“Daddy, puwede bang nasa tabi ko palagi si Dok Enna?”Hindi naman inaasahan ni Zack ang naging tanong sa kanya ng kanyang anak. Kaya naman ay mabilis siyang lumapit sa bata.“Zayn, ang trabaho niya ay pagalingin ang sakit mo. Hindi mo siya puwedeng makasama pag gumaling ka na.”Sa sagot pa lang ni Zack ay alam na agad ni Zayn na hindi payag ang kanyang daddy. Kaagad naman siyang nakaramdam ng lungkot.“Pero gusto ko rin po siyang kasama palagi. Gusto ko po si Dok Enna.”Nakita naman ni Zack ang lungkot sa mga mata ng kanyang anak. Alam niya na hindi siya maaring mangako sa kanyang anak. Dahil hindi maaaring magsama ang dalawa.“Alam mo na hindi puwedeng mangyari ang nais mo. Pero pangako ko sa ‘yo na hahayaan ko siyang makasama mo siya habang narito ka sa ospital at dapat naging mabait ka,” sabi niya sa kanyang anak.“Opo, daddy. Magpapakabait po ako, thank you po.” naging masaya si Zayn sa kanyang narinig mula sa kanyang ama.Bigla na rin nagbago ang mood ni Zack sa kanyang narinig m
Biglang umiyak ng umiyak si Zayn. Sobrang itong naiinis at nagagalit sa kanyang ama. Umiiyak siya dahil sa pambabanta sa kanya ng kanyang ama. Malungkot siya at nasasaktan siya.“I’m sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko gusto na takutin ka,” malumanay na sambit ni Zack sa kanyang anak.“Pero narinig kita, tinakot mo ako.” nakayuko na sambit ni zayn habang patuloy na umiiyak.Hinawakan ni Zack ang kamay ng kanyang anak. Nahihirapan siyang magpaliwanag sa bata. Biglang sumakit ang ulo niya sa iniisip niya. Alam niya na hindi maaari ang nais nito.“Zayn, listen to me. Hindi puwede ang gusto mo dahil may iba rin siyang trabaho kaya hindi mo siya puwedeng makasama lalo na kapag wala ka na dito.” sabi niya sa kanyang anak.“Alam ko naman po ‘yon. Pero alam ko rin po na may pera ka. May pera ka para bayaran siyang manatili sa tabi ko.” sambit ni Zayn na lubos na ikinagulat ni Zack.“Sobra mo ba talaga siyang gusto?”“Opo, sobra po.” hindi nagdalawang isip na sagot ni Zayn.Napahinga ng malali
“Mabuti naman at malaki ang offer mo dahil kung hindi ay hindi ko tatanggapin ang trabahong ito.” sabi ni Selina kay Zack.Hindi naman pinansin ng lalaki ang sinabi niya. Kinuha nito ang phone at tinawagan ang secretary nito. Habang nakikipag-usap si Zack sa kanyang secretary ay lubos na nagulat ito sa kanyang inutos.Napapaisip siya kung totoo kaya ang mga usap-usapan tungkol sa doktor na ito. Talaga bang naikama na ito ng CEO? Malakas ba talaga ang alindog nitong taglay para ganun kalaki ang pera na nais nitong ibigay sa babae. Pero kaagad rin naman niyang sinunod ang iniutos sa kanya ng kanyang boss.Kaagad namang napatingin si Selina sa kanyang phone dahil narinig niya na may notification. At nang buksan niya ito ay bumungad sa kanya ang notification mula sa bangko. Notification na may pumasok na malaking pera sa kanyang bank account. Dumating na agad ang pera mula kay Zack.“Dumating na ang pera, salamat.” turan ni Selina.Wala namang naging tugon si Zack. Siya naman ay inilagay
“D-Dito ka ba talaga natulog?” Nauutal na tanong ni Rena kay Selina.“Ano sa tingin mo?” Nakangiti naman na tanong ni Selina.“Kung dito ka natulog, saan natulog si Zack?”“Syempre dito,” mabilis na sagot ni Selina habang may malawak na ngiti sa labi.Dahil sa kanyang narinig ay kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rena. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Paano ba nangyari na magkasama ang dalawa kung noon pa lang ay alam na niya na hindi na gusto ni Zack ang babae. Nahihirapan talaga siyang paniwalaan ang sinabi sa kanya ng babae.“Imposible ang sinasabi mo. Si Sarah lang ang mahal niya kaya paano ako maniniwala sa ‘yo na magkasama kayo?” Ayaw pa rin maniwala ni Rena.“Nakalimutan mo ba na may iba na siyang kasama noon? Na may dati na siyang asawa kaya paano naging imposible ang sinasabi mo?” nakangiti na tanong ni Selina sa babae.Bigla na lang namutla si Rena sa kanyang narinig dahil alam niya ang tinutukoy ni Selina at ang sarili nito ang tinutukoy nitong dating a
Mas lalong nainis si Rena sa kanyang narinig mula sa lalaki. Hindi niya kayang natanggap ang lahat ng kanyang narinig. Ang lahat ng nangyari ay hindi niya matanggap dahil siya. Siya ang naging ina ni Zayn sa loob ng limang taon. Kahit pa ramdam niya na hindi siya nito gusto ay ginawa pa rin niya ang makakaya niya para lang mapalaki niya ito at para mapasunod niya ito sa kanya.“Simula ng dumating ang babaeng ‘yon ay kung anu-ano na ang sinasabi ni Zayn. Sinabi niya na mas gusto na niya itong maging mommy kaysa kay Sarah. Kung hindi natin sasabihin kay Zack ang mga nangyayari dito ay babagsak ang kapatid ko,” sabi ni Rena kay John.“Mas mabuti na ‘wag ka ng mangialam sa mga bagay na hindi mo na sakop. Kaya mas mabuti na ang sarili mo ang intindihin mo dahil ayaw ni Boss na mawala sa kanya ang nag-iisa niyang anak.” payo ni John kay Rena.Dahil sa nakikita ni John ay ginagawa ng kanyang boss ang makakaya nito dahil ayaw nitong tuluyan na mawala ang anak nito. Alam niya ang mga nangyayar
Nanginginig sa takot si Iya dahil nakatingin sa kanya ngayon si John. Hindi niya kayang ihakbang ang mga paa niya dahil para siyang napako sa kinatatayuan niya. Nauna ng lumabas si Selina sa kanyang opisina kaya naiwan na lang ang dalawa. Kaya naglakas loob na siyang magsalita.“Pangako po, wala akong pagsasabihan.” sabi ni Iya sa lalaki.“Hindi ko sinabing magsalita ka,” sabi ni John.“Opo, sorry po.” nakayuko na sabi ni Iya.“Gawin mo lang ang trabaho mo at wag mong pakialaman si Dok Enna. Maliwanag ba?”“Opo,” mabilis na sagot ni Iya dahil sa takot.Nang marinig ni John ang sagot ng babae ay mabilis niyang nilisan ang opisina ng doktor. Naiwan naman si Iya at bigla na lang bumigay ang mga tuhod niya. Kaagad siyang napaupo sa sahig dahil sa takot. Alam niya na kailangan niyang itikom ang kanyang bibig.Sa VIP room ay agad na pumasok si Selina at bigla na lang umaliwalas ang mukha ni Zayn. “Mabuti naman at nandito ka na,” nakangiti na sambit ni Zayn.“May problema ba?” mahinahon na
Habang nasa labas ng emergency room ay balisa si Mrs. Lim. Sobrang nag-aalala para sa kalagayan ng kanyang anak.Ito ang unang beses na nakita at nakilala niya ang babaeng doktor kaya naman sa kanyang palagay ay bata pa ito at wala pang gaanong karanasan. “Sigurado ba kayo na okay ang babaeng doktor na ‘yon?” Nag-aalala na tanong ni Mrs. Lim.“Huwag po kayong mag-alala dahil isa po siya sa mga magagaling na doktor dito. Alam ko po na kaya niyang iligtas ang anak mo.” sumasagot ang isa sa mga doktor.“Hindi ba hindi pa magaling ang kamay niya.” biglang sabi ni Zen.Alam nila na mahirap gumalaw lalo na kapag hindi pa fully recover ang kamay nito. Kaya naman kumunot ang noo ni Mrs. Lim at hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.“Ano ang nangyari sa babae? Hindi ba magaling ang kamay niya?”“Ang craniotomy ay isang napaka-pinong operasyon, isang pagkakamali lang ay maaaring mamatay ang pasyente. Ang kamay ni Dr. Enna ay hindi pa magaling at napaka-delikado ng ginagawa niya ngayon. Kay
Dahil sa kanyang narinig ay umiyak nang umiyak si Mrs. Lim. Wala siyang lakas ng loob na gumawa ng gulo lalo na nasa kanyang harapan si Zack Miranda. Ano ba ang laban niya lalo na ang ospital na kanyang kinatatayuan ay isa sa mga pag-aari ng mga Miranda. Ito ang major shareholder ng ospital na ito.Gustuhin man niyang maniwala kay Selina ngunit hindi niya magawa. Isa, dalawa o tatlong oras na ba ang babae sa loob ng operating room. Hanggang sa tumagal pa ang operasyon ng halos limang oras ay wala paring lumalabas mula sa loob ng operating room.Nakatulog na ang ibang mga nakaupo sa upuan. Habang patuloy na humihikbi ang ginang. Matiyaga siyang naghihintay sa resulta ng operasyon ng kanyang anak. Dumating na ang direktor at halos magkasabay lang ang pagdating nila ni Jerick.“Saan ka galing?” tanong ng direktor sa lalaking doktor.“Kararating ko lang. Umuwi ako para magpahinga,” sagot naman ni Jerick.Nagulat naman si Jerick dahil inapakan ng Direktor ang kanyang paa.“Nasa loob si Dr.
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
“Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”
“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit
“Posible ba ‘yun?” tanong ni Zayn.“Magkamukha tayong dalawa at hindi nila malalaman. Kung sakaling papayag ka ay kailangan mong umuwi sa bahay namin. Pero maiiwan ako dito,” sabi ni Tristan sa kanya.Matalinong bata si Tristan. Ginagamit niya ang kanyang utak para makita at mahanap niya ang kanyang ina. Wala siyang balak na sumuko lalo na narito na siya sa loob.“Ano, papayag ka na ba?” tanong niya kay Zayn.“Hindi ba tayo mahuhuli?” “Kung sasabihin mo sa kanila na ikaw si Zayn ay sigurado ako na malalaman nila. Pero kung mananahimik ka at magpapanggap na ako ay hindi nila malalaman.” sagot ni Tristan sa kanyang kapatid.“Sige, payag na ako. Basta ipangako mo sa akin na mahahanap mo si Dok Enna. Make sure na safe siya para pagbalik ko ay makasama ko siya. Sorry, alam ko na kasalanan ito ng daddy ko. Patawarin mo rin ako kung wala akong nagawa para iligtas siya. Pangako, gagawin ko ang lahat para magampanan ko ng maayos ang katauhan mo.”“Aasahan kita. Magtulungan tayo para makita na