Si Bella ay napakaliit, at naka siksik sa mga bisig ng kanyang Ina.Nang marinig ng bata ang pinag usapan ng matatanda, nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi ito makapaniwala na nagsisinungaling ang dalawa sa isang napa kyut na batang tulad niya.Kanina lang ay sinabi ng Tito niya sa kanya na ang mga kapatid niya ay nasa bahay nila, ngunit ng tanungin ito ni Thessa, sumagot ito na ang inaakala ay nasa Ina nila ang mga bata. Nagugulohan si Bella habang nag-iisip.Hinarap ni Bella ang kanyang Tito at tinitigan gamit ang kanyang mga inosenteng mga mata. Nagtatampo niyang sinabi, “Tito, nagsisinungaling ka sa akin!” Bahagyang nang init ang mga tenga ni Carlo ng marinig ang salita ng munting bata na para bang siya ay isang sinungaling. Ang malambot na mukha nito ay namamaga at nagmistulang parang isang puffer na isda.Nakaramdam siya ng kakaiba at pamilyar sa kanya.Hinaplos niya ang makapal at maitim na buhok ng isang bata at nangako, “Sa umaga ng sabado, ipapadala ni Tito ang mga kapatid
Nang marinig ni Carlo ang boses ni Thessa na puno ng pagaalala, agad siyang nagsalita. “Hindi, si Trixie ang nasa ospital dahil sa aksidente, kaya't dinila ko ang dalawang bata para dalawin siya.” pagpapaliwanag niya pa.At agad na napanatag ang loob ni Thessa ng masigurong nasa maayos na kalagayan ang mga Anak niya.Ang maliit na nilalang sa kanyang bisig ay nagniningning ang mga mata habang nakatingin ito sa kanya. Lumambot ang puso ni Thessa at hinalikan niya ito sa mukha. Habang marahan niyang tinatanong si Carlo kung kailan ihahatid nito ang dalawang bata sa kanila.Ang umaga ay lilipas na.Si Bella ay panay hintay pa rin sa dalawa niyang kapatid, kung kailan ito darating.Ayaw ni Thessa na nakikitang malungkot si Bella, kaya't sinabi niya, “Kung hindi ka komportable, ako nalang ang susundo sa mga bata.” Nalaman na si Carlo pala ang nakalimot dahil sa sobrang dami nito inaatupag na trabaho.“Naku, hindi muna ngayon, kailangan sumama nina Kerby at Kenzo sakin ngayon papunta kay T
Si Thessa Santiago-Davilla ay naniniwala pa rin na sa kabila ng nangyari kahit wala na ang matamis na pagmamahalan nilang mag asawa ay mananatili pa rin ang respeto nila sa isa’t-isa para na rin sa anak na kambal nilang dalawa.Sa limang taong pagsasama at patago nilang kasal ni Carlo ay masasabi niyang nagampanan niya ng maayos ang pagiging isang ina at mabuting asawa para sa nabuo nilang pamilya.“Congratulations, Mrs! Kayo po ay nag dadalang-tao.” Masayang bati sa kanya ng doktor.Nakangiting naglalakad palabas si Thessa ng hospital at hindi na nga ito mapakali pa na sabihin agad sa kanyang asawa ang isang magandang balita. At maya-maya ay pwede na rin nga itong masundo at ng ma-iuwi na sa kanilang bahay kasama ang kanilang kambal na anak. Ngunit naka ilang tawag na nga si Thessa ay hindi pa rin mahagip si Carlo. Ni hindi niya malaman kung lowbat lang ba ito o busy pa nga sa trabaho. Tinawagan niya rin ang sekretarya nito ngunit ganoon din naman, pareho silang hindi sumasagot ng te
Makalipas ang sampung minutong nakasilip si Thessa sa bintana ay nangunot naman ang noo ng sekretarya at saka nanlaki ang mata nito sa gulat “Ikaw ba iyan ma'am Thessa? Ang asawa ang aking boss!” Bigla ay nabuhayan ang sekretarya, marahil ay makakaligtas na sila ngayong ang asawa pala ng amo niya ang natagpuan nila. Ngunit kabaligtaran doon si Thessa. Ayaw niya silang makita rito. Kaya naman umalis siya mula sa pagkakasilip at mabilis na kinuha ang gamot. “Hindi niya ako asawa. Wala akong asawa.” Malamig na sinabi ni Thessa rito. “Kunin mo na iyang gamot at umalis na kayo rito.” At sa loob ng sasakyan sa dulong bahagi ay hindi parin maalis ang kanyang mga gwapong matang naka titig sa pigura ng babae sa ulan , ang kanyang mata ay madilim at nanlalabo.At sa loob ng sasakyan sa dulong bahagi, hawak-hawak ni Carlo ang anak na may lagnat, ang gwapong pares ng mga mata ay nakatitig sa pigura ng babae, ang mata nito ay madilim at nanlalabo. Marahil sa galit na nararamdaman. Masyadong
Binuhat ni Thessa ang kanyang Anak, at sabay halik pa nga sa mga magandang pisngi nito, tinignan ng may maamong mata sabay sabing “Anak, wag kang malikot , halika si mama nalang muna ang kalaro mo.”Kitang kita nalang ang pagiging malapit na mag Ina sa isat-isa.Kitang kita sa mata ng nakakatandang bata na si kerby ang pagka inggit habang ang nakababatang kapatid naman nito ay inalayo na lamang ang mukha sa kanila.Pagkatapos ng kanilang almusal, lumabas si Carlo kasama ang Sekretarya naghahanap pa nga ang mga ito ng paraan upang maka-alis na agad sa bahay na iyon kasama ang mga bata .Habang nasa labas sila, laking alala pa ni Thessa ang mga ilang minuto na pananatili ng mga Bata , iniisip niya parin ito kahit ilang taon silang hindi nagkita at kahit hindi siya mahal ng mga Bata , Anak pa rin ang tingin niya sa mga ito .Kaya lang… Napa simangot na lamang si Thessa dala pa ng mas lalong pananakit sa pakiramdam, ng pagtingin niya sa labas ay tila malakas pa rin ang bagyo at ulan hind
Ang batang si Bella ay lumapit kay Kenzo at dahan- dahan itong tinapik nang kanyang mga maliliit na kamay ang kanyang balikat. “Kuya, wag kang umiyak.” Si Kenzo ay dahang-dahang napa suyo ng kanyang maliit na Kapatid, “ ngunit hindi ako ang iyong Kapatid.” Batid niya pang pasabi ng mahinhin kay Bella.Napaisip na lamang na kahit ang masamang Babae ay hindi siya nakikilala. Napalingon na lamang ang Batang si Bella , dahil sa mga salita ni Kenzo na tila di maintindihan nang bata, kinuha na lamang nito ang isang garapon na lagayan ng kendi at hinanap ang kanyang Ina. “Nay, gusto ko ng kendi.” Hinawakan ni Thessa ang kanyang ulo at binigyan nga ito ng isa. “Ibigay mo kay kuya” Ang kendi na iyon ay paboritong paborito ng batang si Bella, at sa araw-araw na humihingi iyon ay isa lamang ang kanyang binibigay, para sa kanya ito ang pinaka magandang bagay kailanman.Nang makitang ibinigay niya ito kay Kerby , si Thessa ay napatigil saglit sa di inaasahang ganoon kabilis ang kanyang anak
Nang makita ang pag aatubili ni Kenzo, nakaramdam ng maayos na paghinga si Thessa, at gusto pa nga itong umalis kasama ang anak niyang babae na naka kapit sa kanyang mga bisig. Ang anak naman niyang si Kerby na nasa likuran, ay tila puno rin ito ng pag-aatubili .Palihim niyang sinulyapan si Thessa, gusto nitong magsalita ngunit hindi ito nangahas na ibinaba ang kanyang ulo sa pagka dismaya “ate behave?” Nakita naman iyon ni Carlo mula sa titig ng kanyang Anak sa pag-aatubili nito, kayat naisipan niya tawagin si Thessa at ng makausap niya ito. “Thessa, maari ba muna tayong mag usap.”Umiling si Thessa at daling tumanggi sa gusto niya. “Walang dapat pag-usapan! Maaaring maya-maya lang ay nariyan na ang asawa ko, kaya kung maaari ay makakaalis na kayo. Nagsitaasan ang mga kilay ni Carlo at napalingon na lamang ang kanyang mga mukha habang naka titig sa malamig na ekspresyon nito, ang mga nanlabasan na salita ay tila ba kasing talas pa nang isang espada na siyang ikinagalit nito.“Th
Gayumpaman, ang mga pinto sa silid ay hindi gaanong nakasara ng mahigpit , kayat sa akyat palang niya ay kita niya na ang dalawang maliit na Bata na nakahiga sa pamamagitan ng madilim na ilaw sa koridor. Ang dalawang bata ay nakatulog sa silid sa na inihanda ni Thessa para sana sa kanyang anak na si Bella, bagama't malaki naman ang kwarto nito, at nagkasya naman sila at nakatulog pa ng mahimbing. Sa tapat ng silid ng mga bata ay naroon din ang kwarto ni Thessa na hindi rin gaanong nakasara. Sa pag aakalang si Thessa ay nakapag asawang muli at nagka anak sila ng babae,‘’pasulyap nga na tingin ni Carlo , nakakuyom na lamang sa kanyang mga kamay at umalis nalang ito nang tila malungkot ang mukha. Kinaumagahan..Si Thessa ay hindi gaanong nakatulog at dahil mahimbing pa ang tulog ng anak nitong si Bella, ay nais niya munang bumaba upang maka inom muna ng mainit na kape. Upang maka baba at makapag kape ng maayos si Thessa, binuksan na lamang neto ang monitor bidyo na konektado sa ka
Nang marinig ni Carlo ang boses ni Thessa na puno ng pagaalala, agad siyang nagsalita. “Hindi, si Trixie ang nasa ospital dahil sa aksidente, kaya't dinila ko ang dalawang bata para dalawin siya.” pagpapaliwanag niya pa.At agad na napanatag ang loob ni Thessa ng masigurong nasa maayos na kalagayan ang mga Anak niya.Ang maliit na nilalang sa kanyang bisig ay nagniningning ang mga mata habang nakatingin ito sa kanya. Lumambot ang puso ni Thessa at hinalikan niya ito sa mukha. Habang marahan niyang tinatanong si Carlo kung kailan ihahatid nito ang dalawang bata sa kanila.Ang umaga ay lilipas na.Si Bella ay panay hintay pa rin sa dalawa niyang kapatid, kung kailan ito darating.Ayaw ni Thessa na nakikitang malungkot si Bella, kaya't sinabi niya, “Kung hindi ka komportable, ako nalang ang susundo sa mga bata.” Nalaman na si Carlo pala ang nakalimot dahil sa sobrang dami nito inaatupag na trabaho.“Naku, hindi muna ngayon, kailangan sumama nina Kerby at Kenzo sakin ngayon papunta kay T
Si Bella ay napakaliit, at naka siksik sa mga bisig ng kanyang Ina.Nang marinig ng bata ang pinag usapan ng matatanda, nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi ito makapaniwala na nagsisinungaling ang dalawa sa isang napa kyut na batang tulad niya.Kanina lang ay sinabi ng Tito niya sa kanya na ang mga kapatid niya ay nasa bahay nila, ngunit ng tanungin ito ni Thessa, sumagot ito na ang inaakala ay nasa Ina nila ang mga bata. Nagugulohan si Bella habang nag-iisip.Hinarap ni Bella ang kanyang Tito at tinitigan gamit ang kanyang mga inosenteng mga mata. Nagtatampo niyang sinabi, “Tito, nagsisinungaling ka sa akin!” Bahagyang nang init ang mga tenga ni Carlo ng marinig ang salita ng munting bata na para bang siya ay isang sinungaling. Ang malambot na mukha nito ay namamaga at nagmistulang parang isang puffer na isda.Nakaramdam siya ng kakaiba at pamilyar sa kanya.Hinaplos niya ang makapal at maitim na buhok ng isang bata at nangako, “Sa umaga ng sabado, ipapadala ni Tito ang mga kapatid
