Chapter 34“Anak, mag-enjoy ka lang ha? Hindi ko alam kung hanggang kailan ito pero gusto kong i-enjoy mo ang bawat sandali.”“Kinakabahan talaga ako, Nang.”“Okey lang na kabahan ka anak. Ako man din ay kinakabahan ngunit isipin natin na bihira lang mangyari ito sa buhay mo, sa buhay natin kaya wala kang dapat gawin kundi ang mag-enjoy lang.”Alam kong marami pang gustong sabihin si Nanang sa akin ngunit kulang siya ng tamang salita para magamit niya. Hindi siya nakapag-aral kaya naiintindihan kong mas kinakabahan pa at nahihiya siya. Ako na mas may narating sa pag-aaral ang dapat nang aalalay sa kanya.Ginagap ko ang kanyang butuhan at magaspang na palad.“Tara na ho…”Bababa pa lang sana kami at bubuksan ang pinto ngunit nauna nang nagbukas ito. Nakita kong nakatayo roon si Jinx. Nakasuot ng asul na Americana at kulay blue rin ang kanyang pantalon. Puti ang kanyang panloob na binagayan din niya ng asul na tuxedo. Napaka-gwapo ng mahal ko. Lumabas ang pagiging mukhang expensive nito
CHAPTER 35May this affair forge bonds among all of us. May the fruit of this fulfilling activity be ours not only as keep safe but as wisdom, as an experience, as a piece of the magnificent gift named “life”. Ladies and gentlemen, let us welcome our participants in they dazzling gown and stunning americanas!”At nagsimula ang tugtog. Hinawakan ni Jinx ang kamay ko. Simula na ang isang gabing hindi ko nakita sa aking pangarap. Isang gabing inihanda at inihahandog ng lalaking patuloy na sumosorpresa sa akin. Nagtinginan kami.Lumakas ang kabog ng aking dibdib.Nagkangitian kami.Nakatulong iyon para ako’y tuluyang marelax.Natapos na ang lahat sa kanilang paglalakad. Pinatay ang ilaw. Nagulat ang lahat. Akala nila nagka-brown out. Hanggang sa tumahimik sila nang alam nilang sadyang pinatay lamang iyon para mas makita ang sinag ng spotlight na noon ay nakatutok sa amin. Bukod sa spotlight, ang mga nakasinding kandila na hawak ng mga participants na siyang nakahilera sa dadaanan naming
CHAPTER 36Lahat ay nagkakasiyahan na sa gabing iyon. Alam kong hindi alam ng aming mga teachers na may nakahalong alak sa aming mga inumin. Walang gustong mag-report dahil lahat ay nag-eenjoy. Ngunit mababanaag sa mukha ang pamumula. May mga nalasing na. Hindi mapigil ang ilan sa pagsasayaw. May mga nasuka. Dahil doon ay pinatigil ng aming Principal ang aming kasiyahan. Tinapos ang gabi na hinubad ko ang sapatos ko at tumakbo kami ni Jinx papunta sa kanyang sasakyan dahil nagkakaroon na raw ng imbestgasyon kung bakit nagka-gano’n.Dahil tipsy, pakiramdam ko mas nagiging wild na kami ni Jinx. Kung saan niya ako dadalhin wala akong pakialam. Tama si Nanang, nalasing ako ng kaligayahan ng gabing iyon. Nalula ako sa binigay nitong kaibahan at hindi ko na kontrolado pa ang aking nararamdaman. Sumusunod na lang ako kay Jinx sa kanyang lahat ng gustong gawin. Naging alila ako ng pagtitiwala sa kanya. Dahil nakainom, handa na ang loob ko sa kahit anong mangyari sa pagitan naming dalawa.Nang
Chapter 38Tinungo ko ang shower. Hinayaan kong iagos ng maligamgam na tubig ang aking nerbiyos. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para pakalmahin ang aking sarili. Hanggang sa naramdaman kong umiinit ng umiit ang tubig na parang nakakapaso na sa balat. Umuusok ito. Ganito ba kainit ang tubig ng mga mayayaman?Binuksan ko kasi ang pulang faucet. Napaisip ako. Baka nga hot ang ibig sabihin ng pula. Pinihit ko ang asul. Pinakiramdaman ang tubig. Hayon, okey na. Napangiti ako. Ganito ba talaga kapag galing sa hirap at sa tubig sa poso o kaya sa mga irigasyon lang naliligo?Muli kong hinayaan ang tubig na umagos lang sa hubad kong katawan. Gusto kong kalmado na ang aking isip at puso pagbalik ko sa kanya. Dapat nakahanda na ang kalooban ko pagbalik ko sa piling niya. Gusto kong hindi nangingibabaw ang takot ko at excitement sa performance sa aming unang pagtatalik. Lahat ng aking pagtatanggi noon ay parang kumunoy na hinigop ng pagmamahal ni Jinx. Hindi na ako makatatatanggi pa. Gusto kong
