Napaupo na lang si Selina sa kanyang upuan. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Matalino ang anak niya at alam niya na hindi niya ito basta-basta maloloko. Ilang beses siyang bumuntong hininga at napahawak sa kanyang ulo dahil pakiramdam niya magkakasakit siya sa sobrang kaba niya kanina. Pumikit muna siya at umidlip dahil kulang rin ang tulog niya. After two hours ay nagising na si Selina at ang una niyang ginawa ay tinawagan niya ang kanyang kapatid para kamustahin ang kanyang mga anak.“Josh, ‘wag mong hayaan na makaalis ulit si Tristan d’yan. Hindi sila puwedeng makita ni Zayn at Zack.”“Okay, ako ang bahala sa kanya.” sagot nang kapatid niya mula sa kabilang linya.“Salamat, Josh.”Ibinaba niya ang tawag ang lumabas sa kanyang opisina para puntahan si Zayn. Pagdating niya sa VIP room ay mahimbing itong natutulog. Umupo siya sa tabi nito at kinausap niya ito dahil alam ni Selina na hindi siya maririnig ng kanyang anak.“Sorry, anak kung wala ako noong mga panahon
“Wow! Ang taas naman nitong building,” namamangha na bulalas ni Tristan habang nakatayo sa harap ng Miranda Company.Ibinaba siya ng taxi driver sa mismong harap ng company. Binayad niya ang mga barya na naipon niya sa alkansya niya. At may natira pa siyang pera para pamasahe niya pauwi sa bahay ng uncle niya.Ilang minuto rin na nakatayo si Tristan sa labas ng Miranda Company. Hindi niya akalain na ganito kayaman ang ama ni Zayn. Ang akala niya lang ay isa sa mayaman pero hindi lang pala mayaman kundi ubod ng yaman. Huminga muna siya ng malalim bago siya nagpasya na pumasok na sa loob ng company. Pagpasok niya ay nakatingin sa kanya ang guards at binati siya. Ngumiti siya sa mga ito na lubos na ikinataka ng mga nakakita sa kanya. Hindi naman niya ito binigyan ng pansin at naglakad siya sa information desk para itanong ang floor ng opisina ni Mr. Zack.“Young master, gusto niyo po ba na samahan ko kayo?” Tanong ng babae kay Tristan.“Hindi na kailangan. I can go there on my own.”“Ar
“May iba pa po ba kayong mahal maliban kay mommy? May ibang babae ka pa po ba?” parang naiiyak na tanong ni Zayn na ikinagulat ni Zack.Hindi niya inaasahan na magtatanong ng ganito ang kanyang anak.“Zayn, bakit mo tinatanong ang bagay na ‘yan?”“Gusto ko lang malaman, may iba po ba?” tanong ulit ni Zayn at tuluyang pumatak ang kanyang luha.“Hush, don’t cry. Wala akong ibang babae. Ang mommy mo lang at wala ng iba.” mabilis na paliwanag ni Zack sa kanyang anak.“Pero si mommy po ba talaga ang mommy ko?” wala sa sarili na tanong niya ng maalala niya si Tristan.“Bakit mo tinatanong ang bagay na ‘yan?” nagpipigil ng kanyang galit si Zack.“Posible po kaya na maging magkamukha ang dalawang tao kahit na hindi sila magkapatid?” patuloy pa rin na nagtatanong si Zayn.“Ang alam ko ay kambal lang ang puwedeng maging magkamukha. Kaya imposible na maging magkamukha ang dalawang tao na hindi sila magkapatid. Twins born with the face are called identical twins.” “Daddy, kailan po ba magigising
Ganadong nagtatrabaho si Selina at hindi maalis-alis sa labi niya ang ngiti. Masaya siya na sa wakas ay makakasama na niya palagi ang kanyang anak. Sa totoo lang hindi niya talaga ito inaasahan. Kahit pa hindi siya bigyan ng pera ni Zack ay aalagaan pa rin niya ang kanyang anak.Pumunta siya sa VIP room para i-check ang kalagayan ng kanyang anak. Pagpasok pa lang niya ay nakangiti ito sa kanya. Kaagad na nawala ang pagod niya dahil sa ngiti nito.“Kumusta ang pakiramdam mo?” malambing na tanong niya sa kanyang anak.“Okay naman po ako, dok.” nakangiti na sagot nito sa kanya.“Kapag may masakit sa ‘yo o sakaling may gusto ka ay sabihin mo lang sa akin.”“Ikaw na po ba ang magche-check sa akin palagi? Ikaw na po ang mag-aalaga sa akin?” Mahinang tanong ni Zayn sa kanya.“Opo, ako na po. Kaya kapag may kailangan ka ay ‘wag kang mahihiyang magsabi sa akin.”“Okay po.”Napangiti naman si Selina ng makita niya ang kanyang anak na nakangiti sa kanya.“Sige labas na muna ako.” Paalam niya.“Ma
“Bakit ako?” naguguluhan na tanong ni Selina.“Hindi ka ba masaya?” tanong sa kanya ng direktor.“Sir, kasi—”“Bumalik ka na sa trabaho mo. Ang tanging masasabi ko lang ay swerte ka.” Napa-hinga na lang nang malalim si Selina at mabilis na lumabas sa opisina ng direktor. Hindi niya maintindihan kung bakit siya ang pinili na maging head ng kanilang department. She’s not one of the candidates for the position kaya bakit siya ang pinili nila.Kaya ba masama ang tingin sa kanya ng isa sa mga co-surgeon niya kanina? Tanong niya sa sarili.Hindi niya naman hangad ang kahit na anong posisyon. Mas mahalaga sa kanya ang trabaho niya at ang anak niya. Pero nang mapadaan siya sa mga co-doctors niya ay hinarang siya nang babae. “Bakit ikaw? Bakit ikaw ang pinili nila? Hindi ka naman candidate sa position na ‘yon diba?” galit na tanong nito sa kanya. “Hindi ko alam, nagulat lang rin ako.”“Wow! Talaga? Nagulat ka? Kasi hindi ikaw ang dapat na naging head. Mas magaling sa ‘yo si Dr. Jerrick at D
Hindi mapakali si Selina kaya bumalik siya sa room ni Zayn. Pagpasok niya ay gising ito. Nakita niya na nakaupo lang ito sa kanyang hospital bed. Mabilis niya itong nilapitan.“May problema ba?” mahinahon na tanong niya.Hindi ito nagsasalita at tahimik lang. Mas lumapit pa si Selina dahil alam niya na nahihiya lang ang bata sa kanya.“May masakit ba sa ‘yo? Gusto mo ba na i-check kita?” sunod-sunod na tanong niya kay Zayn.Mabilis naman itong umiling.“Zayn, diba simula ngayon ay ako na ang nag-aalaga sa ‘yo kaya ‘wag kang mahihiyang magsabi sa akin kung may gusto ka, kung may masakit sa ‘yo o may proble–”“Can you stay here?” tanong nito sa kanya.“Natatakot ka ba? Gusto mo na dito ako ngayong gabi?”Tumango ang bata bilang sagot.“Okay po. Hindi mo kailangan na mahiya sa akin. Lalo na ako na ang nag-aalaga sa ‘yo. Puwede mong sabihin agad,” nakangiti na sabi ni Selina sa kanyang anak.Hinaplos niya ang buhok nito. Humiga naman si Zayn kaya napangiti na lang si Selina. Inayos niya a
Nais pa sana ni Rena na ipilit pa ang kanyang sarili ngunit nakatingin na sa kanya ngayon ang mga tauhan ni Zack at ang iba pang mga staff ng ospital. Lumapit sa kanya si John.“Miss Rena, ihahatid na po kita.”“Hindi ako—” Mas pinili niya na hindi tapusin ang sasabihin niya dahil nakakaramdam na siya ng inis kay Zack habang nasa bisig nito si Zayn. Kaya naman lumapit siya sa bata para magpaalam bago siya umalis.“Zayn, kailangan ko ng umalis. Behave ka dito at matulog na.” malumanay na kausap ni Rena sa bata.“Okay,” tipid na sagot ni Zayn.Mas lalong nainis si Rena sa kanyang narinig. But she managed to smile na para bang okay lang sa kanya ang tipid na sagot ni Zayn.“If you need me just call me, okay?” nakangiti pa na sambit niya.“Hmmm.” tanging sagot nito.Alam na alam niya na natatakot sa dilim at sa ipis si Zayn. Ngunit wala siyang magawa sa ngayon kundi ang lumabas sa silid ng bata. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng pinto at nakasilip sa maliit na siwang. Inoobserbahan
Hindi man lang nakaramdam ng kahit na ano si Zack sa sinabi sa kanya ni Selina. Balewala sa kanya ang mga sinabi nito. Napapaisip tuloy ang doktor kung ano ba ang ginawa ng kanyang dating asawa sa nakalipas na taon para maging ganito si Zayn. Pero isa lang ang sigurado siya, hindi ito naging mabuting ama sa kanyang anak. Hindi nito ginagawa ang tungkulin bilang isang ama.Dahil para kay Selina ay hindi ito mangyayari sa kanyang anak kung may taong nagmamahal dito at may nag-aalaga. Ang pag-aalaga na dapat ibinibigay ng isang magulang. Ngunit ang kaawa-awa niyang anak ay malungkot at puno ng takot.“Zack, hindi ka lang masama, makasarili ka ring tao.” napait na turan ni Selina na naging dahilan para maging tahimik ang lalaki.May luha na pumatak sa mga mata ni Selina na dahilan para makaramdam si Zack ng kakaiba. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging apektado sa kanyang dating asawa. Napansin rin niya na nakatingin sa kanya ang kanyang anak kaya naman ihiniga na niya