Share

THE SEX CONTRACT 3:  MAXI and MARCO
THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO
Author: Jade Tattoo

TICKING TIME BOMB

Author: Jade Tattoo
last update Huling Na-update: 2024-12-06 14:45:44

MAXI POV: 

“MAHIGIT  walong oras na biyahe, tatlong beses tumigil sa bus stop pero sa lahat ng yon ni minsan hindi pa kita nakitang tumikim kahit tubig.” Si Debora ang nagsasalita sa tabi ko pero nagpapanggap akong tulog, nakapaling sa direksyon ng bintana ng bus. “Sabihin mo nga, Maxi, dapat na ba akong kabahan?’

Kalmado akong humigit ng malalim na buntong-hininga pero malalamig ang mga kamay ko. Sasabihin ko ba sa pinsan ko na bagong trainee sa loob ng Black Beretta na umanib ako sa grupong yon na isang organized crime syndicate para maghiganti sa pagkamatay ng 10 bata sa pangangalaga ko 10 years ago? Aaminin ko rin ba na wala na naman akong tulog dahil  binangungot ako kagabi dahil sa tawag ni Anna kahapon?

Si Anna Medrano ang Lady Boss sa Black Beretta at ito rin ang nag utos nang biglaan kong pag uwi sa San Luis, isang lugar na walang idinulot sa akin kundi kahihiyan, hirap, sama ng loob at buhay na mga bangungot kahit gising ako.

Lintik, hindi ko yon masasabi sa kanya.

Sa loob ng organisasyon, isa lang ang gagawin mo: sumunod. Maliban doon, wala na. Mas ligtas ang mga tao sa paligid mo kung lahat ng sikreto mo, propesyonal o personal, sa sarili mo na lang.

Parusa pa ang biyahe namin. Kung may taxi lang sanang masasakyan papasok ng San Luis, baka nagbayad ako kahit triple pa. Pero unfair kay Debora na karguhin ko ang pamasahe porke mas mapera ako sa kanya. Dapat nasa lugar ang mga bagay para walang pride na nasasagasaan.

May mga taong nanliliit kapag ginagastusan mo sila. At sa pamilyang kinagisnan ko, sanay kaming gumapang sa hirap pero bawat butil ng bigas, pagtatrabahuhan mo.

Walang lugar sa amin ang mga pakiusap at pabor o padrino.

“Okay lang ako.” Nagsinungaling na naman ako kahit hindi. 

Ang mag ina sa katapat naming upuan ay kanina pang  nagpapakulo ng dugo ko. Napakaingay. Maligalig ang anak na lalaki na nasa 6 years old na kanina pa umiiyak pero ang magaling na ina, nakatutok sa phone at wala yatang pakialam kung nakakaabala na sila ng ibang pasahero.

Sumasakit ang ulo ko dahil doon. Parang sasabog ang tenga ko at nagsisimula na akong mag hyperventilate mula sa pagpipigil ko ng hininga kanina pa para hindi makahalata ang iba sa tinitiis ko.

Ang mga kamay ko, nakakapit na sa kurtina ng bus at parang mababaliw na ako.

Iniisip ko nang sumigaw na lang nang malakas sabay baba kahit saan.

Palakas nang palakas ang ingay ng bata at halos paos na kaya nang may dumaang lalaki sa tapat ko, sinadya kong magkunwaring tumayo at ibinuhos ko sa babae ang laman ng extra large na coke. Mula ulo pababa ng damit nito.

“Pu—-ina!” Nagmura ito ng malulutong sabay tayo. Napaatras pabalik ang may hawak ng disposable cup na nakatunghay na lang sa aming dalawa. Dinuro ako ng babae. “Bulag ka ba o tanga kang babae ka?”

Napakatapang ng bunganga, pero kaya kayang ipagtanggol ang iba pang parte ng kanyang katawan?

Inunahan akong magsalita ng lalaking ‘inagawan’ ko ng drinks. “Hindi niya sinasadya, ako ang may kasalanan.” 

Ni hindi ko tiningala ang lalaking nagsalita. Sa loob ng isip ko, sinasampal ko na ang babae hanggang sa dumugo ang nguso.

Salubong ang kilay na napatitig ang ginang sa lalaking nasa pagitan namin na naka police uniform. Peripheral vision lang ang ginamit ko. Pero nakita ko ang braso, napakakinis at umaagos sa hangin ang bango. Isang segundong sulyap at natiyak ko na guapo at halos six feet ang taas. Masyadong mayaman ang dating para sa isang pulis. Diver’s Watch ang relo at may college ring sa daliri.

Pero sa kabila ng hindi derektang tulong na nakuha ko mula sa lalaki, hindi nabawasan ang init ng ulo ko. Nagsuot ako ng mask gaya ng mga sitwasyong may gusto akong patayin sa gitna ng publiko at deneretsa kong titigan ang babae nang makalampas ang pulis.

Naupo uli iyon sa likuran ng bangko ko. Sa mismong tapat ko sa tabi ng bintana.

Naningkit ang mga mata ko nang i-focus ko ang atensyon ko sa babae. Nasa mid-30s, slim built, at mukhang may kaya sa buhay. Makinis at maputi pero hangin ang laman ng utak. “Huwag kang mag anak kung wala ka palang alam sa bata. Hindi sila nag iingay nang walang dahilan. Baka gusto mong tanungin kung may masakit sa kanya, naiihi, nahihilo o baka tinutubuan ng bagong ngipin. Puede ring stressed na sa mahabang biyahe kaya kung puede lang,  bawas-bawasan mo ang katititig mo sa lintik na phone mo at asikasuhin mo muna ang anak mo!”

Bigla umangat ang daliri nito at dinuro uli ako. Si Debora, sumiksik na sa sulok at nakipag palit na sa akin ng inookupang bangko. Magkaharap na kami ng babae na halos hanggang balikat ko lang. “P*****a ka, sino ka bang pakialamera ka, ha?” May sinulyapan itong lalaki sa hulihan ng bus, mga apat na upuan ang layo sa amin at parang sinasabing lapitan kami niyon at patulan ako.

Nasa late 30s, payat at mukhang walang alam kung ano ang lasa ng dugo ng ibang tao.

At sorry na lang, birthday ko ngayon at handa na akong mamatay. Binunot ko ang kalibre 38 sa likod ng pants ko, inagaw ko ang phone ng babae na hawak pa rin nito at binaril ko yon sa paanan ko.

Nagsigawan ang mga tao sa loob ng bus. Biglang huminto sa tabi ang sasakyan at nagpulasan ang mga sakay na nasa 50 ang bilang. May mga standing passengers pa kanina sa unahan. At kung tumayo ang pulis na minamatyagan ko sa gilid ko kaysa sa babae at bumunot din ng baril—papatayin ko siya nang walang pagdadalawang-isip.

“Maxi!” Tinangka ni Debora na pigilan ako nang tutukan ko ng baril ang kasama ng babae pero inilipat ko sa kabilang kamay ko ang baril at pinaputok ko yon sa itaas ng dashboard ng bus para patamaan ang cctv ng sasakyan nang sa babae nakatingin.

Tumili ang babae sa harap ko sabay luhod. Nakatakip ang mga kamay sa tenga, umiiyak.

Kaugnay na kabanata

  • THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO   DETOUR

    MAXI POV: Sumingasing ako sa galit: “Sa susunod na mag ingay ang anak mo at hindi mo alam ang gagawin, isinusumpa ko sa Dios na kukunin ko siya sa yo kapag nagkita tayo uli.” Ibinalik ko sa kanan ang baril, nakatutok na uli sa lalaking kasama nito. “Tinatanong kita!” Parang hindi na sa akin ang boses na ginagamit ko, sa demonyong pula ang mata at uhaw sa dugo. “Sagot!”Huminto para sa akin mundo, nasa dulo na ako ng kaya kong tiisin. Putang ina, nakakarindi ang iyak ng bata!Kumikislap ang mga mata ko, unang beses kong mangatal sa sobrang pagpipigil na huwag kalabitin ang gatilyo dahil sibilyan ang lintik na kaharap ko. Parang basang sisiw nang magsalita ang babae. Hindi na magawang tumingin sa akin. Nangangatal sa takot. “O-opo. opo. Patawarin ninyo po ako. Hindi na po mauulit.” Kumiskiskis ang mga kamay nito gaya ng taimtim na nagdadasal.Sunod kong tinutukan ng baril ang gwapong pulis, kinapkapan ko sa likod, maharas. Mabigat ang kamay ko na dumadapo dito, tiningnan ko kung

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO   OVERTURES

    MAXI POV: Tiyak ang mga hakbang, tinawid ang pagitan namin na wala pang isang dipa at niyakap niya ako, tumitig sa akin at tinawag akong:“Anna, huwag mo akong iwan.” Ang mga mata niya puno ng sakit at paghihirap. “Gagawin ko ang lahat para sa yo. Kahit kaunting oras mo lang.” Ang mga daliri niya natatakot hawakan ang mukha ko at literal na nanginginig. Umaalingasaw sa matapang na alak ang hininga niya at matubig ang mga mata. “Kahit sandali lang. Kahit pasikreto. Hayaan mo lang akong makita ka. Alagaan ka gaya ng dati. Sapat na yon sa akin.” Nang hindi ako sumagot, idinugtong niya. “Mamamatay ako kapag nawala ka.”Nanigas ako. Ikinulong ako ang matinding amoy ng alak sa hininga niya sa loob ng bilog na ako lang ang nakakakita at dinala ako pabalik sa nakaraan, sa mga panahon kung gaano siya kabaliw kay Anna kahit noong mga bata pa kami.Napagkamalan niya akong si Anna?Mas mabuti.Inakay ko siya palabas ng bar. Nakasampay sa balikat ko ang mahabang kamay. Gagawin ng lahat ng ib

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO   WET DREAMS

    MARCO’S POV:WET dreams.Walang katulad. Nasa ilalim ko raw si Anna kagabi at nagpapaubaya. Hawak ko siya sa mga bisig ko at bumabaon ako sa pagkababae niya gaya ng baliw. Gumigiling ako sa loob ng katawan niya at tinatanggap niyang lahat ang aking pagbayo.Nasa labi ko pa kung gaano katamis ng halik niya. Matindi pa sa honey dahil bawal.Naiwan din sa palad ko kung gaano kakinis at kabango ang kanyang balat kaya dinala ko yon sa aking mukha at haling kong sinamyo.At ang pagkalalaki ko, pumipintig, gumagalaw na parang may sariling buhay. God. Puede na akong mamatay kung totoo yon. Dahil alam kong imposible gaya rin ng mga araw na nagigising akong nangangarap, nagnanasa, naghahangad at patuloy na nasisiraan ng bait sa babaing yon.Isa siyang droga na hinahangad ko sa bawat sandali ng miserable kong buhay. Kabaliwan nga siguro talaga pero umaagos sa hangin kahit ang bango niya mula sa aking mga panaginip.Magiging akin ito, isinusumpa ko yan.Pero bakit parang nangyari talaga na sab

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO   MARCO'S THREAT

    MAXI POV: “HINIWA mo ang sarili mong kamay para palabasing may nangyari sa inyo?” Umangat sa upuan sa Debora. Nalaglag ang kamote na nakatusok sa tinidor. “Anong agenda mo?” “May atraso sa akin ang taong yon. Muntik ko na ngang patayin kagabi.” Idagdag pa ang mas matinding insulto: mahigit pitong taon akong nakasama ng lalaking yon dito sa San Luis, talaga bang hindi ako nito nakikilala? Ako na mas madalas nitong kasama kaysa kay Anna? 90% ng panahon ng kabataan nito ay ako ang nasa tabi nito! “Gawin mo agad.” Susog ni Debora. Panganay sa 12 magkakapatid, naging bato ang puso nito bago naglayas at napadpad sa poder ko. “Sayang ang oras. Dinig ko, madalas yon sa Carlo’s place, ginagawang swimming pool ang alak. May natitipuhan daw na babae na may boyfriend na.” “Saan mo naman nalaman yan?” “May balak akong magtayo ng mini-bar diyan sa tabing kalsada. Alam mo na, dito sa atin, libre ang intel. Kapag magaling kang magtanong, de kalidad ang makukuha mong sagot. At mas madali y

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO   WHO IS CRUEL?

    MAXI POV:“NAGING busy ako nitong mga nakaraang araw kaya ngayon lang kita natawagan.” Si Anna ang kausap ko sa phone. At kahit magkasama kami sa organisasyon, iniiwasan naming magkita kahit kailangan. Burner phone ang gamit niya at pinakamatagal na ang 10 minuto. May voice modulator din ang boses niya para hindi ma-trace ng iba ang kanyang tawag sa mga leaders. “Nauunawaan ko. Okay lang,” sagot ko. “Naging abala din ako, inaayos namin ang lumang bahay ni Debora sa tabing sapa. Umalis agad kami sa hotel sa bayan dahil napakaboring.”“Mabuti kung ganon,” nagbuntong-hininga siya. “Nakaset up na para sa yo ang trabahong inialok ni Don Menandro, sa tingin ko hindi ka niya tatanggihan kung sa akin manggagaling ang referral.”“Anong trabaho?”Ipinaliwanag niya sa akin.Kinabukasan, kaharap ko na agad ang Don. Hindi ako magaling manghula ng edad pero mukha siyang kalmadong tao at mapagtiwala. At sa tikas at tindig na meron siya, posibleng marami pa ring babae na nagkakagusto sa kanya.Pued

    Huling Na-update : 2024-12-06

Pinakabagong kabanata

  • THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO   TICKING TIME BOMB

    MAXI POV: “MAHIGIT walong oras na biyahe, tatlong beses tumigil sa bus stop pero sa lahat ng yon ni minsan hindi pa kita nakitang tumikim kahit tubig.” Si Debora ang nagsasalita sa tabi ko pero nagpapanggap akong tulog, nakapaling sa direksyon ng bintana ng bus. “Sabihin mo nga, Maxi, dapat na ba akong kabahan?’Kalmado akong humigit ng malalim na buntong-hininga pero malalamig ang mga kamay ko. Sasabihin ko ba sa pinsan ko na bagong trainee sa loob ng Black Beretta na umanib ako sa grupong yon na isang organized crime syndicate para maghiganti sa pagkamatay ng 10 bata sa pangangalaga ko 10 years ago? Aaminin ko rin ba na wala na naman akong tulog dahil binangungot ako kagabi dahil sa tawag ni Anna kahapon?Si Anna Medrano ang Lady Boss sa Black Beretta at ito rin ang nag utos nang biglaan kong pag uwi sa San Luis, isang lugar na walang idinulot sa akin kundi kahihiyan, hirap, sama ng loob at buhay na mga bangungot kahit gising ako.Lintik, hindi ko yon masasabi sa kanya.Sa loob n

DMCA.com Protection Status