Nararamdaman ni Selina ang pananakit ng kanyang siko at kamay. Hindi niya tuloy maasikaso ang iba niyang pasyente.
“Dok Jerrick, pasensya ka na talaga kung naabala pa kita.” nahihiya na sabi niya sa doktor.
“Okay lang, ‘wag mong isipin ‘yon. Okay lang naman din kay direktor eh.” nakangiti na sambit ng doktor.
“Oo naman, walang problema. Alam ko naman na kaya mong gawin ng maayos ang mga surgeries na dapat ay kay Dok Enna.”
“Salamat po. Pero alam naman natin na pagod si Dok Enna sa mga surgeries na ginawa niya kahapon. At mukhang sumusobra na ang mga Miranda sa ginawa nila kay Dok. Wala man lang ba tayong gagawin sa ginawa niyang pananakit kay Dok Enna?” biglang sambit ni Jerrick.
Napabuntong hininga na lang ang Direktor dahil kahit siya masakit na ang ulo dahil sa nangyari. Pero ano nga ba ang magagawa niya laban sa mga Miranda. Makapangyarihan ang pamilyang ito.
“Guys, palagi niyo sanang isipin na ang majority shareholder ng hospital natin ay ang pamilya Miranda. Kaya sa tingin niyo ano ang magiging laban natin sa kanila? We don’t have the power to fight for our rights.” Saad naman ng direktor kay Selina at Jerrick.
“Alam namin ang tungkol sa bagay na ‘yan. Pero mali pa rin na saktan niya si Dok Enna.”
“At mas mabuti rin na magpakumbaba na lang tayo kaysa magmatigas sa kanila. Sana ay magsilbing aral na ito sa inyo.”
Nagkatinginan lang ang dalawa dahil tama ang mga sinabi ng Direktor. Pero kahit na ganoon ay tahimik lang si Selina. She’s fully aware na wala siyang laban sa dati niyang asawa. Dahil ang tanging mahalaga lang sa kanya ay ang kanyang anak. Si Zayn lang at wala ng iba pa.
“Just rest for now, Dok Enna.”
Hinayaan na muna ng ibang mga doktor na magpahinga si Selina. Alam nila na pagod ito at may nararamdaman. Malaki naman ang tiwala ng direktor na magiging successful ang mga operations ni Dok Jerrick dahil magaling rin itong doktor. Pumapangalawa ito kay Selina sa mga doktor na magaling sa kanilang ospital.
Nasa kanyang opisina lang si Selina at pinag-aaralan ang lagay ng kanyang anak. She was advised to rest pero hindi niya magawa. Mas mahalaga pa rin sa kanya na siguraduhin na magiging maayos ang kalagayan ni Zayn habang narito ito sa hospital.
Hindi na siya mapakali kaya naman mabilis siyang nagpalit ng damit at pumasok sa loob ng ICU.
Bigla namang nagising si Zayn at napatingin sa kanyang harapan. Bigla siyang nakaramdam ng takot dahil sa pag-aakala na may mananakit sa kanya. Biglang bumuhos ang kanyang mga luha ng dahil sa takot.
Nagulat naman si Selina nang makita niya ang kanyang anak na gising na. Pero mas nataranta ito dahil nakita niya na tumatangis ang kanyang anak. Mabilis siyang lumapit para kausapin ito dahil baka may nararamdaman itong sakit.
“Huwag kang umiyak. May masakit ba sa ‘yo?” mahinahon na tanong niya sa bata.
“Who are you? Where am I?” namamaos na tanong ni Zayn sa kanya.
“Me? I’m a doctor and you’re here in the hospital.”
“Mamatay na po ba ako?”
“Hindi, and don’t say that. Don’t talk to much dahil hindi mo pa kaya.” mabilis na sagot ni Selina sa mahinahon pa rin na boses.
Kaagad naman na itinikom ni Zayn ang kanyang bibig at nakinig sa sinabi ng doktor na nasa kanyang harapan. Nawala ang takot niya dahil sa malumanay na boses ng babae.
Kaagad naman na inasikaso ni Selina ang lahat para mailipat na si Zayn sa magiging silid nito. Nang makarating na sila sa VIP room ay nakatingin siya sa oras. Napangiti siya dahil oras na pala para kumain ang bata.
Binigyan niya ito ng lugaw at lihim naman siyang napangiti dahil malapit na maubos ni Zayn ang laman ng nasa mangkok. Akmang susubuan ni Selina ng lugaw ang bata ng may biglang tumabig sa kanyang kamay.
