Ang maliit na bata ay puno ng malalaking luha ang nag niningning sa kanyang mga mata. Suminghot siya at tumitig ng malalim.Bella: “ngumiti na po kayo tito.” Masiglang boses ng bata.Iniwas ni Carlo ang tingin, “Ayaw ko ng ngumiti.” Sagot naman ng lalaki.Nanlupaypay ang magandang mukha ng bata dahil sa pagka dismaya, at kita sa kanyang mamasa-masang nagniningning na mga mata ang kalungkutan, kinagat niya ang kanyang labi at napayuko.Nang makita ni Carlo na malapit na namang umiyak ang bata, napilitan ito na ngumiti. At ang batang si Bella ay agad tumawa.Ngumiti rin ito ng pagkalapad-lapad sa kanyang Ina na nasa tabi niya at inilapit ang kanyang mukha.“Nay, punasan mo nga.” Angal ng bata.Napailing si Thessa, hindi niya mawari kung bakit hindi takot ang anak niya kay Carlo na ang mukha nito ay kasing dilim ng uling! Habang nakangiti, pinunasan naman ni Thessa ang luha sa mukha ni Bella at masayang sinabi, “Oh ayan ha, malinis na.” biro pa ni Thessa.Bigla siyang napailing ng malak
Matangkad na matangkad ang lalaki, mas mataas pa ito sa kanya. Kakatapos lang niyang buhatin ang bata nang Matagal, kaya medyo na gusot na ang plantsadong pantalon niya, may pagka relax at kaswal ang dating.“Sa tingin mo ba, basta-basta lang akong nagtatapon ng gamit ng bata?” Malamig na tanong ni Carlo, ang kilay niya ay nakakunot.Masyado siyang malapit, kaya't naamoy ni Thessa ang mabangong shower gel sa katawan niya, parang pamilyar sa kanya ang amoy na iyon, parang yung ginagamit nila noong kasal pa sila.Umatras ng dalawang hakbang si Thessa palayo sa kanya.Naningkit ang malinaw na mga mata ng lalaki, at ang kanyang marangal at tahimik na ugali ay biglang naging malamig. Ang kanyang makapangyarihang awra ay nagpahirap sa mga tao na umatras.Tumingin si Thessa sa oras at mahinang sinabi, “Bella Anak, uuwi na ang mga kuya mo, magpaalam kana sa kanila.” Ngunit ang dalawang magkapatid ay parehong may ayaw na umalis.“Tay, pwede po bang dito nalang muna tayo magpalipas ng gabi?” D
Biglang kumirot ang puso ni Carlo. Nag-ingay ang kanyang mga tainga at tahimik ang mundo.Hindi niya marinig ang boses ni Thessa, o kahit boses ng mga bata. Parang nahulog siya sa isang bulkan patungo sa glacier sa isang iglap, at ang kanyang mga paa’y walang lakas.Lumipas ang ilang sandali.Humarap siya, huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Bumalik siya sa dating ayos, pero mas malamig ang kanyang tono ng pananalita kaysa kanina.“Hindi ko ibibigay sa iyo ang kustodiya ng bata.” Matigas niyang wika sa babae.Naalala ni Thessa yung pag-uwi nila ni Trixie galing sa mga magulang niya. Limang taon na pala silang kasal noon, mula ng isilang ni Thessa ang anak nila, nagmamakaawa pa ito na samahan siya sa kanila upang dalawin ang lola niya, pero ayaw na ayaw niya. Ang laki ng pinagbago…Aba oo nga naman, halata ang kawalan ng pagmamahal nito.Pinigilan ni Thessa ang pagkirot ng kanyang puso. Para sa anak, hindi niya pwedeng palalain pa ang sitwasyon ni Carlo ngayon. Diretsahan
