Nagulat ang lahat sa kanilang narinig mula sa bibig ni Rena. Lumaki ang mga mata nila sa rebelasyon na kanilang nalaman. Lalo na si John, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi ba talaga patay ang dating asawa ng kanyang boss? Isa pa, hindi ba natatakot si rena sa kanyang boss?“Ano ba ang sinasabi mo Miss Rena? Nasaan ba si Mrs. Miranda?” tanong ni John at hindi na hinayaan si Zack na magsalita.“Hindi mo ba nakikita? Siya ang sinasabi ko, tingnan mong mabuti.” sagot ni Rena sabay turo kay Selina.“Ano ba ang sinasabi mo? Doktor siya ni Zayn.” saad naman ni John.Mabilis naman na lumapit si Rena kay Zack.“Kuya, sa loob ng apat na taon ay ako nag-alaga kay Zayn. ako ang tumayong mommy niya habang wala ang ate ko. Tinuruan ko siya, pinalaki ko siya na mabait na bata kahit pa minsan ang kulit-kulit niya. Kaya mas paniniwalaan mo ba ang babaeng ‘yan kaysa sa akin?” umiiyak na tanong ni Rena sa lalaki.“May dapat ba akong paniwalaan sa ‘yo? Kapani-paniwala ka ba?” malamig na t
“Daddy, siya po ba ang mommy ko?” kinakabahan na tanong ni Zayn sa kanyang daddy.Napatingin si Zack sa kanyang anak. Hindi niya inaasahan na magtatanong ito sa kanya ng mga ganitong bagay.“Daddy? Why are you not answering my question?” tanong pa ulit ni Zayn.“Zayn—”“What, daddy?”“No, she’s not your mom.” sagot ni Zack kaya biglang nalungkot si Zayn.“You really like her?” mahinahon na tanong ni Zack sa kanyang anak.“Yes, daddy. Siya lang po ang bukod tanging naging mabait sa akin. Ara po siyang mommy kapag inaalagaan niya ako. Pakiramdam ko po ay mahal po niya ako.” tapat na sagot ni Zayn sa kanyang ama.“Huwag ka ng masyadong mag-isip dahil okay lang ang lahat. She’s your doctor kaya naman inaalagaan ka niya ng mabuti. Wala ng ibang dahilan pa, magpahinga ka na dahil dadalhin kita sa mommy mo kapag magaling ka na.” nakangiti na sabi ni Zack sa bata.“Okay po, daddy.” nakangiti na sabi ni Zayn.Mas nagiging mapaghanap na ngayon ang anak niya. Ito ang nasa isip ni Zack. “Daddy,
Patuloy na humihingi si Selina ng tawad sa kanyang anak. Umiiyak siya dahil alam niya na kasalanan niya. Oo masama siyang ina pero hindi niya kayang mawala sa kanya ang kanyang mga anak. Para sa kanya ay ito lang ang mayroon siya.Masakit ang katotohanan na pilit niyang tinatago sa kanyang anak. Hindi niya kayang sabihin sa bata dahil alam niya na matalino ang kanyang anak.“Mommy, ‘wag ka na pong umiyak. Hindi ko na po siya hahanapin pa. Hindi ko na po hahanapin si daddy. I’m sorry po dahil alam ko na kasalanan ko po,” sabi ni Tristan habang pinupunasan ang mga luha ng kanyang mommy.“Magiging busy ako, anak. At baka hindi ako makauwi. Behave ka at makinig palagi sa uncle mo. puwede ba ‘yun.” kausap ni Selina sa kanyang anak.Matalinong bata si Tristan. Kahit hindi sabihin ng kanyang mommy ay alam niya na may nililihim ito sa kanya. Gustuhin man niyang malaman ang totoo ay hindi niya kayang makita na umiiyak ang kanyang mommy. Sa ngayon ay hindi na muna niya susundin ang kagustuhan n
Naisip ni Tristan na kung ito ang mommy niya talaga ang dating asawa ng kanyang daddy ay napakasama pala nitong tao. Bakit hinayaan nito na wala silang daddy. Siguro nga ay hindi nito mahal ang kanyang mommy? Dahil kung mahal nito ang kanyang mommy ay hindi ito magpapakasal sa ibang babae. Patuloy niyang binasa ang mga nakalagay sa internet at nakita niya na ubod pala talaga ng yaman ang kanyang daddy.Naikuyom ni Tristan ang kanyang mga kamay. Hindi alam ng lahat na sa edad na limang taong gulang ay maraming siyang kayang gawin. Walang nakakaalam na magaling siyang kumalikot ng mga software sa computer.Mabilis niyang nakita ang pangalan ng company ng kanyang ama.“Miranda Group,” basa niya at mabilis na pinasok ang system ng company at kinontrol niya ito.*****“Guys, na-hack ang system natin.” sabi ng isa sa mga employee ng Miranda Group.“Bakit?”“System failure.” sabi nito.Biglang nagkagulo ang lahat.“What’s going on? Anong nangyari sa mga computers?”“Tawagin niyo na ang tech
Walang balak si Selina na intindihin ang mga sinasabi sa kanya ni Zack. Dahil ang tanging tingin lang naman nito sa kanya ay isang langgam kaya ntong durugin. Ang tingin nito sa mga tao ay mahina na kaya niya lang apak-apakan.Mas lalong nakakaramdam si Selina ng pagkairita sa mga ginagawa at kinikilos ni Zack. Lalo pa nasa kanyang mukha ang kamay nito. “Bitiwan mo nga ako!” sambit niya ngunit hindi siya pinansin ni Zack.Kaya naman wala na siyang choice kundi ang apakan ang paa ni Zack at kinagat niya ang kamay nito para lang makawala sa lalaki. “May lahi ka bang aso?” tanong ni Zack sa babae dahil kailan pa ito natutong mangagat.“Paano kung oo,” naiinis na sabi ni Selina.Dahil sa kanyang sagot ay mas diniini siya nito sa pader. She want to escape pero hindi niya magawa. Nakatingin siya ngayon sa gwapong mukha ng lalaki. Ang mukha na palagi niyang tinititigan noon.Ngunit ang nakikita naman ni Zack ay ang namumula na mga mata ni Selina. Hindi niya maintindihan pero nais niyang ma
“Napaka-bossy mo, hindi ka pa rin nagbabago. Laruan pa rin ang tingin mo sa akin.” galit na sabi ni Selina.“You are mine at akin ang lahat sa ‘yo. Kaya kong maging akin ang mga bagay na nais ko at isa ka na doon, Selina.” sambit nito.“Hindi! Hindi kasali sa mga pag-aari mo.” galit na turan ni Selina at inapakan niya ang paa ni Zack.Ito ang nagpatindi sa galit ni Zack kaya mabilis niyang hinila ang babae papunta sa connecting door at mabilis na ni-lock ang pinto para hindi makalabas ang ex-wife niya.Mabilis niyang hinalikan ang leeg ni Selina.“Let me go! Ano ba?!” Sigaw ni Selina.Hindi siya pinansin ni Zack at bigla na lang nitong kinagat ang balikat niya. “Argh! Bwisit ka!” Sigaw nito dahil sa sakit.Napasinghap si Selina dahil bigla na lang hinubad ni Zack ang suot niya hospital gown. Sabay tanggal ng botunes ng suot niyang blouse. Lumantad ang makinis nitong dibdib. Na talaga namang nakahain na kay Zack. “Paano kung angkinin kita ngayon at sabihin ko sa sinasabi mong kapati
“Jerick, kasi ang totoo ay…..”Hindi niya tinapos ni Selina ang sasabihin niya dahil mabilis niyang hinila si Jerick papasok sa loob ng kanyang opisina. Tumingin siya sa kanyang kaibigan.“Jerick, ako ang ex-wife ni Zack.” pag-amin ni Selina.Alam niya na hindi na niya ito maitatago pa ang katotohanan kay Jerick. Halatang nagulat naman ang lalaki sa kanyang narinig. Ngayon niya napagtanto kung bakit magkamukha ang dalawang bata. At ngayon rin nasagot ang mga tanong niya sa sarili. “Diba Sarah ang pangalan ng asawa niya?” tanong ni Jerick.“Oo, pero ako ang una niyang asawa.”Nakatitig si Jerick sa pagod na mukha ni Selina at bigla na lang siyang nagsalita.“Ibig sabihin ay hindi alam ni Zack na may Tristan?”“Hindi ko alam kung alam ba niya. Pero sana tulungan mo ako, tulungan mo akong itago ang sekretong ito. Hindi ko kayang wala rin sa akin si Tristan.” pakiusap ni Selina.“I understand at alam ko na sa kapangyarihang mayroon ang mga Miranda ay mahihirapan kang ipaglaban ang anak
Nakaramdam ng hiya si Selina dahil nasa kanya ang atensyon ng mga staff sa loob ng store. Hinihintay pa kasi nila na ibalot ang mga damit na binili nila para kay Zayn. Kaya naman nag-ikot ikot na lang siya para kunwari ay pumipili ng damit. Nasa kanya na kasi ang mga mata nito na para bang binabantayan ng mga ito bawat kilos niya.Nang makabalik na ang store manager ay hindi nito inaasahan kung sino ang nakaupo sa may couch. Bigla siyang kinabahan at nanghina rin ang kanyang mga tuhod ng makilala niya ang kanilang customer. Mabilis niyang hinila ang isa sa mga sales lady.“Kanina pa ba narito si Mr. Miranda?”“Sino? Si Mr. Miranda po ba siya?” gulat na gulat na sambit ng babae.“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na nandito si Mr. Miranda?”“Hindi ko rin po alam na si Mr. Miranda po pala siya.” “Ni hindi man lang kayo nag-offer ng inumin. Dibale na, ako na lang ang gagawa.” saad ng manager at naglakad papunta sa pantry.“Bagay po sa inyo ang damit na ‘yan, madam.” nakangiti na sambi