“Anong pinakain mo sa kanya?!” pasigaw na tanong ni Rena na kakarating pa lamang.
“Tita, pinakain po niya ako kaya ‘wag niyo po siyang pagalitan.” biglang nagulat si Zayn sa pagdating ng kanyang tiyahin.
Napatingin naman si Rena sa babae na nagpakain sa kanyang pamangkin. At ito pala ang doktor na nag-opera kay Zayn. Kaagad na kumulo ang kanyang dugo nsa babae.
“Ikaw na naman? Ano ang pinakain mo sa kanya? Kapag may nangyari sa kanya na masama ay ikaw ang mananagot.” galit na sambit ni Rena.
“It’s just a porridge kaya ‘wag kang paranoid. May mas mangyayari sa kanya kapag nagutom siya. At isa pa ikaw ang may responsibilidad sa kanya diba? Kaya bakit nangyari ito sa kanya?” kaagad naman na sagot ni Selina sa babae.
“How dare you say that to me?!”
“Me, I’m just nobody.” pang-aasar pa ni Selina kay Rena.
“Matapang ka, sisiguraduhin ko na madadamay ang buong hospital na ito.”
“Gawin mo, kung kaya mo.”
Natigilan naman si Rena sa kanyang narinig at naikuyom niya ang kanyang mga kamay.
“Sino ka sa tingin mo–”
“Kung gusto mo na gumawa ng gulo ay sige lang. Nasa labas lang mga ang security para kaladkarin ka palabas.” walang emosyon na sambit ni Selina.
Mabilis naman na lumapit si Rena kay Zayn. Ayaw niya ipakita ang galit niya sa doktor. Alam niya na wala siyang magagawa kung makikipagtalo pa siya sa babae. Kaya mas pinili niya na kay Zayn ilabas ang galit niya.
“Zayn, ano ang lagi kong paalala sa ‘yo? Diba ang sabi ko sa ‘yo ay ‘wag na ‘wag kang kakain ng pagkain na galing sa stranger. Dapat ang mga luto ko lang ang kakainin mo diba? Paano kung nalason ka?” naiinis na sambit ni Rena at mahina na pinisil ang braso ng bata.
Mabilis naman itong nakita ni Selina kaya agad niya tinulak si Rena. Masamang tingin lang ang ipinukol niya sa doktor. Alam niya ang dapat gawin. Sa ngayon ay wala siyang magagawa pero hindi niya hahayaan na sirain ng baguhang doktor ang kanyang pinaka-iingatan na imahe.
Alam na alam ni Rena na hindi pa magigising si Sarah kaya sa kanya susunod si Zayn.
“Sasabihin ko sa mga Miranda ang ginagawa mo sa tagapagmana nila. Sasabihin ko na tinulak mo at sinasaktan mo ang bata. Sa tingin mo matutuwa pa sila sa ‘yo?”
Naikuyom ni Rena ang kanyang mga palad sa galit niya sa babae dahil masyado itong pabida.
“Zayn. tinulak ba kita o sinasaktan man lang?” nakangiti na tanong niya sa bata.
Dahil sa takot ay mabilis na umiling si Zayn. Na siya namang nagbigay ng kasiyahan kay Rena.
“See, mali ang mga paratang mo sa akin.” nakangisi na saad nito kay Selina.
Nakatingin lang si Selina kay Rena. Ayon sa mga nalaman niya ay kilala ito bilang isang mabuting babae. Bilang isang maalaga at mapagmahal na tiyahin ni Zayn. Na anak ang turing niya sa bata. Ito ang pilit na paniniwala ng mga tao sa labas. Na ang babaeng nasa kanyang harapan ay ang babaeng pinaka-mabuti sa lahat.Ngunit iba ang nakikita ni Selina sa mga mata ni Zayn. Nakikita niya na natatakot ang bata kay Rena. Alam niya na ginagawa ng babae ang lahat para walang may makaalam sa totoong pagtrato niya sa bata.Ngunit may mga tanong siya na nais niyang malaman ang kasagutan at isa na doon ang tanong na. Bakit natatakot si Zayn sa kanyang tiyahin? Anong ginagawa niya sa bata? “Zayn, makinig ka ng mabuti and always remember na ako lang ang kakampi mo. May mga tao na magpapanggap na mabait sa ‘yo dahil nais ni lang mapalapit sa daddy mo. Pero ang totoo itatapon ka lang nila kapag may pagkakataon. No one understands you, only me. Ako lang ang tanging tao na nagmamahal sa ‘yo kaya makini
Natigilan si Selina sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na ilalayo nito ang anak niya at pinag-babantaan pa siya si Zack.“Anak ko siya. Alam natin pareho kung sino ang tunay niyang ina. Kaya bakit mo ako pinag-babantaan?” may diin na sambit ni Selina na sapat lamang na marinig ni Zack.Balewala lang kay Zack ang sinabi ni Selina. Malamig na tingin lang ang ibinigay nito sa kanya. Harap-harapan nitong ipinapakita kung sino siya at kung ano ba ang kaya niyang gawin. Nakaramdam man ng takot ay hindi nagdalawang isip si Selina na damputin ang tumbler na may lamang tubig at hinagis niya ito kay Zack.Kaagad namang sinalag ng lalaki ang tumbler at bumagsak ito sa sahig. Dahilan para makalikha ng ingay na kumuha ng atensyon ng mga tao sa labas.“Sana ikaw na lang ang nasa kalagayan niya ngayon. Hindi dapat ikaw ang naging ama niya.” nanggigigil na sambit ni Selina.“Iyan ba ang gusto mo?” tiim bagang na tanong niya.“Oo, dahil hinahayaan mo lang siyang palakihin ng mga masasamang tao.” ma
Hindi umalis sa ospital si Zack at binantayan niya ang anak niya. He wants to spend his time with his son kahit ilang oras lang. Aminado siya na nawalan siya ng oras sa kanyang anak dahil na rin sa trabaho at dahil na rin sa naging kampante siya na inaalagaan ang kanyang anak sa bahay ng mga Ramirez. Simula kasi noong sanggol ito ay ang mga Ramirez na ang nag-aalaga kay Zack. Wala naman siyang naging problema dahil na nakikita naman niya na maayos ang pagpapalaki ng mga ito kay Zayn. Mabait at masunurin itong bata. Wala siyang natatanggap na sumbong mula kay Rena na nahihirapan ito sa pag-aalalaga sa bata. Kaya ngayon ay hindi siya makapaniwala na tumalon ito sa bintana. pagkatapos nitong msgkulong sa silid nito. Nakatulog na si Zayn kaya naman lumabas na muna si Zack sa VIP room. Naglakad-lakad ito at sa ‘di kalayuan ay natatanaw niya ang babaeng matagal niyang hindi nakita. Ang babaeng inakala niyang patay na. Perobngayin ay bigla na lang niya itong nakita dito sa ospital at
Malapit sa pinto ng entrance ng hospital ay may nakatayo na sobrang cute at gwapong bata. Nakasuot siya ng sumbrero at kakaiba ang fashion style niya sa pananamit. Para itong binata sa kanyang porma. May hawak itong lunch box na may laman na pagkain at inumin para sa kanyang ina.Wala naman siyang balak na pumunta sa hospital but his mom forgot their birthday and that was yesterday. Kaya wala siyang ibang gusto kundi ang makita ang kanyang mommy. He was mad pero mas pinili niya na intindihin ang kanyang ina dahil alam niya na busy ito sa trabaho.Matiyaga siyang naghihintay dahil iyon rin ang bilin ng kanyang ina. Habang naghihintay siya ay may lumapit sa kanya na isang lalaki.“Senyorito? Ano po ang ginagawa niyo dito sa labas? Okay na po ba kayo?” Tanong ng lalaki sa kanya.“Ako po ba ang kinakausap niyo, kuya?” Tanong ni Tristan sa lalaki.“Opo, Senyorito. Bakit po kayo narito sa labas?” Tanong ni John na isa sa mga bodyguard ni Zack.Matagal na siyang nagtatrabaho kay Zack kaya nam
Nagtagpo ang mga mata ni Selina at Zack. Kinakabahan si Selina at sobrang bilis ng t*bok ng puso niya. Hindi niya inaasahan na napansin siya ng lalaki kanina. Ang buong akala niya ay hindi siya nito nakita. “Nakita mo rin siya kanina. Nakita mo rin si Senyorito Zayn nakasuot pa nga siya ng sumbrero. Alam ko na nakita mo siya,” saad pa ni John.Pilit na kinalma ni Selina ang kanyang sarili at iniisip kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Hindi niya pwedeng ipahalata sa mga ito na kinakabahan siya.“Ang sabi ng mga tao sa labas ay sumisigaw ang bata na kidnapper ka. Hindi na ba sapat ang sweldo mo para kumuha ka pa ng bata sa labas?” saad ni Selina sa lalaki.“Ano ba ang sinasabi mo? Hindi nga kasi ako kidnapper. Kaya ko lang naman hinawakan ang bata kanina dahil kamukha siya ni Senyorito. Hindi naman malabo ang mga mata ko para hindi ko makilala ang boss ko.” pilit pa rin na nagpapaliwanag si John ng side niya.Lumapit naman si Selina kay Zack at hindi niya pinapansin si John na hang
“Don’t be afraid, I’m here.” mahina na bulong ni Selina sa kanyang anak.“Don’t turn off the lights, please.” umiiyak pa rin na sambit ni Zayn.“Don’t cry, everything is fine.” saad niya at niyakap niya ito.Unti-unting kumalma ang bata. Binuhat niya ito at pinahiga ulit sa hospital bed. Nilinis niya ang sugat nito. Nakabukas na ngayon ang mga lahat ng ilaw at maliwanag na ang buong paligid. Pinunasan rin niya ang luha ni Zayn.“Zayn, okay lang ba na magtanong ako?” mahinahon na tanong ni Selina sa bata.Tumango naman ito bilang sagot. Ngumiti si Selina at hinawakan ang kamay ng bata.“Bakit ayaw mo na nakapatay ang mga ilaw? Natatakot ka ba talaga sa dilim?”“May mga ipis po kasi.” parang iiyak na naman na sagot nito.“Ipis?” nagtataka na tanong niya.“Opo, ipis.”“Walang ipis dito. Palaging sinisigurado ng mga tao dito na malinis ang paligid at walang ipis na maliligaw.” paliwanag ni Selina sa bata.“Really po?”“Opo, kaya matulog ka na. I’ll make sure na wala kang makikita na mga i
“Anong ginagawa mo? Nababaliw ka na!” galit na turan ni Selina sa lalaki.Nagkatinginan silang dalawa hanggang sa biglang hinawakan ni Zack ang kanyang mukha. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at inilapit ang mukha nito sa kanya. “Sa tingin mo ba naiisahan mo ako?” “Ano ba ang sinasabi mo?”“Stop acting like hindi mo alam ang sinasabi ko. Gusto mong itakas ang anak ko? Sa tingin mo hahayaan kita?”Napalunok si Selina dahil paano nalaman ni Zack ang balak niya. Masyado bang halata ang intensyon niya. Hindi siya puwedeng umamin. Hindi niya puwedeng ipahalata na tama ang hinala nito.“Nababaliw ka na. Sa tingin mo gagawin ko ‘yon? Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ng anak ko?”“Ito ang tandaan mo. Huwag na ‘wag mong susubukan na ilayo sa akin si Zayn.”“Bitiwan mo nga ako at itigil mo na itong kalokohan mo! Huwag mong isturbuhin ang tulog ng anak ko.” buong lakas na itinulak ni Selina si Zack palayo sa kanya.Nang muling bumalik ang ilaw ay mabilis na lumabas si Selina sa VIP room na m
Mabilis na naglakad si Rena para puntahan ang pakialamera na doktor. Nais niya itong kausapin dahil nagagalit na siya pakikialam nito. Hindi niya matanggap na nagiging malapit na ito kay Zayn. “Where is she?” tanong niya.“Wala po siya dito. May kailangan po ba kayo sa kanya?” tanong ng nurse.“Pupunta ba ako dito kung wala akong kailangan, boba!” naiinis na sabi niya at mabilis na lumabas sa opisina ng doktor.Naiwan naman na hindi makapaniwala ang nurse. Ang buong akala niya ay mabait ito ngunit ngayon niya napatunayan na masama pala talaga ang ugali ni Rena. Dumiretso si Rena sa opisina ng direktor dahil nais niya na ito na mismo ang kausapin. Pagpasok pa lang niya kaagad niyang sinabi ang pakay niya sa pagpunta.“Wala ka bang balak na gawin tungkol sa pakialamera mong doktor?” “Anong ibig niyong sabihin? Anong ginawa ni Dok Enna?” naguguluhan na tanong ng direktor.“Masyado siyang bida-bida at pinapakialaman niya si Zayn.”“Miss Ramirez, our doctor is only doing their job. Per
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
“Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”
“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit