Hindi man lang nakaramdam ng kahit na ano si Zack sa sinabi sa kanya ni Selina. Balewala sa kanya ang mga sinabi nito. Napapaisip tuloy ang doktor kung ano ba ang ginawa ng kanyang dating asawa sa nakalipas na taon para maging ganito si Zayn. Pero isa lang ang sigurado siya, hindi ito naging mabuting ama sa kanyang anak. Hindi nito ginagawa ang tungkulin bilang isang ama.Dahil para kay Selina ay hindi ito mangyayari sa kanyang anak kung may taong nagmamahal dito at may nag-aalaga. Ang pag-aalaga na dapat ibinibigay ng isang magulang. Ngunit ang kaawa-awa niyang anak ay malungkot at puno ng takot.“Zack, hindi ka lang masama, makasarili ka ring tao.” napait na turan ni Selina na naging dahilan para maging tahimik ang lalaki.May luha na pumatak sa mga mata ni Selina na dahilan para makaramdam si Zack ng kakaiba. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging apektado sa kanyang dating asawa. Napansin rin niya na nakatingin sa kanya ang kanyang anak kaya naman ihiniga na niya
Because, Zack kissed her lips. Nagulat si Selina dahil sinilyuhan ng lalaki ang kanyang labi gamit ang labi nito. Ang nais lang naman ni Zack ay patigilin si Selina sa pagsasalita ngunit ito ang ginawa niya. Napapikit pa siya dahil sa lambot at sarap ng labi ng babae. Ang tamis ng labi nito na para bang ayaw na niyang bitiwan pa. Alam ni Zack na hindi tama ang ginawa niya dahil pero ayaw niyang tumigil dahil baka biglang sumigaw si Selina at magising pa ang anak kiya. Kaya naman mabilis niya itong binuhat at pinasok sa loob ng banyo nang hindi naghihiwalay ang mga labi nilang dalawa. Patuloy niya itong hinahalikan kahit pa hindi ito tumugon sa kanyang halik.Sobrang bilis naman ng t*bok ng puso ni Selina nang nagtagpo ang mga mata nila ni Zack. Mapusok ang halik ng kanyang dating asawa at hindi niya alam kung kaya ba niya itong tanggihan. Pakiramdam niya ay anumang oras ay lalabas na sa kanyang dibdib ang kanyang puso. She can’t control her heartbeat at higit sa lahat hindi niya kay
“Baby, matulog ka na. Late na at may pasok ka pa sa school bukas.” saad ni Selina sa kanyang anak.“Mommy, wala pong pasok dahil weekend po bukas.” nakangiti na turan ni Tristan.“Ayy, weekend na pala bukas. Sorry po, nakalimutan ko. Dahil sa sobrang busy ko sa work ay hindi ko na rin alam kung anong araw na ngayon. Sorry po talaga,” natatawa nasabi ni Selina.“Mommy,” tawag ng kanyang anak sa kanya.“Yes, baby?”“Bakit po kaya ‘yon ang panaginip ko?” tanong ni Tristan kay Selina.“Hindi ko alam pero paano kung may bata nga na kamukhang-kamukha mo at nasasaktan siya ngayon? Mararamdaman mo rin kaya siya? Ano sa tingin mo, anak?”“Kung mangyari man po ‘yon ay para po pa lang may magic. Posible po kaya na maging kapatid ko siya?”Biglang nabuhay ang pag-asa sa puso ni Selina. Masaya siya na marinig ang ganoong salita mula sa kanyang anak. Nakatingin lang siya ngayon sa kanyang anak na para bang iiyak na siya. “Mommy, may problema po ba? Okay lang po ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni T
“Naalala mo pa ba ang lalaking pinakita ko sa ‘yo noon. ‘Yong daddy ng batang kamukha ko. Sa kanya itong toothbrush, kinuha ko sa office niya.” sagot ni Tristan sa kanyang kapatid.“Really?” “Oo kaya ibigay mo na ang pera mo sa akin. Kung gusto natin na malaman kung sino ang daddy natin ay kailangan natin itong gawin.” matalino na sabi ni Tristan.Matagal na inipon ni Trina ang kanyang pera. Nanghihinayang siyang buksan ang piggy bank niya. Hindi niya binigay sa kanyang kakambal ang lahat ng pera niya. Pero ngayon ay hihiram na naman ito at nais pa nitong kunin lahat. Masama man ang loob ay inabot pa rin niya ang pera sa kanyang kapatid.“Singilin mo si Daddy ha. Dapat buo niyang bayaran ang pera ko.”“Oo naman, babayaran niya ito ng buo. Marami siyang pera kaya babayaran ka niya.”Sinimulan na ni Tristan na bilangin ang pera ng kanyang kapatid. Nang matapos na niyang bilangin ay inayos niya ito at isinilid sa kanyang back pack. Maingat siyang lumabas sa bahay nila para pumunta sa ka
