"Bitiwan mo nga ako! Ano ba?" Labis na nasasaktan si Lucille at halos mapaiyak na siya. Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Dylan sa kaniyang braso. "Bitawan mo sabi eh!" Pero hindi siya binitawan nito. Mali ito nang iniisip tungkol sa nangyari ngayong gabi. Walang pakialam si Dylan sa tama o mali. Labis siyang nag-alala at na-guilty sa pag-iwan kay Lucille kaya nang makita niya itong nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa isang lalaking may magarang sasakyan ay matinding galit ang naramdaman niya. Kumibot-kibot ang labi niya, nais niya sanang humingi ng paumanhin. "Ayaw kitang makausap!" Ngunit ayaw makinig ni Lucille. Matapos siyang iwanan ng binata ay ito pa ang magagalit sa kaniya? Sa anong dahilan? Patuloy siyang nagpumiglas upang makawala kay Dylan. Nang bitawan siya nito ay nahirapan siyang tumayo ng maayos at napaatras ng ilang beses dahilan para lalong sumakit ang kaniyang paa."Ah, aray!" napasigaw siya sa sakit. Nagulat si Dylan sa naging reaksyon ni Lucille. "Ano na
Kalmadong tumgin si Lucille kay Dylan, "Hinihintay kong maluto 'tong noodles kasi kakain ako." Anong klaseng eksplanasyon 'yan?Naghahanap ba talaga ng away 'tong babaeng 'to?Pilit kinalma ni Dylan ang sarili, alam niyang hindi maayos ang samahan nila ngunit hindi maipagkakailang malaki ang naitulong ni Lucille sa kaniya. Malinaw na binigyan niya ito nang card at nag-withdraw ito ng dalawang daang piso, pero bakit naghahanap ito ng trabaho at noodles lang ang kakainin?"Huwag mong kainin 'yan! Anong sustansya ang makukuha mo diyan sa noodles? Bibilhan kita ng ibang pagkain." "Hindi, okay--" Pero hindi na siya pinatapos ni Dylan na magsalita at hinala sa mga pagkain para makapili. "Anong gusto mong kainin?"Malamig siyang tiningnan ni Lucille at hindi man lang nag-abalang sumagot. "Ayaw mong sumagot? Okay ako na ang pipili," masungit na saad nito. Agad itong dumampot ng salmon sushi, fresh milk at itlog sa lagayan saka dumiretso sa counter upang bayaran ang mga ito. "Oh ito a
"Tama po kayo," takot na sagot ng doktor sa galit na si Dylan."Masyado pang maaga, tatlong linggo pa lang ang kaniyang pinagbubuntis. Nawalan siya ng malay dahil sa hypoglycemia na minsan eh maagang sintomas din ng pagbubuntis. Kung hindi nangyari 'yon, hindi pa natin malalaman na nagdadalang-tao siya." Dagdag paliwanag pa nito.Kunot na kunot ang noo ni Dylan at talagang hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Tumalikod si Dylan at biglang hinila ang kurtina na tumatakip sa kama ni Lucille. "Narinig mo ba lahat ng sinabi niya Lucille?| "Oo," sagot ni Lucille na hinang-hina pa ang katawan. "Ano ngayon ang plano mo?" Kalmadong tanong ni Dylan na para bang hindi siya apektado at wala siyang pakialam. "Ano--"Napahawak si Lucille sa kaniyang tiyan at sandaling natigilan. Maski siya ay hindi makapaniwala na buntis siya at hindi niya alam kung anong gagawin o sasabihin. Napakaraming bagay ang tumatakbo sa isip niya at halo-halo ang nararamdaman niya na para bang masusuka
