Share

Chapter 2

"My, anong dala mo?" tanong ni Agnes sa akin, siya ang nag-iisang anak ni Nana Nita na kapitbahay namin at kaibigan ni nanay. Nakatingin ito sa siopao na dala ko. Alanganin pa itong ngumiti ng mahuli ko siyang nakatingin dito. 

"Siopao, o sayo na lang yang isa." sagot ko sabay dukot ng isang siopao at inabot sa kanya. 

Gaya ko may pagka majubis din si Agnes, medyo matangkad lang ako kaysa sa kanya kaya mas lalo akong nagmumukhang dambuhala. 

Kagagaling lang siguro nitong maglabada dahil halatang pagod pa ang mukha. Sila lang ng nana at tatang niya ang madaling nalalapitan ni Nanay kaya close din ako sa kanya. 

"Ayos lang ba?" nahihiya nitong sabi kaya ngumiti ako. Kunwari pa tong si Agnes o, pero deep inside natatakam na yan. Sabagay mas masarap tong siopao na nabili ko kesa dun sa siopao na binigay ni Estong sa akin nung nakaraan. 

"Tanggapin mo na bago magbago isip ko." biro ko sa kanya at mabilis niya namang kinuha sa kamay ko ang siopao. Sabi ko na nga ba.

"Gutom na kasi ako, My, pasensya ka na ha. Maaga kasi akong pumunta dun resthouse ng amo ko kanina para maglabada ng mga bedsheets at mga tuwalya."

"Ayos lang ano, ka ba? Para kang others. Sige kainin mo na yan, mukhang hindi daga ang sahog niyan ngayon." biro ko. Nakita kong ngumiwi ang mukha niya habang nakatingin sa siopao at mukhang nagdadalawang isip na kung kakainin niya ba ito kaya tumawa ako. 

"Huy! Ang seryoso neto, hindi ako ganun kasama noh. Kainin mo na yan, masarap."

Kay Tatay sana yun, kaso nakakahiya naman kung yung may kagat ko na ang ang ibibigay ko sa kanya. Di bale itong may kagat na lang kay tatay. Sa susunod na bibili akong pagkain isasali ko nalang si Agnes, kawawa naman. Ito lang din ang kasundo ko dito sa mga kapitbahay namin na kaedaran ko.

"Salamat My, hayaan mo kapag nagsahod na ako ililibre kita ng kwek-kwek sa kanto."

"Sure ba." sabi ko agad. Bawal tumanggi sa grasya kahit na noong huling kain ko ng kwek-kwek doon pinagalitan ako ni nanay dahil sumakit ang tiyan ko.

"Myra, saan ka galing? Mabuti at dumating ka na. Nakita ko ang ate ng papa mo sa bahay niyo kanina." 

Dahil sa narinig halos takbuhin ko na ang distansiya makarating lang sa bahay. May pahabol pang sabi sa akin si Nana Nita pero hindi ko na ito pinansin. Wala ngayon si papa nasa sentro nagdeliver ng mga na-naharvest niyang tahong at talaba kaya tiyak na si nanay ang naabutan ni tita.

Unang kong pinuntahan ang maliit naming tindahan sa gilid pero wala doon si nanay. Nagmamadali akong pumasok sa bahay namin. Tiningnan ko ang paligid, wala namang nabasag. Malinis at nasa ayos ang mga gamit. 

"Nay!" tawag ko pero walang sumagot kaya bigla akong kinabahan.

"Nay! Andito na ako." tawag ko ulit wala pa rin. Dumiritso ako sa likod wala din doon si Nanay. Muli akong pumasok, sobrang tahimik pa rin. Napatingin ako sa silid nila ni papa, nakasarado ito. Kumatok ako, walang sumagot. 

"Nay! Andyan ba kayo?" tahimik pa rin kaya wala na akong choice kundi buksan ito.

Naabutan ko si nanay na nagpupunas ng mukha, mukhang kagagaling niya lang umiyak dahil namumula pa ang mga mata niya. Nakaupo ito sa kama at nakahrap sa labas ng bintana.

"Nay, Anong nanyari? Bakit ho kayo umiyak? Ang sabi ni Nana nakita niya dawng pumunta dito si Tita kanina, may ginawa ba siya sayo? Sinaktan ka ba?"sunod-sunod kong tanong pero ngumiti lang si nanay sa akin. Ngiting hindi naman umabot sa mga mata niya.  

Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang makikitang malungkot si nanay. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga tao talagang masaya kapag may nasasaktang iba. Gaya na lang ng kapatid ni tatay. Alam kong ayaw niya kay nanay pero bakit kailangan niya pang pumunta dito? Tanggap na namin yun, hindi niya na kailangan ipamukha pa sa amin.

"Dyan ka na pala anak, gutom ka ba? May niluto akong arroz caldo doon tsaka may calamansi juice din sa ref. Tara kumain ka muna." malambing nyang sabi sa akin. Hinawakan niya pa ang kamay ko at giniya ako palabas ng silid nila ni tatay.

Lalakad na sana ako kasabay niya pero napansin ko ang kalmot sa braso niya at ang pamumula ng kanyang pisngi. Pasimple pang hinawi ni nanay ang buhok niya para matakpan ito pero huli na, nakita ko na.

"Sinaktan ka niya, Nay?" mariin kong sabi. Tumigil ako sa paglakad at humakbang paharap sa kanya. Maingat kong hinawi ang buhok ni nanay na nakatabing sa pisngi niya. Parang piniga ang puso ko ng makita kong nagmarka ang daliri sa maputing pisngi ni nanay.

Tangna! Hindi ako palamura pero sa oras na 'to parang gustong murahin si tita ng harapan. Awang-awa ako sa maamong mukha ng nanay ko. At galit na galit ako sa ginawa ni tita sa kanya.

"Bakit mo hinayaang saktan ka nay?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin nak, ako lang naman dito mag-isa sa bahay." kaila ni nanay pero hindi niya maitago ang pamumula ng pisngi niya at ang kalmot sa braso niya.

How dare them hurt my nanay? Walang sinumang pwedeng manakit sa nanay ko.Hindi ko na napigilan ang pangingilid ng luha ko. Kung andito lang ako, hindi ako papayag na may manakit kay Nanay kahit na sabihin pa ni tita na wala akong galang, wala akong pakialam. Tama na ang pang-aapi nila sa amin. My nanay already suffered a lot. Nagmahal lang siya, hindi niya deserve na tratuhin ng ganito.

"Tara na, niluto ko yung paborito mo. Alam ko kasing gugutumin ka ngayon." nakangiti nitong sabi. Pilit kinukubli ang kalungkutan sa mga mata niya. 

Kinuyom ko ang aking palad. Alam kong ano-ano na namang masasakit na salita ang sinabi nito kay Nanay. She hated my mother to the core. Ayaw niya kay pero panay pa rin ang balik dito. At ngayon sinaktan niya na talaga si nanay. 

"Tara na langga, iinitin ko pa ang pagkain mo. Masarap yun, paborito niyo ni tatay yon."

"Isusumbong ko siya kay tatay."mariin kong sabi. Umiyak na rin ako dahil kita ko ang pagtutol sa mata ni nanay." Hindi pwedeng hayaan mo na lang na alipustahin ka nila ,Nay. Kaya sila namimihasa dahil hindi ka kumikibo."

Lalo pang napalakas ang iyak ko ng makita kong naluluha na rin ang nanay. She is the sweetest and caring mother. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya.

"Wag ka nang umiyak, ayos lang naman ako. Ang mahalaga kasama natin si tatay mo." marahan niyang pinunasan ang luha sa aking pisngi. 

How could they do this to my nanay? Ang bait, maalaga at sobrang mapagmahal nito sa amin ni tatay. Ni hindi ko nga napapansin na nag-aaway sila ni tatay. Kung may tampuhan man ang bilis lang din maayos dahil parehas silang mabait. Kasalanan niya ba kung pinanganak siyang mahirap? Ang mali dito ay yong mga mata pobreng kamag-anak ng tatay ko.

"Bakit mo hinahayaang saktan ka niya, Nay? Wala siyang ambag sa buhay natin, wala siyang naitulong sa inyo ni tatay. Hindi mo kasalanan kung ikaw ang pinili ni tatay. Hanggang ngayon ba galit pa rin siya dahil doon? Ilang taon na ako, Nay? Ilang taon na din kayong kasal ni tatay? Kung ayaw nila sa atin e di wag. Hindi natin ipagpipilitan ang sarili natin sa kanila. Magsisikap ako, iaahon ko kayo ni tatay sa hirap."

"Langga, wag naman ganun. Mabait naman yung Tita mo, bestfriend ko yun dati diba?" mahinahong sagot niya sa akin pero umiling ako. 

"Hindi kaibigan ang turing niya sayo dahil kung kaibigan ka niya, maiintindihan at matatanggap niya na ikaw ang mahal ng kapatid niya. Kung meron mang unang tumanggap sayo sa pamilya nila, sana siya yun. Pero hindi, ayaw nila sayo dahil gusto nila mayaman."

"Shh...tama na." pang-aalo ni nanay sa akin. Namumula na rin ang mga mata niya sa pinipigilang luha. " Wag ka ng umiyak langga, malulungkot ako kapag umiyak ang palangga ko."

Lalo lang akong humagulhol. How could they be so cruel to my nanay? 

I hate them!

I really hate them...

Talagang magsisikap ako. Ipapakita ko sa kanila na kaya naming umunlad kahit hindi nila kami tutulungan. 

"Sana ito na ang huling beses na malaman kong sinaktan ka niya Nay dahil sa susunod hindi ako magdadalawang isip na ipa-pulis siya." umiiyak kong sabi. "Wala akong pakialam kung nag-iisang kapatid pa siya ni tatay. Hindi ako makakapayag na may manakit sayo..sa inyo."

Dating namasukan bilang katulong ang nanay ko sa bahay ng mga Valderamos. Labandera siya ng pamilya at tagaluto naman ang lola ko. Dalawa lang na magkapatid si Tita Lucy at si tatay. Half-brother, anak si papa sa labas ng lolo kong fil-am kung saan namin namana ang asul naming mga mata ni papa. 

Working student ng mga Valderamos si nanay at 'bestfriend' daw kuno sila ni Tita Lucy. Pero nagbago ang lahat ng malaman nitong nagkagustuhan sila ni tatay at nanay hanggang sa naging magkarelasyon silang dalawa. 

Siya ang unang tumutol. Siya din ang nanira kay nanay sa mga magulang nila. Pinapili si tatay at pinili niya si nanay kapalit ng mamanahin niya. 

Isa ang pamilya Valderamos sa mga mayayaman dito sa isla. Ang lolo ko ang may-ari ng isla Aurora beach resort pero dahil tinakwil nila si papa, ni minsan hindi kami nakapasok sa resort na yun ni nanay. Pero ayos lang walang problema sa amin. Tapos na kaming ipagsiksikan ang sarili namin sa kanila. 

Kahit na mahirap kami, puno naman ng pagmamahalan ang bahay namin. Puno kami ng pagmamahal, may respeto at pagpapahalaga sa bawat isa. Kaya hindi ko matanggap na kaya nilang saktan ang nanay ko. 

Kailanman hindi ko ito matatanggap.

Tahimik ako habang kumakain ng arroz caldo na niluto ni nanay. Ayoko sana dahil nawalan ako ng gana dahil kay tita pero ayoko namang balewalain ang effort ni nanay. Alam kong malulungkot siya kapag hindi ako kakain at ayoko nun. I want my nanay to be always happy. She deserves to be happy.

 Ilang araw na lang din ang pamamalagi ko dito sa isla dahil babalik na ako ng Manila. Matagal-tagal bago ako makauwi ulit dito sa amin.

"Dagdagan mo pa, nak, mukhang nangangayayat ka ah."malambing nitong sabi sa akin. Nilapit niya pa sa harapan ko ang isang bowl na puno ng arroz caldo." Wag kang magpapagutom doon sa Manila Langga, ha. Tumawag ka agad sa amin ni tatay kapag naubos na ang allowance mo para makapagpadala kami agad. Ayokong pumayat ang baby langga na yan."

"Nanay!" maktol ko sa kanya. 

"O bakit? Ang cute at ang ganda kaya ng baby langga na yan ni nanay. Kung pwede nga lang na samahan kita doon sa Manila para may magluluto sa pagkain mo, ginawa ko na. Kaso alam mo naman si tatay, hindi nakakatulog 'pag di ako katabi." humagikhik pa ito. 

Nga naman. Syempre karugtong ng buhay ni tatay si nanay. Si nanay ang nag-iisang ikaw ng tatay ko kaya hindi sila pwedeng paghiwalayin. But I understand it, kaya ko naman ang sarili ko. Isa pa malaki na ako, I mean hindi lang literal na malaki kundi malaki na ibig sabihin ay kaya ko ng alagaan ang aking sarili. 

I can manage my schedule very well. I'm always on the top of my class and I'm planning to keep it until I graduated.  Minsan nga di maiiwasang madaming galit sa akin pero hanapin muna nila ang pake ko. Agahan,meryenda at tanghalian ko na yan sa isla nung maliit pa ako.  Strong girl na ako ngayon. Hindi na basta matitinag ang isang Myra Gwy Valderamos na anak ni Gwyneth at Minandro Valderamos.

Full scholar ako sa university at nagtatrabaho ako bilang student assistant sa library. Minsan nagtutor ako at minsan gumagawa ako ng plates ng mga engineering students na classmate ko sa mga minor subjects . Minsan din gumagawa ako ng design ng mga bahay. Maliban sa extra income para sa akin, malaya ko pang na-eexpress ang talent ko sa pagde-design. 

At ang pinaka paborito ko sa lahat ng raket ko ay ang pagluluto. May mga kaklase kasi akong tamad magluto at gusto kumain na lang kaya ako yung taga-solve ng problema nila. Mapa-ulam man yan o meryenda basta bakante lang ang oras ko walang problema. Ako ang bahala, extra income na, nalilibre pa ako ng pangkain ko. O diba? Saan ka?

Pero ang specialty kong lutuin sa lahat na tuwing weekends na hindi ako masi-zero, ay ang Myra mixed seafoods with cajun sauce and Gwy's baked oysters with spicy butter and herbs. Yang dalawang recipe ang palaging may nag-oorder sa akin. 

Kaya nga siguro hindi din ako pumapayat kahit anong exercise ko kasi nagbe-burn ako ng 1000 calories, times ten naman yung intake ko. Pero keri lang, di bale ng mataba hindi lang magutom.

Basta 'Food is life!' forever.

All orders were online. May i*******m at f* account ako para sa mga niluluto ko. Minsan nga nangangarap ako na kapag maging successful na akong doktor at makapag-ipon na ako ng sapat, magpapatayo ako ng resto. Ewan ko ba ang dami kong gusto sa buhay. Engineer, doctor, chef, lahat na lang ata e. Pero syempre unahin ko muna pangarap nina tatay at nanay at yun ang magkaroon ng anak na doktora.

Ini-imagine ko lang ang nakangiting mukha ng mga magulang ko kapag naging doktor na ako, naiiyak na ako e. Kaya nga sila ang inspirasyon ko sa aking pag-aaral. I will be better everyday for them. 

I will be a doctor soon. By hook or by crook...to follow na lng yung iba ko pang pangarap. By God's grace,malay natin, walang  imposible diba?

But for now, doble kayod muna. Ilang taon din ang bubunuin ko para maging isang doktor. At hindi naman sa lahat ng pagkakataon malakas ang kita ni tatay sa maliit niyang farm ng talaba at tahong. Minsan wala din silang masyadong nahuhuling isda.

Haaay buhay mahirap talaga. We really have to struggle to reach our dreams. Pero kaya! Kayang-kaya!  Ako pa ba? 

Si Myra Gwy Valderamos ata 'to. Your future doctor/chef/ engineer...ay wag na pala yung engineer. Mag-aasawa na lang ako ng engineer o di kaya arkitekto. Pero in the veeeery far future pa naman yun. Syempre pangarap muna bago lovelife. 

And in my state now, sino ba ang magkakagusto sa isang babaeng majubis? Though I'm telling myself that it's fine, sometimes I felt insecure. Madami din kasing bullies sa university. I already knew that I'm fat but still they kept rubbing it in my face. 

Ano ngayon kung mataba? Atleast everyday valentine's day. Ika nga valentine's day is for chubby and mga payat maghintay kayo sa nutrition month!

Kinabukasan maaga pa lang nasa kalsada na ako. Syempre dala ko naman ang mahiwagang timba ko, this time talaba lang yung laman nito. Yun lang ang naharvest ni tatay e. Hindi ako dumaan sa mga nadaanan ko kahapon para mabilis akong makabemta. Alam mo na yung mga tao sa isla, choosy din. Kapag nakitang talaba na naman, umaayaw na agad.

"Sapphira, ano yang binebenta mo?" Tanong ko sa dalagitang may dalang basket. Huminto ito at ngumiti sa akin. 

"Hi Ate Gwy,kamusta po?" Magalang niyang bati sa akin. "Kakanin, suman, biko, sapin-sapin po itongga dala ko. " saad niyabsabay pakita sa akin ang laman ng basket niya.

As usual gandang-ganda na naman ako kay Sapphira. She has this beautiful deep set of brown eyes. Pero malungkot yung mga mata niya. 

"Bigyan mo ako limang suman at isang tub niyang biko. Magkano?" 

"35 lahat Ate." She is smiling all the time but it didn't reach her eyes. Ang alam ko, nag-isa na lang siya sa buhay.

Pagkatapos kung magbayad sa kanya ng 35 pesos, kumuha ako ng isang supot ng talaba. "Sa 'yo na, pang-ulam mo." Sabi ko. Natigilan ito at nahihiyang umiling sa akin.

"Wag na Ate, ayos lang ako. May ulam pa naman akonsa bahay."

"Wag ka na mahiya, sayo na yan. Bagong harvest yan ni tatay, fresh farm the farm, 'sing fresh nating dalawa." Biro ko at doon pa nito tinanggap ang bigay ko. "Sige na, maglalako pa ako. Ingat ka Saph ah, 'pag may kailangan ka wag kang lumapit kay Nanay at Tatay ha."

I saw her stilled for a while and then she flashed a shy smile. "Salamat Ate Gwy. Ingat po kayo."

Habang naglalakad kumakain ako ng suman. Saktong huling subo ko sa panlimang suman ko ng bigla nalang may humintong sasakyan sa gilid ko.

That black car who almost hit me yesterday. Ano naman kaya ang kailangan ng lalaking 'to ngayon?

"Good morning, Miss. Pwede magtanong?"

Hindi ko ito pinansin  at mabilis akong naglakad. Baka maaga pa lang mapaaway na naman ako mabuti na yung umiwas. Hindi pa naman ubos itong talaba na paninda ko. 

"I just want to ask where I can buy fresh mussels and oysters? Ang sabi dun sa unahan may nagtitinda daw dito?"

Umirap ako at pasimpleng tiningnan kung kasama niya ba si Miss di kagandahan, pero nag-iisa lang ito. Mabuti naman at baka maaga akong mapaaway. 

Binilisan ko ang mga hakbang ko pero  mukhang makulit ang kumag.

"Gusto ko lang naman magtanong kung saan makabili ng talaba, wag ka naman nang-iirap dyan." Aniya at mabilis na bumaba ng sasakyan niya.

As if naman totoong bibili ang kumag na 'to. Andun  yung kagustuhan kong maubos  ang binbenta ko pero nanaig yong inis ko sa kanila ng nobya niya kahapon.

"Ano pala yang dala mo?" 

Agad kong tinago ang timba sa likod ko.

"Sinong kakain?" Tanong ko sa halip na sagutin ang tanong niya. Oras na malaman ko na si Miss hindi pantay ang foundation ang kakain nuncang ibebenta ko itong talaba ko sa kanya.

Nahihiya itong nagkamot sa likod ng ulo niya. Bahagya pang namula pero grabe naman kung makatitig sa akin. Bigla tuloy akong na-conscious. I know by now I'm sweaty plus the fact na katatapos ko lang ubusin ang limang suman,malamang sa malamang nangingintab sa langis ang labi ko.

Oversized pa ang t-shirt ko at loose naman ang shorts na suot ko. Pero nakasuklay ako at nakatali ang buhok ngayon kaya keri lang.

Umangat ang isang kilay ko sa kanya dahil hindi na ito nagsalita.

 "Sinong kakain ng talaba ko?" Ulit ko.

He gave me that boyish smile and took a step towards me. Bakit siya nakangiti? May nakakatawa ba? 

Too late for me to realize my question for him dahil kinuha na nito ang timba sa likuran ko at ngumisi sa akin. He looked at me and then sa talaba ko...I mean sa nilalako kong talaba.

Bigla akong namula. Geesh nakakahiya!

"Ako..." he smirked. " Ako lang ang kakain...sa talaba mo."

Bastos!

—————————————————

Ingat po kayong lahat. GOD BLESS PO!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status