MAXI POV:
Tiyak ang mga hakbang, tinawid ang pagitan namin na wala pang isang dipa at niyakap niya ako, tumitig sa akin at tinawag akong: “Anna, huwag mo akong iwan.” Ang mga mata niya puno ng sakit at paghihirap. “Gagawin ko ang lahat para sa yo. Kahit kaunting oras mo lang.” Ang mga daliri niya natatakot hawakan ang mukha ko at literal na nanginginig. Umaalingasaw sa matapang na alak ang hininga niya at matubig ang mga mata. “Kahit sandali lang. Kahit pasikreto. Hayaan mo lang akong makita ka. Alagaan ka gaya ng dati. Sapat na yon sa akin.” Nang hindi ako sumagot, idinugtong niya. “Mamamatay ako kapag nawala ka.” Nanigas ako. Ikinulong ako ang matinding amoy ng alak sa hininga niya sa loob ng bilog na ako lang ang nakakakita at dinala ako pabalik sa nakaraan, sa mga panahon kung gaano siya kabaliw kay Anna kahit noong mga bata pa kami. Napagkamalan niya akong si Anna? Mas mabuti. Inakay ko siya palabas ng bar. Nakasampay sa balikat ko ang mahabang kamay. Gagawin ng lahat ng ibang lalaki maangkin lang ang perpektong katawan na mayroon siya. “May dala kang kotse?” Nakalungayngay na siya nang bumulong. “Room 97. May usapan tayong doon…magkikita. You said yes. Umasa ako. Tuparin mo ang pangako mo, Anna.” Isinuot ko ang facemask ko at dinala ko siya sa loob ng suite na yon. Itinulak ko siya sa kama pahiga at tinutukan ko ng baril mula sa kanyang paanan. At hayon na naman, hindi ko magawang kalabitin ang gatilyo kahit nasa akin na ang pagkakataon. Ano bang problema ko? Narinig ko sa isip ko ang sinabi minsan ni Anna: Posibleng kilala din ni Marco ang mga lalaking yon kung walang mga maskara sa mukha pero dahil bata pa, baka nadaig ng takot at nakalimutan ang mga nakita niya. May bahagi ng utak ng tao na kayang mag twist ng pangyayari para mailigtas ang sarili sa trauma at malampasan ang mga pangit na bagay na nagpapahirap sa kanila. Minsan may mga taong nagkakaroon ng mental disorders dahil doon. Napakurap ako. Ganon nga kaya ang ginawa ni Marco? Inilibing lang sa limot ang sagot sa mga tanong ko? Lango sa alak, tumayo si Marco at sumusuray na humakbang papunta sa akin. Nanginig ang kamay ko, dapat barilin ko na siya pero hindi ko talaga magawa. “Tutulungan na kitang magdesisyon kesa mabuhay ako nang wala ka.” Parang baliw siya na nagsasalita. Walang takot ang mga mata, at naghahangad na yata ng mas mabilis na kamatayan. Hinapit niya ako sa bewang kahit nakadikit na sa noo niya ang dulo ng baril, hinawi iyon ng isang kamay at siniil ako ng halik sa bibig, nasa likod ng ulo ko ang isang kamay. Ang halik na yon ay puno ng galit, pagnanasa, parusa at purong paghihirap. Nabitin sa dibdib ko ang sarili kong hininga at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi. Mali ito. Dapat ay itulak ko siya. Pero hindi ako makagalaw. Parang replay sa isang pelikula, dumaan sa isip ko ng mahigit pitong taon na kasama ko siya sa kubo, sa lansangan ng San Luis, sa school, sa batis at kapag naglalakad kami sa daang-lupa papunta sa bayan para mamasyal. Lintik ang dami. Nagawa niyang hablutin ang batok ko nang mas mariin dahil lumilipad ang isip ko at idiin ang kamay niya sa likod ng balakang ko, kinakabig ako palapit sa kanyang pagkalalaki, umuungol. Hindi na siya ang Marco na kilala ko noon na patpatin