Ang bawat tao na nakaka-salubong ni Zack ay ramdam ang nakakatakot na aura nito. Para itong haring naglalakad sa kanyang kaharian. Nais niyang kausapin ang matapang na doktor na may lakas ng loob para kalabanin siya. Ang sinasabi nilang bagong doktor.
Siya ay isang bagong batang doktor na kakarating lang sa bansa. Pero kahit pa gaano siya kagaling ay walang magtatanggol sa kanya. Lalo na tinanggihan niya noong una ang operasyon ng tagapagmana ng mga Miranda. Naging successful man ang operasyon ay hindi siya ipagtatanggol ng kahit na sino at kailangan niyang harapin ang ipapataw na parusa ni Zack. Ang taong walang pinapalampas.
Walang pasabi na tinulak ni Zack ang pinto ng opisina ni Selena.
“Sino po ang hinahanap niyo, Sir?” magalang na tanong ng nurse na naka-duty.
“Where is Dra. Enna?” malamig pa rin ang paraan ng pagkakatanong nito.
“Lumabas lang po siya sandali. Ano po pala ang kailangan niyo sa kanya?”
Tahimik lang si Zack at hindi sinagot ang tanong sa kanya ng nurse. Nahagip ng mga mata niya ang calling card na nakalagay sa ibabaw ng mesa at kinuha niya ito. Napansin naman ito ng nurse kaya tumayo ito para lumapit sa kanya.
“Kung may kailangan po kayo sa kanya ay puwede niyo siyang hintayin sa labas.” magalang na saad ng nurse kay Zack.
Pero mabilis na dumating ang direktor at pinalabas niya ang nurse.
Nang malaman kasi ng direktor na hinahanap ni Zack si Selina ay mabilis itong pumunta sa opisina ng doktor. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makarating na siya dahil wala si Selina sa loob ng office nito at tanging si Zack lang ang naroon.
“Mr. Miranda, ako na po ang humihingi ng pasensya sa naging asal niya kanina. Siguro ay pagod lang siya sa dami ng mga operasyon na ginawa niya ngayong araw. Ako ang pumilit sa kanya na gawin ang operasyon kaya siya nagalit kanina. Ako po ang may kasalanan. I’m so sorry, Mr. Miranda.”
Nais na akuin ng direktor ang kasalanan dahil ayaw niya na mapahamak si Selina. Ngunit hindi man lang tumingin sa kanya si Zack. Mahigpit ang hawak nito sa card at nilukot sa mismong harapan ng direktor.
“Siya lang ang kailangan ko. Tawagan mo siya at pabalikin na dito. I’m giving you 10 minutes.” biglang sabi ni Zack at direktang nakatingin sa mga mata ng direktor.
Kahit na namumutla sa takot ay nagawa pa rin nitong tawagan si Selena ngunit walang pakialam ang babaeng doktor.
“Wala akong pakialam sa kanya!”
Kaagad namang pinutol ng direktor ang tawag dahil alam niya na narinig iyon ni Zack at nahihiya siya.
Walang balak si Selina na bumalik kaagad sa hospital kaya naman mas pinili niya na magmaneho papunta sa bahay ng kanyang kapatid. Mahimbing na natutulog ang dalawang bata. Nang makita ni Josh ang sasakyan ni Selina ay mabilis niya itong sinalubong na may ngiti sa labi.
Palagi niya itong inaabangan dahil alam niya na kahit gaano pa ka-late ay umuuwi pa rin ito para silipin ang mga anak nito.
Para naman kay Selina ay ang tanging kakampi niya ay ang kanyang kapatid. Ito ang tanging tao na nagmamahal sa kanya ng lubos. Kaya naman nang tuluyan na siyang nakarating sa harapang ng kanyang kapatid ay walang paligoy-ligoy niya iting tinanong.
“Kuya, ilang bata ang niluwal ko?”
Nabigla si Josh pero hindi niya ito pinahalata sa kanyang kapatid. Bagkus ay ngumiti pa siya dito para ipakita na hindi siya nagulat.
