ELVIS Simula nang malaman na buntis ako, palagi na akong nag ki-crave ng iba’t ibang pagkain. Hatinggabi, nagigising ako para maghanap ng prutas o kung anu-anong klase ng pagkain. Mabuti na lang at laging may nakahandang pagkain sa refrigerator, pati mga prutas. Nasa school ako ngayon at uwian na, kaya nag-aayos na ako para umuwi. Habang naglalakad sa hallway, may nakasalubong akong pamilyar na tao. Agad naman na kumakabog ang aking dibdib. Ilang buwan na ba ang lumipas mula nang huli kaming magkita? Walang pinagbago sa kanya. “Mag-usap tayo,” may awtoridad niyang sabi. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya at pumasok kami sa isang café na malapit lang sa school. Tahimik lang kaming dalawa. Wala rin akong balak na magsalita o makipag-usap sa kanya. “How are you?” Hindi ko inaasahan na ito ang magiging bungad niya sa akin. “Okay naman po,” sagot ko sa kanya. “Narinig ko ang nangyari, at hindi ko inaasahan na magagawa iyon ni Drake,” sabi niya. “At may nagsabi sa akin na m
Napangiti ako sa pag-alala na inaalagaan niya ako, at ang sarap sa pakiramdam. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad. "Thank you for being nice to me kahit ilang buwan pa lang tayong magkakilala," sabi ko. "I fell in love with you, kaya hindi mo ako masisisi kung ganito ako sa'yo," tugon niya sabay ngiti. Pagdating namin sa bahay, nakita namin ang ibang tauhan ni Rowan na nasa labas. Mukhang may nangyayari, base sa kanilang mga ekspresyon. Parang galit na hindi ko maintindihan, seryosong-seryoso din. "What's happening? May nangyari ba?" nagtatakang tanong ko habang tumingin kay Rowan na seryoso ang mukha at nakakunot ang noo. Nakakatakot siyang tingnan. "Go inside and don't come out. Stay in your room. I have something to deal with, okay?" seryosong sabi niya, sabay halik sa aking noo bago tuluyang tumalikod. "O-okay," sagot ko, medyo kinakabahan. Dali-dali akong bumaba ng kotse, at apat sa mga tauhan niya ang sumabay sa akin papasok sa loob ng baha
ROWAN Mabilis kaming nakarating sa ospital at agad na inasikaso ng doktor si Elvis pagdating namin. Nasa ER na siya ngayon. “Sana ay maayos ang lagay ng anak ko at ni Elvis,” tahimik kong dasal. Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad, hindi ko mapakalma ang aking sarili. Natatakot ako para sa mag-ina ko. I don't believe in HIM, but why can't I stop myself from praying? “Boss, kalma ka lang, walang masamang mangyayari sa kanila,” sabi ni Clark, na pilit akong pinapakalma. Pero hindi iyon uubra sa akin. Napaupo na lang ako. “Mr. Rowan?” Agad akong tumayo ng tawagin ang aking pangalan. “Yes, Doc. Kumusta siya?” tanong ko. “She is stable. As for the child… I’m sorry to say, wala na. The baby is gone. Mahina ang kapit ni baby. Sorry for your loss.” Parang nabibingi ako sa sinabi ng doktor. At tanging lakas ng kabog sa aking dibdib lang ang maririnig. "Wala na? Wala na ang baby ko? Wala na, Doc?” sambit ko sa mahinang boses at sunod-sunod ng tumulo ang kanina ko pa pinipigilan luha.
Tahimik lang na nakaupo si Rowan sa harap ng dalawa, na medyo napailang sa kanya. Iba rin kasi ang aura ni Rowan kapag ibang tao ang kaharap niya.“Ilang taon niyo nang kilala si Elvis?” biglang tanong ni Rowan na parang nag-imbestiga.Nanlaki naman ang mga mata ni Shane dahil sa kaba. Matagal na niyang kilala si Elvis mula pagkabata pa lang. Childhood friend niya ito at kabisado niya ang buhay ni Elvis noong nasa poder pa lang ng ina.“She was my childhood friend,” sagot ni Shane na hindi magawang tingnan si Rowan sa mata.“Childhood friend? Kilala mo na siya simula pagkabata, pero sa huli, tinalikuran mo rin siya. Itinago mo sa kanya ang katotohanan, ang mas malala pa’y best friend ka n’ya. Ikaw dapat ang maging sandalan niya sa panahon na durog na durog siya,” sabi ni Rowan habang nakahalukipkip ang mga braso at binti niya. At seryosong nakatingin kay Shane.“At pinagsisihan ko naman ang ginawa ko. Nagsisisi ako dahil sinaktan ko siya, at wala ako sa tabi niya sa panahon na lugmok
Nakapagdesisyon si Elvis na pumasok na lang sa school, kaya agad-agad itong nagbihis at hindi na nagawang magpaalam kay Rowan, na mahimbing pa na natutulog dahil madaling araw na itong nakauwi galing trabaho. Nasa school campus na siya nang may nagkukumpulang mga estudyante sa entrance ng building. Hindi niya ito pinansin, ngunit isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanyang pangalan kaya agad siyang tumingin. "Elvis, are you free tonight?" tanong ni Kennedy, na hinihingal pa. Agad namang nag-ingay ang mga estudyante na nasa paligid nila. And the gossiping began. "Omg. Magkakilala sila?" "'Di ba ex 'yan ni Drake?" "Break na sila nun kasi daw nabuntis ng ibang lalaki." "Seriously? I can't believe it, she looks innocent." "It just proves that someone who appears innocent isn't always innocent—nasa loob ang kulo." Napairap na lang si Elvis sa mga naririnig. Hindi niya iniimikan si Kennedy gusto lang niya ng peace of mind. Nakalimutan na niya na may kaklase pala siyang K
“Mr. Rowan Laxx Walter, pumayag lang ako noon dahil sa offer mo. But now, kapag nag-offer ka pa, tatanggapin ko na lang ang pagbabantay sa asawa mo,” sabi ni Kennedy habang bumubuntong-hininga si Rowan. Nakapamaywang si Rowan at alam niyang hindi niya ito matatanggihan. Alang-alang sa siguridad ni Elvis ibibigay niya ang kanyang mga collection na billions rin ang halaga. “My latest motorcycle. You can have it. But promise me you’ll watch over her,” sabi ni Rowan. “Yes naman, ako pa,” sagot ni Kennedy. “So, what about me?” biglang tanong ni Lindsay. “Do the same thing, Lindsay. Don’t let those women hurt my woman. Understood?” Tumango naman ito agad. “Ano kailangan mo?" seryosong tanong ni Lindsay.“To date him," tugon naman ni Lindsay habang nakatingin kay Kennedy ng nakakaloko. “What? No way!" sigaw ni Kennedy at tumakbo palayo. Agad namang sinundan ni Lindsay si Kennedy. Napakamot na lang sa kanyang batok si Rowan at huminga nang malalim. Hindi pa rin umalis si Elvis
_ELVIS_ Hindi agad ako nakaimik sa diretsang tanong ni Lindsay. Siguro napansin niya na lumalayo ako kapag nariyan sila ni Kennedy. Mapait akong ngumiti at umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya, dahil hindi ko rin alam kung bakit lumalayo ako sa kanila. Okay naman kami ni Rowan, at mukhang wala namang sila ni Lindsay. Baka nga nag-o-overthink lang ako nung makita kong hinalikan ni Lindsay sa pisngi si Rowan. Dahil sa mga nangyayari, hindi ko na rin nagawa pa na tanungin si Rowan tungkol kay Lindsay. "H-hindi naman," matipid kong sagot sa mahinang boses. "Pero bakit ka lumalayo kapag lumalapit kami?" "Ayaw ko kasi ng gulo," tugon ko. "Pero, we can protect you. No one can harm you when we're around." "Hindi ko naman kailangan ng proteksyon n'yo. I can protect myself," saad ko. "Talaga? Pero bakit mo hinahayaan na insultuhin ka lang ng mga tao sa paligid mo?" pagalit niyang tanong. Bumuntong-hininga ako at hindi alam kung ano ang sasabihi
Nakakabingi ang katahimikan. Mga matang hindi ko maintindihan o mabasa. Tulala lang akong nakatingin kay Rowan at sa babaeng kasama niya, na may ngiting nakakaloko sa kanyang mga labi, na para bang tinutukso ako. Unti-unti ko nang nararamdaman ang panginginig ng aking katawan. Ang sakit pagmasdan. Mahapdi na ang aking mga mata, kasunod noon ang sunod-sunod na pagbagsak ng aking mga luha. “Elvis? A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Rowan habang dahan-dahang lumalapit sa akin. "Akala ko nasa bahay ka na," dagdag niya, nakangiti. “Oh. Siya ba 'yan?" narinig kong tanong ng isang lalaki. “Maganda siya, at may karisma. Kaya ba baliw na baliw si Boss sa kanya?" tanong naman ng isa pang lalaki. “Maganda at mabait, mukhang inosente,” narinig kong sabi ng babae. “Pero wala pa rin 'yang binatbat sa kagandahan at kaseksihan ko,” usal ng babaeng katabi ni Rowan kanina. Hindi ko sila kilala. At hindi ako pamilyar sa kanila, kahit pa nakatira ako sa bahay ni Rowan, hindi ko sila nakik
⚠️ WARNING ⚠️ ELVIS CIENNA COSTE NASA canteen na ako at hinanap ko si Lindsay pero hindi ko talaga siya mahanap. Naiiyak na rin ako kasi pakiramdam ko ay galit siya sa akin. Sumobra na ata pang-ti-trip ko sa kanya. Trip ko lang kasi siyang asarin e, kaya inaasar ko talaga siya. I tried to call her again pero hindi talaga sinasagot ang tawag ko. “Nasaan ka na ba, Lindsay?" Ani ko at naiinis na, habang pinupunasan ang luha ko.“Are you looking for Lindsay ba?" May babaeng biglang lumitaw mula sa likuran ko. Hindi ko siya kilala, kaya paanong nakilala niya ako?“Yes’ Ma’am. Kilala n’yo po ba siya?” Tanong ko at palihim na sinusuri siya. Base sa kanyang suot ay mukhang hindi ‘to professor sa school. Halos kilala ko naman mga professor, at wala rin akong nabalitaan na may bagong professor sa school. O baka meron talagang bagong professor habang wala ako.“Yeah. I heard you mention her name, so I assume that it was her," aniya. Should I believe her? There’s doubt, but somehow may pakir
ELVIS CIENNA COSTELLO POVBUMALIK na ako sa school kahit ayaw akong papasukin ni Rowan. Ilang araw lang naman at magpapaalam na ako sa mga professor ko, para personal ko din silang makausap tungkol sa kondisyon ko. Uncomfortable ako pero kailangan ko itong gawin. After this ay totally na akong mag-stay at home at alagaan ang health. Para iwas stress na kami, lalo na ngayon na may mga taong gusto kaming patahimikin at isa na dun ang ex ni Rowan na obsessed sa kanya. Wala ako sa mood para makipag-usap, wala rin naman nakikipag-usap sa akin kaya medyo nakakahinga ako. Hindi nga lang maiiwasan ang mga matang mapanghusga, marahil alam na nila kung bakit matagal akong nawala sa school. At least alam ng mga professor kung bakit nawala ako. Ano ba pakialam nila sa buhay ko. "Hindi ba siya 'yong na buntis, matapos ang break up nila ni Drake?" -Student 01Gosh! Tagal na kaming break ni Drake, hindi pa rin pala sila naka-move on?"Yeah. And sadly, nakunan rin siya. Maybe it was karma? Kasi, di
ELVIS CIENNA COSTELLO POV HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mag-sink in sa utak ko na buntis ako. Kaya pala pangit palagi ang pakiramdam ko. Marahan kong hinahaplos ang tiyan ko at matamis na ngumiti dahil nabuntis ako agad. Akala ko ay matagal pa bago ako mabuntis sa ikalawang pagkakataon. Masaya ako dahil maaga dumating ang munting angel namin ni Rowan. Maskin siya ay hindi rin makapaniwala na sabihin ng doctor na nagdadalang tao ako. Dalawang araw na nung makalabas ako ng hospital. At dito na rin kami tumira sa bagong bahay. Nagulat nga ako ng sabihin niyang sa akin nakapangalan ang bahay at regalo niya raw ‘to sa akin. Mala-mansyon rin ang laki nito, at hanggang ngayon ay hindi ko rin lubos maisip na regalo niya sa akin ang bahay kapag naka-graduate na sa college. Pero iniisip ko ngayon kung makakaakyat ako sa stage at matanggap ang diploma ko. Wala naman masama kung tanggapin ko pa rin, complete ko naman na ang lahat ng subject ko. “Are you craving for something, Mi amor? Ma
ELVIS CIENNA COSTELLO POV BIGLA na lang akong nagising dahil sa sama ng aking pakiramdam. Nanlalamig ako at nahihilo na naman. Naalala ko bago ako makatulog ay nagsusuka pa ako. Palihim na nga lang akong nagsuka dahil ayaw kong mag-alala sila sa akin. Timing pa na sa araw ng kasal namin ko ‘to naramdaman. Hindi tuloy namin na-enjoy ni Rowan ang unang gabi na kami ay official ng mag-asawa. About sa honeymoon naman namin ay baka kapag nalaman ko na resulta nitong nararamdaman ko. Bumangon ako upang tunguhin ang banyo. Ngunit napagtanto kung wala pala sa tabi ko si Rowan. Nagpalinga-linga ako sa bawat sulok ng kwarto, sa balkonahe, sa sala, ngunit walang kahit anong bakas ng asawa ko ang naroon. Tinawag ko siya ngunit wala talaga. Tahimik na rin sa labas at wala na akong narinig na kahit anong ingay pa. Anong oras na rin kasi at baka napagod at nagpapahinga na. Hinanap ko na lang ang cellphone ko sa kama, ngunit imbis na cellphone ko ang makita ko ay ang baril ang lumabas mula sa
"Bolero ka talaga. Sinasabi mo lang 'yan para pagaanin ang loob ko. Pero huwag mo pilitin ang sarili mo na magustuhan ako. Okay lang ako," wika ni Lindsay kahit medyo mapait 'yon para sa kanya. She loves Kennedy, at tanging ang binata lang ang nakikita ng kanyang mga mata. She tried to forget him, pero imbis na kalimutan ay mas lalo pang nahulog ang loob niya rito. "I am not! I am sincere, and it's not sugar-coating. It's real, Lindsay. Believe me. I liked you, no, I think it's more than that," mariin wika nito. "Stop it, Kennedy. Ayaw kong napipilitan ka lang na mahalin ako, mabilis akong bumigay. And about what happened to us the other night, just forget it. I am not regretting it. Masaya ako," mahinang sabi ni Lindsay ngunit may bahid ng luha ang kanyang mga mata. Bakas din sa boses nito ang lungkot at sakit. Biglang niyakap ni Kennedy si Lindsay. Mahigpit na para bang ayaw na niya itong pakawalan. Nasasaktan si Kennedy dahil siya rin ang dahilan kung hanggang ngayon ay
"What information did you get this time, Frank?" Hillary asked, while circling her fingers on the glass rim. "Here, Madame. I took this picture, yesterday night, at Basco Batanes." Tumaas ang kilay ni Hillary at maiging tiningnan ang bawat litrato. "Nandun pa rin po si Chester, upang magbantay sa asawa niyo." Dagdag pa nito. Napatango si Hillary habang tiim bagang na tinitigan ang bawat litrato. She bite her lower lips at parang pinanggigilan niya ito. Kinuha niya ang baso na laman ang paborito niyang wine, at ininom ito ng isang lagok lang. "Ahhhhhhhhhhh..." galit niyang sigaw at tinapon ang baso. "I will kill that woman... arghhh..." Hillary shouted and gritted her teeth in so much anger. "Anong plano niyo, Madame?" tanong ni Frank. Parang sanay na sanay na ang lalaki sa ugali ng kanyang amo. Hindi man lang ito natakot o nakaramdam man lang ng kaba. Marahil isa siyang miyembro ng isang delikadong organisasyon kaya hindi na ito nakakaramdam ng takot o kaba. "Ako na ang bahala sa
