng tawag kay Daddy, gusto niyang umuwi ako ngayon. Naging madali naman ang pagbibigay ko ng alibi kay Tarinio, sinabi kong gusto ko munang makasama si Manang Ister ngayong gabi dahil mamimiss ko ito kapag doon na ako tumira sa condo niya. Pumayag agad siya.Huminga ako ng malalim bago tuloy-tuloy na pumasok. Binati ako ng mga katulong kaya napalingon si Amari at Daddy, sa gawi ko. Agad na sumama ang tingin sa’kin ni Amari habang nakayakap ito sa matanda.“I’m here, Dad."“Why are you here?” mataray na tanong ni Amari. Malamig na tingin lang ang ipinukol ko sa kanya at hindi nagsalita.“She’s asking you, Amanda,” sabit ni Daddy. Tumango ako at tumingin kay Amari. “Pinatawag ako ni Daddy, for business.”“He’s not your dad,” pasaring niya pero hind

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-09-09
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 9

    Tarinio Castillion“MAY improvement na ba sa pinapa-hack kong bank site ng Trei Empire?” tanong ko kay Adahiyo Sacarias, isa sa mga hacker ng team ko. Nandito ako ngayon sa opisina ko kung saan ginagawa ang hacking system. Pag-aari ko iton. Nandito lahat ng computers and equipment na ginagamit sa pagha-hack ng mga sites.Inalis niya ang headphone at isinabit iyon sa leeg. “Wala pa rin, napakahigpit ng site nila. Hindi ko mahanap ang pasikot-sikot ng kanilang system.”Hinubad ko ang ko at isinampay sa likod ng upuan kong nasa harap ng computer. “Try harder,” I told him. Tumingin siya sa iba pang kasama namin at ngumisi. “Ano nga ulit pinag-uusapan natin no’ng wala siya, boss, kanina? Gusto nating humingi ng day-off para makapambabae naman tayo?” Naghiyawan sila. Ang sarili kong departamento na itinayo ko kay may limang hacker maliban sa’kin, ako ang head nito at pag-aari ko rin ang lahat ng meron sa opisina namin. Dating mga ag

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-09-10
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 10

    Ronz Benjamin Mattini“WHAT the fuck is wrong with you? Leave me alone.” She was frowning and irritation is vividly showing in her face but I ignored her rants.“You are not allowed to go out alone,” sabi ko. Pinandilatan niya ako at inis na naglakad papasok sa malaking bahay. Sumunod ako. The whole village is owned by Don Armando, and the small houses are for the bodygruard and Don Armando’s men.Tulad namin ni Saferino kay may kanya-kanyang bahay lahat ng mga tuhan sa buong village. At itong nag-iisang mansion ay kung saan namamalagi ang pamilya Trei.Inutusan ako ni Amanda na bantayan si Amari, and here I am now dealing with her spoiled brat attitude. Luckily, God blessed me an immeasurable patience. Kung si Saferino ang pinagbantay sa kanya ay siguradong iginapos na siya upang hindi makawala. She’s lucky because I am gentler than him. “You ugly fucking shit,” she shouted. “I know,” I answered uninterested. “I will call dad, and magsusumbong ako na you are forcing me to stay hom

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-09-13
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 11

    Amanda ColenMABIGAT ang loob na inilapag ko ang cellphone sa tabi ng unan ko at pabagsak na bumalik sa pagkakahiga. Kagigising ko lang. Pangalawang araw na ngayon ni Benj sa pagbabatay kay Amari. Hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi niya. “Love has no place in our world.”“But love consider no place…”Ni minsan hindi ito pumasok sa isip ko, ngayon lang. Dahil namulat ako sa hindi naniniwala sa pag-ibig dahil iyon ang paulit-ulit na sinasabi sa’kin ni daddy mula no’ng mag-umpisa akong manirahan sa poder niya. Si Don Armando Trei ay iniwan ng asawa niya dahil sumama iyon sa mayamang lalaki. Ayon sa kwento niya aya mahirap lamang siya noon kaya kahit si Amari ay nasa panig ng kanyang dating asawa. Iyon ang nag-udyok sa kanya na pasukin ang lahat ng trabahong possible, kahit hindi niya kaya, upang makaipon, yumaman, at makapagtayo ng emperyo. Nang yumaman siya ay nagawa niyang manalo sa costudy ni Amari kaya napunta ito sa

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-09-14
  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 12

    Tarinio Castillion“USO naman kasi ang maupo at kumalma,” pang-aasar sa’kin ni Cerio. I glared at him; I don’t want to see his face because it causes so much irritation. Kanina pa ako nakatingin sa cellphone ko at pabalik balik sa paglalakad dahil hindi sumasagot si Amanda. I tried to called her countless time but her phone is off. “Baka nga kasi walang signal sa probinsya, gano’n naman madalas ang mga liblib na probinsya walang signal,” sabi niya pa. Nandito kami ngayon sa pad ni Anaxy. Hindi ko kayang mamalagi sa condo ko dahil biglang hindi ko gusto ang katahimikan doon. Ilanga raw palang kaming nagkasama sa iisang bubong but her absence makes me crazy. Iniwan ko ang mga anak namin sa receptionist ng condominium para may mag-alaga sa kanila habang wala pa ang mommy nila. Am I crazy? Why the fuck I treat them as my real kids?“Shut the fuck up, Cerio. You are not helping,” saway ko. Pinulot ko ang isa sa pares ng tsinelas ko at ibina