Akmang aalis na sana si Carlo ng makita niyang bumukas ang pinto ng bakuran.Isang maliit na pigura ang tumatakbo patungo sa kanyan.Niyakap ni Bella ang mga binti ni Carlo, tumingin ito sa kanya ng may kasiyahan at ang boses nito ay malambing na tila nagpapa kyut.Paulit-ulit itong tinatawag ng batang babae, “Tito, Tito.” habang nakabukas ang kanyang mga bisig at humihiling ng isang yakap.Nang maramdaman ng bata ang pagbuhat sa kanya, masayang sinipa niya ang kanyang mga paa, niyakap ang leeg ni Carlo, at sumilip sa likod ng sasakyan.“Kuya?” Sigaw ng maliit na bata sa bandang likuran ng sasakyan.Ang maliit na bata na nasa mga bisig niya ay amoy kakapunas lang, at may konting amoy ng gatas na kakainom lang din, si Carlo ay naantig sa amoy ng bata.Napansin ni Carlo ang suot nitong isang pirasong pajama, bahagyang sumimangot ang noo niya, at kinuha ang kanyang jacket sa likod ng sasakyan at mahigpit na ibinalot ito sa bata.Paliwanag niya sa bata, “Ang kuya mo ay nasa bahay.” Ang m
Kumpara sa kanyang sigla at kaligayahan.Nanikip naman ang dibdib ni Kerby, at tumingin sa kanyang Ina nang may pag-aalala.Niyakap din siya ni Bella ng napakahigpit, at ang kanyang mapuputing mukha ay lumapit sa kanyang pisngi, at nagsalita ng mahina.“Si Bella ang pinaka nagmamahal kay Nanay.” lambing pa niya.Ngumiti si Thessa ng nakakaaliw, “Ayos, lang si Nanay.“ sagot pa nito sa anak.At sa sandaling iyon, dinala na sila ni Thessa sa nakalaan na silid para sa kanila.Habang naglalakad sila, dumaan sila sa silid ni Carlo, at narinig nila ang mga usapan tungkol sa “Pagpili ng petsa” “Pagkakaisa ng dalawang pamilya.” “Marriage certificate.” At iba pa. Nagpatuloy sa paglalakad si Thessa kasama ang tatlong bata ng hindi lumilingon sa kanila, hindi napansin na nakatingin pala sa kanya ang lalaki sa bandang kiliran.Kahit pa ang batang si Kenzo ay sobrang malikot at mapaglaro, naging masunurin ito sa kanyang kapatid.Nais sanang puntahan ni Kenzo ang kayang Ama, ngunit pinipigilan siya
Sumandal siya sa upuan at natulala ng ilang sandali bago na tauhan. Nawala ang lamig sa mga mata niya at napalitan ng init.Agad niyang ibinalik ang kendi sa kanyang bulsa at halata ang saya na hindi maitatago sa kanyang mga mata.Ang oras ay kasingbilis ng kidlat..Pagtunog ng bell sa eskwelahan, paglalabas ay agad na tumakbo ng sabay sina Kenzo at Kerby palabas ng kindergarten dala ang mga bag nila. Si Thessa ay nag iwan ng numero ng impormasyon at litrato kaninang umaga bago nga ito umalis, kaya't alam ng guro nila na siya ang nanay ng dalawang bata. Binitawan ni Bella ang kamay ng kanyang ina at tumakbo patungo sa dalawa nitong kapatid pagkakakita. Sa pagkakataong iyon, niyakap niya ang kapatid niyang si Kenzo na siyang ikinagulat nito. Tiningnan siya nito ng may galak sa kanyang mukha, “Bella.” Itinaas ni Bella ang kanyang mga mata, at ang kanyang mga ngiti ay kasing sikat ng mirasol, “Kuya” Nakaramdam ng tuwa ang nakakatandang kapatid nila dahil sa magandang relasyon ng dal
Kinabukasan.Pagkatapos maghilamos ay agad na nagtungo sina Kenzo at Kerby sa silid ng kanilang ama.Si Carlo ay bihira lamang magpuyat, ngunit kagabi ay hindi siya makatulog. Para may iniisip siya habang nakatitig sa abo ng insenso na nasa mesa katabi ng kanyang hinihigaan na kama.Pagpasok na mga bata, ay saktong katatapos lang din niyang maligo sa banyo, at nag bihis ng malinis na damit na dinala ng sekretarya kaninang umaga.Hawak ng dalawang bata ang tag-iisang binti ng kanilang ama, tumingala ito sa kanya at nakahinga ng maluwag ng makita na maayos na siya. Naiwan si Bella, nakita niya ang dalawang pendant sa dalawang binti ng tito niya at napakagat sa kanyang labi, saglit na napaisip ang bata na dalawa lang ang binti ng tito niya at wala siyang mahawakan.Lumapit si Bella kay Carlo, maputi at namumula ang mukha niya, na kaliligo lang at amoy pabango pa, ang lambot at kinis ay kapansin-pansin.“Tito, buhat mo ako.” ang lambing na sabi niya.Dalawang segundo naisip ni Carlo, at
