Share

Chapter Six

Author: Faith Lovelle
last update Huling Na-update: 2024-10-13 22:43:08

Sa kuwarto ay nakaupo si Jun-Jun at suot ang isang hospital gown na basang-basa at puro mantya.

Hindi lang iyon, dahil maging ang kaniyang buhok at mukha ay basa at napakarumi rin. Sa sobrang dungis niya ay halos hindi na mahitsura ang kaniyang mukha. 

Ang isang may kabataan pa na babaeng nurse ay sumandok ng isang kutsarang kanin saka marahas na sinubo sa kaniyang bibig. 

"Kumain ka! Bilisan mo! Napaka inutil mo! Maski pagbukas ng bibig para kumain ay hindi mo magawa! Daig ka pa ng aso at baboy! Arayyyy!"

Bigla na lamang may sumabunot ng buong pwersa sa kaniyang buhok galing sa kaniyang likuran kaya napasigaw siya sa sakit. 

"Sino ka ba? Bitawan mo nga ako! Inay!"

Pulang-pula ang mata ni Lucille sa galit at talagang handa siyang makapatay sa sobrang tindi ng kaniyang nararamdaman. 

"Inay? Kaninong anak ka ha? Sinong nanay mong hayop ka?! Minamaltrato at sinasaktan mo ang isang batang walang kalaban-laban? Buhay pa ang pamilya niya!" 

Habang nagsasalita si Lucille ay hindi man lang lumuwag ang pagkakakapit niya sa buhok ng nurse, bagkus ay mas humigpit pa nga. Pakiramdam ng nurse ay matatanggal na ang anit niya sa sakit.

"Aray! Masakit! Bitiwan mo 'ko!" Pagmamakaawa nito habang nanginginig. 

"Hindi! Hindi pa 'ko tapos!" 

Binalibag ni Lucille ang nurse sa sahig saka dinampot ang plato na may lamang pagkain. Sumandok siya ng isang kutsarang punong-puno ng kanin at saka ito sinalaksak sa bibig ng walang awang nurse. 

"Ganito ka magpakain ng tao 'diba? Hayan kumain kang  maigi!" Gigil na gigil na saad ni Lucille. 

"Ah, uhm!" Halos mahiwa na ng metal na kutsara ang bibig ng kawawang nurse kaya wala na itong magawa kung hindi sumenyas ng pagmamakaawa. 

Pero walang balak si Lucille na bitawan ito. 

"Pak!" Umigkas ang isang kamay niya at binigyan ito ng malutong na sampal.

"Ganito mo sinaktan ang kapatid ko kanina 'di ba? Ano? Masarap sa pakiramdam 'di ba? Huwag kang mag-alala ibabalik ko sayo 'yong ginawa mo ng mas matindi pa!" 

"Pak! Pak! Pak! " Ilang magkakasunod na sampal pa ang pinakawalan ng galit na galit na si Lucille. 

Tumimbuwang sa sahig ang kawawang nurse at bago niya pa mahabol ang kaniyang hiniga ay basta na lang siya dinampot ni Lucille at kinaladkad. 

"Halika! Sasamahan mo 'ko kay Dean!" 

"Huwag!" Pagmamakaawa ng nurse na may namamaga nang mukha. 

"Please patawarin mo ako parang awa mo na, ayaw ko naman 'tong gawin talaga. Binayaran lang ako para gawin 'to!"

Nagulat si Lucille sa sinabi ng takot na takot na nurse. Naniningkit ang mga mata niyang tumingin rito. 

"Sino?"

"Si Ma'am Martha," umiiyak na saad nito. 

Hindi na siya nagtaka. Dahil sa ginawa niya at pagtanggi sa nais nito ay malamang ito ang naisip nitong maging ganti. 

Pero bakit hindi siya ang gawan ng masama nito? Bakit kailangan niyang saktan ang isang batang may autism at walang kalaban-laban?

"Labas!" sigaw niya sa nurse na agad namang tumakbo palabas. 

Napakagulo ng kuwarto,  sinimulang pulutin at ligpitin ni Lucille lahat ng nakakalat at nang matapos ay saka iniabot ang kamay sa kapatid. 

"Halika linisan ka ni ate?"

Katulad ng nakagawian ay hindi sumagot ang kaniyang kapatid. Sanay na si Lucille kaya naman hinawakan niya ang kamay ng kapatid. Humawak din ito pabalik sa kaniya. 

"Jun-Jun?" Masayang tawag ni Lucille sa kapatid. 

"Hinawakan mo ang kamay ko, nakikilala mo na ba si ate?" 

Ngunit hindi pa rin sumagot ang nakababatang kapatid.

Gayunpaman ay masaya pa rin si Lucille. Sa wakas, matapos ang matagal na panahon ay tumugon ang kapatid niya sa kaniya. Kahit pa maliit na bagay lang  ay mahalaga iyon sa kaniya. 

Ibig sabihin ay tumatalab kahit papaano ang gamutan at therapy ng kaniyang kapatid. 

Nang dalhin niya sa banyo si Jun-Jun ay doon niya lamang na pagtanto na hindi lang pagkain at sabaw ang mantya sa katawan nito. Basa rin ng ihi ang short ng kapatid. 

At talagang hinayaan lang siya ng walang hiyang nurse na iyon, hindi man lang siya pinalitan.

"Kasalanan ng ate ito," pigil ang luhang sambit niya. Nasasaktan at labis siyang naaawa sa kapatid. 

Matapos niya itong paliguan at bihisan ay muling lumitaw ang taglay ng kaguwapuhan ng kaniyang kapatid. 

Muli niya itong ginawan ng pagkain saka sinimulang pakainin.

Masunurin naman itong kumakain at wala sa sariling humawak ang isang kamay sa damit ni Lucille. 

Natatakot ang batang si Jun-Jun ngunit hindi niya iyon kayang sabihin kaya sa ganoong paraan niya lang iyon naipaparamdam. 

Namasa ang mga mata ni Lucille. 

"Huwag kang matakot bunso, nandito lang si ate para protektahan ka. Hinding-hindi kita pababayaan."

Bago umalis ng pasilidad ay ini-report ni Lucille ang nurse na 'yon. 

Ang mga ganoong klase ng tao na tumatanggap ng pera para lang manakit ng ibang tao ay hindi dapat pinagbibigyan. 

Kinuha niya ang sasakyan at saka nagmanaheo pauwi sa bahay ng ama.

Sinaktan ng kaniyang madrasta si Jun-Jun at hinding-hindi niya 'yon palalampasin.

----

Pagabi na at si Dylan ay nagmamaneho patungo sa bahay nila Martha nang makatanggap siya ng tawag galing Kay Jenny. 

"Dylan, nasaan ka na?" Tanong nito.

"Medy ipit lang sa traffic kaya baka ma-late ako ng konti."

"Ayos lang, ang importante ay ligtas kang makarating."

--- 

"Miss Lucille bumalik ka," bati ng katiwalang nagbukas ng pinto sa kaniya. 

Tila hindi niya ito narinig at dire-diretsong naglakad papasok ng bahay. 

Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng isang kaserolang tubig saka dumiretso sa sala. 

Masayang nagkukwentuhan ang mag-inang Martha at Jenny habang pababa ng hagdan. 

Kagat ang labi sa sobrang gigil ay nagmamadali siyang sumugod sa mga ito. 

"Lucille?" Gulat na tawag ni Martha sa kaniya. 

"Talagang may kapal ka pa ng mukha na magpakita rito?"

Pumailanlang ang isang tili, binuhos pala ni Lucille sa ulo ng mag-ina ang kaserola na may lamang tubig. 

"Ahh! Nababaliw ka na ba Lucille?" Galit na sigaw ni Martha. 

"Baliw? Tubig lang 'to. Ikaw nga eh, binayaran mo ang nurse para tapunan ng kumukulong sabaw si Jun-Jun. Hinayaan niyo siyang mamanghi sa ihi at bumaho!"

"Mom?" 

"Huwag mo na itong alalahanin, wala ka ng oras. Umakyat ka na sa taas at magpalit ng damit," ani Martha sa anak saka ito iginaya paakyat ng hagdanan. 

Mukhang may importanteng lakad si Jenny kaya agad itong tumalima at umakyat na sa hagdan. 

Naiwan si Martha para harapin ang galit na si Lucille. 

"Oo binayaran ko ang nurse para gawin 'yon sa kapatid mong tatanga-tanga! Ang lakas ng loob mong tumakas at hindi samahan si Mr. De Vega? Ang laki ng perwisyong ginawa mo. Dapat lang na naging handa ka sa hindi magandang mangyayari sa kapatid mo!" Gitil na saad ni Martha. 

Nalaman nito sa kakuntsabang nurse na binayaran na ni Lucille ang pagpapagmot sa kaniyang kapatid. 

"Nakakuha ka ng pera? Paano ka nakakuha ng pera? Hulaan ko, binenta mo talaga ang sarili mo 'no? Nagkapera ka pero hindi mo man lang naisipan magbigay ng pera rito? Nasaan ang konsensya mo? Ang kapal ng mukha mo!" 

Sa kabila ng galit na nararamdaman ay tumawa si Lucille. Nang walang ano-ano'y itinaas niya ang kamay saka siya nagpakawala ng isang malakas na sampal. 

"Walang lumalabas na maganda diyan sa bibig mo! Dapat diyan hindi na binubuksan!" Saad ni Lucille. 

"Ah? Ang lakas ng loob mong sampalin ako!" Galit na saad nito saka dinamba si Lucille. 

Sa isang iglap ay nagpang-abot ang dalawa ngunit dehado si Martha. Maya-maya pa ay napakubabawan siya ni Lucille 

Umigkas ang kaniyang kamay, hindi lang isa o dalawa, kung hindi kaliwa't kanan ang binigay niyang sampal sa madrasta. Paulit-ulit at wala siyang planong pigilan ang kaniyang sarili.

"Anong akala mo sa 'kin bata pa rin? Akala mo hahayaan pa rin kitang saktan at sigaw-sigawan ako?" Gigil na saad ni Lucille habang nagpapangbuno sila ni Martha. 

Buong buhay niya ay tiniis niya ang pagmamalupit ng madrasta sa kaniya. Unang-una dahil siya ay bata pa at wala pang kakayahan lumaban pangalawa ay dahil alam niyang kapatid niya ang babalikan nito. 

Pero ngayon ay hindi na niya kailangan magtiis.

"Malaki na 'ko at ikaw eh matanda na! Sa susunod na subukan mong saktan si Jun-Jun, sasaktan din kita higit pa sa sakit na ipinaranas mo sa kaniya!"

"Tulong!" Sigaw niya at saka napalingon sa kasambahay na nagtatago sa gilid.

"Ano pang ginagawa mo? Bakit hindi ka tumawag ng pulis! Bilisan mo!" Utos ni Martha sa kasambahay. 

"Anong nangyayari?" 

Bago pa man makahuma ang kasambahay ay dumating si Roldan ang ama ni Lucille. 

Nagmamadali siyang lumapit sa dalawa at saka hinablot si Lucille at pabatong ihinagis sa sahig. 

"Lucille! Nahihibang ka na ba at sinaktan mo ang iyong Tiya Martha? Siya ang nagpalaki sa'yo!"

"Turuan mo ng leksyon iyan!" Gatong ni Martha sa tatay ni Lucille. 

"Subukan mo!" Sagot ni Lucille na nakatingin sa kaniyang ama gamit ang kaniyang mga matang pulang-pula sa galit.

"Niloko mo ng matagal na panahon ang nanay ko! Sinuportahan mo 'yang kabet mo at pinabayaan mo kaming mga anak mo, muntik mo pa akong maibenta dahil sa pera! At ikaw naman na kabet ka, wala kang ginawa kung hindi abusuhin at saktan kami! Hinding-hindi magiging masaya ang mga katulad niyo! Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo sa 'min! Hindi man ngayon pero sa tamang panahon!" 

Tinalikuran niya ang mga ito saka tumakbo palabas ng bahay na iyon. 

Paglabas niya ng gate ay may mamahaling itim na sasakyan ang dumaan. 

Matapos ang ilang hakbang ay muli siyang lumingon sa direksyon ng sasakyan. 

"Parang pamilyar ang sasakyan na 'yon. Saan ko nga ba nakita 'yon?"

Kaugnay na kabanata

  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Seven

    Sa lakas ng kutob ni Lucille ay bumalik siya. Sa pinto ng bahay nila ay naroon na si Jenny, lumabas na nakabihis ng magara at naka-make up. Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba si Dylan na may dalang pumpon ng mga pulang rosas, saka maginoo niya itong inabot kay Jenny. Mga pulang rosa na sumisimbolo ng pag-ibig. "Ang ganda," masayang anas ni Jenny nang abutin ang mga bulaklak. Inamoy-amoy niyapa ito saka ngumiti siya at humawak sa bisig ni Dylan.Pinagbuksan ni Dylan ng pinto si Jenny at marahang inalalayan pasakay sa sasakyan at bago tuluyan ng umalis. Nang dumaan ang sasakyan ay muli nang tumalikod si Lucille. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Ibig sabihin ay si Dylan pala ang tinutukoy ni Jenny na importanteng date at ang tinutukoy pala ni Dylan na pakakasalan niya sana ay si Jenny. Nagsasabi pala siya ng totoo at nobya niya pala si Jenny. Kung may nobyo si Jenny na katulad ni Dylan ay walang kahirap-hirap na maaabot nila ang kanilang mga pangarap at lalo siyang aal

    Huling Na-update : 2024-10-20
  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Eight

    Buong maghapon nanatili sa bahay ng kaniyang kaibigan si Lucille at pagsapit ng gabi ay nag-umpisa siyang gumayak papunta sa kaniyang trabaho. Simula nang siya ay tumungtong sa edad na labing walo ay tinigilan na ni Martha ang pagsuporta sa kaniyang mga kailangan. Tanging sa scholarship at part time work niya itinaguyod ang kaniyang sarili at pag aaral. Ang ibinigay naman na card ni Dylan ay ginamit niya lamang pangbayad sa hospital kung saan naroon ang kaniyang kapatid. Bukod doon ay wala na siyang balak na gamitin iyon sa iba pang bagay. Si Lucille ay nagtatrabaho sa isang sikat na bar sa Maynila. Isa itong high end bar na dinarayo ng mga mayayamang parokyano. Artista, negosyante, politiko name it. Isa siyang massage acupuncturist doon. Isa itong tradisyonal na paraan ng mga Chinese na gumagamit ng mga maninipis na karayom para itusok sa iba't-ibang bahagi ng iyong katawan na makakatulong sa iyong kalusugan sa maraming paraan. Dahil nag-aaral siya ng medisina ay kumuha siya ng

    Huling Na-update : 2024-10-23
  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Nine

    "Tumabi ka diyan Jerome."Pinaalis ni Dylan si Jerome sa kaniyang harapan. Kalmado na siya at bumalik na sa dating aura niya, arogante at makapangyarihan. "Anong problema mo?" Malamig na tanong nito kay Lucille. "Inutusan mo ba silang tanggalin ako?" "Oo." Matiim siyang tinitigan ni Dylan at saka bumaling kay Jerome. "Sinagot ko na ang tanong niya, tara na!""Opo Kuya!" "Sandali!"Tumakbo si Lucille at humarang sa dadaanan ni Dylan."Alam kong mali ako," nagpapakumbabang saad ni Lucille. Alam naman talaga niyang mali siya sa pag gamit ng kanilang kasal upang magantihan ang pamilya ng kaniyang ama. Nakalimutang niyang hindi basta-bastang tao si Dylan na ginagamit niya. Hindi siya nag isip at masyado siyang naiging kampante. "Nagmamakaawa ako sa'yo. Huwag mo silang hayaan na tanggalin ako, importante ang trabahong ito para sa'kin." Nasa huling taon na siya ng kursong medisina at kasalukuyang nasa internship. Hindi binabayaran ang mga intern na katulad niya kaya sa trabahong ito

    Huling Na-update : 2024-10-25
  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Ten

    Ngayong wala nang trabaho ay kailangan ni Lucille na maghigpit ng sinturon at humanap ng panibagong mapapasukan sa lalong madaling panahon. Subalit katulad ng inaasahan ay masyado siyang abala bilang intern at kakaunti lang ang kaniyang libreng oras kaya naman ay nahihirapan siyang humanap ng trabaho. Sa buong isang linggo ay sinubukan niyang humanap ng mapapasukan sa tuwing siya ay may bakanteng oras ngunit bigo siya. Tuwing makakaramdam ng gutom ay bumibili lang siya ng tinapay pantawid sa kumakalam na sikmura. Malaki na rin ang ipinayat niya dahil sa madalas ay nalilipasan siya ng gutom. Ngayong araw ay kalalabas niya lang galing sa pang gabing duty at muli siyang nagbabalak na humanap ng maaari niyang mapasukan. "Lucille, pinapatawag ka ni Ma'am Gomez," saad ng kaniyang kapwa intern na si Melissa. "Alam mo ba kung bakit?" Kinakabahang tanong ni Lucille. "Hindi eh, sige na may mga kukuhanan pa ako ng dugo. Pumunta ka na lang agad," nagmamadaling paalam nito. Napabuntong hini

    Huling Na-update : 2024-10-28
  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Eleven

    Nang makarating sa kwarto ng butihing matanda ay agad na naupo si Lucille sa tabi ng kama nito."Lucille, kumusta ang iyong paghahanda? Nakapag impake ka na ba?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.Anong nakahanda? Anong impake?Nagulat si Lucille sa tanong ni Mr. Saavedra at hindi siya kaagad nakasagot.Agad namang napansin ng matanda na tila may hindi tama sa reaksyon ni Lucille."Hindi ba sinabi ni Dylan sa'yo? Pasaway na bata! Sinasabi ko na nga ba at niloloko lang niya ako!"Mangyari pala ay may kaibigan ang matanda na magdiriwang ng kaarawan at dahil hindi siya makakapunta ay inatasan niya ang apong si Dylan na pumunta kasama si Lucille. Hindi niya alam na nagkakaproblema ang mag-asawa kaya ginagawa niya ang mga paraan na alam niya para paglapitin ang mga ito. "Lucille makinig ka, hindi sanay si Dylan na pinakikialaman at pinangungunahan siya. Pero kasal na kayo, wala na kayong magagawa kung hindi pakisamahan ang isa't-isa at mamuhay ng masaya." saad ng Lolo na nag-aalala sa ka

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Twelve

    "Bitiwan mo siya," utos ni Dylan kay Jerome. "Opo Kuya."Bagaman mahinahon ang boses ni Dylan ay nakaramdam pa rin ng bahagyang takot si Jerome kaya agad siyang tumalima para sundin ito."Matapos ang mga nangyari ay talagang tulog pa rin siya? Tulog mantika!" Sa isip-isip ni Dylan.Alam ni Dylan na ang kaniyang lolo ang nag-utos kay Lucille na sumama kaya kapag nagsumbong ito sa kaniyang lolo kung paano niya ito tinrato ay siguradong malilintikan siya. Buwisit talaga! Madilim ang mukha niyang tinitigan ang natutulog na si Lucille saka ito binuhat at basta na lang inilapag sa kama. Nang bahagyang malilis ang kaniyang palda ay nakita ni Dylan ang mga pasa at gasgas ni Lucille sa tuhod. "Saan galing ang mga pasa na 'to? Kaya pala siya napasigaw sa sakit kagabi," aniya sa sarili nang lapitan niya ito. Habang nakasandal sa matipunong dibdib ni Dylan ay nakaramdam ng ginhawa si Lucille kaya mas inihilig niya pa ang kaniyang ulo at lalo pang siniksik ang kaniyang sarili. Bahagyang na

    Huling Na-update : 2024-10-31
  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Thirteen

    Saavedra family? Interesting! Namamanghang tumingin si Mr. Han kay Lucille at Dylan. "Oh? So anong ginagawa mo rito kasama si Dylan?" Itong apo ng kaniyang kaibigan na si Mr. Saavedra ay magaling sa lahat ng bagay maliban na lang sa bagay na parang hindi siya makatao. He is hard to tease and to please. "Ang totoo ho niyan ay pinakiusapan po ako ni lolo na samahan si Dylan dito Mr. Han." "Since you are here for my birthday, do you prepare any gift for me?" nakangiting tanong ng matanda kay Lucille. Nagulat si Dylan sa tanong ni Mr. Han at nag-alala para kay Lucille. Hindi ito nagpakita ng kagalakan sa ibinigay niya paano pa kaya kay Lucille? Tumango si Lucille at ngumti na halos mawala na ang mga mata. "Of course Mr. Han, pinaghandaan ko ito." Mas lalong nagulat si Dylan sa sagot ni Lucille. Pinaghandaan? Talaga ba? Pinisil niya ang kamay ng dalaga. Mukha lang siyang nakangiti pero sa isip niya ay binabalaan niya na ang dalaga. "Huwag kang gagawa ng kalokohan dito!"

    Huling Na-update : 2024-11-01
  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Fourteen

    "Buhay ang nakataya dito!"Ang oras ay buhay.Kailangan niyang masunod ang golden three minutes para sa rescue. Bawat segundo ay mahalaga dahil kung babagal-bagal siya ay maaaring mapahamak si Mr. Han."Kahit tumawag ka ng doktor ngayon, gaano pa katagal bago siya dumating? Bigyan mo 'ko ng dalawang minuto sisiguraduhin kong magiging maayos si Mr. Han!" Natatarantang saad ni Lucille.Isa, dalawang segundo.Pinagpapawisan na ng malamig si Lucille at kinakabahan."Bilisan mo! Wala ka ng oras para mag-isip!"Sa kritikal na sitwasyon na iyon ay pinili ni Dylan na magtiwala Kay Lucille.Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero naniniwala siya rito."Sige," aniya saka binitawan ang kamay ni Lucille.Nakaramdam ng tuwa ang dalaga dahil pinagkatiwalaan siya ni Dylan."Kutsilyo! May kutsilyo sa lamesa!""Okay."Naging tila assistant ni Lucille si Dylan at inabot nito ang kutsilyo sa kaniya."Dylan nababaliw ka na ba?" Bakas ang kaba na tanong ni Alvin sa binata.Hinablot nito ang kuwelyo ni Dyl

    Huling Na-update : 2024-11-02

Pinakabagong kabanata

  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Thirty Nine

    Sinulyapan ni Lucille ang disenteng si Dylan saka niya lihim na pinagtawanan ang sarili. "Mali ako, buong akala ko ay para sa akin ang porselas. Dapat no'ng oras na iyon ay sinabi mo sa akin na hindi pala iyon para sa akin," saad niya. "Anong sinasabi niya?" takang tanong ni Dylan sa sarili. Hindi maintindihan ng binata ang ibig sabihin ni Lucille ngunit pinili niya munang pakinggan ito upang patuloy na magsalita. "Mr. Saavedra, sa susunod ay huwag mong ibibigay sa ibang tao ang mga gamit ng girlfriend mo. Noong kinuha ko iyon ay kinailangan mo pa tuloy bumili ng panibago para may maibigay sa kaniya. Hindi ba at abala iyon?"Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay tinalikuran na niya si Dylan saka siya tuluyan nang umalis. Bumalatay ang lungkot sa mukha ni Dylan. Nagkakilala ba sila ni Jenny? Saan kaya sila nagkakilala?Ngunit para kay Dylan ay hindi iyon mahalaga. Ang importante sa kaniya ay kung saan niya nakita si Jenny na suot ang porselas?So, hindi siya natutuwa? Bakit?K

  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Thirty Eight

    "Martha, ano kaya kung---" "Ano pang hinihintay niyo? Hindi ba at binayaran ko na kayo? Bilisan niyo ng tibagin at hukayin 'yan!" singhal ni Martha sa mga manggagawa. Hindi na nito binigyan pa ng pagkakataon si Roldan na magsalita pero dahil sa inasal nito ay mas lalong nagalit si Martha."Kapag inantala niyo pa 'yan ng kahit ilang segundo pa ay irereklamo ko kayo!" pagbabanta pa ni Martha.Napansin ni Martha na hindi tumatalab ang mga sinasabi niya kaya may naisip siyang paraan na alam niyang hndi na magdadalawang isip kung hndi sumunod ang mga ito. "Kilala niyo si Mr. Dylan Saavedra hindi ba? Boyfriend lang naman siya ng anak ko! Kapag hindi ako natuwa sa inyo ay siguradong hindi rin matutuwa ang anak ko. At kapag hindi natuwa ang anak ko ay siguradong hindi iyon magugustuhan ni Mr. Saavedra!" matapang na banta nito.Ang ilang tao na nag-aalinlangan kung huhukayin nga ba ang puntod ay kumilos na matapos marinig ang sinabi ni Martha. Sa bayan nila, sino nga ba ang hindi nakakakil

  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Thirty Seven

    Natigilan si Lucille nang ilang sandali bago tuluyang sumakay sa sasakyan ng binata.Kahit biglang sumulpot si Kevin sa kanilang lugar na ngayon ay nasa harapan niya at kahit hindi tama na basta na lang siya sumakay sa kotse nito ay wala na siyang pakialam. Sa mga oras na 'yon ay wala na siyang iniisip kung hindi makaalis kaagad. "Salamat! Sa Eternal Garden of Memories tayo sa West City." nagmamadaling saad niya.Eternal Garden of Memories, iyon ang pangalan ng sementeryo sa West City. Hindi na bago kay Kevin ang lugar na iyon, bata pa lang sila ni Lucille noong minahal nila ang isa't-isa at madalas silang magkasama sa kung saan-saan. Noong panahon na iyon ay palagi niyang sinasamahan si Lucille na manalangin sa tuwing nalalagay sa peligro ang buhay ng kaniyang inang may sakit. "Pero bakit siya masyadong nagmamadali ngayon?" takang tanong ni Kevin sa sarili."Okay!" sagot ng binata.Hindi na masyado pang nagtanong si Kevin at basta na lang pinaarangkada ang kaniyang sasakyan papun

  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Thirty Six

    Ah!" Napatili si Lucille nang bumalik siya sa kaniyang ulirat. Sa sobrang hiya ay tinakpan niya ng kaniyang mga kamay ang kaniyang mukha saka siya nagtatakbo palabas ng banyo. "Oh my gosh! Ano bang ginawa ko?" nahihiyang untag niya sa kaniyang sarili. Sinusubukan niyang payapain ang kaniyang sarili na natataranta. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Doktor siya, anong problema kung makakita man siya ng lalaking hubad?Pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili at hindi naman siya nabigo, matapos ang ilang paghinga ng malalim ay tuluyang bumalik sa normal ang kaniyang nararamdman. Hindi pa lumalabas ng banyo si Dylan kaya naman kailangan niya pa itong hintayin. Dahil sa nangyari ay hindi na siya nagtangkang maglibot sa kuwarto o tumingin man lang sa kung saan-saan. Sa lamesa ay may isang jewelry box na nakabukas. Laman noon ang isang napakaganda at mukhang mamahaling porselas na gawa sa dyamante. "Ang ganda naman nito," namamanghang saad ni Lucille. "Nagustuha

  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Thirty Five

    Natawa si Lucille sa inasal nito at napailing na lamang. "Gusto ko lang naman magpasalamat sa 'yo para sa pagtatanggol mo sa 'kin," sinserong saad ng dalaga.Nagulat si Dylan sa narinig. Tama nga ba ang dinig niya?"Agh!" bigla siyang nakaramdam ng labis na sakit kaya mariin niyang hinawakan ang kaniyang sugat. "Dylan?" kinakabahang tawag ni Lucille sa binata saka ito yumuko at tiningnan ang sugat nito sa tiyan.Hindi inaasahang nagtama ang kanilang mga mata, ang mga mata ni Dylan na kasing itim ng gabi na tila hinihigop si Lucille sa kawalan. Tila naging blangko ang lahat at tanging si Dylan na lang ang kaniyang nakikita. Parang hinaplos ang puso ni Dylan.Ngunit sa loob ng ilang segundo ay agad siyang bumalik sa reyalidad dahil kay Lucille na tila galit na naman. "Ang bilin ko sa iyo ay huwag kang masyadong magkikilos! Pero ano? Nagawa mo pa talagang makipag-away! Palagay ko ay gusto mo ulit maoperahan!" Naiinis na sermon nito. Ang babaeng 'to! Napakabilis magbago ng mood na a

  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Thirty Four

    "Agh!"Napahiyaw sa sakit si Michael at nag-angat ng tingin. Matalim siyang tumingin kay Dylan na may halong gulat at pagtataka. Sa puntong iyon ay wala na siyang pakialam sa kung sino at ano pa man ang kapangyarihan at yaman na mayroon ang lalaking iyon. Isa rin naman siyang tagapagmana ng mga Santillan. Hindi niya ito uurungan."Dylan, sira ulo ka na ba? Wala akong ginawang hindi maganda sa 'yo! Bakit mo 'ko sinuntok tarantado ka?!Habang binibitawan ang mga katagang iyon ay nagawa na niyang maibangon ang kaniyang sarili at ang kaniyang posisyon ay handa na ring makipaglaban. Ngunit mabilis na humarang ang kambal na sina Jayson at Jerson sa harap ni Dylan. Handa ang mga ito na protektahan ang binata."Mister Santillan, paumanhin ngunit kailangan mo munang dumaan sa amin!"Ang kambal na ito ay sanay sa ano mang klase ng pakikipaglaban dahil kapwa sila mga sundalo, nasa special forces pa nga ang mga ito at ni minsan ay hindi pa natalo pagdating sa mga labanan. "Mga sira ulo!" Galit

  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Thirty Three

    Nag-angat ng tingin si Lucille at doon ay nakita niya ang isang magandang babae na lumabas galing sa banyo. Napaka-aga pa ay narito na kaagad ito. Si Jenny ay isang bata at magandang babae. Lumabas galing sa banyo na bagong ligo habang ang sugat naman ni Dylan ay muling bumukas. Hindi na siya magtataka kung bakit, napakadaling hulaan kung ano ang nangyari sa pagitan ng dalawang ito. Maaaring ito ay nangyari kagabi o ngayong umaga lang. "Narito pala si doktora para tingnan ka," saad ni Jenny.Iniligay ni Jenny ang kaniyang kamay sa dibdib ni Dylan, habang nakangiti at masuyong nakatingin sa binata. "Makikiraan," aniya sa bahagyang nakaharang na si Lucille. "Sure," saad ni Lucille saka natawa. Matapos niyang ieksamin at lagyan ng gamot ang sugat ni Dylan ay diretsuhan siyang nagsalita at nagpaalala. "Kayong dalawa, hindi ganoon kaayos ang kasalukuyang kalagayan ng pasyente. Hindi pa siya maaaring kumilos masyado lalo na ang pakikipagtalik."Matapos tumigil sandali ay nagpatul

  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Thirty Two

    Yumakap si Lucille kay Michael at sumubsob sa matipunong dibdib nito. Doon ay kunwaring nag-iiyak ang dalaga. "Michael, napakatapang niya. Natatakot ako!" Humihikbing saad nito."Huwag kang matakot, nandito lang ako," kunwari ay pag-alo ni Michael kay Lucille. "Isa kang malanding babae na nang-aakit ng mga lalake! Malandi ka!" Galit na galit nasigaw ng babae. Sa sobrang galit ng babaeng ka-blind date ni Michael ay itinaas nito ang kaniyang kamay upang saktan sa Lucille. Ngunit nagulantang ito nang imbes na kay Lucille ay sa mukha ni Michael dumapo ang pinakawalang malutong na sampal. "Talagang pinoprotektahan mo siya ha?!" Gulat at galit na saad nito. Nagdilim ang mukha ni Michael at tiim bagang itong tumayo sa harap ni Lucille upang protektahan ito. "Girlfriend ko siya! Natural poprotektahan ko siya! Sinong nagbigay sa'yo ng lakas ng loob para saktan siya ha? Umalis ka na dito!" Mahina ngunit matigas na utos ng binata."Okay fine! Talagang aalis ako!" Sigaw ng babae saka um

  • Taming The Dangerous Beast    Chapter Thirty One

    Nang matapos ang oras ni Lucille sa trabaho ay nakatanggap siya ng tawag galing sa kaibigang si Michael."Lucci huhuhuhu," kunwari'y atungal nito sa kabilang linya ng sagutin niya ang telepono. "Anong problema?" Natatawang tanong ni Lucille. "Wala na bang mas ipepeke yang iyak mo?"Agad na tumigil sa pag-iiyak- iyakan si Mikael dahil sa sarkastikang tanong ng kaibigan. "Importante 'to Lucci, makisama ka naman. Nasa blind date ako ngayon. Bilis puntahan mo na 'ko parang awa mo na," nakikiusap na saad ng binata. "Hindi ba at si Wendy naman ang naka-toka ngayon?" mataray na tanong ni Lucille habang umiirap. "Hindi matawagan ang telepono ni Wendy, ikaw lang ang meron ako ngayon please. Bilisan mo na ha? Hintayin kita pakiusap!""Hello?"Hindi na muling sumagot pa si Mikael sa kabilang linya, senyales na binaba na ng kaibigan ang tawag. Naiwang nagtataka si Lucille dahil sa naging pag-uusap nila. Hindi naman na bago sa kanila ng kaibigang si Wendy ang pakiusap ni Michael ngunit hangg

DMCA.com Protection Status