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-09-15

บทล่าสุด

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 36

    TarinioI TREMBLED as soon as I witnessed Amanda being shot in the left flank. Nablangko ang isip ko habang pinamamasdan ang nakatutok na baril sa kanya. I wanted to pull the trigger and shoot Armando in the head, but I didn't want to risk her life. I know that the moment I pull the trigger, he will kill her. Provoking him is not a good idea. I need to think; I need to save her. I don't want to lose my woman."Isang kalabit ko lang dito mas mauuna siyang mamatay sa'kin.""Pakawalan mo siya, Armando." I can't hear my own voice with so much dread. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko. Hawak niya ang buhay ng babaeng mahal ko. "Pakakawalan ko siya, pero sa isang kondisyon." He smirked wickedly. "Itutok mo ang baril mo sa ulo mo at kalabitin ko.""I will...just let her go."I can't think of any way to save her but to follow his command and wait for the perfect timing to shoot him in the head. I will go along with h

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 35

    AmandaWE CONTINUE walking at the tunnel nang mawala ang mga yapak. Nakaalerto pa rin ang mga baril namin ni Benj. Malalaki ang mga hakbang namin para marating ang dulo. Wala kaming ibang naririnig kundi ang mga hakbang namin, siguradong wala dito sa tunnel na 'to ang pinagtataguan ni Armando. Kung saan man kami dadalhin sa dulo kami magkikita. "Kailangan nating matapos 'to bago gumabi," I said still walking towards the end of the passage. "No matter what happen don't rush your actions, Ama. Be careful. Mawawala lahat ng pinaghirapan mo kung hindi ka makakauwi ng buhay," he replied worriedly. I smiled. "I didn't have the control for everything, what might happen is destined to happen.""Kahit na, pwedeng maiwasan ang masamang pwedeng mangyari kung mag-iingat," he insisted."Fine. Fine. I'll be careful," I said to end his worries. He's my best friend since childhood and somehow his care gives me strength. Marami na kaming pinag

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 34

    AnaxI INDULGE myself in reviewing the evidences sent by Nio. I'm in the kitchen counter facing my laptop but I can hear their voices from the living room. Fifth and Cerio are the loudest, as always. Naglalabasan na naman sila ng mga kayabangan nila. "Akala ko ba sumugod tayo dito dahil may action? Bakit parang reunion naman pala ito ng mga gwapo tapos nandito pa akong pinuno niyo," Singko proudly said. "Maghintay nalang tayo dito, ayaw ni Nio na makisawsaw tayo. Tatawag 'yon kapag hindi na niya kaya," Second said. "Dapat tumulong tayo, halos lahat tayo natulungan ni Nio noong mga panahong tayo ang naghahabol kay kupido," angal ni Singko. "Kaming hindi pa hinabol ni Kupido ay dito lang hihiga," yamot na sagot ni Cerio. "Kukutungan kita. Tagahasik tayo ng kagwapohan hindi ng katamaran. Kapag ikaw naulol sa babae 'wag kang iiyak iyak sa'min, tatadyakan talaga kita," natatawang sagot ni Singko. I don't know why they c

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 33

    Amanda01: 29 NANG makatanggap ako ng tawag mula kay Benj. Tahimik akong bumangon, maingat ako sa bawat galaw para iwasang magising si Tarinio. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Nasa bahay niya kami ngayon, this is a two storey modern minimalist house na malapit lang sa Quezon City. Nasa katapat na kwarto naman ang mga magulang ko. It's been a week simula noong makalipat kami. It's fulfilling for me that I can provide all they need. Patingkayad akong lumabas and silently closed the door. Sinagot ko ang tawag ni Benj habang naglalakad pababa. "Alam ko na ang location ni Armando, unfortunately, he's not with Amari.""It's fine, ika nga mas magandang buwalin ang ugat para mapatay ang puno. Armando is the root of this evilness and that bitch is acting like she's the head of the empire. Ang emperyo nilang pabagsak na.""Naihanda ko na ang mga gamit mo, I tried to convince some of our trusted personnel but most of them refused."

