Akmang aalis na sana si Carlo ng makita niyang bumukas ang pinto ng bakuran.Isang maliit na pigura ang tumatakbo patungo sa kanyan.Niyakap ni Bella ang mga binti ni Carlo, tumingin ito sa kanya ng may kasiyahan at ang boses nito ay malambing na tila nagpapa kyut.Paulit-ulit itong tinatawag ng batang babae, “Tito, Tito.” habang nakabukas ang kanyang mga bisig at humihiling ng isang yakap.Nang maramdaman ng bata ang pagbuhat sa kanya, masayang sinipa niya ang kanyang mga paa, niyakap ang leeg ni Carlo, at sumilip sa likod ng sasakyan.“Kuya?” Sigaw ng maliit na bata sa bandang likuran ng sasakyan.Ang maliit na bata na nasa mga bisig niya ay amoy kakapunas lang, at may konting amoy ng gatas na kakainom lang din, si Carlo ay naantig sa amoy ng bata.Napansin ni Carlo ang suot nitong isang pirasong pajama, bahagyang sumimangot ang noo niya, at kinuha ang kanyang jacket sa likod ng sasakyan at mahigpit na ibinalot ito sa bata.Paliwanag niya sa bata, “Ang kuya mo ay nasa bahay.” Ang m
Si Bella ay napakaliit, at naka siksik sa mga bisig ng kanyang Ina.Nang marinig ng bata ang pinag usapan ng matatanda, nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi ito makapaniwala na nagsisinungaling ang dalawa sa isang napa kyut na batang tulad niya.Kanina lang ay sinabi ng Tito niya sa kanya na ang mga kapatid niya ay nasa bahay nila, ngunit ng tanungin ito ni Thessa, sumagot ito na ang inaakala ay nasa Ina nila ang mga bata. Nagugulohan si Bella habang nag-iisip.Hinarap ni Bella ang kanyang Tito at tinitigan gamit ang kanyang mga inosenteng mga mata. Nagtatampo niyang sinabi, “Tito, nagsisinungaling ka sa akin!” Bahagyang nang init ang mga tenga ni Carlo ng marinig ang salita ng munting bata na para bang siya ay isang sinungaling. Ang malambot na mukha nito ay namamaga at nagmistulang parang isang puffer na isda.Nakaramdam siya ng kakaiba at pamilyar sa kanya.Hinaplos niya ang makapal at maitim na buhok ng isang bata at nangako, “Sa umaga ng sabado, ipapadala ni Tito ang mga kapatid
Nang marinig ni Carlo ang boses ni Thessa na puno ng pagaalala, agad siyang nagsalita. “Hindi, si Trixie ang nasa ospital dahil sa aksidente, kaya't dinila ko ang dalawang bata para dalawin siya.” pagpapaliwanag niya pa.At agad na napanatag ang loob ni Thessa ng masigurong nasa maayos na kalagayan ang mga Anak niya.Ang maliit na nilalang sa kanyang bisig ay nagniningning ang mga mata habang nakatingin ito sa kanya. Lumambot ang puso ni Thessa at hinalikan niya ito sa mukha. Habang marahan niyang tinatanong si Carlo kung kailan ihahatid nito ang dalawang bata sa kanila.Ang umaga ay lilipas na.Si Bella ay panay hintay pa rin sa dalawa niyang kapatid, kung kailan ito darating.Ayaw ni Thessa na nakikitang malungkot si Bella, kaya't sinabi niya, “Kung hindi ka komportable, ako nalang ang susundo sa mga bata.” Nalaman na si Carlo pala ang nakalimot dahil sa sobrang dami nito inaatupag na trabaho.“Naku, hindi muna ngayon, kailangan sumama nina Kerby at Kenzo sakin ngayon papunta kay T
Makalipas ang isang oras.Dinala ni Carlo ang dalawang magkapatid sa bahay ni Thessa, at para malaman niya kung lumabas ba ang dalawang mag Ina, Tinawagan niya ang numero kung saan gamit ni Thessa noong nagkausap sila.Habang tinatawagan niya ito ng paulit-ulit, lagi namang busy ang linya ng kanyang telepono. Naalala niya tuloy ang nangyari sa mga nakalipas na dalawang taon.Naalala niya ang gabing dinala niya ang dalawang anak ngunit hindi niya nakita si Thessa, at sa sandaling naka-usap niya ito sa telepono ay naghiwalay sila.Simula noon ay hindi na niya muling tinawagan pa ang numerong yon.Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa may bandang tagiliran. At nang makita niya ang dalawang anak nito, bahagyang nabawasan ang bigat sa kanyang kalooban.Mula sa kinauupuan nila, napakunot noo ang dalawang magkapatid, labis ang pagtataka kung saan nagpunta ang kanilang Ina at si Bella. Tinangka nilang tanungin ang kanilang Ama, ngunit nanatili itong tahimik at walang imik.Ibi
Ang mundo ng bata ay napaka dalisay at simple. Ang mali ay mali, at ang tama ay tama.Ang hindi pagtupad ng pangako sa kanila ay magdudulot ng malaking pinsala sa murang isipan ng bata.Si Carlo ay laging maingat sa mga pangako niya sa dalawang kambal na anak, at handa siyang gawin ang lahat para tuparin ito.Sa mga oras na iyon, napagtanto niyang kasalanan niya ang lahat.Ang haba at kapal ng pilikmata ng munting bata, nakita niya ang pagkagalit sa mukha nito, kaya't inabot niya ang handog na pasalubong para sa kanya.“Bella, mapapatawad mo ba ang Tito?” mababang boses ni Carlo.Mula sa buntot ng manika, sumungaw si Bella at pumungaw ang mga matang puno ng luha, umiikot ang kanyang maliit na ilong at ang tinig niya'y puno ng pagtatampo at tamis. “Sinungaling si Tito.” Parang natunaw ang puso ni Carlo, maingat niyang binuhat ang batang babae, at si Kenzo na nakatingin sa kanila ay agad na nagbigay ng tissue para sa kapatid at pinunasan ang mga luha nito. Mahinahon niyang sinabi, “Pan
Naglakad palayo si Carlo mula sa tahanan ni Thessa, at may madilim itong expresyon sa kanyang mukha.Sa silid-aklatan kung saan nakatayo doon sa harap ng bintana si Thessa. Pinagmamasdan ang likod ng lalaki na tila puno ng poot, isang mapait na damdamin ang sumilay sa kanyang mga mata, ngunit mabilis rin itong naglaho.Sina Kenzo at Kerby ay mayroong isang espesyal na silid sa kanilang Ina, kung saan ang aparador nito ay puno ng mga damit na ipinagawa ni Thessa para sa kanila.Gayunpaman, mas pinili pa rin ng dalawang magkapatid na matulog kasama ang kanilang Ina, gamit lamang ang mga unan nila.Hindi naman makapagpigil ang kanilang Ina na tanggihan ang kagustuhan ng mga anak nito.Malapad nga ang silid ni Thessa, kaya't hindi problema sa kanya na doon matulog sa kanyang kama ang tatlong bata.Sa pagkakataong yon, ang bawat isa ay may kanya-kanya itong kumot, si Bella ay naka pwesto sa gitna, at si Thessa naman ay nasa gilid, hawak ang isang aklat na ikukwento niya sa mga bata.Hangga
“May mga kasama ka ba?” tanong ni Carlo sa lalaki habang matalas ang kanyang tingin.“Wala po, wala talaga!” nanginginig na sagot ng lalaki.“Umalis kana!” Sigaw pa nito sa galit ni Carlo.Agad na umalis ang lalaki sa lugar na iyon ng nagmamadali.Nasapo ni Trixie ang kanyang mga ngipin sa kanyang puso, ngunit ang mukha nito ay nanatili paring mapagmahal at malambing, at ang mga salita nito ay nag-aalinlangan parin.“Carlo, kayo ba ay nagkabati na ni Thessa?” malihis na tanong sa kanya ng babae.Ang salitang nagkabati ay umiikot sa dila ni Carlo, at sa huli ay binaon niya na lamang ito sa kanyang puso.“Hindi, hindi na kami ulit magkakabalikan pa.” Panatag na sagot sa kanya ng lalaki.Napuno ng tuwa ang mga mata ni Trixie, at nagkunwari itong nagulat, “Eh kung ganon…”Agad siyang sinagot ni Carlo, “Siya ang Ina ng mga anak ko.” Kaya pala, iyon pala ay para kina Kenzo at Kerby. Siya nga pala, noong nakaraang araw ay sinabi sakin ni Kenzo na gusto niya raw akong maging Ina. Lihim na p
Ang mga salita ni Trixie ay puno ng pagiging malapit ng kanilang relasyon ng lalaki.Ipinakita nga nito ang kanyang pagiging mayabang sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang mga kilay at pagtingin kay Thessa. Para bang ang mga tono ng salita niya ay isang ganap na kasal na kay Carlo at tunay na stepmother na ito ng dalawang bata.Si Thessa ay kalmado lamang ito at walang pakialam sa babae.Nang napunta ang usapan tungkol sa mga bata, inakala ni Trixie na magagalit si Thessa at mumurahin ito sa galit, handa pa naman itong umiyak ng malakas sa mga bisig ni Carlo kapag ito ay nasigawan, ngunit bigo ito dahil sa hindi pag pansin sa kanya ni Thessa.Si Thessa ay naglakad at maayos na inihatid ang mga bata sa sasakyan.Ang tatlong bata ay nagyayakapan at maayos na nagpaalam sa isa't-isa maging sa kanilang Ina, halatang-halata pa nga sa mga katawan nito ang ayaw pag-alis.“Bella, pupuntahan kita dito sa susunod na araw ng linggo at maglaro.” Mahinahong boses ni Kerby ang habilin sa munting kapa
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa silid ng kumperensya. Para bang nakakapit ang bawat tao sa kanilang mga upuan, nag-aabang sa susunod na mangyayari.Walang naglakas loob na huminga, bawat tao ay nakatitig sa harap, habang ang kanilang mga mata ay naglalaman ng kaba at pag-aalala.Biglaang pagkatok ang sumira sa nakakapanghinang katahimikan.Isang babaeng katulong, ang pumasok hawak-hawak ang munting batang babae, walang suot na sapatos at ang mga mata'y namumula. Halata sa babaeng katulong ang takot at pagkabalisa, habang nanginginig ang boses niya.“Mr. President, nagising po ang dalagita, at tumakbo palabas ng silid-pahingahan, umiiyak habang hinahanap po kayo.” Wika ng katulong.Walang pag-aalinlangan na tinawag ng katulong na “dalagita” ang munting si Bella, parang natural na itinuturing itong totoong anak ng lalaki, hindi naman ito iniwasto ni Carlo.Nabasag ang nakakabinging katahimikan sa silid ng kumperensya. Ang maliit na batang babae, ang mga matang puno ng luha,
Sa labas ng pinto, naroon ang babaeng katulong ni Dylan.Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Carlo na karga-karga ang isang napakagandang munting bata.“President, Carlo!” sambit niya, halata ang pagkagulat sa boses.Hindi man lang natakot ang munting batang babae sa estranghero. Ngumiti siya at kumaway sa babaeng katulong. Ang kanyang malambot at kaibig-ibig na itsura ay agad na nagpatunaw sa puso ng babae.Sa loob ng wala pang isang oras…Kumalat sa buong Davilla's Group ang balita na dumating ang Presidente kasama ang isang batang babae na mahigit isang taong gulang pa. Lahat ng mga grupo ng mga tsismosa sa loob ng kumpanya ay nag-uusap tungkol dito.[Sino ba ang nakakita sa bata? Kamukha niya ba niya si Mr. President?] bulungan pa nila.[“Nakita ko na siya! (Wika ng isang tauhan) para siyang isang anghel, napakaganda at sobrang puti ng balat nito. At ang mga mata niya, parang makinang na itim na ubas! Mahinahon pa siyang magsalita, tapos ang lambing niya, tinawag niya akong a
Kumuyom ang kamao niya sa gilid ng kanyang pantalon, ang mga ugat sa braso ay tila sasabog sa sobrang pagpipigil, at bawat salitang binitawan niya ay puno ng nag-aalab na galit.Ebidensya? Anong ebidensya? Bahagyang tanong ng lalaki.Napa balik siya sa realidad dahil sa mga sinabi ng lalaki, pero naguguluhan parin si Thessa, hindi niya mawari kung ano ang tinutukoy nito.Nagtataka siyang tumingin kay Carlo, parang nagtatanong kung anong klaseng istorya ang nasa isip nito.Tumagal bago na unawaan ni Carlo ang ibig sabihin ni Thessa. Napako siya sa kanyang kinatatayuan, parang nabingi sa biglaang pag-unawa. Ang katahimikan ay unti-unting nag-uumapaw mula sa kanyang puso, at nagpapakita sa kanyang mga mata bilang luha.Kung naisip lang sana nang mabuti, dapat ay nagpatunay muna ito bago mag-akusa. Alam sana nito na hindi pa siya muling nag-asawa.Ngunit hindi naman nag-imbestiga si Carlo at basta-basta na lamang siyang inakusahan ng “Kasalanan.” Napaka pamilyar ng ganitong eksena para s
Nang makasakay si Carlo sa elevator.Agad na nakapansin si Antonio, para bang nakakita ito ng multo. Isang sulyap kay Thessa ang sumunod.Alam ni Antonio na balak ng kapatid niyang babae na pakasalan si Carlo pagkatapos nito sa kolehiyo. Narinig niya itong binanggit ng dalawang beses. Sa isang biglaang kilos, lumapit siya at tumayo sa harapan ni Thessa.Walang pakialam na sinalubong ni Carlo ang tingin ni Antonio Reyes. Tumayo siya ng matiwasay, tila hindi man lang pinapansin ang presensya ng binata. Mas lalong lumamig ang ekspresyon niya, parang isang nagyeyelong hangin na dumadampi sa mukha ni Antonio.Hindi inaasahan ni Thessa na makikita niya si Carlo sa lugar na iyon. Parang kailan lang, tatlong oras pa lamang ang nakalipas mula ng umalis siya sa bahay niya.Mabilis na sinapit ni Thessa ang manggas ni Antonio at hinila niya palayo sa paningin ni Carlo.Nahagip ng mga mata ni Carlo ang ginawa ni Thessa. Parag ipinagtatanggol niya ang gwapong binata na lalaki, nagbigay siya rito ng
Ang umiinog na restaurant sa tuktok ng gusali ay isa sa mga sikat sa White House. Karamihan sa mga bisita nito ay mga kilala sa bansa. Katulad na lamang ng mga bosses, mga malalaking personalidad sa larangan ng industriya at ang mga kabataang laki sa layaw o mas kilala sa kasalukuyang henerasyon bilang ‘rich kids’. Pagdating ni Thessa, naroon na rin si Antonio Reyes. Ang kapatid nitong si Maxine Reyes ay dating kaklase niya sa kolehiyo. Malaki ang utang na loob niya rito dahil sa isang tulong na ibinigay. Ngunit sa kasamaang palad, ito ay pumanaw na dahil sa sakit na kanser. Bago ito namatay, may huling pabor ito na hiniling kay Thessa.Kung sakaling humingi ang kapatid nitong lalaki balang araw, sana'y tulungan niya ito para sa ikabubuti nito. Iyon ang nais nitong kapalit ng tulong nito. Alam din ito ni Antonio.Iyon din ang isa sa mga dahilan ng pagpunta ni Thessa.Parang isang multo at halos payat na payat na itong si Antonio, halata sa mga mukha ang pagod at ilang araw ng hind
Sa puntong ito, na pilitan na lamang si Trixie na sumuko sa lalaki.Naramdaman niya ang kawalang kibo sa bawat salitang lumalabas mismo sa bibig ng lalaki, kaya't pansamantala niyang binago ang kanyang diskarte, siyay nagkukunwaring nagpapahinga.“Carlo, mas mabuti kung wala ka ngang nararamdaman para sakin!” aniya.“Lagi kitang itinuturing kong matalik na kaibigan, ngunit sabi ng mga karamihan na sobrang mo daw akong alaga dahil may gusto ka sa akin, at halos mapaniwala na rin ako.” sunod niya pa.“Napadali ang aking pagkilos kanina, at batid kong hindi angkop ang aking nagawa. Magkakaibigan pa rin naman tayo sa hinaharap at hindi mo rin ako iiwan, hindi ba? Tanong niya sa lalaki.Nag-alinlangan si Trixie na sabihin ang huling katanungan na nasa kabilang linya, kinakabahan siya habang tinatanong ito sa lalaki at baka palayasin siya sa pamamahay nila at putulin ang kanilang ugnayan.Muli naman siyang sinagot ng lalaki, sa walang pagbabagong malamig nitong boses. “Oo.” Aniya.Napahinga
