Sa lakas ng kutob ni Lucille ay bumalik siya.
Sa pinto ng bahay nila ay naroon na si Jenny, lumabas na nakabihis ng magara at naka-make up.
Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba si Dylan na may dalang pumpon ng mga pulang rosas, saka maginoo niya itong inabot kay Jenny.
Mga pulang rosa na sumisimbolo ng pag-ibig.
"Ang ganda," masayang anas ni Jenny nang abutin ang mga bulaklak. Inamoy-amoy niyapa ito saka ngumiti siya at humawak sa bisig ni Dylan.
Pinagbuksan ni Dylan ng pinto si Jenny at marahang inalalayan pasakay sa sasakyan at bago tuluyan ng umalis.
Nang dumaan ang sasakyan ay muli nang tumalikod si Lucille. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib.
Ibig sabihin ay si Dylan pala ang tinutukoy ni Jenny na importanteng date at ang tinutukoy pala ni Dylan na pakakasalan niya sana ay si Jenny.
Nagsasabi pala siya ng totoo at nobya niya pala si Jenny.
Kung may nobyo si Jenny na katulad ni Dylan ay walang kahirap-hirap na maaabot nila ang kanilang mga pangarap at lalo siyang aalipustahin.
"Bakit gano'n? Palaging umaayon sa pamilya nila ang pagkakataon samantalang kaming magkapatid ay hirap na hirap sa buhay?" tanong ni Lucille sa sarili.
"Hindi, hindi ako papayag na maging madali lang sa kanila ang lahat."
-------
Napakagarang lamesa na may mga nakasinding mababangong kandila, mga eleganteng kasangkapan tulad ng mga pilak na kutsara at tinidor, lahat ng gamit ay sumisigaw ang yaman at kapangyarihan.
Mayroon pang banda na tumutugtog ng romantiko at malamyos na musika.
"Everything is doing good now, I already filed for a divorce and I think it will be granted within two days," saad ni Dylan.
Tumingala si Jenny kay Dylan at hindi na niya napigilan ang sobrang saya na nararamdaman. Sa sobrang saya niya ay humapdi at namula ang kaniyang mga mata na tila ba maiiyak siya.
"Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya?" Nag-aalalang tanong ni Dylan.
"Hindi, ang totoo ay sobra-sobrang saya ko," lumuluhang saad ni Jenny.
"Let's dance and celebrate this moment okay?" anyaya ni Jenny kay Dylan saka inabot ang kamay nito.
Pinalaking edukado si Dylan simula pagkabata at hindi niya tatanggihan ang babae sa maliit na kahilingan nito.
"Sure," sagot niya saka inabot ang kamay nito.
Nagtungo sila sa dancefloor at marahang inilagay ni Dylan ang kaniyang mga kamay sa balikat at bewang ni Jenny.
"Dylan, pagkatapos ba ng divorce ay puwede na tayong magpakasal?" tanong ni Jenny.
Lihim na napasimangot si Dylan at hindi agad nakasagot. Sa isip niya ay hindi iyon gano'n kadali dahil kailangan pa nilang hintayin na gumaling ang kaniyang lolo.
Napansin naman ni Jenny ang reaksyon ni Dylan kaya agad itong nagsalita.
"Hindi naman sa minamadali kita, ang sabi lang kasi ng mama ay mahaba ang preparasyon para sa kasal."
"No, it's okay," sagot ni Dylan.
Sandaling natahimik si Dylan pero pinili pa ring sakyan ang mood ni Jenny.
"Sabihin mo kay Tita na huwag siyang mag-alala sa preparasyon, kung may gusto at kailangan siya ay sabihin niyo lang kay Jerome at si Jerome ang bahala."
Sa isip niya ay walang ibang kailangan gawin si Jenny kung hindi ang maging masaya.
"Okay," masayang sagot ni Jenny.
Pinulupot nito ang mga braso sa leeg ni Dylan at saka niya binigyan ng mapang-akit na tingin ang binata. Bahagya pa siyang tumingkayad saka pumikit at unti-unting inilapit ang mukha kay Dylan, malinaw na nag-iimbita ng isang halik.
Agad naman iyong naintindihan ni Dylan, hinawakan niya ang baba nito at naramdaman niya ang tila pulbura sa kaniyang mga daliri. Dahil ito sa make-up na nilagay ng dalaga sa kaniyang mukha, ang kaniyang labi ay nakukulayan din ng makapal at matingkad na kulay ng lipstick.
Kaunting yuko lamang ni Dylan ay mahahalikan na niya si Jenny ngunit hindi niya maramdaman na gusto niyang gawin iyon.
Naaalala niya pa noong gabing 'yon, hindi ganito ang pakiramdam niya noong magkasama sila.
Noong gabing iyon ay wala siyang suot na make-up ngunit alam ng binata na makinis ang kaniyang mukha. Wala rin siyang suot na umaalingasaw na pabango.
Biglang tumigil ang tugtog at binawi ni Dylan ang kaniyang mga kamay.
"Tapos na ang tugtog, tara at kumain na tayo. Lalamig ang pagkain," anyaya ni Dylan kay Jenny.
Minulat ni Jenny ang kaniyang mga mata at ang tanging nakita na lamang niya ay ang matipunong likod ng binata na naglalakad pabalik sa kanilang lamesa.
Napasimangot na lang siya at nakagat ang labi sa inis.
"Ugh! Buwiset na tugtog! Saka titigil kung kailan malapit na niya akong halikan! Panira talaga!"
---
Ilang araw ang nakalipas, Miyerkules ng umaga.
Hindi umuwi si Lucille sa dorm na kaniyang tinutuluyan at nakitulog na lang sa kaniyang kabigan na si Wendy.
Maagang bumangon si Wendy at gumayak habang si Lucille ay bagama't gising na ay mistula pang naglalakbay ang diwa.
"Bakit tulala ka pa riyan? Akala ko ay may importante kang lakad kaya ka nakipagpalit ng schedule?" Tanong ng dalaga sa kaibigang si Lucille.
"Sige na mauna ka na, maya-maya pa akong konti," sagot ni Lucille.
"Okay, straight 24 hours duty ako ngayon. Mauna na ko ha?"
"Sige ingat ka!"
Pag alis ng kaniyang kaibigan ay muling nahiga si Lucille. Wala siyang balak umalis ngayong araw.
Alas-diyes empunto nang tumunog ang kaniyang telepono.
Sa labas ng pintuan ng kapitolyo ay nakatayo si Dylan hawak ang kaniyang telepono na ginagamit niyang pang tawag kay Lucille. Dala niya rin ang isang envelope na naglalaman ng kanilang divorce agreement at ng compensation na makukuha ni Lucille sa kanilang paghihiwalay.
Kahit ayaw niya kay Lucille ay hindi pa ring mapagkakailang minsan ay iniligtas ng ina nito ang kaniyang pinakamamahal na lolo. Isa pa ay barya lang naman sa kaniya ang halaga ng compensation na ibibigay niya rito.
Nang kumonekta ang tawag ay malamig ang boses na kinausap niya ito.
"Nasaan ka na? Nandito ka na ba o naipit ka sa traffic?"
'"Dylan," kinakabahan at nakokonsensyang saad ni Lucille.
Ayaw man niyang ituloy ang sasabihin ay kailangan niya itong gawin.
"I'm sorry, pero wala akong balak na makipaghiwalay ngayon at sa mga darating pang panahon."
"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ni Dylan.
Akala niya ay naghahallucinate na siya sa sobrang pagod at puyat kaya kung anu-anong mga hindi katanggap-tanggap na bahay ang naririnig niya.
"Ang sabi ko, wala akong planong makipaghiwalay."
Inulit niya ang sinabi ng klaro at malinaw.
Agad na dumilim ang mukha ni Dylan.
"Lucille, anong pinagsasabi mo? Nagkasundo na tayo tungkol sa bagay na 'to hindi ba? Ginagago mo ba 'ko?" Galit na saad ni Dylan.
"Ang lakas ng loob mo! Pumunta ka rito ngayon at kailangang matuloy ang divorce na 'to! Kapag hindi ka dumating ay sisiguraduhin kong magsisisi ka!"
Handa na si Lucille sa matatangap na galit ni Dylan noong ginawa niya ang desisyon na ito.
Sa isip nga niya ay mukhang malabo ang mata ni Dyla, nagustuhan ba naman nito ang kapatid niyang si Jenny na maganda sa pang labas pero walang kasing pangit at sama sa loob.
Pero sino ba siya para magbigay ng komento tungkol sa nagugustuhan ng isang tao? Wala siyang karapatan.
Alam niyang ang sama ng tingin nito sa kaniya dahil siya na nga itong binigyan nito ng malaking tulong at pabor, ay siya pa itong pumipigil na makasama nito ang babaeng gusto nito.
"Patawad," hingi ni Lucille ng paumanhin sa kaniyang naging desisyon."Hindi ko kailangan ng paghingi mo ng tawad. Pumunta ka rito ngayon na, dahil kapag pinahanap kita, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!'
"Pasensya ka na Dylan, huwag kang mag-alala. I assure you that you will not see me today, at least today."
Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay tuluyan nang pinatay ni Lucille ang telepono at naiwan sa kabilang linya ang labis na nagngingitngit na si Dylan.
Sa ganoong paraan ay hindi siya basta-basta mahahanap ni Dylan.
Hindi siya kilala nito at hindi siya pumasok sa school o pumunta sa ospital kaya mahihirapan itong makita siya. Ito rin ang dahilan kung bakit kay Wendy niya muna naisipang makituloy noong nagdaang gabi.
Inutusan ni Dylan si Jerome na hanapin si Lucille ngunit sinabi ni Jerome na mahihirapan siyang i-track ito dahil nakapatay na ang telepono.
"Gumawa ka ng paraan para mahanap siya."
"Napakalaki ng Maynila Kuya at hindi sapat ang mga impormasyon na hawak natin tungkol sa kaniya para mahanap siya. Para tayong naghahanap ng karayom sa gitna ng dagat." ani Jerome.
Natawa ng mapakla si Dylan. Lumaki siyang lahat ng bagay na gusto niya ay nakukuha niya sa isang pitik lang ng kaniyang mga daliri. Hindi siya papayag na paikutin at paglaruan lang siya ni Lucille sa mga palad niya.
"Matalino ka Lucille, pero may araw ka rin sa'kin!"
Buong maghapon nanatili sa bahay ng kaniyang kaibigan si Lucille at pagsapit ng gabi ay nag-umpisa siyang gumayak papunta sa kaniyang trabaho. Simula nang siya ay tumungtong sa edad na labing walo ay tinigilan na ni Martha ang pagsuporta sa kaniyang mga kailangan. Tanging sa scholarship at part time work niya itinaguyod ang kaniyang sarili at pag aaral. Ang ibinigay naman na card ni Dylan ay ginamit niya lamang pangbayad sa hospital kung saan naroon ang kaniyang kapatid. Bukod doon ay wala na siyang balak na gamitin iyon sa iba pang bagay. Si Lucille ay nagtatrabaho sa isang sikat na bar sa Maynila. Isa itong high end bar na dinarayo ng mga mayayamang parokyano. Artista, negosyante, politiko name it. Isa siyang massage acupuncturist doon. Isa itong tradisyonal na paraan ng mga Chinese na gumagamit ng mga maninipis na karayom para itusok sa iba't-ibang bahagi ng iyong katawan na makakatulong sa iyong kalusugan sa maraming paraan. Dahil nag-aaral siya ng medisina ay kumuha siya ng
"Tumabi ka diyan Jerome."Pinaalis ni Dylan si Jerome sa kaniyang harapan. Kalmado na siya at bumalik na sa dating aura niya, arogante at makapangyarihan. "Anong problema mo?" Malamig na tanong nito kay Lucille. "Inutusan mo ba silang tanggalin ako?" "Oo." Matiim siyang tinitigan ni Dylan at saka bumaling kay Jerome. "Sinagot ko na ang tanong niya, tara na!""Opo Kuya!" "Sandali!"Tumakbo si Lucille at humarang sa dadaanan ni Dylan."Alam kong mali ako," nagpapakumbabang saad ni Lucille. Alam naman talaga niyang mali siya sa pag gamit ng kanilang kasal upang magantihan ang pamilya ng kaniyang ama. Nakalimutang niyang hindi basta-bastang tao si Dylan na ginagamit niya. Hindi siya nag isip at masyado siyang naiging kampante. "Nagmamakaawa ako sa'yo. Huwag mo silang hayaan na tanggalin ako, importante ang trabahong ito para sa'kin." Nasa huling taon na siya ng kursong medisina at kasalukuyang nasa internship. Hindi binabayaran ang mga intern na katulad niya kaya sa trabahong ito
Ngayong wala nang trabaho ay kailangan ni Lucille na maghigpit ng sinturon at humanap ng panibagong mapapasukan sa lalong madaling panahon. Subalit katulad ng inaasahan ay masyado siyang abala bilang intern at kakaunti lang ang kaniyang libreng oras kaya naman ay nahihirapan siyang humanap ng trabaho. Sa buong isang linggo ay sinubukan niyang humanap ng mapapasukan sa tuwing siya ay may bakanteng oras ngunit bigo siya. Tuwing makakaramdam ng gutom ay bumibili lang siya ng tinapay pantawid sa kumakalam na sikmura. Malaki na rin ang ipinayat niya dahil sa madalas ay nalilipasan siya ng gutom. Ngayong araw ay kalalabas niya lang galing sa pang gabing duty at muli siyang nagbabalak na humanap ng maaari niyang mapasukan. "Lucille, pinapatawag ka ni Ma'am Gomez," saad ng kaniyang kapwa intern na si Melissa. "Alam mo ba kung bakit?" Kinakabahang tanong ni Lucille. "Hindi eh, sige na may mga kukuhanan pa ako ng dugo. Pumunta ka na lang agad," nagmamadaling paalam nito. Napabuntong hini
Nang makarating sa kwarto ng butihing matanda ay agad na naupo si Lucille sa tabi ng kama nito."Lucille, kumusta ang iyong paghahanda? Nakapag impake ka na ba?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.Anong nakahanda? Anong impake?Nagulat si Lucille sa tanong ni Mr. Saavedra at hindi siya kaagad nakasagot.Agad namang napansin ng matanda na tila may hindi tama sa reaksyon ni Lucille."Hindi ba sinabi ni Dylan sa'yo? Pasaway na bata! Sinasabi ko na nga ba at niloloko lang niya ako!"Mangyari pala ay may kaibigan ang matanda na magdiriwang ng kaarawan at dahil hindi siya makakapunta ay inatasan niya ang apong si Dylan na pumunta kasama si Lucille. Hindi niya alam na nagkakaproblema ang mag-asawa kaya ginagawa niya ang mga paraan na alam niya para paglapitin ang mga ito. "Lucille makinig ka, hindi sanay si Dylan na pinakikialaman at pinangungunahan siya. Pero kasal na kayo, wala na kayong magagawa kung hindi pakisamahan ang isa't-isa at mamuhay ng masaya." saad ng Lolo na nag-aalala sa ka
"Bitiwan mo siya," utos ni Dylan kay Jerome. "Opo Kuya."Bagaman mahinahon ang boses ni Dylan ay nakaramdam pa rin ng bahagyang takot si Jerome kaya agad siyang tumalima para sundin ito."Matapos ang mga nangyari ay talagang tulog pa rin siya? Tulog mantika!" Sa isip-isip ni Dylan.Alam ni Dylan na ang kaniyang lolo ang nag-utos kay Lucille na sumama kaya kapag nagsumbong ito sa kaniyang lolo kung paano niya ito tinrato ay siguradong malilintikan siya. Buwisit talaga! Madilim ang mukha niyang tinitigan ang natutulog na si Lucille saka ito binuhat at basta na lang inilapag sa kama. Nang bahagyang malilis ang kaniyang palda ay nakita ni Dylan ang mga pasa at gasgas ni Lucille sa tuhod. "Saan galing ang mga pasa na 'to? Kaya pala siya napasigaw sa sakit kagabi," aniya sa sarili nang lapitan niya ito. Habang nakasandal sa matipunong dibdib ni Dylan ay nakaramdam ng ginhawa si Lucille kaya mas inihilig niya pa ang kaniyang ulo at lalo pang siniksik ang kaniyang sarili. Bahagyang na
Saavedra family? Interesting! Namamanghang tumingin si Mr. Han kay Lucille at Dylan. "Oh? So anong ginagawa mo rito kasama si Dylan?" Itong apo ng kaniyang kaibigan na si Mr. Saavedra ay magaling sa lahat ng bagay maliban na lang sa bagay na parang hindi siya makatao. He is hard to tease and to please. "Ang totoo ho niyan ay pinakiusapan po ako ni lolo na samahan si Dylan dito Mr. Han." "Since you are here for my birthday, do you prepare any gift for me?" nakangiting tanong ng matanda kay Lucille. Nagulat si Dylan sa tanong ni Mr. Han at nag-alala para kay Lucille. Hindi ito nagpakita ng kagalakan sa ibinigay niya paano pa kaya kay Lucille? Tumango si Lucille at ngumti na halos mawala na ang mga mata. "Of course Mr. Han, pinaghandaan ko ito." Mas lalong nagulat si Dylan sa sagot ni Lucille. Pinaghandaan? Talaga ba? Pinisil niya ang kamay ng dalaga. Mukha lang siyang nakangiti pero sa isip niya ay binabalaan niya na ang dalaga. "Huwag kang gagawa ng kalokohan dito!"
"Buhay ang nakataya dito!"Ang oras ay buhay.Kailangan niyang masunod ang golden three minutes para sa rescue. Bawat segundo ay mahalaga dahil kung babagal-bagal siya ay maaaring mapahamak si Mr. Han."Kahit tumawag ka ng doktor ngayon, gaano pa katagal bago siya dumating? Bigyan mo 'ko ng dalawang minuto sisiguraduhin kong magiging maayos si Mr. Han!" Natatarantang saad ni Lucille.Isa, dalawang segundo.Pinagpapawisan na ng malamig si Lucille at kinakabahan."Bilisan mo! Wala ka ng oras para mag-isip!"Sa kritikal na sitwasyon na iyon ay pinili ni Dylan na magtiwala Kay Lucille.Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero naniniwala siya rito."Sige," aniya saka binitawan ang kamay ni Lucille.Nakaramdam ng tuwa ang dalaga dahil pinagkatiwalaan siya ni Dylan."Kutsilyo! May kutsilyo sa lamesa!""Okay."Naging tila assistant ni Lucille si Dylan at inabot nito ang kutsilyo sa kaniya."Dylan nababaliw ka na ba?" Bakas ang kaba na tanong ni Alvin sa binata.Hinablot nito ang kuwelyo ni Dyl
"Dylan."Nagulat din si Lucille sa nangyari, nakasandal siya sa matipunong dibdib ni Dylan at halos naririnig na niya ang tibok ng puso nito.Lalo siyang nailang sa pwesto nila."Sorry, puwede mo na kong bitiwan okay lang ako.""Okay? Eh mukha ngang malapit ka nang mahimatay," saad ni Dylan na nakatingin ng malamig sa kaniya.Napangiti si Lucille.Alam niyang maikli ang pasensya at hindi maganda ang tabas ng dila ng binata, pero kahit ganoon ay hindi mapagkakailang napakaguwapo ng lalaking ito."Ayos lang talaga ako, medyo nagugutom lang. Hypoglycemia ganoon, saka nanghihina ang mga tuhod ko.""Kaya nga halika na at kumain!"Ang ospital ay malapit sa paanan ng bundok kaya mahihirapan sila kung babalik pa sila sa Villa. Dahil doon ay humanap na lamang si Dylan ng restaurant sa malapit.Dahil liblib ang lugar ay kakaunti lamang ang tao sa restaurant at ang mga pagkain ay pawang pangkaraniwan lamang.Mababakasan na ng pagkairita ang mukha ni Dylan."Wala namang masarap na pagkain. Sandal
Sinulyapan ni Lucille ang disenteng si Dylan saka niya lihim na pinagtawanan ang sarili. "Mali ako, buong akala ko ay para sa akin ang porselas. Dapat no'ng oras na iyon ay sinabi mo sa akin na hindi pala iyon para sa akin," saad niya. "Anong sinasabi niya?" takang tanong ni Dylan sa sarili. Hindi maintindihan ng binata ang ibig sabihin ni Lucille ngunit pinili niya munang pakinggan ito upang patuloy na magsalita. "Mr. Saavedra, sa susunod ay huwag mong ibibigay sa ibang tao ang mga gamit ng girlfriend mo. Noong kinuha ko iyon ay kinailangan mo pa tuloy bumili ng panibago para may maibigay sa kaniya. Hindi ba at abala iyon?"Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay tinalikuran na niya si Dylan saka siya tuluyan nang umalis. Bumalatay ang lungkot sa mukha ni Dylan. Nagkakilala ba sila ni Jenny? Saan kaya sila nagkakilala?Ngunit para kay Dylan ay hindi iyon mahalaga. Ang importante sa kaniya ay kung saan niya nakita si Jenny na suot ang porselas?So, hindi siya natutuwa? Bakit?K
"Martha, ano kaya kung---" "Ano pang hinihintay niyo? Hindi ba at binayaran ko na kayo? Bilisan niyo ng tibagin at hukayin 'yan!" singhal ni Martha sa mga manggagawa. Hindi na nito binigyan pa ng pagkakataon si Roldan na magsalita pero dahil sa inasal nito ay mas lalong nagalit si Martha."Kapag inantala niyo pa 'yan ng kahit ilang segundo pa ay irereklamo ko kayo!" pagbabanta pa ni Martha.Napansin ni Martha na hindi tumatalab ang mga sinasabi niya kaya may naisip siyang paraan na alam niyang hndi na magdadalawang isip kung hndi sumunod ang mga ito. "Kilala niyo si Mr. Dylan Saavedra hindi ba? Boyfriend lang naman siya ng anak ko! Kapag hindi ako natuwa sa inyo ay siguradong hindi rin matutuwa ang anak ko. At kapag hindi natuwa ang anak ko ay siguradong hindi iyon magugustuhan ni Mr. Saavedra!" matapang na banta nito.Ang ilang tao na nag-aalinlangan kung huhukayin nga ba ang puntod ay kumilos na matapos marinig ang sinabi ni Martha. Sa bayan nila, sino nga ba ang hindi nakakakil
Natigilan si Lucille nang ilang sandali bago tuluyang sumakay sa sasakyan ng binata.Kahit biglang sumulpot si Kevin sa kanilang lugar na ngayon ay nasa harapan niya at kahit hindi tama na basta na lang siya sumakay sa kotse nito ay wala na siyang pakialam. Sa mga oras na 'yon ay wala na siyang iniisip kung hindi makaalis kaagad. "Salamat! Sa Eternal Garden of Memories tayo sa West City." nagmamadaling saad niya.Eternal Garden of Memories, iyon ang pangalan ng sementeryo sa West City. Hindi na bago kay Kevin ang lugar na iyon, bata pa lang sila ni Lucille noong minahal nila ang isa't-isa at madalas silang magkasama sa kung saan-saan. Noong panahon na iyon ay palagi niyang sinasamahan si Lucille na manalangin sa tuwing nalalagay sa peligro ang buhay ng kaniyang inang may sakit. "Pero bakit siya masyadong nagmamadali ngayon?" takang tanong ni Kevin sa sarili."Okay!" sagot ng binata.Hindi na masyado pang nagtanong si Kevin at basta na lang pinaarangkada ang kaniyang sasakyan papun
Ah!" Napatili si Lucille nang bumalik siya sa kaniyang ulirat. Sa sobrang hiya ay tinakpan niya ng kaniyang mga kamay ang kaniyang mukha saka siya nagtatakbo palabas ng banyo. "Oh my gosh! Ano bang ginawa ko?" nahihiyang untag niya sa kaniyang sarili. Sinusubukan niyang payapain ang kaniyang sarili na natataranta. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Doktor siya, anong problema kung makakita man siya ng lalaking hubad?Pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili at hindi naman siya nabigo, matapos ang ilang paghinga ng malalim ay tuluyang bumalik sa normal ang kaniyang nararamdman. Hindi pa lumalabas ng banyo si Dylan kaya naman kailangan niya pa itong hintayin. Dahil sa nangyari ay hindi na siya nagtangkang maglibot sa kuwarto o tumingin man lang sa kung saan-saan. Sa lamesa ay may isang jewelry box na nakabukas. Laman noon ang isang napakaganda at mukhang mamahaling porselas na gawa sa dyamante. "Ang ganda naman nito," namamanghang saad ni Lucille. "Nagustuha
Natawa si Lucille sa inasal nito at napailing na lamang. "Gusto ko lang naman magpasalamat sa 'yo para sa pagtatanggol mo sa 'kin," sinserong saad ng dalaga.Nagulat si Dylan sa narinig. Tama nga ba ang dinig niya?"Agh!" bigla siyang nakaramdam ng labis na sakit kaya mariin niyang hinawakan ang kaniyang sugat. "Dylan?" kinakabahang tawag ni Lucille sa binata saka ito yumuko at tiningnan ang sugat nito sa tiyan.Hindi inaasahang nagtama ang kanilang mga mata, ang mga mata ni Dylan na kasing itim ng gabi na tila hinihigop si Lucille sa kawalan. Tila naging blangko ang lahat at tanging si Dylan na lang ang kaniyang nakikita. Parang hinaplos ang puso ni Dylan.Ngunit sa loob ng ilang segundo ay agad siyang bumalik sa reyalidad dahil kay Lucille na tila galit na naman. "Ang bilin ko sa iyo ay huwag kang masyadong magkikilos! Pero ano? Nagawa mo pa talagang makipag-away! Palagay ko ay gusto mo ulit maoperahan!" Naiinis na sermon nito. Ang babaeng 'to! Napakabilis magbago ng mood na a
"Agh!"Napahiyaw sa sakit si Michael at nag-angat ng tingin. Matalim siyang tumingin kay Dylan na may halong gulat at pagtataka. Sa puntong iyon ay wala na siyang pakialam sa kung sino at ano pa man ang kapangyarihan at yaman na mayroon ang lalaking iyon. Isa rin naman siyang tagapagmana ng mga Santillan. Hindi niya ito uurungan."Dylan, sira ulo ka na ba? Wala akong ginawang hindi maganda sa 'yo! Bakit mo 'ko sinuntok tarantado ka?!Habang binibitawan ang mga katagang iyon ay nagawa na niyang maibangon ang kaniyang sarili at ang kaniyang posisyon ay handa na ring makipaglaban. Ngunit mabilis na humarang ang kambal na sina Jayson at Jerson sa harap ni Dylan. Handa ang mga ito na protektahan ang binata."Mister Santillan, paumanhin ngunit kailangan mo munang dumaan sa amin!"Ang kambal na ito ay sanay sa ano mang klase ng pakikipaglaban dahil kapwa sila mga sundalo, nasa special forces pa nga ang mga ito at ni minsan ay hindi pa natalo pagdating sa mga labanan. "Mga sira ulo!" Galit
