Share

CHAPTER 15

“I–Ikaw?”

Para namang napako si Rena sa kanyang kinatatayuan dahil nasa harapan niya ang babaeng hinding-hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya. Ang pamilyar na mukha na matagal na niyang hindi nakita.

Kaya pala pamilyar sa kanya ang mga mata nito. Kahit pa natatakpan ng balabal ang mukha nito ay pamilyar ang mga mata nito. Kaya pala ay kakaiba siyang nararamdaman. Ang pamilyar na pakiramdam niya tuwing nasa malapit si Selina.

Ang buong akala niya ay patay na ito. Pero bakit nasa harapan niya ito ngayon? Pumikit siya at muling dumilat. Nais niyang maka-sigurado kung tama ba ang nakikita ng mga mata niya.

Buhay nga talaga ito at nasa kanyang harapan na ngayon. Malamig ang mga mata nito. Nababanaag sa mukha nito ang galit. Ngayon niya naiintindihan kung bakit ito galit na galit sa kanya.

Alam na siguro nito na ito ang tunay na ina ni Zayn. pilit na pinapakalma ni Rena ang kanyang sarili.

“B–Buhay ka?” nauutal na tanong nito sa kanya.

“Hindi ka ba makapaniwala na buhay pa ako?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Sabihin mo kasi Ang totoo Selina
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
bumangon na ang patay lagot kau
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status