Share

Chapter Two

Nagmamadaling umuwi si Lucille.

Doon ay inabutan niya ang isang matabang kalbo at may edad nang lalaki. Nakaupo ito sa kanilang sofa at galit na nakatingin kay Jenny.

"Hija, nangako ako na papakasalan kita 'di ba? Bakit mo ako pinaghintay magdamag kagabi?"

Tiniis ni Jenny ang nakakadiring lalaki. Gawain na talaga ito ni Mister De Vega kapag may natitipuhang babae, malas lang ni Jenny na nagustuhan siya nito.

Pero dahil ayaw niya at mahal siya ng kaniyang mga magulang ay pumayag ang mga ito na si Lucille ang pumalit sa kaniya, iyon nga lang ay hindi nila akalain na hindi ito sisipot.

"Mr. De Vega, pasensya na kayo masyado pa siyang bata at inosente." Hinging paumanhin ni Martha.

"Kung maaari ay huminahon muna tayo," sansala ni Roldan-ama ni Lucille.

"Huminahon? Hindi! Dahil ayaw ni Jenny na magpakasal sa akin ay hindi ko siya pipilitin. Hintayin niyo na lamang na makulong kayo at tuluyang malugi," Galit na saad ni Mr. De Vega.

Tumayo siya at saka galit na nagmartsa paalis.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkabungguan sila ni Lucille.

Natulala ang kalbong matanda sa taglay niyang ganda.

"Napakaganda mo iha, sino ka?" Manghang tanong nito kay Lucille.

Naiintindihan na ni Lucille na itong nasa harap niya ngayon si Mr. De Vega.

Kahit pa madilim sa kuwarto kagabi at wala siyang makita ay ramdam niyang matangkad at matipuno ang pangangatawan ng lalaking kasama niya kagabi. Imposibleng maging siya ito!

Para sa kaniyang kapatid ay isinuko niya ang sarili niya at kaniyang dignidad pero sa huli ay sa maling tao pa pala siya napunta?

Kaya pala parang may mali sa Mr. De Vega na kasama niya kagabi.

Gustuhin man niyang umiwas ay huli na, agad nang lumapit sa kaniya ang madrastang si Martha at saka siya inakbayan.

"Mr. De Vega, ito ang nakababata naming anak na si Lucille. Hindi naman sa pagmamayabang pero walang makahigit sa ganda niya rito sa buong baranggay namin," pagbibida nito.

"Maganda si Jenny pero hindi naman natin maitatanggi na talagang mas maganda si Lucille," dagdag pa nito.

"Tama ka riyan, napakagandang bata nga nito ni Lucille," pagsang-ayon ni Mr. De Vega habang pinagmamasdan siya na nagbigay ng kilabot sa kaniya.

"Mr. De Vega, wala pang nobyo ang anak ko na ito. Puwedeng-puwede siyang maging Mrs. De Vega, bagay na bagay kayo," pang-uuto pa ng kaniyang madrasta.

"Puwede na. Ganito, mamayang gabi ay susunduin ko siya ng personal. Subukan muna natin kung magiging maayos ba. At huwag na huwag kayong magkakamali ulit! Huling pagkakataon niyo na ito!" Banta niya.

"Sisiguraduhin ko pong hindi na mauulit ang nangyari kagabi."

Nang makaalis ang matandang lalaki ay nagmamakaawang tumingin si Lucille sa kaniyang ama.

"Pa, ibebenta mo na naman ba ako?"

Sasagot pa sana ang kaniyang ama nang sumingit ang kaniyang madrasta.

"Anong ibebenta? Pinalaki kita hanggang sa ganitong edad, dapat lang na tumulong ka sa amin. Tumigil ka sa mga drama mo riyan! Jenny, ikulong mo sa kuwarto iyan at siguraduhin mong hindi 'yan makakatakas!"

"Sure Ma!" Sagot nito saka siya kinaladkad papuntang kuwarto.

"Pa! Pa, ipagtanggol mo naman ako! Huwag mong hayaang mangyari sa'kin 'to. Pa!" palahaw niya.

Matatanggap niya pa ang ginagawa ni Martha dahil madrasta niya lang naman ito pero ang kaniyang ama na sariling dugo at laman niya ay hindi niya matanggap.