Pag pasok palang nila Kenzo st Kerby ay umiiyak na sila at sumisigaw, “Tatay..”Malungkot na hinawakan ni Carlo ang mga mukha ng mga bata habang pinagmamasdan ang takot na takot nilang mga itsura, “Pasensya na, tinakot kayo ni tatay.” Tumingala si Kerby sa kanyang ina at umiiyak parin ito habang nagtatanong, “Nay, maayos na po ba si Tatay?” Si Thessa naman ay marahan na tumango at pinunasan ang mga luha ng bata at malumanay niyang sinabi, “Kailangan muna ni Tatay magpahinga, si Kerby naman ay dadalhin niya ang kapatid niya sa kwarto ng higaan, okay?” Mas malambing pa ng tatlong puntos si Carlo sa harap ng dalawa niyang anak.Hinawakan niya ang mga ulo nito at mahinahon niyang sinabi, “Matulog na kayo, ayos na si Tatay sumama na muna kayo kay nanay.” Habang naglalakad ang dalawang bata papasok sa kwarto, paulit-ulit itong lumingon sa kanilang Ama.Inilabas ni Thessa ang mga ito mula sa silid ng mga bisita at iniwan si Dylan para alagaan muna siya.Nang isasara na ni Thessa ang pint
Biglang kumirot ang puso ni Carlo. Nag-ingay ang kanyang mga tainga at tahimik ang mundo.Hindi niya marinig ang boses ni Thessa, o kahit boses ng mga bata. Parang nahulog siya sa isang bulkan patungo sa glacier sa isang iglap, at ang kanyang mga paa’y walang lakas.Lumipas ang ilang sandali.Humarap siya, huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Bumalik siya sa dating ayos, pero mas malamig ang kanyang tono ng pananalita kaysa kanina.“Hindi ko ibibigay sa iyo ang kustodiya ng bata.” Matigas niyang wika sa babae.Naalala ni Thessa yung pag-uwi nila ni Trixie galing sa mga magulang niya. Limang taon na pala silang kasal noon, mula ng isilang ni Thessa ang anak nila, nagmamakaawa pa ito na samahan siya sa kanila upang dalawin ang lola niya, pero ayaw na ayaw niya. Ang laki ng pinagbago…Aba oo nga naman, halata ang kawalan ng pagmamahal nito.Pinigilan ni Thessa ang pagkirot ng kanyang puso. Para sa anak, hindi niya pwedeng palalain pa ang sitwasyon ni Carlo ngayon. Diretsahan
Matangkad na matangkad ang lalaki, mas mataas pa ito sa kanya. Kakatapos lang niyang buhatin ang bata nang Matagal, kaya medyo na gusot na ang plantsadong pantalon niya, may pagka relax at kaswal ang dating.“Sa tingin mo ba, basta-basta lang akong nagtatapon ng gamit ng bata?” Malamig na tanong ni Carlo, ang kilay niya ay nakakunot.Masyado siyang malapit, kaya't naamoy ni Thessa ang mabangong shower gel sa katawan niya, parang pamilyar sa kanya ang amoy na iyon, parang yung ginagamit nila noong kasal pa sila.Umatras ng dalawang hakbang si Thessa palayo sa kanya.Naningkit ang malinaw na mga mata ng lalaki, at ang kanyang marangal at tahimik na ugali ay biglang naging malamig. Ang kanyang makapangyarihang awra ay nagpahirap sa mga tao na umatras.Tumingin si Thessa sa oras at mahinang sinabi, “Bella Anak, uuwi na ang mga kuya mo, magpaalam kana sa kanila.” Ngunit ang dalawang magkapatid ay parehong may ayaw na umalis.“Tay, pwede po bang dito nalang muna tayo magpalipas ng gabi?” D