Share

15

Tahimik lang na nakaupo si Rowan sa harap ng dalawa, na medyo napailang sa kanya. Iba rin kasi ang aura ni Rowan kapag ibang tao ang kaharap niya.

“Ilang taon niyo nang kilala si Elvis?” biglang tanong ni Rowan na parang nag-imbestiga.

Nanlaki naman ang mga mata ni Shane dahil sa kaba. Matagal na niyang kilala si Elvis mula pagkabata pa lang. Childhood friend niya ito at kabisado niya ang buhay ni Elvis noong nasa poder pa lang ng ina.

“She was my childhood friend,” sagot ni Shane na hindi magawang tingnan si Rowan sa mata.

“Childhood friend? Kilala mo na siya simula pagkabata, pero sa huli, tinalikuran mo rin siya. Itinago mo sa kanya ang katotohanan, ang mas malala pa’y best friend ka n’ya. Ikaw dapat ang maging sandalan niya sa panahon na durog na durog siya,” sabi ni Rowan habang nakahalukipkip ang mga braso at binti niya. At seryosong nakatingin kay Shane.

“At pinagsisihan ko naman ang ginawa ko. Nagsisisi ako dahil sinaktan ko siya, at wala ako sa tabi niya sa panahon na lugmok
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status