Share

Taming The Dangerous Beast
Taming The Dangerous Beast
Author: Faith Lovelle

Chapter One

Eksaktong Alas-diyes ng gabi sa isang Hotel sa Kalakhang Maynila.

"Presidential Suite number 7202, ito na nga 'yon," kabadong saad ni Lucille.

Sandali siyang napatigil sa pag-iisip nang tumunog ang kaniyang telepono. Isang mensahe galing sa kaniyang ama ang kaniyang natanggap.

"Lucille, nangako ang tita mo na basta samahan mo si Mr. Dela Vega ay agad niyang babayaran ang pagpapagamot ng kapatid mo."

Ang maputla niyang mukha ay may blankong ekpresyon. Sa totoo lang ay manhid na siya at parang hindi na alam kung ano pa ba ang dapat na maramdaman.

Mula nang muling mag-asawa ang kanilang ama ay para bang balewala na sila rito. Sa loob ng mahigit sampung taon ay hinayaan nito ang kaniyang bagong asawa na tratuhin silang parang basura at abusuhin.

Kakulangan sa pagkain at damit, paninigaw, pamamahiya, at pananakit ay ilan lamang sa mga bagay na tinitiis nilang magkapatid sa kamay ng malupit na madrasta.

Ngayon nga ay tila umabot na sa sukdulan ang kasamaan nito, dahil sa pagkalugi sa negosyo ay nais siya nitong ibenta sa isang mayaman na parokyano.

Ang siste ay kailangan niyang sumama rito sa magdamag na siya namang agad niyang tinanggihan.

Ngunit hindi pumayag ang kaniyang madrasta, tinigil nito ang pagpapagamot sa kaniyang kapatid na may autism at nangangailangan ng tuloy-tuloy na medikasyon para gipitin siya.

Kaya naman para sa pinakamamahal niyang kapatid ay pikit matang pumayag si Lucille sa gusto nito.

Habang nasa harap ng pinto ay humugot si Lucille ng malalim na hininga, bahagya niyang itinaas ang kaniyang kamay upang kumatok ngunit marahang bumukas ang pinto nang bahagya niya itong maitulak.

Patay ang ilaw sa loob at napakadilim, bagay na nakapagpadagdag sa kabang nararamdaman niya.

"Mr. Dela Vega? Papasok na po ako ah," ani niya ngunit walang natanggap na tugon. 

Sa isang iglap ay natagpuan na lamang niya ang sariling nakasandal sa matigas na dingding at may malalakas at matitipunong braso ang pilit na sumasakal sa kaniya.

Nararamdaman niya ang sakit ng kaniyang likod at ulo ng dahil sa pagkakabatbat kaya halos mapaiyak na siya.

"Anong ginawa mo sa'kin?" ani nang baritono at nakakatakot na tinig.

Nalanghap niya ang mabango at mainit na hininga nito sa kaniyang tainga na mas nagpabilis pa ng tibok ng kaniyang puso.

"H-hindi ko p-po kayo m-maintindihan." nahihirapan mang huminga at magsalita ay pilit na usal nang naguguluhang si Lucille.

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakasakal kay Lucille at unti-unti ay nakahinga siya ng maayos. Tuluyan siyang binitawan ng misteryosong lalaki, pero hindi pa man nakakahuma ay muli siyang hinapit nito sa baywang.

Parang bato sa tigas ang mga braso nito, kaya kahit parang hindi naman ito gumamit ng lakas ay hindi niya pa rin magawang makawala sa pagkakayapos nito.

Hindi niya makita maski maaninag man lang ang mukha nito, pero ramdam niyang hindi normal ang temperatura ng katawan nito. Masiyado siyang mainit na tila ba nilalagnat.

Bumuka ang bibig niya, ngunit hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin, ramdam rin niya ang mainit niyang hininga.

"Binibigyan kita ng pagkakataon, itulak mo ako at umalis ka na!" Marahas na saad nito. 

"Bakit niya ako pinapaalis? Hindi niya ba ako nagustuhan?" tanong nang nalilitong si Lucille sa sarili.

Hindi puwede, kailangang matuloy ito kahit anong mangyari. Para 'to sa pagpapagamot ng kapatid ko.

Nandito na lang rin ako, paninindigan ko na ito.

"Hindi ako aalis, sa iyo ako ngayong gabi."

Pinulupot ni Lucille ang kaniyang mga braso sa leeg nito saka tumingkayad at binigyan ang lalaki ng isang halik.

Bagaman walang karanasan at hindi marunong ay sinubukan niya parin.

Nagulat ang misteryosong lalaki, napakalambot at init ng labi ni Lucille. Ang halik nito ay agad na tinunaw ang natitirang katinuan ng isip niya.

"Malinis ka ba?" Walang pakundangang tanong ng lalaki.

Napapikit siya sa hiya at bahagyang nanginig ang mga labi.

"Opo, malinis po ako."

"Siguraduhin mong nagsasabi ka ng totoo!"

"Opo, sigurado po ako."

Basta na lamang siyang dinampot nito at ihinagis na parang manika sa malambot na kama.

"Mabuti kung gano'n. Akin ka na pagkatapos ng gabing ito," anas niya saka kinubabawan si Lucille at sinimulang paliguan ng mga maiinit at uhaw na halik.

Napakagat na lamang ng labi si Lucille at saka isinara ng madiin ang mga mata. Mahigpit ang hawak ng magkabilang kamay niya sa sapin ng kama habang tahimik na umaagos ang luha sa mga mata niya.

Tuluyan na siyang nagpaubaya at tila walang katapusan siyang inangkin ng misteryosong lalaki sa buong magdamag.

Nagising si Lucille sa sakit ng pagitan ng kaniyang mga hita.

Nakakulong siya sa matipunong mga bisig ng lalaki at naaamoy niya ang napakabangong amoy nito na may halong amoy ng sigarilyo.

Gusto niya ang napakabangong amoy nito.

Akma siyang babangon ng hapitin nito ang kaniyang baywang.

"Awake?" He asked.

Nang walang makuhang tugon galing sa kaniya ay pumihit ang lalaki at saka pumaibabaw sa kaniya na siyang nagdala ng takot at kaba kay Lucille.

"Good girl! You didn't lie to me, you are mine now," he huskily whispered in Lucille's ears while caressing her cheeks.

Naramdaman niyang nag-iinit ang pisngi niya pero mas pinili niyang huwag nang magsalita.

"Do you want to take a shower with me? Kaya mo bang maglakad? Or should I carry you?"

"Huh?" Kinabakabang tanong ni Lucille.

"Should I repeat myself?"

"N-no, no. I mean mauna ka nang maligo mag-isa," takot at natatarantang sagot niya.

Sa pag-aakalang nahihiya lang si Lucille ay hinayaan lang siya nito.

"I'll go ahead and shower first, wait for me." Saka kinurot ng marahan ang pisngi niya.

"Wait for him? Bakit? Nababaliw na ba siya?" Tanong ni Lucille sa sarili.

Ni ayaw na nga niyang magtagal doon ng kahit isang segundo pa.

Madilim ang buong silid.

Dali-daling bumangon si Lucille para maghanda sa pag-alis.

"Hisss!" Napasinghap siya sa sakit na naramdaman niya kahit dahan-dahan lang ang kaniyang pagkilos.

Wala na siyang oras para indahin ang sakit kaya sa tulong ng ilaw na nanggagaling sa banyo ay nagmamadali niyang pinulot ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig. Mabilis siyang nagbihis habang tinitiis ang sakit ng katawan saka tuluyang umalis habang hindi pa lumalabas ng banyo ang lalaki.

Saktong paglabas niya ng hotel ay tumunog ang kaniyang telepono.

"Ginawa ko na ang pinagagawa mo, ituloy mo ang pagpapagamot kay Jun-Jun."

"Pinagloloko mo ba akong babae ka?" Galit na sagot ng kaniyang Tiya Martha.

"Saang lupalop ka ba nagtago magdamag ha? Si Jenny ang sumama kay Mr. De Vega! Sabi mo ikaw ang sasama pero hindi ka dumating. At talagang may kapal ka pa ng mukha na mag-demand sa akin ng pampagamot ng kapatid mong abnormal?"

"Paanong? Iniwan ko si Mr. De Vega na naliligo. Sinusubukan mo ba kong gulangan?" Naiinis na tanong niya.

"P*****a! Umuwi ka rito! Galit na Galit si Mr. De Vega, kailangan mong bayaran ang utang niyo ro'n!"

Matapos nitong magsisigaw ay binaba na nito ang telepono.

Gulat na gulat si Lucille sa nangyaring komprontasyon nila ng kaniyang madrasta. Mukhang seryoso ito sa sinasabi at hindi ito ang tipo nang nagbibiro.

"Kung hindi si Mr. De Vega ang lalaki kagabi eh sino siya? Anong nangyayari?"

---

Sa kabilang banda ay pumasok sa Hotel room ang binatang si Jerome at hinawi ang mga kurtina.

Pumasok ang liwanag sa madilim na kuwarto kasabay ang pagtigil ng agos ng gripo sa banyo.

Lumabas si Dylan na nakatapis lang ng tuwalya habang pinupunasan ang buhok ng maliit na tuwalya.

Matangkad si Dylan na akala mo ay basketbolista, maganda at matipuno ang pangangatawan, kaya madalas siyang napagkakamalang modelo o artista. Bukod do'n ay talagang agaw ang pansin ang kaniyang kaguwapuhan na talaga namang maraming nagkakandarapa.

"Nasa'n 'yong babae?" Tanong niya kay Jerome.

"Wala naman akong nakitang kahit sino no'ng pumasok ako," takhang sagot nito.

Napataas ang labi ni Dylan at napatingin sa bintana.

"Hmm, tinakasan ako? Sabi ko hintayin ako eh, pasaway!"

Napangiti si Dylan ng nakakaloko. Simula kasi nang magbinata siya ay kung kani-kanino na siya sinubukang ipareha pero lahat ay hindi umubra.

Not until today, someone drugged him and it succeeded.

Was it really the drug? Or the girl is just special?

"Jerome, alamin mo ang nangyari kagabi at hanapin mo ang babaeng iyon para sa'kin."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status