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 32

    AmandaWE waited for two days before Tarinio finally accompanied us to Amalio's house. I tried to called them papa and mama but I'm not comfortable yet. Siguro dahil nasanay akong walang totoong mga magulang kaya iba ang pakiramdam kapag sinasabi ko ang mga salitang iyon. Naiintindihan naman ako ni Leli. As Tarinio, I should take it slowly and I shouldn't push my self. One step at a time. Mahigpit na nakahawak sa kamay ko si Leli habang pareho kaming nasa backseat ng kotse ni Tarinio. Ngayon din ang araw ng paglabas ko sa hospital at doon tutuloy sa bahay niya kasama ang mga magulang ko. Kukunin namin si Amalio upang isama at masiguro ang kaligtasan niya. "Hi-Hindi ko akalain na darating ang araw na muli ka naming makakasama," naiiyak na bulong ni Leli. Hinaplos ko ang kamay niya. "Stop crying, I won't go anywhere."Kinuha ko ang tissue sa mga gamit ko at inabot sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha niya. Nakatitig siya sa kamay kong n

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 31

    Amanda"MASAKTAN siya kapag nalaman niya, 'to. Baka mas lalo lang siyang mapahamak, sapat na sa'kin na nakikita siya araw-araw." Nagising ang diwa ko dahil sa mga pamilyar na boses na nag-uusap. Pero hindi agad dumilat dahil gusto kong marinig ang usapan nila. There's something urging me to listen to their conversation. Hindi ko na ramdam ang kirot ng sugat ko. Wala akong ideya kung ilang oras akong nakatulog matapos kong mawalan ng malay. "She has the right to know the truth," madiing sabi ni Tarinio. She? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Ayon sa boses ng babae, siya 'yong babaeng hinabol ko bago sumakit ang sugat ko. Hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko. 'Yong pagkikita namin malapit sa Starbucks noon ay alam kong coincidence pero ang makita ulit siyang nakasilip sa kwarto ko, that's suspicious. I know that there's something with her actions and emotional gestures when she looked at me. "A-Alam ko, pero kung ikakapahamak niya a

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 30

    Ronz BenjaminDESPITE EVERYTHING he did I can't help but to feel sorry for him. Until now I can't still believe that he would go this far for his feelings for Amari. It never crossed my mind even once that he can hurt Amanda for any reason.Ama is the purest woman I have ever know in my life. Yes, she's capable of killing people but only those who are abusive and criminal. She never did once hurt or kill innocent people. She will never hurt her friends no matter what happen. She's willing to sacrifice her life for our safety. Kahit na trinaidor siya ni Saferino nagawa niya pa ring pigilan si Agent Tarinio na 'wag itong patayin. Sa kabila ng panganganib ng buhay niya naisip niya pang iligtas si Saferino. Napahilamos ako sa sobrang frustrations. Hindi ko alam kung dapat kong barilin sa ulo si Saferino para mabasag ang bungo niya dahil aa desisyong ginawa niya o palagpasin ang kalokohan niya. "Palawalan mo ako!" he shouted. Mas lalo akong nagngingit sa galit. Malalaki ang hakbang na ni

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 29

    TarinioMAHIGPIT ANG hawak ko sa rifle habang nasa biyahe kami. Tahimik ako habang si Cerio ang nagmamaneho, katabi niya sa passenger's seat si Anaxy. Ako ang nasa backseat katabi ang mga gamit na dala namin. Hindi mawala sa isip ko ang hitsura ni Amanda nang bumagsak siya sa braso ko nang tamaan siya ni Saferino. Namumutla at halos mawalan ng hininga. Kapag naaalala ko mas lalong lumalalim ang galit ko kay Armando at sa anak niya.Napatingin ako sa t-shirt na suot ko na may mantsa ng dugo niya. Nawala na sa isip ko ang magbihis, ang alam ko lang kailangang magbayad ng mga taong nanakit sa kanya. I stayed by her side until the doctor declared that she's out of danger. Niyaya ko agad si Cerio at Anaxy para pumunta kay Armando. Gusto kong iparating sa kanila kung ano ang kapalit ng ginawa nila sa babaeng mahal ko. "Kumalma ka muna, Tari," payo ni Anax. Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan niya at nakatanaw sa daan.

  • Tarinio Castillion: Under His Means   Chapter 28

    AmariI GRITTED my teeth in anger. How dare him cheated on me! Itinapon ko ang mga pictures ni Amanda at Tarinio na ibinigay sa'kin, nagkalat iyon sa sahig. Kuha iyon ngayon lang at naghahalikan sila. Tarinio promised me that he will never see her again. He's my fucking fiance. Nangako siya na tutupad siya sa arrange marriage na ito. Kahit kailan hindi ko ipapaubaya kay Amanda ang mga bagay na para sa'kin. Simula pagkabata ay kinukuha niya ang lahat ng akin, mula sa pagiging anak ng tunay kong ama hanggang sa kayamanan na para sa akin. Kinamumuhian ko siya! Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Tarinio sa kanya, I am more beautiful than her. I am sexy, educated, and intelligent than her. Wala siyang ibang alam kundi ang mang-agaw ng hindi sa kanya. "I told you, ija, hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon," dad said. We are in our living room and he's looking at me, worried. "But I love him," I replied, almost shouting. "Kahit anong gawin niya

DMCA.com Protection Status