Habang nasa labas ng emergency room ay balisa si Mrs. Lim. Sobrang nag-aalala para sa kalagayan ng kanyang anak.Ito ang unang beses na nakita at nakilala niya ang babaeng doktor kaya naman sa kanyang palagay ay bata pa ito at wala pang gaanong karanasan. “Sigurado ba kayo na okay ang babaeng doktor na ‘yon?” Nag-aalala na tanong ni Mrs. Lim.“Huwag po kayong mag-alala dahil isa po siya sa mga magagaling na doktor dito. Alam ko po na kaya niyang iligtas ang anak mo.” sumasagot ang isa sa mga doktor.“Hindi ba hindi pa magaling ang kamay niya.” biglang sabi ni Zen.Alam nila na mahirap gumalaw lalo na kapag hindi pa fully recover ang kamay nito. Kaya naman kumunot ang noo ni Mrs. Lim at hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.“Ano ang nangyari sa babae? Hindi ba magaling ang kamay niya?”“Ang craniotomy ay isang napaka-pinong operasyon, isang pagkakamali lang ay maaaring mamatay ang pasyente. Ang kamay ni Dr. Enna ay hindi pa magaling at napaka-delikado ng ginagawa niya ngayon. Kay
Dahil sa kanyang narinig ay umiyak nang umiyak si Mrs. Lim. Wala siyang lakas ng loob na gumawa ng gulo lalo na nasa kanyang harapan si Zack Miranda. Ano ba ang laban niya lalo na ang ospital na kanyang kinatatayuan ay isa sa mga pag-aari ng mga Miranda. Ito ang major shareholder ng ospital na ito.Gustuhin man niyang maniwala kay Selina ngunit hindi niya magawa. Isa, dalawa o tatlong oras na ba ang babae sa loob ng operating room. Hanggang sa tumagal pa ang operasyon ng halos limang oras ay wala paring lumalabas mula sa loob ng operating room.Nakatulog na ang ibang mga nakaupo sa upuan. Habang patuloy na humihikbi ang ginang. Matiyaga siyang naghihintay sa resulta ng operasyon ng kanyang anak. Dumating na ang direktor at halos magkasabay lang ang pagdating nila ni Jerick.“Saan ka galing?” tanong ng direktor sa lalaking doktor.“Kararating ko lang. Umuwi ako para magpahinga,” sagot naman ni Jerick.Nagulat naman si Jerick dahil inapakan ng Direktor ang kanyang paa.“Nasa loob si Dr.
Hinayaan na lang ni Zack na magpahinga si Selina. Pinuntahan na niya ang kanyang anak na hanggang ngayon ay gising pa.“Daddy, ano po ang balita? Ano po ang nangyari kay Dok Enna?” Nag-aalala na tanong ni Zayn sa kanyang ama.“Tulog siya ngayon at nagpapahinga.”“Po? Bakit po? Ano po ba ang ginawa niya? Napagod po ba siya?” Tanong ni Zayn.“May pasyente kasi siya kanina. At matagal niya itong inoperahan,” sagot ni Zack sa kanyang anak.“Talaga po? Kumusta po? Matagumpay po ba?” tanong ni Zayn.Tumango naman si Zack bilang sagot sa tanong ng kanyang anak.“Sabi ko na nga ba eh. May super powers talaga siya, para rin siyang angel. Ang galing niya talaga,” nakangiti pa na sabi ni Zayn na para bang tuwang-tuwa siya.Napangiti na lang si Zack at hinaplos niya ang buhok ng kanyang anak. “Hindi mo siya kasama ngayon. Kaya mo bang matulog mag-isa. Gabi na at kailangan mo ng matulog.” Mahinahon na kausap niya sa kanyang anak.“Puwede po ba na tabi kami?” Nagbabakasakali na tanong ni Zay sa ka
Dahil sa kanyang narinig ay hiyang-hiya si Mrs Lim kay Selina. Hindi niya kasi baisip na maililigtas nito ang kanyang anak na muntik ng mawala sa kanya. Ang kanyang nag-iisa at pinakamamahal na anak.“Dok, kung hindi dahil sa ‘yo ay siguro patay na ang anak ko. Nagpapasalamat ako sa ‘yo kaya ikaw na ngayon ang isa sa mga benefactor ng pamilya namin. Kung sakali man na kailangan mo ng tulong ay magsabi ka lang sa amin. Nais kong suklian ang kabaitan mo sa kabila ng ginawa ko sa ‘yo.” Saad ni Mrs. Lim.“Mrs. Lim, ginawa ko lang po ang trabaho ko. Wala po akong hinihintay na kapalit sa ginawa ko dahil ito ang tungkulin ko. Pero sana ay humingi kayo ng pasensya sa mga kasama ko.” Saad ni Selina sa ginang.“Pero hindi naman nila iniligtas ang anak ko.”“Wala naman silang mali. Dahil alam ko na natatakot lang rin sila dahil maliit lang ang chance of survival ng anak mo.”“Pero—”“Dahil sa ginawa mo ay posibleng wala ng tatanggap sa inyo na ospital kung sakali man na may mangyari sa hinahara
Noong bago pa lang si Selina sa ospital ay maganda na ang records niya bilang doktor. Isa sa pinakamaganda niyang credentials ay ang vice-president mismo ang nagsundi sa kanya sa ibang bansa para gamutin ang anak nito.Kaya malaki ang respeto ng mga kasama niya sa kanya. Humahanga rin sila sa angkin nitong galing. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang dumating si Zack sa ospital.Nais ni Selina na ipagtanggol ang kanyang sarili ngunit alam niya sa sarili na kahit pa sabihin niya ang katotohanan ay wala namang maniniwala sa kanya. Alam niya na iisipin lang nga mga ito na hindi siya karapat-dapat sa isang katulad ni Zack.Mas pinili na lang niya na manahimik at hinayaan ang iba niyang mag kasama na mag-away. Hanggang sa dumating na si Jerick at sinaway niya ang mga ito kaya tumigil na rin ang mga ito. Bumalik na ang mga ito sa kanya-kanya nilang mga trabaho. Ngunit may pagkakataon na nahuhuli niya ang mga ito na nakatingin kay Selina.“Hayaan mo na lang sila,” mahina na sabi ni Jerick.