Alam niyang wala itong puso pero anak siya nito, hindi ba siya nito kayang isalba kahit isang beses lang?

Katulad ng inaasahan ay hindi siya pinansin ng

ama, tinalikuran siya nito at iniwan katulad ng ilang pagkakataon na hindi na niya mabilang.

"Huwag mo nang pahirapan si Papa, gusto mo ba siyang malugi at makulong?" Asik sa kaniya ni Jenny.

"Tara na!" Saka siya nito muling kinaladkad.

"Bitawan mo 'ko! Kaya kong maglakad mag-isa," ani niya sabay bawi ng kaniyang braso.

Nagkatitigan pa Sila ng masama saka siya nagpatiunang maglakad papunta sa kaniyang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay nila.

Pagbukas ni Jenny ng pinto ay agad siyang tinulak nito papasok.

"Payo ko lang sa'yo ay manahimik ka nalang diyan at isipin si JunJun, hindi makakabuti sa kaniya na ma-delay ang kaniyang gamutan!" Saka nito sinara at kinandado ang pinto.

Halos manginig siya sa galit pero wala siyang magawa.

Hindi niya puwedeng pabayaan ang kapatid, siya na lang ang tanging mayroon ito. Wala na silang nanay at parang wala rin naman silang tatay.

"Kailangan ba talaga akong ibenta?"

Nasapo niya ang noo at pilit na pinipigilan ang pagluha.

"Ma, anong gagawin ko? Tulungan mo naman ako."

Walong taong gulang pa lamang siya at isang taon naman ang kapatid niyang si Jun-Jun nang mamatay ang kanilang ina.

Wala pa mang isang linggo ang nakalipas simula nang mamatay ang kaniyang ina ay ipinakilala na kaagad ng kaniyang ama si Jenny at Martha.

Sinabi niya na papakasalan niya ito at ang matindi pa ay totoong anak nito si Jenny na siyang dalawang buwan lamang ang tanda sa kaniya.

Ibig sabihin ay matagal ng niloloko ng kaniyang ama ang kaniyang ina.

Alam niyang simula sa araw na iyon ay nawala na rin sa kaniya maging ang kaniyang ama.

"Ma, kung nandito ka ipagtatanggol mo ako 'di ba? Tulungan mo ako Ma."

At parang isang bumbilyang umilaw sa kaniyang isipan ang isang ideya.

Dali-dali niyang hinanap ang isang kahon at hindi naman siya nabigo.

"Ma, wala na 'kong ibang paraan na maisip. Huwag ka sanang magalit sa 'kin."

Binuksan niya ang may katamtamang laki ng kahon na naglalaman ng isang Jade bracelet.

Sa ilalim noon ay may papel na may nakasulat na mga numero.

"Sobrang tagal na ng panahon na lumipas, sana gumagana pa 'tong mga numero na ito."

Kinakabahan niyang itinapa ang mga numero sa kaniyang telepono at sobrang lakas ng tibok ng puso niya nang mag-ring ito.

"Sana naaalala pa nila ako."

"Hello, sino 'to?" Saad nang nasa kabilang linya.

Napalunok muna si Lucille saka huminga ng malalim bago nagsalita.

"Hello, Si Mr. Saavedra po ba ito? Naaalala niyo pa po ba si Miss Lucy Montiverde? Anak niya po ako."

"Sige po, pupunta po ako."

Nakilala siya nito! Mabilis niyang ibinaba ang telepono at inilagay ang kahon sa kaniyang bag.

Dali-dali siyang nagtungo sa kaniyang aparador at kumuha ng mga kumot at kubre kama. Pinagtali-tali niya ito saka ihinagis  sa labas ng bintana.

Nag-umpisa siyang maglambitin pababa gamit ang pinagdugtong na mga kumot at buti na lang ay hindi ganoon kataas ang ikalawang palapag ng bahay nila.

Matapos ligtas na makababa ay mabilis at tahimik siyang lumabas sa kanilang bakuran. Dumiretso siya sa address na ibinigay sa kaniya ni Mr. Torres.

---

Binuksan ni Jerome ang pintuan ng opisina ni Dylan.

"Kuya, tumawag si Uncle. Pinapatanong niya kung uuwi ka raw ba mamaya?"

"Oo," tipid na sagot ng binatang si Dylan.

Sa kaniyang bahay sa Tagaytay talaga siya naninirahan ngunit sa kadahilanang hindi maayos ang kalusugan ng kaniyang Lolo nitong mga nakaraan ay kinailangan niyang pansamantalang mamalagi sa bahay nila sa Maynila.

"Kumusta ang imbestigasyon?" Tanong niya kay Jerome nang maalala ang nangyari.

"Inaalam pa rin kung sinong naglagay nang droga sa inumin mo, pero nahanap na 'yong babae." Sagot nito.

Interesadong tumingin si Dylan sa kapatid at sinenyasan itong magpatuloy.

"Hindi nahagip sa CCTV ang mukha niya pero may record ang Hotel ng mga pangalan ng mga papasok at lalabas na guest.

"Ayon sa record, dapat ay papunta siya sa kuwarto nang isang Franco De Vega. Kumpirmadong wala siyang kinalaman sa nangyari sa'yo."

"Yeah, the girl last night was very stiff. Obviously unwilling and might be sexually exploited. What's her name?"

"Jenny Fernandez," sagot nito sabay abot ng larawan ni Jenny.

Dahil sa droga na nasa sistema niya ay wala sa sarili si Dylan. Dagdag pa na patay ang ilaw at sobrang dilim kaya hindi niya nakita ang hitsura ng babaeng nakapiling no'ng nagdaang gabi. Tinitigan niya ang larawan saka napangiti.

"Maganda siya."

Hindi na mabuti ang lagay ng kalusugan ng kaniyang Lolo pero inaalala nito ang kaniyang pag-aasawa.

Wala na itong ibang bukam-bibig sa maghapon kung hindi ang kaniyang pagpapakasal at ayaw niyang naii-stress ito nang dahil lang dito.

Ang Lolo na lang niya ang mayroon siya at gagawin niya ang lahat para mapasaya ito.

Pero sino ang papakasalan niya?

He originally has a childhood fiance but he has lost contact for many years.

Sakto ang dating ng dalagang si Jenny sa buhay niya.

Galing sa isang ordinaryong pamilya, maganda, inosente at unang naging babaeng dumaan sa kaniya. Sakto sa gustong babae ng kaniyang Lolo para sa kaniya.

--

Sa kabilang banda ay nagkakagulo na sa tahanan ng mga Fernandez.

Gaya nang napagkasunduan ay bumalik si Mr. De Vega para sunduin si Lucille ngunit nakatakas ito.

"Talagang tinatarantado niyo talaga ako eh 'no?" Galit na galit na sigaw nito.

"Nagkakamali ka Mr. De Vega, hindi namin gagawin---

"Tumahimik ka! Punong-puno na ako sa inyo. Tutal nandito naman na ako ay hindi ako papayag na uuwi akong walang napala!"

Tinitigan nito si Jenny.

"Ikaw! Sumama ka sa'kin! Hindi ka kasing ganda ng kapatid mo pero puwede na rin." Saka nito kinaladkad si Jenny.

"Ma! Pa! Tulungan niyo 'ko!" Iyak ni Jenny.

"Mr. De Vega, pag-usapin natin 'to. Bata pa si Jenny, hindi ka niya mapapaligaya. Hahanapin namin si Lucille--

"Hayup ka! Lumayas ka rito!"

Tinulak ni Mr. De Vega si Martha kaya galit na galit si Roldan. Sinubukan niyang pigilan ang pagdala Kay Jenny pero sinaktan siya ng mga tauhan ng mayamang matanda.

"Pa! Ma!" Palahaw ni Jenny habang pilit na nagpupumiglas.

Bago pa man tuluyang makaalis sina Mr. De Vega ay may pumaradang magarang sasakyan sa tapat ng bahay ng mga Fernandez.

"Dito na 'yon Kuya," saad ni Jerome.

Bumaba ng sasakyan si Dylan at agad na nag-igting ang panga nang makitang pilit kinakaladkad ni Mr. De Vega si Jenny.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status