Nais sana ni Thessa na iwaksi ang mga kamay ng lalaki, ngunit wala siyang sapat na lakas.Hindi naman malakas ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang mga kamay, ngunit bahagya parin itong namumula.Napakunot noo si Carlo sa kahinaan ng babae, at bahagya niyang binitawan ang pagkakahawak.Kinamtan ni Thessa ang pagkakataon para makawala sa pagkakahawak nito.“Oo nga! Mahilig akong magpaligoy-ligoy kapag nagsasalita, pero hindi ako marunong magmura. Kung gusto mong subukan, wala akong problema na tulungan ka!” matigas na boses ni Thessa.Marahas na hinila ni Thessa ang kwelyo ng nightgown ng lalaki, inihayag ang pamumulang marka sa balat nito. Parang mga haplos ng apoy, pula at bahagyang namamaga. “Tulad ng inaasahan ko.” Bulong niya sa sarili.May mga pagdududa nga si Thessa, ngunit ang mga ito'y isang marka ng allergy.Ngunit sa loob ng limang taon nilang pagsasama, palagi namang malusog ang lalaki ayon sa mga resulta ng kanyang taunang medical check-up. Walang kahit isang menor de edad
Bakit nga ba siya matutulog? Tanong ni Thessa sa sarili nang may pagtataka.Ganap na nagulantang si Thessa sa mga sinabi nito kaya't sandali siya natigilan.Nang maihatid ni Dylan ang mga gamit ng lalaki, mabilis siyang umikot at tumakbo nang mas mabilis pa sa isang kuneho.Batid ng Diyos kung gaano halos sumabog ang puso niya nang tawagan siya ng kanyang “Maliit na Amo” para humingi ng pahintulot na umalis! Ang amo at ang sekretarya ay sabay na humihingi ng pahintulot para umalis?“Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko, ipinagmamalaki ko ito habang buhay!” wika ng masayahing si Dylan.Kalmadong dinala ni Carlo ang kanyang maleta sa silid, at hindi niya nakalimutang tumango at bumati kay Thessa bago niya isinara ang pinto.“???” Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Thessa.Pagkalabas ni Carlo ng banyo, nang kunin niya ang kanyang damit na pantulog, natagpuan niyang dala pala ni Dylan ang itim na pantulog na binili para sa kanya noon ni Thessa.Sandaling natigilan ang kany
Bihira lamang maglambing sa kanya ang batang si Kenzo, kaya't napayuko si Thessa at tinanong siya, “Bakit, anong problema?”“May sakit si Tatay, pwede po bang hindi na muna ako pumasok ngayon? Dito nalang ako at samahan siya.” Paglalambing na boses niya sa Ina.“Gusto ni Kenzo na alagaan ang kanyang Tatay,” sabi ni Thessa habang bahagyang nakagat ang labi.“Masaya si Nanay, ngunit kailangan mong pumasok sa klase, aalagaan naman si Tatay ng mga kasambahay pag-uwi niya sa bahay.” Mahinahong wika ni Thessa.Kung sakaling may hindi inaasahan, naroon naman si Trixie para tumulong.Napayuko si Kenzo dahil sa pagkadismaya. Mahinang bulong niya, “Pero gusto kong makasama sina Bella at Nanay, at gusto ko rin alagaan si Tatay.” aniya.Mula sa pagyuko. nag angat ng tingin si Kenzo, puno ng pag-asa ang nasa kanyang mga mata. “Nanay, hindi ba talaga pwedeng dito na lang si Tatay?” mapait na tanong niya sa Ina.Nang marinig iyon ni Carlo, lumingon ito sa kanila.Banayad na sinag ng umaga ang bumaba