ROWAN Mabilis kaming nakarating sa ospital at agad na inasikaso ng doktor si Elvis pagdating namin. Nasa ER na siya ngayon. “Sana ay maayos ang lagay ng anak ko at ni Elvis,” tahimik kong dasal. Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad, hindi ko mapakalma ang aking sarili. Natatakot ako para sa mag-ina ko. I don't believe in HIM, but why can't I stop myself from praying? “Boss, kalma ka lang, walang masamang mangyayari sa kanila,” sabi ni Clark, na pilit akong pinapakalma. Pero hindi iyon uubra sa akin. Napaupo na lang ako. “Mr. Rowan?” Agad akong tumayo ng tawagin ang aking pangalan. “Yes, Doc. Kumusta siya?” tanong ko. “She is stable. As for the child… I’m sorry to say, wala na. The baby is gone. Mahina ang kapit ni baby. Sorry for your loss.” Parang nabibingi ako sa sinabi ng doktor. At tanging lakas ng kabog sa aking dibdib lang ang maririnig. "Wala na? Wala na ang baby ko? Wala na, Doc?” sambit ko sa mahinang boses at sunod-sunod ng tumulo ang kanina ko pa pinipigilan luha.
Tahimik lang na nakaupo si Rowan sa harap ng dalawa, na medyo napailang sa kanya. Iba rin kasi ang aura ni Rowan kapag ibang tao ang kaharap niya.“Ilang taon niyo nang kilala si Elvis?” biglang tanong ni Rowan na parang nag-imbestiga.Nanlaki naman ang mga mata ni Shane dahil sa kaba. Matagal na niyang kilala si Elvis mula pagkabata pa lang. Childhood friend niya ito at kabisado niya ang buhay ni Elvis noong nasa poder pa lang ng ina.“She was my childhood friend,” sagot ni Shane na hindi magawang tingnan si Rowan sa mata.“Childhood friend? Kilala mo na siya simula pagkabata, pero sa huli, tinalikuran mo rin siya. Itinago mo sa kanya ang katotohanan, ang mas malala pa’y best friend ka n’ya. Ikaw dapat ang maging sandalan niya sa panahon na durog na durog siya,” sabi ni Rowan habang nakahalukipkip ang mga braso at binti niya. At seryosong nakatingin kay Shane.“At pinagsisihan ko naman ang ginawa ko. Nagsisisi ako dahil sinaktan ko siya, at wala ako sa tabi niya sa panahon na lugmok
Nakapagdesisyon si Elvis na pumasok na lang sa school, kaya agad-agad itong nagbihis at hindi na nagawang magpaalam kay Rowan, na mahimbing pa na natutulog dahil madaling araw na itong nakauwi galing trabaho. Nasa school campus na siya nang may nagkukumpulang mga estudyante sa entrance ng building. Hindi niya ito pinansin, ngunit isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanyang pangalan kaya agad siyang tumingin. "Elvis, are you free tonight?" tanong ni Kennedy, na hinihingal pa. Agad namang nag-ingay ang mga estudyante na nasa paligid nila. And the gossiping began. "Omg. Magkakilala sila?" "'Di ba ex 'yan ni Drake?" "Break na sila nun kasi daw nabuntis ng ibang lalaki." "Seriously? I can't believe it, she looks innocent." "It just proves that someone who appears innocent isn't always innocent—nasa loob ang kulo." Napairap na lang si Elvis sa mga naririnig. Hindi niya iniimikan si Kennedy gusto lang niya ng peace of mind. Nakalimutan na niya na may kaklase pala siyang K
“Mr. Rowan Laxx Walter, pumayag lang ako noon dahil sa offer mo. But now, kapag nag-offer ka pa, tatanggapin ko na lang ang pagbabantay sa asawa mo,” sabi ni Kennedy habang bumubuntong-hininga si Rowan. Nakapamaywang si Rowan at alam niyang hindi niya ito matatanggihan. Alang-alang sa siguridad ni Elvis ibibigay niya ang kanyang mga collection na billions rin ang halaga. “My latest motorcycle. You can have it. But promise me you’ll watch over her,” sabi ni Rowan. “Yes naman, ako pa,” sagot ni Kennedy. “So, what about me?” biglang tanong ni Lindsay. “Do the same thing, Lindsay. Don’t let those women hurt my woman. Understood?” Tumango naman ito agad. “Ano kailangan mo?" seryosong tanong ni Lindsay.“To date him," tugon naman ni Lindsay habang nakatingin kay Kennedy ng nakakaloko. “What? No way!" sigaw ni Kennedy at tumakbo palayo. Agad namang sinundan ni Lindsay si Kennedy. Napakamot na lang sa kanyang batok si Rowan at huminga nang malalim. Hindi pa rin umalis si Elvis
_ELVIS_ Hindi agad ako nakaimik sa diretsang tanong ni Lindsay. Siguro napansin niya na lumalayo ako kapag nariyan sila ni Kennedy. Mapait akong ngumiti at umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya, dahil hindi ko rin alam kung bakit lumalayo ako sa kanila. Okay naman kami ni Rowan, at mukhang wala namang sila ni Lindsay. Baka nga nag-o-overthink lang ako nung makita kong hinalikan ni Lindsay sa pisngi si Rowan. Dahil sa mga nangyayari, hindi ko na rin nagawa pa na tanungin si Rowan tungkol kay Lindsay. "H-hindi naman," matipid kong sagot sa mahinang boses. "Pero bakit ka lumalayo kapag lumalapit kami?" "Ayaw ko kasi ng gulo," tugon ko. "Pero, we can protect you. No one can harm you when we're around." "Hindi ko naman kailangan ng proteksyon n'yo. I can protect myself," saad ko. "Talaga? Pero bakit mo hinahayaan na insultuhin ka lang ng mga tao sa paligid mo?" pagalit niyang tanong. Bumuntong-hininga ako at hindi alam kung ano ang sasabihi
Nakakabingi ang katahimikan. Mga matang hindi ko maintindihan o mabasa. Tulala lang akong nakatingin kay Rowan at sa babaeng kasama niya, na may ngiting nakakaloko sa kanyang mga labi, na para bang tinutukso ako. Unti-unti ko nang nararamdaman ang panginginig ng aking katawan. Ang sakit pagmasdan. Mahapdi na ang aking mga mata, kasunod noon ang sunod-sunod na pagbagsak ng aking mga luha. “Elvis? A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Rowan habang dahan-dahang lumalapit sa akin. "Akala ko nasa bahay ka na," dagdag niya, nakangiti. “Oh. Siya ba 'yan?" narinig kong tanong ng isang lalaki. “Maganda siya, at may karisma. Kaya ba baliw na baliw si Boss sa kanya?" tanong naman ng isa pang lalaki. “Maganda at mabait, mukhang inosente,” narinig kong sabi ng babae. “Pero wala pa rin 'yang binatbat sa kagandahan at kaseksihan ko,” usal ng babaeng katabi ni Rowan kanina. Hindi ko sila kilala. At hindi ako pamilyar sa kanila, kahit pa nakatira ako sa bahay ni Rowan, hindi ko sila nakik
NAKALABAS na kami ng gate at namangha ako sa aking nakita. Hindi ko inaasahan na sa labas pala ng malaking gate ay may mga nakatayong kubo. Hindi ko mabilang kung ilang kubo ang nakatayo sa gilid ng kalsada. Hindi lang ito mukhang ordinaryong bahay kubo, dahil may sarili itong malaking tent na kapag uulan ay puwedeng gamitin bilang pantakip. Malaki talaga ito, at automatic na titiklop kapag parating na ang ulan. May kanya-kanya rin itong mga bangko at mesa sa labas. Nakakamangha lang talaga itong tingnan. Hindi ko inaasahan na may ganito pala dito sa lugar nila. Para itong hideout."Gulat ka ba?" narinig kong tanong ni Rowan. Sino ba ang hindi magugulat sa lugar na 'to? Parang tagong-tago nga ang lugar na 'to. Naalala ko rin kanina na may nagbabantay sa daan, kung saan kami dumaan, at may kinausap si Lindsay bago kami tuluyang nakapasok."Ikaw ba ang may pakana ng lahat ng ito?" tanong ko sa kanya. Tumango siya, sabay napahawak sa kanyang panga at minasahe ito."Yeah. Hindi rin madali
Ngumiti ako nang matamis sa kanya at dahan-dahang sumandal ang ulo ko sa dibdib niya. Sana nga ikaw na ang binigay sa akin. Hindi kita papakawalan, kahit ano pa ang mangyari. Gusto kong tumanda kasama ka. Gusto kong magkaroon tayo ng masaya at kumpletong pamilya. At kapag nangyari 'yun, hindi ko bibiguin ang mga magiging anak natin, lalo na ang magiging asawa ko na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko ipaparanas sa mga anak ko ang naranasan ko sa pamilya ko noon. Ang pamilya ang palaging uunahin ko. Alam kong masyado lang namin minamadali ang mga bagay-bagay. Gusto ko pa siyang lubos na makilala. Mas lalo kong idiniin ang aking tainga sa kanyang dibdib upang marinig ang kabog ng puso niya—nakakarelaks at nakakawala ng anumang alalahanin. Pero pwede naman siguro na magkasama kaming kilalanin ang isa’t isa, hindi ba? "Gusto kong iparanas sa'yo ang tamang pagtrato. Gusto kong ibigay lahat ng meron ako. Ang akin ay sa'yo rin, Mahal. Sulitin natin ang bawat araw na magkasama tayo," pabulong n