Share

Chapter 4

"BE MY SLAVE"

"What?" I shouted at his face. "ARE YOU OUT OF YOUR FUCKING MIND?! "

Pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking ulo dahil sa sinabi niya. Sino siya para sundin ko? I'm bullied ever since but I wont let this one pass without fighting. Gagong to! Sino siya sa akala niya?

"Who the hell are you?" kung hindi lang siya nakahawak sa dalawang kamay ko hindi ako magdadalawang isip na suntukin siya. Bakit ba? Porket babae ako, kakaya-kayanin niya na lang? Hoy ibahin mo ako.

"Hey chill...calm down. I'm just joking, you're so serious." he said and smiled at me like he didn't say anything.

After kung muntik ng ma-highblood ngayon sasabihin niyang joke lang? Bwesit talaga, diba?

"Wag ka ng magalit nagbibiro lang naman ako." ani niya, sabay kalabit sa pisngi ko.

Oh share mo lang? Gago to. Lulusot pa talaga kahit obvious na.

"Joke lang , smile ka na, tsaka ikaw pa ba gawin kong slave, baka master kamo." he said and winked at me.

Pa-cute!

"Biro? Ano close ba tayo para magbiro ka ng ganun sa akin? I don't even know you. Kung maka- BE MY SLAVE ka ah. Ano ka hari?"

"Joke nga lang kasi. Ang cute mo kayang biruin."

Feeling close si gago. "Biruin mo neknek mo. I don't even know you for you to joke like that. Naku sinasabi ko sayo, kung hindi mo hawak kamay ko kanina pa kita nasuntok."

"Zach Villegas nga pala at your service, Master."

"Do you think it's funny? Bitiwan mo nga ako." m*****a kong sabi sa kanya. I tried to move my hands but his grip tightened. Ang lakas din ni kumag, hindi ko kaya yung lakas niya kahit mataba ako.

"Friends na tayo sige na, ikaw nga dyan ang may atraso sa akin e. Baka nakalimutan mo ang ginawa mo sa akin sa isla ah?"

"And so?" maratay kong sabi. I even rolled my eyes on him saka mataray ko siyang tiningnan. I raised my brow on him but the brute is just smirking. Mukhang tuwang-tuwa talaga itong nakikitang naiinis ako sa kanya.

Nag-iinit na ang mukha ko at feeling ko namumula na ako ngayon. Una dahil nako-consious ako sa amoy ko dahil sobrang lapit niya, dagdagan pa ng pabango niyang nang-aakit ang amoy. Pangalawa sobrang lapit niya sa akin, mahihiya ang hangin sa amin dahil hindi makadaan. And lastly, it's my first time to be this closed to a guy other than my tatay.

Dagdagan pa na kaming dalawa lang ang nandito sa silid. Paano na lang kung may gustong pumasok o di kaya mahuli kami? Ano ang gagawin ko? For sure ang hunghang na 'to ay walang pakialam dahil lalaki siya. Paano naman ako? Ayokong mabahiran ang pangalang iniingatan ko dito sa university.

"LET.ME.GO." mariin kong sabi pero lalo niya lang nilapit sa akin ang katawan niya at nakangisi pa. This dumb is really enjoying huh? Kung bebetlogan kaya kita, makakangiti ka pa kaya?

"Dito muna tayo. Maaga pa naman, tambay muna tayo. First day vibes. Chillin'!

"Chillin? Are you kidding me? Hindi ako pumasok para mag-chill. Kung ikaw walang magawa sa buhay mo ibahin mo ako."

The nerve! Feeling close. Maypa vibes-vibes pang nalalaman. Buti kung wala akong trabaho katulad niya, pero kahit wala ayokong tumambay kasama siya.

"Upo muna tay--."

"May trabaho ako, maghanap ka ng ibang kasama mo." putol ko sa kanya. "Bitawan mo nga ako, male-late na ako sa work ko. Ano ba?"

"Tell me your name first." hirit niya, ngingisi-ngisi pa. Annoying!

"Ah ayaw mo talaga akong bitawan ha, pwes..." tutuhurin ko na sana ang kumag pero mas mabilis ang reflexes niya.

The last thing I know is that he is hugging me so tight. My body is caged in between his strong arms, his head is buried at the back of my shoulder and my legs are in between his thighs. I can't move my body. He is so strong and his muscles were so hard.

'Don't move." bulong niya. Dama ko ang init ng hininga niya sa aking balat. Feeling ko tuloy nagsitayuan mga balahibo ko sa aking buong katawan.

"Ano ba!? Bitawan mo nga ako? Bakit ka ba nangyayakap?" inis kong sabi.