“Syempre dalawa. Bakit may pangatlo pa ba?” Pabiro na tanong nito sa kanya.
Tutulungan niya sana si Selina sa hawak pero kaagad itong tumanggi.
“May bata sa ospital na kamukha ni Tristan at anak ito ni Zack.”
Natigilan si Josh sa kanyang narinig pero kumilos pa rin ito ng kalmado.
“Talaga ba? Magkamukha sila? Sa pagkakaalam ko ay ikinasal ulit si Zack sa kapatid mo na si Sarah. I think ang batang ‘yon ay 4 years old na.”
“Magsisinungaling ka ba talaga sa akin?” Malungkot na tanong ni Selina sa kanyang kapatid.
Naging tahimik ang buong paligid. Alam ni Josh na naglihim siya sa kanyang kapatid at kilala niya ito.
Alam niya na hindi nito matatanggap na ibang babae ang kinikilala ng kanyang anak. Lalo na kung ito ang dahilan ng paghihirap nito. Ngunit isang Miranda si Zack at nasa kanya ang buong kapangyarihan at walang sino man sa kanila ang may kakayahan na pigilan ito.
Ngunit mas matimbang para kay Josh ang kanyang dahilan. Ginawa niya ito para hindi makuha ni Zack ang kambal kay Selina.
“Selina, piliin mo na lang na manahimik at ‘wag magtanong ng magtanong. Ang batang iyon na ang susunod na tagapagmana ng mga Miranda. At isipin mo na lang na siya ang bayad mo sa utang mo kay Sarah. Marami na ang nagmamahal sa kanya.”
“Nagmamahal? Utang?” natatawa na tanong ni Selina.
“Ano ba ang utang ko sa kanya? Ano ba ang utang ko kay Sarah na dapat kung pagbayaran? Bakit hindi ka naniniwala sa akin? Kailangan ko bang tanggapin? Kailangan ko bang tanggapin na ang batang dinala ko sa sinapupunan ko ng siyam na buwan ay kikilalanin na ina si Sarah. Paano naman ako? Ako ang ang tunay niyang ina! You, you lied to me!”
“Maraming nagmamahal sa kanya? Pero bakit nakaratay siya ngayon sa ospital? Duguan at malubha ang lagay. Ako, ako mismo ang nagsagawa ng operasyon niya kanina! Kaya sabihin mo sa akin, mahal ba siya? Kasi kung mahal siya hindi ito mangyayari sa kanya!” hindi mapigilan ni Selina ang kanyang emosyon.
“Anong nangyari sa kanya? Sa bahay siya nakatira at marami ang nag-aalaga sa kanya doon.” halatang gulat na gulat si Josh sa kanyang narinig.
“Aalamin ko at ako mismo ang pupunta doon.” tumalikod na si Selina para umalis kaya biglang nataranta si Josh.
“Hindi ka dapat pumunta sa bahay.”
“At bakit hindi?”
“Dahil kapag nalaman nila na buhay ka pa ay baka kung ano ang gawin nila sa ‘yo.” nag-aalala na sambit ni Josh.
“Pero sinaktan nila ang anak ko. Inangkin nila ang anak ko pero pinabayaan rin nila ito!” umiiyak na saad ni Selina.
Alam niya na pipigilan siya ng kanyang kapatid. Dahil alam nito na seryoso na siya. At totoong desidido na siya na puntahan ang mga ito.
“Selena, listen to me. Sa tingin mo ba may magagawa ka? Sa tingin mo ba kaya mong labanan ang mga Miranda? Kaya mong labanan si Zack? Paano kung kunin rin niya ang kambal? Gusto mo rin ba na maging anak sila ni Sarah? Gusto mo rin ba na mawala sila sa ‘yo?”
“Gusto mo rin ba na lumaki na lang ang anak ko na iba ang kinikilala niyang ina at hindi ako?” galit na bulalas ni Selina.
“Makinig ka, walang silbi kung pupuntahan mo si Zack para kunin ang anak mo. Dahil sigurado ako na kapag nalaman niya na may kambal pa ay kukunin niya ito sa ‘yo. Kukunin niya si Tristan at Trina.”
