“Hard to get?” malamig na bulong sa kanya ni Zack dahilan para mainis si Selina.“Bitiwan mo nga ako!” naiinis na sambit ni Selina.Hindi niya akalain na ganito kalaki ang confidence ni Zack. Ang yabang niya para sabihin na hard to get siya? Kalokohan, saad ni Selina sa kanyang sarili. Pinipilit niyang ikalma ang kanyang sarili para hindi magising si Zayn.Sinubukan niyang tumayo pero ang ending ay napaupo siya sa lap nito.“Inaakit mo ba ako?” malamig na tanong nito sa kanya.“Ano ba!”“Answer me. Are you seducing me?”“Oo na, inaakit na kita kaya bitiwan mo na ako.” naiinis na turan ni Selina kahit hindi naman talaga totoo ang sinabi niya.Biglang tumawa ng mahina si Zack.“You’re even qualified,” sabi nito.“Same, ikaw ang lalaking hinding-hindi ko magugustuhan. Sa sama pa lang ng ugali mo ay walang dahilan para akitin kita.” “Oh, really. So, better stay away from me kung hindi mo kayang sumabay sa apoy.” malamig na sambit nito habang nakatingin sa mukha ni Selina.Mas minabuti ni
Hindi alam ni Tristan kung kaya ba niyang pigilan ang sarili niya na hindi magalit sa narinig niya mula sa babae. Kahit kailan ay puro pananakot na lang ang ginagawa nito. Wala na ba itong kayang gawin kundi ang manakot ng batang walang laban sa kanya.“I like her so much. Mabait siya at mas maganda siya kaysa sa ‘yo. May gusto ka siguro sa daddy ko kaya gusto mo na nandito palagi.”Lalong nagalit si Rena sa kanyang narinig mula sa bata. Hindi niya talaga inaasahan na maririnig niya ang mga ganitong salita sa batang ito. Kailan pa ito nagkaroon ng lakas ng loob na sumagot sa kanya at sinabihan pa talaga siya ng bata na mas maganda sa kanya si Selina.“Ang lakas ng loob mo na sumagot-sagot sa akin.” Hindi niya matanggap na mukhang masaya ito sa piling ni Selina.“Siguro nga ay kailangan na naman kitang bigyan ng leksyon.” saad niya at ng akmang sasaktan niya ito ay biglang sumigaw ang bata.“Help me! Help me!” sigaw ni Tristan kaya nagmamadali namang pumasok sa loob ng room ang mga bo
“Dok Enna, what’s the meaning of this?” tanong niya kay Selina.Dahil sa nagsalita si Dok Jerick ay doon pa lang napansin ni Selina na may ibang tao silang kasama ni Tristan. Kaagad na kumalabog ang kanyang dibdib at hindi niya alam ang dapat niyang sabihin.“Hello po, kumusta po kayo? Ako po si Tristan anak po niya ako. Masaya po ako na makilala ka, tito.” nakangiti na pakilala ni Tristan ng kanyang sarili sa doktor.Hindi naman makapaniwala si Jerick sa kanyang narinig kaya mabilis siyang lumapit kay Selina para magtanong.“Dok Enna, totoo ba ang sinabi niya? Anak mo ba talaga siya?” “Yes, dok. He’s my son,” sagot ni Selina sa lalaki.Parang gustong himatayin ni Jerick sa kanyang narinig. Sa loob ng limang taon ay magkakilala na sila ni Selina. Naging classmate niya ito sa medical school kaya hindi siya makapaniwala na may anak na pala ito.At mas nagulat siya dahil ang batang nasa kanyang harapan na nagpakilala na anak ni Selina ay kamukhang-kamukha ni Zayn. Hindi niya ma-process
Nagulat ang lahat sa kanilang narinig mula sa bibig ni Rena. Lumaki ang mga mata nila sa rebelasyon na kanilang nalaman. Lalo na si John, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi ba talaga patay ang dating asawa ng kanyang boss? Isa pa, hindi ba natatakot si rena sa kanyang boss?“Ano ba ang sinasabi mo Miss Rena? Nasaan ba si Mrs. Miranda?” tanong ni John at hindi na hinayaan si Zack na magsalita.“Hindi mo ba nakikita? Siya ang sinasabi ko, tingnan mong mabuti.” sagot ni Rena sabay turo kay Selina.“Ano ba ang sinasabi mo? Doktor siya ni Zayn.” saad naman ni John.Mabilis naman na lumapit si Rena kay Zack.“Kuya, sa loob ng apat na taon ay ako nag-alaga kay Zayn. ako ang tumayong mommy niya habang wala ang ate ko. Tinuruan ko siya, pinalaki ko siya na mabait na bata kahit pa minsan ang kulit-kulit niya. Kaya mas paniniwalaan mo ba ang babaeng ‘yan kaysa sa akin?” umiiyak na tanong ni Rena sa lalaki.“May dapat ba akong paniwalaan sa ‘yo? Kapani-paniwala ka ba?” malamig na t
“Daddy, siya po ba ang mommy ko?” kinakabahan na tanong ni Zayn sa kanyang daddy.Napatingin si Zack sa kanyang anak. Hindi niya inaasahan na magtatanong ito sa kanya ng mga ganitong bagay.“Daddy? Why are you not answering my question?” tanong pa ulit ni Zayn.“Zayn—”“What, daddy?”“No, she’s not your mom.” sagot ni Zack kaya biglang nalungkot si Zayn.“You really like her?” mahinahon na tanong ni Zack sa kanyang anak.“Yes, daddy. Siya lang po ang bukod tanging naging mabait sa akin. Ara po siyang mommy kapag inaalagaan niya ako. Pakiramdam ko po ay mahal po niya ako.” tapat na sagot ni Zayn sa kanyang ama.“Huwag ka ng masyadong mag-isip dahil okay lang ang lahat. She’s your doctor kaya naman inaalagaan ka niya ng mabuti. Wala ng ibang dahilan pa, magpahinga ka na dahil dadalhin kita sa mommy mo kapag magaling ka na.” nakangiti na sabi ni Zack sa bata.“Okay po, daddy.” nakangiti na sabi ni Zayn.Mas nagiging mapaghanap na ngayon ang anak niya. Ito ang nasa isip ni Zack. “Daddy,
Patuloy na humihingi si Selina ng tawad sa kanyang anak. Umiiyak siya dahil alam niya na kasalanan niya. Oo masama siyang ina pero hindi niya kayang mawala sa kanya ang kanyang mga anak. Para sa kanya ay ito lang ang mayroon siya.Masakit ang katotohanan na pilit niyang tinatago sa kanyang anak. Hindi niya kayang sabihin sa bata dahil alam niya na matalino ang kanyang anak.“Mommy, ‘wag ka na pong umiyak. Hindi ko na po siya hahanapin pa. Hindi ko na po hahanapin si daddy. I’m sorry po dahil alam ko na kasalanan ko po,” sabi ni Tristan habang pinupunasan ang mga luha ng kanyang mommy.“Magiging busy ako, anak. At baka hindi ako makauwi. Behave ka at makinig palagi sa uncle mo. puwede ba ‘yun.” kausap ni Selina sa kanyang anak.Matalinong bata si Tristan. Kahit hindi sabihin ng kanyang mommy ay alam niya na may nililihim ito sa kanya. Gustuhin man niyang malaman ang totoo ay hindi niya kayang makita na umiiyak ang kanyang mommy. Sa ngayon ay hindi na muna niya susundin ang kagustuhan n
Naisip ni Tristan na kung ito ang mommy niya talaga ang dating asawa ng kanyang daddy ay napakasama pala nitong tao. Bakit hinayaan nito na wala silang daddy. Siguro nga ay hindi nito mahal ang kanyang mommy? Dahil kung mahal nito ang kanyang mommy ay hindi ito magpapakasal sa ibang babae. Patuloy niyang binasa ang mga nakalagay sa internet at nakita niya na ubod pala talaga ng yaman ang kanyang daddy.Naikuyom ni Tristan ang kanyang mga kamay. Hindi alam ng lahat na sa edad na limang taong gulang ay maraming siyang kayang gawin. Walang nakakaalam na magaling siyang kumalikot ng mga software sa computer.Mabilis niyang nakita ang pangalan ng company ng kanyang ama.“Miranda Group,” basa niya at mabilis na pinasok ang system ng company at kinontrol niya ito.*****“Guys, na-hack ang system natin.” sabi ng isa sa mga employee ng Miranda Group.“Bakit?”“System failure.” sabi nito.Biglang nagkagulo ang lahat.“What’s going on? Anong nangyari sa mga computers?”“Tawagin niyo na ang tech
Walang balak si Selina na intindihin ang mga sinasabi sa kanya ni Zack. Dahil ang tanging tingin lang naman nito sa kanya ay isang langgam kaya ntong durugin. Ang tingin nito sa mga tao ay mahina na kaya niya lang apak-apakan.Mas lalong nakakaramdam si Selina ng pagkairita sa mga ginagawa at kinikilos ni Zack. Lalo pa nasa kanyang mukha ang kamay nito. “Bitiwan mo nga ako!” sambit niya ngunit hindi siya pinansin ni Zack.Kaya naman wala na siyang choice kundi ang apakan ang paa ni Zack at kinagat niya ang kamay nito para lang makawala sa lalaki. “May lahi ka bang aso?” tanong ni Zack sa babae dahil kailan pa ito natutong mangagat.“Paano kung oo,” naiinis na sabi ni Selina.Dahil sa kanyang sagot ay mas diniini siya nito sa pader. She want to escape pero hindi niya magawa. Nakatingin siya ngayon sa gwapong mukha ng lalaki. Ang mukha na palagi niyang tinititigan noon.Ngunit ang nakikita naman ni Zack ay ang namumula na mga mata ni Selina. Hindi niya maintindihan pero nais niyang ma
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
“Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”
“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit