Nang marinig ni Carlo ang boses ni Thessa na puno ng pagaalala, agad siyang nagsalita. “Hindi, si Trixie ang nasa ospital dahil sa aksidente, kaya't dinila ko ang dalawang bata para dalawin siya.” pagpapaliwanag niya pa.At agad na napanatag ang loob ni Thessa ng masigurong nasa maayos na kalagayan ang mga Anak niya.Ang maliit na nilalang sa kanyang bisig ay nagniningning ang mga mata habang nakatingin ito sa kanya. Lumambot ang puso ni Thessa at hinalikan niya ito sa mukha. Habang marahan niyang tinatanong si Carlo kung kailan ihahatid nito ang dalawang bata sa kanila.Ang umaga ay lilipas na.Si Bella ay panay hintay pa rin sa dalawa niyang kapatid, kung kailan ito darating.Ayaw ni Thessa na nakikitang malungkot si Bella, kaya't sinabi niya, “Kung hindi ka komportable, ako nalang ang susundo sa mga bata.” Nalaman na si Carlo pala ang nakalimot dahil sa sobrang dami nito inaatupag na trabaho.“Naku, hindi muna ngayon, kailangan sumama nina Kerby at Kenzo sakin ngayon papunta kay T
Makalipas ang isang oras.Dinala ni Carlo ang dalawang magkapatid sa bahay ni Thessa, at para malaman niya kung lumabas ba ang dalawang mag Ina, Tinawagan niya ang numero kung saan gamit ni Thessa noong nagkausap sila.Habang tinatawagan niya ito ng paulit-ulit, lagi namang busy ang linya ng kanyang telepono. Naalala niya tuloy ang nangyari sa mga nakalipas na dalawang taon.Naalala niya ang gabing dinala niya ang dalawang anak ngunit hindi niya nakita si Thessa, at sa sandaling naka-usap niya ito sa telepono ay naghiwalay sila.Simula noon ay hindi na niya muling tinawagan pa ang numerong yon.Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa may bandang tagiliran. At nang makita niya ang dalawang anak nito, bahagyang nabawasan ang bigat sa kanyang kalooban.Mula sa kinauupuan nila, napakunot noo ang dalawang magkapatid, labis ang pagtataka kung saan nagpunta ang kanilang Ina at si Bella. Tinangka nilang tanungin ang kanilang Ama, ngunit nanatili itong tahimik at walang imik.Ibi
Ang mundo ng bata ay napaka dalisay at simple. Ang mali ay mali, at ang tama ay tama.Ang hindi pagtupad ng pangako sa kanila ay magdudulot ng malaking pinsala sa murang isipan ng bata.Si Carlo ay laging maingat sa mga pangako niya sa dalawang kambal na anak, at handa siyang gawin ang lahat para tuparin ito.Sa mga oras na iyon, napagtanto niyang kasalanan niya ang lahat.Ang haba at kapal ng pilikmata ng munting bata, nakita niya ang pagkagalit sa mukha nito, kaya't inabot niya ang handog na pasalubong para sa kanya.“Bella, mapapatawad mo ba ang Tito?” mababang boses ni Carlo.Mula sa buntot ng manika, sumungaw si Bella at pumungaw ang mga matang puno ng luha, umiikot ang kanyang maliit na ilong at ang tinig niya'y puno ng pagtatampo at tamis. “Sinungaling si Tito.” Parang natunaw ang puso ni Carlo, maingat niyang binuhat ang batang babae, at si Kenzo na nakatingin sa kanila ay agad na nagbigay ng tissue para sa kapatid at pinunasan ang mga luha nito. Mahinahon niyang sinabi, “Pan