“Tumigil ka na sa pag-iyak mo dahil nakakarindi ka na. At ‘wag kang magsusumbong sa daddy mo dahil ikukulong kita at magpapakawala ako ng maraming ipis. Naiintindihan mo ba ako?” pinandilatan niya ito ng mga mata.“Opo, hindi po. Hindi po ako magsusumbong kay daddy. Wala po akong sasabihin sa kanya. ‘Wag niyo po akong ikulong, huhuhu.” umiiyak na sambit ni Zayn.“Mabilis ka naman pa lang kausap. Mamaya ay sabihin mo sa daddy mo na ayaw mo sa doktor na ‘yon at ako ang gusto mo. Na ako ang gusto mong mag-alaga sa ‘yo. Naririnig mo ba ako?” utos ni Rena sa bata.Yumuko na lang si Zayn at tahimik na umiiyak. “May dala akong pagkain kaya kumain ka.” sabi ni Rena at tumalikod na siya para lumabas. “Ano ang nangyari?” tanong ng isa sa mga bantay sa labas.“Wala, kumakain na siya ngayon kaya ‘wag niyo na siyang isturbuhin pa.” sagot ni Rena at nilagpasan niya ang lalaki.Naiwan naman na umiyak si Zayn. pinunasan niya ang mga luha at sinisinok-sinok pa habang umiiyak. Natatakot siya sa kanya
Alam ni Selina na hindi pa nakakaalis si Rena sa hospital kaya naman mabilis siyang lumabas sa VIP room. Alam niya at sigurado siya na may gusto si Rena kay Zack. Naglalakad siya sa hallway at nakita niya si Rena na palabas ng elevator.“Oh, bakit ka nandito?” mataray na tanong ni Rena sa kanya.“Dito ako nagtatrabaho kaya normal lang na nandito ako. Pero nandito ako dahil hinahanap talaga kita. Pero hindi ako makapaniwala na masyado ka pa lang nag-aalala sa anak ko. Nagdala ka talaga ng pagkain sa kanya. Para bumango ka sa mga Miranda.” sabi ni Selina.“Ako ang nagpalaki sa kanya. Kaya bakit hindi ako mag-aalala sa kanya? Ikaw man ang tunay niyang ina pero ang ate ko pa rin ang kinikilala niyang mommy. Kaya sa ating dalawa ay ako pa rin ang may karapatan na alagaan siya. Alam mo ang magandang advise na maibibigay ko sa ‘yo ay bumalik ka na lang sa kung saan ka galing,” nakangisi na sabi ni Rena.Ang babaeng ito ay mapagkunwari at hindi pa rin nagbabago. Lumipas man ang maraming taon
“Talaga bang wala kang alam?” tanong ni Selina kay Zack.“Ano ba ‘yon?”Hindi naniniwala si Selina na walang alam ang lalaking ito tungkol sa mga usap-usapan na kumakalat sa buong ospital. “Tell me, what is it?” tanong ni Zack.“Ang mga tao sa labas. Pinag-uusapan nila tayo na may relasyon. Iniisip nila na inaakit kita kaya ako na-promote sa trabaho. Alam naman nating dalawa ang totoo at ayaw ko na dungisan ang reputasyon mo.” sabi niya sa lalaki.“At kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa reputasyon ko?” kunot noo na tanong ni Zack sa kanya.“Hindi naman reputasyon mo ang talagang inaalala ko kundi ang sarili ko. Isa lang akong simpleng tao kaya ayaw ko na madamay sa ‘yo–”“Dok, hindi naman po totoo ang sinasabi nila. Hindi mo naman po inaakit ang daddy ko. Kaya please, magstay ka po dito.” sabi ni Zayn.“Narinig mo naman siguro ang sinabi niya?” malamig na tanong ni Zack kay Selina.“Dok Enna, kahit po maliit itong bed ko ay dito ka na lang po sa tabi ko. Puwede po tayong magkatabi
“Bakit ito ang damit na binigay mo sa akin?” tanong ni Selina sa lalaki.Napatingin naman si Zack sa babae na nasa kanyang harapan.“Hindi ako ang bumili. Nag-utos lang ako.” sagot naman ni Zacj.“Kaya naman pala,” saad ni Selina bago siya lumabas sa VIP room.Nang makalabas na si Selina ay kaagad niyang tinanong si John.“Ikaw ba ang bumili ng mga damit ko?”Kaagad naman na kumunot ang noo ni John. Nagrereklamo ba ito sa damit na binili niya? Sa ganitong oras ay talagang wala siyang mabibili na damit. Kailangan pa niyang maghanap para lang may mabili. Nakatingin siya sa babae at iniisip niya na inaakit ba talaga nito ang kanyang boss. Ang boss niya na mailap sa mga babae. Alam niya na hindi ito ang tipo ng ng kanyang boss but seriously attracted ba ito sa babaeng ito?Hindi naman ito nagtagal sa kanyang harapan. Umalis rin ito at naglakad palayo sa kanya. Nakatanaw naman si John sa babae ay doon niya napagtanto ang lahat. Kahit pa nakatakip ang mukha nito ay hindi maipagkakaila na m
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
“Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”
“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit