"Dylan."Nagulat din si Lucille sa nangyari, nakasandal siya sa matipunong dibdib ni Dylan at halos naririnig na niya ang tibok ng puso nito.Lalo siyang nailang sa pwesto nila."Sorry, puwede mo na kong bitiwan okay lang ako.""Okay? Eh mukha ngang malapit ka nang mahimatay," saad ni Dylan na nakatingin ng malamig sa kaniya.Napangiti si Lucille.Alam niyang maikli ang pasensya at hindi maganda ang tabas ng dila ng binata, pero kahit ganoon ay hindi mapagkakailang napakaguwapo ng lalaking ito."Ayos lang talaga ako, medyo nagugutom lang. Hypoglycemia ganoon, saka nanghihina ang mga tuhod ko.""Kaya nga halika na at kumain!"Ang ospital ay malapit sa paanan ng bundok kaya mahihirapan sila kung babalik pa sila sa Villa. Dahil doon ay humanap na lamang si Dylan ng restaurant sa malapit.Dahil liblib ang lugar ay kakaunti lamang ang tao sa restaurant at ang mga pagkain ay pawang pangkaraniwan lamang.Mababakasan na ng pagkairita ang mukha ni Dylan."Wala namang masarap na pagkain. Sandal
Hindi naman nakaramdam ng lungkot si Lucille, para sa kaniya ay natural lang naman kay Dylan na samahan ang kaniyang nobya. Iyon nga lang, dahil umalis si Dylan at binabaan siya ng telepono, nangangahulugan lamang na wala itong pakialam sa kaniya. Isa lang ang ibig sabihin no'n, babalik siya sa villa ng mag-isa. Paglabas niya ng restaurant ay nagulat siya sa nakita. Ito ang unang beses na nakarating siya sa lugar na iyon at buong byahe naman ay hindi niya napansin ang daan dahil abala siya. Ngayon niya lang nakita na sobrang liblib pala ng lugar at wala man lamang siyang makita na istasyon ng bus o tren. Karaniwan sa mga taong nagpupunta dito ay may dalang sariling sasakyan kaya sa palagay niya ay wala ring Taxi na dadaan. Inilabas niya ang kaniyang telepono at sinubukang kumuha ng sasakyan online pero nadismaya lamang siya dahil walang tumatanggap at iisa lang ang dahilan, iyon ay dahil sobrang layo at liblib ng lugar na kinaroroonan niya. "Sabi ko nga maglalakad na lang ako e
"Bitiwan mo nga ako! Ano ba?" Labis na nasasaktan si Lucille at halos mapaiyak na siya. Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Dylan sa kaniyang braso. "Bitawan mo sabi eh!" Pero hindi siya binitawan nito. Mali ito nang iniisip tungkol sa nangyari ngayong gabi. Walang pakialam si Dylan sa tama o mali. Labis siyang nag-alala at na-guilty sa pag-iwan kay Lucille kaya nang makita niya itong nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa isang lalaking may magarang sasakyan ay matinding galit ang naramdaman niya. Kumibot-kibot ang labi niya, nais niya sanang humingi ng paumanhin. "Ayaw kitang makausap!" Ngunit ayaw makinig ni Lucille. Matapos siyang iwanan ng binata ay ito pa ang magagalit sa kaniya? Sa anong dahilan? Patuloy siyang nagpumiglas upang makawala kay Dylan. Nang bitawan siya nito ay nahirapan siyang tumayo ng maayos at napaatras ng ilang beses dahilan para lalong sumakit ang kaniyang paa."Ah, aray!" napasigaw siya sa sakit. Nagulat si Dylan sa naging reaksyon ni Lucille. "Ano na
