Hindi kayang paniwalaan ng ginang ang kanyang narinig. Alam niya ang nangyari limang taon na ang lumipas. “Nagsisinungaling ka lang ba sa akin, Rena. Sabay nating kinuha ang death certificate niya sa ospital kaya maliwanag na patay na siya. Kaya hindi mo na dapat ito binabanggit pang muli.” saad niya sa kanyang anak.“Mommy, hindi po ako gumagawa ng kwento. Totoo pong buhay siya. Pinalitan niya ang pangalan niya kaya nakakalapit na siya kay Zayn.” saad ni Rena.“Natatakot po ako, mom. Ilang taon akong nagtiis at nagpakahirap para lang alagaan si Zayn. Bakit pa siya bumalik? Bakit buhay pa siya! Sana ay namatay na siya!” sigaw ni Rena.Totoo na natatakot siya. Natatakot siya na baka bigla na lang masayang ang pinaghirapan niya ng ilang taon. Natatakot siyang agawin ni Selina si Zayn sa kanya. Ano ang dapat niyang gawin? Hindi niya kayang hayaan na lang ang babaeng iyon na kunin sa kanya ang lahat.Hindi niya ito hahayaan na maging masaya. Naikuyom niya ang kanyang kamay na nanginginig
Kahit pa nasa loob ng VIP room si Selina at Zack ay dinala pa rin ni John ang pagkain na galing kay Rena. Hindi naman siya natatakot kay Zack ngunit mas nakakaramdam siya ng kaunting takot sa babaeng doktor.“Boss, may dalang pagkain si Miss Rena para kay Zayn.”Napatigil naman sa pagbabasa ng story si Selina sa bata at kumunot ang noo niya. Napansin naman ito ni John kaya mas lalo siyang nakaramdam ng pangamba.Nakakaramdam siya ng takot lalo na sa sinasabi ni Rena na ito ang dating Mrs. Miranda. At kung sakali mang totoo ito ay natatakot siyang gumawa ng mga bagay na magiging dahilan kung bakit ito hindi magiging masaya. Hindi niya kayang tumingin sa mga mata nito kaya mas pinili ni John na lumapit kay Zack.“Boss, nasa labas po kanina sila Miss Rena at kasama niya ang mommy niya.” sabi niya sa lalaki.“Hmm,” malamig ang mga mata na sambit ni Zack.Dahil sa kanyang narinig ay hindi na muling nagsalita si John. Ngunit bigla na lang nakaisip si Zack ng ipang-aasar niya kay selina.“G
Habang nakatingin si Selina ay hindi na rin naman siya umaasa na may mangyayari pang kakaiba dahil alam niya at kilala na niya ang lalaki. “Ano nga ba ang magbabago sa kanya?” tanong nito sa sarili ngunit nagulat ito sa kanyang narinig.“Tapos ka na ba?” malamig na tanong nito.Hindi naman nagustuhan ng ginang ang kanyang narinig sa lalaki lalo na ang malamig nitong boses. “Zack, naniniwala ka sa babaeng ‘yan?” naiinis na tanong ni Mrs. Ramirez.“Yes,” isang salita pero matibay na sagot ni Zack.Hindi makapaniwala ang ginang sa kanyang narinig ngunit mas nagulat si Selina. Biglang nagulat ang kanyang puso sa kanyang narinig. Si Zack ba talaga ito? Tanong niya sa sarili dahil ito ang unang beses na naniniwala sa kanya ang lalaki. Tumingin siya sa lalaki at hindi niya magawang magsalita.“Bakit? Bakit ka naniniwala sa kanya?” tanong ng ginang dahil hindi niya inaasahan na kakampihan ni Zack ang babae.“Dahil wala siyang dahilan para saktan si Zayn,” sagot ni Zack.“Lalo naman kami,” s
Kumaway kay Selina si Rain mula sa malayo. Mabilis naman siyang naglakad papunta sa kaibigan niya. Ngunit biglang sumigaw ang isang lalaki mula sa parking lot.“Miss, akin na ang number mo!” sigaw ng lalaki kay Selina.“Sorry pero hindi puwede!” mabilis niyang sagot.“Kilala mo ba ‘yon?” tanong ni Rain sa kanya.“No,” mabilis naman na sagot niya.“Naks naman! Iba talaga ang maganda pero mag-ingat ka lagi dahil may mga taong halang ang bituka na nasa paligid lang.” sambit nito.”“Opo, alam ko naman ‘yon.”“Tara na,” pagyaya ni Rain.“Ilan tayo?” tanong naman ni Selina.“Tayong dalawa lang. Uminom na kasi kami kanina,” mabilis nitong sagot.“Sasamahan na lang kita dito. Hindi ako puwedeng malasing dahil may duty pa ako mamaya.” saad ni Selina.“Pero kailangan mo rin magrelax paminsan-minsan.”“Alam ko naman ‘yon pero kailangan kong alagaan ang tagapagmana ng mga Miranda.”“Ano ba ang nangyari sa tagapagmana nila? Malala ba?”“Kakaiba ang kalagayan niya. Kaya niyang tumayo at maglakad. Ma
Pamilyar na kay Selina ang mga ganitong kaso. Ang mga taong na-comatose. Noong nasa ibang bansa pa siya ay nag-specialize sa ganitong uri ng case ngunit kahit pa gaano ka-advance ang technology ngayon ay hindi pa rin nito kayang gisingin ang mga taong comatose.“Huwag kang mawalan ng pag-asa. Habang may buhay may pag-asa at kung ang kakilala mo ay isang mapalad na tao ay malaki ang posibilidad na magigising siya. Wala namang imposible kung maniniwala lang tayo,” saad ni Selina kay Kier dahil napansin niya na malungkot ito.“Sana nga ay gumising na talaga siya,” nakangiti na sabi ni Kier sa babae.“Oo naman, ‘wag ka lang mawalan ng pag-asa.” nakangiti na sabi ni Selina at muling uminom ng juice.Napasandal naman si Selina sa upuan habang nakatingin sa mga ilaw ng bar. Pagod ang mga mata niya at hindi niya kayang sumabay sa vibe ng buong paligid. Panaka-naka rin siyang humihikab dahil nakaramdam na ng antok.Nahuli naman niya ang kakaibang tingin sa kanya ni Kier kaya tinanong na niya i
At hindi nga nagkamali si Selina dahil nalaman na ito ng direktor ng hospital. Pumunta ang direktor kay Kier ngunit hindi siya nito pinansin. Kaya walang ibang nagawa ang direktor kundi ang puntahan na ang batang doktor.“Nagkita na ba kayo ng pasyenteng ‘to? Bakit palagi ka niya hinahanap? Ano ba ang sakit niya? Hindi pa ba gumaling?” sunod-sunod na tanong niya kay Selina.“Naging pasyente ko siya pero sa tingin ko ay may mali sa kanya. Baliw yata ang lalaking ‘yon,” sagot naman ni Selina.“Paano mo nasabi ‘yan?” puno ng pagtataka na tanong ng direktor.“Ang unang beses na ginamot ko siya ay maliit na sugat lamang sa kamay” sabi ni Selina.“Kalokohan, maliit na sugat lang.” “Oo kaya nga ayaw ko siyang makita. Dahil ang lakas ng trip niya,” sambit niya sa direktor.“Mukha ngang hindi siya interesado na gamutin siya ng ibang doktor. Sa tingin ko ay narito siya dahil nais ka niyang makita, ikaw ang tanging sadya niya.” saad ng direktor.“Hindi ko siya lubos na kilala pero ilang beses
Nang dumating si Zack ay may narinig siyang usap-usapan tungkol kay Selina. Tungkol ito sa gwapong pasyente nito. Narinig niya kung paano purihin at pag-usapan ng mga ito ang lalaki. “Pasyente lang ba talaga?” malamig na tanong ni Zack ngunit mababanaag ang galit sa boses niya. Nakapikit pa ito na para bang pinipigilan nito na bulyawan siya.Napansin naman ni Zayn na parang galit ang kanyang ama.“Bakit parang galit si daddy?” tanong ni Zayn sa sarili.“Ito ba talaga ang gawain mo?” tanong ni Zack na galit ang boses. Nagtataka naman si Selina kung bakit ba ito galit na galit. Hindi niya maintindihan ang lalaking ito.“Personal kang doktor ni Zayn kaya wala kang karapatan na tumanggap ng ibang pasyente. Bakit siya pumunta dito? Dahil ba gusto ka niya?” malamig pa rin ito kung magtanong.Hindi talaga maintindihan ang lalaki. Bakit ba ito nagagalit? Hindi niya alam kung saan nagmula ang galit nito sa kanya. Kaya hindi na niya na pigilan ang sarili niya.“Ano ba ang sinasabi mo? Ginagawa
“Daddy, puwede bang nasa tabi ko palagi si Dok Enna?”Hindi naman inaasahan ni Zack ang naging tanong sa kanya ng kanyang anak. Kaya naman ay mabilis siyang lumapit sa bata.“Zayn, ang trabaho niya ay pagalingin ang sakit mo. Hindi mo siya puwedeng makasama pag gumaling ka na.”Sa sagot pa lang ni Zack ay alam na agad ni Zayn na hindi payag ang kanyang daddy. Kaagad naman siyang nakaramdam ng lungkot.“Pero gusto ko rin po siyang kasama palagi. Gusto ko po si Dok Enna.”Nakita naman ni Zack ang lungkot sa mga mata ng kanyang anak. Alam niya na hindi siya maaring mangako sa kanyang anak. Dahil hindi maaaring magsama ang dalawa.“Alam mo na hindi puwedeng mangyari ang nais mo. Pero pangako ko sa ‘yo na hahayaan ko siyang makasama mo siya habang narito ka sa ospital at dapat naging mabait ka,” sabi niya sa kanyang anak.“Opo, daddy. Magpapakabait po ako, thank you po.” naging masaya si Zayn sa kanyang narinig mula sa kanyang ama.Bigla na rin nagbago ang mood ni Zack sa kanyang narinig m
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
“Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”
“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit
“Posible ba ‘yun?” tanong ni Zayn.“Magkamukha tayong dalawa at hindi nila malalaman. Kung sakaling papayag ka ay kailangan mong umuwi sa bahay namin. Pero maiiwan ako dito,” sabi ni Tristan sa kanya.Matalinong bata si Tristan. Ginagamit niya ang kanyang utak para makita at mahanap niya ang kanyang ina. Wala siyang balak na sumuko lalo na narito na siya sa loob.“Ano, papayag ka na ba?” tanong niya kay Zayn.“Hindi ba tayo mahuhuli?” “Kung sasabihin mo sa kanila na ikaw si Zayn ay sigurado ako na malalaman nila. Pero kung mananahimik ka at magpapanggap na ako ay hindi nila malalaman.” sagot ni Tristan sa kanyang kapatid.“Sige, payag na ako. Basta ipangako mo sa akin na mahahanap mo si Dok Enna. Make sure na safe siya para pagbalik ko ay makasama ko siya. Sorry, alam ko na kasalanan ito ng daddy ko. Patawarin mo rin ako kung wala akong nagawa para iligtas siya. Pangako, gagawin ko ang lahat para magampanan ko ng maayos ang katauhan mo.”“Aasahan kita. Magtulungan tayo para makita na