Labis siyang natatakot sa operasyon, dalawampu't isang taong gulang pa lamang siya para pagdaanan iyon. Pero walang puso si Dylan at gustong operahan siya kaagad. Hindi ba puwedeng ipagpaliban muna pangsamantala?Hindi pa siya handa, hindi na yata siya magiging handa. Iyon nga lang ay natagalan na siya sa pagsagot at hindi na siya makahiling pa kay Dylan, alam niyang magagalit ito. "Ano?" nauubusan ng pasensyang tanong ni Dylan. Bago pa man sumagot si Lucille ay narinig niya ang isang pamilyar na boses ng isang matanda. "Lucille, Dylan, bakit narito kayo mga apo?" Nang marinig ang pamilyar na boses ay sabay na nag-angat ng tingin sina Lucille at Dylan at sabay din na nagbago ang reaksyon ng kanilang mga mukha. Sa hindi kalayuaan ay naroon si Don Arturo, ang lolo ni Dylan na nakasakay sa wheelchair at itinutulak ng isang nurse papalapit sa direksyon nila. Sa palapag kung saan gagawin ang abortion ay may iba pang mga examination department kaya hindi na nakakapagtaka kung napa
Dahil sa kaniyang pagbubuntis ay madalas nag-aalala si Lucille tungkol sa mga bagay-bagay at palaging walang ganang kumilos.Sinusubukan niya rin humanap ng part time job sa mga online na platform nang sa ganoong paraan ay nakakapagtrabaho siya nang hindi masyadong napapagod. Kung ano-ano na lang ang naiisip niyang negatibong mga bagay na alam niyang hindi makabubuti sa kanila ng ipinagbubuntis niya kaya madalas ay inuubos na lang niya ang oras niya kasama si Wendy para naman malibang-libang siya. "Buti naman at nakauwi ka na! Kung hindi ka pa umuwi ay mamamatay na kami ng inaanak mo sa gutom!" Pabirong saad ni Lucille kay Wendy nang makauwi ito. "Mamamatay sa gutom? O.A! Patingin nga?" Natatawang saad nito saka hinimas ang kaniyang tiyan. "Oo nga! Gutom na gutom na nga ang baby na 'yan!" dagdag pa nito. "Loka-loka ka talaga!" Sabay silang nagtawanan na kahit papaano ay nakapagpagaan sa kalooban ni Lucille. "Tara na! Bumangon ka na diyan, sa labas na tayo maghapunan," yaya ni W
Dumating si William at saka hinila si Kevin, makahulugan pa itong tumingin kay Lucille bago ngumiti. "Bakit hindi kayo nag-uusap? Naalala ko noon Lucille sobrang close kayo ni Kevin, naging kayo hindi ba?" tanong nito sa kaniya. Pinili ni Lucille na huwag nang sumagot at binigyan na lamang ng tipid na ngiti si William. "Ang daldal mo 'no? Kung ano-anong pinagsasabi mo!" Sita ni Wendy sa binata saka ito pinukol ng matalim na tingin. Pero hindi iyon alintana ng binata na ngumiti pa nang nakakaloko at saka muling nagsalita. "Madaldal na ba 'yon? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Alam naman nating lahat na noong panahon na 'yon, halos lahat ng babae at lalaki sa school e naiinggit sa kanilang dalawa." "Tumahimik ka na nga! Ang dami mong sinasabi!" naiinis na saad ni Wendy, nag-aalala ito para sa mararamdaman ng kaniyang kaibigan. "Huwag ka ngang makulit diyan," makulit na sagot ni William kay Wendy. Walang nagawa si Wendy upang pigilan si William nang muli itong magtanong n
Dinudumog ang kainan sa likod ng kanilang university kaya naman doon na lang napagpasiyahang dumiretso nang magkaibigan na sina Lucille at Wendy matapos nilang umalis sa reunion. "Boss dalawang fried rice po please." Hinawakan ni Wendy si Lucille gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay humihimas sa kaniyang tiyan. "Kasalanan 'to nang bwiset na William na 'yon eh. Naantala tuloy ang pagkain ko," reklamo ni Wendy. Maging si Lucille ay gutom na rin, sa sobrang gutom niya ay halos maglaway na siya. "Best gusto ko kumain ng wallnut crisps," saad niya. "Sige sandali bibili ako," sagot naman ng kaibigan niya.Hindi na nagdalawang-isip pa si Wendy na bumili ng gusto ni Lucille, subalit napahinto ito at napatingin sa kaniya nang biglang may napagtanto. "Parang masiyado ka yatang ginaganahan kumain ngayon? Sa gabi ang dami mong kumain? Hindi ka ba natatakot tumaba?" nagtatakang tanong nito. Sa totoo lang ay nahihirapan nga si Lucille. Napansin niya rin na lumalakas ang gana niya
Nangunguna ang balita tungkol sa isang pasabog di umano na nakasulat sa pula at malalaking letra na talagang nakakakaba. Mabagal ang internet connection kaya naman tensyonadong naghintay pa ng medyo matagal si Lucille bago niya nabuksan ang nasabing balita. Pagkatapos ng ilang pangungusap tungkol sa balita ay mayroong video na kasama at ito ay kuha sa gate ng isang establisyemento.Hindi maganda ang anggulo ng surveilance camera kaya naman medyo malabo ang kuha sa pangyayari. Ang tanging nakita lamang ay pinagbuksan ng gate ng isang lalaki ang palabas na si Dylan. Nang makalampas ng kaunti ay bigla na lamang bumunot ng kutsilyo ang lalaki at saka inundayan ng saksak si Dylan. Nagulat ang huli nang ilang segundo at tila hindi alam ang gagawin, ngunit nang makahuma ay bigla itong kumilos at naibalibag ang lalaki sa sahig. Sa eksenang iyon na nagtapos ang naturang video. Ilang minutong video lamang pero sapat na para manginig sa takot at kaba si Lucille. Kahit pa sabihing hindi sil
Sinulyapan ni Lucille ang disenteng si Dylan saka niya lihim na pinagtawanan ang sarili. "Mali ako, buong akala ko ay para sa akin ang porselas. Dapat no'ng oras na iyon ay sinabi mo sa akin na hindi pala iyon para sa akin," saad niya. "Anong sinasabi niya?" takang tanong ni Dylan sa sarili. Hindi maintindihan ng binata ang ibig sabihin ni Lucille ngunit pinili niya munang pakinggan ito upang patuloy na magsalita. "Mr. Saavedra, sa susunod ay huwag mong ibibigay sa ibang tao ang mga gamit ng girlfriend mo. Noong kinuha ko iyon ay kinailangan mo pa tuloy bumili ng panibago para may maibigay sa kaniya. Hindi ba at abala iyon?"Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay tinalikuran na niya si Dylan saka siya tuluyan nang umalis. Bumalatay ang lungkot sa mukha ni Dylan. Nagkakilala ba sila ni Jenny? Saan kaya sila nagkakilala?Ngunit para kay Dylan ay hindi iyon mahalaga. Ang importante sa kaniya ay kung saan niya nakita si Jenny na suot ang porselas?So, hindi siya natutuwa? Bakit?K
"Martha, ano kaya kung---" "Ano pang hinihintay niyo? Hindi ba at binayaran ko na kayo? Bilisan niyo ng tibagin at hukayin 'yan!" singhal ni Martha sa mga manggagawa. Hindi na nito binigyan pa ng pagkakataon si Roldan na magsalita pero dahil sa inasal nito ay mas lalong nagalit si Martha."Kapag inantala niyo pa 'yan ng kahit ilang segundo pa ay irereklamo ko kayo!" pagbabanta pa ni Martha.Napansin ni Martha na hindi tumatalab ang mga sinasabi niya kaya may naisip siyang paraan na alam niyang hndi na magdadalawang isip kung hndi sumunod ang mga ito. "Kilala niyo si Mr. Dylan Saavedra hindi ba? Boyfriend lang naman siya ng anak ko! Kapag hindi ako natuwa sa inyo ay siguradong hindi rin matutuwa ang anak ko. At kapag hindi natuwa ang anak ko ay siguradong hindi iyon magugustuhan ni Mr. Saavedra!" matapang na banta nito.Ang ilang tao na nag-aalinlangan kung huhukayin nga ba ang puntod ay kumilos na matapos marinig ang sinabi ni Martha. Sa bayan nila, sino nga ba ang hindi nakakakil
Natigilan si Lucille nang ilang sandali bago tuluyang sumakay sa sasakyan ng binata.Kahit biglang sumulpot si Kevin sa kanilang lugar na ngayon ay nasa harapan niya at kahit hindi tama na basta na lang siya sumakay sa kotse nito ay wala na siyang pakialam. Sa mga oras na 'yon ay wala na siyang iniisip kung hindi makaalis kaagad. "Salamat! Sa Eternal Garden of Memories tayo sa West City." nagmamadaling saad niya.Eternal Garden of Memories, iyon ang pangalan ng sementeryo sa West City. Hindi na bago kay Kevin ang lugar na iyon, bata pa lang sila ni Lucille noong minahal nila ang isa't-isa at madalas silang magkasama sa kung saan-saan. Noong panahon na iyon ay palagi niyang sinasamahan si Lucille na manalangin sa tuwing nalalagay sa peligro ang buhay ng kaniyang inang may sakit. "Pero bakit siya masyadong nagmamadali ngayon?" takang tanong ni Kevin sa sarili."Okay!" sagot ng binata.Hindi na masyado pang nagtanong si Kevin at basta na lang pinaarangkada ang kaniyang sasakyan papun
Ah!" Napatili si Lucille nang bumalik siya sa kaniyang ulirat. Sa sobrang hiya ay tinakpan niya ng kaniyang mga kamay ang kaniyang mukha saka siya nagtatakbo palabas ng banyo. "Oh my gosh! Ano bang ginawa ko?" nahihiyang untag niya sa kaniyang sarili. Sinusubukan niyang payapain ang kaniyang sarili na natataranta. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Doktor siya, anong problema kung makakita man siya ng lalaking hubad?Pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili at hindi naman siya nabigo, matapos ang ilang paghinga ng malalim ay tuluyang bumalik sa normal ang kaniyang nararamdman. Hindi pa lumalabas ng banyo si Dylan kaya naman kailangan niya pa itong hintayin. Dahil sa nangyari ay hindi na siya nagtangkang maglibot sa kuwarto o tumingin man lang sa kung saan-saan. Sa lamesa ay may isang jewelry box na nakabukas. Laman noon ang isang napakaganda at mukhang mamahaling porselas na gawa sa dyamante. "Ang ganda naman nito," namamanghang saad ni Lucille. "Nagustuha
Natawa si Lucille sa inasal nito at napailing na lamang. "Gusto ko lang naman magpasalamat sa 'yo para sa pagtatanggol mo sa 'kin," sinserong saad ng dalaga.Nagulat si Dylan sa narinig. Tama nga ba ang dinig niya?"Agh!" bigla siyang nakaramdam ng labis na sakit kaya mariin niyang hinawakan ang kaniyang sugat. "Dylan?" kinakabahang tawag ni Lucille sa binata saka ito yumuko at tiningnan ang sugat nito sa tiyan.Hindi inaasahang nagtama ang kanilang mga mata, ang mga mata ni Dylan na kasing itim ng gabi na tila hinihigop si Lucille sa kawalan. Tila naging blangko ang lahat at tanging si Dylan na lang ang kaniyang nakikita. Parang hinaplos ang puso ni Dylan.Ngunit sa loob ng ilang segundo ay agad siyang bumalik sa reyalidad dahil kay Lucille na tila galit na naman. "Ang bilin ko sa iyo ay huwag kang masyadong magkikilos! Pero ano? Nagawa mo pa talagang makipag-away! Palagay ko ay gusto mo ulit maoperahan!" Naiinis na sermon nito. Ang babaeng 'to! Napakabilis magbago ng mood na a
"Agh!"Napahiyaw sa sakit si Michael at nag-angat ng tingin. Matalim siyang tumingin kay Dylan na may halong gulat at pagtataka. Sa puntong iyon ay wala na siyang pakialam sa kung sino at ano pa man ang kapangyarihan at yaman na mayroon ang lalaking iyon. Isa rin naman siyang tagapagmana ng mga Santillan. Hindi niya ito uurungan."Dylan, sira ulo ka na ba? Wala akong ginawang hindi maganda sa 'yo! Bakit mo 'ko sinuntok tarantado ka?!Habang binibitawan ang mga katagang iyon ay nagawa na niyang maibangon ang kaniyang sarili at ang kaniyang posisyon ay handa na ring makipaglaban. Ngunit mabilis na humarang ang kambal na sina Jayson at Jerson sa harap ni Dylan. Handa ang mga ito na protektahan ang binata."Mister Santillan, paumanhin ngunit kailangan mo munang dumaan sa amin!"Ang kambal na ito ay sanay sa ano mang klase ng pakikipaglaban dahil kapwa sila mga sundalo, nasa special forces pa nga ang mga ito at ni minsan ay hindi pa natalo pagdating sa mga labanan. "Mga sira ulo!" Galit
Nag-angat ng tingin si Lucille at doon ay nakita niya ang isang magandang babae na lumabas galing sa banyo. Napaka-aga pa ay narito na kaagad ito. Si Jenny ay isang bata at magandang babae. Lumabas galing sa banyo na bagong ligo habang ang sugat naman ni Dylan ay muling bumukas. Hindi na siya magtataka kung bakit, napakadaling hulaan kung ano ang nangyari sa pagitan ng dalawang ito. Maaaring ito ay nangyari kagabi o ngayong umaga lang. "Narito pala si doktora para tingnan ka," saad ni Jenny.Iniligay ni Jenny ang kaniyang kamay sa dibdib ni Dylan, habang nakangiti at masuyong nakatingin sa binata. "Makikiraan," aniya sa bahagyang nakaharang na si Lucille. "Sure," saad ni Lucille saka natawa. Matapos niyang ieksamin at lagyan ng gamot ang sugat ni Dylan ay diretsuhan siyang nagsalita at nagpaalala. "Kayong dalawa, hindi ganoon kaayos ang kasalukuyang kalagayan ng pasyente. Hindi pa siya maaaring kumilos masyado lalo na ang pakikipagtalik."Matapos tumigil sandali ay nagpatul
Yumakap si Lucille kay Michael at sumubsob sa matipunong dibdib nito. Doon ay kunwaring nag-iiyak ang dalaga. "Michael, napakatapang niya. Natatakot ako!" Humihikbing saad nito."Huwag kang matakot, nandito lang ako," kunwari ay pag-alo ni Michael kay Lucille. "Isa kang malanding babae na nang-aakit ng mga lalake! Malandi ka!" Galit na galit nasigaw ng babae. Sa sobrang galit ng babaeng ka-blind date ni Michael ay itinaas nito ang kaniyang kamay upang saktan sa Lucille. Ngunit nagulantang ito nang imbes na kay Lucille ay sa mukha ni Michael dumapo ang pinakawalang malutong na sampal. "Talagang pinoprotektahan mo siya ha?!" Gulat at galit na saad nito. Nagdilim ang mukha ni Michael at tiim bagang itong tumayo sa harap ni Lucille upang protektahan ito. "Girlfriend ko siya! Natural poprotektahan ko siya! Sinong nagbigay sa'yo ng lakas ng loob para saktan siya ha? Umalis ka na dito!" Mahina ngunit matigas na utos ng binata."Okay fine! Talagang aalis ako!" Sigaw ng babae saka um
Nang matapos ang oras ni Lucille sa trabaho ay nakatanggap siya ng tawag galing sa kaibigang si Michael."Lucci huhuhuhu," kunwari'y atungal nito sa kabilang linya ng sagutin niya ang telepono. "Anong problema?" Natatawang tanong ni Lucille. "Wala na bang mas ipepeke yang iyak mo?"Agad na tumigil sa pag-iiyak- iyakan si Mikael dahil sa sarkastikang tanong ng kaibigan. "Importante 'to Lucci, makisama ka naman. Nasa blind date ako ngayon. Bilis puntahan mo na 'ko parang awa mo na," nakikiusap na saad ng binata. "Hindi ba at si Wendy naman ang naka-toka ngayon?" mataray na tanong ni Lucille habang umiirap. "Hindi matawagan ang telepono ni Wendy, ikaw lang ang meron ako ngayon please. Bilisan mo na ha? Hintayin kita pakiusap!""Hello?"Hindi na muling sumagot pa si Mikael sa kabilang linya, senyales na binaba na ng kaibigan ang tawag. Naiwang nagtataka si Lucille dahil sa naging pag-uusap nila. Hindi naman na bago sa kanila ng kaibigang si Wendy ang pakiusap ni Michael ngunit hangg