at walang laman. Nag uumapaw ang kapangyarihan ng kanyang katawan. Lalaking-lalaki. Nagawa na niyang iangat agad ako sa lupa at sinukol ako sa pinakamalapit na pader. Binitiwan ko ang baril sa ibabaw ng mahabang muebles malapit sa amin, hindi na nag iisip. Umungol ako, kusang pumipikit, lumapat ang mga kamay ko sa walang patawad na tigas ng laman sa malapad niyang balikat, pababa sa makapangyarihang bulto ng likod, sa tapered na bewang at kahit wala pa akong karanasan, kinabig ko ang pag upo niya padikit sa aking katawan, nasasabik sa higit ko pang makukuha. Hindi na ito masama kung magkasunod kaming mamamatay pagkatapos. Naglambitin ako sa leeg niya nang manghimasok ang kanyang dila, iniikutan ang dila ko. Sinipsip nang mariin nang gumanti ako ng halik, at ang pagkalalaki niya, gumagawa ng maliliit na pagbayo sa puson ko, binubuhay ang pagnanasa ko. Bawal o kahangalan pero gusto ko ang nangyayari. Para akong hinihila sa makamundong lugar kung saan may magagandang bagay na naghihintay sa akin. Mas naging mapusok ang mga kamay niya, hinahablot ang mga damit ko palayo sa aking katawan. Napilipit ang t-shirt kong itim nang hatakin niya paalis sa akin at basta na lang inihagis kung saan. Umaatras na kami sa direkyon pabalik sa kama, mabilis, iisa ang aming hakbang. Pero nang kakalasin na niya ang bra ko, tinabig ko ang mga kamay niya at siya ang itinulak ko gitna ng higaan. Sinakyan ko ang matipuno niyang katawan, nakikipag paligsahan sa kanyang halik habang siya ang aking hinuhubaran. At nakita kong malala ang mabilis na epekto sa kanya ng alak, mabigat ang kanyang talukap habang bumibiling sa kama pabagal nang pabagal, bumagsak na roon ang pangahas na mga kamay. Sinamantala kong baka may naalala pa siya o nararamdaman at ikiniskis ko ang pundya ng panty ko sa bukol ng kanyang pagkakalaki. Halos hindi ko na namalayang nagawa ko agad maghubad ng suot kong pantalon para gawin yon. Umungol siya sa kama, umaarko ang katawan, bayolenteng nanginig, habang napapaliyad ako sa erotikong pakiramdam ng tigas ng kahandaan niya laban sa pagkababae ko, kumakayod sa aking clit. At siguro’y matagal nang nagtitiis na walang orgasm, sumabog siya sa loob ng boxer brief niya nang walang actual penetration. Humihingal siyang nakatulog, bumubulong sa hangin na hindi ko na naririnig, nakapikit siya nang mariin, naghihirap, pagod na pagod at mabilis na nakatulog. At naiwan akong nagnanasa, naguguluhan. Sa huli, kumapit ako sa baluktot kong hangarin kung saan alam kong makikinabang ako sa naging pagbagsak ni Marco sa una naming paghaharap muli. Grasya. Malinaw yon at walang pagdududa.MARCO’S POV:WET dreams.Walang katulad. Nasa ilalim ko raw si Anna kagabi at nagpapaubaya. Hawak ko siya sa mga bisig ko at bumabaon ako sa pagkababae niya gaya ng baliw. Gumigiling ako sa loob ng katawan niya at tinatanggap niyang lahat ang aking pagbayo.Nasa labi ko pa kung gaano katamis ng halik niya. Matindi pa sa honey dahil bawal.Naiwan din sa palad ko kung gaano kakinis at kabango ang kanyang balat kaya dinala ko yon sa aking mukha at haling kong sinamyo.At ang pagkalalaki ko, pumipintig, gumagalaw na parang may sariling buhay. God. Puede na akong mamatay kung totoo yon. Dahil alam kong imposible gaya rin ng mga araw na nagigising akong nangangarap, nagnanasa, naghahangad at patuloy na nasisiraan ng bait sa babaing yon.Isa siyang droga na hinahangad ko sa bawat sandali ng miserable kong buhay. Kabaliwan nga siguro talaga pero umaagos sa hangin kahit ang bango niya mula sa aking mga panaginip.Magiging akin ito, isinusumpa ko yan.Pero bakit parang nangyari talaga na sab
MAXI POV: “HINIWA mo ang sarili mong kamay para palabasing may nangyari sa inyo?” Umangat sa upuan sa Debora. Nalaglag ang kamote na nakatusok sa tinidor. “Anong agenda mo?” “May atraso sa akin ang taong yon. Muntik ko na ngang patayin kagabi.” Idagdag pa ang mas matinding insulto: mahigit pitong taon akong nakasama ng lalaking yon dito sa San Luis, talaga bang hindi ako nito nakikilala? Ako na mas madalas nitong kasama kaysa kay Anna? 90% ng panahon ng kabataan nito ay ako ang nasa tabi nito! “Gawin mo agad.” Susog ni Debora. Panganay sa 12 magkakapatid, naging bato ang puso nito bago naglayas at napadpad sa poder ko. “Sayang ang oras. Dinig ko, madalas yon sa Carlo’s place, ginagawang swimming pool ang alak. May natitipuhan daw na babae na may boyfriend na.” “Saan mo naman nalaman yan?” “May balak akong magtayo ng mini-bar diyan sa tabing kalsada. Alam mo na, dito sa atin, libre ang intel. Kapag magaling kang magtanong, de kalidad ang makukuha mong sagot. At mas madali y
MAXI POV:“NAGING busy ako nitong mga nakaraang araw kaya ngayon lang kita natawagan.” Si Anna ang kausap ko sa phone. At kahit magkasama kami sa organisasyon, iniiwasan naming magkita kahit kailangan. Burner phone ang gamit niya at pinakamatagal na ang 10 minuto. May voice modulator din ang boses niya para hindi ma-trace ng iba ang kanyang tawag sa mga leaders. “Nauunawaan ko. Okay lang,” sagot ko. “Naging abala din ako, inaayos namin ang lumang bahay ni Debora sa tabing sapa. Umalis agad kami sa hotel sa bayan dahil napakaboring.”“Mabuti kung ganon,” nagbuntong-hininga siya. “Nakaset up na para sa yo ang trabahong inialok ni Don Menandro, sa tingin ko hindi ka niya tatanggihan kung sa akin manggagaling ang referral.”“Anong trabaho?”Ipinaliwanag niya sa akin.Kinabukasan, kaharap ko na agad ang Don. Hindi ako magaling manghula ng edad pero mukha siyang kalmadong tao at mapagtiwala. At sa tikas at tindig na meron siya, posibleng marami pa ring babae na nagkakagusto sa kanya.Pued
MAXI POV:“May hindi ka alam,” naririnig ko ang malakas na tibok ng puso niya kasabay ng mararahas niyang paghinga sa mismong tenga ko. “Isinumpa kong ang nanay ko na ang huling puta sa pamamahay na ito. I will kill you in a blink of an eye kapag sinubukan mong tawirin ang linyang hindi para sa yo.”Halos wala na akong naiintindihan. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pumipintig kahit ang likod ng utak ko. Parang kulog ang dagundong na naririnig ko.Natatakot ba ako sa kanya?Sa loob ng organisasyon, maraming beses nang nalagay sa alanganin ang buhay ko. Nasugatan ako at halos mamatay. At may pagkakataong nag iisa ako para gamutin ang sarili ko sa kumplikadong injuries. Pero ni minsan, hindi ako dumaing na parang batang takot sa kapirasong sugat at kaunting dugo.Bakit ngayon, ang katawan ko, sobrang sakit? Hindi pisikal. Halos nagiging tubig ang mga tuhod ko. Ni hindi ako makatayo. Nangangatal ako.Anong nangyayari sa akin?Naramdaman yata ni Marco ang kondisyon ko at bigla akon
