Lihim na napalunok si Selina pero hindi ito halata dahil sa balabal na gamit niya. Nasa harapan niya ngayon ang lalaking nakaupo sa kanyang upuan. Malamig na nakatingin sa kanya. Ang tingin na anumang oras ay bubulagta na siya. Nag-uumapaw ang kapangyarihan sa mga mata nito. Na walang kahit na sino ang may gusto na makipag titigan.
Makikita na kahit naiinip na ito ay matiyaga pa rin itong naghihintay sa doktor. Nakasuot pa rin si Selina ng balabal at tanging mata lamang niya ang nakikita.
“Bakit ka narito, may kailangan ka ba Mr. Miranda?” kalmado na tanong niya sa lalaki.
“Nagpapanggap pa rin?” chill na tanong nito sa kanya.
Napatingin si Selina sa calling card niyang nasa ibabaw ng mesa. Enna Perez ang ginamit niyang pangalan.
“Ano ba ang ibig mong sabihin?”
“Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako sa pagpapanggap mo? Kahit pa itago mo ang mukha mo sa akin!” mabilis na hinila ni Zack ang palabal niya at lumitaw ang buong mukha niya.
“Sinasabi ko na nga ba. Tama ako!” tiim bagang na saad nito.
“You look disappointed? Hindi ka ba makapaniwala na buhay pa rin ako hanggang ngayon?” kalmado na tanong niya kay Zack at ngumiti pa siya.
“Malakas ang loob mo na bumalik pa rito?” galit na tanong ni Zack at muling hinuli ang leeg ni Selina para sakalin.
Napahawak naman ito sa kamay niya para pigilan ito.
“Ayaw mo na akong bumalik para maging masaya na kayo ni Sarah? Pasensya kana pero buhay pa rin ako hanggang ngayon!”
“Wala kang karapatan na banggitin ang pangalan ni Sarah!” sigaw nito at mas hinigpitan pa ang hawak sa leeg niya.
“Oh, bawal pa lang banggitin ang pangalan ng bago mong asawa? May batas na ba na ginawa na paparusahan ang magbabanggit sa pangalan niya? Sa mga narinig ko ay masaya ang buhay niya at nagkaroon kayo ng anak. Ang anak na ngayon ay nakahiga sa loob ng ICU.” nakangisi na saad ni Selena pero sa kaloob-looban niya ay nanggagalaiti na siya sa galit.
Nawala sa isipan ni Selina na para kay Zack ay siya ang may kasalanan kung bakit comatose si Sarah. Ngunit wala siyang pinagsisihan sa mga sinabi niya dahil wala naman siyang kasalanan. Hindi siya ang dahilan ng lahat kahit pa ito ang pilit na pinaniniwalaan ni Zack.
“Paano ka pa nakaka-ngiti ng ganito?” nanggigil na tanong nito sa kanya.
“Bakit naman hindi? Dapat ba umiyak ako?”
“Kung ikaw ang nasaktan noon, sa tingin mo kaya mo pang ngumiti ngayon?”
“Hindi niya ako kasing swer—”
Hindi niya magawang tapusin ang sasabihin dahil sa bigla na lang siyang binalibag ni Zack. Napahawak siya sa kanyang balakang dahil nakaramdam siya ng sakit. Kahit ang mga siko niya ay masakit rin.
Galit pa rin ito sa kanya. Siya pa rin ang sinisisi nito kahit pa pala patay na siya. Ngayon niya mas naiintindihan kung bakit pinababayaan lang ni Zack ang anak niya. Kung bakit pinapabayaan lang nito si Zayn. Wala siyang puso, napakasama niyang tao. Ang lahat ng galit niya ay ibinuntong niya sa bata. Sa walang kalaban-laban na bata.
Naikuyom ni Selina ang kanyang mga palad sa galit na nararamdaman niya sa lalaki.
“Mas makabubuti na hindi na gumising si Sarah. Ang mga katulad niya ay dapat lang na manatili na lamang sa hospital. At kung sakali man na mamatay na siya ay maghahanap ka na ng bagong asawa. Tulad ng ginawa mo noon, tulad ng sinapit ng dati mong asawa!” pilit niyang pinipigilan ang luha na nais kumawala sa kanyang mga mata at pilit na tinitiis ang sakit na nararamdaman niya.
“Sa tingin mo ba ay hindi ko kaya na patayin ka?” mariin na tanong nito at mabilis niya itong sinampal.
“Then do it! Sa tingin mo ba ay takot akong mamatay. Minsan na akong bumangon sa hukay kaya hindi mo na ako masisindak pa!” puno ng tapang na sambit ni Selina.
Para namang natigilan si Zack. Five years ago ay pumunta siya sa ospital pero wala siyang naabutan na Selina. Wala na ito roon at hindi alam kung nasaan na ang bangkay nito.
“Umalis kana at ‘wag ka ng bumalik pa ulit! Umalis ka habang may awa pa ako sa ‘yo.” mariin na sambit ni Zack.
“Sa ating dalawa ay ikaw ang dapat na umalis. Lumabas ka sa opisina ko!” walang takot na pagtataboy ni Selina sa lalaki.
Hindi naman makapaniwala si Zack na ganito na katapang ang babaeng ito. Ang babae na nakasama niya sa loob ng tatlong taon.
“Pinagsisihan ko na nagpakasal pa ako sa ‘yo noon!”
Kaagad naman kumunot ang noo ni Selina sa kanyang narinig mula sa lalaki. Hindi niya maintindihan at hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Paano nito nasasabi ang mga salitang iyon?
“Ikaw pa ang nagsisisi? O baka naman ako ang dapat na magsabi ng salitang ‘yan? Ikaw, ikaw ang isa sa mga pinagsisihan ko. Naging tanga ako noong magpakasal ako sa ‘yo. Ikaw ang pinaka-maling desisyon ko!”
Nakatingin lang si Zack sa kanya at halata na hindi nito nagustuhan ang kanyang mga sinabi.
“Ibalik mo sa akin si Zayn.”
“Karapat-dapat ka bang maging ina niya?” tanong naman ni Zack kaya naikuyom ni Selina ang kanyang mga palad.
“Oo, dahil ako ang tunay niyang ina. Hindi ko hahayaan na kilalanin niyang ina si Sarah. Anak ko siya at hindi mo siya kailangan sa tabi mo. Hindi, dahil hindi mo naman siya mahal!”
“Hindi siya sa ‘yo.”
“Tao ka pa ba? May konsensya ka man lang ba? Sobrang sama mo! Alam natin pareho na akin siya. Na galing siya sa akin!” sigaw ni Selina sa lalaki.
“Huwag kang lalapit kay Zayn!” saad ni Zack at padabog na sinara ang pinto ng opisina ni Selina.
Marami ang nagulat sa lakas ng kalabog ng pinto. At nakita nila na lumabas si Zack sa loob ng opisina ni Dr. Selina. Mabilis naman na pumasok ang mga staff para silipin ang lagay ng doktora.
“Dok, okay ka lang ba?”
“Sinaktan ka ba niya?” sunod-sunod na tanong ni Dr. Jerrick.
“Okay lang ako at wala ito.” nakangiti pa na sagot ni Selina.
“May gasgas ang siko mo at may dugo ang gilid ng labi mo. Kaya paano mo nasasabi na okay ka lang?”
“Don’t worry about me. I’m totally fine.”
Nakaramdam naman ng inis ang mga kasama ni Selina sa trabaho para kay Zack. Alam ng lahat na arogante ito ngunit hindi sila makapaniwala na sa kabila ng ginawa ni Dr. Selena ay naging bayolente pa rin ito. Ngunit hindi rin nila mapigilan na hindi humanga sa batang doktor sa pagiging matapang nito.
Ngunit naroon pa rin ang takot nila dahil hindi nito kilala ang binabangga nito.
Nararamdaman ni Selina ang pananakit ng kanyang siko at kamay. Hindi niya tuloy maasikaso ang iba niyang pasyente. “Dok Jerrick, pasensya ka na talaga kung naabala pa kita.” nahihiya na sabi niya sa doktor.“Okay lang, ‘wag mong isipin ‘yon. Okay lang naman din kay direktor eh.” nakangiti na sambit ng doktor.“Oo naman, walang problema. Alam ko naman na kaya mong gawin ng maayos ang mga surgeries na dapat ay kay Dok Enna.”“Salamat po. Pero alam naman natin na pagod si Dok Enna sa mga surgeries na ginawa niya kahapon. At mukhang sumusobra na ang mga Miranda sa ginawa nila kay Dok. Wala man lang ba tayong gagawin sa ginawa niyang pananakit kay Dok Enna?” biglang sambit ni Jerrick.Napabuntong hininga na lang ang Direktor dahil kahit siya masakit na ang ulo dahil sa nangyari. Pero ano nga ba ang magagawa niya laban sa mga Miranda. Makapangyarihan ang pamilyang ito.“Guys, palagi niyo sanang isipin na ang majority shareholder ng hospital natin ay ang pamilya Miranda. Kaya sa tingin niy
Nakatingin lang si Selina kay Rena. Ayon sa mga nalaman niya ay kilala ito bilang isang mabuting babae. Bilang isang maalaga at mapagmahal na tiyahin ni Zayn. Na anak ang turing niya sa bata. Ito ang pilit na paniniwala ng mga tao sa labas. Na ang babaeng nasa kanyang harapan ay ang babaeng pinaka-mabuti sa lahat.Ngunit iba ang nakikita ni Selina sa mga mata ni Zayn. Nakikita niya na natatakot ang bata kay Rena. Alam niya na ginagawa ng babae ang lahat para walang may makaalam sa totoong pagtrato niya sa bata.Ngunit may mga tanong siya na nais niyang malaman ang kasagutan at isa na doon ang tanong na. Bakit natatakot si Zayn sa kanyang tiyahin? Anong ginagawa niya sa bata? “Zayn, makinig ka ng mabuti and always remember na ako lang ang kakampi mo. May mga tao na magpapanggap na mabait sa ‘yo dahil nais ni lang mapalapit sa daddy mo. Pero ang totoo itatapon ka lang nila kapag may pagkakataon. No one understands you, only me. Ako lang ang tanging tao na nagmamahal sa ‘yo kaya makini
Natigilan si Selina sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na ilalayo nito ang anak niya at pinag-babantaan pa siya si Zack.“Anak ko siya. Alam natin pareho kung sino ang tunay niyang ina. Kaya bakit mo ako pinag-babantaan?” may diin na sambit ni Selina na sapat lamang na marinig ni Zack.Balewala lang kay Zack ang sinabi ni Selina. Malamig na tingin lang ang ibinigay nito sa kanya. Harap-harapan nitong ipinapakita kung sino siya at kung ano ba ang kaya niyang gawin. Nakaramdam man ng takot ay hindi nagdalawang isip si Selina na damputin ang tumbler na may lamang tubig at hinagis niya ito kay Zack.Kaagad namang sinalag ng lalaki ang tumbler at bumagsak ito sa sahig. Dahilan para makalikha ng ingay na kumuha ng atensyon ng mga tao sa labas.“Sana ikaw na lang ang nasa kalagayan niya ngayon. Hindi dapat ikaw ang naging ama niya.” nanggigigil na sambit ni Selina.“Iyan ba ang gusto mo?” tiim bagang na tanong niya.“Oo, dahil hinahayaan mo lang siyang palakihin ng mga masasamang tao.” ma
Hindi umalis sa ospital si Zack at binantayan niya ang anak niya. He wants to spend his time with his son kahit ilang oras lang. Aminado siya na nawalan siya ng oras sa kanyang anak dahil na rin sa trabaho at dahil na rin sa naging kampante siya na inaalagaan ang kanyang anak sa bahay ng mga Ramirez. Simula kasi noong sanggol ito ay ang mga Ramirez na ang nag-aalaga kay Zack. Wala naman siyang naging problema dahil na nakikita naman niya na maayos ang pagpapalaki ng mga ito kay Zayn. Mabait at masunurin itong bata. Wala siyang natatanggap na sumbong mula kay Rena na nahihirapan ito sa pag-aalalaga sa bata. Kaya ngayon ay hindi siya makapaniwala na tumalon ito sa bintana. pagkatapos nitong msgkulong sa silid nito. Nakatulog na si Zayn kaya naman lumabas na muna si Zack sa VIP room. Naglakad-lakad ito at sa ‘di kalayuan ay natatanaw niya ang babaeng matagal niyang hindi nakita. Ang babaeng inakala niyang patay na. Perobngayin ay bigla na lang niya itong nakita dito sa ospital at
Malapit sa pinto ng entrance ng hospital ay may nakatayo na sobrang cute at gwapong bata. Nakasuot siya ng sumbrero at kakaiba ang fashion style niya sa pananamit. Para itong binata sa kanyang porma. May hawak itong lunch box na may laman na pagkain at inumin para sa kanyang ina.Wala naman siyang balak na pumunta sa hospital but his mom forgot their birthday and that was yesterday. Kaya wala siyang ibang gusto kundi ang makita ang kanyang mommy. He was mad pero mas pinili niya na intindihin ang kanyang ina dahil alam niya na busy ito sa trabaho.Matiyaga siyang naghihintay dahil iyon rin ang bilin ng kanyang ina. Habang naghihintay siya ay may lumapit sa kanya na isang lalaki.“Senyorito? Ano po ang ginagawa niyo dito sa labas? Okay na po ba kayo?” Tanong ng lalaki sa kanya.“Ako po ba ang kinakausap niyo, kuya?” Tanong ni Tristan sa lalaki.“Opo, Senyorito. Bakit po kayo narito sa labas?” Tanong ni John na isa sa mga bodyguard ni Zack.Matagal na siyang nagtatrabaho kay Zack kaya nam
Nagtagpo ang mga mata ni Selina at Zack. Kinakabahan si Selina at sobrang bilis ng t*bok ng puso niya. Hindi niya inaasahan na napansin siya ng lalaki kanina. Ang buong akala niya ay hindi siya nito nakita. “Nakita mo rin siya kanina. Nakita mo rin si Senyorito Zayn nakasuot pa nga siya ng sumbrero. Alam ko na nakita mo siya,” saad pa ni John.Pilit na kinalma ni Selina ang kanyang sarili at iniisip kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Hindi niya pwedeng ipahalata sa mga ito na kinakabahan siya.“Ang sabi ng mga tao sa labas ay sumisigaw ang bata na kidnapper ka. Hindi na ba sapat ang sweldo mo para kumuha ka pa ng bata sa labas?” saad ni Selina sa lalaki.“Ano ba ang sinasabi mo? Hindi nga kasi ako kidnapper. Kaya ko lang naman hinawakan ang bata kanina dahil kamukha siya ni Senyorito. Hindi naman malabo ang mga mata ko para hindi ko makilala ang boss ko.” pilit pa rin na nagpapaliwanag si John ng side niya.Lumapit naman si Selina kay Zack at hindi niya pinapansin si John na hang
“Don’t be afraid, I’m here.” mahina na bulong ni Selina sa kanyang anak.“Don’t turn off the lights, please.” umiiyak pa rin na sambit ni Zayn.“Don’t cry, everything is fine.” saad niya at niyakap niya ito.Unti-unting kumalma ang bata. Binuhat niya ito at pinahiga ulit sa hospital bed. Nilinis niya ang sugat nito. Nakabukas na ngayon ang mga lahat ng ilaw at maliwanag na ang buong paligid. Pinunasan rin niya ang luha ni Zayn.“Zayn, okay lang ba na magtanong ako?” mahinahon na tanong ni Selina sa bata.Tumango naman ito bilang sagot. Ngumiti si Selina at hinawakan ang kamay ng bata.“Bakit ayaw mo na nakapatay ang mga ilaw? Natatakot ka ba talaga sa dilim?”“May mga ipis po kasi.” parang iiyak na naman na sagot nito.“Ipis?” nagtataka na tanong niya.“Opo, ipis.”“Walang ipis dito. Palaging sinisigurado ng mga tao dito na malinis ang paligid at walang ipis na maliligaw.” paliwanag ni Selina sa bata.“Really po?”“Opo, kaya matulog ka na. I’ll make sure na wala kang makikita na mga i
“Anong ginagawa mo? Nababaliw ka na!” galit na turan ni Selina sa lalaki.Nagkatinginan silang dalawa hanggang sa biglang hinawakan ni Zack ang kanyang mukha. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at inilapit ang mukha nito sa kanya. “Sa tingin mo ba naiisahan mo ako?” “Ano ba ang sinasabi mo?”“Stop acting like hindi mo alam ang sinasabi ko. Gusto mong itakas ang anak ko? Sa tingin mo hahayaan kita?”Napalunok si Selina dahil paano nalaman ni Zack ang balak niya. Masyado bang halata ang intensyon niya. Hindi siya puwedeng umamin. Hindi niya puwedeng ipahalata na tama ang hinala nito.“Nababaliw ka na. Sa tingin mo gagawin ko ‘yon? Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ng anak ko?”“Ito ang tandaan mo. Huwag na ‘wag mong susubukan na ilayo sa akin si Zayn.”“Bitiwan mo nga ako at itigil mo na itong kalokohan mo! Huwag mong isturbuhin ang tulog ng anak ko.” buong lakas na itinulak ni Selina si Zack palayo sa kanya.Nang muling bumalik ang ilaw ay mabilis na lumabas si Selina sa VIP room na m
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
“Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”
“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit