THANK YOU SO MUCH PO!
Nagtagpo ang mga mata ni Selina at Zack. Kinakabahan si Selina at sobrang bilis ng t*bok ng puso niya. Hindi niya inaasahan na napansin siya ng lalaki kanina. Ang buong akala niya ay hindi siya nito nakita. “Nakita mo rin siya kanina. Nakita mo rin si Senyorito Zayn nakasuot pa nga siya ng sumbrero. Alam ko na nakita mo siya,” saad pa ni John.Pilit na kinalma ni Selina ang kanyang sarili at iniisip kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Hindi niya pwedeng ipahalata sa mga ito na kinakabahan siya.“Ang sabi ng mga tao sa labas ay sumisigaw ang bata na kidnapper ka. Hindi na ba sapat ang sweldo mo para kumuha ka pa ng bata sa labas?” saad ni Selina sa lalaki.“Ano ba ang sinasabi mo? Hindi nga kasi ako kidnapper. Kaya ko lang naman hinawakan ang bata kanina dahil kamukha siya ni Senyorito. Hindi naman malabo ang mga mata ko para hindi ko makilala ang boss ko.” pilit pa rin na nagpapaliwanag si John ng side niya.Lumapit naman si Selina kay Zack at hindi niya pinapansin si John na hang
“Don’t be afraid, I’m here.” mahina na bulong ni Selina sa kanyang anak.“Don’t turn off the lights, please.” umiiyak pa rin na sambit ni Zayn.“Don’t cry, everything is fine.” saad niya at niyakap niya ito.Unti-unting kumalma ang bata. Binuhat niya ito at pinahiga ulit sa hospital bed. Nilinis niya ang sugat nito. Nakabukas na ngayon ang mga lahat ng ilaw at maliwanag na ang buong paligid. Pinunasan rin niya ang luha ni Zayn.“Zayn, okay lang ba na magtanong ako?” mahinahon na tanong ni Selina sa bata.Tumango naman ito bilang sagot. Ngumiti si Selina at hinawakan ang kamay ng bata.“Bakit ayaw mo na nakapatay ang mga ilaw? Natatakot ka ba talaga sa dilim?”“May mga ipis po kasi.” parang iiyak na naman na sagot nito.“Ipis?” nagtataka na tanong niya.“Opo, ipis.”“Walang ipis dito. Palaging sinisigurado ng mga tao dito na malinis ang paligid at walang ipis na maliligaw.” paliwanag ni Selina sa bata.“Really po?”“Opo, kaya matulog ka na. I’ll make sure na wala kang makikita na mga i
“Anong ginagawa mo? Nababaliw ka na!” galit na turan ni Selina sa lalaki.Nagkatinginan silang dalawa hanggang sa biglang hinawakan ni Zack ang kanyang mukha. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at inilapit ang mukha nito sa kanya. “Sa tingin mo ba naiisahan mo ako?” “Ano ba ang sinasabi mo?”“Stop acting like hindi mo alam ang sinasabi ko. Gusto mong itakas ang anak ko? Sa tingin mo hahayaan kita?”Napalunok si Selina dahil paano nalaman ni Zack ang balak niya. Masyado bang halata ang intensyon niya. Hindi siya puwedeng umamin. Hindi niya puwedeng ipahalata na tama ang hinala nito.“Nababaliw ka na. Sa tingin mo gagawin ko ‘yon? Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ng anak ko?”“Ito ang tandaan mo. Huwag na ‘wag mong susubukan na ilayo sa akin si Zayn.”“Bitiwan mo nga ako at itigil mo na itong kalokohan mo! Huwag mong isturbuhin ang tulog ng anak ko.” buong lakas na itinulak ni Selina si Zack palayo sa kanya.Nang muling bumalik ang ilaw ay mabilis na lumabas si Selina sa VIP room na m
Mabilis na naglakad si Rena para puntahan ang pakialamera na doktor. Nais niya itong kausapin dahil nagagalit na siya pakikialam nito. Hindi niya matanggap na nagiging malapit na ito kay Zayn. “Where is she?” tanong niya.“Wala po siya dito. May kailangan po ba kayo sa kanya?” tanong ng nurse.“Pupunta ba ako dito kung wala akong kailangan, boba!” naiinis na sabi niya at mabilis na lumabas sa opisina ng doktor.Naiwan naman na hindi makapaniwala ang nurse. Ang buong akala niya ay mabait ito ngunit ngayon niya napatunayan na masama pala talaga ang ugali ni Rena. Dumiretso si Rena sa opisina ng direktor dahil nais niya na ito na mismo ang kausapin. Pagpasok pa lang niya kaagad niyang sinabi ang pakay niya sa pagpunta.“Wala ka bang balak na gawin tungkol sa pakialamera mong doktor?” “Anong ibig niyong sabihin? Anong ginawa ni Dok Enna?” naguguluhan na tanong ng direktor.“Masyado siyang bida-bida at pinapakialaman niya si Zayn.”“Miss Ramirez, our doctor is only doing their job. Per
“I–Ikaw?” Para namang napako si Rena sa kanyang kinatatayuan dahil nasa harapan niya ang babaeng hinding-hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya. Ang pamilyar na mukha na matagal na niyang hindi nakita. Kaya pala pamilyar sa kanya ang mga mata nito. Kahit pa natatakpan ng balabal ang mukha nito ay pamilyar ang mga mata nito. Kaya pala ay kakaiba siyang nararamdaman. Ang pamilyar na pakiramdam niya tuwing nasa malapit si Selina.Ang buong akala niya ay patay na ito. Pero bakit nasa harapan niya ito ngayon? Pumikit siya at muling dumilat. Nais niyang maka-sigurado kung tama ba ang nakikita ng mga mata niya.Buhay nga talaga ito at nasa kanyang harapan na ngayon. Malamig ang mga mata nito. Nababanaag sa mukha nito ang galit. Ngayon niya naiintindihan kung bakit ito galit na galit sa kanya. Alam na siguro nito na ito ang tunay na ina ni Zayn. pilit na pinapakalma ni Rena ang kanyang sarili.“B–Buhay ka?” nauutal na tanong nito sa kanya.“Hindi ka ba makapaniwala na buhay pa ako?
“Hahaha, sa tingin mo ba ay kilala ka niya? Sa tingin mo sino ka?” natatawa na tanong ni Rena kay Selina.“Hindi niya ako kilala dahil isiniksik niyo sa utak niya na si Sarah ang mommy niya.” galit na turan nito.Alam ni Selina na si Rena ang nagpalaki sa kanyang anak. Na ito ang mas nakakakilala sa bata kaya malakas ang loob nito na takutin at pasunurin ito sa mga nais nitong gawin. At ngayon na nasa ospital ang bata ay alam niya na ito pa rin ang nais ng mga Miranda na mag-alaga kay Zayn.She is fully aware na kapag nalaman ng mga Miranda na buhay siya at kahit siya pa ang nagsagawa ng operasyon ay hindi siya hahayaan ng mga ito na makalapit sa bata.Natuwa ang mga Miranda at Ramirez noong nalaman nila na patay na siya kaya hindi hahayaan ng mga ito na bumalik siya sa buhay ni Zack at Zayn.“Hahaha, dahil siya ang kapalit ng kasalanan mo sa kapatid ko.”“Hindi ko siya pinalaki para lang kilalanin ka niyang ina dahil si Ate lang ang mommy niya. At sa tingin mo ba mapapasunod mo si Za
Ang balak ni Selina na pumunta sa laboratory ay hindi niya ginawa dahil mas pinili niya na pumunta sa rooftop para magpahangin. Ayaw niyang makita siya ng mga ka-trabaho niya na umiiyak. Habang nakatanaw sa ibaba ay hindi na naman niya mapigilan ang luha niya.Nasasaktan talaga siya para sa anak niya. Mahirap para sa kanya na makita ma may pinagdadaanan ang kanyang anak. Sabik siya sa kanyang anak pero may limitasyon ang dapat niyang gawin dahil hindi siya kilala ni Zayn. Pinunasan niya ang kanyang luha at huminga ng malalim. “Kaya mo ito, hindi ka puwedeng panghinaan ng loob. Kailangan mong mag-isip ng mabuti para sa mga dapat mong gawin,” saad niya sa sarili bago pumasok ulit sa loob.“Dok Enna, mabuti naman at nandito ka na. Lumabas na ang test results ni Zayn.” saad ni Jerrick.Binigay niya ang test results kay Selina at binasa ito ng babae. Naikuyom niya kanyang mga palad sa galit. Napakabata pa ng kanyang anak para magkaroon ng trauma. Parang sinasaks*k ang puso niya nakikita n
Walang halos pagkakaiba sa dalawang bata. Ang ilong, labi at hulma ng mukha ay magkatulad na magkatulad talaga. Ang buong akala ni Tristan ay baka magkapatid sila pero ang sabi ni Zayn ay may mommy ito may sakit. Nakatingin na lang siya at nakatitig sa mukha ni Zayn. Para siyang nakatingin sa salamin.“Oo nga, magkamukha tayong dalawa.”“Pero paano? Hindi naman tayo magkapatid.” saad naman ni Tristan.“Hindi ko rin alam.” naguguluhan rin na turan ni Zayn.“Para kasi tayong kambal na dalawa.”“May mommy ako at may mommy ka rin kaya imposible ang sinasabi mo.”“What if magkapareho tayo ng daddy? Kaya lang hindi ko naman kilala ang daddy namin. Kaya paano ko malalaman,” biglang naging malungkot si Tristan.“Bakit wala kang daddy? Nasaan daw ba ang daddy mo?” “Hindi ko alam, pero paano kung half brother pala kita—”“Hindi mangyayari ‘yan! Ang mommy ko lang ang mahal ng daddy ko na kahit pa may sakit ito ay walang ibang babae ang daddy ko kaya imposible ang sinasabi mo!” biglang nainis na
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
“Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”
“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit