Share

Chapter 1

Author: LadyAva16
last update Huling Na-update: 2024-07-05 20:44:01

"Pssst! Chubby Bunny!"

Muntik akong mabulunan ng kinakain kong turon pagkarinig ng tawanan ng mga kaedaran kong wala na naman magawa kundi ang e-bully ako.

Ano ngayon kung chubby bunny? At least cute tsaka nag-aaral, e sila? Mga dakilang tambay at palamunin?

"Chabelita!" Sigaw ni Cynthia, feeling astigin dilaw naman ang ngipin. Pabida pa itong nakipag-apir sa mga kaibigan niya kaya nagtawanan ang mga ito.

Magtooth brush ka kaya muna Cynthia para naman pumuti yang ngipin mo?  Ang aga-agang tumambay mukhang wala pang mga mumog.

"Masarap ba yang talaba mo Myra? Baka nangangamoy na yan ah?"

Baka nga mas mabaho pa ang hininga niya sa talabang benta ko. Fresh from the farm to uy!

Pero sa halip na sumagot sa kanila pinili kong tumahimik. Deadma! Wala akong narinig! Tse ninyong lahat! Kung dati umuuwi akong luhaan sa bahay, ngayon, wala na akong pakialam. 

Maliit pa lang ako mabilog na talaga ang katawan ko. Marami  daw ang naku-cute-an sa akin dati sabi ni nanay pero ngayon naging bashers ko na. Mga bitter! 

Nadala ko na medyo extra ang size ko hanggang sa nagdalaga ako. Hindi naman as in extra, super duper majubis, keri lang naman. In-short chubby ako pero may kurba naman yong katawan ko.

Hindi ako masyadong kagandahan, hindi rin naman kapangitan, nasa average level lang pero para kina nanay at tatay ako ang pinaka maganda.Syempre ako ang one and only princess nila. Mother knows best kaya kahit majubis ako naniniwala akong pretty na rin ako. 

Tuwid ang mahaba at kulay itim kung buhok, na minsan bumubuhaghag dahil hindi naman ako mahilig magsuklay. Maputi ang kulay ng balat ko na namana ko kay nanay. May salamin ako sa mata kaya hindi masyadong napapansin ang asul na kulay nito na namana ko kay tatay at medyo may kakapalan ang kilay ko dahil hindi ko naman ito pinapabunot. 

I'm not the type of student namahilig magpaganda. Masuklay ko lang ang buhok ko at malagyan ko lang ng tawas ang kili-kili ko pagkatapos maligo ayos na sa akin. I invest more in my brain. Pero hindi din naman ako against doon sa mga mahilig magpaganda, it's just that hindi ko forte yun.

Nag-iisang anak lang ako kaya wala akong kahati sa pagkain. May maliit na tindahan si nanay at pinili ni tatay na maging isang mangingisda dahil sa pagmahahal niya kay nanay. May maliit kaming sakayang pandagat na ginagamit ni tatay kapag pumapalaot siya. Meron din kaming maliit na farm ng tahong at talaba. Doon ko kinukuha ang mga nilalako ko. 

Hindi naman talaga kailangan na maglako ako, minsan lang kapag naghaharvest si tatay. Gusto ko lang magbenta kasi ang pinagbentahan ko ay akin na. Pandagdag sa allowance ko kapag bumalik na ang klase.

I'm incoming second year BS Biology student, maaga akong nag-aral kaya kahit 17 palang, magse-second year college na ako. This is the course I took up in preparation for my med-school. I want to become a doctor. Yun kasi ang pangarap ng tatay ko pero hindi niya natupad dahil maaga silang nag-asawa ni nanay. 

Actually, pangarap kong maging engineer pero dahil mahal ko si tatay at nanay, ako na lang ang magtutuloy ng pangarap nila kahit hindi naman nila ako dinidiktahan kung anong gusto nila para sa akin.

"Feeling maganda si taba!"

O hindi pa pala tapos? Kala ko yun na yun.

Hindi ko sila pinansin, mabilis kong inubos ang turon kahit magkanda paso-paso na ang dila ko sa init. Kailangan kong malampasan ang mga 'to habang hindi pa sumasanib ang masamang ispiritu sa akin. Ayokong magtransform at baka magalusan pa ang beautiful, flawless skin ko kapag nakipag-away na naman ako. Ayaw pa naman ni nanay na umuuwi ako galing sa pakikipag-away.

Sanay na ako sa kanila at kaya ko ring ipagtanggol ang aking sarili. Bahalang magalusan basta makalaban lang yan ang motto ko,  pero dahil sabi ni nanay at tatay hayaan nalang kaya umiiwas ako. 

"Myra Chabelita, the pig in the isla." hirit ulit ni Cynthia. 

Huminto ako saglit para tingnan sila. Tinaasan ako ng kilay ni Cynthia, susupalpalin ko sana pero wag na, they are not worthy of my time and energy.  So instead, I smiled at them, showing them my braces. Wapakels kung sasabihan nilang may bakod ang ngipin ko. Strict ang parents ko e, kaya pati ngipin pinabakuran. Ano ngayon?

Kumpara kay Cynthia, mas maganda naman ako kahit medyo bilog ang katawan. Tsaka ano naman ngayon kung chabelita ako? At least matalino. Skolar! Consistent honor student at pambato ng Isla Aurora National High School dati sa mga contest.

I am the youngest valedictorian of Isla Aurora National High school and I was the only student who got 100% in the college admission exam sa university na pinapasukan ko ngayon.

"Kung ano-ano lang siguro pinapasok niyan sa bunganga kaya ganyan kataba."

Ang tagal naman maka-move on ng mga 'to.

Anong magagawa ko madaming pagkain sa bahay? Isa pa ayaw ni nanay at tatay na nagugutom ako. Kasalanan ko ba kung binibilhan ako ng pagkain ng mga magulang ko?

"Myra tabs!"

Oo alam ako! Ano ngayon kung mataba? Hihingi ka? Asa ka! Ilang taon ko ding pinag-ipunan tong baby fats ko uy!

"Myra taba! Piggy oink-oink!"

Lakasan niyo pa. Louder! Louder!

May problema ba sa pagiging mataba ko? Pagkain niyo ba kinakain ko? Masama ba maging mataba? Lahat na lang dito sa lugar namin may issue e. Kung piggy oink-oink ako, kayo mga kulang sa nutrisyon!

"Baka sa sobrang katabaan niyan maaga yan magka- highblood."

Anong high-blood? Heller?! Araw-araw akong nag-eexercise ano? Itong paglalako ko ng talaba at tahong exercise ko na din to. Najo-jogging din ako at nagsi-swimming. Hindi kagaya niyo maaga pa lang nagtsi-chismisan na.

"Walang lalaking magkakagusto dyan, mataba na nga mukha pang gusgusin. Nagmana sa nanay niyang losyang."

Ang ganda kaya ng nanay ko. Inggit lang kayo! Kahit naman hindi mamahalin ang mga damit namin malinis naman ito. Inggit lang sila kay nanay kasi kahit pagsama-samahin ang pagmumukha nilang lahat taob sila sa mala beauty queen na ganda ng nanay ko.

Isa pa wala akong pake kung walang magkakagusto sa akin. Una sa lahat, gusto ko pang maging doktora kaya wala akong time sa mga lovelife-lovelife na yan. Ayokong maging katulad sa mga kaedaran kong maaga pa lang nabuntis. May pangarap ako sa buhay. Gusto ko pang matulungan ang mga magulang ko. Magto-tour around the world pa kami ni nanay at tatay.

"Wala nang pag-asang pumayat yan si Myra, kakatapos nga lang kumain ng turon, ayan siopao na naman."

Lintek naman oh? Ano bang pakialam ninyo kung gusto ko pang kumain ng siopao e sa nagugutom ako e?

Kapag ako talaga pumayat. Who you kayong lahat sa akin!

Pero paano ba ako papayat kung lahat ng pagkain na dumadaan sa paningin ko ay nagha-heart-heart yung mata ko? Gaya na lang nitong siopao, dapat pasalubong ko itong tatlo kay nanay at tatay e, pero nilantakan ko na yung isa. Ang sabi ko pa kanina, limang turon lang ang kakainin ko pero yong mga alaga ko sa tiyan biglang nagwelga, nagsisisigaw ng siopao! siopao!

Paano ba ako magda-diet? Kung sa lahat ng pagkain, marupok ako?

Food is life! 

Ang sarap kaya kumain. And I need to eat, hindi gagana ang utak ko kung walang laman ang aking tiyan. 

"Myra ano yang dala mo?" Tawag ni Aling Salome sa akin pagkatapos kong malagpasan ang grupo nina Cynthia. 

Ayoko sanang tumigil sa kumpulan nila pero bilang respeto at pinalaki din naman ako ni nanay at tatay na marunong gumalang sa kapwa lalo na sa mga matatanda kahit hindi naman kagalang-galang, huminto parin ako sa tapat nila at nagkunwaring hindi narinig lahat ng sinabi nila sa akin kanina.

"Talaba na lang po, naubos na ang tahong dun sa unahan?" Magalang kong sagot. Pinakita ko ang tatlong nakasupot na talaba sa loob ng timba na dala ko.

"Akin na yang isang supot." Sabi ni ni Aling Estring.

"Ako din, isa." Saad ni Aling Salome."

"Dalawahin niyo na po, para maubos na itong paninda ko. Fresh po yan, 'sing fresh niyo Aling Salome." nakangiti kong offer sa huling supot sa kanya. Syempre dapat friendly pa din tayo para maubos ang tinda.

"Kuuu ikaw talagang bata ka, apaka honest mo talaga."

Muntik pa akong mabulunan ng sarili kong laway. O diba, ang daling maniwala ni Aling Salome. Pero hayaan na, atleast may pakinabang din naman pala ang pagiging chismosa nila.

"Ilang taon ka na Myra?"

Natigil ako. Related ba sa pagtitinda ng talaba ang edad ko? Pero syempre dahil magalang akong bata, sumagot pa rin ako.

"Seventeen po." malawak na ngiti kong sagot. Plastikan lang.

"May boyfriend ka na? Ay sabagay sa laki mo yang bihira na ang magkakagusto sayo. Sa panahon ngayon mas pipiliin ng lalaki ang mga sexy."

Wow kung maka-sexy naman tong si Aling Estring.

"Yong si Estrella ko, madaming nagkakagusto dun, habulin ng mga manliligaw."

Share mo lang po?

"Hindi makaka-relate tong si Myra---"

"Mauna na po ako Aling Salome, Aling Estring, madami pa kasi akong mas mahalagang gagawin sa bahay kesa magpaligaw eh." putol ko sa kanya. Nakita ko pa ang pag-ismid ni Aling Estring pero hindi ko na pinansin.

Anong nakaka-proud doon sa mga manliligaw ni Estrella na puro mga tambay? 

"Nga pala Aling Estring paki sabi sa anak mong si Estong tigilan na kakabigay sa akin ng siopao. Hindi ko nakakain kasi hindi masarap, baka daga ang sahog nun kasi pangit ng lasa."

Yun lang at nagmamadali na akong umalis sa kumpulan nila. Pakanta-kanta pa ako habang papauwi ng bahay.

Binilang ko ang perang kinita ko, bawas ang limang turon, tatlong siopao, at dalawang malaking baso ng  buko juice kanina. Dapat malaki ang maipon kong allowance para madami akong pambiling pagkain sa pasukan. 

Ano na naman kaya ang pwede kong ilako bukas? Kakanin kaya? Summer ngayon tiyak marami akong maibebenta.Lalo na kung doon ako sa isla aurora beach resort. For sure madaming mga dayo ang pupunta dito ngayon bakasyon. Pero Kumakain ba ang mga mayayaman ng kakanin? 

"Ay putek!"gulat kong sabi ng biglang may sumerbato sa likuran ko. Ang lawak-lawak ng kalsada talagang sa dadaanan ko pa talaga? Natapon pa ang timba na dala ko at feeling ko lalabas ang puso ko sa aking dibdib sa labis na pagkagulat.

 Mabilis na bumaba ang isang lalaki sa itim na sasakyan. "M-miss sorry, are you hurt?" 

Hindi ako nakagalaw agad dahil pinulot ko pa ang timba na tumapon dahil sa gulat ko. Hinawakan niya ang braso ko tiningnan kung may galos ba pero agad akong umiling. Marahan ko siyang tinulak dahil parang bigla akong napaso sa hawak niya.

"Paano ako magiging okay kung muntik mo na akong masagasaan? Ang lawak ng daan o. Paano kung nasagasaan mo ako? Paano kung namatay ako, edi iiyak yong nanay at tatay ko? Gusto mo ipapupulis kita?" gusto kong sabihin sa kanya pero iba ang lumabas sa aking bibig.

Nakahawak lang ako sa aking dibdib  at dama ko ang mabilis na tibok ng aking puso. 

"Ayos lang next time, mag-ingat kayo sa pagmamaneho." yun lang ang nasabi ko dahil tinraydor ako ng sarili kong utak, for the first time.

I was about to go pero biglang may sumigaw na babae kaya napalingon ako.

"Babe, let's go." tawag sa kanya nung babaeng nasa front seat. Nakataas pa ang kilay niya sa akin. She looks familiar to me, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. 

"Are you sure you're okay? " tumango ako. Ayokong makipag-usap ng matagal dahil naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "I can bring you to the hospital."

"Ayos lang, nagulat lang ako. Sige, mauna na ako."

"Saan ka pupunta, ihahatid kita?"

"Babe! Come here! Let's go." muling sigaw nung babae.

Dahil hindi sumagot ang lalaki, m*****a itong bumaba ng sasakyan nila. Pabalibag pa nitong sinara ang pintuan.

"What's wrong here babe?" saad nung babae sabay kawit ng braso niya sa braso nung lalaki na akala mo naman ay aagawin ko sa kanya. 

"Mauna na ak--"

 "What's your problem, Miss chubby?" nakakalokong tanong nito at pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Kriza, stop." saway nung lalaki sa kanya. 

"Why babe, she's mataba naman talaga." maarte nitong sabi may kabuntot pa itong tawa. "And it's not your fault why she's almost hit, kasalanan niya kasi haharang-harang siya sa daan. Akala mo kung sinong may-ari nitong island." 

Kung sabihin ko sayong kami ang may-ari nito baka mapahiya ka? 

"And if ever naman na nabundol mo yan baka siya pa ang magbabayad sa atin, look at her body sa laki niyan, baka mayupi pa ang car kung na-hit mo siya. O baka naman modus niya lang yan para magka-pera, kunwari nasagasaan."

There I reached my limit.

Mabilis na umigkas ang kamao ko at isang iglap lang may tinamaan na ito. Pero sa bilis ng pangyayari ibang mukha ang aking natamaan dahil mabilis din palang  humarang ang lalaki kaya siya sa kanya tumama ang kamao ko.

"Ouch!" Malakas niyang daing. Pagtingin ko sa kanya may dugo na ang ilong niya. Nagpanic ang babae at umiyak susuntukin ko din sana ito pero mabilis itong nagtago sa likod ng lalaki. 

"How dare you! Ipapu-pulis kita!"

"Go on! Do you think I'm scared?" I spatted. Humakbang ako palapit sa kanya pero mabilis itong sumiksik sa likod ng boyfriend niya. Nakita ko pa ang gulat sa mukha niya ng sumagot ako. 

" You insulted me first. You should have apologized to me 'coz your boyfriend  almost hit me. But what you did? You belittled me, bullied me. Sino ka para insultuhin ako? Dayo lang kayo dito ah. Matuto kayong sumunod sa batas dito."

"Almost lang, hindi ka naman natamaan."

"Ay gago ka pala e. Halika dito, suntukan na lang tayo o di kaya itapon kita dun sa sasakyan niyo. Prove natin yong sinasabi mong mayuyupi ang car niyo. Ano!? Gago to!" 

Wala na akong pakialam kung madami ang nakatingin sa amin. Malapit na pala kami sa bukana ng isla aurora beach resort, ang resort na tanging mga nakakaluwag-luwag sa buhay lang ang nakaka-afford.

"It's your fault, kung nakatingin ka sa road hindi mangyayari to."

"Kriza stop, go back to the car."

"No! I will sue her, she hit you. This fat gerbil need to be punished."

"Para sayo ang kamao ko dahil m*****a ka. Halika ka dito para matikman mo." malakas kong sigaw sa kanya. Maraming napatingin sa amin dahil malapit kami sa bukana ng resort. Nakita ko pa ang pinsan ko pero wala akong pakialam.

"Wag mong maliitin kaming mga taga-isla dahil pwede kitang e-reklamo para hindi na kayo makabalik dito. Maayos akong nakipag-usap sa nobyo mo kahit kayo ang may kasalanan pero ininsulto mo ako."

"I'm sorry for the trouble, Miss." hinging paumanhin nung lalaki.  Hindi ako sumagot dahil bigla akong nakadama ng inis sa kanya. Kung hindi siya humarang e di sana hindi siya ang nasuntok ko. Pa-hero!

"Let's go Kriza." saad niya sabay hila sa kamay ng babae na ayaw pang sumunod. 

"Hindi pa tayo tapos. I'll see you soon." matalim ang mga matang saad nito sa akin.

"Whatever!" irap ko sa kanya. "Next time, wag kang masyadong mayabang Miss dahil hindi ka kagandahan. Hindi sa lahat ng panahon kayo ang tama. At next time na manglait ka sa katabaan ko siguraduhin mo munang pantay ang pagkalagay ng foundation sa mukha mo at pantay ang pagkaguhit ng kilay mo ha?"

_____________________________________

Ingat po kayong lahat. God bless po!

Kaugnay na kabanata

  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 2

    "My, anong dala mo?" tanong ni Agnes sa akin, siya ang nag-iisang anak ni Nana Nita na kapitbahay namin at kaibigan ni nanay. Nakatingin ito sa siopao na dala ko. Alanganin pa itong ngumiti ng mahuli ko siyang nakatingin dito. "Siopao, o sayo na lang yang isa." sagot ko sabay dukot ng isang siopao at inabot sa kanya. Gaya ko may pagka majubis din si Agnes, medyo matangkad lang ako kaysa sa kanya kaya mas lalo akong nagmumukhang dambuhala. Kagagaling lang siguro nitong maglabada dahil halatang pagod pa ang mukha. Sila lang ng nana at tatang niya ang madaling nalalapitan ni Nanay kaya close din ako sa kanya. "Ayos lang ba?" nahihiya nitong sabi kaya ngumiti ako. Kunwari pa tong si Agnes o, pero deep inside natatakam na yan. Sabagay mas masarap tong siopao na nabili ko kesa dun sa siopao na binigay ni Estong sa akin nung nakaraan. "Tanggapin mo na bago magbago isip ko." biro ko sa kanya at mabilis niya namang kinuha sa kamay ko ang siopao. Sabi ko na nga ba."Gutom na kasi ako, My,

    Huling Na-update : 2024-07-05
  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 3

    "Langga, ayaw mo bang ipaayos natin ang buhok mo bago ka bumalik ng Maynila? Parang hindi mo na kasi naalagaan e." tanong ni nanay sa akin habang sinusuklay ang buhok ko. Andito kaming tatlo ni tatay sala ngayon dahil katatapos ko lang mag-impake. Bukas ng umaga ang balik ko ng Maynila. Vacation is over, back to school na naman. Bukas pag-alis ko alam kung malulungkot na naman sina tatay at nanay kaya heto ngayon sinusulit naming ang natitirang oras. Malulungkot din naman ako pero kailangan kong labanan. Para din naman sa kanila ang lahat ng 'to."May bagong bukas na parlor sa kanto Langga, daan muna tayo bukas doon bago ka bumyahe."My nanay is really thoughtful. Maaalaga kasi ito sa sarili kahit na may edad na. But though she aged she is still beautiful. Kahit na mumurahin at simple lang ang mga damit niya."Wag na, Nay." sagot ko sa kanya. Tumagilid pa ako para makita sa salamin kung hanggang saan na ang buhok ko. Lagpas na ang haba nito sa ilalaim ng bra ko. My hair is black and

    Huling Na-update : 2024-07-11
  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 4

    "BE MY SLAVE""What?" I shouted at his face. "ARE YOU OUT OF YOUR FUCKING MIND?! "Pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking ulo dahil sa sinabi niya. Sino siya para sundin ko? I'm bullied ever since but I wont let this one pass without fighting. Gagong to! Sino siya sa akala niya?"Who the hell are you?" kung hindi lang siya nakahawak sa dalawang kamay ko hindi ako magdadalawang isip na suntukin siya. Bakit ba? Porket babae ako, kakaya-kayanin niya na lang? Hoy ibahin mo ako."Hey chill...calm down. I'm just joking, you're so serious." he said and smiled at me like he didn't say anything. After kung muntik ng ma-highblood ngayon sasabihin niyang joke lang? Bwesit talaga, diba?"Wag ka ng magalit nagbibiro lang naman ako." ani niya, sabay kalabit sa pisngi ko. Oh share mo lang? Gago to. Lulusot pa talaga kahit obvious na. "Joke lang , smile ka na, tsaka ikaw pa ba gawin kong slave, baka master kamo." he said and winked at me.Pa-cute!"Biro? Ano close ba tayo para magbir

    Huling Na-update : 2024-07-12
  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 5

    "Myra bakit tumaba ka na naman?""Syempre pagkain kasi binabantayan ko hindi buhay ng iba?"Nasa gate palang ako yan na agad ang bumungad sa akin. Hindi naman kami close para tanungin ako ayan supalpal tuloy. Ilang linggo na akong natitimpi sa mga 'to eh.Pagkatapos ko siyang sagutin diritso na akong naglakad. Tumango lang ako kay Manong Nilo at nag-thimbs up lang ito sa akin.As usual may duty ako ngayon sa library kaya maaga ako. Kung noon, doon ako dumaan sa Arki department , simula nung nangyari yon umiikot na ako at dito na dumadaan sa tourism. Minsan doon ako sa kabilang gate dumadaan sa may liberal arts building para lang makaiwas sa kanya...sa kanila."Majubis!"Napahigpit ang hawak ko sa dala kong shoulder habang naglalakad sa gitna ng mga studyanteng nanghuhusga na namang nakatingin sa akin. "Nakakahiya si taba, hindi man lang nahiya at dun pa talaga sa arki building nila ginawa.""Does she really think that Calyx will like her? With that fat body, no one would even bother.

    Huling Na-update : 2024-07-14
  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 6

    "Where do you think you're bringing me huh?" I asked.Malayo-layo na rin ang nilakad namin pero hawak niya pa rin ang kamay ko. Lahat ng mga madadaanan namin ay napapatingin sa magkahawak naming kamay pero 'tong isa walang pakialam."I'll go with you to the library." Sagot niyang hindi nakatingin sa akin. Mas nauna din ito sa paglalakad kayo hindi ko nakikita ang reaksyon ng mukha niya. "You're dragging me." ungot ko kaya binagalan nito ang hakbang niya para magpantay kami. "let go of my hand they're looking at us.""Let them be, much better like this so that they won't bother you again." He answered like it is normal for him to hold my hand. Napaawang ang labi ko sa kanya. Unbelievable! Baka lalo pang madagdagan ang may galit sa akin after nito. Madami din kasing mga studyante ang nakatambay sa hallway at halos lahat kilala siya. Yong iba binabati pa siya at friendly niya din namang binabati pabalik. Mukha siyang kakandidatong kapitan at halos lahat ng nadadaanan namin kulang na

    Huling Na-update : 2024-07-15
  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 7

    " Langga, wait!"I heard him calling pero hindi ako lumingon. Mas dinoble ko pa ang bilis ng mga hakbang ko para lang makalayo ako sa kanya. Kulang na lang ay takbuhin ko ang distansya mula cafeteria hanggang sa department namin."Gwy, please..." muling tawag niya sa akin.Hindi pa rin ako lumingon hanggang sa tumakbo na talaga ako para tuluyang makalayo sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya ako nasundan. Hingal ako ng makarating sa loob ng classroom namin. As usual andun naman ang mapanurung tingin ng mga kaklase ko but this time walang naglakas loob na magtanong sa akin.Tahimik ako buong oras ng klase dahil pakiramdam ko sumakit ang aking ulo. Siguro dahil sa gutom o di kaya dahil naulanan ako kanina.Nawalan na din ako ng gana na kainin ang sandwich na binili ko kanina kaya nung hiningi ito ng kaklase ko binigay ko na lang din.Buong maghapon tubig lang ang laman ng aking tiyan kaya tahimik lang ako hanggang sa matapos ang pangalawang subject.Sa last subject naramdaman ko ulit n

    Huling Na-update : 2024-07-16
  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 8

    "Langga, wake up."Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa aking balikat. Pagdilat ko ng mga mata ang nag-aalalang mukha ni Calyx ang bumungad sa akin. I still feel sick, my body is burning up and I feel so cold. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi ako nakakain o dahil sa naulanan ako."I cooked for you, Langga, kumain ka muna para makainom ka ng gamot." his voice is very calm.I thought I was just dreaming. Akala ko namamalik mata lang ako habang nakatingin sa kanya. But no, he's true. Totoong andito siya sa harapan ko.But why is he still here? Nagtataka pa ako kung bakit ibang damit na ang suot niya. He's wearing now, plain white shirt and black sweat pants. Basa din ang buhok niya at mukhang katatapos niya lang maligo. Does it mean umuwi siya at bumalik lang para magluto sa akin? Pero bakit naamoy ko ang sabon at shampoo ko sa kanya? Dito ba siya naligo sa banyo ko?Maybe dito nga dahil nakita ko ang ang tuwalya na ginagamit ko na basa at naka-hanger sa pako sa likod ng pintuan.

    Huling Na-update : 2024-07-17
  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 9

    The next morning I woke up from my deep sleep because of the soothing voice from someone that is singing from my kitchen. When I opened my eyes I saw Calyx moving around feeling at home while cooking something. He's not wearing anything up, basa ang mahaba niyang buhok na basta na lang tinali at medyo pawisan ang likod. Tanging ang apron lang na ginagamit ko kapag nagluluto ako ang ginagamit niya kaya kita ko mula dito sa higaan ko ang malapad at ma-muscles niyang likod.'Cause my heart starts beating triple timeWith thoughts of loving you on my mindI can't figure out just what to doWhen the cause and cure is youBumaba ang tingin ko sa pang-upo niya. Hmm, he has nice pair of bum. Matambok ang pang-upo niya at halatang alagang gym yung katawan. Siguro maalaga din ito sa sarili. Well good for him. And it's obvious naman kasi amoy palang ulam na."Ha? Anong amoy palang ulam na ang pinagsasabi mo, Myra?" saway ko sa aking sarili, umaandar na naman kasi ang pilyang side ng utak ko.I g

    Huling Na-update : 2024-07-19

Pinakabagong kabanata

  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Epilogue (Last Part)

    This is the last part of Calyx's POV. Maraming salamat po sa inyong lahat. Thank you for being with Arch. Villegas and Doc Gwy in this wonderful journey to forever.See you in my next story, AVAngers!Amping mong tanan! Labyu All!_____________________________________"Dad, Mom, bakit niyo ako iniwan? Sana sinama niyo na lang ako." bulong ko sa hangin habang nakatitig sa lapida ng mga magulang ko. Today is my birthday. Andito na naman ako sa puntod ng mga magulang ko dahil death anniversary din nilang dalawa. Until when I will be like this? Habang buhay na lang ba akong mag-isa? Did I forever loose her? Pigilan ko na ba ang sariling umasa? Wala na ba talagang pag-asa na bumalik pa siya sa akin? Simple lang naman sana ang hiling ko. Hangad ko lang naman sana maging masaya sa buhay na to. Na kahit papano maranasan ko rin na may taong magmamahal sa akin, yung hindi ako iiwan. Pero paano pa mangyayari yun kung ako mismo ang sumira sa taong yun?"Hindi na ako naniniwala sa mga wish-wish

  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Epilogue (Part 3)

    "What's your problem Villegas?" It was Nate asking. I don't know how to explain to my friends how I ended everything between me and Gwy. Ni hindi ko nga alam paano nila nalaman na nandito ako. Oh well, paano naman palang hindi e nandito ako sa bar ni Dominguez at kasama ko ang numerong unong chismoso sa grupo namin. Ang sabi ko sa kanya gusto ko lang namang uminom pero bigla na lang nagsidatingan ang mga kaibigan ko. "Are you not gonna tell us or well beat your ass til you can't walk?" it was Hendrick this time, his voice is impatient and base on how he looked at me I know any minute matatamaan na ako ng kamao niya. "I'm sorry." I muttered and slowly bend my knees and kneeled in front of them. I lowered my head and started crying. I heard curses from them but I deserve all that. I deserve even if they will beat me. "I h-hurt her...I hurt the woman I love. I'm an ass, Dude. I'm an ass..."Walang nagsalita, hinayaan lang nila akong sabihin ko sa kanila ang lahat ng nangyari. I was c

  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Epilogue (Part 2)

    "Hi Brute how are you?" Bati ko kay Nate pero kahit hindi ko siya nakikita na-iimagine kung nakakunot na naman ang noo nito.Ganunpaman dapat relax lang ako, dapat yung pina-cool talaga na approach dahil alam mo naman si Olaf ang hirap ding tantyain ng mood. I need his help how to find information about my talaba girl pero bago yun timplahin ko muna ang mood niya. And speaking of mood, isa lang naman ang alam kong nagpapabago ng mood ni gago. Syempre ang nag-iisang brat ng buhay niya. Akala siguro ni Castillo na hindi namin alam ang sekreto niya. Pero syempre bilang kaibigan quiet lang kami, kaya nga sekreto diba?"Spill it Villegas, I don't have time for you."masungit nitong sabi.Pero himala mahaba-haba yung sinabi ni Castillo. At least kahit nagsusungit madami namang sinabi. "Brute, balita ko napaaway daw si brat. Napuntahan mo na? Pupunta kami---""I know."putol niya sa akin."O talaga Dude, kamusta siya? Ang sabi ni Hendrick nasa ospital pa daw nag--""Spill it before I cut th

  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Epilogue (Part 1)

    Today I'm here at Isla Aurora to spend my summer vacation at the beach with Tito Alfred after my 6th grade graduation. Ayoko sanang pumunta dito kaso wala na akong ibang mairarason pa kay Tito. Lahat na lang kasi ng invitation niya sa akin dine-decline ko pero ngayon wala na akong kawala. Magbabakasyon sana ako sa Davao sa hacienda nina Valderama kaso mapilit si Tito kaya wala na akong nagawa. Anyway since andito na din naman ako mas maiging mag-enjoy na lang ako dito sa beach. Matagal na din nung huli kong punta dito sa dagat. Nami-miss ko na ring maligo ang magtampisaw sa malinis na tubig.Kaya siguro gustong-gusto ni mommy na pumunta dito noon kasi maganda naman talaga ang dagat dito sa isla. Pero sana sinama niya ako para na-enjoy ko din to kasama siya. Sana naranasan ko rin yung naranasan ng ibang bata na maligo sa dagat kasama ang mommy nila."Ano ngayon kung mataba ako? Inggit lang kayo kasi mas maganda ako kesa sa inyo!"Nalipat ang tingin ko sa mga batang nag-aaway ilang dip

  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 40

    Finally! Another story has come to an end. Thank you so much Avangers ko for making it this far. Thank you for being with me in Calyx Zachary Villegas and Myra Gwy Valderamos' journey to forever. Salamat sa hindi niyo pag-iwan sa akin at higit sa lahat salamat sa mga comments niyo. You inspire me to write more. Thank you sa inyong lahat. Love you all, Avangers ko!Sana may natutunan po kayo kina Daddy Langga at Baby Langga. Thank you from the bottom of my heart.Kitakits po tayo sa next story ko, Avangers!Amping mong tanan! Labyu All!Kaya nato ni! Laban lang!____________________________________"Mommy, daddy, I'm back...I'm sorry if it took me this long to come back here."Nandito kami ni Calyx ngayon sa musuleo ng mommy at daddy niya bago kami pupunta sa isla. According to him, it's quite some time since he last visited his parents. But for whatever reasons he had I can feel the emptiness ang longingess inside his heart.Pagkarating namin kanina, pinaupo niya lang ako saka siya su

  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 39

    "I'M SORRY..."Two words only but I feel like I lost everything. My heart stopped beating, my mind became numb. Every part of my body is aching. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Everything was shattered right through my eyes.I was so hurt that I could literally feel my heart shattering into pieces. My tears were non stop and all the memories we had started flashing from the time we first met.The pain that I am feeling is killing me. I can still remember everything clearly and in detailed. All I could see now is nothing but darkess, all I could feel is pain. Endless pain.Naalala kong yung unang araw na nagkakilala kami. Yong mga pagtataray ko sa kanya at yung pagsuntok ko sa mukha niya.Yung mga araw na wala siyang ginawa kundi ang kulitin ako. Na kahit anong away ko sa kanya, tawa lang ang sinusukli niya sa akin. Na kahit ilang beses ko na siyang pinapauwi ayaw niya dahil mas gusto niyang kasama ako. Naalala ko kung paano niya ako inalagaan. Paano niya ako asika

  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 38

    "Daddy Langga, please hold on..." I said crying. His eyes are half open pero ako halos hindi ko na siya makita sa dami ng luha ko. I was panicking. I don't know what to do. My legs are shaking, my body feel week. Hawak ko ang mga kamay niya at dama ko ang mahinang pagpisil niya dito. "D-dont cry, I-i'm okay..." paputol-putol niyang sabi sa mahinang boses. "A-are you o-okay, Lang? A-are you not hurt?"Sunod-sunod akong tumango sa kanya. "Ayos lang ako, basta maging maayos ka. Please daddy, hold on..."Kahit na nahihirapan pinipilit niya pa rin ang sarili na kausapin ako. Ako pa rin ang iniitindi niya. Ako na lang palagi ang inuuna niya. Kung sana hindi niya hinarang ang sarili kanina hindi ito mangyayari ngayon."D-don't cry Lang...""Shhh...I'm okay daddy...I'm okay...Don't talk..don't talk..."pigil ko sa kanya. Mabilis kong hinawi ang mga luha sa aking pisngi saka dinala ang kamay niya sa aking puson. Maingat kong pinatong ang kamay niya doon. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa gili

  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 37

    "C-cal, what is the meaning of this?" she asked after going down from the stage. Ilang dipa lang ang layo nito mula sa amin ngayon. Ang mga magulang niya at si Armina ay nanatili sa taas ng stage kasama ang mga tauhan nila. Hindi makababa dahil mabilis na nakaakyat si William at Gaden doon. Shocked is an understatement. I want to laugh at Tamara's reaction, mukha itong natuklaw ng ahas. "Why are you with her, who is she?" Huh! I smirked. Really? She didn't know me at all? "You don't remember this lady beside me?" kunot noong tanong ni Calyx sa kanya. Pagkatpos tumingin sa akin pero nagkibit balikat lang ako sa kanya. Baka nga nagka-amnesia siya at hindi niya na ako maalala. Or maybe nabagok yung ulo niya kaya nakalimutan niya kung sino ako. "Why are you with..." hindi niya maituloy ang sasabihin. Lumakas na rin ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid. Napansin ko ang mga tauhan nina Gaden na naka-alerto na ang iba nakapalibot sa amin yung iba nasa malapit sa stage. Their guards

  • Tainted Series 6: Hiding From The Billionaire   Chapter 36

    "Good morning, Doc My, tapos naba ang consultation? Wala bang pasyente ngayon?"Maaga pa lang ito na naman ang bungad ni Agnes sa akin kaya tuloy pati ang mga brutes na nasa hapag ay sabay-sabay na napalingon sa akin na puno ng pagtataka ang mga mukha. Kakababa lang namin ni Calyx galing sa silid para sumabay sa kanila ng agahan. Alam ko kung ano ang nasa utak ni Agnes pero nagpatay malisya lang ako para hindi nila mahalata. Mukhang nasa mood siya ngayon para mang-asar sa akin. Siguro nagkasundo na sila ni Ibon niya at maaga palang maaliwalas na ang aura ng mukha ng dalaga."You still do medical mission, Doc?" ani William. Siguro alam din nila ang nagyari noon sa medical mission kaya nagtatanong ito.Hindi pa man ako nakasagot, muli na namang nagsalita si Agnes. Bida-bida na naman ito. Kung tawagin ko kaya si Falcon?"Ano ka ba Sir Will, ibang medical mission ang sinasabi ko." nakangising sagot ni Agnes. Tinaasan ko siya ng isang kilay pero wa epek kay Agnes. Nginuso niya ang pintua

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status