Share

RESCUED

CHAPTER 47

Bubuka pa lang sana uli ang bibig ng Daddy ni Jinx nang biglang sumingit si Jyles, ang pinsan ni Jinx.

“Tito ako na ho. Ako na ho ang bahala sa girlfriend ni insan.”

Huminga ng malalim ang Daddy ni Jinx. Halatang pinipigilan lang niya ang sarili niyang magalit.

Huminga ako ng malalim. Nanginginig.

“Khaye, anong yung ginawa mo?”

“Tumulong. Mali ba ang tumulong sa pagliligpit? Sa amin kasi uso ang bayanihan.”

Huminga siya ng malalim. Tumingin sa paligid saka siya tumingin sa akin.

“Alam ko, ganoon sa inyo. Ganoon rin naman sa amin. Kasi ako, I mean, kaming pamilya ang parang pinakamahirap sa lahat sa kanila kaya bihira akong um-attend ngganito. Kung hindi lang kay Jinx, wala ako dapat dito ngayon. Pero Khaye, kahihiyan sa kanila na bilang bisita ay gagawa ka ng trabahong nakalaan sa mga katulong lang. Guest ka rito at hindi binayaran para maghugas ng pinggan. Okey lang sana kung parang bisita ka lang na hindi girlfriend ni Jinx. Kaya lang kasi girlfriend ka ng anak nila, girl
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status