Share

CHAPTER 19

Napaupo na lang si Selina sa kanyang upuan. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Matalino ang anak niya at alam niya na hindi niya ito basta-basta maloloko. Ilang beses siyang bumuntong hininga at napahawak sa kanyang ulo dahil pakiramdam niya magkakasakit siya sa sobrang kaba niya kanina.

Pumikit muna siya at umidlip dahil kulang rin ang tulog niya. After two hours ay nagising na si Selina at ang una niyang ginawa ay tinawagan niya ang kanyang kapatid para kamustahin ang kanyang mga anak.

“Josh, ‘wag mong hayaan na makaalis ulit si Tristan d’yan. Hindi sila puwedeng makita ni Zayn at Zack.”

“Okay, ako ang bahala sa kanya.” sagot nang kapatid niya mula sa kabilang linya.

“Salamat, Josh.”

Ibinaba niya ang tawag ang lumabas sa kanyang opisina para puntahan si Zayn. Pagdating niya sa VIP room ay mahimbing itong natutulog. Umupo siya sa tabi nito at kinausap niya ito dahil alam ni Selina na hindi siya maririnig ng kanyang anak.

“Sorry, anak kung wala ako noong mga panahon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ang talino Naman ni Tristan parang Hindi Limang taon Ang edad
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
masyado na advance mag isip ang mga bata ngaun
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status