Hindi inaasahan ni Zack na mangangahas si Selina na magpakasal sa ibang lalaki. Kaya ba ito nawala ng ilang taon dahil nagpakasal ito sa iba? Hindi siya nagulat na buhay ito ngunit hindi niya matanggap na bumalik ito na may iba ng lalaki sa buhay nito.Masyado nga talagang magaling si Selina para makuha ang mga nais nito. Tiim bagang niyang pinunit ang lahat ng mga papel na nasa kamay niya.Sa labas ng opisia ay walang ni isang nangahas na pigilan ang kanilang boss. Naririnig nila ang bawat pagbagsak ng mga gamit sa loob ng opisina nito. Hindi rin nila alam kung bakit ito galit na galit sa ngayon. Hanggang sa narinig nila ang tunog ng baril.May papasok sana para magbigay ng mga papirmahan sa lalaki ngunit hindi na ito tumuloy dahil sa takot na baka madamay sa galit ni Zack.“Ben, bakit galit na galit siya ngayon?” hindi na mapigilan ng isa na magtanong sa lalaki kung ano ba ang nangyayari.Sa tingin ni Ben ay dahil ito sa ibinigay niyang data tungkol sa dating Mrs. Miranda. Alam niya
Tumigil na si Selina sa pag-atras dahil wala na siyang maatrasan pa. Si Zack naman ay nasa kanyang harapan. Nagtagpo ang mga mata nilang dalawa at nag-aalab ang mga mata nito sa galit. Ang galit na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Ni hindi niya maalala kung ano ba ang kasalanan na ginawa niya para magalit na naman ito sa kanya.“May problema ba?” tanong ni Selina kay Zack.Inosenteng mukha, malumanay na boses ngunit may mga sikretong tinatago ang babaeng nasa kanyang harapan. Para itong anghel at masasabi sa unang tingin na mabuti itong babae. Ngunit iba ang tingin sa kanya ni Zack. Galit siya babaeng ito.“Sa mga nakalipas na taon, saan ka namalagi? Saan ka nagpunta?” Sunod-sunod na tanong ni Zack sa babae.Biglang kumalabog ng malakas ang puso ni Selina sa tanong sa kanya ng kanyang dating asawa. Malakas ang loob niya na may gagawin ito kapag sinabi niya ang totoo. Kaya naman mas pipiliin niya na manahimik.“Wala kang pakialam kaya ‘wag mo na lang alamin.”“Talaga?”“Ano bang
Ano ba ang aasahan ni Selina kay Zack? Kung mula noon hanggang ngayon ay si Sarah lang ang nakikita nito at wala ng iba pa. Kaya nitong ipaangkin sa iba ang anak niya dahil sa pagmamahal nito sa babae. Ginagawa ni Zack ang lahat para kay Sarah ngunit ginagawa rin nito ang lahat para sirain ang buhay niya.Habang nakatingin siya sa lalaki ay muli niyang naalala kung paano ito naging mabuti sa kanya noon. Ngunit ang lahat ng iyon ay pakitang tao lamang dahil may iba itong nais at iyon ang mapalapit kay Sarah sa maikling salita ay ginamit lang siya ni Zack.Wala siyang nagawa noong agawin sa kanya ang lalaking mahal niya. Galit siya kay sara ngunit mas marami ang poot na nararamdaman niya para kay Zack. At ngayon ay mas humigpit pa ang hawak nito sa kanyang lalamunan. Dahilan para lumabo ang kanyang paningin.Ang lahat ay binigay niya sa lalaking ito noong ngunit mas mahal nito ang ibang babae. Kaya paulit-ulit niyang tinatanong ang kanyang sarili. Bakit ba niya minahal si Zack? Bakit niy
Labis ang takot na nararamdaman ni Zayn para kay Selina. Nang makita niya ang mga dugo na nagkalat sa sahig ay labis ang pag-aalala niya para sa babaeng doktor. Ayaw niya na masaktan ito. Kaya naman kaagad siyang nagtanong kung okay lang ba ito pero sa tingin niya ay hindi dahil napansin niya na dumudugo ang paa nito lalo na ang tuhod niya.“May sugat ka po,” natatakot niyang tinuro ang sugat ni Selina sa tuhod.“Bakit ka nasugatan? Sino ang may gawa nito sa ‘yo? Doktor ka pero nasaktan ka,” patuloy na sambit ni Zayn.“Okay lang apo,” nakangiti na sambit ni Selina habang nakatingin sa mga mata ng kanyang anak.“Hindi ka po okay? Kuya John, tawagin mo si Dr. Jerick. Please, paki-bilisan po.” utos ni Zayn.Mabilis naman na lumabas si John para hanapin ang lalaking doktor. Laking pasasalamat niya dahil naglalakad ang doktor papunta sa VIP room. Talagang papunta na si Jerick dahil may kakaiba siyang kutob kanina ng mapadaan siya.Pagpasok niya ay talagang nagulat siya sa bumungad sa kanya
