“Kaya ko ng umuwi mag-isa. Huwag mo na akong ihatid pa.” pagtanggi ni Selina sa lalaki.“Ihahatid kita sa ayaw at gusto mo dahil nangako ako sa anak ko. Wala rin akong balak na bigyan ng rason ang anak ko na magalit na naman sa akin. Siguro naman ay narinig mo ang sinabi niya kanina?” saad ni Zack..Hindi naman natuwa si Selina sa kanyang narinig mula sa lalaki. Talagang makikita sa mga mata nito na hindi ito nagbibiro at talagang seryoso ito sa nais nitong gawin. Kahit pa alam naman niya na napipilitan lang itong ihatid siya. Hindi naman talaga nito kagustuhan kundi kagustuhan ng kanyang anak. Marahil ay takot na talaga ito na magalit si Zayn.Walang nagawa si Selina kundi ang magpadala ng mensahe sa kanyang kapatid na nagsasabi na ihahatid siya ni Zack. Nakalakip sa mensahe niya na patulugin na ang kanyang mga anak. Ngunit iba ang naging sagot ni Josh sa kanya.Naramdaman naman ni Selina na parang may nakatingin sa kanya. Napatingin siya kay Zack at salubong ang kilay nito na nakati
“Bakit hindi pa siya umaalis?” mahina na tanong ni Josh habang nakasilip sa may bintana.“Hindi ko rin alam. Kanina pa siya nandiyan,” sagot naman ni Selina na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapakali.Hindi niya maintindihan kung ano ba ang pakay ni Zack at hindi pa rin ito umaalis. Alam niya ang kaya nitong gawin kapag nakita nito ang mga anak niya. Kaya naman hindi talaga maganda ang pakiramdam niya na nasa malapit lang si Zack.“Sa tingin ko ay kailangan na nating maghanap ng ibang bahay,” biglang sambit ni Selina sa kanyang kapatid.“Bakit? Bakit tayo maghahanap?” naguguluhan naman na tanong ni Josh.“Hindi na tayo safe dito,” sagot niya sa lalaki.“Pero saan naman tayo lilipat?” Naging tahimik si Selina at ganun rin ang lahat. Kahit pa tahimik na nakaupo si Tristan sa may sofa ay alam niyang lahat. Hinihiling niya na sa malapit lang sila lilipat. Ang bahay na malapit sa ospital.“Mommy, sana po sa malapit po sa work mo tayo lilipat. Para po hindi ka na po nahihirapan kapag umuw
Napansin ni Josh ang kanyang pamangkin na nakatayo sa may likod ng pintuan kaya naman nilapitan niya ito.“Bakit parang malungkot ang Tristan ko?” “Totoo po ba ang sinabi ni mommy? Aalis ba tayo dito?”“Diba ang sabi mo mas gusto mo sa ibang lugar kaysa dito? Kaya doon na tayo,” malumanay na sagot ni Josh sa kanyang pamangkin.“Tito, ano po ba ang nangyayari? May tinatago po ba sa akin si mommy?” nagkukunwari na tanong ni Tristan.“Wala,” mabilis na sagot ni Josh sa bata dahil alam niya na masyado itong matalino at hindi ito basta-bastang maloloko.Iniisip ni Tristan na hanggang ngayon ay ayaw pa rin ng mommy niya na makilala sila ng daddy niya. Hindi rin niya maiwasan na isipin na masama siguro ang kanilang ama. Kaya isa rin ‘yon sa posibleng dahilan kaya ayaw ng kanyang ina sa kanilang ama.Samantala malungkot naman si Zayn na nakaupo sa kanyang kama. Kaya naman kinuha niya ang telepono ng kanyang daddy dahil balak niyang tawagan si Tristan. Kaagad naman na komonekta ang tawag at b
Ang kaba sa puso ni Selina ay hindi pa rin maalis-alis. Labis siyang nag-aalala para sa kanyang mga anak. Ngunit mas lalo siyang nag-aalinlangan kay Zayn dahil hindi pa ito magaling. Higit sa lahat ay walang kasiguraduhan kung sasama ba ito kung sakali man na aalis sila. Alam niya na maasahan ang kanyang kapatid na si Josh ngunit alam rin niya sa sarili niya na walang hindi kayang gawin si Zack. Ang pera at kayamanan nito ay hindi niya kayang tumbasan.Malaki na rin ang ipon niya at nadagdagan pa ito noong nagbayad sa kanya ang kanyang dating asawa ngunit kumpara sa pera na mayroon si Zack ay talagang ni hindi umabot sa kalahati ang mayroon siya.Kaysa magpaka-stress ay pinili niya na bumalik sa silid ni Zayn. Ngunit habang nasa malayo siya ay natatanaw niya ang babaeng nagpupumilit na pumasok sa loob ng silid.“Bakit niyo ba kami pinipigilan na makita ang apo ko?!” sigaw ni Mrs. Ramirez.“Sumusunod lamang kami sa utos sa amin.”“Kami ang pamilya niya. Sa amin siya lumaki kaya bakit
“What happened?” nag-aalala na tanong ni Jerick.Nais niyang umiyak ulit pero mas pinili niya na ngumiti sa doktor at sinabi na ayos lang siya.“Kung okay ka ay hindi ka dapat umiiyak.” sabi ni Jerick habang pinupunasan ang kanyang mga luha.“Ayos lang talaga ako, ano ka ba.” nakangiti na sabi ni Selina.“Bakit mo po pinupunasan ang luha ni Dok Enna?”tanong ni Zayn kaya bigla nitong inalis ang kamay sa mukha nito at hinawakan ang kamay nito na may sugat.“Hindi mo dapat hinahayaan na masugatan ka,” mahinahon na sabi ni Jerick kay Selina.Ngunit napalingon sila ng bigla na lang bumukas ang pinto ng VIP room at pumasok si Zack. Hindi ito natutuwa sa nakikita ng mga mata niya. Tiim bagang itong nakatingin sa dalawa lalo na sa kamay ni Selina na hawak ngayon ng lalaking doktor. Nagkunwari si Zack na wala siyang napansin kahit pa sasabog na siya sa galit.“Huwag mo masyadong pwersahin ang mga bagay-bagay para mabilis na maka-recover ang kamay mo.” saad ni Jerick kay Selina.“Thank you,” sa
Napapikit na lang si Zayn sa kanyang narinig mula sa kanyang ama. Hindi niya alam ang sasabihin niya pero isa lang ang alam niya na kapag nasa tabi niya si Dok Enna ay pakiramdam niya ligtas siya. Na kapag kasama niya ito ay walang sino man ang puwedeng manakit sa kanya.Unti-unti na rin kasi siyang nagtataka sa nararamdaman niya. Hindi niya alam kong bakit unti-unti siyang nakakaramdam ng pagmamahal para sa doktor. Palagi niyang hinihiling na sana ay ito na lang ang kanyang tunay na ina. Dahil kapag nagkataon ay ipagmamalaki niya ito sa lahat“Daddy?”“Zayn, maraming bagay na hindi mo maintindihan. Kung nais mo siyang makasama ay hahayaan kita. At kung magiging tapat lang siya ay baka hanggang sa paglaki mo ay makasama mo pa rin siya.” mahinahon na sambit ni Zack.“Tapat? Pero mabuti naman po siyang tao,” malungkot na sabi ni Zayn.“Doktor mo lang siya ang hindi mo siya kapamilya iyon ang dapat mong tatandaan.”“Puwe—”“Maging mabait ka na lang at tigilan mo na ang pagtatanong. Tama
“Kilala mo ba si Zack? Hindi naman sa minamaliit kita,” sambit ni Selina.“Ang tagapagmana ng mga Miranda?” “Oo siya nga,” sagot ni Selina.“Bakit? Anong kinalaman niya dito?” tanong ni Kier.“Ako ang personal doctor ng anak niya. Pero hindi ko kasi gusto ang ugali niya. Puwede mo ba siyang kausapin para sa akin? Kung hindi mo naman kaya ay ‘wag ka ng magpapakita sa akin. Ayaw ko kasi sa lalaking mahina dahil mas gusto ko ang lalaking matapang.” saad ni Selina.Nagulat naman si Kier sa kanyang narinig mula sa babae pero hindi ito nahalata ni Selina. Kilala ng lahat kung sino si Zack at kung ano ang kaya nitong gawin kaya alam ni Selina na walang mangangahas na kumalaban sa lalaki. Kaya nais niyang subukan si Kier kung ano ba ang kaya nitong gawin.“Kakausapin? Tungkol saan?” seryoso na tanong ni Kier sa babaeng doktor.“Pangaralan mo para naman magbago siya kahit kaunti.”“Hindi ko magagawa ‘yan pero kaya ko siyang ilayo sa ‘yo ng ilang araw.” sambit ng lalaki.Nakatingin naman si Se
Naging tahimik ang paligid. Hindi maintindihan ni Selina pero ilang beses na siyang napalunok na para bang nauuhaw siya. Lalo pa habang nakatingin siya sa madilim na mga mata ni Zack. Parang nais niyang tumakbo palabas lalo na ngayon na naglalakad na ang lalaki papunta sa kanya.Pero tinatagan niya ang loob niya at sinalubong ang galit na mga mata ni Zack.“Alam ko na nakita mo na kaya hindi ko na kailangan pang sabihin sa ‘yo.” taas noo na sambit ni Selina.“Kaano-ano mo siya?” malamig na tanong ni Zack sa kanya dating asawa.“Hindi mo kailangan na malaman. Sana mas nilaan mo na lang ang oras mo sa anak mo kaysa itanong sa akin ang mga bagay na hindi mo naman dapat tinatanong,” sambit niya.Walang dahilan para magpaliwanag siya sa lalaki dahil matagal na silang tapos. Hindi na siya ang dating asawa ng lalaki. Hindi na siya ang asawa na kailangan pa magsabi kung saan siya pupunta at kung sino ang kasama niya.Walang salita naman na lumabas si Zack sa opisina ni Selina. Nakahinga naman