Chapter 39 “Kaya mo ba?” tanong niya sa akin. Huminga ako nang malalim. Kailangan kong kayanin. Unang pagkakataong gawin ko ito at hindi ko alam kung paano pero bahala na. Para kay Jinx. Para sa aking prinsipe, maninikluhod ako sa kanyang trono. Nang una nabibilaukan pa ako ngunit sinikap kong pagbutihin lalo pa't sinasabi naman niya kung masakit at may nasabit. Hanggang sa ang pagrereklamo niya ay napalitan ng halinghing na nauwi sa makamundong pagmumura. Alam kong nakuha ko na ang kiliti niya. Napag-aralan ko na ang bawat ritmo gusto niya. Hanggang sa bigla na lang niya akong hinawi at pinahiga. Siya na ang nasa ibabaw ko. Naramdaman ko na lamang ang dahan-dahang pagpasok ng kanyang pagkalalaki sa aking pagkababae. Iyon na ang hudyat na aangkinin na nga niya ako ng buum-buo. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa una. Napakagat ako sa aking labi habang pinagmamasdan niya ang aking mukha. Napaluha ako sa hapdi at ramdam ko ang pagkapunit ng aking pagkabirhen. Tumigil siya sandali. Ma
CHAPTER 40Bumukas ang pinto. Dahil nakatapis lang ako ng tuwalya ay mabilis kong hinawakan ang tuwalya at baka mahulog.“Ipatong na ninyo sa mesa yung almusal Manang. Pakisabi na rin kay Manong Julian na pakiayos na ang sasakyan ha? Aalis kami ni Khaye.”“Sige po sir.” Tinignan muna ako pababa at pataas ang tinawag ni Jinx na Manang bago niya dahan-dahang itinulak papasok ang dala niyang pinaglagyan ng pagkain. Ipinatong niya ang agahan namin sa mesa. May kasunod pang pumasok na dalawang babae na siyang mabilis na nag-set up sa mesa. May kung anu-anong mga dala sila na ipinatong sa tabi ng mga pinggan. Nang mailapag nila ay nakangiting lumabas ang dalawang babae at si Manang na lang ang naiwan na naglagay sa kung anu-anong napalaraming pagkain.“May kailangan pa ba kayo sir?’“Okey na Manang. Salamat po.”Bago lumabas ng kuwarto si Manang ay muli naman akong tinignan pataas pababa na para bang sinusukat niya ang aking pagkatao.“Bakit ganoon tumingin si Manang sa akin?” tanong ko nan
Chapter 41 “Take this para kay Tita.” Kinuha ko ang ibinigay niyang mga pagkain. “Kung nandiyan siya let me know para kausapin ko siya at makahingi ako ng dispensa ha?”“Paano yung mga gamit ko?”“I’ll take them na lang. Babalik ka naman dito hindi ba?”“Oo nandiyan man o wala si Nanang.”“Okey then dito na lang muna ako.”“Oyy Khaye! Galit na galit ang Nanang mo? Bakit daw hindi ka umuwi kagabi?” sigaw ng kapitbahay namin pagakabukas ko pa lamang at pababa ako sa sasakyan ni Jinx. Napatingin tuloy si Jinx sa akin.“E, paano uuwi eh inuwi na nga ng mayamang lalaki,” sagot ng tsismosa naming kapitbahay. Hindi na lang ako umimik ngunit ngumiti ako sa kanila.“Ang ganda mo sa suot mo Khaye. Baka naman may kapatid ‘yan. Yung sinasabi ko sa’yo, ireto mo naman ang anak ko oh, si Budang.”Hindi na lang ako sumagot.Tinungo ko an gaming bahay bitbit ang bigay ni Jinx. Pumanhik ako sa bahay. Nasa dulong hagdan na ako nang biglang may sumipa sa akin. Dahilan para mahulog ako sa hagdanan.“Mala
Chapter 42“Tanghali na, ngayon ka lang umuwi?”“Tita ako ho ang may mali. Ako ho ang dapat ninyong kagalitan.”“Pasensiyahan na tayo Jinx ha, pero anak ko ang gusto kong kausapin. Sinira mo ang usapan natin. Nangako ka kagabi na ihahatid mo si Khaye pagkatapos ng JS niyo. Huwag mong sabihing ngayon lang natapos ang JS?” “Pasensiya na ho talaga kayo tita. Sa bahay na nagpalipas si Khaye kagabi.” “Hindi iyon ang usapan natin kagabi kaya pumayag akong mauna nang umuwi. Nangako ka sa akin na ihahatid mo siya pagkatapos na pagkatapos ng JS.”“Patawad po. Iyon ho ang pagkakamali ko.”“Alam mo Jinx, si Khaye lang ang tangi kong yaman. Siya lang ang tanging meron ako kaya ganoon ko na lang siyang iniingatan. Nagtiwala ako sa’yo dahil nangako ka. Pinagbibigyan kita pero mukhang umaabuso ka.” “Sorry Tita. Sana…” “Puwede ka nang umuwi.”“Ho?’“Malinaw naman ang sinabi ko hindi ba? Sabi ko, pwede ka nang umuwi.”“Sana huwag ninyong