Share

BREAKFAST OF THE BILLIONNAIRES

CHAPTER 40

Bumukas ang pinto. Dahil nakatapis lang ako ng tuwalya ay mabilis kong hinawakan ang tuwalya at baka mahulog.

“Ipatong na ninyo sa mesa yung almusal Manang. Pakisabi na rin kay Manong Julian na pakiayos na ang sasakyan ha? Aalis kami ni Khaye.”

“Sige po sir.” Tinignan muna ako pababa at pataas ang tinawag ni Jinx na Manang bago niya dahan-dahang itinulak papasok ang dala niyang pinaglagyan ng pagkain. Ipinatong niya ang agahan namin sa mesa. May kasunod pang pumasok na dalawang babae na siyang mabilis na nag-set up sa mesa. May kung anu-anong mga dala sila na ipinatong sa tabi ng mga pinggan. Nang mailapag nila ay nakangiting lumabas ang dalawang babae at si Manang na lang ang naiwan na naglagay sa kung anu-anong napalaraming pagkain.

“May kailangan pa ba kayo sir?’

“Okey na Manang. Salamat po.”

Bago lumabas ng kuwarto si Manang ay muli naman akong tinignan pataas pababa na para bang sinusukat niya ang aking pagkatao.

“Bakit ganoon tumingin si Manang sa akin?” tanong ko nan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status