Ang bawat salita na binitawan ng kanyang kapatid ay naghahatid sa kanya ng takot at sakit. Nasasaktan siya dahil ang buong akala niya ay may kakampi siya. Na may naniniwala sa kanya pero mali siya dahil ang taong akala niya kakampi niya ay hindi kailanman naniwala sa kanya. Kaya mapait siyang ngumiti sa kanyang kapatid.
Mabilis siyang nagpalit ng damit dahil kailangan na niyang bumalik sa hospital.
“Saan ka pupunta?”
“Babalik na ako sa ospital. Kailangan kung bantayan ang vitals ni Zayn. gusto kong bantayan ang anak ko.” sagot niya.
“Hindi safe na bumalik ka pa doon.” nag-aalala na saad ni Josh sa kanyang kapatid.
“Hindi ko kayang pabayaan na lang ang anak ko sa mga walang pusong tulad nila.”
Mabilis na bumalik si Selena sa ospital. Habang nasa daan siya ay muling bumalik sa kanyang alaala ang duguang mukha ng kanyang anak. Sa tuwing naiisip niya ang sinapit ng kanyang anak ay mas lalo siyang nasasaktan. Hindi niya kayang pigilan ang mga luha niya kaya umiiyak siya habang nagmamaneho.
Mabilis siyang nakarating sa ICU dahil comatose pa rin si Zayn at sobrang nakakaawa ang lagay nito. Pinagmasdan niya itong mabuti at napansin niya ang bakat ng kamay sa pisngi nito.
“Nandito na si mommy, wala ng mananakit sa ‘yo. Hindi ko hahayaan na saktan ka nila ulit. Ako na ang makakalaban nila.” umiiyak siya habang yakap niya ng mahigpit si Zayn.
Dahil sa ayaw niyang may makakita sa kanya ay mabilis niyang pinunasan ang kanyang luha at balak na niyang pumunta sa kanyang opisina. Inaasahan niya na wala ng tao sa ganitong
oras ngunit nagulat siya ng buksan niya ang ilaw.
“Kumusta kana?” nakangisi na tanong ni Zack sa kanya.
Lihim na napalunok si Selina pero hindi ito halata dahil sa balabal na gamit niya. Nasa harapan niya ngayon ang lalaking nakaupo sa kanyang upuan. Malamig na nakatingin sa kanya. Ang tingin na anumang oras ay bubulagta na siya. Nag-uumapaw ang kapangyarihan sa mga mata nito. Na walang kahit na sino ang may gusto na makipag titigan.Makikita na kahit naiinip na ito ay matiyaga pa rin itong naghihintay sa doktor. Nakasuot pa rin si Selina ng balabal at tanging mata lamang niya ang nakikita. “Bakit ka narito, may kailangan ka ba Mr. Miranda?” kalmado na tanong niya sa lalaki.“Nagpapanggap pa rin?” chill na tanong nito sa kanya.Napatingin si Selina sa calling card niyang nasa ibabaw ng mesa. Enna Perez ang ginamit niyang pangalan.“Ano ba ang ibig mong sabihin?”“Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako sa pagpapanggap mo? Kahit pa itago mo ang mukha mo sa akin!” mabilis na hinila ni Zack ang palabal niya at lumitaw ang buong mukha niya.“Sinasabi ko na nga ba. Tama ako!” tiim bagang na saad
Nararamdaman ni Selina ang pananakit ng kanyang siko at kamay. Hindi niya tuloy maasikaso ang iba niyang pasyente. “Dok Jerrick, pasensya ka na talaga kung naabala pa kita.” nahihiya na sabi niya sa doktor.“Okay lang, ‘wag mong isipin ‘yon. Okay lang naman din kay direktor eh.” nakangiti na sambit ng doktor.“Oo naman, walang problema. Alam ko naman na kaya mong gawin ng maayos ang mga surgeries na dapat ay kay Dok Enna.”“Salamat po. Pero alam naman natin na pagod si Dok Enna sa mga surgeries na ginawa niya kahapon. At mukhang sumusobra na ang mga Miranda sa ginawa nila kay Dok. Wala man lang ba tayong gagawin sa ginawa niyang pananakit kay Dok Enna?” biglang sambit ni Jerrick.Napabuntong hininga na lang ang Direktor dahil kahit siya masakit na ang ulo dahil sa nangyari. Pero ano nga ba ang magagawa niya laban sa mga Miranda. Makapangyarihan ang pamilyang ito.“Guys, palagi niyo sanang isipin na ang majority shareholder ng hospital natin ay ang pamilya Miranda. Kaya sa tingin niy
Nakatingin lang si Selina kay Rena. Ayon sa mga nalaman niya ay kilala ito bilang isang mabuting babae. Bilang isang maalaga at mapagmahal na tiyahin ni Zayn. Na anak ang turing niya sa bata. Ito ang pilit na paniniwala ng mga tao sa labas. Na ang babaeng nasa kanyang harapan ay ang babaeng pinaka-mabuti sa lahat.Ngunit iba ang nakikita ni Selina sa mga mata ni Zayn. Nakikita niya na natatakot ang bata kay Rena. Alam niya na ginagawa ng babae ang lahat para walang may makaalam sa totoong pagtrato niya sa bata.Ngunit may mga tanong siya na nais niyang malaman ang kasagutan at isa na doon ang tanong na. Bakit natatakot si Zayn sa kanyang tiyahin? Anong ginagawa niya sa bata? “Zayn, makinig ka ng mabuti and always remember na ako lang ang kakampi mo. May mga tao na magpapanggap na mabait sa ‘yo dahil nais ni lang mapalapit sa daddy mo. Pero ang totoo itatapon ka lang nila kapag may pagkakataon. No one understands you, only me. Ako lang ang tanging tao na nagmamahal sa ‘yo kaya makini
Natigilan si Selina sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na ilalayo nito ang anak niya at pinag-babantaan pa siya si Zack.“Anak ko siya. Alam natin pareho kung sino ang tunay niyang ina. Kaya bakit mo ako pinag-babantaan?” may diin na sambit ni Selina na sapat lamang na marinig ni Zack.Balewala lang kay Zack ang sinabi ni Selina. Malamig na tingin lang ang ibinigay nito sa kanya. Harap-harapan nitong ipinapakita kung sino siya at kung ano ba ang kaya niyang gawin. Nakaramdam man ng takot ay hindi nagdalawang isip si Selina na damputin ang tumbler na may lamang tubig at hinagis niya ito kay Zack.Kaagad namang sinalag ng lalaki ang tumbler at bumagsak ito sa sahig. Dahilan para makalikha ng ingay na kumuha ng atensyon ng mga tao sa labas.“Sana ikaw na lang ang nasa kalagayan niya ngayon. Hindi dapat ikaw ang naging ama niya.” nanggigigil na sambit ni Selina.“Iyan ba ang gusto mo?” tiim bagang na tanong niya.“Oo, dahil hinahayaan mo lang siyang palakihin ng mga masasamang tao.” ma
Hindi umalis sa ospital si Zack at binantayan niya ang anak niya. He wants to spend his time with his son kahit ilang oras lang. Aminado siya na nawalan siya ng oras sa kanyang anak dahil na rin sa trabaho at dahil na rin sa naging kampante siya na inaalagaan ang kanyang anak sa bahay ng mga Ramirez. Simula kasi noong sanggol ito ay ang mga Ramirez na ang nag-aalaga kay Zack. Wala naman siyang naging problema dahil na nakikita naman niya na maayos ang pagpapalaki ng mga ito kay Zayn. Mabait at masunurin itong bata. Wala siyang natatanggap na sumbong mula kay Rena na nahihirapan ito sa pag-aalalaga sa bata. Kaya ngayon ay hindi siya makapaniwala na tumalon ito sa bintana. pagkatapos nitong msgkulong sa silid nito. Nakatulog na si Zayn kaya naman lumabas na muna si Zack sa VIP room. Naglakad-lakad ito at sa ‘di kalayuan ay natatanaw niya ang babaeng matagal niyang hindi nakita. Ang babaeng inakala niyang patay na. Perobngayin ay bigla na lang niya itong nakita dito sa ospital at
Malapit sa pinto ng entrance ng hospital ay may nakatayo na sobrang cute at gwapong bata. Nakasuot siya ng sumbrero at kakaiba ang fashion style niya sa pananamit. Para itong binata sa kanyang porma. May hawak itong lunch box na may laman na pagkain at inumin para sa kanyang ina.Wala naman siyang balak na pumunta sa hospital but his mom forgot their birthday and that was yesterday. Kaya wala siyang ibang gusto kundi ang makita ang kanyang mommy. He was mad pero mas pinili niya na intindihin ang kanyang ina dahil alam niya na busy ito sa trabaho.Matiyaga siyang naghihintay dahil iyon rin ang bilin ng kanyang ina. Habang naghihintay siya ay may lumapit sa kanya na isang lalaki.“Senyorito? Ano po ang ginagawa niyo dito sa labas? Okay na po ba kayo?” Tanong ng lalaki sa kanya.“Ako po ba ang kinakausap niyo, kuya?” Tanong ni Tristan sa lalaki.“Opo, Senyorito. Bakit po kayo narito sa labas?” Tanong ni John na isa sa mga bodyguard ni Zack.Matagal na siyang nagtatrabaho kay Zack kaya nam
Nagtagpo ang mga mata ni Selina at Zack. Kinakabahan si Selina at sobrang bilis ng t*bok ng puso niya. Hindi niya inaasahan na napansin siya ng lalaki kanina. Ang buong akala niya ay hindi siya nito nakita. “Nakita mo rin siya kanina. Nakita mo rin si Senyorito Zayn nakasuot pa nga siya ng sumbrero. Alam ko na nakita mo siya,” saad pa ni John.Pilit na kinalma ni Selina ang kanyang sarili at iniisip kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Hindi niya pwedeng ipahalata sa mga ito na kinakabahan siya.“Ang sabi ng mga tao sa labas ay sumisigaw ang bata na kidnapper ka. Hindi na ba sapat ang sweldo mo para kumuha ka pa ng bata sa labas?” saad ni Selina sa lalaki.“Ano ba ang sinasabi mo? Hindi nga kasi ako kidnapper. Kaya ko lang naman hinawakan ang bata kanina dahil kamukha siya ni Senyorito. Hindi naman malabo ang mga mata ko para hindi ko makilala ang boss ko.” pilit pa rin na nagpapaliwanag si John ng side niya.Lumapit naman si Selina kay Zack at hindi niya pinapansin si John na hang
“Don’t be afraid, I’m here.” mahina na bulong ni Selina sa kanyang anak.“Don’t turn off the lights, please.” umiiyak pa rin na sambit ni Zayn.“Don’t cry, everything is fine.” saad niya at niyakap niya ito.Unti-unting kumalma ang bata. Binuhat niya ito at pinahiga ulit sa hospital bed. Nilinis niya ang sugat nito. Nakabukas na ngayon ang mga lahat ng ilaw at maliwanag na ang buong paligid. Pinunasan rin niya ang luha ni Zayn.“Zayn, okay lang ba na magtanong ako?” mahinahon na tanong ni Selina sa bata.Tumango naman ito bilang sagot. Ngumiti si Selina at hinawakan ang kamay ng bata.“Bakit ayaw mo na nakapatay ang mga ilaw? Natatakot ka ba talaga sa dilim?”“May mga ipis po kasi.” parang iiyak na naman na sagot nito.“Ipis?” nagtataka na tanong niya.“Opo, ipis.”“Walang ipis dito. Palaging sinisigurado ng mga tao dito na malinis ang paligid at walang ipis na maliligaw.” paliwanag ni Selina sa bata.“Really po?”“Opo, kaya matulog ka na. I’ll make sure na wala kang makikita na mga i
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
“Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”
“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit