Share

07

Nasa school na ako at, tulad ng dati, walang pumapansin sa akin pagkatapos ng nangyari noong nakaraang linggo. Iyong mga mean girls ang nagsimula. Hindi ko sila kilala, at hindi ko rin alam kung bakit ang sama ng ugali nila sa akin—sobrang init pa ng ulo nila. Like, hello… inaway ako ng isa kasi raw nilandi ko si Kennedy.

Ano naman ang mapapala ko sa lalaking 'yon?

"Kay aga-aga, nakasimangot ka na agad." Muntik ko nang maluwa ang kape ko dahil sa biglang pagsulpot ng babaeng ito sa harap ko.

"Sorry, pero hindi kita kilala," agad kong sabi at nagpatuloy sa paglalakad.

Nasa canteen na ako kasi lunch time na. Ang bilis ng oras, sa totoo lang. Mamayang gabi, magsisimula na ang trabaho ko, 7-10 PM. Na-e-excite ako pero kinakabahan din.

"Ako nga pala si Lindsay Alfonso," pakilala niya sa akin.

"Elvis," matipid kong sagot.

"Anong department ka?" tanong niya.

"Business Management," sagot ko ulit.

"Bachelor of Fine Arts (BFA) Major in Sculpture," aniya habang panay ngiti sa akin, kaya naiilang ako.

"Oh, nice to meet you," sabi ko at nagpatuloy sa pagkain ng lunch ko.

"Excuse me for a minute, babalik ako kaya huwag kang aalis, okay?" sabi niya at tumakbo palayo.

Sa wakas, tahimik na rin. Nagpatuloy ako sa pagkain ng lunch ko nang biglang may nagbuhos ng tubig sa ulo ko.

"Oh..."

"Basang sisiw."

"Deserved!"

"Ang malandi, dapat pinapaliguan."

"Hahaha, tingnan mo ang mukha niya, parang iiyak na."

Napakuyom ako ng kamay dahil sa mga sinasabi nila at sa pagbuhos ng tubig sa ulo ko.

"Una si Drake, tapos ngayon si Kennedy. Girl, ang haba naman ng hair mo, no. Buti na lang wala si Kennedy ngayon, kundi magagalit ‘yun sa akin." Nakakairita na itong babaeng ito. Siya rin ‘yung babae noong nakaraang linggo na kilala yata ni Kennedy.

"Anong problema mo?" galit kong tanong habang tumayo ako at inangasan siya. Akala siguro nila ay hindi ko sila papatulan. Doon sila nagkakamali.

Kung dati ay kinakaya ko pa, ngayon hindi na. Wala na akong imahe na kailangang protektahan. I am not Elvis Cienna Costello anymore; I am nobody now.

"Angas mo, ah," sabi ng isa sabay tulak sa akin.

"Wag na wag mo akong itulak-tulak na parang may kasalanan ako sa'yo," pabalik ko ring tulak sa kanya.

"You sl*t!" galit na sigaw ng isa at bigla akong sinabunutan.

"Malandi ka!"

Galit na galit siyang hinihila ang buhok ko, at 'yung isa naman ay panay ang sapak sa likod ko.

Pinagtutulungan nila ako. I tried to fight back, but I am not strong enough para talunin sila.

"What's happening?" Napahinto kami dahil may sumigaw. Nakahawak pa rin sa ulo ko 'yung babae, at ang sakit ng pagkakahila niya sa akin.

"Sino ka ba? Wag kang makialam dito, ha! Kung ayaw mong madamay," agad na hinarap niya si Lindsay—siya pala 'yung sumigaw kanina.

"Ah, talaga? Halika dito at ilampaso ko yang mukha mo sa sahig!" Biglang napasigaw 'yung babae dahil hinila ni Lindsay ang buhok niya nang mahigpit.

Itinulak ni Lindsay ang dalawa, at mukha ngang malakas ang pagbagsak nila sa sahig. 'Yung isa na humablot sa buhok ko ay hawak na ni Lindsay.

"Let me go!" sigaw nito.

"No. Unless you say sorry to her," sabi ni Lindsay habang itinuturo ako.

"I won't apologize to that sl*t!" nanggigigil na sabi nito, para bang kakainin ako sa galit.

"F*ck. Don't you dare talk to her like that again. Kakalbuhin talaga kita," sabi ni Lindsay.

Tulala lang ako ng ilang segundo, nahihilo dahil sa lakas ng paghila nila sa akin.

"That woman flirted with Kennedy!" sigaw niya.

"Sino ang nangaakit sa sino? Ako? FYI, kakakilala ko lang kay Kennedy last week. Huwag kang tanga diyan," galit kong sagot, nanggigigil na ako.

"Sh*t! You b*tch! Aray! Tigilan mo na ang paghila ng buhok ko!" galit na sigaw ng babae kay Lindsay.

"Kakalbuhin kita kapag ginawa mo ulit 'to. You don't know me, Miss, and you don't know much about Kennedy. If he finds out what you did today, you might die," bigla akong kinilabutan nang sabihin ni Lindsay iyon.

"Elvis, anong nangyari?" hinihingal na lumapit si Drake sa akin, hinawakan niya ang braso ko at inayos ang buhok ko.

"I’m fine, Drake," sabi ko at umiwas sa kanya.

He can still act sweet in front of me after what he did, but I won't buy it. Nakakamiss yung panahon na sobrang sweet at clingy siya, pero wala na iyon; may pumalit na sa posisyon ko. Yung lalaking sana'y pakakasalan ko ay may iba na. At ang pinaka-masakit, kakakilala lang nila.

"Come with me to the infirmary; you're bleeding," hinila niya ako palayo ng canteen, at nagpadala na lang ako sa kanya.

Alam kong mali ito, pero pwede naman sigurong dumepende sa kanya, diba? Mahal ko pa rin siya eh.

Pagdating namin sa infirmary, agad akong pinaupo ni Drake. Walang nurse o doktor, kaya siya na ang nag-asikaso sa akin.

"Bakit ka inaway nila? Sino yung babae kanina, yung mahaba ang buhok? Kilala mo ba siya?" sunod-sunod na tanong niya sa akin, pero hindi ko siya sinagot.

Pumikit ako kasi ayaw ko siyang tingnan. Pinipigilan kong umiyak sa harap niya, kahit gustong-gusto ko siyang yakapin. Miss na miss ko na siya. Pero hindi pwede.

"E-Elvis, may masakit ba sa’yo?" nag-aalala niyang tanong.

"I think this is enough. Wala nang masakit sa akin. Thank you," tumayo na ako at aakmang aalis.

"Please, stop for a minute," bigla niya akong niyakap mula sa likod. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. "I missed you," bulong niya.

Dahil dito, hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Shh... I'm sorry. Sorry sa lahat-lahat. Hindi ko sinasadyang masaktan ka," sabi niya. "Wag ka nang sumama sa lalaki na ‘yon; he’s not a good person for you," dagdag pa niya.

"He is kind and sweet, Drake. He doesn’t make me feel unwanted," sabi ko at kumalas sa yakap niya.

"I have heard enough. Masakit pa rin para sa akin, pero makakalimutan din kita," sabi ko at tuluyan nang umalis.

"Elvis, wait," habol niya sa akin, ngunit napahinto siya dahil nasa harap namin ang kasintahan niya na si Hanna Monique Santejo.

"Baby? What are you doing here?" agad na tanong ni Drake at niyakap ang girlfriend niya sa harap ko.

Tumalikod na ako at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status