Ugh! I don't like this. I don't like the feeling of his warm body touching mine. Para akong napapaso na ewan. Plus his natural scent mixed with the smell of his perfume is invading my senses.

"Will you please let go of me." mariin kong pakiusap but the jerk's attention is not with me anymore.

"Shhh quiet." bulong niya sa akin.

Lintek yong boobita rose ko naiipit at yung gitna mo nararamdaman ko sa aking puson! Gusto kong isigaw sa pagmumukha niya pero di ko ginawa. Baka magpi-feeling pa si gago na yun talaga ang napansin ko.

Pero yun naman talaga. Sino ba ang hindi kong parang may umbok na tumutusok sa bandang puson ko? Ang laki at ang tigas pa.

"Ano ba, Mr. whoever you are, lumayo ka nga sa akin." mariin kong sabi. Kinikilabutan ako sa...sa alam mo na.

Bumitaw yong isang kamay niya ngunit naramadaman kong binubuksan niya ang bag na nasa likod ko.

Kumawag ako para di niya makita ang laman pero lalo niya akong niyakap gamit ang isang kamay niya. May pagka-lastikaman din pala ang gagong to, kahit na mataba ako kaya niya akong pigilin sa paggalaw.

"Oh daming foods." parang bata nitong sabi, dama ko pa ang kasiyahan sa boses niya habang sinasabi yon.

"That's not for you." saway ko sa kanya pero parang aala itong narinig.

"Wow, mukhang masarap." Pakiramdam ko nakangiti pa ito. " Pahingi nung binigay mo dun kay Lucas kanina ah." He said reaching something inside my bag kahit hindi pa ako pumayag. Nagpapupumiglas ako at gusto kong sumigaw pero humihigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin.

"Hmm sarap." he said while munching. Paano niya nabuksan gamit ang isang kamay lang? "Sinong may gawa nito? Ang sarap naman."

"Busaw ka."

"Yeah I know." natatawang sagot nito at mukhang kumuha pa ulit dahil nararamdaman ko ang muling paggalaw ng kamay niya sa loob ng bag ko.

Buraot a****a!

"Ano ba, hindi yan para sayo." inis na inis na ako pero mukhang wala itong pakiramdam.

Our position is so akward plus I'm really conscious with my smell. I'm sure hindi ako amoy putok pero hindi ako sure kung yung bango ng Bambini cologne ko na nahalo sa aking pawis ay mabango din ba para sa kanya.

Hindi na ako fresh dahil sa pagtakbo ko kanina, dinagdagan pa ng pamamawis ko dahil sobra kung makayakap siya sa akin. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Kaninong silid ba itong pinasukan namin? Siguro sa kanila lang din dahil may drawing tables na nakahilera.

"Pahingi pa ha, ang sarap kasi e." hindi ako sumagot dahil kahit hindi ako pumayag wala namang silbi dahil kinain niya na.

"Nagpaalam ka pa." bulong ko pero deadma ang loko. Patuloy lang ito sa pagiging PG niya.

Sarap sakalin! Mabilaukan ka sana.

Kung ano-ano na ang iniisip ko pero si kumag walang pakialam. Feel na feel niya pa talaga ang pagkain ng mga dala ko habang nakayakap sa akin.

He is so weird. Mukhang mayaman naman pero parang patay gutom. Paano kung may lason ang pagkain ko? Tiyak, patay ang lalaking to.

"You can eat, without hugging me. Ano ba!" I wiggled pero hindi talaga ako makawala sa kanya.

"No! I'll eat like this, baka tatakbo ka." sagot niya kahit may laman ang bibig. Patay gutom talaga, di man lang nahiya. Ilan na kaya ang naubos nito? At ang balat ng suman mukhang binalik niya sa bag ko.

Ugh! He's messing everything. Napaka dugyot.

Hindi na ako gumalaw, hinayaan ko muna si gagong lantakan ang mga pasalubong na dala ko at mukhang wala din naman siyang balak na tigilan 'to.

"I'll drink your water." Saad niya, hindi pa man ako nakasagot sinipsip niya ang lid ng water bottle na baon ko. Dinig ko pa ang tunog ng lalamunan niya habang umiinom. Kapal talaga ng pagmumukha, hindi man lang nabilaukan.

"Wag ka maingay." maya-maya ay bulong nito sa akin.

We heard noises from the outside. I think his friends are looking for him.

"Saan na kaya si gago? Ang bilis nawala ah."

"Nakita ko dito dumaan."

"Oo nga dito lang yun eh, pero bakit nawala?"

"Baka pinagtaguan tayo? Nakita kong parang may hinabol e."

"Shhhh quiet." he silenced me and pushed me more on the wall. Tapos na itong kumain at kumikintab pa ang labi niya sa langis. Para itong batang pumuslit lang ng pagkain at nagmamadali para di mahuli.

"I'm handsome, I know. Thank you." pilyo itong ngumiti sa akin kaya umirap ako. Agad kong iniwas ang tingin ko sa nakangising si kumag. Pero in fairness kay kumag gwapo pa rin kahit mukhang patay gutom.

No! Hindi pala, binabawi ko na dahil ang dami niyang kinain sa baon ko. Ano pa ang ipamimigay ko doon sa mga kasamahan ko kung kinain niya na?

"Ano ba, lumayo ka nga! Hey andi--" I was about to shout but he covered my mouth with his hand.

"Don't make noise or else I'll kiss you."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nanghahamon ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Gusto ko sanang sabihing subukan niya pero baka totohanin ni gago at mawala pa ang pinaka-iingatan kong first kiss.

"Come on, shout." hamon niya sa akin. " Let's see how that reddish lips of yours taste like."

Napaka bastos talaga!

Nagpupumiglas ako para makawala pero mas humigpit ang pagyakap ng isang kamay niya sa akin.

"Pagkatapos mong kainin ang pagkain mo yan ang igaganti mo sa akin? Magdasal kang hindi ako makawala dito kundi makakatikim ka talaga."

"I'm more than willing. Ano ba ipapatikim mo sa akin? Yong talab--"

"Shut up! putol ko sa kanya. "Alam mo ikaw, kahit kailan madumi talaga yang utak mo. Bitawan mo nga ako. Ano ba?!" Nagpupumiglas na ako pero hindi pa rin ako makawala.

"Quit moving, may magigising." he warned me. Muling kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. I'm murmuring words pero hindi niya maklaro dahil sa palad niyang nakatakip sa aking bibig.

"I'll remove my hands, but if you make noise, I will really kiss you." saad niya bago inalis ang kamay niya sa bibig ko.

Dinikit niya ang tenga sa dingding. Nang wala na itong marinig na ingay bahagyang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin.

"Let's go." aniya saka pinagsalikop ang kamay namin na para talagang close kami.

"Let go of my hand." I said while looking at our intertwined fingers but he just tightened its hold on it. Hinila ko pa ito mula sa kanya pero hindi man lang lumingon ang loko sa akin. Wala na din akong lakas makipagtalo sa kanya dahil mukhang ang ligalig niya. Hindi ko mapapantayan ang energy niya. Kung makipagsabayan ako baka morning pala ubos na ako dito kay gago.

Nauna na itong maglakad papuntang pintuan habang hawak pa rin ang kamay ko. Nilingon ko ang pinanggalingan namin at baka may basurang naiwan pero wala. That proves what I was thinking earlier was true. Lahat ng balat ng pinagkainan niya ay nasa loob ng bag ko.

Ang dugyot! Ang sarap sipain.

"Come on, you'll be late." aniya, bahagyang lumingon sa akin saka ngumisi.

"Sana kanina mo pa yan naiisip." mataray kong sagot pero umismid lang si gago.

Pagtingin ko sa labi niya nangingintab ng langis ang palibot nito. Sasabihin ko sana sa kanya pero hindi ko ginawa. Bahala kang pagtawanan sa labas. Kasalanan mo dahil buraot ka.

"Hintayin mo ako pagkatapos ng duty mo sa library ha."

He said those words as if we're usually doing it. Hindi ako sumagot, ayokong pautlan ang mga sinasabi niya. It's useless, I'm just draining my energy. Isa pa hindi ko rin naman siya susundin so what's the point of arguing?

"You wait for me in the kiosk near the canteen after your duty. I will see you there after my class." Para itong sino kung makamando sa akin. I didn't speak, I didn't protest but deep inside my mind, mamuti ang mata mo sa kahihintay sa akin wala kang makikitang Myra doon. Pusta man.

" Promise me first." paniniguro niya. Nakahawak na ito sa door knob pero hindi pa rin binubuksan. Umismid ako saka umirap sa kanya pero tumawa lang si gago.

May tama ata ang utak nito. Tumatawa kahit wala na mang nakakatawa.

"Ano ba, late na ako. Sige na buksan mo na." reklamo ko. Gusto ko na talagang lumabas . Nakita kong gumalaw ang door knob at parang may bumubukas nito mula sa labas.

"Mag-promise ka munang hihintayin mo ako doon."

muling gumalaw ang door know pero this time may kasama ng katok.

"Buksan mo na."

"Promise me first." walang pakialam nitong sagot sa akin. Deadma ito sa mga kumakatok sa labas.

"Kung ayaw ko. Anong gagawin mo?"

"I'll punish you."

Bigla nag-flashback sa akin yung sinabi ni tatay kay nanay na paparusahan niya ito. Pero bakit yong kay tatay kinikilig si nanay samantalang ako, lalo lang nainis kay gago.

Pagkatapos niyang kainin ang suman ko siya pa ang may ganang magparusa sa akin? Ang kapal.

"Oo na." sabi ko na lang para matapos kahit wala naman talaga akong balak na kitain siya. Parusa his face! Nek-nek niya.

"Just make sure about that. I don't want someone playing with me."

"Yeah?" I mocked.

"Yes, Myra Gwy Valderamos. I'll definitely find and punish you. Kaya wag mo akong subukan."

Hindi niya na hinintay ang sagot ko at binuksan niya na ang pintuan. Sabay kaming natigilan dalawa dahil pagkalabas na pagkalabas namin madami ng studyanteng nakaabang sa labas ng room. Tila gulat din ang mga ito, lalo na nung makita nilang magkahawak kamay kami.

"O hi guys! Sorry for waiting..." he greeted like it's not a big deal pero gusto ko ng matunaw sa kahihiyan.

Jusko po nakakahiya! Bakit ba ako nalagay sa ganitong sitwasyon?

Palipat-lipat ang tingin nila sa akin at sa lalaking kasama ko na para bang kung may ano kaming ginawa sa loob. May tumawa pa at nagkomento tungkol sa naglalangis niyang labi. Malisyoso silang tumingin sa akin.

I want to run and hide. It's so embarassing. I know iba ang nasa isipan nila.

"Kanina pa ba kayo, pasensya na..."

"Okay lang, Dude. Basta masaya ka." Mabilis na sagot nung lalaking kulay abo ang mga mata na laging natutulog sa library. Friendly pa itong ngumiti sa akin bago lumipat ang tingin sa magkahawak na kamay namin ng lalaking kasama ko.

Masaya? Bakit naman siya magiging masaya?

"Classmates you go inside. Pagpasensyahan niyo na si Villegas." he dismissed his classmates na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa amin. This time parang gusto kong matunaw sa kahihiyan sa mga tinging pinukol nila sa amin. Yung iba nagbubulung-bulungan pa.

"Yuck! bakit kay taba pa?"

"The nerve dito pa talaga sa loob ng room."

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at akmang susugurin nito yung babaeng nasa likuran pero mabilis kong hinila ang kamay ko para paigilan siya. I don't want to put myself in this situaton pero kung susumahin, kasalanan namin.

"I need to go." mahina kong sabi sabay tingin sa kamay ko. "...kamay ko."

I tried to take my hand from him but he didn't let go. Hinila niya na ako palayo sa room nila pero nakasunod yung lalaking kulay abo ang mga mata.

"Dude, wipe your lips. Napasobra ata dahil nagmamantika." mahinang komento nung lalaki pero dinig ko naman dahil hawak niya ang kamay ko.

Feeling ko uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. I'm not dumb to know that his friend meant something with what he said.

I was about to speak to correct him pero mas nauna itong nagsalita kesa sa kin.

"Oh, oily ba? Napasobraan talaga kasi ang sarap nung kinain ko e." sagot niya sabay kuha ng panyo sa bulsa niya saka pinunas sa kanyang labi. I know he meant nothing with that pero parang namis-interpret din ng kaibigan niya dahil nakita kung ngumiwi ito saka binatukan siya.

"Gago ka, bakit dito niyo ginawa?" tanong nung laki sabay tapik sa balikat niya. "Di ka man lang naghanap ng ibang lugar?"

"Excuse me." sabat ko na. Sabay silang dalawang napalingon sa akin. "I have to go Mister, pakibitawan ang kamay ko." I gave him a cold face kaya dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko.

"Hatid na ki--."

I raised my hand mid-air to stop him. " We're not friends to start with."

Nakita kong natigilan ang kaibigan niya sa ginawa ko pero hindi ko na ito pinansin. I had too much for today. Aalis na lang ako hanggat may natitirang pang matino sa akin.

"And you, Mister." I looked at his shocked friend. "Don't always believe in what you see. It's not what you think. I'm not that type of girl to do whatever that's in your mind."

He apologetically lowered his head but I didn't say anything. Nilipat ko ang tingin sa lalaking kasama ko kanina saka diritsong tumingin sa mga mata niya.

I can see unknown emotion in his eyes but I didn't feel anything. What he did to me today will be again the next subject of my bullies.

"I hope this would be the last time you pester me." I muttered. "I don't want to be in trouble...again"

________________________________

Ingat po kayong lahat. GOD BLESS PO!

Comments (2)
goodnovel comment avatar
dith
hahahaaa naloka ako sa mamantika
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Thank you Ms A.Take care and God Bless
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status