Pero habang tumatakbo ang oras ay hindi na nagustuhan ni Zack ang kanyang nakikita. Hindi niya gustong nakikita na ang kanyang pinakamamahal na anak ay naging malapit na ng sobra kay Selina.Ilang beses niyang sinubukan na hawakan ang mga kamay nito ngunit paulit-ulit itong tumanggi hanggang sa tuluyan na nga itong nainis sa kanya.“Daddy, ang kulit mo. Hawak ka ng hawak sa kamay ko eh mas gusto ko dito kay Dok Enna.” naiinis na sabi ni Zayn.Bigla na lang sumakit ang ulo ni Zack sa kanyang narinig mula sa kanyang anak. Anak niya ito pero ayaw sa kanya.“Kanina mo pa siya hawak,” sabi niya kay Selina.“Hindi naman po, daddy eh. Saka po gusto ko dito,” sabi ni Zayn imbis na si Selina sana ang sumagot.Napa-buntong-hininga na lang si Zack. Tumingin siya kay Selina at umaasa na mamalayan nito na nais rin niyang hawakan ang kanyang anak. Ngunit hindi man lang ito tumitingin sa kanya.Nagkukunwari lang si Selina na wala siyang pakialam na wala siyang nakikita.“Baby, gusto mo ba na turuan
Medyo nakakaramdam na ng pagkainip si Zack. Hindi pa rin kasi kumikilos si Selina.“Sige na po, Dok Enna alis na po kayo. Kaya ko na pong matulog ng mag-isa. You need to go home na po at ihahatid ka ni daddy para po safe ka,” sabi ni Zayn.“Makakauwi siya ng safe,” sabi ni Zack sa kanyang anak.Nakahinga naman si Selina ng maluwag dahil natapos rin ang dalawa at makakauwi na siya. Tumingin si Zack kay Selina habang kinakabit niya ang seatbelt niya.“Ayaw mo ba talaga na pumunta ako sa bahay mo?”“Hindi na, kaya ko naman mag-isa. Kailangan ni Zayn ng may kasama. Hindi maganda na mag-isa siya sa hospital at walang kasama.” “Pero sinabi ko sa kanya na ihahatid kita sa bahay niyo.”Biglang humigpit ang pagkakapit ni Selina sa kanyang seatbelt. Kinakabahan siya pero sinabi pa rin niya kung saan siya ihahatid ng lalaki.Sa bahay ni Rain ang sinabi niyang address. Hindi naman nagsasalita si Zack at nakasimangot ito. Ilang minuto lang ang itinagal ng kanilang biyahe dahil sa wala namang tra
Hindi inaasahan ni Zack na mangangahas si Selina na magpakasal sa ibang lalaki. Kaya ba ito nawala ng ilang taon dahil nagpakasal ito sa iba? Hindi siya nagulat na buhay ito ngunit hindi niya matanggap na bumalik ito na may iba ng lalaki sa buhay nito.Masyado nga talagang magaling si Selina para makuha ang mga nais nito. Tiim bagang niyang pinunit ang lahat ng mga papel na nasa kamay niya.Sa labas ng opisia ay walang ni isang nangahas na pigilan ang kanilang boss. Naririnig nila ang bawat pagbagsak ng mga gamit sa loob ng opisina nito. Hindi rin nila alam kung bakit ito galit na galit sa ngayon. Hanggang sa narinig nila ang tunog ng baril.May papasok sana para magbigay ng mga papirmahan sa lalaki ngunit hindi na ito tumuloy dahil sa takot na baka madamay sa galit ni Zack.“Ben, bakit galit na galit siya ngayon?” hindi na mapigilan ng isa na magtanong sa lalaki kung ano ba ang nangyayari.Sa tingin ni Ben ay dahil ito sa ibinigay niyang data tungkol sa dating Mrs. Miranda. Alam niya