Hindi inaakala ni Zack na muli niyang maririnig ang salitang ito mula sa kanyang anak. Nakaramdam na naman siya ng kakaibang sakit. Hindi niya inaakala na ang batang tahimik at matatakutin ay naging ganito na ngayon. Mas nag-aalala na kasi ito sa doktor kaysa sa kanya na ama nito. At nagawa pa nitong magalit.Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Selina ang naiinis na mukha ni Zack. Kinakausap na ng lalaki ang anak nito. “Hindi na mauulit.” saad ni Zack.“Talaga po? Hindi mo na siya sasaktan?” tanong ni Zayn sa kanyang ama.“Hindi na po,” mahinahon na sagot ni Zack.“Okay, bati na tayo.”Dahil sa kanyang narinig ay nakahinga naman ng maluwag si Zack. Alam niya na kapag hindi niya ginawa ang sinabi niya ay baka lalong magalit sa kanya si Zayn at iyon ang iniiwasan niya.“Dapat ay ingatan mo na siya, daddy para hindi na po siya masaktan.”Muli na namang nabigla si Selina at Zack sa kanilang narinig mula sa bata. Nagkatinginan lang sila at walang ni isang nagsasalita.Muling bumalik ang
“Kaya ko ng umuwi mag-isa. Huwag mo na akong ihatid pa.” pagtanggi ni Selina sa lalaki.“Ihahatid kita sa ayaw at gusto mo dahil nangako ako sa anak ko. Wala rin akong balak na bigyan ng rason ang anak ko na magalit na naman sa akin. Siguro naman ay narinig mo ang sinabi niya kanina?” saad ni Zack..Hindi naman natuwa si Selina sa kanyang narinig mula sa lalaki. Talagang makikita sa mga mata nito na hindi ito nagbibiro at talagang seryoso ito sa nais nitong gawin. Kahit pa alam naman niya na napipilitan lang itong ihatid siya. Hindi naman talaga nito kagustuhan kundi kagustuhan ng kanyang anak. Marahil ay takot na talaga ito na magalit si Zayn.Walang nagawa si Selina kundi ang magpadala ng mensahe sa kanyang kapatid na nagsasabi na ihahatid siya ni Zack. Nakalakip sa mensahe niya na patulugin na ang kanyang mga anak. Ngunit iba ang naging sagot ni Josh sa kanya.Naramdaman naman ni Selina na parang may nakatingin sa kanya. Napatingin siya kay Zack at salubong ang kilay nito na nakati
“Bakit hindi pa siya umaalis?” mahina na tanong ni Josh habang nakasilip sa may bintana.“Hindi ko rin alam. Kanina pa siya nandiyan,” sagot naman ni Selina na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapakali.Hindi niya maintindihan kung ano ba ang pakay ni Zack at hindi pa rin ito umaalis. Alam niya ang kaya nitong gawin kapag nakita nito ang mga anak niya. Kaya naman hindi talaga maganda ang pakiramdam niya na nasa malapit lang si Zack.“Sa tingin ko ay kailangan na nating maghanap ng ibang bahay,” biglang sambit ni Selina sa kanyang kapatid.“Bakit? Bakit tayo maghahanap?” naguguluhan naman na tanong ni Josh.“Hindi na tayo safe dito,” sagot niya sa lalaki.“Pero saan naman tayo lilipat?” Naging tahimik si Selina at ganun rin ang lahat. Kahit pa tahimik na nakaupo si Tristan sa may sofa ay alam niyang lahat. Hinihiling niya na sa malapit lang sila lilipat. Ang bahay na malapit sa ospital.“Mommy, sana po sa malapit po sa work mo tayo lilipat. Para po hindi ka na po nahihirapan kapag umuw
Napansin ni Josh ang kanyang pamangkin na nakatayo sa may likod ng pintuan kaya naman nilapitan niya ito.“Bakit parang malungkot ang Tristan ko?” “Totoo po ba ang sinabi ni mommy? Aalis ba tayo dito?”“Diba ang sabi mo mas gusto mo sa ibang lugar kaysa dito? Kaya doon na tayo,” malumanay na sagot ni Josh sa kanyang pamangkin.“Tito, ano po ba ang nangyayari? May tinatago po ba sa akin si mommy?” nagkukunwari na tanong ni Tristan.“Wala,” mabilis na sagot ni Josh sa bata dahil alam niya na masyado itong matalino at hindi ito basta-bastang maloloko.Iniisip ni Tristan na hanggang ngayon ay ayaw pa rin ng mommy niya na makilala sila ng daddy niya. Hindi rin niya maiwasan na isipin na masama siguro ang kanilang ama. Kaya isa rin ‘yon sa posibleng dahilan kaya ayaw ng kanyang ina sa kanilang ama.Samantala malungkot naman si Zayn na nakaupo sa kanyang kama. Kaya naman kinuha niya ang telepono ng kanyang daddy dahil balak niyang tawagan si Tristan. Kaagad naman na komonekta ang tawag at b
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
“Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”
“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit