Share

04

"Out of all people Elvis, bakit dun sa lalaking ‘yon pa! He’s a mafia boss, and the worst part is, siya pa ang pinaka-nasa taas sa grupo nila. Ibig sabihin, he's on a higher level in that society. Elvis, bakit?” napakunot-noo si Drake habang naninermon.

“Bakit ka ba nangingialam sa buhay ko? Buhay ko 'to, wala kang pakialam, Drake,” matigas kong sagot.

“I care for you. After all, may pinagsamahan tayo. Alam kong galit ka pa rin, pero Elvis, please, huwag yung lalaking ‘yun,” pagpupumilit niya.

“Hindi! Wala kang karapatan pigilan ako sa taong gusto ko. At saka, wala namang masamang ginawa 'yung lalaking 'yun. Nag-usap lang kami,” sagot ko. Na tahimik siya.

“May relasyon ba kayo nung lalaking ‘yun? Sabihin mo sa akin, are you in a relationship with him?” pakialamero na tanong niya, samantalang siya naman ang unang nanloko.

“To be honest, wala. He was just there for me when I was broken because of you. Hindi ako papasok sa isang relasyon kung ang puso ko ay hindi pa naghihilom mula sa sakit na pinagdaanan ko—na dulot mo. Sa tingin mo ba magiging okay ako kung papasok agad ako sa ibang relasyon? Hindi! Hindi ako ganun ka-desperada na makipagrelasyon para lang makatakas sa sakit. I am not stupid to enter into a relationship when I know I’m still healing and suffering from a breakup,” galit kong sagot sabay turo sa kanya. “I AM NOT HEALED, YET,” dagdag ko pa.

Na tahimik siya, habang ako naman ay tahimik na pinupunasan ang mga luha ko. Masakit pa rin, e.

“I’m sorry sa mga nagawa ko, Elvis. Ang duwag ko kasi hindi ko agad inamin sa'yo. Tinago ko ang relasyon ko sa iba habang tayo pa. Napaka-duwag ko at ang tanga ko dahil sinaktan kita. Patawad kung nagawa ko ‘yun,” pag-amin niya.

“Your apology won’t change anything; nangyari na ang lahat. Oo, masakit pa rin kasi mahal na mahal kita. Pero hindi ako magmamakaawa para bumalik ka sa akin. Tapos na ang lahat nung kayo na, kahit tinago niyo sa akin. Hindi ko kayo masisisi, baka iniisip niyo lang din ang nararamdaman ko. Ang mahalaga ngayon ay kalimutan na natin ang nangyari. Pero huwag kang umasa na babalik pa tayo sa dati,” mahaba kong sagot.

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita, agad akong umalis. Tinawagan niya ako matapos ang nangyari kahapon sa school.

Pag-uwi ko sa apartment ko, pagod na pagod ako at gusto ko na lang humilata sa kama. Pagpasok ko, dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Sunday bukas, ewan ko kung saan ako pupunta. Hindi ko rin alam kung magkano na lang ang natitira sa card ko. Hindi na rin ako nagpaparamdam sa pamilya ko, para saan pa?

Matapos kong maligo, nag-blower muna ako ng buhok bago matulog.

Isipin mo, isang mafia boss pala yung lalaking 'yun. Kaya pala nakakatakot siya, ang aura niya parang kakain ng tao. Nag-usap kami sa mansyon niya. Doon pala ako dinala nung gabing may nangyari sa amin. Hindi ko kasi maalala dahil umalis ako ng madaling araw. Sa guard lang ako nagpaalam nun, buti na lang at pinalabas niya ako at may isang lalaki na naghatid sa akin sa hotel. Kinabukasan, pinalayas ako ni Mama nung nalaman niya ang tungkol sa breakup namin ni Drake.

“About what happened that night, I want to take responsibility,” gulat na gulat ako sa sinabi niya.

“B-but kasalanan ko naman, di ba? Sabi mo, ako ang kumapit sa 'yo. Hindi mo kailangan mag-take ng responsibility. Ayos lang ako,” kinakabahan kong sabi.

“I can’t just leave you. I should take responsibility, whether you like it or not,” seryoso niyang sabi. Napalunok na lang ako. Bakit hindi ako makapagsalita?

Dapat akong magprotesta dahil ako naman ang nag-initiate. Pero lasing ako noon, wala naman akong intensyon na makipagtalik sa kahit kanino. It was just an accident. But it happened, and the worst part is, it happened with a mafia boss.

“Pero hindi pa ako handa. I was just heartbroken at that time. Yung five-year relationship namin ng boyfriend ko, nawala lang ng ganun. He cheated on me. Yung mga kaibigan ko, nagsinungaling din. Hindi nila sinabi sa akin ang totoo, at ngayon parang ang tanga-tanga ko,” hindi ko alam kung bakit ko pa kinukuwento sa kanya.

He looked at me seriously, as if he wasn’t interested in my story.

"Hindi kita pipilitin. Bibigyan kita ng oras para magdesisyon. Nandito lang ako kung kailangan mo ng kahit ano. Hindi ko pa man alam ang lahat tungkol sa'yo, pero handa akong alamin at matutunan," seryoso niyang sabi.

Mapait akong ngumiti, naalala ko tuloy kung paano ako napapayag ni Drake noong high school pa kami.

“Ganyan na ganyan din ang sinabi niya noon,” sagot ko sabay takip sa aking mukha.

Muli na namang nangilid ang aking mga luha.

“Ang luha mo ay mahalaga. Hindi mo dapat iniiyak ang mga bagay na nagdulot sa’yo ng sakit. At hindi ako katulad niya. Magkaiba kami,” seryoso niyang sinabi at pinunasan ang aking luha gamit ang kanyang hinlalaki.

Palihim na lang akong ngumiti dahil sa lakas ng kabog sa aking dibdib. Kinikilig ako. At nag-iinit ang tiyan ko at parang may nagwawala sa loob nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status