Naglakad palayo si Carlo mula sa tahanan ni Thessa, at may madilim itong expresyon sa kanyang mukha.Sa silid-aklatan kung saan nakatayo doon sa harap ng bintana si Thessa. Pinagmamasdan ang likod ng lalaki na tila puno ng poot, isang mapait na damdamin ang sumilay sa kanyang mga mata, ngunit mabilis rin itong naglaho.Sina Kenzo at Kerby ay mayroong isang espesyal na silid sa kanilang Ina, kung saan ang aparador nito ay puno ng mga damit na ipinagawa ni Thessa para sa kanila.Gayunpaman, mas pinili pa rin ng dalawang magkapatid na matulog kasama ang kanilang Ina, gamit lamang ang mga unan nila.Hindi naman makapagpigil ang kanilang Ina na tanggihan ang kagustuhan ng mga anak nito.Malapad nga ang silid ni Thessa, kaya't hindi problema sa kanya na doon matulog sa kanyang kama ang tatlong bata.Sa pagkakataong yon, ang bawat isa ay may kanya-kanya itong kumot, si Bella ay naka pwesto sa gitna, at si Thessa naman ay nasa gilid, hawak ang isang aklat na ikukwento niya sa mga bata.Hangga
“May mga kasama ka ba?” tanong ni Carlo sa lalaki habang matalas ang kanyang tingin.“Wala po, wala talaga!” nanginginig na sagot ng lalaki.“Umalis kana!” Sigaw pa nito sa galit ni Carlo.Agad na umalis ang lalaki sa lugar na iyon ng nagmamadali.Nasapo ni Trixie ang kanyang mga ngipin sa kanyang puso, ngunit ang mukha nito ay nanatili paring mapagmahal at malambing, at ang mga salita nito ay nag-aalinlangan parin.“Carlo, kayo ba ay nagkabati na ni Thessa?” malihis na tanong sa kanya ng babae.Ang salitang nagkabati ay umiikot sa dila ni Carlo, at sa huli ay binaon niya na lamang ito sa kanyang puso.“Hindi, hindi na kami ulit magkakabalikan pa.” Panatag na sagot sa kanya ng lalaki.Napuno ng tuwa ang mga mata ni Trixie, at nagkunwari itong nagulat, “Eh kung ganon…”Agad siyang sinagot ni Carlo, “Siya ang Ina ng mga anak ko.” Kaya pala, iyon pala ay para kina Kenzo at Kerby. Siya nga pala, noong nakaraang araw ay sinabi sakin ni Kenzo na gusto niya raw akong maging Ina. Lihim na p
Ang mga salita ni Trixie ay puno ng pagiging malapit ng kanilang relasyon ng lalaki.Ipinakita nga nito ang kanyang pagiging mayabang sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang mga kilay at pagtingin kay Thessa. Para bang ang mga tono ng salita niya ay isang ganap na kasal na kay Carlo at tunay na stepmother na ito ng dalawang bata.Si Thessa ay kalmado lamang ito at walang pakialam sa babae.Nang napunta ang usapan tungkol sa mga bata, inakala ni Trixie na magagalit si Thessa at mumurahin ito sa galit, handa pa naman itong umiyak ng malakas sa mga bisig ni Carlo kapag ito ay nasigawan, ngunit bigo ito dahil sa hindi pag pansin sa kanya ni Thessa.Si Thessa ay naglakad at maayos na inihatid ang mga bata sa sasakyan.Ang tatlong bata ay nagyayakapan at maayos na nagpaalam sa isa't-isa maging sa kanilang Ina, halatang-halata pa nga sa mga katawan nito ang ayaw pag-alis.“Bella, pupuntahan kita dito sa susunod na araw ng linggo at maglaro.” Mahinahong boses ni Kerby ang habilin sa munting kapa
Biglang naningkit ang maitim na mga mata ni Carlo,”Hinto!” mariin niyang utos sa driver. Nais rin sana ng dalawang bata na bumaba ng sasakyan pero pinigilan sila ng kanilang Ama, “Dito lang kayo sa sasakyan, si Tatay na ang pupunta.” kalmado niyang sinabi habang hinahaplos ag ulo ng mga bata. “Magpakabait kayo.” Bilin pa nito sa dalawang bata.Ilang saglit ay mabilis na naglakad si Carlo papunta sa lugar ng aksidente. Maraming tao ang nagkukumpulan at nag bubulungan.“Grabi naman ito!” “Nabangga ng truck yung kotse! Imposible na may nakaligtas doon, kawawa naman! Ang ganda-ganda pa naman ng sasakyan, tapos ma mababangga na lamang bigla.” Ilang boses ang maririnig sa mga taong naroon.“Kawawa naman ang pamilya ng may-ari ng kotse na iyan.” Naisip ni Carlo ang mukha ni Thessa kanina, at ang maliit na batang si Bella na nakayakap sa mga bisig niya, biglang nanikip ang dibdib niya.Napangiwi si Carlo, napaatras ito ng dalawang hakbang at mabilis siyang inalalayan ng mga bodyguard sa li
Sa sandaling narinig niya na walang laman ang sasakyan, at walang kahit na sinong tao ang nasa loob ng sasakyan.Ang mga nerbyos ni Carlo ay biglang lumuwag at muli itong nawalan ng malay.Dylan: “Boss, Carlo!!!” sigaw ng sekretarya.Bandang hatinggabi na naman nang magising muli si Carlo.Ang mga damit nito ay basang-basa ng pawis, itinapon niya ang kumot at tumayo, agad na pumasok ang bodyguard matapos marinig ang ingay galing sa loob, ngunit pinakawala niya ito, pagkatapos maligo ay maayos itong nagpalit ng damit.Naka upo si Carlo sa isang sofa sa kwarto ng ospital na para bang walang malay.Madilim ang kanyang silid, tanging ang liwanag ng buwan lamang sa may bintana ang siyang nagbibigay ilaw, isinandal niya ang ulo sa may sofa, habang nanlalabo ang mga mata, at tahimik na nakatingala.Pagsapit ng umaga, agad siyang pinuntahan ng kanyang sekretarya na si Dylan, nadatnan siya nitong nakatulog sa may sofa, at walang kumot na dala.Ginising niya ito at sinabi, “Boss Carlo, tinignan
“Hindi na muling mag-aasawa si Nanay, anak… Nais ko na lamang mamuhay ng tahimik kasama kayo nina Kenzo at Bella. Gusto mo ba iyon, Kerby?” Mahinahong sinabi ni Thessa sa lalaking anak. Hindi kaagad nakasagot si Kerby, subalit alam niya sa kanyang sarili na gusto niya rin iyon. Gustong-gusto. Kapareho lang din iyon ng sinabi ng ama. Na kahit ano pa mang mangyari, ito ay mananatiling ama ni Kerby at Kenzo at ang kanilang ina ay mananatiling kanilang ina. Bukod pa rito, mayroon din silang maganda at mapagmahal na tiyahin.Nang maisip na araw-araw na nitong makakasama ang nakababatang kapatid na babae ay biglang nawala ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Kaya naman ay gumuhit ang masayang ngiti sa kanyang mga labi at sunod-sunod ang naging pagtango niya sa ina. “Opo, Nanay! Gustong-gusto ko po iyon!” Hindi na mapigilan pa ang tuwa sa boses ng bata.Nakahinga ng maluwag si Thessa sa naging sagot ng anak. Bagama't mayroon siyang kaunting kumpiyansang papayag si Kerby na s
Nang dalhin ni Thessa ang tatlo niyang anak sa malawak na amusement park ng mga katuwaan, pumaroon din sina Trisha kasama ang anak niyang si Nathan. Mayroon silang mahalagang pagpupulong sa kumpanya ng mga Riverra kaya't nagpasya itong manatili na muna sa isang hotel.Dalawang adulto at apat na musmos ang lubos na nasiyahan sa lahat ng nakakalugod na pasilidad ng parke ng mga bata. Paglabas nila, kapwa ang mga matatanda at mga bata ay puno ng saya at magagandang alaala.Kagagaling pa lamang ni Thessa magpaalam mula kina Trisha at sa mga kasamahan ng biglang tumunog ang cellphone number niya, isang mensahe galing kay Benjamin.Isang nakakagulat na balita ang kanyang narinig: napalaya na si Trixie, sa tulong ng makapangyarihang angkan ng mga Davilla.Habang papalubog ang araw, ang ginintuang sinag nito ay dumampi sa katawan ni Thessa, na para bang isang sagradong belo na naghahatid sa kanya ng karangalan at kadakilaan.Napukaw ng kanyang kagandahan ang pansin ng mga turistang nakapaligi
Subalit ang ebidensyang ipinasa ni Thessa ay taliwas sa resulta ng imbestigasyon. Natulala na lamang si Dylan sa kung saan dahil hindi niya alam kung paano niyang ipaliliwanag kay Carlo ang lahat. Sa kabilang banda, nakatayo si Carlo sa kanyang harden. Ang kanyang mga mata ay nasa malayong parte kung nasaan nakatanim ang mga inaalagaang rosas.Iyon ay isang klase ng rosas na galing pa sa bansang Pransiya, ang rosas ay isang bihirang kulay itim na lila na mayroong napakagandang disenyong talaga namang mabibighani ang sinumang makakita lalo na sa tuwing ito'y aamuyin. Ang mga rosas na iyon ay si Thessa pa ang personal na nagtanim ilang araw bago ang kanilang kasal. Sa paglipas ng mga taon heto at masagana na itong namumukadkad. Ang kambal na sina Kerby at Kenzo at nakasunod lamang sa isang katiwala, dala-dala ng mga ito ang plastik na takure na ginagamit sa pandidilig at may pag-iingat nilang dinidiligan ang mga halaman, lalo na ang rosas.“Mr. Carlo? Mr. Carlo? Mr. Carlo?” Sunud-sun
Kumunot ang noo ni Thessa at masama ng tingin sa lalaki.“Tinatawag ka ng anak mo.” aniya.Ibinaba ng lalaki ang kanyang paningin sa bunsong supling, at agad na nagpahayag, “Tay, maaari ko bang isama si Bella kina lolo at lola? Gusto ko siyang ipakilala.”Tunay ngang ang pagmamahal nito sa kanyang kapatid ay mas lalong lumalalim.Ngunit sa pagkakataong iyon, marahang hinila ni Kerby ang kamay ng kanyang kapatid at bahagyang nag-aalala ang kanyang tinig, “Hindi, ang ating kapatid ay maliit pa lamang at kailangan niyang manatili sa kanyang Ina.” Masusing tiningnan ng Lalaki ang panganay nitong anak.Namataan ang pagka dismaya sa mga mata ng bunsong anak, ngunit agad din itong napalitan ng ningning, “Kung gayon, bakit hindi natin isama si Nanay at Bella?” Isang mahinang usal na halos hindi marinig, “Hindi naman ito ang unang pagdalaw ni Nanay kina lolo at lola, Nay, sumama ka sa amin sa lumang bahay!” boses ni Kenzo.Kung ikukumpara ito sa saya at pag-asang sumisimbolo sa kanyang mga m
Si Thessa ay suminghal ng isang ngisi: “Wala akong pakialam diyan.” Tumalikod ito at naglakad palayo ng hindi na lumingon muli.Bago ito umalis, ipinag-utos niya sa mga bodyguard na huwag papasukin ang lalaki kapag dinala nito ang mga bata.Carlo: “...” Walang imik.Nakita ni Kerby ang pagbabalik ng kanyang Ina mula sa harapan ng kanilang tahanan, nag-iisa. “Nay, aniya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagtataka, “Nasaan si Tatay?”Yumuko si Thessa at marahang hinaplos ang maitim at malambot na buhok ng kanyang anak, “May pinadala lang ang iyong ama sa ospital,” wika niya, “Babalik rin ito mamaya upang sunduin kayo.”Si Kerby ay matalino at sensitibo mula pagkabata, bigla nitong naalala ang isang boses na naririnig niyang umiiyak.Isang tanong ang bumuo sa kanyang labi, “Si Tita, Trixie ba iyon?” Tanong niya sa sarili.Tumango naman si Thessa, hindi niya ito itinago sa anak niya.Mahigpit na hinawakan ni Kerby ang kamay ng kanyang Ina, isang matinding pighati ang sumasalamin sa kanyan
Ngunit sa mga sandaling iyon.Ang isipan ni Lalaki ay nakatuon lamang kay Thessa. Isang matinding antipatiya ang nararamdaman nito mula sa babae, hindi mawala-wala ang matinding pag-ayaw na nadarama nito mula sa kanya, isang bigat na palagi niyang nadadala nitong mga nakaraang araw pa.Ang mainit na kamay na nakadapo sa kanyang pulso ang siyang dahilan ng di komportableng pakiramdam ni Thessa. Ang mga salitang binitawan ng lalaki ay tila nag-aapoy at nakakasakal sa kanyang dibdib. Walang pagaalinlangan malakas niya itong tinulak palayo at napunta sa ilalim ng puno.Masyadong biglaan ang pagkilos ni Thessa. Hindi agad nakasagot ang lalaki, ngunit nang makabawi ito, nasa puno na siya, nakasandal sa puno ng kahoy dahil sa pagtulak ni Thessa.Matalim itong tinitigan ni Thessa, at ang boses niya ay puno ng sarkasmo, “Kahihiyan? Nagkamali siya, at naghahanap ako ng hustisya! Sa tingin mo ba ito ay isang kahihiyan?” galit na boses ni Thessa.Malinaw at gwapo ang kilay ng lalaki. kapag ito
Sinuri ni Carlo ang mahahalagang punto mula sa kanyang mga sinabi at halos naiintindihan niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Nais niyang kumuha ng isang tao upang ma imbestiga ang bagay na iyon.“Kung talagang siya ang may kasalanan, bibigyan kita ng katarungan.” Anito sa babae.“Ngunit kung gayon nga…”Hindi na natapos ng lalaki ang kanyang salita. Si Trixie ay sobrang nakosensya at halos hindi ito matingnan ang lalaki sa mata, ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iyak at hindi na tumigil.Isang awit ng kaarawan ang nasa likod ng bakuran.“Mauna ka nang umuwi.” sabi ni Carlo sa kanya.Nanlaki ang mga mata ni Trixie, na puno ng gulat at may mga luhang nag-uumpisa nang tumulo sa mga sulok ng kanyang mga mata. Alam niya na si Carlo ay isang maginoo, isang taong magalang at mabuting pakitunguhan ang lahat ng tao at bagay.“Hindi ba't sasama ka sakin pauwi?” tanong nito sa lalaki.Inayos niya ang sarili niya kanina para lang ito'y magmukhang kawawa at mahina, para kaawaan siya ng lalaki, n
Si Trixie ay umiiyak ng napakalakas, para bang ito'y mamatay na sa susunod na sandali.Ngunit ang mga bodyguard sa labas ng bahay nila Thessa ay hindi ito pinagbigyan ng pagkakataong lumapit sa pintuan, direkta itong tinapon na parang basura sa labas. Ang huli ay nahulog sa lupa nang mahiya-hiya.Nakasuot pa rin ito ng hospital gown, walang kung anong palamuti sa kanyang mukha, ang mga labi ay maputla at walang dugo, isang larawan ng matinding paghihirap at kawawaan.“Carlo, alam kung nandyan ka sa loob! Pakiusap lumabas ka at kausapin mo ako!” sigaw ni Trixie.“Gusto akong patayin ni Thessa, gusto niya akong piliting mamatay!” pag sigaw niya pa.Bahagyang sumimangot ang mukha ni Carlo nang marinig ang boses ng Babae. Maging ang mga tao na nasa loob ay naririnig din ang tila malakas na pag-iyak ni Trixie na para bang asong tumatahol at multong umuungol.Ngayon ang kaarawan nina Kenzo at Kerby. Napakasama ng timing ng pag-uugali ng Babae. Alinsunod nito, ang hindi maayos at pag simango
“Mahal na mahal din kita, Nanay!” Agad naman itong naunawaan ng magkasintahang Riverra. Ngunit si Thessa ang nagligtas ng buhay ng batang si Nathan, kaya hindi naman pagmamalabis na sabihing siya ang muling pagkabuhay ng kanyang mga magulang. Kaya naman, hindi naisip ng dalawang magkasintahan na may mali sa pagsigaw ng kanilang anak.Ngunit ang tagpong iyon ay may ibang kahulugan sa mga mata ni Carlo.Biglang nagdilim ang mukha ng lalaki.Ang malalim at guwapo na mga mata ay hindi nakaligtaan ang anumang emosyon sa mga mata ni Thessa. Sa sandaling itinaas ng babae ang mga sulok ng kanyang bibig at kumaway sa kanila, ang mga maitim na mga mata ni Carlo ay tila natabunan ng makapal na yelo, at ang boses nito'y bumaba ng ilang antas.“Thessa, hindi mo pa yata ako nasasagot.” Matigas na tanong ni Carlo.“Malapit na ang kaarawan ng aking mga anak, at inaanyayahan ko ang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kanilang kaarawan, may mali ba roon? Sagot ni Thessa.Bahagyang nawala ang mga ngiti s