NAKAHANDA na ang lahat para sa isang pinakamaligayang araw sa buhay nina Elvis at Rowan. Today will be their most memorable day of their life. Everything was settled down, the beach wedding. Habang nasa harapan nila ang Mount Iraya na napakaganda at kitang-kita mula sa gawi nila ang Lighthouse ng Basco Batanes. Lahat nang nasa paligid nila ay natural lamang kaya hindi na nila pinaganda pa ang venue dahil mas lamang pa rin ang natural na ganda na nasa harapan nila. Ang malakas na paghampas ng tubig dagat sa baybayin, at ang magandang kulay ng dagat na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa mga tao. Na para bang nakisaya rin sa ikakasal. The Mayor of Basco Batanes is already there waiting for the bride to be, while the groom patiently waited for his soon-to-be-wife. May kaba sa dibdib ni Rowan dahil sa wakas, mangyayari na ang matagal niyang hinihintay. Kahit pa mabilis ang kanyang pasya na makasalan agad si Elvis ay hindi niya alintana ito—dahil sa takot niyang mawala pa sa k
⚠️ TRIGGER WARNING ⚠️ WALANG pag-dalawang isip na pinutok ni Hillary ang baril sa isa niyang tauhan. Galit na galit ito dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakuhang matinong balita kung nasaan si Rowan. Baliw na baliw na ito kakaisip kung nasaan na ba ang kanyang dating asawa. Nagsisigaw, nagwawala, pinapaputok ang baril sa itaas, at sa kung saan. Walang pakialam kung may natamaan man o wala. "Mga inutil!! Walang mga silbi!" galit niyang sigaw sa mga tauhan na nakahandusay na sa sahig na wala ng mga buhay. "Ang simple lang ng inuutos ko, hindi niyo pa magawa?? Anong silbi niyo? Kaya nararapat lang na mawala kayo mga walang silbi!!!" "Ma'am, lahat po ng sinasabi niyo sa amin ay sinunod po namin. Kaso wala po talagang Sir Rowan sa lugar na pinuntahan namin. Lahat sila ay sinasabi na hindi umuuwi ang amo nila sa bahay." Paliwanag ng isang tauhan, ngunit hindi pa rin iyon pinalagpas ni Hillary at pinaputukan ang kabilang paa nito."Walang silbi! Magmanman kayo sa mansyon niya.
HINDI agad mag-proseso sa utak ni Elvis ang narinig mula sa kanyang Mommy. She was stun, confused, but suddenly remember what his Tito Romano said, earlier. He even intentionally mentioned — DADDY, ay dahil may pinapahiwatig pala ito sa kanya. May pag-aalala naman sa mukha ni Elvira. Wala pa naman talagang balak na amini n ng magkapatid ang tungkol sa bagay na ito hanggang sa matapos ang kasal. Pero parang panahon na rin para malaman ni Elvis ng katotohanan. Mas maganda nga na ito ang maghatid sa kanya sa altar sa araw ng kasal niya. Ngunit may pag-aalala para kay Elvira. 'Tito Romanoff is my real father?' Sa isipan ni Elvis. "Anak, alam kong nagtataka ka kung bakit magkasama kami ng Daddy mo. But, believe me hindi ko rin alam na siya ang ama mo. I just found out, two days ago." Agad na paliwanag ni Elvira. 'So, what about my dad? Alam ba nito na may anak siya?" sa isipan ulit ni Elvis. "Then, kilala ni Dad si Mommy?" tumango si Elvira. "Uhm. Nalaman lang ng daddy mo na ma