Nag-angat ng tingin si Lucille at doon ay nakita niya ang isang magandang babae na lumabas galing sa banyo. Napaka-aga pa ay narito na kaagad ito. Si Jenny ay isang bata at magandang babae. Lumabas galing sa banyo na bagong ligo habang ang sugat naman ni Dylan ay muling bumukas. Hindi na siya magtataka kung bakit, napakadaling hulaan kung ano ang nangyari sa pagitan ng dalawang ito. Maaaring ito ay nangyari kagabi o ngayong umaga lang. "Narito pala si doktora para tingnan ka," saad ni Jenny.Iniligay ni Jenny ang kaniyang kamay sa dibdib ni Dylan, habang nakangiti at masuyong nakatingin sa binata. "Makikiraan," aniya sa bahagyang nakaharang na si Lucille. "Sure," saad ni Lucille saka natawa. Matapos niyang ieksamin at lagyan ng gamot ang sugat ni Dylan ay diretsuhan siyang nagsalita at nagpaalala. "Kayong dalawa, hindi ganoon kaayos ang kasalukuyang kalagayan ng pasyente. Hindi pa siya maaaring kumilos masyado lalo na ang pakikipagtalik."Matapos tumigil sandali ay nagpatul
Yumakap si Lucille kay Michael at sumubsob sa matipunong dibdib nito. Doon ay kunwaring nag-iiyak ang dalaga. "Michael, napakatapang niya. Natatakot ako!" Humihikbing saad nito."Huwag kang matakot, nandito lang ako," kunwari ay pag-alo ni Michael kay Lucille. "Isa kang malanding babae na nang-aakit ng mga lalake! Malandi ka!" Galit na galit nasigaw ng babae. Sa sobrang galit ng babaeng ka-blind date ni Michael ay itinaas nito ang kaniyang kamay upang saktan sa Lucille. Ngunit nagulantang ito nang imbes na kay Lucille ay sa mukha ni Michael dumapo ang pinakawalang malutong na sampal. "Talagang pinoprotektahan mo siya ha?!" Gulat at galit na saad nito. Nagdilim ang mukha ni Michael at tiim bagang itong tumayo sa harap ni Lucille upang protektahan ito. "Girlfriend ko siya! Natural poprotektahan ko siya! Sinong nagbigay sa'yo ng lakas ng loob para saktan siya ha? Umalis ka na dito!" Mahina ngunit matigas na utos ng binata."Okay fine! Talagang aalis ako!" Sigaw ng babae saka um
Nang matapos ang oras ni Lucille sa trabaho ay nakatanggap siya ng tawag galing sa kaibigang si Michael."Lucci huhuhuhu," kunwari'y atungal nito sa kabilang linya ng sagutin niya ang telepono. "Anong problema?" Natatawang tanong ni Lucille. "Wala na bang mas ipepeke yang iyak mo?"Agad na tumigil sa pag-iiyak- iyakan si Mikael dahil sa sarkastikang tanong ng kaibigan. "Importante 'to Lucci, makisama ka naman. Nasa blind date ako ngayon. Bilis puntahan mo na 'ko parang awa mo na," nakikiusap na saad ng binata. "Hindi ba at si Wendy naman ang naka-toka ngayon?" mataray na tanong ni Lucille habang umiirap. "Hindi matawagan ang telepono ni Wendy, ikaw lang ang meron ako ngayon please. Bilisan mo na ha? Hintayin kita pakiusap!""Hello?"Hindi na muling sumagot pa si Mikael sa kabilang linya, senyales na binaba na ng kaibigan ang tawag. Naiwang nagtataka si Lucille dahil sa naging pag-uusap nila. Hindi naman na bago sa kanila ng kaibigang si Wendy ang pakiusap ni Michael ngunit hangg