Kalmadong tumgin si Lucille kay Dylan, "Hinihintay kong maluto 'tong noodles kasi kakain ako." Anong klaseng eksplanasyon 'yan?Naghahanap ba talaga ng away 'tong babaeng 'to?Pilit kinalma ni Dylan ang sarili, alam niyang hindi maayos ang samahan nila ngunit hindi maipagkakailang malaki ang naitulong ni Lucille sa kaniya. Malinaw na binigyan niya ito nang card at nag-withdraw ito ng dalawang daang piso, pero bakit naghahanap ito ng trabaho at noodles lang ang kakainin?"Huwag mong kainin 'yan! Anong sustansya ang makukuha mo diyan sa noodles? Bibilhan kita ng ibang pagkain." "Hindi, okay--" Pero hindi na siya pinatapos ni Dylan na magsalita at hinala sa mga pagkain para makapili. "Anong gusto mong kainin?"Malamig siyang tiningnan ni Lucille at hindi man lang nag-abalang sumagot. "Ayaw mong sumagot? Okay ako na ang pipili," masungit na saad nito. Agad itong dumampot ng salmon sushi, fresh milk at itlog sa lagayan saka dumiretso sa counter upang bayaran ang mga ito. "Oh ito a
"Tama po kayo," takot na sagot ng doktor sa galit na si Dylan."Masyado pang maaga, tatlong linggo pa lang ang kaniyang pinagbubuntis. Nawalan siya ng malay dahil sa hypoglycemia na minsan eh maagang sintomas din ng pagbubuntis. Kung hindi nangyari 'yon, hindi pa natin malalaman na nagdadalang-tao siya." Dagdag paliwanag pa nito.Kunot na kunot ang noo ni Dylan at talagang hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Tumalikod si Dylan at biglang hinila ang kurtina na tumatakip sa kama ni Lucille. "Narinig mo ba lahat ng sinabi niya Lucille?| "Oo," sagot ni Lucille na hinang-hina pa ang katawan. "Ano ngayon ang plano mo?" Kalmadong tanong ni Dylan na para bang hindi siya apektado at wala siyang pakialam. "Ano--"Napahawak si Lucille sa kaniyang tiyan at sandaling natigilan. Maski siya ay hindi makapaniwala na buntis siya at hindi niya alam kung anong gagawin o sasabihin. Napakaraming bagay ang tumatakbo sa isip niya at halo-halo ang nararamdaman niya na para bang masusuka
Labis siyang natatakot sa operasyon, dalawampu't isang taong gulang pa lamang siya para pagdaanan iyon. Pero walang puso si Dylan at gustong operahan siya kaagad. Hindi ba puwedeng ipagpaliban muna pangsamantala?Hindi pa siya handa, hindi na yata siya magiging handa. Iyon nga lang ay natagalan na siya sa pagsagot at hindi na siya makahiling pa kay Dylan, alam niyang magagalit ito. "Ano?" nauubusan ng pasensyang tanong ni Dylan. Bago pa man sumagot si Lucille ay narinig niya ang isang pamilyar na boses ng isang matanda. "Lucille, Dylan, bakit narito kayo mga apo?" Nang marinig ang pamilyar na boses ay sabay na nag-angat ng tingin sina Lucille at Dylan at sabay din na nagbago ang reaksyon ng kanilang mga mukha. Sa hindi kalayuaan ay naroon si Don Arturo, ang lolo ni Dylan na nakasakay sa wheelchair at itinutulak ng isang nurse papalapit sa direksyon nila. Sa palapag kung saan gagawin ang abortion ay may iba pang mga examination department kaya hindi na nakakapagtaka kung napa
Dahil sa kaniyang pagbubuntis ay madalas nag-aalala si Lucille tungkol sa mga bagay-bagay at palaging walang ganang kumilos.Sinusubukan niya rin humanap ng part time job sa mga online na platform nang sa ganoong paraan ay nakakapagtrabaho siya nang hindi masyadong napapagod. Kung ano-ano na lang ang naiisip niyang negatibong mga bagay na alam niyang hindi makabubuti sa kanila ng ipinagbubuntis niya kaya madalas ay inuubos na lang niya ang oras niya kasama si Wendy para naman malibang-libang siya. "Buti naman at nakauwi ka na! Kung hindi ka pa umuwi ay mamamatay na kami ng inaanak mo sa gutom!" Pabirong saad ni Lucille kay Wendy nang makauwi ito. "Mamamatay sa gutom? O.A! Patingin nga?" Natatawang saad nito saka hinimas ang kaniyang tiyan. "Oo nga! Gutom na gutom na nga ang baby na 'yan!" dagdag pa nito. "Loka-loka ka talaga!" Sabay silang nagtawanan na kahit papaano ay nakapagpagaan sa kalooban ni Lucille. "Tara na! Bumangon ka na diyan, sa labas na tayo maghapunan," yaya ni W
Dumating si William at saka hinila si Kevin, makahulugan pa itong tumingin kay Lucille bago ngumiti. "Bakit hindi kayo nag-uusap? Naalala ko noon Lucille sobrang close kayo ni Kevin, naging kayo hindi ba?" tanong nito sa kaniya. Pinili ni Lucille na huwag nang sumagot at binigyan na lamang ng tipid na ngiti si William. "Ang daldal mo 'no? Kung ano-anong pinagsasabi mo!" Sita ni Wendy sa binata saka ito pinukol ng matalim na tingin. Pero hindi iyon alintana ng binata na ngumiti pa nang nakakaloko at saka muling nagsalita. "Madaldal na ba 'yon? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Alam naman nating lahat na noong panahon na 'yon, halos lahat ng babae at lalaki sa school e naiinggit sa kanilang dalawa." "Tumahimik ka na nga! Ang dami mong sinasabi!" naiinis na saad ni Wendy, nag-aalala ito para sa mararamdaman ng kaniyang kaibigan. "Huwag ka ngang makulit diyan," makulit na sagot ni William kay Wendy. Walang nagawa si Wendy upang pigilan si William nang muli itong magtanong n
Maaga pa lang ng umaga, kakadating pa lang ni Dylan sa opisina nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Jane."Dylan..." mahinahong sabi ni Jane, tila may pag-aalangan sa boses."Bakit?" sagot ni Dylan habang iniipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat niya."Ahm... my mom wants to invite you for dinner tonight. Pwede ka ba?"Agad na kinabahan si Jane, natatakot na baka tanggihan siya ni Dylan. Kaya naman mabilis niyang idinugtong, "Birthday niya kasi tonight... she will be very happy if you come. Please, Dylan? Okay lang ba?"Natahimik si Dylan saglit. Pinisil niya ang tulay ng ilong niya, halatang pagod. Pero sa huli, sumagot ito."Okay, pupunta ako."Kinagabihan. Hindi mapakali si Jane habang naghahanda ng hapunan."Ma, okay na ba talaga?" tanong niya habang inaayos ang hapag-kainan.Napatingin si Shawnren sa anak at tumaas ang kilay, "Relax, Jane. Kung hindi ka makakahinga nang maayos, paano ka magiging isang mabuting Mrs. Saavedra sa future, ha?" may bahid ng biro
Habang magkasabay na naglalakad sina Lucille at Dylan, napansin nilang naglalaro ng chess si Rodrigo kasama ang matandang lalaki. Si Dylan ang sinadyang tawagan ni Rodrigo para umuwi ng maaga.Masayang ibinalita ni Lucille ang tungkol sa nakatakdang operasyon ni Rodrigo."Grandpa, ayos na po lahat. Nakausap ko na si Dr. De Mesa, kayo na lang po ang pipili ng araw para sa surgery ninyo."Ngunit sa halip na sumang-ayon, ngumiti lamang si Rodrigo at umiling."Wag muna. Hindi pa ito ang tamang panahon."Nagkatinginan sina Lucille at Dylan, litong-lito sa sinabi ng matanda.Maya-maya, may kumatok sa pinto at pumasok si Liam, bitbit ang isang tambak ng mga magazine, picture albums, at kung anu-ano pa."Sir."Lumapit si Liam, inilapag ang mga bitbit sa lamesa, saka lumingon kina Dylan at Lucille."Tingnan n'yo ito nang mabuti."Nagtinginan silang dalawa. Para saan ito?Ngumiti si Rodrigo at ipinaliwanag."Mga wedding dress styles 'yan at mga venue para sa kasal. Piliin n'yo kung alin ang mag
Sa isang bihirang araw na pahinga, abala pa rin si Lucille.Natapos na niya ang mga translation na tinanggap niya noon, at ngayong araw ay makikipagkita siya sa editor-in-chief.Kasabay nito, nagdesisyon na rin siyang mag-resign sa trabahong iyon.Ngayong alam na niya ang intensyon ni Kevin, kailangan niyang putulin na ang anumang pag-asa nito, kaya hindi na niya matatanggap ang kabutihang ipinapakita nito.Bukod pa rito, kailangan na niyang maghanda para sa exam at sabay na rin niyang kukunin ang trabaho ni Yang Huaiqing, kaya wala na siyang oras para sa iba pang bagay.Nanghinayang ang editor-in-chief.Pumunta si Lucille kay Michaela, na ganoon din ang naramdaman.Pero iba ang naging pokus nito."Wala na talagang pag-asa si Kevin?"Nabanggit na sa kanya ni Eaen ang tungkol dito. Alam ni Michaela na hindi naging madali ang buhay ni Kevin nitong mga nakaraang taon.Pumikit sandali si Lucille at malinaw ang kanyang isipan."Hindi ako matatanggap ng pamilya ni Kevin. Ang sakit na iyon,
Nararamdaman niya na kailangan na niyang umalis sa Liwan ngayon. Ayaw niyang manatili sa iisang silid kasama si Lucille kahit isang segundo pa.Pero gabi na, malakas pa rin ang ulan sa labas, at bukas ng umaga, kailangan niyang kumain ng almusal kasama ang kanyang lolo.Naiinis na kinuha ni Dylan ang sigarilyo, sinindihan ito, humithit ng dalawang beses, at pumasok sa guest room.Buti na lang at laging malinis ang mga ekstrang kwarto sa bahay ng mga Saavedra, kung hindi, hindi niya alam kung saan siya matutulog ngayong gabi.Nakahiga siya sa sofa, at doon niya naramdaman ang lamig sa kanyang katawan.Dahil lahat kay Lucille, pero siya, wala man lang pakialam.—Kinabukasan ng umaga, napansin ni Liam na magkaibang kwarto ang tinulugan ng mag-asawa, kaya agad niya itong sinabi kay Rodrigo.Tumango si Rodrigo. “Hayaan mo sila, bata pa naman. Kung hindi sila mag-aaway ngayon, kailan pa? Kapag matanda na?”Napatawa si Liam. “Sa tingin ko nga po, gusto ni Sir Denver si Lucille. Hindi siya m
"Anong gagawin mo?" Napatitig si Lucille, hindi maintindihan ang inaasta ni Dylan habang hawak pa rin ang ice pack sa pisngi niya.Ang gwapong mukha ni Dylan ay malamig at seryoso, at ang bawat salitang lumabas sa bibig niya ay puno ng bigat."Huwag kang tumanggap ng pera mula sa iba! Hindi ba't binigyan na kita ng card? Wala ka bang magamit na pera?""Ha?"Nanlaki ang mata ni Lucille, hindi inaasahan na magagalit ito ng ganoon lang.Napapaso na rin ang pasensya niya.Itinulak niya si Dylan gamit ang libreng kamay niya. "Lumabas ka! Ayoko kang makita! Matutulog na ako!"Pero nanatili lang si Dylan sa kinatatayuan niya, hindi man lang natinag."Ikaw..." Napatigil si Lucille, sabay taas ng tingin sa kanya. Nang titigan siya ni Dylan, may kung anong ekspresyon sa mga mata nito—parang may nakita itong ibang emosyon sa kanya.Saka lang napansin ni Dylan ang ice pack sa pisngi ni Lucille.Bigla niyang naalala ang nangyari kanina—nasampal siya ni Shawnren!Hinawakan niya ang pulso ni Lucille
Nagulat si LucilleNakita niyang inilabas ni Albert ang kanyang pitaka. Sa edad niyang iyon, nakasanayan pa rin niyang magdala ng pera.Agad niyang kinuha ang isang bungkos ng salapi at iniabot ito kay Lucille."Kulang ba ang pera mo? Narito si Daddy, kunin mo muna ito. Kung hindi pa sapat, bibigyan pa kita."Hindi gumalaw si Lucille.Ano 'to?Matapos siyang balewalain ng kanyang ama mula noong walong taong gulang siya, ngayon bigla na lang itong nag-aalala sa kanya?Nang hindi niya kinuha ang pera, wala nang nagawa si Albert kundi hawakan ang kamay niya at pilit ipinasok ang pera rito."Sige na, tanggapin mo na."Kumunot ang noo ni Lucille at mabilis na hinila ang kanyang kamay palayo.Malamig at matigas ang kanyang ekspresyon. Ano man ang dahilan ng pagiging kakaiba ng kanyang ama ngayon, hindi niya matatanggap ang ipinapakitang malasakit nito."Kunin mo na!""Ayoko!" sagot niya bago tumalikod at lumakad palayo."Lucille, huwag kang umalis!"Pero hinawakan siya ni Albert.Dahil ayaw
Kung maiiwasan mo ang ganitong klaseng pag-uugali, iwasan mo na.Nagpatuloy ang pagiging kakaiba ni Lucille.Nang dumating ang oras ng hapunan, napansin ni Dylan na kahit anong ilagay ni Rodrigo sa pinggan ni Lucille, kinakain niya ito nang walang reklamo.Nang maubos ang ulam, nagpatuloy siyang kumain ng puting kanin.Napansin ni Rodrigo ang kunot-noong tingin ng kanyang apo kay Lucille. Hindi ito natuwa. "Kung alam mong may asawa at anak ka, dapat marunong kang mag-alaga!"Tumaas ang kilay ni Dylan, pero nagkunwaring hindi niya narinig ang sinabi nito.Pagbalik sa kwarto nang gabing iyon, dumiretso si Dylan sa cloakroom para magpalit ng damit.Sa salamin, nakita niyang nakatayo si Lucille, nakapatong ang kamay sa kanyang tiyan, marahang hinihimas ito.Bagamat halos tatlong buwan na ang lumipas, wala pa rin siyang nakikitang pagbabago sa katawan nito. Ang tiyan niya’y flat pa rin.Dumaan si Dylan sa likod niya at naglakad papasok.Ngunit biglang nagsalita si Lucille. "Tatlong buwan n
Magkasabay na naglakad ang dalawa.Sa likuran nila, isang middle-aged na babae na nakasuot ng mamahaling damit ang biglang huminto at nagtanggal ng sunglasses."Kevin..."Bahagyang bumukas ang bibig ni Jeneth, hindi makapaniwala sa kanyang nakita.Nagkamali ba siya ng tingin?Ang babaeng kasama ng kanyang anak… Si Lucille ba iyon?Walang pag-aalinlangan, agad siyang sumunod sa kanila.Pagpasok sa dessert shop, umorder si Kevin ng brownie at freshly squeezed orange juice para kay Lucille."Okay lang ba 'to?""Oo, ayos lang." Tumango si Lucille.Alam pa rin niya ang mga gusto ko."Masarap ba?"Kumuha si Lucille ng maliit na kagat, saka ngumiti. "Masarap.""Mabuti naman."Tahimik na uminom ng tubig si Kevin.Pero hindi niya inaasahan ang sunod na tanong nito—"Kevin, kumusta ang girlfriend mo? Ayos lang ba kayo?"Napatingala si Kevin, biglang natigilan, hindi alam kung paano sasagot."Mabuti naman... Bakit mo siya naitanong?"Lahat ng bagay may dahilan.Ibinaba ni Lucille ang kutsarang h
"Dylan.""Hmm."Mabilis na sagot ni Dylan, parang kanina pa niya hinihintay na magsalita si Lucille.Mahinang sabi ni Lucille, "Pwede na ba tayong mag-divorce?"Bigla siyang nakaramdam ng matinding pagod. Noong una, ang dahilan lang niya ay ang paghihiganti sa pamilya Chi.Pero matapos ang lahat ng nangyari, napagtanto niyang hindi niya kayang labanan ang mga taong ganid.Wala silang respeto, wala silang konsensya. Hindi sila natatakot mawalan ng dignidad. Kapag nagalit, parang wala na silang pagkatao.Ang kasal nila ni Dylan ay parang isang bombang may remote control.Sa isang iglap, maaaring pasabugin siya nina Jane at ng ina nito—sa pinakamababaw, masasaktan lang siya; pero sa pinakamasama, maaaring mawala siya nang tuluyan.Humigpit nang humigpit ang hawak ni Dylan sa manibela.Gusto niyang tanungin kung bakit bigla na lang siya humihingi ng diborsyo. Dati naman, kahit anong mangyari, hindi siya bumibitaw.Dahil ba kay Kevin?Nagkabati na sila, at malapit nang maging opisyal ang k