Pag pasok palang nila Kenzo st Kerby ay umiiyak na sila at sumisigaw, “Tatay..”Malungkot na hinawakan ni Carlo ang mga mukha ng mga bata habang pinagmamasdan ang takot na takot nilang mga itsura, “Pasensya na, tinakot kayo ni tatay.” Tumingala si Kerby sa kanyang ina at umiiyak parin ito habang nagtatanong, “Nay, maayos na po ba si Tatay?” Si Thessa naman ay marahan na tumango at pinunasan ang mga luha ng bata at malumanay niyang sinabi, “Kailangan muna ni Tatay magpahinga, si Kerby naman ay dadalhin niya ang kapatid niya sa kwarto ng higaan, okay?” Mas malambing pa ng tatlong puntos si Carlo sa harap ng dalawa niyang anak.Hinawakan niya ang mga ulo nito at mahinahon niyang sinabi, “Matulog na kayo, ayos na si Tatay sumama na muna kayo kay nanay.” Habang naglalakad ang dalawang bata papasok sa kwarto, paulit-ulit itong lumingon sa kanilang Ama.Inilabas ni Thessa ang mga ito mula sa silid ng mga bisita at iniwan si Dylan para alagaan muna siya.Nang isasara na ni Thessa ang pint
Kinabukasan.Pagkatapos maghilamos ay agad na nagtungo sina Kenzo at Kerby sa silid ng kanilang ama.Si Carlo ay bihira lamang magpuyat, ngunit kagabi ay hindi siya makatulog. Para may iniisip siya habang nakatitig sa abo ng insenso na nasa mesa katabi ng kanyang hinihigaan na kama.Pagpasok na mga bata, ay saktong katatapos lang din niyang maligo sa banyo, at nag bihis ng malinis na damit na dinala ng sekretarya kaninang umaga.Hawak ng dalawang bata ang tag-iisang binti ng kanilang ama, tumingala ito sa kanya at nakahinga ng maluwag ng makita na maayos na siya. Naiwan si Bella, nakita niya ang dalawang pendant sa dalawang binti ng tito niya at napakagat sa kanyang labi, saglit na napaisip ang bata na dalawa lang ang binti ng tito niya at wala siyang mahawakan.Lumapit si Bella kay Carlo, maputi at namumula ang mukha niya, na kaliligo lang at amoy pabango pa, ang lambot at kinis ay kapansin-pansin.“Tito, buhat mo ako.” ang lambing na sabi niya.Dalawang segundo naisip ni Carlo, at
Sumandal siya sa upuan at natulala ng ilang sandali bago na tauhan. Nawala ang lamig sa mga mata niya at napalitan ng init.Agad niyang ibinalik ang kendi sa kanyang bulsa at halata ang saya na hindi maitatago sa kanyang mga mata.Ang oras ay kasingbilis ng kidlat..Pagtunog ng bell sa eskwelahan, paglalabas ay agad na tumakbo ng sabay sina Kenzo at Kerby palabas ng kindergarten dala ang mga bag nila. Si Thessa ay nag iwan ng numero ng impormasyon at litrato kaninang umaga bago nga ito umalis, kaya't alam ng guro nila na siya ang nanay ng dalawang bata. Binitawan ni Bella ang kamay ng kanyang ina at tumakbo patungo sa dalawa nitong kapatid pagkakakita. Sa pagkakataong iyon, niyakap niya ang kapatid niyang si Kenzo na siyang ikinagulat nito. Tiningnan siya nito ng may galak sa kanyang mukha, “Bella.” Itinaas ni Bella ang kanyang mga mata, at ang kanyang mga ngiti ay kasing sikat ng mirasol, “Kuya” Nakaramdam ng tuwa ang nakakatandang kapatid nila dahil sa magandang relasyon ng dal
Kumpara sa kanyang sigla at kaligayahan.Nanikip naman ang dibdib ni Kerby, at tumingin sa kanyang Ina nang may pag-aalala.Niyakap din siya ni Bella ng napakahigpit, at ang kanyang mapuputing mukha ay lumapit sa kanyang pisngi, at nagsalita ng mahina.“Si Bella ang pinaka nagmamahal kay Nanay.” lambing pa niya.Ngumiti si Thessa ng nakakaaliw, “Ayos, lang si Nanay.“ sagot pa nito sa anak.At sa sandaling iyon, dinala na sila ni Thessa sa nakalaan na silid para sa kanila.Habang naglalakad sila, dumaan sila sa silid ni Carlo, at narinig nila ang mga usapan tungkol sa “Pagpili ng petsa” “Pagkakaisa ng dalawang pamilya.” “Marriage certificate.” At iba pa. Nagpatuloy sa paglalakad si Thessa kasama ang tatlong bata ng hindi lumilingon sa kanila, hindi napansin na nakatingin pala sa kanya ang lalaki sa bandang kiliran.Kahit pa ang batang si Kenzo ay sobrang malikot at mapaglaro, naging masunurin ito sa kanyang kapatid.Nais sanang puntahan ni Kenzo ang kayang Ama, ngunit pinipigilan siya
Akmang aalis na sana si Carlo ng makita niyang bumukas ang pinto ng bakuran.Isang maliit na pigura ang tumatakbo patungo sa kanyan.Niyakap ni Bella ang mga binti ni Carlo, tumingin ito sa kanya ng may kasiyahan at ang boses nito ay malambing na tila nagpapa kyut.Paulit-ulit itong tinatawag ng batang babae, “Tito, Tito.” habang nakabukas ang kanyang mga bisig at humihiling ng isang yakap.Nang maramdaman ng bata ang pagbuhat sa kanya, masayang sinipa niya ang kanyang mga paa, niyakap ang leeg ni Carlo, at sumilip sa likod ng sasakyan.“Kuya?” Sigaw ng maliit na bata sa bandang likuran ng sasakyan.Ang maliit na bata na nasa mga bisig niya ay amoy kakapunas lang, at may konting amoy ng gatas na kakainom lang din, si Carlo ay naantig sa amoy ng bata.Napansin ni Carlo ang suot nitong isang pirasong pajama, bahagyang sumimangot ang noo niya, at kinuha ang kanyang jacket sa likod ng sasakyan at mahigpit na ibinalot ito sa bata.Paliwanag niya sa bata, “Ang kuya mo ay nasa bahay.” Ang m
Ang batang babae ay nakasuot ng tsinelas at lumapit sa kama upang tingnan ang Tito Carlo niya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkamausisa.Ikiniling ni Bella ang kanyang ulo at bahagyang tumingin sa kanya, “Si Tito ay may sakit.” Aniya.Kahit nakakatakot ang dami ng karayom na nakatusok sa katawan ng lalaki, ngunit hindi na masakit ang ulo niya.Hawak ng batang babae ang isang bote ng gatas gamit ang kanyang bibig, isinandal ang kanyang mga kamay sa gilid ng kama, at umakyat gamit ang kanyang maikling mga binti.Bahagyang umupo ang batang babae na nakakrus ang mga binti sa tabi ni Carlo, hawak ang bote ng gatas umiinom siya habang nakatingin sa mga karayom na pilak na nakatusok sa katawan ng lalaki, at tahimik na naghihintay sa pagdating ng kanyang Ina.Dumating si Thessa at agad na nakita ang isang mapayapang tanawin.Ang kanyang anak na babae ay nakahiga sa tabi ni Carlo habang umiinom ng gatas, ang ulo, kamay, at dibdib ng lalaki ay puno ng pilak na karayom na kanyang inilagay, a
Dahil sa mga salitang binitawan ni Thessa, sumabog ang galit ni Carlo.Isang hakbang ang kanyang inilapat, ang buong karisma ay nagpapahayag ng matinding pagkondena dahil sa paulit-ulit na pag atake kay Trixie.“Napag-alaman na ang katotohanan hinggil sa huling pangyayari, si Trixie ay walang sala.” Matigas na boses ni Carlo.Puno ng galit at paghihiganti ang mga salitang sinabi ni Thessa: “Bawat ebidensyang aking nakalap ay isang katibayan ng pagkakasala ni Trixie.” aniya.Kung hindi sana nakailam si Carlo at tinulungan niyang maalis ang paratang, malamang nasa bilangguan na ngayon si Trixie, muling nagkakaisa kasama ang kanyang pamilya.“Kung napatunayang siya nga ang may sala, hindi ko siya pagtatakpan. Ngunit ang katotohanan ay hindi ganoon, Thessa, hindi natin dapat paratangan ng kasalanan ang isang inosente dahil lamang sa isang bata.” sagot ng lalaki.“Maling paratang sa isang inosente?” “Ha!” ani Thessa.Naniniwala si Thessa na lubos na naimpluwensyahan ni Trixie ang lalaki.
Tinawag ni Thessa ang kanyang dalawang kambal na anak at inutusan upang sumakay na sa sasakyan, ngunit hindi niya namalayan na ang munting batang si Bella ay naka kapit pala sa binti ng pantalon ni Carlo.Pagkaluhod ng lalaki, ang manipis niyang mga labi ay dumampi sa isang nakapatong na matamis at malapot na malagkit. Bahagyang kumislap ang kanyang mga matang itim, at hindi niya namalayang napatingin siya kay Thessa.Sa tabi ng kanyang labi, ay ang kending kinagat ni Thessa kanina lamang.Kahit na hindi pa gaanong kagusto ni Bella itong si Carlo ngayon, ngunit naisip niya ang habilin ng kanyang Ina sa kanya, na dapat ibahagi ang mga magagandang bagay sa iba.Ang kanyang Ina at mga kapatid niya ay nakatikim na ng matamis na kending iyon.Kaya kahit paman labag sa kanyang kalooban, hinayaan ng munting si Bella na matikman ito ng Tito Carlo niya. “Kagat.” matigas na wika ni Bella.Malapad na ibinuka ni batang babae ang kanyang bibig upang maipakita rito.Sumalubong sa ilong ng lalaki a
Nais ni Dylan na hilingin kay Thessa na manatili, ngunit diretso itong umalis. Bahagyang dumilat si Carlo at sinundan ng tingin ang likuran ni Thessa nang hindi man lang lumilingon.Bumalik si Dylan sa loob ng ward at nang makita niyang nakasandal sa sofa si Carlo at nakahiga, nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang ang lalaki ay hindi narinig ang mga salitang iyon.Nang makababa si Thessa sa palapag ng ospital, kung saan hinihintay na siya ng kanyang driver sa gilid ng kalsada.Nang makasakay na siya sasakyan ay muli niyang pinag-isipan ang mga pangyayari sa araw na iyon.Ang huling kliyente na pinakuha niya kay William ay ang ama ni Mark Dee Roa. Kung saan humihingi ito ng tulog mula sa J's Laboratory para sa kanyang anak na kakadiskubre pa lamang.Nagkataon lang na nasa White House siya kaya pumunta siya sa ospital para dalawin ito.Nang siya'y nasa kolehiyo pa, ang kalusugan ni Mark Dee Roa ay di-lubos na mainam. Patuloy siyang pumapasok sa mga pansamantalang trabaho sa buong t
“Nakarating na ba ang mga bata sa kanilang paaralan?” Tanong ni Carlo habang nakakusot ang kanyang noo.“Opo Boss, inihatid po sila mismo ni Thessa.” Sagot niya.Bahagyang itinaas at ikinaway ni Carlo ang kanyang kaliwang kamay, at iniutos na lumabas ng isang kasama.“Boss Carlo, mukhang hindi maganda ang iyong pakiramdam, nais mo bang tawagin ko si Dr. Rey?” tanong ni Dylan.“Ayos lang ako.” Mahinang sagot ni Carlo.Nanaig ang katahimikan sa opisina. Nang pumunta si Carlo sa drawer niya upang kumuha sana ng panlunas sa sakit ng ulo, napabuntong hininga siya ng makitang wala na pala itong laman.Nagbukas si Carlo ng panibagong bote ng gamot. Napansin niyang sa nakaraang dalawang taon, palala ng palala ang sakit ng ulo niya, halos umaasa na lamang siya sa mga gamot para maibsan ang matinding sakit.Makalipas ang sampung minuto, ay hindi parin mawala ang sakit ng ulo niya. Ngayon, kahit pa ang pampaibsan ng sakit ay hindi na ito umi-epekto sa kanya.Naubos na rin ang insensong ibinigay
Kinabukasan…Nagising si Thessa dahil sa sunod-sunod na mensahe mula sa kapatid niyang si Sofia.Nang binuksan niya ang mensahe na ipinadala sa kanya, nakita niyang trending na naman ang magkasintahang sina Carlo at Trixie. Kung tutuusin pangatlong trending na iyon.Sumandal siya sa pinuno ng higaan at sinuri ang mga tala na pinakatanyag na mga paksa, para bang naghahanap ng sagot sa isang palaisipan.Isa sa mga sinuri niya ay…#Sa isang tahanan, Ang Ginoo at ang Dalaga: Mga pahiwatig ng magandang pangyayari.#Ang bagong bulaklak: Pag-ibig na ibinunyag sa gitna ng gabi.#Ang matamis na Pag-ibig ng Ginoo: Ang matamis nitong halaman na strawberry.Naging matiwasay ang puso ni Thessa, pinaghusayan niyang binasa ang bawat tala at pinagmasdan ang mga komento nakakuha ng atensyon ng marami.“(Iha, bakit ang saya-saya mo, parang ang sarap-sarap ng pakiramdam mo, ikaw ba at ang Ginoo ay…hehehe)” komento ng isa.“(Aba, nagkatotoo na ang aking inaasam! Ang aking pinagpilian ay nagtagumpay!)” “
Lumapit si Trixie at hinila ang damit ni Carlo, ang boses niyay malambing at mapang-akit.“Thessa… bagama't ginagamit niya ang panlilinlang upang maisakabilanggo ang aking pamilya, hindi ko siya napagbintangan. Naniniwala parin ako sa kawalang-sala ng aking pamilya. Ang katotohanan, bagaman maaaring magpaliban, ay tiyak na nagpapakita rin sa takdang panahon.” bulong sa sarili.“Carlo, wala na akong maaasahan at ikaw nalang ang meron ako ngayon, hindi mo naman ako pababayaan, di ba?” aniya.Si Carlo ay umiwas ng tingin sa kanya.Hindi man lang niya tinangkaang hawakan ang laylayan ng damit nito, at mabilis siyang umatras ng dalawang hakbang para makalayo.Malamig na sinabi ng lalaki, “Trixie, bumalik ka na muna.” aniya.Narinig nila ang mga yabag ng mayordoma at ng mga katulong na pababa ng hagdan. Kinagat ni Trixie ang labi niya at dahan-dahang hinila ang tali ng kanyang suot na pantulog.Naging mas mabilis ang kilos ni Carlo, lumingon siya at umatras sa silid-aklatan at isinara ang p
“...Akoy nag-iisa lamang.”Ang boses ng babae ay napakagaan, ngunit ang bawat salita nito'y bumagsak sa puso ni Carlo, nagdulot ito ng bigat na parang isang libong libra, at ang kanyang puso ay tila hinihila ng isang di-nakikitang pwersa.Matatalim ang mga kilay ng lalaki at bahagyang nakasandal sa silya ng silid-aklatan, maging ang mga mahabang binti nito ay walang pakialam na nakasandal, bahagyang nakabukas ang dalawang batones ng kanyang kamiseta na nagpapakita ng isang awra.Ang pag-amin ng babae na nag-iisa siya sa ospital, parang isang bulong na tila yelo ang lamig na tumutusok sa puso ni Carlo. Isang di-maipaliwanag na init ang sumabog sa kanyang dibdib, at nagdulot ng sandaling paghinga at nagpainit sa kanyang paligid.Napahinto si Carlo sa kanyang paghinga, ang tanong ay halos isang bulong, “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Thessa, “Paulit-ulit kitang tinawagan, ngunit hindi mo sinasagot.” Aniya.“Bakit ka nasa ospital?” Tanong mul
“Hindi na muling mag-aasawa si Nanay, anak… Nais ko na lamang mamuhay ng tahimik kasama kayo nina Kenzo at Bella. Gusto mo ba iyon, Kerby?” Mahinahong sinabi ni Thessa sa lalaking anak. Hindi kaagad nakasagot si Kerby, subalit alam niya sa kanyang sarili na gusto niya rin iyon. Gustong-gusto. Kapareho lang din iyon ng sinabi ng ama. Na kahit ano pa mang mangyari, ito ay mananatiling ama ni Kerby at Kenzo at ang kanilang ina ay mananatiling kanilang ina. Bukod pa rito, mayroon din silang maganda at mapagmahal na tiyahin.Nang maisip na araw-araw na nitong makakasama ang nakababatang kapatid na babae ay biglang nawala ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Kaya naman ay gumuhit ang masayang ngiti sa kanyang mga labi at sunod-sunod ang naging pagtango niya sa ina. “Opo, Nanay! Gustong-gusto ko po iyon!” Hindi na mapigilan pa ang tuwa sa boses ng bata.Nakahinga ng maluwag si Thessa sa naging sagot ng anak. Bagama't mayroon siyang kaunting kumpiyansang papayag si Kerby na s