MAXI POV:Pagnanasa.Kasiyahan.Nabaliw siya sa nakikita niya.Nakatitig siya sa mga nipples ko na parang inaangkin yon kaya napakapit na lang ako sa sofa. Ibinaling ko sa kawalan ang paningin ko dahil naramdaman kong hinawi lang niya ang pundya ng panty ko, idiniin sa butas ng pagkababae ko ang malapad na ulo ng ari niya at tumulak sapat para makapasok.Pero nagkamali siya. Wala pa akong karanasan kaya nanatili ang pagkalalaki niya sa bukana ng aking sarado at masikip na laman.Natigilan siya. Hinablot ako sa mukha paharap sa kanya. “Sabihin mo nga, wala ka pa bang karanasan?”Ngumisi ako. “Babae ang nagdidikta ng presyo niya. Sa tingin mo, maglalakas loob akong akitin ang tatay mo kung wala na akong maipagmamalaki?”Dito sa San Luis, matindi ang usapin kung birhen pa ang babae. Mas malaki ang oportunidad at iginagalang ang mga babaing may disiplina sa sarili pagdating sa sex. Makaluma.Tradisyonal.Maria Clara.Sa kaso ko, hindi ako nakaramdam ng atraksyon sa ibang lalaki. Kinain
MAXI POV: Humikbi ako at tuluyang umiyak. “Mamamatay muna ako bago mangyari yan! Sana pinatay mo na lang ako! Hayop kaaa!” Nauwi sa hagulhol ang sigaw ko.Naka-pin ako sa kama, at umuuga kami dahil sa pag iyak ko. Buhol-buhol ang hininga ko sa sobrang sakit at mali yon.Hindi ito nakakamatay.Walang babaeng namatay sa ganito na nasa hustong edad na.For God’s sake, malapit na akong mawala sa kalendaryo!Bakit ganito ang nararamdaman ko?Pinatitindi ba ng galit ko ang pisikal na sakit dahil siya ang gumawa?Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko, dalawa, at sinupil ko ang tunog na ginagawa ko.Nagagalit ako sa sarili ko dahil dapat lumaban na lang ako sa kanya kahit ikamatay ko.Yon ang dapat.Yon ang tama.Bigla siyang umangat sa akin at galit na naupo sa paanan ng kama. Nagsindi ng sigarilyo at nagsalin ng alak mula sa bedside table.Sabay na hinihithit ang sigarilyo saka tumungga ng matapang na likido.Nahiya ba siya sa sarili niya?O gusto niya ng babaing kusang loob na nakikipagt
MAXI POV:Idinugtong niya nang manatili akong tahimik. “Ayoko sa babaing hindi submissive, regardless of your profession. Sinasabi ko na agad kasi ayoko sa matitigas ang ulo at may sariling batas na sinusunod dahil magiging problema yon.”Sa simula pa lang, nakita na niyang may sarili akong gobyerno kapag galit. Handa rin akong lumabag at mamatay ano mang oras.Pinagtangkaan ko rin ang buhay niya.Inaasahan ba niya na magbabago ako overnight?At hindi ako nag apply na babae niya–kinidnap niya ako.Baliw ba siya?Humigit ako nang buntong-hininga. Lintik. “Mahihirapan ako sa ikatlo. Kapag mainit ang ulo ko, gaya mo, kaya kong pumatay ng tao. At gaya ng nakita mo na, may sumpong ako na wala akong sini-sino. Yong pagiging submissive, kalimutan mo na lang, madi-disappoint ka.”“It’s non negotiable.” Ang angas ng sagot niya. “At kahit tumanggi ka sa offer ko, magiging akin ka pa rin.”Psycho ba talaga siya?“Nalilito ka ba sa pagkakaiba ng death penalty sa sex contract?”Hindi rin niya p
MAXI POV: Pero binalikan ko ang dahilan kung bakit ako narito. Hindi para sa sarili ko. Para sa sampung bata na namatay at nalibing sa limot. Mabuti na ito. Sabi nga nila, keep your enemy closer. Baka mas maging madali nga para sa akin ang lahat. “Gaano katagal ang kontrata na ito?” Kailangan kong maging maingat. Hinahanap ko yon sa papeles. “Ilang linggo o buwan?” Nahihirapan akong magbasa at mababa ang apprehension ko dahil hindi ako komportable sa presensya niya. Dahil alam kong sapilitan ang lahat at wala lang akong pagpipilian. Ideya niya lang ito at bakit ako ang nasa ganitong sitwasyon. Ano ang nakita niya sa akin? “One year.” Itinuro niya sa ikatlong page. “Kasama rin diyan ang pagdalo mo sa mga okasyong kailangan kong puntahan at family events.” Bakit hindi na lang pinadali ang nakasulat? Ang kailangan niya ay full time housewife! “Isang taon?” Nabitiwan ko ang mga papeles. Galit ako nang tumingala sa kanya. “Nagbibiro ka ba? Hindi ko kaya ang ganon katagal
MAXI POV: Big Boy ang tawag ng bata, gawa sa handmade na tela, may hawak na baril na itinahi lang ng sinulid para manatiling nakadikit sa laruan.Dalawang dangkal ang taas at matigas ang laman, hula ko, mga tela na pinagtabasan ang nasa loob.At yong plastic na baril ay free lang sa nabibiling chichira na piso o baka dos lang ang isa.Ang mukha ng laruan, walang mata, ilong at bibig kaya nilagyan ko na rin kahit drawing lang sa pentel pen.Dito sa San Luis, maraming kabataan na ang mga laruan gawa sa bahagi ng mga puno, mga plastic na pinulot sa tabing aplaya o kawanggawa ng iilang mayaman.Posibleng ang nanay ni Gunter ay iisang mananahi.Pulido ang pinaka buhok ng laruan na gawa sa sinama-samang sinulid na lumang luma na.Katsa ang kabuuan. Marumi na sa sobrang kalumaan.Pero halatang binuo ng mapagmahal na kamay kaya naman matunog na halik ang nakuha kong gantimpala mula kay Gunter hindi ko pa man nalalagyan ng bigote.Ang tatay raw kasi niya, mahilig sa baril at may bigote.
MAXI POV:“Iwanan mo na ako. Huwag mo akong pilitin kapag ayoko. O magpapakamatay na lang ako sa harap mo.” Humihikbi ako na parang bata. Nanginginig ang labi ko habang nagsasalita.Totoo ang sinasabi ko. Biglang-bigla ang pagod na naramdaman ko. Parang kaya kong matulog ng isang linggo o mag hibernate ng ilang buwan.O baka hindi ko na gustuhing magising pa kahit kailan.“Shit,” umigkas siya sa pagkakadagan sa puno ng mga hita ko. “Pero kailangan mong bumangon bukas. May gusto akong puntahan kasama ka.”Lintek ka. Wala ka talagang pakialam kahit mabaliw ako. Wala kang ibang naiintindihan kundi sarili mo lang at pangangailangan mo sa sex.Mamatay ka na.Hindi niya makikita sa mata ko ang emosyong kalakip ng mga salitang yon.Nakapikit pa rin ako at ayoko nang buksan ang mga mata ko.Pagod na pagod ako. Ibinaon ko ang buong mukha ko sa loob ng palad ko. Namaluktot ako nang umatras siya palayo ng kama. Nag fetus position ako. At naramdaman kong hinablot niya ang unan, ikinalang sa ul
MAXI POV:Naging mariin ang pagsipsip niya sa nipple ko, at nang higitin niya yon sa loob ng bibig niya, diniinan niya ang sentro ng clit ko at umungol ako, nangangailangan, halos nagwawala.Umaangat ang balakang ko sa kama at naging mabilis ang aking paghinga.“Akin ka na,” lumipat sa kabila ng dibdib ko ang mainit niyang bibig at umulos sa loob ng pagkababae ko ang daliring galing sa clit ko.“Oh, God!” Namilipit ako sa tindi ng init na nabuhay sa katawan ko. Kinukuyumos ko na ng kamay ko ang mahaba niyang buhok. Ang isa pa ay humihigit sa kanyang balikat para pagbutihin ang pagsipsip niya sa nipple ko.“Sabihin mo sa akin ang gusto mo,” parang apoy ang hininga niya sa ibabaw ng dibdib ko. Mararahas ang paghinga habang pinaliligaya ako.Nagtitiis siya sa sariling pangangailangan para maihanda ako.Naging sakim ang pagkababae ko bilang tugon at pumalibot ako sa isang daliri niyang nasa loob ko. Humigpit ako palibot doon, hinihigit iyon papasok. Sa tindi ng pangangailangan ko sa kany
MAXI POV: Malaki ang dressing room pero hindi ko binigyan ng atensyon ang mga laman ng salaming mga tokador sa magkabilang panig. Kumuha lang ako ng satin na roba, hindi ako nag-bra gaya ng normal na araw ko sa bahay at komportable akong lumabas papunta sa kama ko na adjacent ng bedroom ko.Naroon siya sa hamba ng bukas na pinto, hindi pa rin umaalis. Tila gustong makipag usap pero hindi makadiskarte.Ano ang hindi niya masabi, eh, ang angas ng ugali niya?Bahala ka diyan.Binuksan ko ang mobile service ng phone ko at nagsimula akong mag scroll, nagtatago sa malaking unan. Dahil nang ini-atras ko ang mga binti ko, makikita ang panty ko.Kung sa ibang lalaki siguro, babalutin ko ang sarili ko na parang suman.Kailangan ko bang aminin sa sarili ko na gusto ko talaga ang atensyon niya galit man ako o hindi?Shit. Paghinga ko, wala na siya. Pero iniwan pa ring bukas ang pinto. Saglit pa at narinig ko ang mga kaluskos na ibinabalik niya sa kahon ang mga laruan. Isa-isa. Mabagal.Mabuti
MAXI POV: Pang 3 months mo na ito, Boss. Kung magbago ang isip mo at magsawa ka sa mga ito, alam mo kung saan ako tatawagan.Zoe.Sumikip ang dibdib ko. Pareho sila ng pangalan ng isa sa mga batang inalagaan ko noon at namatay pero alam kong magkaiba silang tao.Tatlong tama ng bala sa ulo ang tinamo ng batang yon. Imposibleng mabuhay.At gaya ng Zoe na ito, mahilig sa note ang batang Zoe.Ang mga gamit ko noon, tadtad ng nakadikit na kapirasong papel. At nag iipit pa yon ng thank you and appreciation letter sa ilalim ng unan ko.Nanginig ang labi ko kaya kinagat ko kaagad sa kagustuhan kong huwag mapaiyak. Kaya nagulat ako na biglang may nagsalita sa likuran ko.“Hindi ka ba pinahirapan ni Zoe habang wala ako?”Hindi ako sumagot. Pinahirapang ano?Eh, nilayasan ko agad ang kampon niya. Isa sa natutunan ko sa buhay, puede akong mamatay ano mang oras. Kung kaya kong iwasan ang mga toxic na tao at sitwasyon, inuunahan ko na agad.Mahalaga ang mental health ko. Na pagdating kay Marco,
Ginamitan niya ng Rambo knife ang ¼ na bahagi. At hindi pa man nabubuksan nang buo, nailalantad ang lahat ng laman, nagwawala na siya.Ang lakas talaga ng sayad niya!“A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Sinugod ko siya para awatin. Pero ibinato niya ang kahon sa gitna ng malawak na sala. Nayupi yon at tumalsik pa ang ilang laman.Mga laruan ng bata na hindi ko kayang titigan.Natatakot ako.Baka mabaliw ako.May kutob ako na mga gamit yon ng mga batang nakasama ko sa kubo nang ibigay sa akin ni Anna. At bago pa ako matukso na tapunan ng tingin ang ilang pirasong laruan, sinakal na niya ako sa leeg papunta sa dingding.“Sino ka ba talagang babae ka! Sabihin mo kung sino ka!”Nagdilim agad ang paningin ko at natakot ako nang marinig ko ang buto at laman sa leeg ko na parang nadudurog.Hindi ako makahinga. Masakit. Nanlalabo ang paningin ko.Tinapik ko siya sa magkabilang balikat pero para na siyang demonyo.Ginamitan ko na ng technique: ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa pagitan ng
MAXI POV:Ang maangas na kilay na lagi na lang salubong kapag sa akin nakatitig. Ang matangos na ilong na nagbubukas-sara sa galit sa akin at ang labing mapipintog na napakasarap humalik kaya nakakalimot agad ako sa maraming bagay.Ang prominenteng hugis na panga na kababaliwan ng mga dalubhasang iskuptor at mga pintor na binagayan ng mahaba at mala-tintang buhok.May nadagdag sa kanyang karakter, halata na ang stubbles niya sa mukha na parang ilang araw hindi naahitan. Malamang mula nang umalis siya ng bahay at wala siyang dalang pang-grooming sa sarili.At mas aburido ang paghinga niya ngayon higit sa mga araw na nasa harapan ko siya. Sobrang tensyonado ang lapad ng kanyang balikat, at malalim ang pabugso-bugsong paghinga. Palagi na lang siyang parang wala sa kontrol sa sarili at nasisiraan na ng bait kapag ako ang kaharap.Pero nagiging normal kapag si Anna ang nasa paligid!At sa kabila niyon, lahat lahat sa kanya natatandaan ko.Gaano ako kalala?Hindi ko hinagod nang tingin ang
MAXI POV:Lumipad na naman ang common sense ko. Nakalimutan ko agad ang sinimulan kong argumento na bawal ito sa magkatrabaho. Na kung papipiliin ako o siya sa kahit anong sitwasyon, batas at patakaran sa loob ng organisasyon ang una naming dapat isaalang-alang.Hindi ganitong para kaming mga sex toys na nanginginig sa pangangailangan sa isa’t-isa. Daig pa namin ang walang isip na de baterya.At mas baliw ako dahil hindi ko kayang panindigan ang mga pangako ko sa sarili ko kapag hindi ko siya kaharap.Lalong lalo na ang katapatan ko para kay Anna na walang sino man ang makakapantay. Naging hungkag na ang conviction kong yon, at na lang akong baliw na naghahangad sa atensyon ni Marco.Na naman.Nasisiraan na talaga ako ng bait.Nasa kurba na agad ng leeg ko ang labi niya, hinahalikan ako sa makinis kong balat. Sinasamyo ang bango ko sa pagitan ng ibat-ibang uri halik. Makasalanan ang ungol na kumakawala sa kanyang dibdib habang humahagod ang mainit na labi pababa sa aking balikat at s
MARCO POV:Maliban sa iisang kilala ko na matagal nang patay–si Maxine Perez.Kakaiba ang kaba ko.Iba rin ang kutob ko, parang kilala siya ng katawan ko. Hinagod ko nang tingin si Maricar Tamayo kahit nakaupo, na tinatawag ni Debora na Maxi at lalo akong binayo ng kaba.Kung hindi ko nakita ang duguang bangkay ni Maxine Perez ten years ago, baka ipa-DNA test ko ang babaing ito sa tabi ko.Na hindi ko gagawin dahil imposible. Saksi ako ng gabi ng mangyari ang massacre, pero masyado akong takot na takot ng sandaling yon dahil may masama ring nangyari sa nanay ko. At naroon ako para humingi sana ng tulong kay Diego.Isa pa, mula ulo hanggang paa, malabong ikumpara siya kay Maxine. Makinis, maputi, walang marka ng kahit peklat sa buong katawan—na nakita ko habang inaangkin ko siya. Parang ordinaryong babae lang siya, baguhan kong assassin, tipikal at iyakin.Matapang na babae ang batang Maxine, yong nakasama ko. Hindi umiiyak kahit may baling buto. At hindi marunong mag alaga ng saril